Chapter 21
ALES
NATARANTA AKO NG gising. Shit!
Ang bigat pa ng mga mata ko pero pinilit ko agad libutin ng tingin 'tong kwarto. I'm still naked under the sheets, and I knew I wasn't dreaming. I really did confess to Theo last night. Shit, shit, shit!
Sa sobrang kalasingan kagabi, hindi ko na napigilan ang bibig ko. I ruined everything! Sana lang hindi niya ako narinig. Please, sana wala siyang narinig. I don't want to lose him!
Bumangon na agad ako ng kama kahit na parang binibiyak ang ulo ko sa sakit. I hurriedly put my clothes on and went downstairs.
"Theo?" My heart was beating so fast!
Nung nakita ko siya na nagluluto lang sa kitchen, medyo nakahinga ako nang maluwag pero ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba.
Napansin niya agad ako, pero hindi ko siya magawang tingnan. Pumwesto lang agad ako sa mesa sabay subsob ng mukha ko sa mga palad ko.
"What happened last night?" My lips were trembling. "Did I say anything hideous?"
"Ha?"
I looked up at him. "May narinig ka ba na sinabi ko kagabi? I was so drunk. Kilala mo ako kapag lasing ako, may mga nagagawa at nasasabi ako na hindi dapat. Kung meron man akong nasabi kagabi sa 'yo, don't believe it. It's not true, okay? It's not true."
Sinubsob ko ulit ang mukha ko sa mga palad ko. Fuck, what have I done! Naiiyak ako ngayon sa sobrang bigat ng pakiramdam ko. Para akong nagising mula sa isang matinding bangungot.
Hindi naman sumagot si Theo. Narinig ko lang siya na huminga nang malalim. "Wag kang mag-alala, wala kang sinabi."
Inangat ko ulit ang tingin ko sa kanya "Really? Y-you didn't hear anything?"
Umiwas siya ng tingin. "Wala." Tapos bigla na siyang tumalikod para bumalik sa pagluluto.
Shit. Napatungkod ako rito sa mesa sabay sabunot sa buhok ko. Something doesn't feel right. Sinabi na niya na wala siyang narinig, pero hindi pa rin ako kampante. Ang bigat-bigat pa rin ng pakiramdam ko.
Hinanda na niya ang mga pagkain sa mesa pagkatapos.
Pansin ko na hindi na siya masyadong umiimik. Kahit na nung kumakain na kami, hindi niya ako gaanong kinakausap. Parang lumilipad ang isip niya.
Ayoko nang mag-overthink kasi nasasaktan na talaga ako, pero ramdam ko ng may nag-iba.
Pagkatapos kumain, nagsabi lang siya na ihahatid na niya ako sa apartment.
I honestly don't want to leave yet. Natatakot ako, gusto ko pa sana siyang makasama. After all, it's still my birthday. Iniisip ko na lang na baka pagod at puyat din siya dahil sa party kagabi, tapos ang aga niya pang nagising ngayon para asikasuhin ako. He also needs to rest.
Habang nasa kotse kami, ang tipid niya pa ring magsalita. Tutok na tutok lang siya sa pagda-drive.
Pagkahinto namin sa tapat ng apartment building, hindi muna ako bumaba ng sasakyan. Hinihintay ko kasi na itanong niya sa 'kin 'yung palagi niyang tinatanong bago kami maghiwalay, pero tulala pa rin siya at halatang wala sa sarili.
Ako na lang ulit ang nagsalita. "Hindi mo ba ako tatanungin kung kailan mo ulit ako makikita?"
Huminga siya nang malalim. "Baka busy ka. Unahin mo na lang muna 'yung mga dapat mong gawin."
My shoulders slumped. Pakiramdam ko may biglang pumiga sa puso ko. "W-wala na akong gagawin. Natapos ko na ang manuscript ko, ipapasa ko na lang."
"Ipasa mo na lang muna."
Nanginig ang ibabang labi ko. Tinitigan ko siya nang matagal kasi ang lamig-lamig ng pagsasalita niya, at hindi ako sanay. He couldn't even meet my eyes anymore. Nakatingin lang siya sa manibela.
I just shut my eyes tight to try to maintain my composure. Naninikip ang lalamunan ko. I swallowed hard before speaking again. "S-sige, next time na ulit tayo magkita. Baka busy ka rin. Thank you for the birthday surprise last night and for the gift. I really appreciate it."
Tipid lang siyang ngumiti.
Hindi na ako nakapagsalita pagkatapos kasi parang pipiyok na ako sa sakit ng lalamunan ko, at ramdam ko rin na ayaw niya akong kausap.
Nagpaalam lang ako, tapos bumaba na ng sasakyan. Pagkasarang-pagkasara ko ng pinto, nagmaneho na agad siya paalis nang walang kahit na anong sinasabi.
I felt like I would just fall apart at any moment. Tiningnan ko pa ang papalayo niyang kotse habang nangingilid ang luha sa mga mata ko.
Gusto kong humabol. Gusto ko siyang sundan kasi pakiramdam ko, ito na ang huling beses na makikita ko siya.
• • •
I WAS RIGHT about it. Hindi na nagparamdam si Theo.
It's been several days since my birthday, and I haven't gotten even a single call or text from him.
Pinaniniwala ko na nga lang ang sarili ko na baka busy lang talaga siya, pero sa totoo lang, praning na praning na ako. Sanay ako na nag-uupdate siya sa 'kin bago siya gumawa ng mga bagay-bagay, pero ngayon, kahit blank message, wala. Nakakatakot na baka hindi ko na talaga siya makakausap ulit.
Palagi kong iniisip ang pag-amin ko. Kung pwede ko lang ibalik ang oras, gagawin ko para hindi na lang 'yon nangyari. Sana hindi na lang ako bumigay sa pa-surprise birthday party niya para hindi ako napaamin ng nararamdaman.
Nasa point na tuloy ako ngayon na gusto ko na ulit siyang puntahan sa bahay niya para makapag-usap kami nang maayos bago man lang niya ako iwanan. I know it's too stupid for me to do that, pero desperada na yata talaga ako at wala nang pakialam kung maghabol pa ako sa kanya.
I couldn't function without him. Hindi ako makapag-isip at makakilos nang maayos. Ni hindi ko pa naipapasa ang manuscript ko.
The other day, my editor Naomi already called me about it. Sinabihan ko siya na magpapasa na ako, pero sa totoo lang, parang ayoko nang ipasa 'yon. Wala na akong gana.
Ngayon nga, stuck lang ako sa kama buong araw. Parang drained na drained ako kahit na wala naman akong ginagawa. Hindi rin ako makatulog. Inabot na nga lang ako ng alas-dos nang madaling araw kaka-overthink.
I snapped back to the moment when my phone suddenly rang.
Hinanap ko agad dito sa kama. Theo is finally calling!
Taranta akong napabangon at umupo sa kama sabay sagot agad sa tawag. "H-hey!" Hindi ko mapigilan ang saya ng boses ko.
"Ales." Pero parang malungkot naman ang sa kanya.
I'm not sure if he's drunk or what. Wala rin akong naririnig na ingay ng club sa paligid. Ang alam ko nasa Third Base siya kapag ganitong oras.
Walang gana na lang akong napasandal sa headboard at pumikit. "Hey. Akala ko hindi mo na ako tatawagan."
Hindi agad siya sumagot. Huminga muna siya nang malalim. "Buti gising ka pa."
"I can't sleep. I'm waiting for you. Hindi ka nagpaparamdam sa 'kin."
Hindi na naman siya sumagot. Hindi ako sanay na ganito siya katahimik habang kausap ako.
I hugged my knees and stared into nothing. "Theo, is something wrong? Nararamdaman ko na hindi tayo okay."
Nanikip ang lalamunan ko nang sabihin ko 'yon kasi natatakot ako sa isasagot niya.
Huminga lang ulit siya nang malalim. "Ales...gusto ko na sanang magpaalam sa 'yo."
A sharp pain shot through my chest.
Parang gusto ko na lang ibaba 'tong tawag kasi alam kong hindi ko kakayanin ang kung ano pang sasabihin niya. My worst fear is now happening right in front of me.
"Uuwi na ako sa Batangas," he added. "Doon na ulit ako. Si Arkhe na ang bahala sa club."
"B-babalik ka pa ba ulit dito?" I almost couldn't get those words out.
"Baka hindi na."
"What about me? You're leaving me?"
"Natapos mo naman na 'yung libro mo, 'di ba? Hindi mo na ako kailangan."
Bigla nang tumulo ang mga luha ko. I quickly buried my face on my knees to muffle my cries. Hindi na ulit ako makapagsalita. Pakiramdam ko isang imik ko pa, tuluyan na akong magbe-breakdown.
"Ales, salamat sa lahat," patuloy niya. "Gusto kong malaman mo na masaya ako na nakilala kita at hindi ko makakalimutan ang mga pinagsamahan natin. Mag-iingat ka. Sana matupad mo lahat ng mga pangarap mo. Alam ko marami kang gustong maabot. Sana makapagsulat ka pa ng maraming libro, sana maging bestseller ka at maging pelikula lahat ng mga sinulat mo kasi alam kong 'yun talaga ang magpapasaya sa 'yo."
Lalo akong napaiyak. I clutched my chest as if I could physically stop the pain that was ripping me apart.
Bakit ganito? I knew I would be heartbroken, but I didn't expect it to be this much. Sobra-sobra naman 'to!
I sank back onto the bed and covered my mouth with my hand to silence my weeping. Ayokong marinig niya na umiiyak ako.
"Ales?" tawag niya sa 'kin. "Nandyan ka pa ba?"
Hindi pa rin ako nagsalita.
Huminga lang ulit siya nang malalim. Wala na rin siyang sinabi pagkatapos no'n. Ang tahimik na sa linya niya. Para bang naghihintayan na lang kami kung sinong unang magbababa ng tawag.
After a few moments, he spoke again. "Paalam na, Ales. Good luck sa lahat. Galingan mo palagi."
Binaba niya na ang tawag, pero hindi ko pa rin inaalis ang phone sa tapat ng tainga ko. Ang delusional ko kasi iniisip ko na magsasalita pa siya ulit at sasabihin na nagbibiro lang siya. Na hindi totoong tapos na ang sa 'min.
It took me long enough to realize that he was really gone.
Inalis ko na ang phone sa tainga ko at sinubsob ang mukha ko sa unan para rito umiyak nang umiyak. I choked back silent sobs, my shoulders trembling.
He really did it. Totoo ang sinabi ni Gia, Theo will really leave me.
Ang tanga-tanga ko kasi may chance akong lumayo, pero mas pinili ko pa ring masaktan. I should've just fucking left him! Sana kasi tumigil na lang talaga ako para hindi ako ang naiwanan.
Hinagod ko ang dibdib ko kasi hindi ko na matiis ang sakit. Basang-basa na rin ang mukha ko ng luha.
I love him so much. Kung gaano kalalim ang pagmamahal ko sa kanya, gano'n din kalalim ang sakit na nararamdaman ko ngayon. And I don't know if I'll ever find the strength to heal from this.
TO BE CONTINUED
Bitin ba? Read six (6) advanced chapters of this story on my Patreon! Go to www.patreon.com/barbsgaliciawrites.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro