Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 63

Meeting





Malaki ang ngiti ko ng lumabas ako sa law firm. Pero ng matanaw ko kung ano ang naghihintay sa akin ay lumaki din ang aking mga mata. Ang itim na jeep wrangler iyon ni Cairo. Halos takbuhin ko ang pagitan naming dalawa.

Kaagad siyang lumabas sa may driver seat para pagbuksan ako ng pinto. Nagtaas siya ng kilay sa akin ng makita niyang hindi maalis ang tingin ko sa kanyang sasakyan. Bumalik ang lahat ng pakiramdam, parang nung nasa bulacan lang kami.

"You really like my car, huh" nakangising bulong niya sa akin. Hindi na siya nakapaghintay pa at siya na mismo ang lumapit sa akin para humalik.

Ngumiti lang ako sa kanya at yumakap. "Nagugutom na ako" sumbong ko pa.

Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi at tumango sa akin. "Let's eat then" yaya niya sa akin.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan, muli kong naramdaman ang kamay niya sa aking ulo. Iniingatan na hindi ako mauntog. Matapos iyon ay umikot si Cairo patungo sa may driver seat, naikabit ko na din ang seatbelt bago pa man siya makapasok.

"Saan tayo kakain?" tanong ko sa kanya.

"Sa condo ko, nagluto ako" sagot niya sa akin. Mas lalo akong naexcite, pero at the same time nalungkot din para sa kanya.

Mukhang nararamdaman na ni Cairo ang pagkawala ng trabaho niya, nagtitipid na ata siya ngayon. Kawawa naman ang Senyorito Baby ko.

Kinamusta niya ang araw ko, hindi ko pa nasasabi sa kanya na nagkausap na kami ng parents niya. Inaya din kasi ako ni Ma'm Maria na kumain sa labas pag meron akong libre oras. Umoo ako, pag nalaman ni Cairo iyon ay baka hindi niya ako payagan. Bati na kaya kami ng Mommy niya.

"Kilala mo si Hobbes?" tanong ko.

Natanaw ko na kaagad ang tower ni Kuya Cayden. Nito ko lang nalaman na siya pala ang may ari ng buong tower na iyon, at sa kanya ang penthouse.

"Pinsan namin" tipid niyang sagot. Nanatili ang kanyang tingin sa kalsada dahil liliko kami.

Napatango tango ako. Naramdaman ko ang paginit ng aking magkabilang pisngi ng maalala ko nanaman ang itinawag niya sa akin. Hindi dahil sa kilig kundi dahil medyo nakakailang, pero infairness gwapo naman kasi siya.

"Tinawag niya akong babe" nakangiting kwento ko sa kanya.

Halos mapamura naman ako ng muntik na akong masubsob sa dashboard ng sasakyan ng bigla na lamang itong prumeno.

"Anong sabi mo?" masungit na tanong niya sa akin.

Napaawang ang bibig ko. "Tinawag niya akong babe" paguulit ko naman. Aba, hindi ako sinungaling.

Umigting ang kanyang panga. Nakakunot ang kanyang noo. "At nagustuhan mo naman?" galit na tanong niya sa akin.

Napanguso ako dahil duon. Ito naman, galit kaagad. Wala naman akong sinabing nagustuhan ko.

"Syempre hindi, mas gusto ko yung baby mo" nakangising pangaasar ko sa kanya pero nanatili ang pagkakakunot ng kanyang noo.

Wala siyang imik hanggang sa makapasok kami sa parking space. Kahit nakasimangot ay nagawa pa din niya akong pagbuksan ng pintuan.

Naglakad kami patungo sa elevator, tahimik pa din siya kaya naman ako na mismo ang nagkawit ng braso ko sa kanyang kamay.

"I love you..." paglalambing ko, halos yakapin ko ang braso niya.

Sinamaan niya lang ako ng tingin kaya naman nag ngiting aso ako. Napakurap kurap pa ako para magpacute pero mukhang bad trip talaga siya.

Hinayaan ko na lang, tahimik kaminh dalawa sa loob ng elevator. Nanatili ang pagkakayakap ko sa kanyang braso, pinagmasdan ko pa nga ang repleksyon namin sa pintuan, kitang kita ang pagkakabusangot niya.

"Kamusta na nga pala si Senyorito Luigi?" tanong ko pa kaya naman muli siyang napabaling sa akin, matalim nanaman ang tingin.

"Diba nagtetext siya sa akin na makikipagkita?" paalala ko pa, baka kasi kung ano ang naisip niya.

Inirapan niya ako. "Ako ang makikipagkita kay Luigi" masungit na sagot niya sa akin.

Hindi na ako nakapagsalita pa ng hilahin niya ako papasok sa kanyang penthouse. First time kong makakapasok sa kanyang condo. Biglang akong namangha sa laki at ganda nuon, malinis pa!

"Ikaw lang ang magisa dito?" tanong ko sa kanya.

Tipid siyang tumango at inihagis sa may center table ang susi ng kanyang saskayan. Aba'y nagdadabog pa ah.

Sinundan ko siya papasok sa may kitchen, malaki din ang ref niya ay double door pa. Lumapit siya duon at nagsalin ng tubig sa may baso. Nang tumungga siya ay napatingin siya sa akin at pagkatapos ay umirap pa. Ang arte.

"Wow, ang sarap nito ah" pagpuri ko sa mga pagkaing nakahain sa kanyang dinning table.

"Kumain na tayo at ihahatid pa kita pabalik sa law firm" sabi niya sa akin at pinaghila ako ng upuan.

Napanguso ako. "Ay, hindi ako pwedeng magtagal dito?" tanong ko sa kanya.

Nagtaas lamang siya ng kilay sa akin na para bang, Oo! Tathi, hindi pwede!

Wala kaming imik habang kumakain, ayos lang dahil ayoko din muna siyang pansinin dahil sa gutom ko. Boyfriend is life, but food is lifer.

"Ako na ang maghuhugas" pagprepresinta ko at kaagad na hinubad ang suot kong black coat dahilan kung bakit naiwan ang suot kong puting vneck single starp top.

Nakita ko kung paano bumaba ang tingin niya sa aking suot. Bayolenteng nagtaas baba ang kanyang adams apple at mabilis na nagiwas ng tingin sa akin.

"Ako na" masungit na sabi niya sa akin.

"Ako na, para masanay na ako dito" sabi ko pa sa kanya. Nagtaas siya ng kilay sa akin, imbes na mahiya ay mas lalo lang lumaki ang ngiti ko.

Malakas ang loob ko dahil pinayagan na ako ni Sir Alec na hingin ang kamay niya at wala na siyang magagawa duon. Sige at maginarte siya, isasaoli ko siya! Sige.

"Oh, hindi tayo dito titira pag kasal na tayo?" tanong ko pa. Uminit ang pisngi ko ng makita ko kung paano dinilaan ni Cairo ang pangibabang labi para basain iyon.

Imbes na makapaghugas ng plato ay napahiyaw ako ng isampa niya ako sa may kitchen counter. Kaagad ko siyang niyakap habang naghahalikan kami, napadaing ako ng maramdaman ko ang palad niya sa gilid ng aking hita, dahan dahang itinataas ang suot kong itim na pencil cut.

"Parusa ba ito?" tanong ko sa kanya sa gitna ng aming mga halik, mas lalo akong napatingala ng bumaba ang kanyang halik sa aking leeg.

Hindi siya sumagot, bagkus ay napakagat ako sa aking pangibabang labi ng maramdaman kong nagiwas siya ng marka sa aking leeg. Mabilis ko siyang inilayo sa akin, kapwa kami hingal.

"Gaano yung galit mo?" tanong ko sa kanya, pulang pula ang kanyang labi dahil sa paghahalikan namin. Bukas na din ang ilan sa butones ng kanyang suot na polo.

"Galit ako" masungit na sagot niya sa akin ngunit ang mga mata niya ay nanatili sa aking labi.

Napanguso ako kaya naman kumunot ang kanyang noo. "Bakit?"

Marahan akong umiling. "Sige, ok lang kahit medyo mahirapan akong maglakad mamaya" nakangising sabi ko sa kanya. Napamura siya at mariin napapikit.

Matapos naming gawin iyon sa may kitchen counter ay hindi pa siya nahusto. Binuhat pa niya ako at tinala sa may sofa. Duon ay kaagad siyang dumagan sa akin.

"Aw! Cai!" daing ko sa kanya ng walang sabi sabi niyang idiniin ang sarili sa akin.

Kapwa na kami walang suot na damit ng lumipat kami sa kanyang malaking sofa. Maya maya ay nanlaki ang aking mga mata ng umayos siya ng pwesto. Umupo siya at prenteng sumandal sa sofa dahilan kung bakit ako na ngayon ang nakakandong paharap sa kanya.

"Your move, baby" paos na bulong niya sa aking tenga.

Napaawang ang labi ko, hindi ko alam ang aking gagawin. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa aking bewang.

"Move slow" sambit niya.

Kusang napaawang ang labi ko ng sinunkd ko ang iniutos niya sa akin. Mahigpit akong napahawak sa kanyang balikat ng makaramdam ng kakaibang sensasyon na dala ng aking paggalaw.

Nanghina ako, kaagad kong naipatong ang noo ko sa kanyang balikat habang panay pa din ang paggalaw ko sa kanyang harapan.

"Bakit ba ang dami dami mong lalaki?" madiing bulong niya sa akin. Halatang galit.

Napadaing ako at mas lalong isiniksik sa kanyang leeg ang aking mukha.

"Baby, ugh..." daing ko ng maramdaman ko ang pamumuo ng kung ano sa aking bandang puson.

Halos bumaon ang kuko ko sa likod ni Cairo ng maramdaman ko ang magkabila niyang kamay sa aking pangupo, tumutulong sa aking paggalaw at mas lalo akong idinidiin sa kanya.

"Wala akong iba..." nahihirapang sagot ko dahil sa kalagitnaan ng aming ginagawa. Ang hilig niyang makipagusap pag ginagawa namin ito.

Narinig ko ang kanyang pagtikhim. "Maninigurado na ako" makahulugang sabi niya. Hindi na ako nakapalag pa ng tumayo habang buhat ako at inihiga ako sa sofa. Ilang paggalaw pa ang nagawa niya bago niya ako muling pinuno.

Sa huli, hindi na niya ako binalik pa sa law firm. Hindi ko alam kung dahil ba iyon pinagod niya ako o dahil ayaw niyang magkita kami ni Hobbes sa law firm.

"Si Eroz ang gusto ni Gertrude" natatawang sabi ko sa kanya.

Nanatili akong nakayakap sa kanya. Nakaupo kami sa kanyang sofa, wala pa din siyang suot na pangitaas dahil suot ko ang polo shirt niya. Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo.

"Paano mo nalaman?" tanong niya sa akin.

"Halata naman" nakangising sagot ko.

"So hindi ka nagselos sa amin ni Gertrude nuon?" mapanghamong tanong niya.

"Konti lang" pagyayabang ko.

Umigting ang kanyang panga. Kaya muli akong yumakap. "Wala talagang iba, kahit nung nasa spain ka?" tanong ko.

Napabuntong hininga si Cairo. "Wala ka naman duon, kaya wala" sagot niya sa akin. Naramdaman ko pa ang paghalik niya sa aking ulo.

"Kailan mo ako nagustuhan kung ganuon?" panguusisa ko.

Bahagya siyang natawa. Dahil duon ay tiningala ko siya, mukhang kahihiyan ko nanaman ang nasa isip niya. Sandali akong napapikit ng pisilin niya ang aking ilong.

"The first time I laid my eye on you" sagot niya sa akin.

Napaayos ako ng upo. "Weh, weh. Ibinuking mo nga ako nuon kay manong, sinabi mong sobra ang fishball na kinuha ko!" akusa ko sa kanya kaya naman natawa siya.

"Guess what, Baby. Hindi lang ikaw ang marunong magpapansin" nakangising sagot niya sa akin kaya naman nalaglag ang panga ko. So all this time!?

Nagustuhan na ata ni Cairo ang pagbabakasyon niya na maging si Kuya Cayden ay nagalala na sa estado ng Herrer real estate na inalisan ni Cairo.

"Ilang kliyente ko ang investors nila. Aalis sila sa board kung hindi babalik si Cairo sa pwesto" kwento ni Kuya sa akin isang araw ng magpangabot kami sa kanyang condo.

"Eh bakit naman? Si Sir Alec naman ang acting CEO ngayon ah" sabi ko kay Kuya pero nagkibit balikat siya.

"Majority ng boards ay mas gusto si Cairo" sagot niya sa akin kaya naman napabuntong hininga ako.

Gustuhin ko mang bumalik na siya sa trabaho ay hindi ko naman magawa. Ayoko siyang pilitin. Pero makakaasa siya ng susuportahan ko siya sa mga gagawin niyang desisyon. Alam kong alam ni Cairo ang ginagawa niya. Kaya niya iyan. Naniniwala ako sa kanya, kagaya ng kung paano siya naniniwala sa akin.

"Nag set na nga pala ng date si Luigi. Ang alam niya ikaw ang kikitain niya" sabi ni Kuya sa akin ng isa pa naming problema.

"Saan kami magkikita?" tanong ko. Nagtaas ng kilay si Kuya sa akin.

"Si Cairo ang makikipagkita" sagot niya sa akin. Alam ko na ang plano nilang ito pero hindi pa din ako kumpyansa.

"Paano kung delikado? Paano kung mapahamak si Cairo?" nagaalalang sabi ko kay Kuya.

"Gantihan lang, patunayan niya din ang sarili niya sa atin. Sa wari ba ay ikaw lang ang handang magbuwis ng buhay para sa kanya?" nakangising sabi ni Kuya na ikinalaglag ng aking panga.

Hindi nagtagal ay natawa din siya. Halatang nakuha niya ang gusto niyang reaction mula sa akin. "Tutulong naman daw ang mga kapatid niya. Wag kang magalala at pag umiyak ka dahil napahamak siya ay bubugbogin ko pa siya" pangaasar niya sa akin.

Nang gabing iyon ay naiwan kaming dalawa ni Mama sa condo ni Kuya Cayden. Tumulong ako sa kanya sa paghahanda ng dinner dahil dito din magdidinner si Daddy.

Nasa kalagitnaan kami ng pagaayos ng mapansin ko ang paninitig sa akin ni Mama. Nilingon ko siya ay nginitian, sa huli ay itinaas niya ang kanyang kamay at marahang hinaplos ang aking pisngi.

"Mukhang kukuhanin ka na talaga sa amin ni Cairo" emosyonal na sabi nito sa akin, marahan niyang hinaplos ang aking buhok.

"Ang snow white namin..." pumiyok pang sabi niya. Napanguso ako at kaagad na yumakap kay Mama.

"Ikaw ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko Tathi" sabi niya sa akin kaya naman mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya.

"Ang relasyon niyo ni Cairo, tanggap ko na. Basta ba ay wag ka lang niyang sasaktan, ipangako niya sa akin na mamahalin ka niya dahil mahal na mahal ka namin ng Papa mo" ramdam ko na ang pagiyak ni Mama habang magkayakap kami.

Napasinghot na din ako dahil sa pagiyak. "Mahal niya po ako Mama. Siya po ang unang nagkagusto sa akin" paninigurado ko sa kanya na ikinatawa ni Mama.

"Sinong hindi magkakagusto sayo? Mabait ka at pansinin...bata pa lang ay nangingibabaw ka na sa mga kalaro mo" natatawa habang umiiyak na sabi ni Mama.

Napatawa din ako. "Dahil po ako ang pinaka maganda?" tanong ko sa kanya.

"Dahil ikaw ang pinakadugyot anak" natatawang sagot niya sa akin. Sinasabi ko na nga ba, hindi ko dapat iniiwan si Mama kasama si Charlie!

Kinaumagahan ay siya mismo ang nagpadala sa akin ng iniluto niyang baked mac kay para kay Cairo. Nakalagay iyon sa tupper ware. Inutusan niya akong umakyat sa penthouse.

"Basta't isasaoli niyo ang tupperware ko" paalala niya sa akin na ikinatawa namin ni Charlie. Kagigising lamang nito dahil lumabas nanaman kagabi.

"Isaoli mo yan Tathi. At baka iyan pa ang dahilan kung bakit hindi matuloy ang kasal niyo ni Cairo" panggagatong ni Charlie dito. Sinamaan ko siya ng tingin.

Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Ay, hindi pa nga pala nagpropropose" pangaasar niya sa akin sabay tawa. Nakakainis!

Tumayo siya sa harap ko at sumayaw. Tawang tawa si Mama sa kanya. Aba't baka ampunin pa nito si Charlie ah.

"Cause if you like it, then you should put a ring on it...oh, oh, ohhh" kanta at sayaw niya ng single ladies. Gusto ko siyang batuhin ng tupper ware ni Mama.

Nagmartsa ako palabas ng condo na nagdadabog pa, kaya naman mas lalong natawa si Charlie.

"Ang sungit! Buntis ka na girl!?" pahabol na sigaw pa niya sa akin.

"Charlie!" rinig kong sita ni Mama sa kanya bago pa man sumara ang pintuan.

Busangot ang mukha ko ng sumakay ako ng elevator paakyat sa may penthouse. Ilang doorbell ang nagawa ko at kaagad na akong pinagbuksan ni Cairo. Wala itong suot na pangitaas, tanging itim na shorts lang. May hawak din siyang tuwalya at pinupunasan ang kanyang basang buhok. Kakaligo lang.

"May problema?" tanong niya sa akin. Siya na ang sumalubong ng halik.

Nanatili akong nakanguso. Syempre, hindi ko naman sasabihin sa kanya ang sinabi ni Charlie. Baka akalain niya ay atat akong magpropose siya.

Duniretso ako sa may sofa. Uminit pa ang pisngi ko ng maalala ko ang ginawa namin duon nung nakaraan.

"Si Charlie, ininis ako" sumbong ko sa kanya.

Mas lalong humaba ang nguso ko ng makita kong may dinampot siyang puting tshirt at isinuot iyon. Sayang naman.

Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. "My baby wants me naked. Huh?" pangaasar niya sa akin.

Wala sa sarili akong napatango kaya naman mariin akong napapikit. Shuta, Tathi.

"Later, may mga bisita tayo" nakangising sabi niya sa akin. Bago pa man ako makapagreact ay tumunog na ulit ang kanyang doorbell.

"Andyan na sila" sabi niya ay kaagad na naglakad papalapit sa may pinto.

Sila? Sinong sila?

Napatayo ako ng marinig ko ang boses ng kanyang bully na mga kapatid. Sina Tadeo at Piero.

"Nasaan nasaan!?" rinig kong sabi ng isang babae.

"Careful, Sera" suway ni Doc Kenzo.

Nabato ako sa aking kinatatayuan ng bumulaga sa akin ang kanyang tatlong kapatid kasama ang mga asawa nito. Nagtagal ang tingin ko kay Seraphine Serrano. Halos lumuwa ang mata nito dahil sa pagkakatingin sa akin, nakahawak ang isang kamay niya sa may kalakihan niyang sinapupunan.

"Tangina, Tathi ikaw nga!" natatawang sabi niya sa akin. Kaagad siyang lumapit sa akin at yumakap.

Nagawa niya iyon kahit medyo hirap dahil sa malaki niyang tiyan. "Ang linis linis mo na, hindi kita kaagad nakilala ah" puro niya sa akin. Pero nakaramdam ako ng hiya, naalala ko tuloy kung paano ako naging dugyot nung bata.

Bumati din sa akin sina Castellana na asawa ni Tadeo, buntis din siya pero hindi kagaya ni Sera, ilang buwan pa lang ang sa kanya. Bumeso din sa akin si Amaryllis na asawa naman ni Piero. Masyado siyang inosente para kay Piero.

Kasabay nilang dumating ang mga dala din nilang pagkain. Si Sera ang pinakamadaming dala dahil minana niya ang halos lahat ng bussiness ng pamilya nila sa part ng Momny niya. Isa na duon ang P-sinugba na galing pa sa iloilo.

Tuwang tuwa siya sa akin, hindi pa din makapaniwala na magkikita ulit kaming dalawa matapos ang mga nangyari nuon.

"Tathi, juice nga" natatawang sabi niya sa akin. Sinadya niya iyon at hinintay ang magiging reaksyon ni Cairo. Hindi naman siya nabigo at kaagad na lumapit ito sa amin, nakabusangot.

"Tanginang mukha yan" pangaasar niya dito.

Hindi siya pinansin ni Cairo. Bagkus ay hinigit nito ang aking bewang papalapit sa kanya. "Hindi mo na utusan si Tathi" masungit na sabi niya dito.

Bumusangot ang mukha ni Sera. "Ah, kaya pala isinumbong mo ako kay Kenzo. Nakakainis ka!" asik niya dito. Habang nagbubunganga siya ay nakahawak siya sa kanyang malaking tiyan.

Nagtaas ng kilay si Cairo sa kanya. Halatang nangaasar.

"Kenzo!" tawag niya sa asawa.

Nakalatag ang pagkain sa dinning table. Kanya kanya lang kami sa pagkuha dahil mas gusto nilang kumain sa may living room. Lumapit ako sa mga pagkain at tiningnan ang mga iyon, napalingon ako ng maramdaman ko ang pagsunod ni Cairo sa akin.

"Anong gusto mong kainin?" tanong niya sa akin. Kinuha niya ang pinggan na hawak ko para siya mismo ang maglagay ng pagkain duon.

"Itong bangus, yung tiyan ha" sabi ko sa kanya kaya napangisi siya.

Marami ang pagkain, may mga pasta din. Kumuha ako ng barbique at kumagat habang hinihintay na matapos si Cairo sa kuha.

"Daddy, Cairo" nakangising bungad ni Piero ng lumapit siya sa akin. Kagaya ni Cairo ay may hawak din siyang plato.

"Shut up" asik nito sa kapatid.

Nagkibit balikat lang ito at nagtaas ng kilay. "Sumbong ko kayo kay Abuela" pangaasar pa niya sa amin, sa akin siya nakatingin na akala mo ay nangaasar siya ng bata.

"Damn you, tigilan mo na yan at walang magagawa si Abuela" masungit na sabi ni Cairo dito.

Nanatili ang ngisi ni Piero sa amin habang naglalagay ng pagkain sa hawak na pinggan. Napaawang ang labi ko ng makita ko kung paano siya mataranta ng tawagin siya ng asawa.

"Piero" tawag ni Amaryllis sa kanya. Marahan lang naman iyon pero parang manginginig na ang kamay ni Piero ng marinig.

"Abuela, huh. Si Amaryllis lang naman ang katapat mo" balik na pangaasar ni Cairo dito.

Sinamaan siya ni Piero ng tingin. Tumikhim na ito ng mahirapan siya sa pagkuha ng ulam.

"Amputa" asik niya at sa sobrang inis ay dinala ang buong lalagyan patungo sa living room.

Natatawang yumakap si Cairo sa akin. "Baka mas malala pa ako diyan pag magasawa na tayo" sabi niya sa akin.

Napanguso ako. "Ano? Matagal ka ng malala" akusa ko sa kanya. Iyon na ang pangasar ko sa kanya ng malaman kong nagpapansin din siya sa akin nuon. May ambag din pala ito sa relasyon namin, buong akala ko ay ako lang.

"Nagsalita ang nanghihingi ng number" pangaasar niya sa akin.

Inirapan ko siya. "Nagsalita ang nagnanakaw ng number" laban ko na mas lalo niyang ikinahalakhak.

Nagprotesta si Cairo ng hilahin ako ni Sera paupo sa kanyang tabi. "Ano? Hindi ka pa buntis?" kaagad na tanong niya pagkaupo ko sa kanyang tabi kaya naman halos masamid ako sa aking sariling laway.

"Shut up, Sera" nakangising suway ni Cairo sa kanya.

"Balita ko matigas ang ulo ni Tathi, naku impossibleng walang parusa" si Castellana. Napatawa si Tadeo at kaagad na yumakap sa asawa pero mabilis na tinapik ni Castel ang kamay ni Tadeo.

"Baby..." parang batang tawag ni Tadeo dito. Imbes na sagutin ay inirapan lang siya nito at muling ngumiti ng humarap sa amin.

Uminit ang pisngi ko. "Si Amaryllis nga mabait dati, pero tumigas ang ulo dahil kay Piero" si Sera.

Napapanganga na lang ako sa mga paguusap nila. Para bang may iba pang ibig sabihin ang mga iyon na sila lang ang nakakaalam.

Narinig ko ang pagngisi ni Cairo. Mukhang nahalata niyang wala akong maintindihan.

"My Tathi is too innocent" malambing na bulong niya sa akin.

Tsaka lang sumeryoso ang usapan ng magsimulang magplano si Piero. Namangha ako, dahil maging si Castel ay nakikisabay din. Wala sa maamo niyang mukha.

"Si Castel, pumapatay yan dati" bulong ni Sera sa akin na ikinalaglag ng panga ako.

Napangisi siya. Hindi ko alam kung maniniwala ako. "Si Piero din" pahabol pa niya.

Lutang ako habang naguusap sila. Hindi ako makapaniwala.

"Marami kaming tao, pwedeng magpanggap na civillian" seryosong sabi ni Castel na para bang sanay siya sa mga ganito.

Nagaalala sila para kay Cairo. Masyado kasing liblib ang lugar na ibinigay ni Senyorito luigi na dapat ako ang kikitain niya.

"Ako na ang bahala sa mga sundalo, sasama si Piero sa operation, si Kenzo...anong ambag mo?" Tanong ni Tadeo sa kapatid.

Nagkibit balikat si Doc Kenzo. "Taga gamot ng mababaril?" nakangising sabi niya.

Napatawa ang katabi kong si Sera. "Oh ha, manok ko yan" pagbibida niya.

"At si Cairo?" si Tadeo pa din.

Ngumisi si Piero. "Si Cairo ang ipapain"

Kaagad akong napakapit sa braso ni Cairo na seryosong nakikinig sa mga kapatid. Nilingon niya ako. "Hindi ka natatakot? Ako natatakot" sumbong ko sa kanya. Ayoko siyang mapahamak.

Tipid siyang ngumiti sa akin. Humalik siya sa aking ulo na para bang walang mga tao sa paligid namin.

"Sayo lang naman ako takot, kasi matigas ang ulo mo. Pagkatapos ng lahat ng ito, ikakasal ka sa akin" marahang sabi niya sa akin.











(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro