Chapter 62
Family
Napangiwi ako ng maramdaman ko ang kirot sa aking bandang tagiliran ng subukan kong gumalaw. Nanatili akong nakapikit, mas lalong kumunot ang noo ko ng marinig ko ang ilang pamailyar na boses sa aking paligid.
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata hanggang sa bumungad sa akin ang walang kaemoemosyong mukha ni Cairo. Nang maimulat kong mabuti ang aking mga mata ay duon ko lang nakumpirma na nasa hospital nga ako.
"Mabuti naman at gising ka na" si Kuya Cayden. Napanguso ako ng makita kong sila lang tatlo ni Charlie ang nasa loob ng kwarto.
Wala pa ding imik si Cairo ng tulungan niya akong makaupo ng maayos. Nanatili naman siyang nakatayo sa gilid ng hospital bed ko. Si Kuya Cayden ay nakaupo sa may monoblock sa kabilang gilid samantalang si Charlie naman ay nakatayo sa malayong gawi sa may bandang paanan ng higaan.
"Anong nangyari?" nanghihina pang tanong ko sa kanila. Pakiramdam ko ay napasobra ako sa tulog, ang bigat ng aking ulo.
Kumunot ang noo ko ng wala man lang pumansin sa aking tanong. Tiningala ko si Cairo pero diretso ang tingin niya kay Kuya. Nakahalukipkip pa ito at masyadong attentive. Aba! Ang Kuya Cayden ko ba ang baby mo!?
Mas lalong bumagsak ang balikat ko. Hindi nila ako pinapansin dahil abala sila sa pagpapatuloy ng paguusap. Mukhang kanina pa nila iyon pinaguusapan habang natutulog ako.
Inilipat ko ang tingin ko kay Charlie. Nagtaas siya ng kilay sa akin bago ako pinanlakihan ng mata. Itinuro niya sa akin ang buhok niya, pagkatapos ay ininguso si Cairo.
Kaagad akong nakuha ang gusto niyang mangyari. Ang ayusin ko ang aking buhok, hindi ba ako mukhang presentable? Marahan kong sinuklay ang aking maiksing buhok gamit ang aking mga daliri. Pagkatapos nuon ay ang mata naman ang itinuro ni Charlie kaya naman tiningnan ko din at baka may muta ako. Mabuti na lang...konti lang.
Matapos kong gawin ang lahat gusto niya ay muli niya akong pinanlakihan ng mata. Itinuro niya ang gilid ng aking labi. Shuta, may tuyong laway pa ata ako!
Bago ko pa man iyon magawa ay tumunog na ang cellphone ni Kuya dahil para maputol ang paguusap nila at nagpaalam siyang lalabas para sagutin iyon.
Sinubukan kong tanggalin ang natuyong laway sa gilid ng aking labi. Ngunit napahinto ako ng maramdaman ko ang kamay ni Cairo duon. Napatingala ako sa kanya, kagaya kanina ay wala pa ding kaemoemosyon ang kanyang mga mata.
Nanatili lang siyang nakatingin sa akin habang marahang pinupunasan ng kanyang hinalalaki ang gilid ng aking labi. Matapos iyon ay sandalinh pumasada ang palad niya sa aking buhok.
"Galit ka sa akin?" tanong ko.
Ang inaasahan ko pa naman ay yayakapin niya ako ng mahigpit pagkagising ko. O kaya naman ay hahalikan. O kaya naman ay maiiyak siya. Pero walang nangyari sa lahat ng akala ko.
Umigting ang kanyang panga at tipid na umiling. "Hindi mo ako pinapansin eh" laban ko sa kanya.
Nanatili ang tamad niyang tingin sa akin. Nalipat ang tingin ko kay Charlie. Tumunog ang pintuan dahil sa pagpasok ni Kuya Cayden.
Sinadyang umubo ni Charlie. "Let's give a moment of silence for Tathriana" malungkot na sabi niya. Shuta! Pinatay na niya ako.
"Gago" natatawang sabi ni Kuya Cayden dito.
"Oh, I mean. Let's give them a private time together" nakangising sabi niya sa amin. Kinindatan pa ako nito pagkatapos, sinamaan ko siya ng tingin kaya naman mas lalong lumaki ang ngisi niya.
Napatango si Kuya Cayden at kaagad na kinuha ang atachi case niya. "Ikaw na ang bahala sa kapatid ko. May kailangan akong i-meet na kliyente" sabi ni Kuya Cayden at mabilis na lumapit sa akin para humalik sa aking ulo.
"Babalik ko mamaya" malambing na sabi niya sa akin.
Nauna siyang lumabas, si Charlie naman ngayon ang lumapit sa akin para magpaalam.
"Shuta ka, feeling snow white ka talaga. May patulog tulog ka pa" pangbungad niya sa akin kaya naman natawa ako. Siraulo.
"Mabuti ay daplis lang ng bala ang inabot mo. Tathi, si snow white mansanas ang kinain, hindi bala!" mapanuyang sabi niya sa akin. Matapos niya akong asarin ay kaagad din naman siyang yumakap sa akin.
"May date ka nanaman!" asik ko sa kanya.
"Ay, pag inggit pikit" maarteng sabi niya sa akin kaya naman napanguso na lang ako hanggang sa tuluyan ng lumabas si Charlie at kami na lang ni Cairo ang maiwan sa loob.
"Date din tayo pag labas ko dito. Libre ko, kasi wala ka pang trabaho" nakangiting yaya ko sa kanya. Bahala siya kung galit siya.
Nagtagal ang titig niya sa akin kaya naman pinagtaasan ko siya ng kilay. "Ayaw mo ako idate? Libre" panghihikayat ko sa kanya.
Hinampas niya ang gilid ng aking higaan dahilan kung bakit naitikom ko ang aking bibig. "Laro lang ba ang lahat ng ito sayo?" madiing tanong niya sa akin.
"Nabaril ka, Tathriana. At bakot hindi mo sinabi sa akin na may death threats ka?" galit na tanong niya sa akin.
Bumagsak ang tingin ko sa aking mga kamay na may swero. Nagiwas kaagad ako ng tingin ng makita kong may kaunting dugo sa dulo nuon.
"Alam ni Kuya" pagdadahilan ko.
Tumikhim siya. "At ako?" madiing tanong niya sa akin.
"Marami kang problema, ayoko ng dagdagan" sagot ko.
Mariin siyang napapikit. "Tathriana" pagod na tawag niya sa akin.
"Ayokong magalala ka. Ayokong makaabala" pahabol ko pa. Nag angat ako ng tingin sa kanya.
Sa sobrang riin ng kanyang pagkakapikit ay halos kumunot na ang kanyang noo.
"Kailan ka naging abala sa akin? Baby, syempre magaalala ako. Pero normal lang iyon. Dapat sinabi mo pa din" laban niya, medyo lumambot na ang kanyang boses. Hindi kagaya kanina na galit at madiin.
Ah, si Senyorito baby ay marupok.
"I'm sorry" mahinang sabi ko. Itinaas ko pa ang kamay ko para marahang haplusin ang kanyang pisngi.
Dahil sa ginawa ko ay dahan dahan siyang dumilat. Mapungay kaagad ang kanyang mga mata ng tumingin siya sa akin.
"Paano kung napuruhan ka? Tathi, baka gumising kang nasa kulungan ako" pagpapaintindi niya sa akin.
Imbes na sumagot ay kaagad ko siyang niyakap. Dahil sa aking ginawa ay wala siyang choice kundi ang mapaupo sa aking kama.
Ginantihan niya ang aking yakap sa kanya. "Wag mo na ulit gagawin iyon. Don't you dare try to catch bullet again for me" madiing sabi niya sa akin.
Mas lalong humigpit ang yakap ko a kanya. Halos masakal ko na ata siya pero hindi siya nagreklamo. Uminit ang aking mga mata.
"Alalang alala ako sayo ng malaman kong nabaril ka sa Bulacan. Gustong gusto kitang puntahan pero hindi ko alam kung paano" emosyonal na kwento ko sa kanya.
Nagbalik sa akin ang alaala at pakiramdam nuong mga panahon na iyon. Na dahil bata ako ay wala akong magawa para makita siya. Hindi ko nagawang puntahan siya, dahil may problema din kami nuon sa pagkakakulong ni Papa.
"Gusto kong itama kahit papaano ang nagawa ng Papa ko. Binaril ka niya, pwes ako, sasaluhin ko ang bala para sayo" paliwanag ko sa kanya.
Naramdaman ko ang bayolente niyang pagbuga ng hininga. Sandali siyang humiwalay sa akin para harapin ako.
"Hindi mo kailangang gawin iyon. Mahal kita at hindi magbabago iyon kahit ikaw pa ang anak ng taong bumaril sa akin nuon" madiing sabi niya sa akin. Muling tumulo ang luha sa aking mga mata.
Imbes na patahanin ako ay kaagad niya lang inangkin ang aking mga labi. Marahan ang bawat paghagod ng kanyang mga halik. Napatigil lang kami ng makarinig kami ng pagkatok.
Napamura siya bago marahang pinunasan ang luha sa aking mga mata. "Tahan na, hindi naman umiyak si Snow white pagkagising" pagaalo niya sa akin kaya naman napatawa ako, dahil duon ay napasinghot ako. Nakakainis, gumagawa talaga ang tadahana ng paraan para maging dugyot na snow white ako
Pareho kaming nagangat ng tingin sa dumating. Bahagyang nalaglag ang panga ko ng makita ko kung sino iyon. Si Doctor Kenzo. Iba din ang awra at dating niya. Kung si Piero ay mukhang madilim at halatang malako, ang isang ito ay mukhang stirkto. Si Tadeo naman ang pinakamukhang matino sa lahat kahit halatang walang kinakatakutan dahil sa pagiging sundalo niya.
At ang Senyorito baby ko, syempre ang pinakagwapo. Naputol ang pagiisip ko ng maramdaman ko ang paghilig nito palapit sa aking tenga.
"Tama na ang titig, nagseselos na ako" bulong niya sa akin kaya naman nalunok ako.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Doc Kenzo sa akin.
"Maayos naman" Sagot ni Cairo na ikinagulat ko. Siya na ang sumagot para sa akin.
Nagtaas ng kilay si Doc Kenzo dahil dito. Bumusangot lang ng tingin si Cairo sa kapatid. Mas lalong lumapit ito sa gilid ng aking higaan, naramdaman ko kaagad ang kamay ni Cairo sa aking bewang.
"Aayusin ko ang swero mo, may dugo" sabi niya at susubukan sanang hawakan ang kamay ko ng mabilis iyong tinapik ni Cairo.
"What? Trabaho ko ito" natatawang sabi sa kapatid.
Inirapan siya nito. "Magpadala ka ng babaeng nurse" masungit na sabi sa kapatid.
Napatawa si Kenzo, bumaba ang tingin ko sa stethocope na nakasabit sa kanyang leeg.
"My hospital, My rules" nakangising sabi niya kay Cairo. Mas lalong nalaglag ang panga ko, at talagang sa kanya nga ang buong hospital na ito. Sa kanilang dalawa ni Sera!
"Kamusta na si Sera?" tanong ko sa kanya habang inaayos niya ang may dugo kong swero, wala ng nagawa pa si Cairo kundi ang bumusangot, panay din ang pagtikhim nito.
"Buntis" masungit na sagot ni Cairo sa akin. Kanina pa siya sagot ng sagot eh hindi naman siya ang kinakausap namin.
"Kababata ka nga pala ni Sera, naikwento ni Cairo sa akin" nakangising sabi niya sa akin. Mukhang natuwa pa siya dahil naging utusan ako ng asawa niya nung mga bata kami.
"Sasabihan ko siya, pumunta kayo ni Cairo sa bahay pagkalabas mo dito" yaya pa niya sa amin kaya naman ngumiti ako at tumango sa kanya.
Nang umalis si Doc Kenzo ay muli kaming naiwan ni Cairo. Siya ang nagalaga sa akin. Ngunit hindi nakaligtas sa aking pansin ang paglabas o pananahimik niya pag dumadating si Mama. Para bang umiiwas siya.
"Pinagalitan ka ni Mama?" nakangising tanong ko sa kanya. Akala mo bata pa.
Marahan siyang umiling sa akin. Bumaba ang tingin niya sa spaghetti na iniikot niya sa tinidor. Sinusubuan niya ako.
"Normal lang iyon na magalit siya, napahamak ka Tathi" paliwanag niya sa akin.
Tumango ako. Kakausapin ko na lang si Mama pag kalabas ko dito. Hindi ko kasi siya makausap pag dito sa hospital, hindi kami nawawalan ng kasama.
"Kumain ka din" sabi ko sa kanya. Inilingan niya lang ako at inilapit ang tinidor sa aking bibig.
"Sumubo ka, sige na" pagpupumilit ko sa kanya. Inirapan niya ako at ginawa ang gusto kong mangyari.
Napatawa ako dahil sa pagiging busangot nanaman nito. Sa sumunod niyang pagsubo sa akin ay nginisian ko siya.
"Uhm, may laway mo na ito. Kaya pala mas masarap" pangaasar ko sa kanya.
Mas lalong sumama ang ngisi niya sa akin ng hindi niya napigilan ang sarili na mapatawa.
"Humanda ka sa akin paglabas mo" bulong na banta niya sa akin. Imbes na matakot ay uminit pa ang aking magkabilang pisngi.
Iginala ko ang aking paningin sa buong kwarto. Alam kong pinapanuod niya ako.
"Dito na lang" sabi ko.
Mariin siyang napapikit at napamura dahilan para matawa ako.
Makalipas ang ilang araw ay pinayagan na din ako ng doctor na makalabas sa hospital. Daplis lang ang tama ko sa may tagiliran at hinimatay din ako dahil sa sobrang takot.
Sa condo ni Kuya na din muna nagstay si Mama para daw maalagaan ako kahit sinabi kong ayos na ako. Halos palagi ding nanduon si Daddy. Hindi ko alam kung gusto ba talaga nila akong alagaan o binabantayan nila ako.
"Kuya Jasper!" tawag ko sa kanya at kaagad na sinalubong ng yakap. Ngayon lang siya nakaluwas galing sa Bulacan.
Mabilis niya akong ikinulong sa kanyang bisig, naramdaman ko kaagad ang paghalik niya sa aking ulo. "Nilunod mo ako" natatawang sabi niya sa akin. Ayan nanaman sila tungkol sa pustahan nila.
"Kuya Jasper" paggaya ni Charlie at akmang yayakap dito ng kaagad siyang pinigilan ni Kuya.
"Payakap lang eh" pagmamaktol ni Charlie na ikinatawa ko.
Naghanda si Mama ng pananghalian namin. Ilang araw na puro text at tawag lang kami ni Cairo. Hindi naman na ako nag demand na puntahan niya ako, baka busy kasi.
"Ilang buwan na lang ay exam niyo na, nakakapagreview ka ba?" tanong niya sa amin ni Charlie. Tumango lang kaming dalawa at natawa sa kanya.
Kanya kanya kami sa pagupo hanggang sa mapahinto ko ng marinig namin ang doorbell.
"Oh, si Daddy?" tanong ko kay Kuya. Wala namang ibang pwedeng pumunta dito kundi siya lang dahil wala naman kaming inaasahan na bisita.
Natawa si Kuya at napainom sa kanyang tubig. "Daddy, Huh" nakangising sabi niya.
Dahil nakaupo na silang lahat ay ako na lang ang nagpresinta na magbukas ng pinto. Nahiya naman sa kanila ang sugat ko, ako itong kalalabas lang ng hospital.
"Baby!" hiyaw ko at kaagad na tumalon payakap sa kanya. Oo baby na ngayon, trip ko lang.
Ginantihan niya ang yakap ko. Halos umangat ako sa ere dahil duon. Matapos mahusto sa pagyakap ay ako na mismo ang umatake ng halik na mabilis niyang ginantihan. Nasa kalaliman kami ng paghahalikan ng sumigaw si Mama mula sa dinning.
"Tathi" tawag niya. Mukhang natagalan sa pagbalik ko.
Ngumiti ako kay Cairo. "Na miss kita" sabi ko.
Ngumiti sin siya pabalik sa akin at humirit pa ng isang halik. "I miss you too"
Hinila ko si Cairo patungo sa dinning. Nagangat silang lahat ng tingin sa aming pagdating pero ang magiging reaction ni Mama ang hinintay ko. Tiningnan niya lang si Cairo at kaagad na nagiwas ng tingin.
"Inimbitahan ko siya Tita, paguusapan namin ang tungkol sa kaso" si Kuya Cayden.
Tahimik kaming kumain, katabi ko si Cairo at si Mama naman ang sa kabilang gilid. Panay ang sipa ni Charlie sa paa ko sa tuwing inaasikaso ko ito. Epal, akala ko ba paginggit pikit?
Matapos ang lunch ay nagtipon tipon kami sa may living room. Si Kuya Cayden ang nakatayo sa harapan. Katabi ko naman si Cairo at si Mama ay nakaupo hindi kalayuan sa amin.
"Napagusapan na namin ito ni Daddy" paguumpisa niya.
Maayos ang mga unang naging paguusap. Nalaman kong hawak na ngayon ng mga pulis ang lalaking nakabaril sa akin sa may law firm. Inaalam na kung may koneksyon siya sa mga death threats na natatanggap ko at kung sino ba talaga sa amin ni Cairo ang target.
"Tathi..." pagtawag ni Kuya sa aking pansin. Kaagad ako nagangat ng tingin sa kanya.
"We want you out of this" diretsahang sabi niya na ikinalaglag ng panga ko.
"Pero Kuya..."
"Tathi anak, alam nila ang ginagawa nila. Ayaw lang naming maulit pa ito" si Mama.
Napatingin ako kay Cairo, ngunit ang mapupungay na mata niya lang ang sumalubong sa akin.
"Gusto ko tong gawin para kay Papa" sabi ko sa kanila.
"Alam namin anak, alam namin. Alam din iyon ng Papa mo. Pero hayaan mo kaming tulungan ka" paliwanag pa ni Mama sa akin.
Bumagsak ang tingin ko sa sahig. Naramdaman ko ang paghawak ni Cairo sa aking kamay. Marahan niya iyong pinisil dahilan kung bakit ako napatingin sa kanya.
"Wag ng matigas ang ulo..." marahang bulong niya sa akin.
"We want you to focus on your review" pagpapaintindi pa niya.
Nilingon ko sila isa isa. Lahay sila ay nakatingin sa akin, naghihintay ng aking sagot. Tumugal ang tingin ko kay Mama, mapupungay ang kanyang mga mata na para bang nakikiusap.
Gusto ko mang ako ang gumawa nito para kay Papa ay kailanga ko pa din ng tulong nila. Hindi na namin ito pwede bang ipagpabukas o hintayin na maging abogadi ako, kailangan na naming gumawa ng aksyon ngayon at iyon ang kailangan kong intindihan. Hindi lahat ng bagay ay mareresolba sa paraang gusto ko.
Marahan akong tumango sa kanila kaya naman napasinghap sila. Mahing si Cairo na katabi ko ay ganuon din.
"That's my baby" malambing na bulong niya bago niya ako hinalikan sa ulo.
Nanatili akong tahimik na nakinig sa kanilang plano. Nakatanggap ulit ako ng sermon kay Cairo ng malaman niyang nagmessage si Senyorito Luigi sa akin at gustong makipagkita.
"Ang sabi ko walang ibang lalaki, hindi ba?" masungit na sabi niya sa akin. Nakanguso kong ibinigay sa kanya ang aking cellphone.
"Kahit tingnan mo pa, hindi ako nagreply" sabi ko. Aba't may pagirap pa!
Nang gabi ding iyon ay kinausap ako nina Mama at Daddy. Alam kong hindi magiging madali ang paguusap na ito, lalo na at tungkol ito sa akin at sa kanila.
"Kung nasaan man ang Papa mo, alam kong masaya siya Tathi, dahil gusto mo itong gawin para sa kanya" paguumpisa ni Mama.
Hindi ko napigilang maging emosyonal ng maisip si Papa. Sana ay nandito siya, sana ay nahintay niya ako. Magiipon ako at bibilhin ang matagal niya ng pangarap na lupa.
Kusang tumulo ang aking mga luha. Hanggang sa huling mga araw niya ako ang nasa isip niya. Hanggang sa huli naming paguusap ay ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya. Hindi niya ako itinuring na iba, minahal niya ako na parang sa kanya.
"Alam kong mahal na mahal mo ang Papa mo, Tathi. At dahil mahal mo siya, at minahal ka niya na parang sa kanya. Gagawin ko ito para sa kanya, pagbabayarin natin kung sino man ang nasa likod nito" si Daddy.
Lumabo ang aking paningin ng tingnan ko siya. Mahal ko din si Daddy, pareho ko silang mahal ni Papa.
"Attorney Tathriana Torres" tawag ni Daddy sa akin. Kita ko ang pagkislap nh kanyang mga mata dahil sa luha, mabilis akong tumayo at lumapit sa kanya para yumakap.
Ang manggaling mismo sa kanya ang pagiging Torres ko ay mas nagpaantig sa aking dibdib. Alam ni Daddy, aminado siya na mas naging ama si Papa sa akin, at ngayon ay bumabawi na siya
"Ipapanalo ko ang kaso para sayo, at para may Theodore" paninigurado niya sa akin.
Nang umayos na ang aking lagay ng sumunod na araw ay pumasok na uulit ako sa law firm kasama si Charlie. May pabati pa ang mga ito sa aking pagbabalik.
"Mabuti naman at maayos ka na, nagalala kami" Si Attorney Marcus.
Sa kalagitnaan ng aming paguusap ay may lumapit na lalaki sa kanya. Hindi ko maipagkakailang may itsura ito.
"Tito" tawag niya kay Attorney kaya naman tumaas ang aking kilay. Kaya naman pala, nasa lahi.
"Oh, Tathi. I want you to meet Hob Jimenez. Anak ni Sebastian Jimenez" pagpapakilala ni Attorney sa akin.
Ngumiti ako ay tinanggap ang kanyang nakalahad na kamay. Ngumisi siya sa akin.
"Babe, it's Hobbes" pagpapakilala niya ulit. Mabilis kong binawi ang kamay ko dahil sa itinawag niya sa akin.
Nakita ko ang pagsiko ni Attorney Marcus sa kanya. "Herrer property" makahulugang sabi nito.
Ngumiwi si Hobbes o Hob, dahilan kung bakit lumabas ang kanyang dimples.
"Bakit ba palagi na lang akong nauunahan ng mga Herrer?" natatawang tanong niya sa kanyang Tito.
Naging excited ako at the same time ay nainip sa paghihintay ng lunch break. Pupunta si Cairo para sabay kaming kumain. Nagpalit din kami ng phone dahil pinagaaralan nilang mabuti ang gagawin sa pakikipagkita kay Senyorito Luigi.
Nagmamadali akong lumabas ng building ng makatanggap ng message na nasa parking lot na si Cairo at naghihintay sa akin. Napahinto ako sa ginawa kong lakad takbo ng makita ko ang aking makakasalubong. Sina Sir Alec at Ma'm Maria Herrer.
Pareho silang nakatingin sa akin kaya naman halos gusyo kong matunaw sa aking kinatatayuan. Gustuhin ko mang umiwas ay wala na akong magagawa dahil nakita na nila ako. Inipon ko ang lahat ng lakas ko ay nagpatuloy sa paglalakad.
"Good morning po" bati ko sa kanilang dalawa.
Huminto sila sa aking harapan kaya naman iyon din ang aking ginawa.
"Tathi..." tawag ni Ma'm Maria sa akin na ikinagulat ko pa. Mas sanay kasi akong tinatawag niya akong Ms. Torres.
Nagkatinginan silang magasawa bago lumapit si Ma'm Maria sa akin. Nakita ko ang panginginig ng luha sa kanyang mga mata.
"Ilang beses mong ipinamukha sa aking mali ako ng pagkakakilala sayo" paguumpisa niya.
Bigla akong namanhid. Nasa harapan ko ngayon ang mga magulang ni Cairo. Bata pa lang ako ay pangarap ko na ito. Pero nakakakaba pala.
"Mahal ko si Cairo, halos ibuwis ko ang buhay ko para sa kanilang apat..." sabi niya sa akin. Dahil sa pagiging emosyonal nito ay nilapitan na siya ni Sir Alec. Nakarating siguro sa kanila ang nangyari.
"I'm sorry for being hard on you. I just really want the best for them"
Napatango ako. Naiintindihan ko, siguro pag nagkaanak kami, ganito din ako. Kailangan kong intindihin si Ma'm Maria dahil ina siya at hindi din biro ang pinagdaanan niya para sa apat na anak.
"Mahal ko po si Cairo. Kung hindi man po siya bumalik sa trabaho, ako po ang bubuhay sa anak niyo. Magtratrabaho po ako ng mabuti" paninigurado ko sa kanilang dalawa na ikinatawa nila.
"Hinihingi mo na ba ang kamay ng anak ko?" natatawang tanong ni Sir Alec.
Uminit ang pisngi ko. "Pwede na po ba?" tanong ko sa kanila.
Nagtaas ng kilay si Ma'm Maria sa akin. "Saan mo ititira ang anak ko kung ganuon? Hindi nakakatulog si Cairo sa hindi aircon, mapili din siya sa pagkain" pananakot niya sa akin.
Nag ngiting aso ako. "Wag po kayong magalala, pag hindi ko na kaya ibabalik ko sa inyo si Cairo" sabi ko.
Napatawa si Sir Alec. "Wala ng balikan Ms. Torres"
Pinanlakihan ako ng mata ni Ma'm Maria. "Muntik ko na din siyang binalik kay Madam Pia" sabi nito na mas lalong ikinatawa ni Sir Alec.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro