Chapter 61
Passed out
Nanatili ang titig ko kay Ma'm Maria Herrer. Ramdam ko ang pagsusumamo sa paraan ng pagtingin niya kay Cairo. Bigla akong nakaramdam ng kung ano. Para bang inaagaw ko nanaman ang anak niya sa kanya. Pakiramdam ko, kontrabida ako sa pamilya nila. Na dahil sa akin kaya nasira ang magandang imahe ni Cairo sa kanilang pamilya.
"Please anak, don't leave us now" pakiusap pa ulit nito sa anak.
Narinig ko ang pagtikhim ni Cairo. Alam ko, nahihirapan din siya lalo na at ang Mommy na niya ngayon ang nagmamakaawa sa kanyang harapan. Kahit ako ay manghihina din kung si Mama ang gumawa sa akin niya. Alam kong mahal niya ang Mommy niya.
"Ma'm Maria..." marahang tawag ko sa kanya.
Nanuyo pa ang lalamunan ko ng pareho silang bumaling sa akin. Ramdam ko ang titig ni Cairo sa akin na para bang handa na siyang magprotesta sa oras na may sabihin akong hindi niya magugustuhan.
"Wag po kayong magalala...hindi aalis si Cairo" seryosong sabi ko sa kanya. Nakita ko kung paano nalaglag ang panga niya dahil sa narinig.
"Tathriana" madiing tawag ni Cairo sa akin. Alam kong gusto niyang manahimik ako, pero kahit hindi ako parte ng pamilya nila ay kasali pa din ako sa issue. They need to hear my side.
Hindi ko siya pinansin. Bagkus, hindi ko inalis ang tingin ko sa Mommy niya.
"Hindi po aalis si Cairo sa pwesto niya bilang CEO. Pero gusto ko lang din po sanang malaman niyo na hindi ko siya hihiwalayan" dirediretso at matapang na sabi ko pa sa kanya.
Naghari ang katahimikan sa pagitan naming tatlo. Hanggang sa mabilis na naitukom ni Ma'm Maria ang kanyang bibig.
"Hindi ko kayo paghihiwalayin" paninigurado niya sa amin.
Marahan akong tumango, nilingon ko si Cairo. Napanguso ako ng makita kong matalim pa din ang tingin niya sa akin. Bakit kaya galit nanaman ito sa akin? Ayan na nga at hindi ako makikipaghiwalay eh.
"Cairo" tawag nito sa anak.
Hindi niya nilingon ang Mommy niya kaya naman pinanlakihan ko siya ng mata. Akala ko ba, sabi ni Ma'm Maria si Cairo ang pinakamasunurin? Eh ang sungit kaya nito at ang tigas ng ulo.
"I resign, Ma. Abuela needs to learn a lesson" seryosong sabi niya sa Ina bago niya ako muling hinila.
Nagulat ako dahil sa ginawa niya. Sinubukan ko pa ding lingonin ang Mommy niya pero nakatingin lamang ito sa amin. Hindi man lang siya nagpaalam ng maayos. Walk out kaagad?
Hindi niya ako pinansin kahit pa kaming dalawa lang ang tao sa elevator. Alam ko na kaagad kung saan ang punta namin, sa kanyang opisina. Nagulat pa ang secretary niya na masungit pagkabukas ng elevator.
Kita ko ang pagkataranta niya, naabutan namin siyang may kausap sa telepono at mabilis na ibinaba ng makita kami. Yumuko siya para magbigay galang kay Cairo. Nanlaki naman ang mata niya ng mapatingin siya sa akin, mukhang naalala niya ako.
Kung normal na araw lang ito ay didilaan ko sana siya. Inaway niya kaya ako! Mabuti na lang at seryoso kami ngayon. Next time na lang.
Nalaglag ang panga ko pagkapasok namin sa kanyang office. Malaki iyon, glasswall ang dibding kaya naman nakita ko kaagad ang mga katabing building. Nanatili akong nakatayo sa gitna, dumiretso naman si Cairo sa kanyang swivel chair. Padabog na umupo at kaagad na niluwagan ang suot na neck tie.
"Iiwan mo ang lahat ng ito, para sa akin?" tanong ko sa kanya at paalala na din. Baka kasi magbago pa ang isip niya.
Halos mangatog ang tuhod ko dahil sa titig niya sa akin. Para tuloy akong napagalitang empleyado dahil sa ayos namin ngayon.
"Halika nga dito, Tathriana" masungit na tawag niya sa akin.
Bayolente akong napalunok. "Sir, wag po" sambit ko. Matagal ko ng pangarap masabi iyon, palagi kong naririnig iyon sa mga pinapanuod kong teleserye eh.
Tumikhim siya ay mariing napapikit. Dahil alam kong galit na siya ay mabilis akong naglakad papalapit sa kanya. Huminto ako sa tapat ng kayang lamesa. Mas lalo siyang gumwapo dahil sa pagkakaupo niya sa kanyang swivel chair.
Nanatili siyang nakapikit habang hinihilot ang kanyang sintido. "Umupo ka" utos niya sa akin. Kaagad akong tumango. Pakiramdam ko tuloy empleyado niya ako at hindi girlfriend. Kainis!
Uupo na sana ako sa upuan sa harap ng lamesa niya ng kaagad niya akong pinigilan. Inusog niya ang kanyang swivel chair at tinuro ang kanyang kandungan.
"Dito, sa akin" seryosong sabi niya. Ang landi! Shuta.
Sununod ako at umupo sa kandungan niya. Kaagad na sumuporta ang kanyang braso at pumulupot sa aking bewang.
"Tinakot mo ako" marahang sabi niya matapos ang isang bayolenteng pagbuntong hininga.
Hindi ako nakaimik, nanatili ang titig ko sa kanya. Naghihintay ng sasabihin niya pa.
"Don't do that again, Tathriana. Don't you dare leave me again" madiing banta niya.
Napahawak ako sa kanyang balikat. "Sabi ko na nga sa Mommy mo hindi ako makikipaghiwalay. Diba nga..." laban ko pa. Hindi ba niya narinig iyon? Uulitin ko pa ba?
Nanatili ang titig niya sa akin na para bang hindi siya nagsasawa sa pagtingin. "Iiwan ko ang lahat ng ito, para sayo. Lagi mo yang tandaan, wala kang karapatang makipaghiwalay" seryosong sabi niya sa akin kaya naman napanguso ako.
"Blackmail ba ito?" tanong ko sa kanya. Aba, nakalimutan niya bang magaabogado ako?
Umigting ang kanyang panga. "It's an order. Hindi tayo maghihiwalay, hindi na ulit" madiing pagpapaintindi niya na kaagad kong tinanguan.
Napasinghap siya at biglang lumambot. Parang batang yumakap ito sa akin.
"Pagod na din ako Tathi. Ginawa ko na ang lahat" sumbong niya sa akin.
Ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses kaya naman kaagad ko siyang niyakap pabalik. Siguro nga, sa kanilang magkakapatid ay siya lang ang sumunod sa yapak ng Daddy niya. Nagawa ng mga kapatid niya ang mga bagay na gusto nila. Si Cairo kaya? Ito ba talaga ang gusto niya?
Marahan kong hinaplos ang kanyang buhok. Ramdam ko ang paghinahon ng kanyang paghinga.
"Ano ba talaga ang gusto mo?" tanong ko sa kanya. Baka kasi walang nagtanong sa kanya nito. Baka nawalan lang siya ng choice ng maunang magdesisyon ang kanyang mga kapatid. Kaya naman sa huli, sa kanya naiwan ang lahat.
Humigpit ang yakap niya sa akin. "Basta, ang gusto ko lang ngayon, maging asawa ka" diretsahang sabi niya. Halos masamid ako sa sarili kong laway.
Madaldal ako pero para akong naputulan ng dila ngayon.
"Gusto ko, pagkatapos ng buong araw na trabaho ay sa iyo ako uuwi. Sasalubingin niyo ako ng mga anak natin, sabay sabay tayong kakain ng dinner at pagakatapos..."
Sandali pa siyang huminto at tumingin sa akin. Mapungay ang kanyang mga mata na para bang walang halong biro ang lahat ng sinasabi niya.
"Pagkatapos nating patulugin ang mga anak natin, gagawa ulit tayo ng bago" nakangising sabi niya. Hindi ko naiwasang pamangiti din. Siraulo ka, Senyorito baby!
Napanguso ako para itago ang pagngiti dala ng kilig. "Eh paano ka namin sasalubungin paguwi, eh wala ka namang trabaho. Nag resign ka na diba?" pangaasar ko sa kanya.
Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. "Edi ikaw na muna ang magtrabaho para sa atin, bata ka pa at masigla" balik niya sa akin kaya naman nalaglag ang panga ko.
"Baka hindi ko kayanin ang lifestyle mo ha. Araw araw kitang papakainin ng champorado" pananakot ko sa kanya kaya naman natawa siya.
Ipinatong niya ang noo niya sa aking balikat. Nakikipagbiruan siya sa akin pero alam ko, hindi niya gusto ko ang mga nangyayari ngayon. Alam ko kung gaano niya kamahal ang trabaho niya, ang companya nila, at ang Pamilya niya.
Mabilis akong napatayo sa gulat ng bigla na lang bumukas ang pintuan at iniluwa nuon sina Piero at Tadeo Herrer.
"Ano pang ginagawa mo dito?" Si Piero. Inaasar nanaman nito ang kapatid. Napakabully.
Sumama ang tingin ni Cairo sa mga kapatid. Inis siyang napaayos ng upo dahil sa pagkakatayo ko. Alam ko na ang iniisip ni Cairo, istorbo ang mga kapatid niya at tama iyon. Palagi naman.
"Welcome to the family, Tathriana" nakangiting bati sa akin ni Tadeo. Bumagsak ang tingin ko sa lamesa ni Cairo. Mas lalong uminit ang magkabila kong pisngi.
"Kung kailangan mo ng trabaho, naghahanap ako ng bagong baby sitter" si Piero para sa kapatid.
Isang mura ang ibinigay ni Cairo sa kanya. Bigla tuloy akong nahiya.
"Lalabas na muna ako" paalam ko sa kanya. Nagtaas ng kilay si Piero sa akin at prenteng umupo sa may sofa kung saan ang receiving area.
"Wag ka ng mahiya sa amin. Pamilya na tayo dito" nakangising sabi niya sa akin.
Hinawakan ni Cairo ang kamay ko. "Shut up, Piero. Ano ba ang ginagawa niyong dalawa dito?" iritadong tanong niya sa mga kapatid.
Napatawa si Piero. "Tutulong maghakot ng gamit?" pangaasar niya at tumingin kay Tadeo. Inirapan lang siya nito.
Hindi nagtagal ay sumeryoso na din ang dalawa. Hindi ako hinayaang umalis ni Cairo kaya naman tahimik lang ako nakikinig sa kanilang paguusap.
"Nakausap na namin si Daddy at Tito Axus. You can rest, Cairo. Kung ito talaga ang desisyon mo, susuportahan ka namin" Si Tadeo.
Tumikhim si Piero. "Pwede kang bumalik pag nagbago ang isip mo" segunda niya.
Tumango si Tadeo bilang pagsangayon sa kapatid.
Naging abala si Cairo ng sumunod na araw para sa pagbaba niya sa pwesto. Naging malaking news iyon sa buong companya na maging ang law firm ay apektado din. Ilang buwan bago ang bar exam namin kaya naman nitong mga nakaraang araw ay naging maluwag ang aming schedule.
"Kawawa nama pala si Senyorito, maghihirap na ba siya?" tanong ni Charlie sa akin ng nasa may dinning kami sa condo at nagaaral.
Napatingin ako sa kanya at kay Kuya Cayden. Mabuti na lang at nabanggit niya iyon. Paano nga kaya?
"Kuya, pwede bang tumira dito si Cairo pag pinalayas siya sa kanila?" diretsahang tanong ko sa kanya dahilan kung bakit mapamura siya ng masamid sa sinisimsim na kape.
Nanduon ako ng sabihin ni Madam Pia na sa oras na ako ang piliin nito ay mawawala sa kanya ang lahat. Kasama ba duon ang mga sasakyan? Maging ang condo unit niya?
"Sige sabihin mo iyan kay Cairo at baka tayo ang mapalayas dito" sabi ni Kuya Cayden na ikinakunot ng aking noo.
Nagtaas siya ng kilay sa akin hanggang sa manlaki ang aking mga mata ng makuha ko kung ano ang gusto niyang iparating sa akin.
"Ang mga Herrer ang may ari ng tower na ito?" gulat na tanong ko.
Napangisi silang pareho ni Charlie na para bang silang dalawa lang ang nagkakaintindihan.
"Kay Cairo" pagtatama ni Kuya. Muntik na akong himatayin. Alam kong mayaman sila, pero sa tinagal tagal ko dito sa unit ni Kuya ay ngayon ko lang ito nalaman!
"At bakit ngayon ko lang ito nalaman?" tanong ko sa kanilang dalawa pero tinawanan lang nila ako. Nakakainis! Palagi na lang nila akong pinagkakaisahan. Parang mas kapatid pa niya si Charlie kung magkaroon sila ng secret.
Dahil sa pagrereview ay hindi din kami masyadong lumalabas na dalawa. Kung wala siya sa condo niya ay nasa bahay siya ng mga kapatid niya at binibisita ang mga pamangkin. Madalas din siyang nagdadala ng mirienda lalo na ng kape para hindi ako antukin sa pagaaral.
"Inaayos na ni Daddy ang mga documento para maprocess ang pagpapareopen ng kaso" kwento ko sa kanya habang nasa byahe kami patungo sa bahay nina Piero.
Sumama ako sa kanya para naman makapagpahinga kahit papaano sa pagrereview. Hindi din maalis ang tingin ko sa kanya. Nakasimplemg polo shirt lang ito at dark maong pants. Malayong malayo sa nakasananyan kong long sleeves at black suits.
"If you need anything. Magsabi ka lang, ayokong maapektuhan ang pagrereview mo"
Ngumiti ako sa kanya at tumango. Alam kong mahal niya ang trabaho niya, pero pakiramdam ko ay kahit papaano nakalaya si Cairo sa stressed at sa pagod. Ngayon, dahil hawak niya ang kanyang oras ay nagagawa na niya ang mga gusto niyang gawin.
"Tito Cairo!" sigaw ng isang batang babae ng patakbo niyang sinalubong si Cairo.
Lumuhod pa ito para humalik sa pisngi ng batang babae at kaagad itong kinarga. Napatawa ang bata ng kilitiin siya nito.
"Where's Primo?" tanong niya dito at muling hinalikan sa pisngi ang bata. Tumuro ito sa kung saan.
Bumaling siya sa akin at ngumiti. Iniharap niya sa akin ang batang babae. "Prymer, say hi to your Tita Tathi" malambing na utos niya dito. Inihilig pa niya ang bata lata humalik sa aking pisngi.
Itinaas ko ang kamay ko ng makita kong bahagyang nagulo ang kanyang full bangs. Ang gandang bata. Ang ganda naman kasi talaga ng asawa ni Piero. Sa huli ay sa may garden kami nagstay. Takbo ng takbo si Prymer habang ang mas batang si Primo naman ang karga ni Cairo.
"Isa pa, ngumiti ka naman" sabi ko sa kanya. Kanina ko pa siya pinipicturan. Pwede na talaga siyang maging Daddy.
Napairap ako dahil ayaw niya talagang ngumiti. Sus! Nahiya pa. Tiningnan ko ang mga litratong kinuha ko. "Buti pa si Primo nakangiti oh, diba baby..." pagkausap ko sa bata na kanina pa tawa ng tawa sa tuwing nagsasalita ako.
Para pala itong si Piero. Parang nangaasar lang ah!
"Ikaw naman ang humawak at ikaw ang kukuhanan ko ng litrato" dahil sa sinabi niya ay kaagad akong napangiti. Game ba game ako duon, hindi kagaya niya na nagiinarte pa.
Napatawa kaming pareho ng muntik pang umiyak si Primo ng ilipat niya ito sa akin. Mabuti na lang at kaagad na naalo ni Cairo. Ang laki ng ngiti ko sa tuwing kinukuhanan niya kami ng picture.
Pagkatapos ng ilang kuha ay napanguso siya ay napatitig sa kanyang cellphone. "Ano? Pwede na?" pangaasar ko sa kanya.
Nagtaas siya ng kilay sa akin na para bang iyon ang sagot niya sa akin. Sus! Sa huli ay inayos niya anh upuan ay inilapit iyon sa aking tabi.
"When you are ready" bulong niya sa akin ng halikan niya ako sa ulo.
"At papakasalan muna kita" pahabol pa niya sa akin kaya naman matamis ko siyang nginitian.
"Pagkatapos ng bar exam ko?" tanong ko sa kanya kaya naman natawa siya.
"Gusto mong mag oath taking na malaki ang tiyan mo?" pangaasar niya sa akin.
Sandali akong napaisip. "Uhm, pwede naman" pangaasar ko sa kanya na mas lalo niyang ikinatawa.
Nakakalungkot isipin minsan na wala si Cairo sa Herrer tower sa tuwing nasa law firm kami. Nuon ay kahit busy siya sa trabaho ay iba pa din ang pakiramdam pag alam kong ginagawa niya kung ano ang gusto niya.
"Tathi, lalabas muna ako. May gusto ka bang ipabili?" Si Charlie na aligaga sa pagaayos.
Kumunot ang aking noo. May binabasa kaming kasi at nagaarange kami ng files. Wala na sana akong balak na gamitin ang break time pero ang isang ito ay may plano pala!
"Iyan ba yung Augustine kamo?" tanong ko sa kanya.
Pumula ang kanyang pisngi na para bang kinilig na siya kahit sa pangalan pa lang nito. "Ito na talaga iyon, Tathi. Ito na talaga" paninigurado niya sa akin.
"Oo na, Oo na. Magenjoy ka" pagtutulak ko sa kanya. Napangiti na lang ako at napailing ng nagmamadali itong lumabas.
Susuporatahan ko si Charlie kagaya ng pagsuporta niya sa amin ni Cairo. Sana ay talagang mahalin siya ni Augustine. Ayokong masaktan ang bestfriend ko. Hindi ko siya mapapatawad pag pinaiyak niya si Charlie.
May ilang okasyong pinuntahan si Cairo kasama ang kanyang pamilya. Kagaya na lamang ng gender reveal ni Sera. Gusto man niya akong isama ay ako na lang ang nagsabing wag na muna. Baka magkagulo lang, mas magiging maganda ang trato sa kanya ng Lola niya pag hindi kami nakikitang magkasama.
Senyorito Baby:
Nagsisimula na ang party. You're still reviewing?
Ako:
Enjoy! Oo nagbabasa pa.
Pagkasend ko ng message na iyon ay kaagad akong napahinto ng may makita akong message mula sa isang unknown number. Halos manginig ang kamay ko ng mabasa ko ang laman ng mensahe.
Unknown number:
Tatahimik ka? o Isusunod kita sa Papa mo?
Sandali akong nabato sa aking kinauupuan. Bigla akong nakaramdam ng takot. Nanginig ang aking mga kamay ng bitawan ko ang aking cellphone at kaagad akong napahilamos sa aking mukha.
Bakit parang alam na ng lahat ang tungkol sa pag reopen ng case. Ni hindi pa nga natatapos ang pag process ni Daddy sa mga documento.
Tumunog ang aking cellphone. Buong akala ko ay si Cairo na iyon. Pero mas lalo akong nagulat ng mabasa kong kay Senyorito Luigi galing ang message.
Senyorito Luigi:
Tathi, pwede ba tayong magkita? You can set the date and time. Tungkol ito sa kaso.
Lutang ako kinaumagahan habang nasa law firm kami ni Charlie. Panay ang ngiti nito sa tuwing may natatanggap na message. Ako naman ay parang aatakihin sa puso sa tuwing tumutunog ang aking cellphone.
Nakausap ko na si Kuya Cayden tungkol dito. Sa ngayon, kaming dalawa pa lang ang nakakalaan ng mga death threats na natatanggap ko. Maging kay Cairo nga ay hindi ko pa ito sinasabi.
Dahil sa mga nangyayari ay mas lalo ko lang gustong ipabukas ang kaso. Malaki ang duda ko na mayroon talagang malaking tao ang nasa likod ng lahat ng ito.
"Miss Torres, may naghahanap sayo" tawag sa akin ng isa sa mga empleyadong kasama namin dito sa law firm.
Kaagad akong tumayo at nagpaalam kay Charlie. Tumango lang siya sa akin dahil sa pagiging abala. Kaagad akong lumabas ng opisina para harapin kung sino ang naghahanap sa akin. Halos mapanganga ako ng makita kong si Madam Pia Herrer iyon.
Malayo pa lang ay minata niya na ako na para bang sobrang baba ko para sa kanya. Bilang pag galang ay nanatili akong nakayuko sa kanyang harapan.
"Magandang umaga po" bati ko pa din kahit na mukhang hindi na maganda ang sa kanya dahil sa akin.
"Masaya ka na ba? Matapos muntik sirain ng Ama mo ang pamilya namin ay ikaw naman ngayon? Ang kapal ng mukha mong magpakita dito, at humarap sa aming lahat na para bang hindi ka anak ng tatay mong kriminal" dirediretsong sabi niya sa akin. Hindi man lang siya huminto o nabulol na para bang itunulak lahat iyon ng kanyang galit sa akin.
Nanatili akong walang imik. Lola pa din siya ni Cairo kaya naman kahit ganito siya ay gagalangin ko siya. Hindi ko siya babastusin dahil hindi naman ako pinalaking ganuon ni Papa na tinawag niyang krimenal.
"Matapos pagtangkaang patayin ng Tatay mo ang anak kong si Alec ay may lakas ka pa din ng loob na magpursige sa apo ko, hindi lang isa kundi dalawa?" galit na asik niya sa akin.
"Magkaibigan lang po kami ni Eroz" laban ko na mas lalo niyang ikinagalit.
"Manahimik ka! Tonta!" asik niya sa akin kaya naman mas lalo kong pinaglapat ang aking mga labi. Baka mamaya ay hindi ko ito mapigilan.
"Masyadong mataas ang pangarap mong maging isang Herrer hija" mapanuyang sabi niya sa akin.
Uminit ang aking mga mata. Hindi sa panghihina kundi sa namumuong galit. Ginamit ko iyon para maging matapang na harapin ang nakatatandang Herrer.
"Hindi ko po pinangarap ang apelyido niyo. Nabubulol nga po ako duon eh. Si Cairo lang po ang gusto ko, at hindi ko po siya iiwan kahit anong sabihin niyo" laban ko sa kanya.
Mas lalong sumama ang tingin niya sa akin. Dinuro niya ako habang nanlilisik ang mga mata.
"Wala kang galang..."
Nanatili ang titig ko sa kanya. Kailangan ko siyang harapin. She needs to hear my side.
"Tama na po, pagod na si Cairo. Pagod na po siyang sundin ang lahat ng gusto niyo, hayaan niyo naman po siyang gawin ang gusto niya ngayon" pakiusap ko sa kanya. Hindi para sa akin, hindi para sa relasyon namin, kundi para kay Cairo.
Nanliit ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. "Para mangyari kayo, ganuon ba?" mapanuyang tanong niya sa akin.
Marahan akong umiling. Mas lalong siyang naglakad papalapit sa akin. Pero imbes na makipagtitigan sa kanya ay nahagip ng mata ko si Cairo. Malalaking hakbang ang ginawa nito palapit sa amin.
Nilingon din ni Madam Pia ang tinitingnan ko at maging siya ay natahimik. Ilang hakbang papalapit sa amin ay naningkit ang mga mata ko ng makita ang nakasunod sa kanyang lalaki. Kaduda duda iyon, hanggang sa may sumigaw na isang security guard.
Isang putok ng baril at nagkagulo na ang lahat. Nanlaki ang aking mga mata ng makita kong si Cairo ang target ng lalaki.
"Cairo!" tawag ko sa kanya. Mabilis akong tumakbo papalapit sa kanya at yumakap sa takot na matamaan siya.
Masyadong maliit ang katawan ko kumpara sa kanya pero handa akong humarang wag lang siyang masaktan. sunod sunod pang putok ng baril ang narinig namin. Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin, ganuon din ako sa kanya. Dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi na kami nakagalaw na dalawa. Hanggang sa natahimik ang lahat.
Nanginginig ang katawan ko sa takot. Habang nakayakap pa rin sa kanya.
"Cairo, Hijo" nagaalalang tawag ni Madam Pia sa apo.
Mabuti na lamang at mabilis ang pagresponde ng mga guard at nagiisa lang naman ang lalaki kaya naman bago pa nito maiputok ang baril kay Cairo ay naunahan na siya.
Nanatili ang pagkakayakap ko sa kanya. Narinig ko ang ingay ng mga tao sa paligid, ang mga paliwanag at ang sumbong ng takot.
"Baby" bulong na tawag niya sa akin.
Tumulo ang luha sa aking mga mata, narinig ko pa ang galit ni Madam Pia sa kung paano sila nalusutan ng lalaking iyon.
Hindi ko na napigilan ang kusang pagkalas ng kamay ko sa pagkakayakap sa kanya. Unti unti kong naramdaman ang kirot sa hindi ko malamang parte ng aking katawan. Umikot din ang aking paningin.
Isang malutong na mura ang narinig ko mula kay Cairo bago ako tuluyang nawalan ng malay sa kanyang bisig.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro