Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

ALES

"INIISIP MO PA rin ba si Mr. Long Hair?"

Gulat akong napatuwid ng upo nang biglang magsalita 'tong si Jazz sa gilid mismo ng mukha ko.

Nahampas ko tuloy siya. "Will you stop doing that? Palagi ka na lang bigla-bigla na sumusulpot."

"Palagi ka rin kasing tulala. Alam mo 'nak, ipa-check up mo na 'yan. Hindi na talaga nawala-wala 'yang pagiging tulala mo."

Nginisian ko na lang siya sabay bumalik sa pagta-type sa laptop. "It's nothing serious. May iniisip lang ako."

"Sinong iniisip mo? Si Mr. Long Hair?"

"Of course not. Nag-iisip ako ng mga eksena na isusulat."

"Sus. The lies you tell yourself, Ales. Alam mo, ilang taon na kitang anak-anakan kaya kilala na kita mula ulo hanggang paa. Ano nga uling pangalan nung naka-one-night stand mo?"

Ang lakas ng boses nitong si Jazz kaya napatingin agad ako sa husband niya. Nandito kasi ako sa bahay nila ngayon.

"Wag ka naman masyadong maingay," bulong ko lang. "Baka marinig ni Benjie, nakakahiya."

"Hindi, busy 'yan sa pagtulong sa assignment ng bunso namin. Tsaka ngayon ka pa nahiya, ah. E nagpa-tikim ka nga sa isang stranger na nakilala mo lang sa bundok."

Natawa ako sa kanya. "His name is Theo, okay."

"Theo? Oooh, pangalan pa lang, yummy na. Is he good?"

"What do you mean, is he good?"

"Alam mo kung anong ibig kong sabihin, Ales."

Ngumisi ako. "Iisipin ko ba siya hanggang ngayon kung hindi siya magaling sa kama?"

"So inamin mo na rin na siya nga talaga ang iniisip mo? Bruha ka." Bigla niya pa akong sinabunutan. "Kelan ka pa naging malandi?"

Natawa na lang ako sabay ayos sa naka-messy bun ko lang na buhok. Ganito talaga kabigat ang kamay sa 'kin nitong si Jazz.

Nabanggit ko sa kanya ang nangyari sa amin ni Theo, pero ngayon lang talaga namin napag-usapan kasi ngayon lang kami nagkita.

"So kung performer naman pala sa bedroom ang Theo na 'yon, bakit mo siya iniwanan?"

I heaved a deep sigh. Uminom muna ako sa tinimpla niya sa 'king kape at saka sumandal dito sa outdoor chair. "Natauhan ako e."

"Natauhan ka sa kalandian mo?"

I smirked a little. "Parang ganun na nga. Medyo na-bother kasi ako nung tinatanong niya na kung taga-saan ako at kung pwede kaming magkita nang madalas."

"Ayaw mo?"

"It was crazy sex, but not to be interested in seeing him again."

"Hindi ba siya gwapo? Hindi mo masyadong type?"

"God, Jazz, gwapo kung sa gwapo, kung alam mo lang. Pwede nga siyang maging bida sa mga libro natin. I just feel like seeing him again after what happened was a terrible idea."

"Sayang naman," sabi niya sabay sumubo sa kinakain niyang boiled egg. "Mukha pa namang type ka niya kasi sabi mo, hinanap niya pa talaga kung saan ka tumutuloy."

"Maybe he was also horny that night. Pero okay na rin naman ang nangyari. Alam mo ba na pagkatapos no'n, ang dami kong naisulat?"

"So na-inspire ka sa sex niyo?"

I bit my lower lip. "Gano'n na nga."

"E bakit hindi niyo pa tuloy-tuluyin 'yan para tuloy-tuloy na rin ang pagiging inspired mo? Hanapin mo na siya."

"Nope. One night is enough."

She shrugged her shoulders. "Bahala ka, pero sayang 'yon. Potential lovelife rin."

Hindi na ulit ako nag-react. Pinansin ko na lang 'yung kinakain niyang boiled eggs.

"Bagong diet na naman ba 'yan?" tanong ko. "Hulaan ko, three days mo lang magagawa 'yan, tapos hindi mo na ulit kaya."

Bigla siyang napabagsak ng mga balikat. "How dare you. Suportahan mo naman ako kahit konti."

I chuckled. "I'm just kidding."

"Kailangan ko nang panindigan 'tong bago kong diet kasi isang linya na lang talaga, obese na ako."

"Sige na, susuportahan kita. As your anak, magiging strict na ako sa lahat ng kakainin mo."

"Ayan, gusto ko 'yan. Alam mo naman na ang goal ko ay ang maging kasing sexy mo e."

I just smiled at her. Ever since, insecurity na talaga ni Jazz ang weight niya. May mga nagsasabi nga na hindi dapat kami nagtatabi kasi mukha kaming number 10. I couldn't believe na sa edad naming 28 at 37, may mga tao pa rin talagang bullies.

Humigop lang ulit ako sa kape ko, tapos ay bumalik na sa pagsusulat.

Nakisilip naman agad 'tong si Jazz sa document na nakabukas sa laptop ko. "Ano na palang progress mo diyan?"

"Okay naman. May mga bagong chapters na rin na naidagdag."

"You think you can finally finish your book this year?"

"Sana."

"Naku, Ales, 'yang mga sagutan mong ganyan, hindi talaga 'yan papasa sa bestfriend mo."

Napangisi ako. She was talking about one of the editors in our publishing house, Naomi.

Mortal enemy ko kasi 'yon. I've been writing for eight years, at ngayon lang ako naka-encounter ng ganong kasama na ka-trabaho. Hindi ko alam kung hindi lang ba talaga siya nagagandahan sa sulat ko o sadyang may personal siyang galit sa 'kin. Isa talaga siya sa dahilan kung bakit ako nagsa-struggle sa pagsusulat.

"Alam mo ba," sabi nitong si Jazz, "muntik ko na ngang ma-confront 'yung Naomi na 'yon."

Napakunot ako ng noo. "Why? Did she say something about me again?"

"Nung nasa C.R ako, narinig ko silang nag-uusap ng isang writer. Ang bagal mo raw magsulat. Hindi niya alam kung magte-take pa ulit sila ng risk kasi baka mamaya, wala na naman daw bumili ng libro mo."

Napabagsak ako ng mga balikat.

Pakiramdam ko pumunta lahat ng dugo ko sa ulo ko.

Naghubad ako saglit ng salamin para hilutin ang pagitan ng mga mata ko. "Ano ba talagang problema sa 'kin nung babaeng 'yon?"

"Feeling ko, insecure talaga siya sa 'yo. Dapat nga talaga haharapin ko na 'yon, kasi alam mo naman na ipaglalaban kita kahit na anong mangyari. Kaso hindi agad ako nakalabas ng cubicle kaya hindi ko siya naabutan."

"Don't confront her. Ayokong masira ang reputation mo sa publishing house dahil lang gusto mo akong ipagtanggol."

"E kesa naman ginaganyan ka niya? Naku, pasalamat na lang siya at hindi ko siya naabutan. Dahil sa laki kong 'to, kayang-kaya ko talaga siyang ihampas sa salamin ng C.R."

"She's a bitch," sabi ko na lang. "Lalong bumababa ang confidence ko dahil sa ginagawa niya sa 'kin. Napaka-sipsip din kasi kaya hindi matanggal-tanggal sa team."

Tsk. Padabog ko nang sinara 'tong laptop kasi nawalan na ako ng ganang magsulat. I just want to go home now and lock myself in my apartment.

Nag-umpisa na nga akong mag-ayos ng mga gamit nang bigla namang nag-notif ang Instagram ko sa phone.

Tiningnan ko agad at taranta na lang akong napatuwid ng upo. "Shit!"

"Bakit?" Nataranta rin si Jazz.

Hindi ko siya nasagot. Titig na titig lang ako rito sa natanggap kong DM.

| Ales pala ang pangalan mo. Alice ako nang Alice. |

Pakiramdam ko bigla akong pinagpawisan nang malamig. "Fuck."

"Bakit nga?" Sinilip na ni Jazz 'tong phone ko, at napatakip na lang siya sa bibig niya. "Oh my god! Nahanap ka ni Mr. Long Hair?"

Inagaw niya ang phone para muling basahin ang message.

Hindi pa rin naman ako makapaniwala. I was just rubbing my palm against my forehead. How the hell did he find me?

"Ito ba siya?" Pinakita ni Jazz sa 'kin ang mga pictures ni Theo sa Instagram.

Tumango lang ako.

"Alessia Lim, pinagpala ka sa babaeng lahat! Ang yummy nito, pang-Only Fans!"

"Could you keep your voice down? Nakatingin na sa 'tin ang asawa't anak mo."

"Hay naku, wag mo silang pansinin. Replyan mo na si Theo, dali!"

"Ayoko."

"Ano ka ba, he searched for you! Type ka talaga nito kaya replyan mo na agad at makipagkita ka."

"Please, I don't want another headache. Kita mong stress na stress na ako kay Naomi at sa libro ko."

"That's the point! Stressed ka na sa pagsusulat, kaya kailangan mo ng magpapaligaya sa 'yo. Ako na lang ang magre-reply."

"JAZZ!"

Wala na akong nagawa kasi nag-reply nga talaga siya kay Theo at nagplano pa ng meetup.

Sometimes, I really don't know if she's my friend or what. 'Yung huling lalaki na naka-date ko, siya rin ang nag-set up no'n. Tapos ito na naman.

Binalik niya sa 'kin ang phone ko pagkatapos sabay tinapik ako sa balikat. "Good luck, 'nak. Parating na ang inspirasyon mo."

• • •

TUMULOY AKO SA pakikipagkita kay Theo.

Kung masama lang talaga akong babae, hindi ko siya sisiputin. Feeling ko kasi wala akong mukhang maihaharap sa kanya pagkatapos ng nangyari sa 'min. But I want to respect his time and effort, lalo na't binanggit niya sa chat na manggagaling pa pala siya sa Batangas.

Sa isang coffee shop kami magkikita.

I arrived early with my laptop. Plano ko kasi sanang magsulat, kaso hindi ko naman magawa dahil nanginginig ang mga kamay ko sa sobrang tensyon. Kaya nilaklak ko na lang 'tong inorder kong iced coffee, baka sakaling mabigyan ako ng tapang.

Saktong sumusubo ako ng chocolate cake nang makita ko nang pumasok si Theo rito sa coffee shop.

Napapunas tuloy agad ako ng tissue sa bibig at minadali ang pagnguya ko, tsaka ko siya kinawayan para madali niya na akong makita.

Nginitian niya naman agad ako at lumapit.

I locked my gaze at him as he walked towards me.

Bakit mas lalo yatang lumakas ang dating nitong lalaking 'to ngayong nasa Manila na kami? I'm still dazzled by his rugged looks and big bulky physique. At ang hot pa rin talaga ng man bun niya.

"Hi, Ales." Umupo siya sa katapat na couch.

I just smirked at him. "You finally got my name right."

"Hindi mo naman kasi ako sinabihan. Akala ko Alice."

"Hindi ko rin naman kasi inexpect na magkikita pa tayo ulit. How did you find me?"

"Sa dating app. Teka, oorder muna ako." Tumayo siya para pumunta sa counter.

Ako naman, napaisip agad. Dating app? I don't use apps like that.

Tsaka ko lang naalala si Jazz. Ginawan niya nga pala ako ng profile dati. Siguro binubuksan niya pa rin ang profile ko. Tsk, napahilamos na lang ako ng kamay sa mukha. Palagi na lang talaga akong napapasubo dahil sa babaeng 'yon.

After a while, Theo returned with his brewed coffee and two kinds of pastries.

"Ubusin mo 'yan, ah." Nilapit niya ang French Toast at Cinnamon Roll sa akin.

Ngumisi lang ako. Kung makapag-utos, akala mo naman matagal na kaming magkakilala.

Tinikman ko na lang din 'tong French Toast. "Thanks. So, you came here all the way from Batangas?"

"Oo, pero dito naman talaga ako sa Manila nakatira. Dinadalaw ko lang mga magulang ko sa Nasugbu. Buti nga nagreply ka agad sa DM ko. Akala ko hindi mo 'ko papansinin."

"Actually, hindi ako 'yung nagreply sa 'yo. It was my friend."

"Ah. Bale kung ikaw pala ang masusunod, wala ka dapat balak mag-reply?"

I didn't answer him.

"Sabagay," patuloy niya, "hindi ka naman yata nag-enjoy sa 'kin. Iniwanan mo nga ako sa Sagada pagkatapos mo 'kong tikman."

Nanlaki ang mga mata ko sabay sipa sa paa niya sa ilalim ng table. "Stop it."

He chuckled.

Natawa na lang din ako kasi hindi ko inexpect na sa ganoong paraan niya io-open up ang nangyari.

"Pero bakit nga bigla kang nawala?" tanong niya pa rin naman.

"I'm sorry for doing that. 'Yun na kasi talaga ang araw ng uwi ko," pasisinungaling ko lang. "Maiiwanan ako ng bus kapag hindi ako nakaalis agad sa lodging house."

"Talaga ba? Hindi mo naisip na magpaalam sa 'kin?"

"You were sleeping."

He curled his lips into a smirk. "Sige na, hindi na ulit ako magtatanong. Napipilitan ka pang magsinungaling e. Ang importante naman, nagkita na ulit tayo."

Ngumiti lang ako sabay kumain ulit ng French Toast.

It was a good 2-3 hours of getting to know each other. Pero mas madalas, siya ang nagki-kwento. I just listen. Hanggang dito sa Manila, ang daldal niya pa rin. Nalaman ko na co-owner pala siya ng isang night club, at hilig niya ang pagta-travel at mga adventures.

Nakakatawa na nauna pa kaming nag-sex bago namin kinilala ang isa't isa.

Alam niya nang writer ako kasi nakita niya raw online. I don't post personal stuff on my author accounts, so I'm sure there are still plenty of things he hasn't discovered about me yet.

Gabi na nung nagpaalam ako para umuwi kasi kailangan ko pang magsulat. He has a car and insisted to drive me home.

Pumayag na 'ko agad para hindi ko na kailangang mamasahe.

• • •

"DITO KA NAKATIRA?" tanong niya pagkahinto namin sa tapat nitong apartment building.

"Yes, why?"

Muli siyang sumilip sa bintana. "Ang dilim, hindi ka natatakot?"

"Natatakot. I just moved here two months ago, kaya hindi pa ako sanay. Pero may guard naman diyan."

"Hatid na kita sa unit mo, gusto mo?"

"No, I'll be fine."

"Sigurado ka?"

Bigla akong napaisip. Tumingin ako sa daraanan ko, tapos binalik ulit ang tingin sa kanya. "Actually, parang gusto ko na nga lang magpahatid. And I need your help too."

"Saan?"

"Hindi pa ako tapos maglipat e. May inorder akong malaking book shelf, pero nahihirapan akong i-assemble. Mind if you give me a hand?"

He smirked at me. "'Yun lang pala. Walang problema." Tapos pinatay niya agad ang makina ng kotse at nagtanggal ng seatbelt.

Ang daling yayain nitong lalaking 'to. At based pa sa ngisi niya, alam kong hindi lang pag-a-assemble ng book shelf ang gagawin namin.

TO BE CONTINUED

Author's Note: Want to read advanced chapters of this story? Chapter 4 and Chapter 5 are already posted on my Patreon! Support me at www.patreon.com/barbsgaliciawrites. 

For inquiries or payment via GCash, please message me on my FB page (www.facebook.com/thebarbsgalicia). Thank you so much! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro