ALES
"Ales, nag-text ang kapatid mo sa 'kin."
Bigla akong nabalik sa realidad dahil sa sinabi ni Theo. My heart pounded in my chest as I hurried over to him. "W-what did you say?"
"Nag-text si Audrey." Binigay niya sa 'kin ang phone niya.
Kinuha ko agad at halos bumigay na lang ang mga tuhod ko dahil sa nabasa ko.
| Theo. This is Audrey Lim, Ales' sister. Can we meet? May kailangan kang malaman |
Kulang na lang ay mamuti ang kamay ko sa higpit ng pagkakakapit ko rito sa cellphone.
Ilang araw akong balisa at wala sa sarili, pero ngayon, nabuhay na naman ang dugo ko dahil sa galit. Hindi pa pala talaga sila tapos sa pangse-setup!
"Ano 'yung kailangan kong malaman?" bigla namang tanong ni Theo.
Ang seryoso na ng boses niya. Hindi na katulad kanina na malambing dahil nag-aalala siya sa lagay ko.
I looked up at him. Para akong natuyuan ng lalamunan at hindi ako makasagot nang maayos. "N-nothing. Don't believe her."
Tumalikod na agad ako at muling hinanda ang bag ko. "Sorry, I need to leave."
"Saan ka pupunta? Kararating lang natin."
"Pupuntahan ko si Audrey. I need to talk to her."
"Akala ko hindi maganda ang pakiramdam mo?"
Hindi na ako sumagot kasi ilang araw na akong nagpapalusot sa kanya at nakaka-guilty na.
Binitbit ko na ulit ang bag ko at dapat lalabas na ng bahay, pero bigla niya akong hinawakan.
This time, ang lungkot na ng mga mata niya. "Ano ba talagang nangyayari? Tinatakot mo na ako, Ales. Bakit nag-text sa 'kin ng gano'n ang kapatid mo?"
Inabot ko ang kamay niya at hinaplos sa isa kong pisngi. "I'm really sorry. Just let me do this, then I'll tell you everything. I promise. Sasabihin ko na sa 'yo lahat."
Hindi naman siya sumagot. Umiwas lang siya ng tingin para itago ang mukha niya.
Sobrang nasasaktan at naaawa ako na iiwanan ko siya nang ganito, pero kailangan ko talaga 'tong gawin. I need to confront that Audrey for what she did.
Tinalikuran ko na siya at pinilit ko talaga na hindi siya lingunin para hindi na ako lalong masaktan. Hindi ko siya kayang makita na malungkot.
Kumuha ako ng taxi at pina-diretso sa opisina ng kapatid ko.
My hands wouldn't stop trembling on my way there. Para rin akong maiiyak. Pakiramdam ko, bumalik ako sa araw na nagising ako mula sa pangba-baboy sa 'kin ni Eithan. Bumalik na naman sa utak ko lahat-lahat.
Pumikit ako nang mariin para kalmahin ang sarili ko.
For days, I was lost inside my own head. Kaunti na lang ay mababaliw na ako. Masyado akong nilamon ng trauma na hindi na ako nakabangon at naka-bwelo para sabihin kay Theo ang nangyari.
That was my fault. I should've told him sooner. Awang-awa na nga ako sa kanya kasi nakikita kong grabe na ang pag-aalala niya sa 'kin. Pumayag pa siya na lumipat kami ng bahay kahit na kaka-settle pa lang namin sa apartment. He gave me so many times to explain, but I chose not to.
Pinipilit ko namang palakasin ang loob ko para umamin na sa kanya e, pero hindi ko inasahan na ganito pa pala ang mangyayari. Na ang pamilya ko pa rin pala ang magti-trigger sa 'kin para magkaroon ng lakas.
I balled my hand into a fist. That text message from Audrey was another punch below the belt.
Pasalamat na lang ako na sinabi agad sa 'kin ni Theo ang tungkol doon dahil kung hindi, magkikita pa sila at sa kanya pa unang malalaman ng asawa ko ang lahat.
She's really a witch. Napakadumi niyang maglaro. Hindi pa talaga sila nakuntento sa ginawa nila sa 'kin. Talagang sisirain at sisirain pa rin nila ang relasyon namin ng asawa ko.
Lalo akong nanginig sa galit. I will not let that happen. I may be weak right now, but I will not back down.
Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa building na pagmamay-ari ng pamilya ko.
Umakyat agad ako sa opisina ni Audrey. Mag-isa lang siya sa loob at nagka-kape kaya hindi na ako nagdalawang-isip na pumasok.
Napatuwid agad siya ng upo pagkakita sa 'kin. "Oh hi, my dear sister. What a pleasant surprise."
Sinugod ko agad siya at walang habas na sinampal sa pisngi! "DEMONYO KA!"
Napapikit lang siya at imbis na masaktan sa lakas ng sampal ko ay bigla pa siyang ngumisi. "Wow. Ganito ka na pala bumati ngayon."
"You deserve more than that!" Dinuro ko siya sa kabila ng panginginig ng mga kamay ko. "You set me up! Anong klaseng demonyo ang sumapi sa 'yo, ha? Sarili mong kapatid pero hinayaan mong mababoy ng gano'n?!"
Umiwas lang naman siya ng tingin sabay muling humigop sa kape niya na para bang hindi man lang siya naapektuhan. "I don't know what you're talking about."
"Liar! You know exactly what you did! Pinapunta mo ako sa engagement party mo dahil may maitim ka ng balak. Ikaw pa mismo ang naghatid kay Eithan sa kwarto ko. I was drugged and abused, did you know that?"
Halos tumulo na ang mga luha ko dahil sa galit nang sabihin ko 'yon. Ang sakit-sakit maalala.
Hindi pa rin naman siya tumitingin sa 'kin. "Kung ano man ang ginawa ni Eithan sa 'yo, labas na ako ro'n. Dinala ko lang siya sa 'yo kasi gusto ka raw niyang makausap."
"Stop lying!" Hinampas ko siya sa braso sa sobrang gigil ko. "Napakasama niyong mag-ina. Wala kayong awa!"
Tsaka niya lang ako tiningnan. Pero nakangisi pa rin siya. "Okay, fine. Kung gusto mong umamin ako, e 'di aamin ako. We really did give Eithan the permission to do that. But as if namang hindi mo nagustuhan ang ginawa niya sa 'yo."
Nanlaki ang mga mata ko at napahakbang paatras. "W-what did you just say?" I clenched my hand into a fist, fighting to keep my anger.
"Bakit, totoo naman, 'di ba? I'm sure you enjoyed it. Gamitin mo na lang as experience at isulat mo sa mga libro mo."
Muntik ko na ulit siyang masampal! "Nakakadiri ka! That asshole raped me. Sinong babae ang matutuwa na maranasan 'yon!"
"Well, isipin mo na lang na 'yan na ang tulong mo sa pamilya natin. I had no choice but to do that, Alessia. Sinasakal na ako ni Mama para lang gawan ng paraan ang mga palubog nating mga negosyo. You were our last resort."
"Dahil lang sa negosyo? Ganyan na ba talaga kayo ka-uhaw sa pera at posisyon?"
"Siguro nga. Binigay ko rin naman ang buong sarili ko kay Samuel Chen kahit na hindi ko naman talaga siya totoong mahal, pero nagalit ba ako? Ikaw naman kasi, hindi ka marunong pumili ng pakakasalan. In our world, we can't marry for love, you know that. Kaya kasalanan mo rin kung bakit ka nagka-ganyan."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko, bigla ko ulit siyang sinampal! "Napakababa niyo para gawin 'yon sa sarili niyong kapamilya. Ang tagal niyo na ngang walang pakialam sa 'kin. Kung hindi pa kayo maba-bankrupt, hindi niyo naman ako maaalala. And you even texted my husband to meet with him? Para ano, sisiraan niyo ako sa kanya?"
"Not really. Aamin lang sana ako sa ginawa ko at hihingi ng tawad."
"Sinungaling! Kung may hihingan man kayo ng tawad, ako 'yon! Pero ni hindi niyo man lang ako nagawang kausapin pagkatapos ng nangyari." Tumapat ako sa mukha niya at gigil siyang dinuro. "I will sue you, do you understand that? I will sue you and your mother!"
Ngumisi lang naman ulit siya sa 'kin. "Is that supposed to frighten us? Go ahead. Tingnan natin kung kaya mong manalo sa 'min."
Lalo akong sumabog sa galit! Kinuha ko ang mainit niyang kape at binuhos mismo sa mukha niya.
"OH MY GOD!" Taranta siyang napatayo at hindi malaman ang gagawin dahil sa hapdi ng balat niya ngayon. "Alessia!"
"Dapat lang 'yan sa 'yo. I hope you and your mother both rot in hell!" Binasag ko pa ang tasa ng kape bago ako tuluyang umalis ng opisina niya.
Dumiretso agad ako sa pinakamalapit na banyo kasi pakiramdam ko magco-collapse na lang ako anumang oras.
I hurried into a cubicle and leaned against the closed door.
Sobrang nanginginig ako! 'Yun ang unang beses na sumabog ako sa kapatid ko ng gano'n, at pakiramdam ko, kulang na kulang pa. Sana pinagsasampal ko pa siya. Sana binasag ko na lang 'yung tasa ng kape sa ulo niya. She's a complete devil! Sukang-suka ako na sila pa ang naging pamilya ko.
Akala niya natatakot ako sa kanya? Itutuloy ko talaga ang pagsasampa ng kaso. Hindi ko sila uurungan!
Pinilit kong kalmahin ang sarili ko at mag-ayos ng itsura, tapos lumabas na ng banyo.
Nakita ko pa na nagkakagulo sa opisina ni Audrey, pero hindi ko na pinansin. Dumiretso na ako sa elevator.
Nanginginig pa rin ako sa galit nung makasakay na ako ng taxi pauwi. Pero kahit papaano, kumalma na ang utak ko.
Nakakapag-isip na ako nang maayos, at ang gusto ko na lang ngayon ay makauwi na kay Theo para makausap siya.
I promised him that I will tell him everything. Hindi ko pa rin 'to kayang harapin mag-isa. I need his help, and I know I need professional help, too. Ngayon lang ako naliwanagan sa mga dapat kong ginawa. I should have gotten myself checked, I should've filed a report or seeked legal assistance. Kaso hindi ako lumaban, e. Naunahan talaga ako ng takot at hiya.
Nagitla na lang ako nang biglang nag-ring ang phone ko.
Tumatawag si Jazz. Hindi ko na-realize na ang dami na pala niyang missed calls sa 'kin.
Wala akong lakas na makipagkwentuhan sa kanya. I knew she'd sense something was up with me. Kahit pa siya ang pinaka-matalik kong kaibigan, hindi ko kayang sabihin sa kanya ang nangyari sa 'kin. Nahihiya ako.
Hinayaan ko na lang na magsawa siya sa katatawag. After a while, I received a text message from her.
| Hey! Are you busy? Kape tayo! Sinabihan ako ng asawa mo na yayain kang lumabas kasi palagi ka na lang daw nagkukulong sa apartment. Mahal na mahal ka talaga no'n, eh, 'no? |
Napangiti ako nang mapait pagkatapos mabasa ang text niya. Hindi ko alam na kinausap pala siya ni Theo.
Lalo ko tuloy siyang na-appreciate. Lahat na lang talaga ng pwede niyang gawin para sa 'kin, gagawin niya. 'Yung pumayag pa nga lang siya na lumipat kami ng tinitirhan, malaking bagay na. Tapos 'yun pala, kinausap niya rin si Jazz. I really don't know what I did to deserve someone like him.
I miss him so much now. Gusto ko nang makauwi sa kanya.
Malapit na ako sa bago naming tinitirhan nang sakto namang tumawag si Theo.
Nakangiti pa ako nang sagutin ang tawag niya. "Hey..."
"Nasaan ka na?" But his voice sounded different. Parang pinaghalong lungkot at galit.
Bigla tuloy bumalik ang takot ko. Napatuwid ako ng upo. "I'm...I'm almost home. Why?"
"Bilisan mo. Gusto kitang makausap."
Napakapit na ako sa dibdib ko na ang lakas na naman ng kabog ngayon. "Bakit, may nangyari ba ulit?"
"Basta gusto kitang makausap." 'Yon lang ang sinabi niya, tapos binabaan niya na agad ako ng tawag.
I thought I had already pulled myself together, but I felt like breaking down again. Hindi niya ako binababaan ng gano'n. Please don't tell me may ginawa na naman ang pamilya ko. Ayoko na. Hindi ko na kakayanin kung sakali.
PAGKARATING SA BAHAY, bumaba agad ako ng taxi pero hindi ko magawang maihakbang ang mga paa ko papasok. Natatakot ako. Ramdam ko na may nalaman na si Theo at galit siya sa 'kin.
Pinilit kong umakto ng normal at tsaka tuluyang pumasok ng bahay.
Theo was standing near the kitchen, waiting for me. Pakiramdam ko, ibang tao ang inuwian ko. Ang lalim ng titig niya sa 'kin na tipong hindi ako makatingin pabalik sa kanya.
Lumapit ako at mahigpit na lang siyang niyakap. "I'm sorry. I'm really sorry."
Pero hindi niya ako niyayakap pabalik. He just stood still, completely emotionless.
Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya para maramdaman niya ako, pero hindi niya pa rin talaga ako niyayakap pabalik. I could feel my tears welling up in my eyes again.
"Ayaw mo na ba sa 'kin, Ales?" Tanong niya na nagpatigil sa 'kin.
I stepped back and stared at him with horror in my eyes. "W-what?"
Yumuko siya na para bang hindi niya na maatim na makita ako, tapos binigay niya ang cellphone niya. "Pinadala 'yan ng kapatid mo."
Nanginginig ang kamay ko nang tanggapin ang cellphone. Tiningnan ko ang pinadala sa kanya ni Audrey at tila gumuho na lang ulit ang mundo ko.
She sent him photos of me and Eithan naked in bed!
TO BE CONTINUED
• • •
AUTHOR'S NOTE: Hello, loves! Thank you so much for reading. This story is now COMPLETED on Patreon! If you want to read the chapters in advance, you may subscribe to my Patreon at www.patreon.com/c/barbsgaliciawrites. Thank you so so much for the support.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro