Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

THEO

"SAAN ANG LAKAD niyo ni Ales?" tanong sa 'kin ni Arkhe habang nasa kusina ako at nag-aayos ng mga dadalhin naming pagkain.

"Sa tabing-dagat, tatambay lang," sagot ko sa kanya. "Hindi kayo aalis ni Sab?"

"Tulog na si Sab. Maaga natutulog 'yon."

"Ah, kaya pala ako ang kinukulit mo."

Ngumisi siya. "Buti sinama mo si Ales, may naka-kwentuhan si Sab."

"Oo nga e. Nakalimutan nga nilang nandito tayo. Silang dalawa lang ang nagsama buong araw."

"Mukhang seryoso ka kay Ales, ah. Ilang buwan na kayo no'n?"

"Matagal-tagal na rin. Tinutulungan ko siya sa sinusulat niyang libro."

Kumunot ang noo niya. "Libro?"

"Oo. 'Di ba sinabi ko na ngang writer siya. Sobrang galing magsulat."

"Alam ko. Pero ikaw ang tumutulong sa kanya? Anong alam mo sa pagsusulat ng libro?"

Napangisi ako. "Sa ibang bagay ko siya tinutulungan."

"Anong bagay?"

"Basta, wag mo nang alamin."

"Tangina mo, parang may kagaguhan ka na namang pinasok."

"Wala. Nagmamagandang-loob lang ako para matapos na niyang isulat 'yung libro niya."

Natawa na lang siya sa 'kin. Kilalang-kilala ako nitong kapatid ko kaya siguradong kahit na ano pang palusot ko, hindi siya maniniwala sa 'kin.

"Kayo pala ni Sab, kumusta?" tanong ko na lang.

"Ayos naman. Sobrang masaya. May art exhibit ulit siya sa susunod na linggo kaya aalis na naman kami."

"Puro kayo gala, ah. Kelan niyo ba ako bibigyan ng pamangkin?"

"Mamaya pag-alis niyo, gagawa kami."

"Tarantado ka talaga."

• • •

TUMULOY KAMI NI Ales sa pagtambay sa tabing-dagat.

Dala namin 'yung pickup truck ng pinsan ko para dito kami sa likod iinom at mag-foodtrip ng mga binaon naming pagkain. Nagpatong lang kami ng makapal na kumot para kumportable kaming makaupo.

Kanina pa nga umiinom ng beer si Ales. Ayoko sana talaga siyang payagan, kaso ang tigas ng ulo. Ayos na lang din kasi halata ko namang masaya siya.

Gusto niya yata 'yung mga ganito--'yung walang ibang tao at tahimik lang. Kaming dalawa lang kasi rito. Sa bandang dulo kami tumambay, tapos ang naririnig lang namin, 'yung mga alon ng dagat.

"I like your family," sabi niya habang namumulutan ng barbeque.

"Ang saya sa 'min, 'di ba? Sa iisang lugar lang kasi kami lahat lumaki kaya ang dami namin kapag may gano'ng okasyon."

"Sobrang nag-enjoy ako sa birthday ng Mama mo. Parang biglang nawala ang stress ko sa pagsusulat."

"Halata nga, eh. Halos lahat ng palaro ni Unice kanina, sinalihan mo. Akala ko aayaw ka kapag niyaya ka niya. Sobrang kulit pa naman no'n."

"Makulit ba talaga siya? Parang mabait naman siya sa 'kin."

"Pakitang-tao lang 'yong bubwit na 'yon. Natatawa na nga lang kami nila Arkhe kanina kasi parang naninigas siya kapag ikaw ang kausap. Idol ka yata talaga no'n kaya hindi makakilos nang maayos."

Napangiti siya. "She has a copy of all my books. Pinirmahan ko lahat. Nakakahiya nga kasi pinanonood ako ng mga pinsan mo."

"Proud lang din 'yung mga 'yon. Buti nga nakasundo mo agad sila."

"I don't know, your family just felt warm and welcoming. Para bang ang tagal ko na silang kakilala. Sobrang gaan sa pakiramdam. Magpa-ampon na lang kaya ako sa inyo?"

Natawa ako sabay inom sa kapit kong beer. "Pwede tayong bumalik dito kahit kelan mo gusto."

"Isasama mo 'ko ulit?"

"Oo naman. Minsan na nga lang ako magsama ng babae, hihindian ko pa?"

Napangiti na lang siya. "Sana ganyan na lang din kasaya at kabait ang pamilya ko."

Tinabi ko muna 'tong alak sabay tumingin sa kanya. "Ano bang problema mo sa pamilya mo?"

Hindi siya sumagot.

"Ayos lang kung ayaw mo pa ring sabihin. Ramdam ko naman na pagdating sa usapang pamilya, hindi ka talaga komportable."

Bumuntong-hininga siya sabay hubad sa salamin niya para punasan. "I hate my mother."

"Anong pinag-awayan niyo?"

"Marami. She's just the worst."

Nagsuot na ulit siya ng salamin, tapos uminom ng beer. Mukhang kailangan niya 'yon para makapaglabas ng sama ng loob.

"Tatlo kaming magkakapatid," patuloy niya. "I'm the middle child, and let's just say I'm not the favorite."

Hindi ako sumagot. Nakikinig lang ako.

Tumingin siya sa 'kin. "Magkasundo 'yung dalawa kong kapatid, so na left out ako. Growing up, I'm always the black sheep and the rebel. Hindi ka mahihirapang mapansin kung gaano ka unfair sa 'kin ang nanay ko. Gusto ko na nga lang isipin na ampon ako, eh." Uminom ulit siya ng alak.

"Kinausap mo na siya tungkol sa nararamdaman mo?"

"A lot of times. Pero isa siyang malaking gaslighter. Ibabalik niya lang din sa 'kin lahat at ako ang lalabas na may kasalanan kung bakit gano'n ang pakikitungo nila sa 'kin." Ngumisi pa siya at napailing-iling.

"Hindi niya kasi ako mapasunod," dagdag niya, "hindi katulad nung dalawa kong kapatid. Ang baba nga ng tingin niya sa pagsusulat ko. None of them really supported my writing. Madalas akong mag-layas sa 'min no'n. Kung saan-saan ako tumitira para lang isalba ang natitirang peace of mind na meron ako. Everything got worse when Papa died."

"Close kayo ng Papa mo?"

"He's the only person who loved and understood me. He passed away so sudden. Tinawagan lang ako para sabihing inatake sa puso si Papa. Ilang beses kong tinanong si Mama kung anong nangyari kasi sila ang magkasama nung gabing 'yon, pero ayaw niyang magsalita. I knew there's something wrong. Wala pang two months after mawala si Papa, nagkaroon na agad ng bagong lalaki ang Nanay ko."

Napakunot ako ng noo. "Gano'n kabilis?"

"Nakaka-gago, 'di ba? Everyone was still grieving, pero ang magaling kong nanay, lumandi na agad. Ang mas nakakagalit, pinatira niya pa 'yung lalaki niya sa bahay mismo ni Papa. I think hanggang ngayon nando'n 'yon at nagfi-feeling legal husband."

"Anong ginawa ng mga kapatid mo?"

"Nothing. Sobrang na-manipulate na sila ni Mama kaya sunod-sunuran lang sila. Especially my older sister. Para siyang clone ng nanay ko." Ngumisi pa siya na halatang malalim pa rin ang galit.

"Then after a few weeks," patuloy niya pa, "napag-alaman ko na matagal na pala ang hideous affair ni Mama at ng lalaki niya. Nahuli 'yun ni Papa kaya siya inatake sa puso. Alam mo 'yung parang napag-connect the dots ko lahat? Kaya pala ayaw niyang i-kwento kung anong nangyari kay Papa, kaya pala pinalibing niya agad na para bang wala siyang time iyakan ang tatay ko, kaya pala parang wala lang sa kanya na nawalan siya ng partner sa buhay. She let my father die. Hindi agad siya humingi ng tulong at hinayaan niya lang na maubusan ng hininga ang Papa ko."

Biglang dumiin ang kapit niya sa lata ng beer. "I wanted to kill her that time. Nagdilim talaga ang paningin ko at gusto ko siyang saktan. Kitang-kita ng dalawa kong kapatid kung paano ko sinugod si Mama. Kaya syempre, sira na naman ang image ko at ako na naman ang masama sa paningin nila. What a life, right? I left them after that and never came back. Ayoko ng ka-pamilyang demonyo."

Napahinga na lang ako nang malalim at tumingin sa dagat. "Hindi kita masisisi kung bakit ganyan kalalim ang galit mo. Kahit ako 'yan, parehas tayo ng gagawin. Buti na nga lang iniwanan mo sila. Hindi sa sinasabi kong tama na tinalikuran mo ang pamilya mo, pero ayos lang na pumutol ng relasyon kung alam mong hindi na nakakabuti para sa 'yo, kahit na kapamilya mo pa 'yan."

Bigla siyang tumingin sa 'kin. Wala naman siyang sinabi, nakatingin lang siya.

Tiningnan ko rin siya. "Bakit?"

"You know why I like hanging out and talking to you? It's because I like how your mind works. Sawang-sawa na ako sa mga taong nagsasabi sa 'kin na, pamilya ko pa rin naman daw 'yon kahit na anong mangyari. Like, bullshit. Ang toxic ng gano'ng mindset. Nakakatuwa na may katulad mo na nakaka-intindi sa 'kin kahit na alam kong hindi mo naman na-experience ang mga pinagdaanan ko kasi may masaya kang pamilya."

"Hindi ko naman kailangang ma-experience para maintindihan. Wag kang mag-alala, willing akong ipahiram ang pamilya ko sa 'yo kapag kailangan mo."

Ngumisi lang naman siya, tapos bigla kinuha 'yung kaha ko ng sigarilyo. Naglabas siya ng isang stick at sinindihan.

Kumunot ang noo ko. "Nagyo-yosi ka ba talaga?"

"A little, but I stopped years ago. Na-miss ko lang, kaya pahingi."

Kinuha ko agad 'yong yosi kahit nasa bibig na niya. "Bawal. Kapag tinigil mo na, wag mo nang balikan. Nadala ka lang kasi nagalit ka. Wag kang mag-alala, hindi na natin pag-uusapan ang tungkol sa pamilya mo. Okay na sa 'kin na nag-kwento ka at naintindihan na kita kung bakit ka ganyan."

Bigla siyang natawa. "Anong kung bakit ako ganito?"

"Ganyan. Mysterious na medyo cold."

Napangisi siya sabay umiling-iling. "I'm sorry if I'm giving off that cold aura sometimes. Nasanay lang. Kapag naging soft kasi ako, lalo akong kakayanin ng pamilya ko." Tumingin siya sa 'kin. "Unless you want me to be a softie when I'm with you?"

Napangisi rin ako sabay uminom na ulit ng alak. "Hindi na. Ganyan ka na lang. Kayang-kaya naman kitang palambutin sa paraang alam ko."

Bigla niya akong hinampas.

"'Yan. 'Yan ang gusto kong Ales. 'Yung mapanakit."

Natawa na lang ulit siya.

Pero seryoso, masaya ako na nagkwento na siya. Ilang buwan na rin kaming lumalabas, pero ang konti pa rin ng nalalaman ko tungkol sa kanya. Ang hirap niya pa ring basahin minsan.

Nabigla na lang ako nang kumuha siya ng panibagong lata ng beer, tapos bumaba siya mula rito sa likod ng pickup para maglakad papunta sa dagat.

Sinita ko nga agad. "Oy, wag ka diyan. Madilim diyan."

"Hindi ako lalayo." Nagtuloy-tuloy pa rin siya.

Tsk, hindi talaga nakikinig sa 'kin 'to. Bumaba na rin ako para sumunod. Naabutan ko siya sa parte na nababasa na ng tubig dagat ang mga paa namin.

"Ba't gusto mo rito?" tanong ko.

"Wala lang. Nangalay na ako kauupo sa likod." Tumingin siya sa 'kin at may kakaiba siyang ngiti na ngayon ko lang nakita.

Napangisi tuloy ako. "Anong ngiti 'yan?"

"Nothing." Natatawa siya. "Ang sarap lang pala sa pakiramdam na makapag-open up sa 'yo. Alam mo 'yung parang nabawasan ako ng bigat sa dibdib? Masyado akong masaya ngayon. Nakakatakot tuloy."

"Bakit nakakatakot?"

"Kasi malamang bukas, malungkot ako. Or something bad might happen. Gano'n kasi ako, eh. Kapag masaya ako ngayon, for sure malungkot ako bukas."

Napangisi ako. "Ganyan talaga ang buhay. Lumilipas lahat. Kaya nga dapat kapag masaya ka, enjoyin mo. Kapag malungkot ka naman, isipin mo lang na matatapos din 'yon."

Napatitig na naman siya sa 'kin. "Alam mo, namamangha na talaga ako diyan sa mga words of wisdom mo. Parang gusto na kitang isulat at gawing male lead sa susunod kong novel."

"Pwede naman. Basta gawin mo akong bilyonaryo ro'n, ah?"

Natawa siya sabay hampas ulit sa braso ko. "But really, Theo, I feel great right now. Thank you for listening to the ugliest part of my life without judging."

"Ikaw lang naman 'tong takot magkwento sa 'kin, eh. Basta pagdating sa 'yo, palagi akong handang makinig."

"Talaga?" Bigla siyang tumapat sa 'kin at pinulupot ang mga braso niya sa leeg ko. "Okay, from now on, palagi na akong magsasabi sa 'yo ng mga nararamdaman ko."

"Sige, anong nararamdaman mo ngayon?"

Tumitig siya sa 'kin sabay kagat sa ibabang labi niya. "Horny?"

Napangisi ako. "'Yan tayo, eh. Sinabihan na kasi kitang wag kang uminom."

"I'm not drunk, okay. Konti pa nga lang ang naiinom ko."

"Ganyan ka kapag lasing. Kung anu-anong nasasabi mo."

"Hindi naman talaga. But I'm really in the mood right now."

Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumingkayad at hinila ako para halikan sa mga labi.

Syempre hindi ako pumalag. Hinawakan ko ang likod ng ulo niya at hinalikan din siya pabalik. Nilasap ko ang buong bibig niya at hindi siya pinakawalan hanggang siya na ang unang umiwas.

Pumungay ang mga mata niya at tinitigan ako. "Let's fuck here?"

Ngumisi ako. Tangina simpleng pagyaya niya lang, tinigasan na agad ako. Pero kailangan ko munang magpigil ng sarili.

Tumingin ako sa paligid. "Hindi pwede rito. Marami akong kakilala, baka may makakita sa 'tin."

Ngumisi rin siya. "I thought that's your kink? Doing the deed with the thrill of possibly being caught."

"Oo nga, pero wag dito."

"Tss...you're weak." Pang-aasar niya pa, tapos bigla na akong iniwanan para maglakad pabalik do'n sa kotse.

Tanginang 'yan. Nasabihan pang weak.

"Oy, Ales," tawag ko na lang. "Saan ka na naman pupunta?"

"Iinom na lang ulit. Ayaw mo naman, eh."

Napangisi ulit ako sabay umiling-iling na lang. 'Langya, ang hirap magpakabait kapag siya ang kasama. Sabi ko good boy ako rito, pero hindi ko pala mapaninindigan.

Sinundan ko na siya.

Nagulat siya nung bigla ko siyang hinila para pasandalin at ipitin sa gilid ng kotse.

"Theo, w-what are you doing?"

"'Yung gusto mo." Pinasok ko agad ang kamay ko sa suot niyang jacket at nilamas ang dibdib niya.

TO BE CONTINUED

Bitin ba? Read four (4) advanced chapters of this story on my Patreon! Go to www.patreon.com/barbsgaliciawrites.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro