Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 65

Ruthless CEO






Umiiyak ako habang nasa byahe kami. Panay ang pagpapatahan sa akin ni Sera. Pareho kaming nasa may backseat sakay ng itim na honda civic na minamaneho ni Amaryllis, sa may passenger seat si Castellana na abala sa pagtawag sa kung sino.

"Hindi naman pababayaan ng mga kapatid niya si Cairo. Tsaka kung mabaril man siya, andyan naman si Kenzo" pagaalo ni Sera sa akin.

Imbes na mapanatag ay mas lalo akong naiyak dahil sa kanyang sinabi. Ang isiping nabaril si Cairo ang pinakakinakatakutan ko. Ayoko na ulit mangyari ang dati. Na wala akong nagawa para sa kanya.

Dahil sa aking mas lalong pagiyak ay napamura si Sera, tinampal niya ang kanyang bibig at mariing napapikit.

"Andito na tayo" anunsyo ni Amaryllis sa amin.

Mula pa lang sa malayo ay natanaw na namin ang ilan sa mga pulis patrol, may ambulansya din at ilang mga private car. Nakita ko kaagad ang sasakyang dala ni Cairo kanina.

"Papasok ba tayo sa loob? Baka makagulo lang tayo?" nagaalalang tanong ni Amaryllis sa amin ng pagkahinto ng sasakyan ay nagmamadali kaming makalabas kaagad.

"Tahimik na, ibig sabihin tapos na ang putukan. Safe na iyan, kung gusto niyo dito na lang kayo. Ako na muna ang papasok" seryosong sabi niya sa amin. Kung magsalita siya ay parang sanay talaga siya sa mga ganito, para bang hindi siya natatakot.

"Sasama ako" laban ko. Hindi ko kayang maghintay na lamang dito. Gusto ko na kaagad malaman ang lagay ni Cairo. Hindi ako mapapanatag.

Sandali silang nagkatinginang tatlo. Mas lalong nanlabo ang aking paningin dahil sa nagbabadyang pagluha. Natatakot na talaga ako.

"Sige na, tayong apat na. Bahala na" si Sera.

Sa huli ay kaming apat ang lumabas. May ilang pulis ang humarang sa amin, sandaling kinausap ni Castel. Isang lalaki ang lumapit dito dahilan kung bakit kami pinapasok. Napailing pa ang mga ito ng makita ang malaking tiyan ng dalawa.

"Asawa ni Captain Herrer" rinig ko pang sabi ng isa, tukoy kay Castel.

Napakapit si Sera sa aking braso ng sinubukan naming pumasok sa masukal na daan patungo sa gitna ng liblib na gubat. Walang takot na nanguna si Castel, sa kanyang likuran naman ay ang tahimik na si Amaryllis.

"Shit. Sumisipa si Baby" nakangiwing ngisi ni Sera sa akin. Napahawak siya sa kanyang sinapupunan. Bumaba ang tingin ko duon.

"Ibabalik na kita sa sasakyan" pagaalala ko.

Marahan siyang umiling. "Karaniwan pag nararamdaman kong sumisipa siya, napapagalitan ako" kwento niya sa akin.

Kumunot ang noo ko. Nanatili siyang nakangisi na para bang marami siyang naaalala.

Nanlaki ang kanyang mga mata. "Ayan na..." sabi niya sa akin.

Kaagad kong sinundan ang tingin niya at duon ko lang nakitang hinarang na ni Piero sina Amaryllis at Castellana. Tahimik lang si Amary pero si Castel ay nakikipagaway pa.

"Gusto lang naming makibalita. At kaya kong makipaglaban, alis ka nga diyan" pakikipagtalo niya sa galit na si Piero.

"Hindi ba't sinabing maghintay lang kayo" madiing sabi niya sa mga ito, nakakatakot ang boses niya.

Napahigpit ang hawak ko kay Sera ng tumingin din ito sa aming paglapit.

"Amputa. Asaan si Kenzo?" galit na tanong niya sa amin.

Kay Sera siya nakatingin pero hindi ito sumagot kaya naman lumipat ang tingin niya sa akin. Natakot ako kaya naman nagiwas ako ng tingin.

"Walang sasagot?" madiing tanong niya. Nakakatakot, hindi ba natatakot si Amaryllis sa kanya?

"Wala. Asaan si Tadeo? May nabaril ba?" casual na tanong ni Castel kay Piero na para bang normal na paguusap lang.

Umigting ang panga nito. Sandaling nanatili ang tingin niya sa asawang si Amaryllis bago mariing napapikit. Sandaling hinilot ang kanyang sintido.

"Napakatigas ng ulo niyo. Nagsama sama pa talaga kayong apat" problemadong sabi niya.

Bago pa man makasagot si Piero ay sumigaw na si Castellana ng makita ang humahangos na si Tadeo. Galit din ito kagaya ni Piero.

"Anong ginagawa niyo dito? Hindi ba't nagusap na tayo?" galit na tanong niya sa amin.

Bigla akong natakot sa kanya. Mukha siyang mabait nung mga nakaraang araw, pero ngayon ay nakakatakot na din kagaya ni Piero.

"Alam mong delikado, buntis ka. Si Sera, si Tathi...mga buntis kayo!" galit na sabi ni Tadeo. Hindi niya na napigilang tumaas ang kanyang boses.

"Sinisigawan mo ba ako!?" sigaw na balik ni Castel sa kanya. Ang kaninang tapang niya ay biglang nawala. Ngayon ay emosyonal na siya.

Kagaya ni Piero kanina ay umigting na lang din ang kanyang panga at nagiwas ng tingin sa asawa.

Nagkatinginan ang magkapatid na para bang naguusap silang dalawa. Frustrated.

"Si Cairo?" nanginig pa ang boses ko ng magtanong sa kanila.

Si Piero ang lumingon sa akin at sumagot. Walang nagawa si Tadeo kundi aluin ang umiiyak na asawa. Kailangan niya itong intindihin dahil buntis ito.

"Ginagamot ng medic. Nabaril" kalmadong sagot niya sa akin.

Mas lalo akong naiyak. Bakit kalmado pa din sila?

Mabilis na lumapit si Amaryllis sa akin matapos suwayin ang asawa. Napairap na lang si Piero.

"Tathriana!" galit na tawag ni Cairo sa akin. Mabilis akong napamulat ng mata mula sa pagkakaiyak.

Bumigat ang aking dibdib ng makita kong napuno ng dugo ang suot niyang puting tshirt. May benda ang kanyang kanang kamay dugo din.

Masama ang tingin niya sa akin pero wala akong pakialam. Mabilis akong tumakbo para salubingin siya. Mas lalo siyang nagalit dahil sa ginawa ko.

"Natakot ako. Umuwi na tayo" umiiyak na sumbong ko sa kanya.

Kaagad niya akong ikinulong sa kanyang bisig gamit ang kaliwang kamay. "Damn it, buntis ka Tathi" madiing paalala niya sa akin.

Mas lalong humigpit ang yakap ko. "Umuwi na tayo. Pumunta tayo ng hospital, ayokong mamatay ka...please" pakiusap ko. Hindi ko na alam, nagugulihan na din ako.

Tumikhim siya, mas lalo kong naramdaman ang paghigpit ng yakap niya. "Hindi ako mamamatay" pagaalo niya sa akin.

Kung ano ano na ang pumapasok sa aking isip. "Maguusap tayo mamaya" madiing sabi niya sa akin matapos kong maramdaman ang paghalik niya sa aking ulo.

"Tathi"

Napaangat ako ng tingin ng may marinig akong tumawag sa akin. Sandali akong natigilan ng makita kong si Senyorito Luigi iyon, ang kanyang magkabilang kamay ay nasa kanyang likuran.

Napakurap ako ng hinarang ni Cairo ang katawan para hindi ko ito makita.

"Hindi mo kailangang makipagusap sa kanya" madiing sabi niya sa akin.

"Tathi" tawag pa din ni Senyorito Luigi sa akin.

Hindi ko pinansin si Cairo. Bahagya akong umusog para matinginan pa din siya.

"I'm sorry, Tathi. I'm sorry" paulit ulit niyang sinabi hanggang sa ilayo na siya ng mga pulis sa amin para dalhin sa may pulis car.

Sumunod ang tingin ko sa kanya. Biglang nahabag ang puso ko, hindi naman ako kailanman pinakitaan ni Senyorito Luigi ng masama. Kaya naman mahirap para sa akin na tanggapin ito.

Tumikhim si Cairo kaya naman nagangat ako ng tingin sa kanya. "Ang kapal ng mukha ng mga lalaking yan na sabihin sa harap kong gusto ka nila gayong buntis ka na sa akin" gigil na sabi niya.

Napanguso ako pero umirap lang siya. Hindi na ako nakasagot pa ng biglang sumigaw si Sera.

"Ang sakit! Manganganak na ata ako. Ayokong manganak dito sa gubat! Dalhin niyo ako sa hospital!" sigaw niya.

Mabilis na lumapit sina Tadeo at Piero sa kanya. Nataranta naman ako, ngunit kaagad akong hinawakan ni Cairo.

"Shh. Calm down baby, calm down" pagaalo niya sa akin.

Isinakay namin si Sera sa puting hiace van kung saan nagkasya kaming lahat. Hindi ko alam kung kanino iyon, pero si Piero ang umupo sa tabi ng driver.

"Ayoko din manganak dito sa sasakyan. Ayoko!" umiiyak na sabi ni Sera. Halos mamilipit siya sa sakit. Sa kanyang tabi ay si Castel at Amaryllis.

Nakanganga lang ako habang nakatingin sa kanya. Gulat sa mga nangyayari, ngayon lang ako makakakita ng manganganak na babae sa harapan ko. Bigla tuloy akong natakot na magkaganuon din ako.

"Nasaan ka?" galit na utas ni Cairo sa aking tabi.

Nang lingonin ko siya ay may kausap na siya sa kanyang cellphone. Ilang mura ang nagawa niya, duon ko nalamang si Kenzo ang kausap niya.

"Manganganak na si Sera..." madiing sabi niya dito. Umigting ang kanyang panga matapos patayin ang tawag.

Naghahari pa din sa buong van ang iyak ni Sera. Panay naman ang mura ni Piero sa harapan para pabilisan sa driver ang sasakyan.

"Kita niyo na ang nangyari?" madiing sabi niya sa akin.

Nanatili ang tingin niya akin, matapos iyon ay muli siyang umirap na para bang hindi niya din kinaya ang sinukli kong pagtitig sa kanya. Bumaba ang tingin ko sa suot niyang duguang damit. Muling namuo ang luha sa aking mga mata, ganito din ba karami ang dugo nung nabaril siya ni Papa?

Hindi ko na napigilan pa ang paghikbi, kaagad niya iyong narinig kaya naman mabilis niya akong nilingon.

"I'm sorry" sambit ko. Hindi ko alam kung para saan. Marami akong gustong ikahingi ng sorry sa kanya. Bahala na siyang magisip kung para saan iyon.

Dahan dahang pumungay ang kanyang mga mata at kaagad akong hinila palapit sa kanya. "Wala kang kasalanan" sagot niya sa akin. Hindi ko din alam kung para saan yon.

Pagkadating sa hospital ay naghihintay na kaagad si Kenzo kasama ang ilan sa mga nurse, may nakahanda na kaagad na hospital bed.

"Amputa. Bakit mo iniwan!?" galit na utas ni Piero dito.

Hindi siya pinansin ni Kenzo. Mas pinagtaunan niya ng pansin ang asawang hanggang ngayon ay umiiyak sa sakit.

"Hindi ko na kaya, ang sakit sakit..." umiiyak na sumbong ni Sera dito.

Nanginig ang katawan ko ng makita kong basa na at may dugo ang suot niyang dress. Binuhat siya ni Kenzo pababa sa sasakyan at mabilis na inilipat sa nakahandang hospital bed.

Sumama kami patungo sa loob. Panay ang iyak ni Sera. Parang ako yung nasasaktan sa tuwing tumitingin siya sa akin.

Kaagad na ipinasok si Sera sa may delivery room. Wala kaming nagawa kundi ang maghintay sa labas. Kasama niya naman si Kenzo sa loob.

"Kaninong ideya ang pagpunta duon?" tanong ni Piero, ngayon ay kalmado na.

Nanatiling nakayakap si Castel kay Tadeo. Imbes na sumagot ay sumama lang ang tingin ni Tadeo sa kapatid at sumenyas na tumigil na lang.

"Magiging ok lang ba si Sera?" tanong ko kay Cairo ng hilahin niya ako patungo sa pinakamalapit na bench.

"Oo, wag kang magalala" sagot niya sa akin.

Napangiwi siya ng bahagyang magalaw ang kanyang kaliwang braso. "Pumunta na tayo ng emergency room para magamot ka ulit" pagaalala ko.

Marahan siyang umiling at hinila ako paupo sa kanyang tabi. Kahit labag sa loob kong maupo lang kami duon imbes na magtungo sa emergency room ay wala na akong nagawa.

"Naging mabait ako" agap ko. Alam ko kasing mapapagalitan na ako.

Umigting ang kanyang panga. Tumaas pa ang isa niyang kilay. "Saan banda? Saan banda duon ang pagiging mabait mo gayong isa ka din sa sumuway" seryosong sabi niya sa akin. Kung pagalitan ako!

"Matigas na ang ulo mo, sumama ka pa sa mga matitigas din ang ulo" nagtangis ang kanyang bagang.

Pinigilan ko ang pagnguso. "Kayo naman ang pumili sa amin ah. Ligaw ligaw kayo, tapos ngayon galit kayo kasi matigas ang ulo namin" laban ko sa kanya. Malumanay lang, baka mas lalong magalit eh.

"Aba't..."

"Pinigilan ko sila, kasi nga baka magalit ka. Pero konting pigil lang kasi gusto talaga kitang makita. Natatakot ako, narinig ko yung putok ng baril" sumbong ko sa kanya.

Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang pinagsiklop ang mga kamay namin. "Konting pigil lang?"  nakangising tanong niya na para bang naaliw pa.

Abnormal! Akala ko ba galit siya?

Marahan akong tumango. "Nagpapakabait na nga ako, kasi magiging Mommy na ako" sabi ko pa sa kanya.

Napadila siya sa kanyang pangibabang labi. Marahan siyang tumango at hinaplos ang aking pisngi. Bumaba ang tingin niya sa aking sinapupunan. Medyo napaiktad pa ako at sandaling napahinto ng maramdaman ko ang mainit niyang palad duon, kahit may damit at ramdam ko pa din.

"Baka hindi ko kayanin pag ikaw naman ang ganuon. Mababaliw siguro ako" sabi niya kaya naman napanguso ako.

Hinawakan ko ang kamay niyang nasa aking tiyan. "Tapos sabi mo pa, taon taon mo akong bubuntisin. Paano na?" nakangising tanong ko kaya naman napamura si Cairo.

Kaagad niya akong niyakap ng mahigpit. "Mas hindi ko kakayanin pag nawala ka sa akin. Nakakatakot malingat, ang daming nagkakagusto sayo" sabi niya kaya naman napangisi ako.

"Ang sarap kaya sa feeling pag may nagkakagusto sayo" laban ko kaya naman narinig ko ang kanyang pagtikhim.

"Ah, talaga ba Tathriana?" mapanuya at may bantang tanong niya.

Tumango naman ako kaya mas lalo siyang nainis. "Naku, naku pag babae ang baby natin sana ay kamukha ko" naeexcite na sabi ko pa.

Naramdaman ko ang pagtango niya. Sandali niyang ipinatong ang kanyang noo sa aking balikat.

"Kasing ganda mo, pero sana ay wag kasing tigas ng ulo mo" nakangising sabi pa niya.

Bahagya ko siyang hinampas sa hita. "Palagi mo na lang yang sinasabi. Ikaw din naman ay matigas ang ulo. Ayaw mong bumalik sa trabaho" laban ko.

Ang gusto pa ata niyang mangyari ay lumuhod at magmakaawa pa ang mga ito sa harap niyang bumalik lang siya sa pwesto bilang CEO.

Mahina siyang napatawa. "Saang ulo? Mommy Tathi" pilyong sabi niya.

Kumunot pa sandali ang noo ko bago naginit ang aking magkabilang pisngi ng marealize ko iyon. Napakabastos!

Tulog na tulog si Sera matapos niyang manganak. Dumating din ang kanyang pamilya. Sina Ma'm Maria at Sir Alec ay ganuon din.

"Si Charlie?" tanong ko kay Augustine. Nabigla pa ako ng malaman kong bestfriend siya ni Sera. Ang liit talaga ng mundo.

Tipid siyang ngumiti sa akin habang hawak ang kamay ni Kianna Herrer ang panganay na anak ni Sera, kamukhang kamukha niya iyon.

"Pinagreview ko muna. Ikaw ha, hindi ka nagrereview" biro niya sa akin kaya naman napangisi ako.

Magkakasama kaming nakatingin sa labas ng nursery room. Kanina ko pa napapansin ang pagpahid ni Kenzo sa kanyang mga luha. Kakalabas niya lang din ng kwarto ni Sera. Ni ayaw nga niyang umalis duon.

"Mas gwapo pa din talaga ang anak ko" si Piero na kaagad namang kinontra ni Tadeo.

"Mas ang anak ko" laban niya dito.

Napailing na lamang ang katabi kong si Cairo. Lalaki din kasi ang pangalawang anak nila Sera at Kenzo. Pare pareho sila, babae ang mga panganay at lalaki ang sumunod. Ganuon din kaya ako?

Yumakap siya sa akin at bumulong. "Siguradong mas gwapo ang anak natin. Pero lowkey lang tayo, ganyan kasi kaming mga gwapo" nakangising sabi niya sa akin.

Nilingon ko siya at nginitian. "Ganyan din kaming magaganda" sabi ko pa. Nawala ang ngiti ko ng napatawa siya na para bang joke ang sinabi ko. Shuta!

Natahimik lang silang dalawa ng pinagalitan sila ni Ma'm Maria. Si Sir Alec naman ay seryosong kausap ang totoong ama ni Sera na isa din palang Doctor.

Nagpaalam na kami at sinabing babalik na lang. Kailangan din kasing magpahinga ni Cairo. Marami pa daw silang aasikasuhin ni Kuya Cayden para sa kaso.

"Magingat kayo. Ang apo ko..." si Ma'm Maria ng humalik siya sa aking pisngi.

Tuwang tuwa silang dalawa ni Sir Alec ng malamang buntis ako. Maluha luha pa nga ito.

"Sa condo ko muna. Wala kang kasama sa penthouse mo" pakiusa ko sa kanya ng nasa may elevator na kami ng tower.

Ngumisi siya sa akin at hinalikan ako sa ulo. "Kung iyan ang gusto ng Baby ko" malambing na sabi niya.

"Sinong baby?"

Nagtaas siya ng kilay, tumaas pa ang isang sulok ng kanyang labi. "Ang pinakauna kong Baby, bago ang mga susunod kong Baby" sagot niya sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin sandali. Pero sa huli ay ako pa ang tumingkayad para halikan siya. Pagkatapos nuon ay mahigpit ko siyang niyakap. Gusto ko talagang palagi siyang katabi.

"Ang bango bango mo" gigil na sambit ko. Napahalakhak si Cairo dahil duon.

Kumpleto silang lahat sa condo ni Kuya. Nagulat pa ako nung una. Matalim agad ang tingin ni Kuya Jasper sa kasama ko.

"Ano itong nabalitaan ko, Tathriana?" matigas na sabi ni Kuya Jasper. Hindi ko alam kung talaga bang galit siya o parte pa din ito ng pustahan nila.

Napaawang ang labi ko. Kahit galit ay nagawa pa din niya akong lapitan at halikan sa ulo.

"Magkakababy na ako" nakangiting sabi ko sa kanya. Mas lalo siyang bumusangot.

"Nang hindi ka pinapakasalan ng lalaking ito?" galit na sabi niya at itinuro pa si Cairo.

"Pakakasalan ko si Tathriana" matapang na sagot ni Cairo sa kanya.

"Tama na iyan. Nasuntok ko na yang si Cairo, patay yan sa akin pag hindi niya pinakasalan ang kapatid ko" si Kuya Cayden.

"Patay din sa akin" banta ni Kuya Jasper na ayaw ding magpatalo.

Napatawa si Charlie. "Ako na lang bubuhay sayo, Senyorito Baby" pangaasar niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Ako ang bubuhay sa kanya! Magtratrabaho ako!" laban ko. Isusumbong ko siya kay Augustine eh.

Nang makapagsettle ay kaagad na nagsalita si Daddy. Habang nakikinig ay matalim ang tingin ko kay Charlie. Pinahubad ko kasi kay Cairo ang duguan niyang tshirt. Nang subukan kong humiram ng damit sa mga Kuya ko ay walang may gustong magpahiram sa kanya.

Tuwang tuwa tuloy si Charlie dahil walang suot na pangitaas ito. Panay ang harang ko sa line of vision niya kaya naman panay din ang tikhim ni Daddy, pati si Mama ay pinandidilatan ako ng mata.

Baka akalain ng parents ko ay baliw na baliw ako kay Cairo. Eh siya nga daw ang mas baliw sa akin.

"Malakas na ibidensya ang pagamin ni Luigi Coronel dito. Mas mapapadali ang kaso" si Daddy pa din na kaagad tinanguan ni Kuya at Cairo.

"Nabili ko na din ang lahat ng stock sa commercial property nila sa sta. clara. Ipapatanggal ko iyon" si Cairo. Seryoso ang kanyang mukha, ramdam ko din ang diin sa kanyang boses.

"You mean, ipapasira mo? Binili mo para ipasira?" hindi makapaniwalang tanong ni Kuya. Napanganga din ako.

Umigting ang panga ni Cairo. "Cause, I can afford" diretsahang sabi niya.

Napangisi si Kuya at napailing na lamang. "You're a Herrer anyway. And you're ruthless" akusa ni Kuya sa kanya pero hindi siya natinag.

Naging abala sina Kuya at Daddy sa kaso. Ganuon din naman si Cairo. Nagstay naman si Mama sa condo ni Kuya para daw bantayan ako. Mas lalo siyang naging hands on sa akin. Ang sabi kasi niya hindi lang ako ang inaalagaan niya, pati ang Baby ko.

"Siguro magiging matalino din ang Baby namin" sabi ko kay Charlie habang nagrereview kaming dalawa.

Nagtaas siya ng kilay sa akin. Pagkatapos ay bumaba ang tingin niya sa mga pagkaing nakakalat sa aking lamesa. Habang nagrereview kasi ay panay din ang aking kain. Nakakagutom.

"Mag gym ako mamaya" pagpaparinig niya sa akin kaya naman napanguso ako.

Halos lahat ng icrave ko ay ibinibigay ni Cairo. Minsan nga ay nagulat pa ako ng dumalaw si Ma'm Maria sa akin para dalhan din ako ng pagakin.

Halos isang buwan na lang bago ang bar exam kaya naman panay na ang review namin ni Charlie. Hindi pa naman gaanong malaki ang tiyan ko, may umbok na pero hindi naman halata kung magsusuot ako ng maluwag na damit.

Muli akong nagbasa ng libro. Hanggang sa magingay nanaman si Charlie. May tinitingnan siya sa kanyang cellphone.

"Babagsak na ang Herrer empire" sabi niya sa akin at ipinakita ang isang article na nakita niya sa internet. Sinabi duon na halos nagbaback out na ang mga investors, kahit kasi si Sir Alec Herrer ang acting CEO ay mas gusto nila si Cairo. At kung hindi ito babalik ay mapipilitan silang ipull out ang kanilang shares.

Maging ang Flag ship company nila sa Spain ay nagkakaproblema na din. Kailangan na talagang bumalik ni Cairo. Pero paano? Kahit anong pilit ko ay ayaw din naman niya.

"Hala ka, ikaw may kasalanan" pananakot sa akin ni Charlie.

Kaagad bumigat ang dibdib ko. "Wala akong ginagawa" laban ko pero nagpatuloy pa din siya sa pangaasar sa akin.

Dahil sa nalaman ay kaagad kong kinausap si Cairo ng puntahan niya ako. Nakangiti pa siyang sinalubong ako, dala ang pagkaing gusto ko sanang kainin pero nawalan ako ng gana.

"May problema?" tanong niya sa akin.

"Bumalik ka na sa trabaho" diretsahang sabi ko.

Umigting ang kanyang panga. Alam ko na ang isasagot niya. "Kailangan ka ng pamilya mo, Cairo...please" pakiusap ko.

Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi. "Ikaw at ang anak natin ang pamilya ko" marahang sabi niya.

Gusto kong maiyak. Ayaw talagang magpapilit! Nakakainis.

"Senyorito baby, please..." pakiusap ko sa kanya.

Naging abala siya sa pagtulong sa problema ng pamilya ko. Paano naman ang pamilya niya? Kailangan din siya duon.

Napabuntong hininga siya ay nagiwas ng tingin sa akin. "Kung gaanuon, samahan mo ako bukas sa board meeting" seryosong sabi niya sa akin.

Kaagad akong napapalakpak. Wala pa man siyang diretsong sagot ay magandang senyales pa din iyon.

Naging abala ang mga Herrer para sa gaganaping board meeting na pinangunahan ni Madam Pia. Halos magbackout naman ako ng nagsimulang mangasar si Charlie dahil sa umbok ng aking tiyan na medyo halata sa suot kong dress.

Napahigpit ang hawak ko kay Cairo ng pumasok kami sa kanilang companya. Halos lahat ng mata ay nasa kanya. Matagal din kasi siyang hindi nagpakita sa mga ito. Marami ang humarang sa kanya para kumausap pero nagtuloy pa din kami sa main conference room nila kung saan kumpleto na ang lahat.

Naginit ang pisngi ko ang dami nila duon. Anduon ang mga kapatid niya maging ang mga asawa nito. Kahit ang bagong panganak na si Sera ay nanduon din, maging ang Pamilya ng mga Jimenez ay kumpleto din.

Lahat ng mata ay nasa aking katabi na si Cairo. Mas lalo siyang naging agaw pansin dahil sa suot na itim na suit. Masyadong pormal. Nagiwas ako ng tingin ng makita ko ang matalim na tingin ni Madam Pia sa akin.

"We badly need you, Cairo" rinig ko pang sabi ng isa sa mga investors nila.

Matapos ang batian ay nagsettle na din ang lahat. Pinaupo ako ni Cairo sa kanyang tabi. Nalipat tuloy ang tingin ng ilan sa akin.

"Wala si Eroz?" tanong ko. Namiss ko na siya.

Umigting ang kanyang panga. "Not invited" masungit na sagot niya sa akin.

Hinawakan niya ang aking kamay ng magumpisa na ang meeting. Medyo napahikab pa ako. Nakakaantok. Ngumisi si Cairo ng mapansin niya iyon.

Pormal ang unang parte ng meeting hanggang sa magkaroon ng tensyon sa pagitan ni Madam Pia at isa sa nakakatandang Jimenez.

"I'll vote for Hobbes, kung hindi babalik si Cairo sa pwesto" matigas na sabi nito.

Kaagad na nagprotesta si Madam Pia. Napatingin siya sa apong si Cairo para humingi ng tulong. Tahimik at kalmado lang ang kanyang mga kapatid ganuon din si Sir Alec, pero hindi si Ma'm Maria.

"Pinaghirapan ng anak ko ang lahat ng ito. Kung ano man ang Herrer empire ngayon ay dahil kay Cairo" matapang na sabi ni Ma'm Maria para sa anak.

Humigpit ang hawak ko sa kanyang kamay. Tumulong naman siya, aba.

Pinutol ang mainit na argumento ng magpasyang magsagawa ng botohan. Habang ginagawa iyon ay nagulat ako ng makita kong kumpleto ang aking pamilya. Anong ginagawa nila dito?

Magtatanong na sana ako kay Cairo ang kaso ay nagpapalakpak si Piero at Tadeo Herrer ng lumabas sa boto na si Cairo pa din ang gusto nilang maging CEO.

"Cairo, Apo" matigas na tawag ni Madam Pia sa kanya.

Tumayo si Cairo. Kaya naman napatingala ako sa kanya. "Babalik ako sa pwesto, kung rerespetuhin niyo, Abuela. Ang relasyon namin ni Tathriana" hamon niya dito.

Napatayo si Madam Pia, at hinampas ang lamesa. "Ang anak ng nagtangka sa Ama mo!?" galit na tanong niya sa apo.

"Anak ko si Tathriana..." seryosong singit ni Daddy.

Nagulat pa si Madam Pia ng makita ito. "Attorney Santos..." tawag niya dito.

Sumenyas si Kuya na lumapit ako sa kanila kaya naman tumayo ako. Bago pa man ako makahakbang ay muli ng nagsalita si Cairo. Natatakot na ako dito, ang lahat ng mata ay nasa amin na. Hindi basta basta ang mga taong kaharap namin kaya mas lalong nakakapressure.

"Babalik ako sa pwesto kung sasagot si Tathriana ng Oo" sabi niya at halos mapatakip ako sa aking bibig ng lumuhod siya sa aking harapan.

Natigilan ako. Lalo at nakita ko ang pamumula ng kanyang mga mata.

"Paulit ulit kong bibitawan ang lahat ng meron ako para makasama ka. But if I can have both, why not..." paguumpisa niya.

Tumulo ang masasaganang luha sa aking mga mata. "Baby will you be my Herrer? Tathriana, you will marry me" madiing sabi niya sa panghuling pangungusap.

Shuta, parang hindi naman na tanong iyon.

"Cairo!" galit na tawag ni Madam Pia sa kanya.

Kaagad akong napatango. Bahala na si Madam Pia. Matatanggap din niya ito soon.

"Oo, Senyorito baby. Magpapakasal ako sayo" sagot ko sa kanya.
















(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro