Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Upset






Tahimik akong naglalakad sa likuran ni Senyorito baby. Ngingiti ngiti pa ako habang pinagmamasdan ang kanyang likuran. Grabe, kahit nakatalikod ang gwapo pa din! Yung balikat, pababa sa mga braso hanggang duon sa haba ng kamay, Shuta! Matangkad at maganda ang katawan niya sa edad niya. Siguro nga, maaga siyang nagmatured dahil na din sa trabaho niya.

Napakagat labi ako ng bumaba ang tingin ko sa kanyang pangupo. Ang sexy! Ang yummy!

"Anong nginingiti ngiti mo?" masungit na tanong niya sa akin ng bigla siyang lumingon sa akin.

Napahinto ako sa paglalakad. Nahuli pa ata akong nagdadaydream. Di ba pwedeng maglakad kami na magkahawak kamay? Like, holding hands while walking and paSway sway pa.

Mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin ng mapansin niya ang pagkabato ko. "Eh...wala naman po, masaya lang ako" nakangising sagot ko sa kanya.

Inirapan niya ako tsaka siya nagpatuloy sa kanyang paglakad. Halos takbuhin ko ang distansya naming dalawa. Ang haba ng binti, at ang lalaki ng kanyang hakbang. Pagod na pagod akong lumapit sa kanya ng  tumigil siya sa tapat ng escalator.

"Ang bagal naman" inis na sabi niya sa akin kaya naman napanguso ako.

"Ang bilis mo kasing maglakad, Senyorito baby..." wala sa sarili kong sabi dahil sa kapaguran. Bayolente akong napalunok, hinintay ko ang pagsuway niya sa akin. Natahimik ako ng sumakay kami sa escalator, pinauna niya ako kaya naman ramdam na ramdam ko siya sa aking likuran.

Kahit lamang ako ng isang baitang sa kanya ay abot na abot pa din niya ako. Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng maramdaman ko ang hininga niya sa may bandang tenga ko.

"Anong tawag mo sa akin?" seryosong tanong niya pero nakakapanindig balahibo!

Hindi ko nagawang lumingon, paniguradong mas lalong maglalapit ang mukha namin sa oras na lumingon ako sa kanya.

"Senyorito po..."

Kinakabahan ako, lalo na ng marinig ko ang pagngisi niya.

"Siraulo ka talagang bata ka" natatawang sabi niya sa akin kaya naman napafacepalm na lamang ako. Inis naman eh, bukod sa sinabihan na niya akong siraulo at tinawag pa niya akong bata. Kailan ba kasi ako lalaki? Gusto ko ng tumanda kaagad.

Muntik na akong matalisod pagdating namin sa itaas. Mabuti na lamang at kaagad niyang nahawakan ang braso ko. Jusko! Pati ang kamay niya! Yung kamay niyang nagkukulong sa braso ko, ang maugat niyang kamay!

Mabilis din naman niya akong binitwan ng makabawi na ako. Bumagsak ang balikat ko, magholding hands na lang kasi kami eh! Ayaw pa!

"Simcard" matigas na sabi niya duon sa tindera. Huminto kami sa may gitna kung saan mayroong iba't ibang stall ng mga gadgets at accesories para dito. May kalayuan ang mall dito sa sta. clara, ang pinakamalapit sa amin ay sa marilao pa kaya naman halos lahat ay dito na lang sa waltermart pumupunta.

Bumaba ang tingin ko sa iba't ibang klase ng cellphone na nakadisplay sa estante. May nakita din akong mga camera at ilang laptop. Tahimik akong nakatayo sa gilid ni Senyorito baby ng kaagad maagaw ng atensyon ko ang pagpapacute nung babae sa kanya.

Tumaas ang isang sulok ko labi ko, itong si ate!. Tiningnan ko si Senyorito baby para tingnan ang kanyang ekspresyon pero pareho kaming nagulat ng magtama ang aming paningin. Nanlaki ang mata ko at nagiwas ng tingin, ganuon din naman ang ginawa niya.

"Saan mo gustong kumain?" seryosong tanong niya sa akin ng matapos na kaming makabili ng simcard. Yun talaga ang inuna niya.

Nagkibit balikat ako. "Libre mo po ba? Wala kasi akong pera eh" nahihiyang sabi ko sa kanya. Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Jusko, Tathi! Nahiya ka pa sa lagay na yan ha!

Nagtaas siya ng kilay sa akin, marahang tumango at nagiwas ng tingin. Mas lalong lumaki ang ngiti ko habang tumitingin sa mga fastfood na mayroon dito. Tahimik siyang naglalakad sa likuran ko, nakasunod kung saan ako pupunta.

"Tathriana, pangalawang ikot na natin ito" galit na suway niya sa akin. Hindi kasi ako makapili, hindi ko alam kung saan ko gustong kumain. Nahihiya ako.

Napakamot ako sa aking ulo. "Ikaw na nga lang po bahala" alanganing sabi ko sa kanya. Nalaglag ang panga niya, kaagad siyang sumimangot sa akin.

Nabadtrip ko nanaman ata kaya nakayuko akong sumunod sa kanya. "Dito na, kanina pa lakad ng lakad" inis na sabi niya at pabulong na yung iba. Tumango na lamang ako bilang pagsangayon sa kanya. Siya naman ang magbabayad kasi ayos lang sa akin kahit saan.

Tinuro niya ako sa may upuan. Siya ang naglakad at pumili duon sa may counter. Tahimik akong pinagmasdan ang mga tao sa fastfood. Para sa iba, normal na araw lang ito. Sa akin hindi, hindi naman ako palaging nakakapunta dito. Minsan lang ako makalabas ng sta. maria. May mga fastfood sa bayan pero hindi din naman kami kumakain duon. Busy kasi masyado sina Mama at Papa sa negosyo, at sayang ang pera kung gagastos pa.

Pinagmasdan ko si Senyorito baby na nakapila pa din hanggang ngayon. Pansin ko ang paglingon at pagtitig sa kanya ng ilan. Hindi ko naman sila masisisi dahil malakas talaga ang dating ng baby ko. Seryoso itong nakatingin sa kanyang cellphone, kahit ganuon lang ang ginagawa niya ay nakakainlove pa din.

Napaiktad ako ng makarecieve ako ng message.

Unknown number:

Do you want bingsu?

Halos mapasinghap ako dahil duon. This is it! The confirmation!

Ako:

Anong bingsu?

Halos manginig ang kamay ko ng isend ko iyon. Yukong yuko ako habang nakatitig sa cellphone ko. Wala akong lakas na tingnan ngayon si Senyorito baby, namamanhid ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa oras na malaman kong siya nga.

Mas bumilis ang pagtatambol sa dibdib ko ng muli akong makareceive nanaman ako ng text mula sa kanya.

Unknown number:

Look at me.

Napasinghap ako. Shuta! Kinakabahan ako, nanginginig ang buong katawan ko. Sobrang init ng pisngi ko dahil sa mga nangyayari. Inipon ko ang buong tapang ko para dahan dahang iangat ang tingin sa kay Senyorito baby.

Halos malagutan ako ng hininga ng makita kong nakatingin na din siya sa akin. Shuta! Siya nga! Gusto kong tumili, halos dumugo ang labi ko dahil sa pagkakakagat ko, pigil napigil ako sa pagngiti. Itinaas niya ang kamay niya at mayitinuro duon sa may counter. Wala sa sarili kong tiningnan iyon. Tumango na lamang ako ng makita ko kung ano yung tinutukoy niya.

Mabilis din siyang nagiwas ng tingin sa akin pagkatapos nuon. Mabilis akong dumukdok sa may lamesa at napapagdyak pa dahil sa nararamdamang kilig. Ngayon, sigurado na akong siya na ngayon.

Ok Tathriana, kalma ka girl. Kumalma ka!

Halos hindi ko siya magawang tingnan pagkabalik niya. Hawak niya ang isang tray na may lamang pagkain. Tahimik lamang din siya. Nanlaki ang mata ko ng ilagay niya sa harapan ko yung chocolate brownie na bingsu.

"Salamat po" nahihiyang sabi ko.

Bahagya lamang siyang tumango sa akin. Shuta, biglang naging akward. Tiningnan ko ang mga pagkain, halos malula ako sa dami nuon eh dalawa lang naman kaming kakain. At napansin ko ding ako lang ang may rice. May chicken wings na may fries at ilang mga seafoods.

"Uhm, hindi ka po kakain ng rice?" tanong ko sa kanya. Nanatili ang mata niya sa pagkain. Marahang tango lang ang ibinigay niya sa akin.

Nagumpisa akong kumain kahit ang totoo ay hirap na hirap akong lumunok. Nakakahiya naman kung hindi ako kakain, libre na nga ito. Tumunog ang kanyang cellphone kaya naman maging ako ay napatingin din duon.

Sinimulan kong kainin yung bingsu habang may katawagan siya. Ang sarap! Halos dilaan ko yung kutsara.

"I'm still planning. Maybe next year, depende pa..." rinig kong sabi niya duon sa kanyang kausap.

Tumingin ako sa kanya. Nagulat ako ng makitang pinapanuod niya akong kumain. Nakakunot ang kanyang noo habang nasa tenga pa din niya ang kanyang cellphone. Hinayaan ko na lang, nagpatuloy ako sa pagkain.

"Sa spain ako magaaral for MBA" rinig kong sabi pa niya kaya naman muling bumalik ang tingin ko sa kanya.

Spain? Aalis siya?

Hindi ko na inalis ang tingin ko sa kanya. Malugod akong nakinig sa sasabihin niya. Nakita ko tuloy kung paano bumaba ang tingin niya sa kinakain ko, hanggang sa unti unti iyong unakyat sa mukha ko. Nanatili ang mata niya sa labi ko at sa subo subo kong kutsara.

Hindi nagtagal ay mariin siyang pumikit at hindi ba muli pang tumingin sa akin. Hay, mukhang aalis talaga siya patungo sa ibang bansa. Sana dito na lang siya sa bulacan.

"Give me your phone" sabi niya matapos niyang ibaba ang tawag. Naglahad siya ng kamay sa akin, mabilis kong nilagay ang cellphone ko sa palad niya. Muling nagmukhang maliit ang cellphone ko dahil sa pagkakahawak niya dito.

Siya na mismo ang nagpalit ng simcard ko. Tahimik ko siyang pinanuod habang patuloy pa din ako sa pagkain.

"Edi, kukunin niyo na po ang number ko?" nakangiting tanong ko sa kanya.

"No" matigas ba sambit niya. Naglaglag ang panga ko. Ano nanaman kaya ang problema at ayaw nanaman niyang kuhanin ang number ko. Anong silbi ng pagpapalit ko ng simcard.

Humaba ang nguso ko. Nakakainis naman.  Tumahimik na lang ulit ako kesa mainis ko nanaman si Senyorito baby, nakakahita naman. Nilibre na nga ako, bwibwisitin ko pa. Pinanuod ko kung paano niya muling binuo yung android phone ko. Nanatili ang tingin ko sa aking cellphone ng makita kong matapos niyang buhayin ay may pinindot siyang kung ano ano.

Kumunot ang noo ko ng makita ko kung paano lumipat ang mata niya sa cellphone ko patungo sa cellphone niya. Bayolente siyang napalunok at bahagyang tumingin sa akin. Nang makita niyang nanunuod ako ay kaagad din niyang ibinigay sa akin ang cellphone ko.


"Tapos na" matipid na sabi niya sa akin bago niya ibinaba ang cellphone ko sa aking gilid.

Matapos kumain ay umalis na din kami. Tahimik ulit kami sa loob ng sasakyan. Hindi naman matigil ang panunuod ko sa labas. Minsan lang ako makalabas ng sta. maria at makapunta sa karatig bayan.


"Sa inyo na kita ididiretso, tapos naman na ang trabaho mo"


"Paano po si manang bobby?" tanong ko. Nagpapaalam muna ako kay Manang bobby bago ako makauwi.


Sandali siyang sumulyap sa akin. "Ako na ang bahalang magsabi"

Tumango na lamang ako. Nilagpasan namin ang mansyon. Mukhang desidido talaga siyang ihatid ako sa amin. Nang dumaan kami sa basketball court ay natanaw ko nanaman ang kaibigan kong dakilang cheerleader.


"Dito na lang po ako"


Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo, dahan dahang huminto ang kanyang sasakyan. "Maraming salamat po sa bagong simcard at sa mirienda, senyorito..." halos masamid ako, mabuti ba lang at nahabol kong hindi ituloy ang pagsabi ng baby.

Nanatili ang tingin niya sa labas. "Ano pang gagawin mo dito? Bakit hindi ka na lang dumiretso sa inyo?" masungit na tanong niya sa akin. Napaawang ang bibig ko.


"Eh, nakita ko po kasi dito yung kaibigan ko. Manunuod lang po kami ng basketball" nakangiting sagot ko sa kanya pero sinimangutan niya ako.

"Sinong kaibigan?" matigas na tanong niya.


"Si Charlie po, crush rin po kayo nuon" nakangising kwento ko.

Nakita ko ang pagtaas ng isang sulok ng kanyang labi. "Rin? Sino pa? Bukod sa kaibigan mo?" tanong niya sa akin. Halos manuyo ang lalamunan ko.

Nanatiling nakaawang ang labi ko, walang salitang gustong lumabas. "Eh..." shuta! Wala na talaga akong masabi.

Nagiwas na lamang siya ng tingin. "Sige na at makipaglaro ka na" seryosong sabi niya sa akin habang diretso ang tingin nita sa harapan.

"Hindi po ako makikipaglaro, manunuod po ako ng basketball" laban ko sa kanya. Kung makasabi naman kasi ng laro parang sobrang bata ko naman.

Muli kong nakita kung paano niya paglaruan ang pangibabang labi niya. Parang ayoko ng bumaba, mas gusto ko na lang manatili duon at panuorin siyang pinaglalaruan iyon.


"Bababa ka ba o hindi?"

Kaagad akonfg nataranta. Halos batukan ko ang sarili ko dahil sa kagagahan.


"Bye po, ingat sa pagmamaneho" nakangiting paalam ko pa sa kanya na may kasama pang pagkaway. Shuta, akala mo hindi magkikita bukas eh.

Bago ako pumasok sa court ay hinintay ko pa munang makalayo ang sasakyan niya. Nagawa ko pang kumaway kahiy malayo na.

"Aray!" hiyaw ko. Mabilis akong napahawak sa ulo ko ng muli nanaman akong makatanggap ng batok mula kay Charlie.

"Sinong kinakawayan mo diyan?" tanong niya sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Tumingin siya duon sa kalsada at ganuon din ang ginawa ko, wala ng bakas ng sasakyan ni Senyorito baby duon.

"Wala" tamad na sagot ko sa kanya kaya naman inirapan niya ako. Sumunod ako sa kanya ng lakad patungo sa fishball-an.


"Oopps. Wag kang magpapalibre sa akin, wala na akong pera" sita niya na ikinanguso ako. Inirapan ko din siya. "Hindi naman talaga, busog ako noh!" sita ko sa kanya.

Pinanuod ko kung paano tumusok si Charlie ng fishball. Hindi naman ako nakakaramdam ng pagkatakam dahil busog na busog pa ako sa mirienda namin ni Senyorito baby.

"Kailangan na nating magpasa ng form sa BSU next week" kwento niya sa akin. Tamad akong sumunod sa kanya patungo sa may bleacher.

"Gusto kong magtake ng entrance exam sa UP" malungkot na kwento ko sa kanya.

Kita ko ang pagnguso niya. "Pwede mo namang itry, pagnakapasa ka baka naman magbago pa ang isip ng mama at papa mo" panghihikayat pa sa akin ni Charlie.

Mas lalong humaba ang nguso ako. Tumingin ako sa court at pinanuod ang mga naglalaro. "Kahit ng siguro makapasa ako sa Ateneo..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng muli nanaman akong binatukan nito.

"Kung ako Mama mo, masasampal din kita eh. Baka maubos buhok ng magulang mo kung mag Ateneo ka!" sita niya sa akin.

Napangisi ako tsaka ko siya inirapan. "Baka magAteneo! Sa UP nga ayaw eh" laban ko sa kanya kaya naman muli niya akong sinimangutan.

"Tara na kasi sa BSU. Duon din halos lahat ang mga kaklase natin" yaya niya sa akin kaya naman tipid ko siyang nginitian. Bahala na muna.

Sa Bulacan state university halos papasok ang mga kaklase namin nung highschool. Sa malolos bulacan iyon, medyo may kalayuan dito. Pero mas ayos na din, mas malayo pa din ang manila.


Nirerespeto ko sina Mama at Papa. Lahat naman ng kailangan ko ay pinagsusumikapan nilang ibigay sa akin. Itong dream school ko lang talaga ang hindi, darating din naman siguro ang araw na makakalimutan ko din kung gaano ko kagustong magaral sa manila. Matatanggap ko din na hindi iyon para sa akin.

"Nakauwi na po ako!" anunsyo ko pagkapasok ko sa bahay namin kahit parang wala naman atang may pakialam.


Napanguso na lamang ako ng makita ko ang nakangising si Kuya Jasper sa akin. Nakuha pa akong asarin dahil walang pumansin sa akin. Matamlay akong umakyat sa aking kwarto. Sasalampak na sana ako pahiga sa kama ng umilaw ang cellphone ko.


Unknown number:

Are you home?

Sandali akong napatitig duon. Mariin akong napapikit ng maalala kong nakalimutan kong sabihin kay Charlie ang bago kong number. Sasabihan ko din mamaya sina Mama at Papa pagbaba ko para sa hapunan.

Ako:

Senyorito?

Sigurado na talaga akong siya ito. Siya pa lang naman ang nakakaalam ng bago kong number. Siya lang din ang may alam na may bago akong number. Pinanlakihan ko ng mata ang cellphone ko ng makita kong nagreply kaagad ito.

Unknown number:

Nakauwi ka na?

Napanguso ako. Ang sarap namag kausap neto! Nagtanong din ako ah!

Ako:

Senyorito?


Tanong ko ulit. Hindi ako sasagot hangga't hindi niya inaamin sa akin na siya nga itong katext ko ngayon.


Unknown number:

Yeah. Nakauwi ka na?

Napangisi ako. Yehey! Official textmate ba talaga kami ni Senyorito baby ko!


Ako:

Akala ko po ba ayaw niyong kuhanin ang number ko?

Halos yakapin ko ang cellphone ko. Hindi ko talaga inakala na darating ang araw ba ito na magiging textmate kami. Kita naman kasi sa itsura niya na parang wala siyang panahon na makipagtext.

Senyorito baby:

Nakauwi ka na ba? Tathriana

Halos umirap ako sa kawalan. Ang kulit din! Ayaw magpatalo.

Ako:

Nasa bahay na po. Nakahiga na ako sa kama ngayon habang nagtetext tayo.

Ang laki laki ng ngiti ko habang pinipindot ko ang send message.



Senyorito baby:

Shut up! I'm not asking about it.



Kumunot ang noo ko habang nakatingin ako sa cellphone. Hala, galit nanaman. Sinabi ko lang naman kung anong ginagawa ko eh.



Ako:

Ikaw po, anong ginawa mo?



Senyorito baby:

Stop texting. I'm busy!


"Edi wow" malungkot na sambit ko. Binitawan ko na lamang ang aking cellphone at tumitig sa kisame.



"Tathriana!" rinig kong sigaw ni Mama mula sa baba. Mabilis akong tumayo at kaagad na bumaba sa may dinning. Galit pa naman si Mama sa tuwing pinaghihintay ang pagkain.



Kahit busog pa ay kailangan ko pa ding sumabay sa kanilang kumain. Sayang at ang sarap pa naman ng ulam namin na paksiw na bangus, ang kaso ay busog pa talaga ako.



"Tita, si Tathi po oh. Ang daming katext!" pangaasar ni Kuya Jasper, ang pinsan kong dakilang epal.



Sinamaan ko siya ng tingin pero nginisian niya lamang ako. "Ikaw talagang bata ka" suway ni Mama sa akin. Tinawanan lamang ako ni Papa.



"Basta text lang, bawal pa mag boyfriend. Tsaka na pag 18 ka na" pangaral ni Papa sa akin kaya naman kaagad ko siyang nginitian at tinanguan.



"Wow naman kung makatango. Akala mo may nanliligaw na sa kanya" pangaasar pa niya sa akin. Gustong gusto ko siyang batuhin ng sandok.



Matapos kong maghugas ng pinagkainan namin ay umakyat na ako pabalik sa aking kwarto. Tamad kong tiningnan ang aking cellphone. Napahikab ako ng makitang walang ni isang text. Sabagay, wala naman talaga akong katext.



Binuksan ko ang facebook ko. Nagscroll ako, hanggang sa naisipan kong ipost yung picture ng mga kinain namin kanina. Kinikilig kilig pa ako ng ipost ko yung isang picture na kita yung kalahating katawan ni Senyorito baby as background. Wala pang ilang segundo ay nakatanggap na kaagad ako ng comment mula sa ilang mga kaklase at kaibigan.



Charlie Dafun:

Shuta ka! Kinuha mo nanaman yan sa google!

Clarisa Lozano:

Ang sarap naman!

Ako kay Charlie:

Shuta hindi yan google!

Charlie Dafun:

Sino yung nasa background aber!?

Ako kay Clarisa:

Masarap talaga, Clarisa. Lalo na yung nasa likod! XD

Charlie Dafun:

Shuta ka Tathriana! Malandi kang bata! Dugyot!



Napahalakhak ako habang binabasa ko yung comment ni Charlie. Siraulo talaga ang binabae na iyon.



Nakatulugan ko na ang pagsagot sa comment ng mga kaklase ko. Maging si Kuya Jasper ay sinita ako nung umaga kung saan ko nakuha ang picture na iyon.



"Sa google lang iyon" palusot ko.



Maganda tuloy ang simula ng umaga ko. Malayo pa lang sa gate ng mansyon ay todo ngiti na ako kay manong guard. Naiiling na lamang siya habang nakatingin sa akin.



"Pula nanaman ang labi natin ah" natatawang sita niya sa akin.


Hindi ko siya pinansin. Mabilis akong pumasok sa loob. Babatiin ko na sana si Manang bobby ng kaagad niya akong pinatahimik.



"May bisita si Senyorito Cairo, wag kang maingay" sita niya sa akin.



Napatango na lamang ako. Bahagya akong sumilip sa may sala ng marinig kong duon nanggagaling ang mga usapan. Nahagip kaagad ng mata ko ang seryosong si Senyorito baby. Mabilis akong napatakbo sa kusina ng magtama ang mata naming dalawa. Hindi ko nakita ang kausap niya dahil nakatalikod iyon sa akin, basta ang alam ko babae iyon.



"Sino po ang bisita? Manang bobby?" panguusisa ko pagkapasok ko sa may kitchen.



Busy siya sa paghihiwa ng gulay pero nagawa pa din niya akong sagutin. "Si Engr. Crystal santiago. Yung nakapaskil na topnotcher diyan sa may arko" kwento niya sa akin.



Sandali akong mariin na nagisip bago ko naalala yung naging balita na may isang taga sta. maria ang nag top sa board exam para sa civil engineer.



Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Dumiretso na ako sa may garden para simulan ang trabaho ko. Wala pa akong isang oras duon ay naagaw na kaagad ang pansin ko ng paglabas ng dalawa. Halos mapanganga ako dahil sa ganda nung engr.


Maganda ang mukha niya, maputi at mukhang ang linis linis. May kalakihan din ang hinaharap niya, maging ang pangupo niya! Hindi din nagkakalayo ang edad nila ng Senyorito baby ko.



Nagiwas kaagad ako ng tingin ng makita ko ang pagtingin sa akin ni Senyorito. Ngiting ngiti naman yung crystal. Muli ko nanaman naramdaman ang panliliit. Sa dinami rami ng magagandang babae, mga kasing edad niya at may mga sinabi sa buhay. Heto akong dugyot na umaasang magugustuhan niya.



Kumunot ang noo ko ng marinig ko ang pagtawa nilang dalawa. Nakakainis, pakiramdam ko sinasadya iyon para marinig ko o talagang praning lamang ako. Kahit labag sa loob ko ay palihim akong sumulyap sa kanila. Mas lalo akong nalungkot at nasaktan ng makita ko kung paano makipagtawanan si Senyorito baby sa kanya.



"Tathi!" tawag sa akin ni Manang bobby mula sa loob. Si manang naman eh! Nageemote pa ako dito eh.


Yukong yuko ako habang naglalakad ako papasok sa bahay. Ramdam ko ang tingin ni Senyorito baby sa akin pero hindi ko siya tiningnan. Nahihiya ako, nahihiya ako sa kakapalan ng mukha ko.



"Ikaw na ang maghatid nitong mirienda ni Senyorito at ng bisita niya" halos malaglag ang panga ko. Kung siniswerte ka nga naman oh.



Kahit labag sa loob ko ay wala na akong nagawa kundi ang ihatid iyon sa kanila. Halos manginig ang kamay ko habang hawak hawak ko ang tray ng pagkain. Natigil sila sa paguusap dahil sa aking pagdating. Nanatili ang tingin ko sa baba.



"Mirienda po"


Mas lalo kong nakita ang panginginig ng kamay ko ng hawakan ko ang baso. Maging sila ay napatigil ng makita ang panginginig ng hawak ko. Namanhid ang buong katawan ko ng hawakan ni Senyorito baby ang kamay ko. Sa sobrang pagkabigla ay hindi ko na naagapan pa.



"Shit!" sigaw nung crystal ng matapunan ko siya ng juice. Gulat na gulat ako dahil sa aking nagawa. Mabilis siyang tinulungan ni Senyorito baby.



"Sorry po, hindi ko po sinasadya" kinakabahang sabi ko. Takot kong mapagalitan ulit.



Sinamaan ako ng tingin nung babae. Kung wala lang tao paniguradong nasampal na ako nuon.



"Anong ginawa mo bata?" masungit na tanong niya sa akin. Napaawang ang bibig ko.


"Sorry po..." sambit ko ulit, sinubukan kong hawakan ang damit niya ng mabilis niyang tinampal ang kamay ko. Masakit iyon ha!



"Ang dumi dumi mo!" asik pa niya sa akin.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Ni ang tingnan si Senyorito baby ay hindi ko magawa. Shuta ka Tathi, napahiya ka nanaman!



Lumabas si manang bobby para samahan sa loob ko bisita. Humaba ang nguso ko, gusto ko sanang pigilan ang pagiyak ko pero hindi ko na nagawa. Mabilis akong tumakbo pabalik duon sa nga halaman na inaayos ko. Tahimik akong umiyak at ipinagpatuloy ang pagbubungkal ko ng lupa sa malaking paso.



Mabilis kong pinunasan ng manggas ko anv luha sa aking pisngi ng may naramdaman akong nakatayo sa aking likuran.



"Tathriana" marahang tawag ni Senyorito baby sa akin. Wala akong lakas na harapin siya. Nanatili akong nakayuko.



"Sorry po, hindi ko po talaga sinasadya"



Nagulat ako ng pumantay siya sa akin. Nahihiya ko siyang tiningnan, bumaba ang tingin niya sa kamay kong bahagyang namula dahil sa pagkakatampal nung babae kanina.



"I'm sorry..." matigas na sambit niya.



"Po?"



"Sorry for making you upset, Damn.
Bata ka pa Tathi, bata ka pa" matigas na sambit niya bago siya nagtiim bagang.












(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro