Epilogue
Thank you for reaching this far. My heart is so full. Just like you, I will surely miss writing about Cairo and Tathi. See on the series no 5. Next chapter would be the Special Chapter. Keep safe and God bless. Love lots, Maria.
-----------
Cairo's pov
"Ayaw mo munang magbakasyon? Kakagraduate mo lang anak. Gayahin mo ang mga kapatid mo" nagaalalang sabi ni Mommy sa akin.
Tipid ko siyang nginitian. Abala pa din ako sa pagaayos ng aking mga gamit. May business kaming pinaplanong itayo ni Daddy sa mag Bulacan. Nagalok ang kaibigan ni Daddy na si Governor Coronel na duon na muna ako sa kanila tumuloy habang inaaral ko ang mga property.
"Hindi na po. I'll go abroad for my masterals though" sabi ko sa kanya. Mas lalong pumungay ang kanyang mga mata.
She is so protective of us. Mahal na mahal din namin siya. Sinabi ni Daddy sa amin nuon kung paano halos itaya ni Mommy ang buhay niya para lang mabuhay kaming apat na magkakapatid. Hindi nga naman biro ang magbuntis at manganak ng quadruplets.
Ilang araw pa lang ang nakakalipas ng grumaduate ako sa college. Ang iba kong kaibigan ay nagkayayaan kaagad na magbakasyon. Ngunit wala iyon sa isip ko, ako ang inaasahan ni Daddy na tutulong sa kanya sa companya. Ako lang kasi ang sumunod sa yapak niya.
"Magandang umaga po, Senyorito Cairo" bati sa akin ng mga kasambahay.
Sinalubong din ako ni Tito Henry, ang governor. Nang sumunod na araw ay kaagad kaming may dinaluhan na program sa munisipyo. Ginawa nila akong guest speaker.
"Dito po, Sir" tawag sa akin ng babaeng nagaasisst sa amin. May sarili kaming upuan, kasama ang ilang opisyal.
Naglalakad ako palipit duon ng makuha ng dalawang bata ang aking pansin. Lalaki ang isa ngunit mahinhin ang galaw. Ang kasama naman niya ay maputi, maiksi ang buhok at maganda, magandang babae.
Tumaas ang isang sulok ng labi ko ng makita kong may tinatago silang plastick sa gilid. Naguuwi ata ng pagkain. Ang mga batang ito.
"Shuta, Tathi. Hawakan mong mabuti" pamomorblema ng isa.
"Sir Cairo" tawag sa akin kaya naman nagiwas na ako ng tingin sa kanila at lumapit sa lamesang inihanda para sa amin.
Naiwan akong magisa sa bahay nina Tito dahil sa kanyang trabaho. Ang mga anak kasi nito ay nasa maynila pa.
"Gusto sana naming magtayo ng malaking warehouse" sabi ko sa engineer na kausap ko ng magsite visit kami isang araw.
Kumunot ang noo ko dahil sa init ng araw. Malamig naman ang simoy ng hangin. Inilibot ko ang aking mga mata sa buong paligid ng mapansin ko ang pagdating ng pamilyar na babae.
Naka school uniform ito. Pakanta kanta pa habang naglalakad magisa. Hinayaan niyang magulo ang maiksing buhok dahil sa pagihip ng hangin. Nagtagal ang tingin ko sa kanya, bayolente akong napalunok ng bigla akong mainis. Ni hindi man lang tumingin!
Nakita ko kung paano nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang fishball cart. Tumakbo pa talaga siya papalapit duon. Nagigting ang aking panga, gusto mo niyan? Bibilhin ko ang lahat ng tinda ni Manong.
"Mr. Herrer" tawag sa akin nh Engineer na kausap ko ng mapansin niyang wala sa kanya ang atensyon ko.
Gustuhin ko mang magfocus sa pinaguusapan namin ay hindi ko magawa. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapasulyap sa kanya. Masyadong maputi, payat at parang madungis.
"Ilan na ang nakain mo neng?" rinig kong tanong ni Manong ng lumapit ako sa kanila.
Naikuyom ko ang aking kamao. Bigla kasing bumilis ang tibok ng puso ko ng mas makita ko siya ng malapitan. Sobrang ganda.
"Wala pang limang piso, Kuya" nakangiting sabi niya dito.
Wala sa sarili kong hinawakan ang kamay niyang may hawal na stick. Tutusok pa sana ulit siya ng fishball.
Para akong naestatwa. Nakita ko din kung paano namula ang kanyang magkabilang pisngi. Tumikhim ako para makabawi.
"Hindi lang limang piso ang nakain mo bata. Lolokohin mo pa si Manong" matigas na sabi ko sa kanya. Magkano ba iyon? Hindi ko nga alam kung paano ang bayaran sa pagkain ng fishball.
Muli ko siyany tiningnan mula ulo hanggang paa. Sobrang ganda sana, kaso ang dugyot.
"Hindi ko naman..." hindi niya na naituloy pa ang sasabihin niya ng makita niyang kumuha ako ng pera at inabot kay Manong. Pati ang boses, malamig, malambing.
"Hindi naman na ako bata" laban niya sa akin kaya naman medyo sumama pa ang tingin ko sa kung saan.
"Nag cutting ka pa" akusa ko sa kanya.
Mas lalong sumama ang tingin ko sa kanya ng makita ko ang pagnguso nguso niya.
"Ako nga po pala si Tathriana. Tathi na lang po" ngiting ngiting pagpapakilala niya sa akin. Nakita ko pa kung paano niya pinahid ang palad sa suot na palda bago ialok sa akin ang kanyang kamay.
Hindi ko tinanggap iyon. Mas lalo ko siyang sinungitan. Ayoko siyang hawakan.
"Pwede pong magpapicture?" tanong pa niya sa akin. Nagulat ako ng sa kabila ng pagsusungit ko sa kanya ay nagagawa pa din niyang ngitian ako. Ang kulit mo ah.
Inirapan ko siya. Matapos mo akong hindi tapunan ng tingin kanina? Hindi na.
"Maligo ka muna. Ang dungis mo" sabi ko sa kanya bago ko siya tinalikuran.
Hindi ko naiwasang mapangiti habang naglalakad palayo sa kanya. Ang ganda sana, ang dungis nga lang.
Mas lalo akong nainis ng ipakilala siya sa akin ni Manang Bobby bilang bagong hardinera. Tumalim ang tingin ko sa kanya ng todo ang ngiti niya, hindi man lang nahiya ang babaeng ito. May suot pang pulang supil. Akala mo naman ikinalinis niya. Oo, lalo siyang gumanda, pero madungis pa din.
Imbes na sa kwarto at sa home office ako magtrabaho ay nakasanayan ko na sa may garden. Mas gusto ko duon dahil open air, masarap ang simoy ng hangin.
Abala ako sa pag gawa ng report sa aking laptop ng hindi ko naiwasang panuorin siya. Kanina ko pa din napapansin ang pagtingin tingin niya sa akin. Sa tuwing huhulihin ko naman ay mamumula pagkatapos ay magiiwas ng tingin.
Duwag. Gusto mong makipagtitigan? Halika rito.
Galing ako sa karatig bayan isang hapon ng makita ko siyang naglalakad sa daan kasama nag kaibigan niyang lalaki. Binagalan ko sandali ang takbo ng aking sasakyan. Napangisi ako ng makita kong panay ang sipa niya sa bato at sa mga damo. Hanggang sa lumipad ang sapatos niya sa gitna ng daan.
Alam ko, nasagasaan ko ang sapatos niya. Kaya naman paguwi galing sa mansyon ay tinawagan ko kaagad ang secretary ni Daddy.
"Oo, size seven siguro. Ipadala mo dito sa bulacan" utos ko sa kanya ng magpabili ako ng doll shoes sa isang kilalang brand. Gusto ko sanang bumili ng tigitig isa ng lahat ng klase pero baka masyado ng halata. Tsaka na.
Hindi naging tahimik ang bawat araw ko dahil sa kanya. Halos istobohin niya ako sa trabaho tuwing nasa may garden ako. Pero imbes na mainis ay mas gusto ko pa din duon. Hindi ko alam, gusto ko ng tahimik na lugar pag nagtratrabaho. Pero kung siya ang magiingay at mangugulo sa akin. Ayos lang.
Nakangiti itong tumatakbo papaasok sa bahay sa tuwing tinatawag siya ni Manang para sa mirienda. Naku, mukhang matakaw. Kailangan kong magtrabaho ng mabuti.
"Ay, kain po tayo Senyorito baby" yaya niya sa akin ng lumabas siya na may dala ng pagkain.
Mula sa aking laptop ay sumama ang tingin ko sa kanya. Ang madungis na babaeng ito!
"Shut up!" asik ko.
Ayan nanaman at humaba nanaman ang nguso niya. Pipitikin ko yang nguso mo eh.
"Ang sungit naman ng baby ko..."
Pumintig ang tenga ko. Baby mo? Ako? Ikaw na bata ka. "Anong sabi mo?" iritadong tanong ko sa kanya.
Nagmaang maangan pa siya. Magaling pang mangatwiran. Wala pa ngang kami ay namomorblema na ako. Humanda ka sa akin pag dating mo sa tamang edad.
Hindi maalis ang tingin ko sa kanya ng umattend ako ng graduation ceremony nila. Tahimik siyang umiyak ng magumpisang mag speech ang valedictorian nila. Ang balita ko ay siya dapat iyon. Hindi ko alam kung anong nangyari. Ang alam mo lang nasasaktan siya.
Shh...Baby, That's alright.
"Manang, kayo na po ang magbigay nito kay Tathi" utos ko kay Manang Bobby. Hindi ko kayang ibigay iyon ng direkta sa kanya.
Nagpapicture kasi siya sa akin pagkatapos ng graduation nila, napamura pa ako ng malaman kong wala naman pala siyang cellphone. Dapat sinabi niya, iyon na lang sana ang niregalo ko.
Naginit ang ulo ko ng dumating si Luigi kasama ang mga kaklase niya. Unang araw pa lang ay narinig ko na kaagad na pinaguusapan nila si Tathriana.
"Ang ganda, pero ang bata" rinig kong sabi ng isa. Naikuyom ko ang kamao ko.
Kung hindi lang ako nakapagpigil ay hindi sila makakaapak sa loob ng bahay. Sa gate pa lang ay pinalayas ko na sila. Gustong gusto ko silang paalisin kahit hindi ko din naman bahay ito.
"Cai. Si Cherry" pagpapakilala ni Luigi sa akin ng isa sa mga kaibigan niya. Kanina ko pa sila nakikitang nakatingin sa akin at nagtutulakan. Gusto kong umirap. Wala sa kanila ang tipo ko.
Nagaya si Luigi na maligo sa pool. Sumama ako kahit ayoko, alam ko kasing magseserve si Tathriana. Magbabantay ako.
Pagkalabas ko sa may pool area ay nakita kong halos nakabikin na ang mga babae. Imbes na magtagal ang tingin ko sa kanila ay mas itinuon ko ang pansin ko sa may lamesa kung nasaan ang mga pagkain. Duon ako, dahil nanduon si Tathi.
Tahimik siyang kumakain habang nanunuod ng mga naliligo. Umigting ang aking panga, anong pinapanuod mo diyan?
Naghiyawan ang mga babae ng may isang naghubad ng sando. Nanatili ang tingin ko sa kanya, aba't talagang nanunuod siya na parang bang may shooting duon. Malaman ko lang talaga na ang mga lalaki ang tinitingnan niya, papauwiin ko to.
"Sus, malaki pa din ang boobies ni Manang bobby" rinig kong bulong niya.
Napangis ako habang kumakain. Nakahinga ako ng maluwag. Nung isang araw ko pa naririnig ang babaeng ito na nagtatanong kay Manang tungkol sa dibdib.
Muli akong lumingon sa kanya ng humarap ako sa lamesa para kumuha ng pagkain. Nagulat ako ng makita kong nakatingin siya sa kanyang dibdib.
"Lalaki din kayo, wag kayong magalala" pagkausap niya sa mga ito. Bayolente akong napalunok. Hindi ko napigilang mapamura.
Damn baby, shut up. Tinanong niya pa ako kung bakit. Pero inulit niya lang ulit. Sumasakit ang ulo ko sa babaeng ito!
Muntik ko pang masuntok ang isa sa mga kaibigan ni Luigi. Kung wala lang si Tathriana sa harapan namin ay nakatikim na ng suntok sa akin si Aaron. Wag na wag niyang didiskartehan si Tathriana dahil ako ay nagtitiis din at naghihintay ng tamang oras.
Seryoso akong nagtratrabo sa may garden ng sumunod na araw ng bigla nanaman siyang lumapit sa akin dala ang bago daw niyang cellphone.
"Pwede po ba akong magpapasa ng litrato natin nung graduation ko?" matapang na tanong niya sa akin. Ang kapal talaga ng mukha ng isang ito. Bilisan mo kayang lumaki!
Naglapat ang mga labi ko ng sabihin niya sa aking gagawin pa daw niyang wallpaper ang picture naming dalawa. Hindi na nahiya. Sumasakit nanaman ang ulo ko. Paano kung ganito din siya sa ibang lalaki?
"Gusto niyo pong hingin ang number ko?" tanong niya.
"No" matigas na sagot ko.
Sandali siyang umalis ng tawagin siya ni Manang Bobby. Imbes na hingin ay ako na mismo ang kumuha ng number niya. Baka lalong lumaki ang ulo. Ayos lang na ganyan siya. Basta sa akin lang.
Halos mabasag ang screen ng laptop ko dahil sa sama ng tingin ko ng makita kong lumapit sa kanya si Aaron at hiningi ang number niya. Hindi man lang siya nagdalawang isip na ibigay iyon! Tathriana!
Tathriana:
Sino ka?
Aba't nagawa pang magtanong! Gusto mong bugbugin ko sa harapan mo yang si Aaron?
Ako:
Don't give your fucking number
Nakita kong nabasa niya ang text ko pero nagsumige pa din siya. Ang babaeng ito! Napakatigas ng ulo.
Ako:
Sige, Tathriana. Subukan mo!
Pagbabanta ko sa kanya. Napamura ako, umakyat ang lahat ng dugo sa ulo ko ng magreply siya at tanungin ako kung ako daw ba ang Papa niya. Tangina.
"Cai ok ka lang?" tanong ni Lumi sa akin ng magkaroon ng magkayayaang maginuman sa may garden nung gabi.
Tumango ako at tahimik na nakiinom sa kanila.
"Sumasagot pare, ipapasyal niya daw ako" Si Aaron, habang nakatutok sa kanyang cellphone.
Hindi ko sana papansinin ang gago, hanggang sa narinig ko ang pangalan ni Tathi.
"Tigilan mo si Tathi, hindi yan kagaya ng babae mo sa Manila. Parang kapatid na namin iyon" suway ni Luigi sa kanya.
Tumalim ang tingin ko kay Aaron. Ano kaya ang una kong babasagin? Ang cellphone o mukha niya?
Ako:
Stop texting!
Tathriana:
Lakas trip mo ah! Sino ka ba?
Ako:
Stop texting, Aaron.
Isang malutong na mura ang nasabi ko ng pagkamalan din niya akong si Luigi. Mas lalo pa akong nainis ng sumabay sa text ang secretary ni Daddy para ifollow up ang report ko.
Ako:
First, Papa mo. Ngayon si Luigi. Wow Tathriana, Just wow. Wag ka ng magreply! I won't text back!
Tathriana:
Baby?
Wala sa sarili akong nagreply. Na ang dapat na reply ko sa secretary ni Daddy ay napunta sa kanya.
Ako:
Yes?
Tangina!
Ako:
Wrong send! Damn it!
Pagkatapos nuon ay padabog kong itinago ang cellphone ko sa aking bulsa.
Hindi ko mapagkakailang minahal ko ang Sta. maria dahil sa kanya. Pakiramdam ko ay mahihirapan akong umalis dito.
"Wala po. Hindi naman daw po lumabas" nagaalalang sabi sa akin ni Manang bobby.
Kaagad ko ng pinahanda ang sasakyan. Nasaan na ba ang babaeng iyon ay bigla bigla na lang nawawala!?
"Ipahanda niyo ang sasakyan. Hahanapin ko" matigas na sabi ko sa kanila.
Kanina ko pa sinusubukang tawag ang cellphone niya pero hindi niya sinasagot. Aalis na sana kami para magtungo sa may plaza. Kinuha kasi akong judge para sa isang pageant.
Sinubukan kong istalk ang facebook niya. Mariin akong napapikit ng makita ko ang last post niya. Nasa may duyan!
Ang kaninang galit at frustration na naramdaman ko ay unti unting nawala ng makita kong mahimbing siyang natutulog duon. Kung titingnan sa malayo ay para namang walang tao. Nakabaluktot kasi siya sa loob, masarap ang tulog.
"Nandito Manang" sigaw ko ng mapansin kong gigising na siya.
Napadaing siya ng pitikin ko siya sa noo. Pinakaba mo ako. Hinding hindi ka na ulit nawawala sa paningin ko.
Nagdala ako ng jacket ng mapansin kong masyadong manipis ang suot niyang damit. Baka gabihin kami. Nung isang araw pa naman ay nakita kong nagpaulan siya.
Napapailing na lamang ako sa tuwing nakikipalakpak siya at nakikihiyaw sa mga tao sa tuwing may rumarampang lalaki.
"Senyorito, bet ko yan ha!" turo niya sa akin sa lalaking candidate na nagpakita ng tiyan niya. Abs na yon? Abs yon? Baka ipakita ko sa kanya ang totoong abs.
Sinamaan ko siya ng tingin. Ah gusto mo yan? Humanda yan sa akin. Binuksan ko ang folder at kaagad na kinrossout ang pangalan nung lalaki.
Nagmagswimsuit competition ay humilig pa siya sa akin. Nagtanong siya kung sino ang gusyo ko sa mga iyon. Wala, Tathi.
Bumaba ang tingin ko sa suot niyang puting damit. "Yung nakaputi" sabi ko. Sandali pang nanlaki ang kanyang mga mata.
"Yung maiksi ang buhok" pahabol ko pa. If your pretty little mind can't get it. Yes it's you, Tathriana.
Panay ang tingin ko sa aking orasan kinaumagahan. Tanghali na at wala pa ang babaeng iyon.
Sinunukan ko siyang itext. Aba? Wag niyang paghintayin ang mga halaman dito sa garden.
"Manang dumating na si Tathriana?" tanong ko dito.
"Naku, Senyorito hindi po papasok. Tumawag si Lourdes, may sakit daw po"
Kaagad akong nagpabili ng prutas para sa kanya. Nang magising ay nagreply pa siya sa akin. Imbes na sa garden magtrabaho ay bumalik na lamang ako sa aking kwarto.
Tathriana:
Salamat po sa prutas
Ako:
Stop texting and rest.
Magpagaling ka at ng makapasok ka na! Naghihintay na sayo ang mga halaman sa garden.
Kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata ng kinailagan kong umalis patungo sa manila kasama si Engr. Crystal.
"Ipapakilala niyo po siya sa Daddy niyo?" tanong niya sa akin.
Nanatili ang tingin ko sa kanya. Kita ko ang lungkot duon. "Yes" sagot ko.
"Buti pa siya" reklamo niya. Gusto kong matawa. Baby, kilala ka na ng kapatid ko.
Ibinigay ko sa kanya ang libro na may english and spanish translation. Mag aral ka niyan at dadalhin kita sa spain.
"Pasok na. Ayokong umalis na ganyan ka..." pagtulak ko sa kanya.
Ayokong umalis na malungkot siya. Hindi ako mapapakali.
Nasa Manila kami ng umulan ng malakas. Pinilit ako ni Daddy na ipagpabukas na lang ang pagbalik sa Bulacan. Delikado bumyahe pero wala akong pakialam. Mas takot akong biguin si Tathriana. Nangako ako sa kanya na uuwi ako ngayong araw.
"Sino po ang pagbibigyan niyo?" tanong ni Engr. Crsytal ng dumaan ako sa isang pastey shop para bilhan siya ng pasalubong.
Gagabihin kami, ayokong makatulugan niya ang tampo sa akin. Hindi din naman ako makakatulog pag ganuon.
"Si Tathi" sagot ko sa kanya kaya naman napawi ang ngiti sa kanyang labi. Wala na akong pakialam. Si Tathi ang nasa isip ko buong byahe.
Ibinaba ko si Engr. Sa tapat ng bahay nila. Imbes na duniretso pauwi sa mansyon ay dumaan na muna ako kila Tathi. Gabi na, pero baka gising pa siya.
Nakita ko kung paano umilaw ang kanyang kwarto. Hindi nagtagal ay tumaas ang isang sulok ng labi ko ng maingat siyang lumabas sa kanilang bahay.
"Salamat po dito. Buti po nakauwi kayo, ang sabi ni Manang baka maghotel na lang kayo ni Engr" kwento pa niya sa akin. Naikuyom ko ang aking kamao. Sinasabi ko na nga ba, kung ano ano nanaman ang naisip nito.
"Sabi ko sayo uuwi ako" I'm true to my words. Lalo na sayo, kaya nga ng sabihin ko sayong hindi aki papayag na hindi tayo sa huli ay gagawin ko. Whatever it takes, mabangga ang mababangga. Akin si Tathriana.
Hindi ko alam kung paano ko siya idadate. Ang corny ng date nila nung batang basketbolista na iyon. Kaya naman ng matapos ako sa trabaho isang gabi ay naisipan kong mag search sa google. Bahala na, malay ko ba sa mga uso ngayon.
Kumain daw sa labas at manuod ng sine. Yun na iyon? Matutuwa kaya si Tathi duon?
After that date, I kissed her. Ramdam kong iyon ang unang halik niya. Her lips is soft. Isang dampi lang sana iyon pero napasobra. I wan to kiss her deeper but I know my limitations. Maghihintay ako hanggang sa pwede na.
Buong araw niya akong iniwasan sa huling araw ko sa Bulacan. Mas lalo akong nafrustrate. Ayokong umalis na ganito siya, bakit ba ayaw niyang maniwala sa akin na babalik ako. Lagi akong babalik para sa kanya.
Nagtagal ang tingin ko sa kanya ng makita kong suot niya ang ibinigay kong yellow spaghetti strap vneck ruffle dress. Damn, that's my baby.
"May kailangan ka po?" tanong niya sa akin ng sundan ko siya sa may kitchen. Alam kong umiiwas siya. Iniiwasan niya ako.
"May sasabihin lang ako"
"A...ano po?" nautal pang tanong niya.
Humilig ako lalo palapit sa kanya. "Ang ganda mo" bulong ko sa kanya bago ko siya hinalikan sa noo.
Ayoko siyang iwan. Ayoko ding umalis, pero kailangan. May tiwala ako sa nararamdaman naming dalawa. Mahal ko siya, pero hindi pa ngayon ang tamang oras.
I'll wait for her. We need to grow, we need to grow apart. Halos mabaliw ako sa kakaisip, sugal ang pagalis ko. Alam ko. Takot ako na baka makahanap si Tathi ng iba habang wala ako.
I almost lost her. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung hindi siya bumalik sa akin.
"Charlie!" galit na sigaw niya.
Muli akong napadilat. Sa isang pikit bumalik sa akin ang mga alaala.
"Tathrina dugs Torres-Herrer. Bar top notcher" patuloy na pangaasar ni Charlie dito.
Napangis na lang ako at napailing. Pareho bar passer ang mga ito pero pag wala sa korte at trabaho ay parang sila pa din yung Tathi at Charlie na nakilala ko sa Bulacan.
After lumabas ng result ng bar exam ay nagpakasal kami ni Tathriana. Kumpleto ang pamilya niya, ganuon din sa akin maliban kay Abuela. My baby is a top notcher. Bakit hindi? Ang galing mangatwiran.
Tumayo ito mula sa pagkakaluhod sa may garden sa bahay nila Kenzo at Sera. Nakasimangot itong humarap sa akin. Namumula ang mga mata.
Napangiti ako. Malaki na ang tiyan niya, sa susunod na buwan ay manganganak na siya. "Cairo!" tawag niya sa akin.
Mas lalo siyang tinawanan ni Charlie. Kasama din namin si Augustine.
"Ang kinain ni Snow white mansanas, ikaw lumunok ng pakwan" pangaasar pa niya dito.
Kaagad akong naglahad ng kamay para salubungin siya. Imbes na sa upuan sa aking tabi siya naupo ay sa kandungan ko siya pinaupo.
Pumulupot ang kamay ko sa kanyang bewang. Ang isa naman ay sa kanyang malaking tiyan. Kaagad ko siyang hinalikan sa pisngi.
"Panget na ba ako?" naiiyak na tanong niya sa akin.
Napangisi ako. "Kailan ka ba naging maganda?" pangaasar ko sa kanya. Damn baby. Kung hindi ka lang buntis.
Humaba nanaman ang nguso niya kaya naman hindi ko na napigilan ay sandali siyang hinalikan sa labi.
"Sobrang ganda. Pero ang dungis nanaman" puna ko sa kanya. Ako na ang nagpagpag ng kanyang kamay. Napagdiskitahan nanaman niya ang mga halaman.
"Para maging magaling din sa halaman ang baby natin" sagot niya sa akin kaya naman napangisi ako.
Lumabas si Sera at Kenzo dala ang aming mirienda. Kaagad na lumapit sina Augustine at Charlie.
"Ito na ang nirequest mong champorado, Tathi" sabi ni Sera dito.
"Palagi kang kumakain niyan" puna ko sa kanya.
Nilingon niya ako at nginisian. "Para maging masaya ang childhood ng baby natin" sagot niya sa akin na ikinatawa ko.
"Bilhan mo na ng pangkulay ng buhok si Cairo" pangaasar pa ni Sera.
"Marami ng stock sa bahay" laban ni Tathi sa kanya kaya naman mariin akong napapikit.
We'll be having a baby girl. And yes, I didn't break the pattern.
Humigpit ang yakap ko sa kanya. "What a ruthless, Mrs. Herrer" bulong ko sa kanya kaya naman napabungisngis siya. I'm so damn inlove with her.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro