Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

THEO

NAGPALIPAS PA KAMI ni Ales sa Sagada ng ilang araw.

Ayaw pa nga sana naming umuwi. Kung hindi lang kami naubusan ng damit at kung wala siyang pupuntahang book signing, hindi pa talaga kami babalik ng Manila. Masyado ng naging espesyal ang Sagada sa 'min na parang gusto namin, doon na lang kami.

Hindi ko pa rin nga maipaliwanag ang saya ko ngayon. Ang hirap paniwalaan na kasama ko na siya ulit at totoong kami na. Akala ko habang buhay na akong magsisisi na nawala siya sa 'kin. Ngayon, kumpleto na ulit ako.

"Where are we?" biglang nagising si Ales na nakaidlip sa balikat ko.

Nasa bus kasi kami pauwi.

Inalalayan ko ang ulo niya para pabalikin sa pagsandal. "Tulog ka pa, sobrang layo pa natin sa katotohanan."

Hindi naman siya sumunod. Nag-inat na siya at tumingin sa bintana ng bus.

"Nahihilo ka pa rin ba?" tanong ko.

Tumango siya. "I don't know why I suddenly felt sick. Last time naman, hindi ako ganito. I think dahil kasama kita sa byahe. Nawala ang pagiging strong independent woman ko, at gusto ko lang magpa-alaga."

"Ah, gusto mong magpa-baby sa 'kin?"

Nagpigil siya ng ngiti. Ang ganda niya. Lalo siyang gumanda nung wala na siyang salamin kasi kitang-kita ko na ang mga mata niya.

"Kain tayo kapag nag-stop over," sabi ko na lang, "para mawala 'yang hilo mo. Kulang ka lang sa kape."

"Oo nga." Sinandal na ulit niya ang ulo niya sa balikat ko. "I remember, I haven't called Jazz yet. Masyado kasi akong nag-enjoy sa bakasyon natin. Hindi ko pa nai-kwento sa kanya na magkasama tayo."

"Makipagkita ka na lang sa kanya bago ka mag-book signing."

"For sure magkikita kami. She'll do my hair and makeup for the event." Tumingala siya sa 'kin. "You'll be there too, right?"

"Sa book signing mo? Oo naman, palagi naman akong nando'n. Hindi mo lang ako nakikita."

Ngumiti siya. "Ang tagal ko 'tong hinintay na mangyari."

"Ako rin. Excited na nga ako. Makaka-pwesto na ako sa harapan. Hindi na ako mukhang stalker na nagmamasid-masid sa likod, tsaka mapi-picture-an na rin kita nang maayos."

Natawa siya sabay yumakap sa braso ko. "I can't wait to go back to Manila. Makakasama na ulit kita araw-araw. You can stay at my new apartment for as long as you want."

"Sige, babawi tayo. Saan ka ba lumipat? 'Yun talaga ang hindi ko nalaman-laman. Kulang ang pagiging stalker ko."

Natawa ulit siya. "I moved near my publishing house. Para mas madali akong makapunta. Makikita mo na 'yon mamaya pagkahatid mo sa 'kin."

"Sige. Matulog ka na muna ulit. Baka mahilo ka na naman." Tinakpan ko ang mga mata niya para pumikit na siya ulit, tapos sinandal ko rin ang ulo ko sa ibabaw ng ulo niya.

Ang sarap sa pakiramdam. Kung siya palagi ang kasama ko, siguradong palaging masaya ang byahe.

GABI NA NANG makauwi kami ng Manila. Pagod na pagod na si Ales. Nag-taxi na kami papunta sa apartment.

Ibang-iba na ang dating ng tinitirhan niya ngayon. Ang ganda na.

"Buti maayos na 'tong nalipatan mo," sabi ko habang nakasakay na kami sa elevator. "Mukhang malaki na talaga kinikita mo sa pagsusulat mo, ah. Ang yaman mo na."

Natawa siya. "It's nice, right? Na-love at first sight ako rito kaya kumuha na agad ako ng unit kahit medyo mahal."

"Oo, maganda 'tong napili mo. Hindi katulad nung dati mong apartment na isang lindol na lang, bibigay na."

Bigla niya akong hinampas sabay tawa niya ulit.

"Bakit?" Natatawa rin ako. "Seryoso nga. Tangina, natatakot ako sa elevator do'n kasi nagpapatay-bukas ang ilaw. Hindi nga ako tumitingin sa gilid kasi baka mamaya biglang may katabi na ako. Kaya nagha-hagdan na lang ako kapag pinupuntahan kita."

"Mas matatakutin ka pa pala kaysa sa 'kin. Pero oo nga, nagfi-flicker ang lights doon. Ilang beses ko na 'yong ni-report sa guard. Nakaalis na lang ako, hindi pa rin naayos."

"Isa pa 'yung guard niyo ro'n na parang hindi naman nagbabantay. Buti pa rito, maayos."

"Wait 'til you see my unit."

Binuksan na niya ang pinto ng tinitirhan niya. Mas maganda nga sa loob!

"Naks naman." Ang lapad ng ngiti ko. "Tsk, iba ka na talaga. Pang-mayaman na, 'to."

"Right? Jazz helped me furnish this. Come inside."

Pumasok na kami. Binaba ko ang mga gamit namin sa sofa habang pinagmamasdan pa rin 'tong unit. Mas malaki na kumpara dati, tsaka maaliwalas.

Tiningnan ko siya sa kusina habang umiinom siya ng tubig.

Ewan ko, pero may kapilyuhan na biglang pumasok sa isip ko. "Psst. Ang ayos na rito, ah. Wala ka bang furniture na ipa-a-assemble diyan?"

Bigla siyang nabulunan sa iniinom niya. Nagpunas agad siya ng bibig sabay nanlaki ang mga mata sa 'kin.

Natawa na lang ako. "Biro lang."

Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa noo. "Matulog ka na agad pag-alis ko, hmm? Baka magsulat ka pa."

"Are you leaving now?"

"Kung ayaw mo pa, ayos lang naman. Dito na muna ako matutulog. Kaso wala na talaga akong damit."

"Well, we can sleep with no clothes on."

Napangisi ako sabay kinurot siya sa pisngi. "'Yan tayo, eh. Bumabanat ka rin."

"Inumpisahan mo kasi. But it's okay, you can go home now. I know you're tired, too. Babalik ka pa sa Batangas, 'di ba?"

"Bukas na. Saglit lang ako ro'n, kukunin ko lang mga gamit ko."

"Great. Salamat sa paghatid sa 'kin kahit na ang layo na sa 'yo nitong bago kong apartment."

"Ayos lang." Hinaplos ko ang buhok niya. "Kailan ulit kita makikita?"

Bigla siyang napangiti. "Na-miss ko na tinatanong mo sa 'kin 'yan. You'll be at my book signing this weekend, right? Pero ikaw, pwede na tayong magkita kahit kailan mo gusto. I'm your girlfriend now."

Napangiti rin ako. "Sige, ako ang susundo sa 'yo rito sa book signing."

"Okay." Niyakap niya na ako nang mahigpit.

Bigla tuloy akong nanghina. Parang hindi ko pa pala siya kayang iwan. Niyakap ko rin siya pabalik at hinalikan sa tuktok ng ulo niya. "Kaya mo na rito?"

"Mm-hmm." Tumingala siya sa 'kin habang nakayakap. "I enjoyed our vacation. Thank you. I love you so much."

"I love you." Hinalikan ko siya sa mga labi.

Sa ginagawa ko ngayon, parang ang hirap talagang umalis. Gusto ko pa siyang makasama. Kulang na kulang pa 'yong bakasyon namin. Niyakap ko pa siya saglit, tapos pinilit ko nang magpaalam.

Pagkalabas ko sa apartment, napangiti na lang ako mag-isa. Mukha na naman akong gago.

Ayoko pa sana talagang umuwi, pero may kailangan akong paghandaan.

Bibili ako ng singsing. Gusto ko nang pakasalan si Ales.

Seryoso talaga ako sa kanya. Sinabi ko na sa sarili ko dati na bumalik lang talaga siya sa 'kin, pakakasalan ko na siya agad. At ito na ang pagkakataon na 'yon.

Alam ko, parang masyado pang maaga kasi kakabalikan lang namin, pero natatakot na ako na baka mawala siya ulit. Tsaka ayoko na ring magsayang ng oras, tutal, 'yon din naman talaga ang plano ko sa kanya.

Si Ales ang babae na gusto kong makasama habang buhay. Kaya pagkatapos na pagkatapos ng event niya, aalukin ko na siya ng kasal.

• • •

NGAYONG ARAW NA ang book signing ni Ales. Nakabili na rin ako ng singsing.

Kinakabahan ako sa gagawin ko. Hindi pa nga ako nakakatulog nang matino dahil sa kaiisip.

Ganito pala ang pakiramdam kapag magpo-propose. Tangina, para akong pinagpapawisan nang malamig. Parang hindi ko na nga kayang maghintay mamayang gabi. Gusto ko na nang mag-propose ngayon, kaso may event pa si Ales. Baka hindi siya makakapag-concentrate.

Papunta na ako sa apartment niya. Nandoon na si Jazz kasi inaayusan siya para sa event. Ngayon ko na lang ulit siya makikita, pero alam kong kinausap na siya ni Ales tungkol sa nangyari.

'Yung binili kong singsing, nasa bulsa ko lang, handang-handa nang maisuot.

Pagkarating ko sa unit niya, si Jazz ang nagbukas ng pinto para sa 'kin.

Nahihiya ako, pero nginitian ko pa rin siya. "Hi, Jazz."

Ang aliwalas na ng mukha niya. Hindi na siya galit. "Oo na, bati na tayo. Pasok," sabi niya lang, tapos nilakihan na ang pagkakabukas ng pinto.

Natawa na lang ako. "Salamat. Binilhan ko kayo ng kape. Uminom ka muna."

"Ay, good job. Kapeng-kape na talaga ako, eh. Sige na, bati na talaga tayo. Basta sinasabi ko sa 'yo, Theo, ha. Iwanan mo pa ulit si Ales, kahit ano pa 'yang dahilan mo, ako na talaga ang magbabaon sa 'yo sa lupa."

"Yes, ma'am. Hindi na mauulit."

"Good. Okay lang kunin ko na 'yang kape?"

Binigay ko na sa kanya habang nagngi-ngitian kaming dalawa kasi nagkaintindihan na kami kahit papaano.

Nilapitan ko na si Ales pagkatapos, dala rin ang kape niya.

Pagkaharap niya sa 'kin, lalo akong na-inlove kasi ang ganda ng pagkakaayos sa kanya ni Jazz. Mukha siyang artista.

Wala tuloy akong nasabi. Nakatitig lang ako.

Natawa siya. "Why are you looking at me like that?"

"Sobrang ganda mo."

"Tsk, stop teasing." Inikutan niya ako ng mga mata.

Kinurot ko agad siya sa pisngi. "Ayan na naman 'yang ikot-ikot ng mga mata mo, ah. Sinusungitan mo ako, pinupuri ka na nga. O, ito na ang kape mo."

"Thank you." Tinanggap niya agad. "I'm almost done. Upo ka muna."

"Sige." Umupo ako sa sofa para panoorin siya na inaayusan.

Gandang-ganda talaga ako sa kanya. Naka-dress pa siya ngayon. Hindi ako makapaniwala na ganito kaganda ang babaeng pakakasalan ko.

Nung natapos na siya, umalis na agad kami papunta sa pagganapan ng book signing. Kasama namin si Jazz.

Alas-singko ng hapon ang event. Nakarating agad kami bago mag-umpisa. Sikat na sikat talaga ang girlfriend ko kasi ang daming tao sa venue. Ang daming nagpapa-pirma sa kanya.

Buong event, pinanonood ko lang si Ales. Ilang beses na akong nakapunta sa book signing niya pero ito ang pinaka-espesyal kasi hindi ko na kailangang magtago.

Binilhan ko nga rin siya ng bulaklak. Ibibigay ko pagkatapos ng event.

Lumipas ang dalawang oras, at natapos na rin ang booksigning niya. Tangina, mas lalo na tuloy akong kinakabahan. Konting oras na lang, magpo-propose na ako pero parang hindi na ako aabot nang buhay mamaya sa sobrang tindi ng kaba ko ngayon.

Hinintay ko lang siya rito sa labas ng VIP room. Mayamaya lang, lumabas na rin siya.

Nahiya nga agad siya nung nakitang may dala akong bulaklak.

"Oh my god, bakit may flowers?" Hindi siya makatingin sa 'kin, pero halata kong kinikilig siya.

"Congrats," sabi ko sabay binigay na sa kanya ang bulaklak.

Inamoy niya, tapos bigla niya akong pinalo sa braso. "Wait, nahihiya ako, hindi ako sanay. But thank you so much. Ang sweet mo naman."

"Aba, syempre. Ako kaya ang number 1 fan mo."

Natawa siya sabay niyakap ako. "Thank you. Ang saya na ikaw ang nag-aabang sa 'kin. Nakakawala ng pagod."

"Pagod ka? Sabagay, sobrang dami mong pinirmahan. Kain muna tayo bago tayo umuwi."

"Okay."

Hinawakan ko ang kamay niya at dapat aalis na kami pero may biglang tumawag sa kanya.

"Hey, Ales."

Sabay kaming lumingon do'n sa lalaking tumawag.

"Oh, it's Khalil!" sabi niya sa 'kin. "Halika, ipakikilala kita sa kanya."

Ah, ito pala 'yung naging ex niya ng isang araw. Itong taong 'to ang dahilan kung bakit hindi ko agad nabalikan si Ales. Pero hindi naman ako galit.

"Congratulations," bati nitong Khalil sa kanya. "Another successful event. Tsk, hindi ka na talaga ma-reach."

Natawa si Ales. "Salamat, Khalil. This is Theo, by the way. Siya 'yung kinikwento ko sa 'yo. He's my boyfriend now."

Pasimple akong napangiti. Medyo hindi pa ako sanay na pinakikilala niya ako ng gano'n.

Nakipagkamay naman agad sa 'kin si Khalil. "Hi! Finally, nakilala rin kita. Palagi kang binabanggit sa 'kin ni Ales."

Ngumiti lang ako at nakipagkamay rin. "Hello. Naikwento ka nga rin niya sa 'kin. Salamat sa pagsuporta sa kanya."

Nagkumustahan lang silang dalawa saglit, tapos nagpaalam na rin si Ales.

Nung nakalayo na kami kay Khalil, tsaka lang ulit siya nagsalita. "So, what do you think of him?"

"Ayos naman," sagot ko. "Mukhang siyang matalino. Pero mas gwapo pa rin ako, syempre."

Natawa siya sabay palo sa 'kin.

Natawa na lang din ako, pero sa loob-loob ko, mas lalo na akong kinakabahan kasi pauwi na kami at malapit na akong mag-propose.

KUMAIN LANG KAMI saglit bago ko siya hinatid sa apartment. Sa mga oras na 'to, wala na ako sa sarili.

"Are you okay?" bigla niyang tanong habang naglalakad kami papasok sa unit niya. "Kanina pa parang lumilipad ang isip mo. What are you thinking?"

Napangiti na lang ako. "Wala."

Hindi na kasi talaga ako mapakali. Nanunuyo na nga 'tong labi ko. Bigla akong natakot sa pwede niyang isagot. Paano pala kung hindian niya ako? Tangina, ngayon pa ako nangangamba nang ganito kung kelan malapit na akong magtanong.

Pagkapasok namin sa unit niya, nilagay niya muna 'yong binigay kong bulaklak sa mesa, tapos dumiretso agad siya sa kwarto. "Wait here, I'll show you something."

Umupo muna ako. Handa na ang singsing sa bulsa ko, pero hindi ko alam kung papaano ako babanat.

Ang tagal niya sa loob ng kwarto. Mayamaya lang, bigla na niya akong tinawag. "Theo, come here."

Pumasok ako. May katabi na siyang malaking kahon.

"Ano 'yan?" tanong ko sa kanya.

"I bought a new furniture piece yesterday. Naghanap ka kasi, eh. So . . . should we assemble this now?"

Bigla na siyang naghubad ng damit, at naka-bra at panty na lang siya ngayon.

Napangisi ako sabay umiwas ng tingin. Tangina, wala 'to sa plano ko, ah.

Hindi talaga ako nagkamali ng babaeng pinili. Alam na alam niya kung paano ako makukuha.

Nilapitan ko na agad siya at sinunggaban ng halik sa labi. Ang bilis niya namang pinulupot ang mga braso niya sa leeg ko at diniinan din ang paghalik niya.

Na-miss ko siya kaya hindi na ako nakapag-control. Binuhat ko na agad siya at hiniga sa kama. Naghubad ako ng T-shirt, tapos pumatong agad sa ibabaw niya para muli siyang halikan.

Niyakap niya naman ang mga hita niya sa bewang ko para hindi ako makaalis. 'Tong mga kamay ko, gumagapang na sa katawan niya habang mas lumalalim pa nang lumalalim ang paghahalikan namin. Tangina, sabik na sabik ako, pero kailangan kong magpigil.

Tumigil ako sa paghalik at pinatong ang noo ko sa noo niya.

Napangiti na lang siya habang humihinga nang malalalim. "God, I missed this."

Hinalikan ko siya sa noo bago siya pinagmasdan. Lalo talaga siyang gumaganda kapag nasa ilalim ko.

Hinaplos niya naman ako sa pisngi kasi nakatitig na lang ako sa kanya. "Why are you giving me that look?"

Ngumiti ako. "Gusto na kitang pakasalan."

Natawa lang naman siya sabay marahan akong pinalo sa pisngi. "Stop kidding around. Papayag talaga ako, wag mo akong hinahamon."

'Yun na mismo ang hinihintay kong sagot.

Dinukot ko na ang singsing sa bulsa ko at pinakita sa kanya.

Bigla siyang nataranta. Tinulak niya ako paalis sa ibabaw at nagtakip siya ng kumot sa katawan, pero wala siyang nasabi. Nanlalaki lang ang mga mata niya sa 'kin.

Ngumiti ulit ako. "Pakasal na tayo."

Bumagsak ang mga balikat niya. Ang tagal pa niyang nanahimik na para bang hindi niya talaga ma-proseso ang sinabi ko.

Tumingin ulit siya sa singsing, tapos bigla na siyang naiyak. "Y-you're not kidding?"

"Mukha ba akong nagbibiro? Ayoko nang magkahiwalay tayo ulit kaya pakakasalan na kita. Payag ka ba?"

"Oh my god, Theo. Of course!" Bigla niya akong niyakap. Muntik pa kaming matumba rito sa kama. Tapos umiyak na siya nang tuluyan.

Naiyak na rin tuloy ako. Parang 'yong lahat ng kaba ko ng ilang araw, ngayon na lumabas. Pinunasan ko na lang agad ang mga mata ko at inabot na ang kamay niya para isuot ang singsing.

Tumutulo nga ang mga luha ko habang sinisuot 'tong singsing sa daliri niya.

Natawa tuloy siya sabay pinunasan ang mga pisngi ko. "Why are you crying?"

Natawa rin ako pero umiiyak pa rin. Tangina, para akong gago. Hindi ko rin alam bakit ako 'yung mas umiiyak sa 'ming dalawa, e ako naman ang nag-propose. Halo-halo na ang nararamdaman ko ngayon.

Pagkasuot ko ng singsing sa kanya, nagyakapan ulit kami. Sa wakas, tapos na. Para akong lumulutang sa ere sa sobrang saya ng nararamdaman ko.

Kumalas siya ng yakap sa 'kin, tapos pinunasan niya ulit ang pisngi ko. "Oh my god, you're really crying."

"Hindi ko mapigilan. Ilang araw ko nang tinitiis 'tong kaba ko. Pasensya ka na, ganito lang. Nagmadali akong mag-ayos kasi pakiramdam ko, mauubusan ako ng oras."

"No. This is exactly how I want it—just me and you."

Hinawakan ko ang magkabila niyang mga pisngi at hinalikan siya sa noo. "Mahal na mahal kita, Ales."

"I love you, too." Tiningnan niya ang singsing na nasa daliri niya habang umiiyak. "This is beyond what I imagined. Bigla-bigla ka namang nagpo-propose, eh. But you made me the happiest." Bigla niya ulit akong niyakap nang mahigpit.

"Pwede bang ganito na lang din sa kasal natin?" sabi niya pa. "Just the two of us and a few of our closest loved ones. Let's have a secret wedding."

"'Yun ba ang gusto mo?"

Tumango siya. "Mm-hmm. And let's do it right away. Ayoko nang patagalin."

"Sige. Kahit anong klaseng kasal ang gusto mo, ibibigay ko. Mahal na mahal kita, Ales." Hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan siya sa mga labi.

TO BE CONTINUED

Bitin ba? We now have SEVEN (7) ADVANCED CHAPTERS of this story on my Patreon! Go to www.patreon.com/barbsgaliciawrites.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro