Chapter 60
Resign
Nakikipagtawanan ako kina Manang bobby at sa ilang mga kasambahay pagdating namin ng mansion. Kahit ganuon ay hindi pa din mawala sa aking isip ang tungkol sa pinagusapan namin ni Senyorito Luigi. Bakit siya interisado?
"Bagay na bagay talaga sayo yang buhok mo. Mas lalo kang gumanda..." si Manang bobby.
"Mas naging hot, Manang" segunda pa ng isa sa mga kasambahay na nakasama ko din nuon.
Habang nagtatawanan kami sa may dinning ay napatingin ako kay Senyorito Luigi. Nakatingin siya sa akin habang sumisimsim sa kanyang hawak na basong may lamang alak.
Tipid niya akong nginitian ng mapansin niya ang aking pagtingin sa kanya. Tumingin ako sa aking suot na orasan. Siguro ay nasa meeting pa din si Cairo ngayon.
Napahinto si Manang Bobby sa pagkwekwento ng tumunog ang telepono sa may sala. Siya na ang tumayo para sagutin iyon. Siya ang nakatoka na sumagot lalo na at baka daw importante ang tawag.
Napakain ako sa cake, ang sarap talagang tumambay dito sa mansyon ng mga Coronel. Libre ang mirienda, papasok kang gutom lalabas kang busog. Hindi kaya, dahil sa mga pagkain dito kaya malaki ang bobbies ni Manang Bobby?
Dahil sa naisip ay sunod sunod na subo ng cake ang nagawa ko hanggang sa halos mabilaukan ako ng sumigaw si Manang Bobby. Nabigla ako ng pagpasok nito sa may dinning ay nanlalaki ang kanyang mga mata.
"Tathi, may asawa ka na?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Mas lumaki ang mata ko, mas malaki sa pagkakalaki ng mata ni Manang. Kung nagulat siya, ay aba! Mas nagulat ako!
"Ako po? Wala po" laban ko na para bang masyado akong defensive kahit wala naman talaga.
Kumunot ang noo ni Manang, tumuro ito sa may sala. "Eh may tumawag, asawa mo daw. Umuwi ka na daw ngayon at hindi na siya natutuwa" sabi ni Manang na ikinalaglag ng panga ko.
Napanguso ako. "Naku Manang, na prank call kayo" natatawang sabi ko sa kanya.
Susubo na sana ulit ako ng cake ng muli nanamang tumunog ang telepono sa may sala. Napatingin si Manang sa akin, maging sina Senyorito Luigi ay nakatingin na para bang hinihintay din nila kung ano ang gagawin ko.
"Wala akong asawa ha. Promise" sabi ko sa kanila at ipinakita pa ang kamay kong wala namang wedding ring.
Tumayo ako at sumama kay Manang papunta sa may sala.
"Hello..."
Isang pagtikhim ang narinig ko mula sa kabilang linya.
"Hindi ka uuwi?" matigas na tanong ni Cairo. Boses pa lang!
Napanguso ako. Itong si Senyorito baby. masyadong advance magisip, anong asawa kaagad! Aba! Sige na nga.
"Inuubos ko lang yung cake ko, kasi feeling ko dito nanggagaling yung..." hindi ko na naituloy ang kwento ko na baka sa pagkain ang secret kung bakit malusog ang mga bobbies ni Manang.
"Uwian mo ako ngayon na, Tathriana" madiing utos niya pa kaya naman bumagsak ang aking magkabilang balikat.
Dahil duon ay nagpaalam na kaagad ako kina Manang. Nangako naman ako sa kanilang babalil ako sa Bulacan at magtatagal pagkatapos ng bar exam namin ni Charlie.
"Kayo na pala ni Cairo" seryosong sabi ni Senyorito Luigi habang nasa byahe kami pabalik sa mansyon ng mga Herrer.
Tipid lang akong ngumiti sa kanya. Pakiramdam ko ay masusuffocate ako dahil sa awkwardness, o ako lang ang magiisip na may mali sa kanya?
"Para saan pa ang pag re-open ng case? Wala na ang Papa mo" diretsahang sabi niya sa akin.
Hindi ko alam kung masyado lang ba akong sensitive o hindi talaga maganda ang dating ng tanong niya.
"Dahil naniniwala akong may ibang tao sa likod ng nangyari. Na naging instrumento lang sina Papa at Tito" matapang na sagot ko sa kanya. Hindi ako natatakot. Kung ang pamilya ko ang ipaglalaban, hindi ako matatakot.
Kita ko ang pagigting ng panga ni Senyorito Luigi. Asaan na kaya si Senyorita Lumi?
"Baka ikapahamak mo lang iyan, Tathi" suway niya sa akin.
"Parte iyon ng profession na napili ko. Paninindigan ko ito" diretsahang sabi ko.
Sandali niya akong binalingan. Pumungay ang kanyang mga mata ng tumingin siya sa akin.
"Just...just take care" nahihirapang sabi niya sa akin at kaagad na nagiwas ng tingin.
Hindi na ako nagtagal pa sa kanyang sasakyan pagkahinto nuon sa tapat ng Mansyon ng mga Herrer. Pagkatapos kong magpasalamat at magpaalam ay lumabas na kaagad ako.
"Good afternoon po, Ma'm" bati sa akin ni Manong Guard pagkapasok ko sa gate.
Dirediretso ang pasok ko sa may sala. Hanggang sa matanaw ko si Cairo aa may veranda. Nakakunot ang noo habang nakatingin sa hawak na cellphone. Pagkatapos magtipa ay padabog niya iyong binitawan.
Sumimsim sa kape at napatingin sa aking gawi. Nang makita ako ay kaagad siyang nasamid, tumaas ang isang sulok ng aking labi lalo na ng umigting ang kanyang panga at nagiwas ng tingin.
Naku, gandang ganda nanaman siguro sa akin ito.
"Hi!" magiliw na bati ko, pero tiningnan niya lang ako ng masama. Aba, parang kanina hindi nasamid ah!
Tumingin siya sa suot na relo. "Anong iras na, bakit ngayon ka lang?" masungit na tanong niya.
Tumingin ako sa suot kong orasan. "4:39. Sira ba ang relo mo?" sagot at tanong ko.
Mariin siyang napapikit at mahinang napamura. Napanguso ako ng makita kong napahilot pa ito sa kanyang sintido na para bang ako ang dahilan ng pagsakit ng kanyang ulo. Ako nanaman.
Sa huli ay lumapit ako sa kanya at kumandong. Nagulat siya sa ginawa ko kaya naman mabilis siyang humawak sa bewang ko na para bang takot siyang mahulog niya ako.
"Senyorito baby..." malambing na tawag ko sa kanya.
Mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin. Kita ko ang simpleng paggala ng mga mata niya sa kabuuan ng mukha ko.
"Kamukha ko na ulit si Snow white" pagbibida ko sa kanya. Tumikhim lang siya at umirap.
Inabot niya ang tasa ng kape ay sumimsim duon. Pinanuod ko ang bawat galaw niya, mas lalong kumunot ang kanyang noo ng mapansin ang paninitig ko.
"Ayaw mo ng bago kong buhok? Nagpagupit ako kasi surprise" tanong ko sa kanya, medyo malungkot.
Tumitig lang siya sa akin, humaba ang nguso ko at nagiwas ng tingin. "Dapat pala, sumigaw ako ng surprise kanina. Para alam mo" panghihinayang ko.
Napahiyaw ako ng mula sa pagkakakandong ay binuhat niya ako na parang bagong kasal.
"Paparusahan kita, napakatigas ng ulo mo" madiing sabi niya sa akin. Uminit ang magkabilang pisngi ko, humigpit din ang kapit ko sa kanya leeg ng umakyat na kami sa hagdanan.
"Talaga? Anong parusa?" excited na tanong ko pa sa kanya. Umigting ang kanyang panga kaya naman unti unti akong nakaramdam ng takot.
"Cairo!" hiyaw ko ng ihagis niya ako sa kama.
Mabuti na lang at malambot iyon. Paano kaya kung sa papag niya ako hinagis, siguradong sakit ng likod ang aabutin ko.
Nalaglag ang pang ako ng matapos akong ihagis ay marahas niyang hinila ang magkabilang paa ko pausog sa dulo ng kama kung saan siya nakaluhod.
"Teka, anong gagawin mo?" natatakot na tanong ko sa kanya.
"Ahh! Baby!" hiyaw ko ng maramdaman ko ang dila at labi niya sa akin.
Halos dumugo ang labi ko sa pagkakakagat, mahigpit ang pagkakahawak ko sa comforter bilang suporta. Sobrang init ng pisngi ko, hiyang hiya ako sa pagkakabukaka ko sa kanyang harapan.
"Cai...oh!" daing ko at kaagad siyang sinabunutan.
Hinang hina ang buong katawan ko ng maramdaman ko nanaman ang panginginig ng aking buong katawan. Imbes na umalis ay nanatili siya duon.
Matalim ang tingin niya sa akin ng tumayo siya. Dahan dahan niyang binuksan ang suot na long sleeve habang nakatingin sa akin. Sandaling dinilaan ang pangibabang labi kaya naman sa hiya ay isinara ko ang aking mga hita.
"I'm not done" masungit na sabi niya sabay hawi ulit ng binti ko para maghiwalay.
Nang mahubad niya na ang lahat ng suot na damit ay ang natitirang saplot na suot ko naman ang tinanggal niya.
Napahiyaw ako ng mabilis niya akong binuhat paharapa sa kanya. Humigpit ang yakap ko sa kanyang leeg, maging ang pagkakakapit ng magkabila kong binti sa kanyang bewang ng dahan dahan niyang pagisahin ang sa amin habang nakatayo siya.
"Baby, napakatigas ng ulo mo" madiing sabi niya sa akin. Napaliyad ako ng maramdaman ko ang pader sa aking likuran.
Halos mawalan ako ng malay ng inumpisan niya na ang madiin, marahas at mabilis na paglabas masok sa akin.
Hindi ako makalakad ng maayos kinaumagahan dahil sa sakit ng aking hita. Ni hindi na nga kami nakakain ng dinner. Sinulit ni Cairo ang huling gabi namin dito. Madaling araw na ata kami natapos, buti ay naawa pa siya sa akin.
"Hindi kita pwedenh iuwi sa Kuya mo na ganyan ka" nakangising sabi niya sa akin ng pagbuksan niya ako ng pintuan sa sasakyan.
Napanguso ako. "Uuwi ako sa condo. Pagod na pagod ako" sumbong ko sa kanya.
"Ikaw kasi, ginalit mo ako" nakangising sabi niya at hinalikan ako sa ulo.
Tulog ako sa byahe pabalik ng Manila. Nagising na lamang ako ng nasa parking space na kami ng tower ni Kuya.
"Ihahatid na kita" pinal na sabi niya ng sabihin kong kaya ko namang umakyat magisa.
Siya ang may dala ng mga gamit ko. Habang ang isa naman niyang kamay ay nakapulupot sa aking bewang.
"Nanununtok ang Kuya ko" banta ko sa kanya ng nasa loob na kami ng elevator.
Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo. "Mas matatakot ako kung nananabunot ang Kuya mo" pangaasar niya sa akin kaya naman sinimangutan ko siya.
Nakahinga ako ng maluwag ng si Charlie lang ang maabutan namin sa condo. Bihis na bihis ito.
"Andito ka na pala, tapos na honeymoon?" salubong niya sa amin kaya naman sinimangutan ko siya.
Masyado siyang aligaga sa pagaayos. Nilingon ko si Cairo at naabutang tinitingnan niya ang kabuuan ng condo unit.
"Upo ka muna" turo ko sa sofa.
Tumango siya at umupo duon. Tsaka lang siya pinansin ni Charlie. "Kamusta Senyorito? Ang layo na ng narating mg barko ko ah" makahulugang pangaasar niya dito.
Inirapan ko lang silang dalawa. Lumuhod ako para ilabas ang mga chicharon na dala ko. Nag angat ako ng tingin ng maramdaman ko ang paglapit ni Charlie sa akin.
Nagulat pa ako ng makita kong sa aking dibdib nakatuon ang kanyang paningin. Naningkit ang kanyang mga mata hanggang sa napangisi siya at bumaling kay Cairo.
"Aba't may bagong bussiness tayo, Senyorito ah" pangaasar niya dito na ikinakunot ng noo ko.
Napatingin ako sa kanilang dalawa at nakitang nagtatawanan sila.
"Cairo's vulcanizing" sabi ni Charlie at sabay silang napahalakhak.
Napairap na lang ako at napailing. Masyado akong pagod para intindihin ang mga kalokohan nila.
Nang mailabas ko na ang lahat ng chicharon ay kaagad akong lumapit at tumabi kay Cairo.
"Inaantok pa ako" sumbong ko sa kanya sabay hikab.
Galit na galit si Charlie ng makitang nakahiga ako sa balikat no Cairo. Mas lalo pa akong niyakap nito palapit sa kanya kaya naman inis na inis ito.
"Huh! Akala mo ikaw lang ang may lovelife? May manliligaw ako!" pagbibida niya sa akin kaya naman napangisi ako.
Napahawak siya sa kanyang magkabilang pisngi na para bang kilig na kilig.
"Ang gwapo gwapo at ang macho, at yayamanin" pagbibida niya sa akin.
"Tsaka na ako maniniwala pag ipinakilala mo na" pangaasar ko sa kanya kaya naman inirapan niya ako.
Naiwan kami ni Cairo sa condo dahil sa lakad ni Charlie. Sobrang bigat ng talukap ng mga mata ko pero nilalabanan ko lang ang antok, baka mamaya kasi ay magising na lang akong binubugbog na ni Kuya si Cairo.
"Baby, you should sleep" puna niya sa akin. Marahan akong umiling at mas lalong yumakap sa kanyang braso.
Hindi niya na naituloy pa ang sasabihin niya ng kaagad na tumunog ang kanyang cellphone. Kaagad niya iyong sinagot.
"Nasa Manila na...ano!?"
Napaayos ako ng upo ng maramdaman ko ang pamomorblema sa kanyang boses.
"Anong pumasok sa isip niya? Sige, pupunta ako" matigas na sabi nito at napabuntong hininga.
"Bakit?"
Isang mahinang mura pa ang pinakawalan niya bago siya bumaling sa akin.
"Nagkaroon kami ng emergency meeting. Bababa si Eroz sa pagiging CEO ng automotives" paliwanag niya sa akin na ikinalaglag ng aking panga.
"Pero...pero bakit?"
Maging si Cairo ay walang maisagot sa akin. Natatakot tuloy akong isipin na baka isa ako sa dahilan. Wag naman sana, hindi ako worth it kay Eroz para ipagpalit niya ang lahat ng ito dahil lang sa akin.
Hinayaan kong umalis si Cairo para pumunta sa kanyang pamilya. Kailangan siya duon. Ilang minuto na ata akong nakatulala sa kawalan simula ng umalis si Cairo. Imbes na makatulog ay mas lalong nabuhay ang diwa ko.
Bigla akong nabato sa kinauupuan ko ng makita ko ang message ni Eroz. Walang ibang laman iyon kundi ang pagpapaalam at pasasalamat sa ilang taong pagiging magkaibigan namin.
Imbes na hindi pansinin ang text niya ay kaagad akong nagreply ay sinabing gusto kong makipagkita sa kanya. Napatalon ako patayo ng sabihin niyang payag siyang magkita kami.
"Anong nangyayari?" tanong ko sa kanya ng pagdating ko sa restaurant na pagkikitaan namin ay nanduon na siya.
Ngumiti lang siya sa akin. "Mas gusto ko ang simpleng buhay sa Bulacan. Mas gusto kong magbuhat ng sako ng bigas" sagot niya.
Hindi ko magawang ngumiti kahit pa nakangiti siya sa akin.
"Eroz, dahil ba..."
"Para ito sa akin. I need this, Tathi" sagot niya sa dapat sanang tanong ko.
Napabuntong hininga ako at napatango. "Masaya ka ba sa gagawin mo?" marahang tanong ko.
Tipid siyang ngumiti sa akin. "Sana, sumaya"
Napanguso ako. Nasasaktan para sa kaibigan. "Paano ang mga sasakyan mo? Aagawin iyon ni Piero" pananakot ko aa kanya na ikinatawa niya.
Sa huli ay wala na siyang nasabi pa. Bago kami maghiwalay ay isang mahigpit na yakap na lang ang iniwan niya sa akin.
Ramdam na ramdam kahit sa Jimenez law firm ang problema ng mga Herrer dahil sa pagbaba ni Eroz sa kanyang pwesto. Mas lalo ko ding naramdaman ang bigat ng problema ni Cairo ngayon.
"Wala ng ibang pwedeng pumalit, ayaw din tanggapin ni Sir Tadeo ang pwesto" rinig kong panguusap ng mga kasama.
Nagkatinginan kami ni Charlie dahil sa mga narinig. "Bakit?" tanong pa ng isa.
Nagkibit balikat na lamang ang mga ito hanggang sa napatahimik sila ng pumasok sa office si Attorney Clark Jimenez. Maging ito ay mukhang aligaga, panay ang sagot ng tawag sa kanyang cellphone. Duon pa lang ay alam na kaagad namin ni Charlie na wala kaming externship sa mga susunod na araw.
Senyorito baby:
Nasa firm ka na?
Ako:
Oo. Ok ka lang?
Imbes na makatanggap nang sagot mula sa kanya ay sinabi lamang nitong pupuntahan niya ako dito at dadalhan ng kape. Hindi nagtagal ay nagpaalam si Charlie sa akin na lalabas kasama ang isa pa naming kasamang lalaki sa firm.
"Hay naku, sana all" sabi niya sa akin na may kasamang pagirap.
Hindi nagtagal pagkaalis ni Charlie ay dumating si Cairo kasama si Attorney Marcus. Nagpaalam ito sa pamangkin kaua naman magisang lumapit si Cairo aa cubicle ko.
Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang dalawang kape. Kahit alam kong may problema ay nagawa pa din niyang ngumiti sa akin.
"Ipapakilala sana kita kay Sera, kaso biglang umalis" natatawang sabi niya. Umupo ito sa swivel chair ni Charlie sa aking tabi.
"Sera Serrano?" tanong ko.
Nagtaas siya ng kilay dahil sa aking tanong na para bang nagulat pa.
"Sera Herrer" pagtatama niya.
Napanguso ako. Hindi ako nakagalaw ng bahagya siyang humilig sa akin. "Bakit, Tathrian Herrer, kilala mo?" tanong niya sa akin. Uminit ang aking magkabilang pisngi.
Ikinwento ko sa kanya kung paano kami nagkakilala ni Sera. Na kababata ko ito sa Sta. Maria at kalaro. Naikwento ko din kung paano nila ako ginawang utusan ni Lumi nuon.
Tumikhim siya pagkatapos sumimsim ng kape. "Aba't humanda yang si Sera sa akin" pananakot niya na ikinatawa ko.
"Sisiguraduhin kong hindi yan makakatanggap ng award kay Kenzo dahil sa ginawa niya sayo" natatawang sabi niya na hindi ko naman kaagad nakuha.
Hindi pa sana aalis si Cairo kung hindi ko siya itinulak palabas ng office. Sa kabila ng problema nila ay nagawa pa niyang magkape kasama ko at makipagkwentuhan.
"What, can't I have my baby time?" nakangising tanong niya sa akin.
Inirapan ko lang siya at kaagad na pinagsaraduhan ng pintuan.
Inintindi ko ang pagiging busy ni Cairo ng mga sumunod pang araw. Ilang invitation mula kay Senyorito Luigi din ang natanggap ko, ang sabi niya ay nandito din siya sa manila. Kung ano anong palusot na ang nagawa ko.
Ayokong madagdagan pa ang pagaalala ni Cairo sa oras na malaman niyang nakipagkita nanaman ako dito.
"Ms. Torres, isasama kita sa meeting sa main tower" tawag sa akin ni Attorney Marcus.
Kaagad akong napatayo ng marinig ko iyon. Duon ang opisina ni Cairo kaya naman sigurado akong nanduon siya sa meeting na pupuntahan namin.
Pagdating sa conference room ay napasinghap ako ng makitang kumpleto ang mga Herrer. Bigla akong nanliit. Sa kabilang banda ay sina Sir Axus kasama ang kanyang asawa. Si Sir Alec kasama si Ma'm Maria na nagulat din ng makita ako. Sa kanilang hilera din ay ang magkapatid na sina Tadeo at Piero. Hindi kagaya ng mga nakaraang araw ay masyado silang seryoso ngayon.
Sa kabilang gilid naman ay ang mga Jimenez. Hindi ko kilala ang iba sa kanila pero narinig ko ang pagtawag ni Attorney Marcus sa dalawang lalaki, sina Sir Luke at Sir Sebastian Jimenez.
Napahakbang ako isang beses patalikod. Lalo na ng sa gitna nilang lahat ay si Madam Pia na masama ang tingin sa akin. Hindi pa ako nakabawi ng makita ko ang titig ni Cairo sa akin. Naglakad siya papalapit sa akin kaya naman nanlaki ang aking mga mata.
Gusto kong sabihing wag na muna siyang lumapit sa akin dahil nakatingin ang Lola nila. Hanggang sa tumambad sa aking harapan si Ma'm Maria.
"Ms. Torres, can we talk?" alanganing tanong niya sa akin.
Tatango na sana ako ng kaagad kaming mapahintong lahat dahil sa anunsyo ni Madam Pia Herrer.
"No one can leave, umpisahan na ang meeting" masungit na anunsyo niya.
Natahimik ang lahat kaya naman umayos na sila ng upo. Walang nagawa si Ma'm Maria kundi ang bumalik paupo sa kanyang upuan katabi ng asawa.
"Ms. Torres" tawag ni Attorney Marcus aa akin at inilahad ang katabi niyang upuan.
Nakayuko akong umupo sa kanyang tabi. Bahagya lang akong nagangat ng tingin ng makita ko ang pagtayo ni Cairo sa harapan bilang CEO ng flagship company nila.
"I highly suggest, my brother, Tadeo Herrer to take the position" si Cairo.
Sa lahat ng sinabi niya ay iyon lang ang naging malinaw sa akin. Kaagad na nagprotesta si Tadeo dahilan para umingay ang paligid.
Isang hampas ni Madam Pia sa lamesa at tumigil silang lahat. "Axus, ano ba ang nangyayari sa anak mo?" galit na tanong niya dito.
Tumikhim si Ma'm Elaine na ina ni Eroz. Kita kong sa lahat sa kanila ay siya lang itong kalmado. Ramdam ko kaagad na suportado niya ang anak kung ano man ang naging desisyon nito.
"He choose to leave the company" tipid na sagot ni Sir Axus.
Para akong magliliyab sa kinauupuan ko ng dahan dahang lumipat ang tingin ni Madam Pia Herrer sa akin.
"Hindi ba dahil sa babae?" matigas na sabi niya. Napailing ang mga matatanda.
Nanatili ang matalim niyang titig sa akin. "Abuela" tawag ni Cairo sa kanya.
"You shut up, Cairo!" asik niya dito na may kasamang pagduro.
Nakakabing katahimikan ang bumalot sa buong conference room.
"Dahil sa babae, magkakasira kayo ng pinsan mo. Dahil sa babae sisirain niyo ang lahat ng ito!" galit na sabi niya.
Bumagsak ang aking tingin sa lamesa. Maling mali na nandito ako.
"At bakit nandito ang babaeng iyan!" sigaw niya sabay turo sa akin.
Kaagad na napatayo ang ilan para alalayan si Madam Pia. Mas lalo akong nanliit dahil sa tingin nila sa akin.
"Hinding hindi ko matatanggap yan sa pamilyang ito. Hindi hindi!" giit niya.
Namanhid ang buong katawan ko. Gusto kong tumakbo palabas duon pero hindi ko magawa dahil sa panghihina.
"Gagawin kong Herrer si Tathriana sa ayaw o gusto niyo" laban ni Cairo sa kanila. Kaagad akong nagangat ng tingin.
Gusto ko sana siyang pigilan at sabihing manahimik na lang siya. Baka mas lumala pa ito.
"Cairo!" galit na tawag ni Madam Pia. "Sa oras na piliin mo ang babaeng iyan. Mawawala ang lahat ng ito sayo, sinasabi ko sayo!" banta niya dito.
Mas lalo akong napatitig kay Cairo. Wala akong nakitang kahit kaunting takot sa kanya.
"I'll marry Tathriana. And I resign as your CEO" matigas na sabi niya sa mga ito dahilan para mas lalo silang magkagulong lahat.
Kaagad niya akong nilapitan at hinila palabas duon.
"What the...Cairo!" tawag ni Piero sa kapatid. Pero wala itong pinansin ni isa.
Dirediretso ang lakad namin papunta sa elevator. Hanggang sa mapahinto kami ng bosea na ni Ma'm Maria Herrer ang aming narinig.
"Ma, please" pakiusap niya sa ina.
Marahang umiling si Ma'm Maria. "I'm not against you two, but please...Cairo, we need our CEO"
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro