Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 34

ALES

"SIGURADO KA BANG ayos lang na hindi ako sumama sa engagement party?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Theo.

Napangiti ako nang mapait sabay hinawakan ang kamay niya habang nandito kami sa sasakyan. He drove me to my family's house tonight. Dito kasi gaganapin ang party ni Audrey.

"Everything will be fine, don't worry," I told him. "Gusto kitang kasama, pero baka uminit lang ulit ang mga mata ng nanay ko sa 'yo. I want to fix this mess first."

"Naiintindihan ko naman. Anong oras ka makakauwi?"

"I'm not sure, I'll just call you. Pero baka hindi mo na rin naman ako masundo kasi may trabaho ka. I'll just book a cab."

"Wag kang umuwi kapag alanganin ang oras. Diyan ka na muna sa inyo matulog. Bukas ka na nang umaga umuwi."

I smiled at him. "Thank you for being so understanding. Wag ka nang mag-alala."

Bumuntonghininga siya sabay umiwas ng tingin. "Ang hirap na hindi mag-alala. Baka may gawin na naman sa 'yo ang nanay mo nang hindi ko nalalaman."

"Audrey promised that she would help me."

"Akala ko hindi kayo close no'n."

"Hindi nga. But right now, she's my only hope. Malakas siya sa nanay namin kaya makikinig 'yon sa kanya." Hinaplos ko siya sa pisngi. "I'll be okay, hmm? Just trust me on this. Maaayos ko ang lahat at matatanggap din tayo ng pamilya ko."

Ngumiti na lang siya nang mapait. "Malaki naman ang tiwala ko sa 'yo." Nilapit niya ang mukha niya pagkatapos at hinalikan ako sa noo. "Sige na, late ka na sa party."

"Okay, I'll just text you later. I love you." Humalik ako sa kanya, tapos bumaba na ng kotse.

Inayos ko ang suot kong red dress at tinapangan ang loob ko, at saka tuluyang pumasok.

Sa garden ginanap ang engagement party ni Audrey. Medyo na-late nga ako ng dating. It's 8 PM now kaya marami-rami na ang mga bisita. Hanggang ngayon, ang hilig pa rin nila sa mga big parties.

I saw some familiar faces. Most of them, mga Chinese friends at business partners ng pamilya namin. I'm not good at socializing, so I just headed straight into the house.

Dito ko nakita si Audrey kasama ang fiancé niya.

"Audrey," tawag ko agad.

A quick grin flashed across her face the moment she saw me. Nagpaalam agad siya sa mga kausap niya bago ako nilapitan.

"Alessia. You made it." Marahan niya akong niyakap.

Nanibago ako kasi hindi niya naman ako normal na niyayakap, pero hinayaan ko na lang.

"I'm glad you're here," dagdag niya pa. "Akala ko hindi ka tutupad sa usapan."

I slightly rolled my eyes. "I have no choice, I need to be here. Basta siguraduhin mo lang na gagawin mo ang pinangako mo sa 'kin."

"Of course I will. I'm sure Mom will cooperate."

Tiningnan ko siya nang diretso. "I'm giving you my full trust on this one, Audrey."

"I know, and I won't let you down. Hayaan mo akong bumawi sa mga taon na hindi tayo nagpapansinan. Okay?" Hinaplos niya pa ang buhok ko. "O wait, ipakikilala kita kay Samuel."

Tinawag niya ang fiancé niya. Lumapit naman agad ito sa amin.

I know the Chens. They're good friends of my father. Pero ngayon ko lang talaga makakaharap itong Samuel na ito. I believe he works as a CEO.

"Sam, remember my sister, Alessia?" tanong dito ni Audrey.

"Of course," sagot naman ni Samuel sabay tingin sa 'kin. "You're the author, right? Audrey told me about it."

Tipid lang akong ngumiti. "Yes. Hi."

"Hi! Samuel Chen." He offered his hand for a handshake.

Nakipagkamay na lang din ako. "Congratulations on your engagement."

"Thank you. For sure, you're going to be at the wedding."

Napatingin agad ako kay Audrey kasi sa totoo lang, wala pa talaga siyang sinasabi sa 'kin tungkol sa kasal.

Ngumiti lang naman siya. "That's right, honey. Alessia will actually be my maid of honor. Are you okay with that, Ales? Your husband should be there, too."

My brows furrowed. Hindi ko inexpect 'yon kasi hindi pa talaga namin 'yon napaguusapan. Basta nag-decide na lang siya.

I just faked a smile. "I'll talk to my husband about it."

"Great." Bigla niyang tinapik ang balikat ko. "Go get yourself some food now. Hindi na kita ia-assist, bahay mo rin naman ito. Let's just meet with Mom and Lester after dinner."

"Yeah, I can handle myself. Enjoy your party."

Nagpaalam na ako sa kanila at tumalikod na agad para kumuha muna ng maiinom.

Hindi naman ako magpapaka-lasing kasi kilala ko ang sarili ko kapag nasobrahan sa alak. I just need a little drink kasi medyo hindi pa nagsi-sink in sa utak ko na nandito ulit ako sa bahay at nakikipag-halubilo sa mga taong matagal ko nang nilayuan. It feels weird.

"So, it's true. You really came."

Saktong kumukuha ako ng cocktail drink nang marinig kong magsalita ang nanay ko.

Nawalan tuloy agad ako ng gana. Kumuha na lang din ako ng makakain bago siya hinarap at tiningnan nang matalas. "Audrey asked me to come."

"I know. And I'm happy you did."

Inikutan ko lang siya ng mga mata sabay tumalikod na at bumalik sa bahay.

I don't want to talk to her. Si Audrey na ang bahala sa kanya. Hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang galit ko sa ginawa niya kay Theo.

Sumunod pa rin naman siya sa 'kin papasok sa bahay. Wala masyadong bisita rito.

"Finally, we're complete," sabi niya pa. "We should take a family photo. I'll call Audrey and Lester."

Napahinto ako sa paglalakad at muli siyang nilingon. "Ang saya mo pa, eh, 'no? Kung makapagsalita ka, parang wala kang kasalanan. Alam kong pinuntahan mo ang asawa ko sa pinagtatrabahuan niya."

"I won't deny that."

"You offered him money just so he'd leave me! Anong akala mo, gano'ng klase siya ng tao?"

"Yeah. I've belittled him at some point. Akala ko mukha siyang pera, pero hindi niya tinanggap ang alok ko. Perhaps he really does love you."

Napakunot ako ng noo kasi parang iba siya magsalita ngayon.

"Nakausap ka na ba ni Audrey?" hula ko.

"Actually, she did. Pinagsabihan niya ako na wag ka na raw guluhin dahil dati pa lang naman talaga, may sarili ka ng buhay."

What? Audrey didn't tell me about this. Akala ko hindi pa sila nakakapag-usap.

"Your sister said to just let you be happy," she added. "Siya na raw ang bahala sa mga problema ng kompanya. Susubukan niya kung kaya ng partnership with the Chens na isalba ang mga kompanya natin. So I guess we'll see. May tiwala ako sa kapatid mo. Kapag nagawan niya ng paraan ang lahat, then lucky you. I won't be needing you anymore."

Napabagsak ako ng mga balikat.

Wait, is this serious?

Nagtiwala rin naman talaga ako kay Audrey na tutulungan niya ako sa problema ko kay Mama, pero hindi ko inasahan na ganito kabilis at kadali.

Bakit kung magsalita 'tong nanay ko ngayon, parang hindi kami nagkasakitan nung mga nakaraang linggo? Gano'n na ba talaga kalakas si Audrey sa kanya para mag-iba agad ang ihip ng hangin?

Don't get me wrong. Ito ang gusto kong mangyari kaya nga ako nakipagkasundo sa kapatid ko, pero ang weird lang. It feels too good to be true, but I guess I'll just have to put my faith in it.

Huminga ako nang malalim. "Kapag nakatulong ang mga Chens sa problema ng mga kompanya, hindi mo na kami guguluhin ng asawa ko?"

"That's what Audrey and I agreed on. You should thank your sister. Pati ang dapat na responsibilidad mo sa pamilya, siya na ang umaako para lang maging masaya ka."

Napangisi ako. "Pasensya na kung pakiramdam niyo, palagi na lang akong walang ambag. Pinipili ko lang namang maging masaya kasi hindi niyo 'yon nagawang iparamdam sa 'kin kahit isang beses." Bumuntonghininga ako bago nagpatuloy sa pagsasalita. "You owe my husband an apology for what you did."

Siya naman ang napangisi. "'Yan ang hindi ko magagawa. I still don't like him for you. Kapag nakabawi na ang mga kompanya, hindi ko na kayo pakikialaman ng asawa mo, pero hindi ibig sabihin no'n ay tanggap ko na siya."

"I'm not asking you to accept him right away. I just want you to give him respect because he's still my husband."

Tinitigan niya ako nang matalas. Hindi ako umiwas ng tingin hanggang sa siya na lang ang sumuko.

Muli siyang napangisi. "Hindi naman talaga ako mananalo sa 'yo. I'll think about it, but I can't promise."

Nilapitan niya ako at marahang hinaplos sa buhok. "I missed talking to you this calmly. By the way, pinalinis ko pala ang kwarto mo. You can spend the night there if you want. Alam ko namang takot ka sa mga tao." Ngumisi siya tapos bigla nang tumalikod. "Enjoy the party, Alessia."

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang makalabas ng bahay at makabalik sa garden.

Ang hirap paniwalaan ng mga lumabas sa bibig niya ngayon. Parang hindi nanay ko ang kausap ko. But somehow, I'm glad things seem to be working out fairly well. I better call Theo and let him know about this.

NOONG LUMALIM NA ang gabi, napagpasyahan kong magkulong na lang muna sa kwarto.

Ang dami na rin kasing mga bisita na nakaka-kilala sa 'kin. Kinukumusta nila ako, pero hindi naman ako interisadong makipag-socialize.

I just grabbed another round of drink and then went straight to my room upstairs.

To be honest, na-miss ko 'tong kwarto ko. Naka-display pa rito ang mga childhood photos ko at mga photos namin ni Papa. I should probably take these to our apartment.

Nilagay ko sa box ang mga pictures, tapos tinawagan ko na si Theo para balitaan siya sa mga nangyari.

Ang bilis niya ngang sumagot na halatang naghihintay siya sa tawag ko.

"Hello? Miss na kita," sabi niya agad sa 'kin.

Napangiti ako. We may be married now, but I still get the butterflies whenever I hear his deep and handsome voice over the phone.

"Hey, I missed you too," I said. "Akala ko hindi mo maririnig ang tawag ko."

"Kanina pa ako nakaabang. Kumusta ka diyan? May ginawa ba sila sa 'yo? Sabihin mo lang para susunduin na agad kita."

I chuckled then took a sip from my drink. "Surprisingly, everything went well. Nakausap na pala ni Audrey si Mama at napapayag ito na wag na tayong guluhin. Si Audrey na lang daw ang tutulong na maisalba ang mga businesses."

Ang tagal bago siya nakasagot. Parang hindi rin siya makapaniwala. "Ayos na kayo? Gano'n kabilis?"

"It's too good to be true, I know. Pero wala naman na akong ibang maisip na dahilan kung bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Perhaps Audrey really did help me. Hindi ko pa ulit siya nakakausap kasi busy sila ng fiancè niya. I'm just staying here in my room."

"Pati ang Mama mo, nakausap mo na rin?"

"Yeah, siya nga ang nagsabi sa 'kin no'n. I don't know what's gotten into her. Hindi niya ako inaway, pero hindi pa rin naman siya mabait. I'll just tell you everything when I get home."

"Sige. Mukhang mahaba-habang kwentuhan na naman 'to. Ano nang ginagawa mo diyan? Hindi ka nagpa-party?"

Napangisi ako. "You know I hate people. Nakipag-usap naman ako sa ibang mga kakilala ko, pero naubusan agad ako ng social battery. But at least, may maiuuwi akong good news sa 'yo."

"Oo nga, mabuti naman kung gano'n. Makakahinga na ako nang maluwag. Kanina pa ako hindi mapakali."

"Stop worrying. Okay na." Tumingin ako sa wall clock bago nagpatuloy. "I miss you, but it's late now. Baka mahirapan na akong makakuha ng cab pauwi. I'll check if Mom or Audrey has an available driver here."

"Bukas ka na nang umaga umuwi. Diyan ka na matulog. Mag-aalala pa ako sa 'yo, anong oras na."

"It's okay that I stay here? Gusto ko pa rin sanang hintayin na matapos 'tong event para makausap ko nang mas maayos si Audrey."

"Ayos lang. Pamilya mo naman 'yan. Baka kailangan mo lang din silang makasama."

"Mas gusto ko kung ikaw ang kasama ko. But yeah, I think I should spend some more time here so they can completely accept us. Ginagawa ko 'to para sa 'tin."

"Alam ko naman. Sige na, magpahinga ka na muna diyan. Wag kang iinom nang marami."

I chuckled. "Of course, I won't. Naglalasing lang naman ako kapag kasama ka. Sige na, go back to work now. I'll just call you again tomorrow."

"Sige. I love you."

"I love you too." Binaba ko na ang tawag pagkatapos.

Sinwerte talaga ako sa asawa. Theo is the most understanding man I have ever met. Although hindi pa rin talaga ako sobrang panatag sa mga sinabi ng nanay ko, at least ramdam kong humuhupa na ang sitwasyon. And soon, I know everything will fall into place.

Uminom lang ulit ako ng dala kong cocktail drink, tapos pumasok muna sa banyo ko rito sa loob ng kwarto.

Mayamaya lang naman, may biglang kumatok sa labas. "Alessia? It's Audrey."

Saktong nasa toilet ako kaya hindi ko siya napagbuksan. "Come in, that's open," sabi ko na lang.

Narinig ko na bumukas ang pinto ng kwarto. "I have something for you. I'll leave it here. Let's talk later after the party."

Hindi na niya ako hinintay na sumagot. Narinig ko na lang ulit na lumabas na siya.

Naghugas lang muna ako ng mga kamay, tapos lumabas na rin ng C.R, pero pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, nagulat na lang ako nang makitang may ibang tao pa pala na nakapasok dito sa kwarto ko.

It's Eithan!

My eyes grew wide, and I froze in place as if I was paralyzed by his presence. "W-what are you doing here?"

Ilang oras na akong nasa party sa ibaba, pero ngayon ko lang nalaman na imbitado rin pala siya.

"Audrey told me you're here in your room," sagot niya sa 'kin. "Hinatid niya ako para makapag-usap tayo."

Napatingin agad ako sa nakasarang pinto, tapos nagbalik ng tingin sa kanya. "No. My sister won't do that."

"You just heard her, right? Sino sa tingin mo ang kumausap sa 'yo kanina?"

Napakuyom ako ng kamao sabay pikit nang mariin.

Shit. Hindi ko gusto 'tong pumapasok sa isip ko. Please don't tell me my own sister set me up.

Pinanlisikan ko na ng tingin 'tong si Eithan. "Get out of my room. You are not welcome here."

"Ales, I just want to talk to you."

"No! Wala tayong dapat pag-usapan kaya lumabas ka na."

"Saglit lang naman. Ikaw lang ang pinunta ko rito. I heard that you already got married. Was he the same guy you were with at my wedding?"

"And why do you care?"

Tuluyan na akong lumabas ng banyo at kinuha ang cocktail drink ko para inumin ang natitirang laman. Shit. Kailangan ko ng tapang para paalisin 'tong walang kwentang lalaking 'to sa harapan ko.

"So you two ended up together," sabi niya pa sa 'kin. "Akala ko may babalikan pa ako. I left my wife just for you."

Tiningnan ko siya nang masama. "You're disgusting, you know that? Proud ka pa talaga sa ginawa mo. Kung sabagay, ganyan ka naman talaga. Hindi mo kayang panindigan ang mga desisyon na pinapasok mo. I feel sorry for your ex."

"Don't be. Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko sa kanya. You may not believe me, but you're so much better than her. Sana ikaw na lang talaga ang pinakasalan ko. I wish I didn't call off our wedding."

"Too late, I'm happily married now." Tinaas ko pa ang kamay ko para ipakita ang suot kong wedding ring. "Salamat kasi kung hindi mo ako niloko, hindi ako makakalaya at makikilala ang asawa ko. Now leave before I call someone to carry you out."

"Ales, come on. Let's please talk about us. I'm sorry for everything I did. I was young back then. Gano'n naman talaga kapag bata pa, 'di ba? Nag-eexplore pa, gusto pa ng maraming experiences. Pero pinagsisihan ko lahat ng 'yon kasi nawala ka. When you came to my wedding, I was so happy. Kahit may ibang lalaki ka ng kasama, naramdaman ko na may epekto ka pa rin talaga sa 'kin."

Bigla niya akong nilapitan at hinawakan ang kamay ko. "I still love you, Ales. I'm willing to do anything just to win you back."

Nandiri ako at tinaboy agad ang kamay niya. "Asshole! Hindi ka ba kinikilabutan sa mga pinagsasabi mo? Umalis ka na! Wag mo na akong kausapin dahil matagal na tayong tapos at hindi mo na ako makukuha ulit!"

Bigla naman nang nag-iba ang dating niya.

He stood up straight and put his hands into his pockets before giving me an evil grin. "Hindi na kita makukuha ulit? Well, you're not really sure about that."

Nanindig ang mga balahibo ko sa paraan ng pagkakasabi niya. He's downright frightening.

At this moment, bigla na ring nag-iba ang pakiramdam ko at parang pinagpapawisan na ako nang malamig.

I tried to compose myself and just walked towards the door to make him leave, but I suddenly felt an intense dizziness.

Napahawak agad ako sa pader sabay kapit sa ulo ko.

Oh my god, what's happening? Umiikot ang paningin ko at para akong babagsak.

"Is everything okay, Ales?"

I heard Eithan asked in a calm and amused tone. Nilingon ko siya sa kabila ng panlalabo ng paningin ko at nakitang nakangisi lang siya sa 'kin habang hawak-hawak na ang pinag-inuman kong cocktail glass.

"I didn't expect it to take effect that fast," sabi niya pa.

My eyes instantly welled with tears when I realized what he did to me. Oh my god, no! No, no, this can't be happening! Pinilit ko pang maglakad para makatakas kahit na hilong-hilo na ako at naririnig na ang bilis ng pagtibok ng puso ko.

"AUDREY!" I screamed as loud as I could. "AUDREY, HELP ME!"

Hindi na ako nakaabot sa pinto kasi tuluyan na akong bumagsak sa sahig. I couldn't move my body and all I could feel were my tears running down my cheeks.

Naaninag ko si Eithan na lumapit sa 'kin. Hinaplos niya ang pisngi ko habang nakangisi siya. "No one will help you. Save your screams for later, baby."

Bigla na niya akong binuhat. I could no longer defend myself. Para na lang akong lantang gulay na walang kahirap-hirap niyang dinala at hiniga sa kama.

"N-no..." I pleaded. "Don't do this to me. I'm married. Please, I'm married."

Hindi siya naawa sa 'kin. Naramdaman ko na lang na inuumpisahan na niyang hubarin ang damit ko.

All of my happy memories with Theo flashed rapidly in my head.

Bumuhos ang mga luha ko hanggang sa hindi ko na nakayanang lumaban. The drug completely took control and the world around me just went black.

• • •

AUTHOR'S NOTE: Hello, loves! Thank you so much for reading. This story is now COMPLETED on Patreon! If you want to read the chapters in advance, you may subscribe to my Patreon at www.patreon.com/barbsgaliciawrites. Thank you so so much for the support. I love you all and Happy Holidays!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro