Chapter 6
Boyfriend
Ang lakas ng pagtatambol sa aking dibdib. Nagpabalik balik ang tingin ko sa message na natanggap ko at sa kay Senyorito baby. Ilang beses ko iyong ginawa hanggang sa makita ko kung paano ito tumingin sa malayo habang pinagpapatuloy ang pagsimsim niya sa kanyang kape.
Hindi pwedeng siya ito! Wag kang assumera Tathi! Napanguso ako. Nagangat ako ng tingin sa kaharap kong si Aaron ng marinig ko ang kanyang pagngisi. Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi naman sa nagtataray ako, medyo kabado pa din.
"You're cute, even with the pouting part" nakangising sabi niya pa sa akin. Bayolente akong napalunok, hindi ko maipagkakailang uminit ang pisngi ko dahil duon. First time ko lang mapansin ng mga lalaki, ngayon lang may nagsabi na cute ako.
"Ah...hindi naman po" pagtanggi at pagiinarte ko.
Muling bumagsak ang tingin ko sa aking cellphone. Nagtipa ako ng reply sa unknown number.
Ako:
Sino ka?
Halos manginig ang kamay ko habang ibinababa ko ang cellphone pagkapindot ko ng sent button. Bahagya akong sumulyap kay Senyorito baby, nahigit ko ang aking hininga ng makita kong nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa kanyang cellphone ngayon. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla itong tumingin sa akin, nanlilisik ang kanyang mga mata.
"May cellphone ka na pala, pwedeng mahingi ang number mo?" puna ni Aaron sa aking hawak na cellphone. Bumaba din ang tingin ko sa cellphone ko, wala pa din ako sa aking sarili.
"Ah...sige"
Kinalikot ko ang aking cellphone para hanapin ang number ko, hindi ko pa iyon kabisado kaya naman kailangan ko pang hanapin sa contacts. Nakita ko ding kinuha ni Aaron ang mamahalin niyang cellphone sa kanyang bulsa. Bubuksan ko na sana ang contact button ng muli akong makatanggap ng message mula sa parehong number.
Unknown number:
Don't give your fucking number.
Kumunot ang noo ko. Sino ba ito?
"Here, type mo na lang" nakangising sabi ni Aaron sabay abot sa akin ng cellphone niya. Hindi ko pa man tuluyang nakukuha iyon ng muli akong nakatanggap ng message. Shuta, andaming load ah.
Unknown number:
Sige, Tathriana. Subukan mo!
Halos manlamig ang tiyan ko dahil sa hangin. Napakagat ako ng pangibabang labi ko. Sino ba ito? Kung makapagbawal sa akin ay parang Papa ko!
Ako:
Papa? Bago number mo?
Ilang minuto matapos kong isend iyon ay pareho kaming napaiktad ni Aaron ng padabog na umalis si Senyorito baby sa kanyang inuupuan. Nagmartsa ito papasok sa bahay. Hindi ko matanggal ang titig ko sa kanya. Parang manununtok ah!
"Isa pang kape!" galit na sigaw niya. Napakagat ako sa aking pangibabang labi. Sigurado akong natataranta na ang mga nasa kitchen dahil sa kasungitan nuon.
"Tathi, ok ka lang?" pagkuha ni Aaron ng aking pansin. Nag ngiting aso ako sa kanya sabay tango. Naginit ang magkabilang pisngi ko ng tanggapin ko ang kanyang cellphone. Tinipa ko duon ang aking number.
Mas lalong lumaki ang ngisi ni Aaron ng ibalik ko sa kanya ang cellphone niya. "Mahilig kang magtext?" tanong niya sa akin na kaagad kong tinanguan.
"Oo, unlimited ang load ko. Pero hanggang dalawang araw lang" sagot ko sa kanya. Mas lalo siyang natawa.
"Sabihin mo sa akin pag wala ka ng load. Iloload kita" sabi niya sabay kindat pa. Napaawang ang labi ko.
"Bakit? Nagloload ka? Bussiness?" panguusisa ko. Nagulat ako ng pisilin niya ang aking pisngi. Shuta!
"You're so cute Tathi, I really like you" sabi pa niya bago siya humalakhak sa aking harapan.
Lumilipad tuloy ang utak ko habang nagaarrange ako ng mga halaman sa may garden. Nakatabi sa isang gilid ang cellphone ko. Sabi ni Aaron, mamaya na lang daw siya magtetext sa akin pag hindi na ako masyadong busy. Hindi na din bumalik si Senyorito baby matapos siyang humingi ng pangalawang tasa ng kape sa kitchen. Ano kayang problema nuon? Inaantok pa?
"Oh Tathi. Kumuha ka na ng mirienda diyan" salubong sa akin ni Manang bobby ng pumasok ako sa kitchen. Ang sarap talaga dito sa mansyon. Hindi lang mirienda sa hapon ang meron. May mirienda sin sa umaga sa pagitan ng almusal at tanghalian.
Nakita ko ang iba't ibang uri ng kakanin sa may malaking bilao. Kumuha ako ng ilan sa mga gusto ko at inilagay iyon sa platito. Walang tao sa kitchen dahil busy ang lahat sa may dinning, iyon din ang kinakain ng mga bisita ni Senyorito Luigi. Marami kasing masasarap na kakanin dito sa bulacan, bukod sa mga chicharon.
Tahimik akong kumakain ng bigla akong magulat dahil sa biglang pagpasok ni Senyorito baby. Diretso siyang naglakad patungo sa may ref, binuksan iyon at nagsalin ng tubig sa isang baso.
"Kain po" magalang na yaya ko sa kanya pero hindi niya naman ako pinansin. Bumaba ang tingin ko sa aking pagkain, kumakain kaya siya nito? Sa pagkakaaalam ko ay mayaman ang pamilya nila sa manila. Kumakain kaya ang mayayaman nito?
"Coffee, sa garden" matigas na sabi niya sa akin bago ako tinalikuran. Napaawang ang labi ko, napatingin ako sa paligid. Ako lang naman ang nandito. Ibig sabihin, ako ang inutusan.
Nakakunot ang noo ko habang hinahanda ang kanyang kape. Pangatlo na ito! Umaga pa lang. Pwede ba iyon? Baka mamaya ay mapano siya.
Kahit nagaalala ay sinunod ko pa din ang kanyang iniutos sa akin. Lalabas na sana ako ng makita kong hindi pa ubos yung cassava sa plato ko. Nanghinayang ako kaya naman kaagad ko iyong tinusok ng tinidor ay sinubo. Halos manuwalan ako sa laki nuon pero ayos lang. Kesa naman masayang.
Ngumunguya pa ako habang naglalakad ako palabas sa may garden dala ang pangatlong kape ni Senyorito baby. Nakaupo na ito sa kanyang usual spot at nagtitipa sa kanyang laptop. Minadali ko ang pagnguya sa cassave cake, hindi ako makakapagsalita kung hindi ko bibilisan iyon.
Inilapag ko sa kanyang table ang kape. Nagangat siya ng tingin sa akin, patuloy pa din ako sa panguya ng malaking piraso ng cassava cake sa aking bibig. Shuta, Tathi! Lunukin mo na yan.
Kita ko ang iritasyon sa kanyang mukha habang pinapanuod akong hirap na hirap sa pagnguya at paglunok ng cassava. Susubukan ko na sanang magsalita ng itinuro niya ako kaya ako natigil.
"Don't you dare speak, when your fucking mouth is full" matigas na utos niya sa akin. Mabilis kong itinikom ang bibig ko dahil duon. Grabe, kahit ganuon ang sabihin niya ay ang sexy pa din!
Inis niyang ibinaba ang tingin niya sa kalalapag ko lang na tasa sa kanyang harapan. Bumaba din ang tingin ko duon. Nang sa wakas ay naubos na ang nasa bibig ko ay nakapagsalita na din ako.
"Pangatlo niyo na po iyan. Ok lang po ba kayo? Baka masyado kayong magpalpitate" pagaalala ko sa kanya. Nagtaas siya ng kilay.
"Did I ask for your opinion, Kid?" masungit na tanong niya sa akin. Napaawang ang bibig ko, siya ba talaga? Siya ba talaga yung unknown number? Pero sabi niya ayaw niyang hingin ang number ko!? Paano niya nakuha!?
Nagiwas siya ng tingin, muli niyang itinuon ang buong atensyon sa kanyang laptop. Sandali lang din akong sumulyap duon. "Ayaw niyo po ba talaga kuhanin ang number ko?" matapang na tanong ko sa kanya kahit halos manginig ang labi ko dahil sa kaba.
Napabuntong hininga siya. Masyadong bayolente iyon kaya naman bumaba ang tingin ko sa kangang dibdib. Ang sexy! "Ayoko" supladong sagot niya sa akin kaya naman napanguso ako.
"So, pwede pong ako na lang ang kumuha ng number niyo?" matapang na tanong ko pa sa kanya kaya naman muling tumalim ang tingin niya sa akin. Sa takot ay nagngiting aso ako.
"Can't you behave? Uhaw na uhaw ka sa katext?" galit na asil niya sa akin. Napaawang ang bibig ko, nasaktan ako sa sinabi niya. Uhaw na uhaw? Gusto ko lang namang may katext.
Bumagsak ang tingin ko sa lupa. "Sorry po. Hindi nga po pala pwedeng itext ng katulong ang amo nila. Pasencya na po" malungkot na sabi ko, nakita ko ang gulat sa kanyang pagmumukha. Aamba siyang magsasalita ng mabilis akong tumakbo paalis duon.
Sobrang bigat ng dibdib ko. Gusto ko lang namang makipagkaibigan. Sabagay, masyado nga siguro akong feelingera, siraulo ka Tathi!.
"Hoy! Puro mukha mo na yan ah!" sita ko kay Charlie ng punuin niya ng selfie niya ang aking cellphone ng magkita kami nung hapon.
Sinamaan niya lamang ako ng tingin. "Paselfie lang! Ang ganda ng camera ah!" nakangising puna niya sa bagong cellphone ko. Meron din naman siyang cellphone pero ang sabi niya, latest na model ang sa akin kahit hindi naman iyon gaanong mahal.
Hinayaan ko si Charlie na magpicture gMit ang cellphone ko. Kaninang umaga lang ay excited akong gamitin iyon. Hindi rin pala ganuong kafullfilng ang magkaroon ng cellphone.
"Wala ka kasing katext kaya ganyan ka magisip!" sita sa akin ni Charlie. Pakiramdam ko palagi niyang nababasa ang nasa isip ko. Tamad ko siyang nilingon, panay pa din ang pose niya.
Tinanaw ko ang malawak na kapatagan. Darating ang araw na makakalabas din ako ng sta. maria. Makikita ko din ang malaking syudad, makakapunta din ako ng maynila.
"Oh, may nagtext" puna nito ng matigil siya sa pagseselfie. Dinungaw ko din ang aking cellphone na nasa kamay pa din niya ngayon.
Sir Aaron:
Hi Tathi. Nakauwi ka na?
Matapos kong basahin iyon ay umangat ang tingin ko kay Charlie. Nakataas ang isang kilay nito at nakangisi.
"Sino ito!?" tanong niya sa akin na para bang may itinatago akong malaking kasalanan sa kanya. Napanguso ako at tamad na inagaw sa kanya ang aking cellphone para makapagreply kay Sir Aaron.
"Kaibigan ito ni Senyorito Luigi, taga manila" sagot ko sa kanya habang nagtytype.
Napangiwi ako ng marinig ko ang pagtili ni Charlie. Nagawa pa niya akong yugyugin kaya naman nahirapan ako sa pagtytype.
Ako:
Wala pa po. Nasa galaan pa ako
Napabuntong hininga ako. Patuloy pa din si Charlie sa paghiyaw. "Pakilala mo din ako! Ano gwapo ba? Gwapo ba?" kinikilig na tanong niya sa akin na mabilis kong tinanguan. Gwapo naman talaga si Sir Aaron. Pero syempre, mas gwapo si Senyorito baby ko.
Sir Aaron:
Can i join you next time? Ipasyal mo ako sa sta. maria :)
Mas lalong tumili si Charlie ng makita kong nakibasa din siya sa akin. "Hoy! Ang ingay mo. Shuta ka!" suway ko sa kanya. Kita ko ang pamumula ng kanyang mukha. Totoong kinikilig nga. Pero bakit naman? Anong nakakakilig dito?
Ako:
Sige po :)
Matapos kong makipagusap kay Charlie at hingin ang number ng ilan naming mga kaklase at kaibigan ay umuwi na din ako sa bahay. Malayo pa lang ay amoy ko na ang nilulutong adobo ni Mama para sa aming hapunan.
"Bitawa mo na iyon. Wala ka ng magagawa" pagalit na sabi ni Mama kay Papa. Naabutab ko silang naguusap sa may kusina. Hindi ko alam kung tungkol saan iyon pero tumigil sila ng mapansin nila ang pagpasok ko para kumuha ng tubig.
"Oh Tathi, ibinigay na sa akin ni Manang bobby ang una mong sahod. Ipapasok ko iyon sa bangko mo para may ipon ka" sabi sa akin ni Mama na kaagad kong tinanguan. Kahit hindi ganuon kalakihan ang sahod ay palaging nagtatabi si Mama ng pera sa bank account na nakapangalan daw sa akin.
Umakyat ako sa aking kwarto at naligo. Habang naghihintay ng tawag ni Mama para sa hapunan ay muli kong kinalikot ang aking cellphone. Napaayos ako ng upo ng makita kong may messags ulit duon.
Unknown number:
Stop texting!
Humaba ang nguso ko. Sino ba ito at ang lakas ng trip!
Ako:
Lakas ng trip mo ah! Sino ka ba?
Nagulat ako ng makita kong nagreply kaagad ito. Mas lalong kong napatunayan na hindi ito si Senyorito baby. Wala naman sa itsura non ang makikipagtext.
Unknown number:
Stop texting, Aaron.
Nanlaki ang aking mga mata. Paano nalaman niyong katext ko si Aaron?
Ako:
Senyorito Luigi?
Halos habulin ko ang paghinga ko dahil sa nerbyos. Paano kung senyorito Luigi ito at nalaman niyang nakikipagtext ako sa bisita nila at tanggalin ako sa trabaho!?
Unknown number:
First, Papa mo. Ngayon si Luigi. Wow Tathrian, Just Wow. Wag ka ng magreply! I won't text back!
Wow. Galit na galit ah! Hindi siya nagpapakilala, ngayong nanghuhula ako ay galit na galit siya. Gigil akong nagreply.
Ako:
Baby?
Uminit ang magkabilang pisngi ko ng isend ko iyon. Aba! Hindi lang siya ang kayang mangtrip. Kaya ko din! Nanlaki ang mga mata ko ng magreply siya ng dalawang beses. Magkasunod!
Unknown number:
Yes?
Unknown number:
Wrong send! Damn it!
Napatawa ako ng basahin ko ang huling text niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang frustration ng hindi kilalang sender. Isipin ko pa lang na si Senyorito Cairo talaga iyon ay gusto ko ng magtatalon at tumili.
Hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip sa mga posibilidad na si Senyorito baby nga ang nakakatext ko. Pero paano? Paano niya nakuha ang numbet ko, eh ayaw nga daw niya! Impossibleng hiningi niya sa mga kasambahay, o kay Manang bobby. I can't imagine him doing that.
Ang bigat ng ulo ko paggising ko kinaumagahan dahil sa puyat. Bumaba ako para kumain ng almusal. Naabutan ko si Kuya Jasper na patapos na ding kumain. Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Pinagkalat mo ba ang number mo sa buong bayan ng sta. maria?"
Nagulat ako, bigla akong nagising. "Hindi bakit?"
Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. "Napagtripan ka nanaman siguro ng mga kalaro mo! Halos lahat ng kalaro ko sa basketball may number mo ba daw" kwento niya sa akin na ikinalaki ng aking mga mata.
Tuningin ako sa aking cellphone. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong wala namang kakaibang text duon. "Naghahanap lang ng tiempo ang mga iyon. Wag kang magpapaligaw, Tathriana. Magaral ka muna" seryosong pangaral ni Kuya Jasper sa akin na kaagad kong tinanguan.
Magisa akong kumain ng breakfast. Busy sina Mama at Papa sa pagdedeliver sa mga tindahan ng chicharon namin. Kailangan namin iyong ilako sa mga tindahan para makilala. Hindi katulad ng producto ng mga Serrano na kusang pinupuntahan ng mga tao dahil talagang kilala na.
Kumuha ako ng litrato ng araw habang dumadaan ako sa malawak na palayan bago ko marating ang mainroad. Ang ganda! Pinost ko iyon sa facebook. May ilang naglike at nag haha. Kumunot ang noo ko.
"Anong nakakatawa?" inis na tanong ko sa kawalan.
Abala si Manong guard pagkadating ko sa mansyon. Duon ko nalaman na umuwi pala kaninang madaling araw si Governor Danilo Salvator galing sa malolos. Kinabahan tuloy ako, mabait naman ito at palangiti. Ang kaso ay nakakaintimidate, biruin mo makakaharap mo ang gobernador ng buong probinsya ng bulacan.
Sa may garden ako dumaan diretso sa may kitchen. Mula duon ay rinig ko ang paguusap mula sa dinning. Kumpleto sila duon kasama ang bagong asawa nito. Namatay sa cancer ang unang asawa ni Governor, ina nina Senyorito Luigi at Senyorita Lumi.
Pinanlakihan kaagad ako ng mata ni Manang bobby ng makita niya ako. Inilagay pa niya ang hintuturo niya sa labi para patahimikan ako. Shuta, hindi naman ako maingay ah!
"Aalis din si Governor kaagad, mageempake lang" rinig kong sabi niya sa isa sa mga kasambahay. Kumuha ako ng tinapay ay pinalamanan iyon. At home na at home na kami dito, lalo na ako. Ang kapal talaga ng mukha ko.
"Pasencya ka na Cai. Sunod sunod kasi ang event. Kahit sa ibang bayan ay ganuon din"
"Wala po iyon, Ninong. Kaya ko naman pong magtungo sa site magisa. Magtatanong tanong na lang po ako" rinig kong sagot ni Senyorito baby. Hay, kahit sa umaga ang sexy ng boses niya!
"Hindi. Papasamahan kita, teka...manang bobby!" rinig kong tawag ni Governor mula sa dinning. Si Manang bobby lang ang tinawag pero lahat sila sa kitchen ay nataranta. Napangisi ako ng mapagtanto kong nanatili akong kalmado sa pagkakaupo ko sa may kitchen counter habang kumakain ng tinapay.
"Kailangan ni Cairo ng nakakasama maglibot dito sa sta. maria. Mas maganda siguro kung medyo bata...tsaka alam ang pasikot sikot dito" rinig kong sabi ni Governor.
"Kung batang gala po ang hanap niyo may kilala po ako" natatawang sabi ni Manang bobby. Narinig ko ang hagikhikan ng mga kasambahay na para bang tuwang tuwa din sa sinabi ni Manang. Napanguso ako, iba ding mangtrip ang mga ito.
"Tathriana!" pagtawag niya sa akin mula sa dinning. Nanlaki ang aking mga mata, kinabahan ako sa biglaang pagtawag niya sa akin. Ano nanaman kaya ang kasalanan ko?
Lumabas ako sa dinning. Kahit kabado ay nagawa ko pa ding ngitian ang mga nanduon. Kumpleto ang lahat, maging ang kaibigan ni Senyorito Luigi ay tahimik na kumakain sa mahabang lamesa. Ngumiti ako kay governor ng makita kong nakangiti din ito sa akin.
"Magandang umaga po, Governor" magalang na pagbati ko sa kanya. Tinanguan niya lamang ako.
"Ito po si Tathriana. Anak po ito ni Lourdes, siya po ang nagaayos ng garden" pakilala sa akin ni Manang bobby. Uminit ang pisngi ko, hindi ako sanay sa ganitong klase ng atensyon na ibinibigay sa akin.
Gumala ang tingin ko sa lamesa. Nakita ko si Senyorito baby, nang magtama ang tingin namin ay kaagad siyang nagiwas ng tingin.
Ipinaliwanag ni Governor sa akin ang pagiging tour guide ko daw kay Senyorito baby. Habang kinakausap niya ako ay naghihintay ako ng pagtutol galing sa kanya pero hindi niya ginawa. Hindi tutol si Senyorito baby! Ibig sabihin ay gusto niya din akong makasama?
"Salamat din sa pagpalit sa akin sa ibang event Cai. Pasencya ka na talaga at babalik na din itong si Luigi at Lumi ng maynila para sa trabaho at klase"
Matapos ang breakfast ay bumalik na sa kanya kanyang trabaho ang lahat. Dumiretso ako sa garden kahit hindi ko pa din naproproseso ang lahat ng sinabi ni Governor sa akin. Basta ang alam ko lang ay sasamahan ko si Senyorito baby sa mga lakad niya.
"Sayang. Hindi mo ako maipapasyal"
Kaagad kong nilingon ang pinanggalingan ng boses. Napatayo ako ng makita si Sir Aaron. Tipid ko siyang nginitian.
"Bakit po? Babalik na kayong manila?" tanong ko. Wala, nakikichismis lang.
Malungkot siyang tumango. Napatango na lamang din ako. "Inggat po sa byahe pabalik" sabi ko pa kaya naman napangisi siya ulit.
"Nakapunta ka ng manila?" panguusisa niya sa akin.
"Uhm, mga ilang beses lang po. Pero hindi nakakapasyal" sagot ko. Nakakapunta lang naman ako pag mag mga nilalakad sina mama at papa. Pero palagi naman akong nasa loob lang ng lumang pick up namin.
Napatango siya at nakatitig pa din sa akin. "Kung dadalhin ka ng Manila, maraming sasangayon sa akin na maganda ka Tathi. Hindi lang basta pang probinsya ang ganda mo" puri niya sa akin kaya naman muli kong naramdaman ang paginit ng pisngi ko.
"Sala..."
"Anong ganda ang tinutikoy mo, Aaron? Hindi maganda ang batang ito, she should stay here" masungit na sabi ni Senyorito baby kaya naman bumagsak ang balikat ko.
Ngumisi ulit si Aaron. "Sabagay, kung ako ang maging boyfriend ni Tathi. Hindi ko siya dadalhin sa manila. Sasakit ulo ko dito, marami akong makakaaway"
Imbes ba kiligin ulit sa sinabi ni Sir Aaron ay nanatili akong kalmado. Hindi ko na magawang kiligin dahil sa presencya ni Senyorito baby. "Ang duwag mo naman pala..." nakangising sambit nito.
Nagulat ako. Nagulat din si Aaron, hindi makapaniwala sa sinabi nito. "What?" medyo may diing tanong niya. Kinabahan ako, pakiramdam ko ay ano mang oras ay pwede ba silang magkasuntukan sa aking harapan ngayon.
"Kung ako ang boyfriend ni Tathi..." paguumpisa ni Senyorito baby, nagawa pa niyang tumungin sa akin. Halos maginit ang buong mukha ko, hindi ko ata kakayanin ang sobra sobrang nararamdaman. Shuta!
"Kung ako ang boyfriend ni Tathi. Dadalhin ko siya sa manila, hindi ako matatakot..."
"Damn. What's mine is mine" pagyayabang pa niya.
Nagkasukatan sila ng tingin. Kitang kita ko iyon dahil nasa gitna nila akong dalawa. "What? Possessive boyfriend ka pala Cairo. Ayaw ng mga babae non" mapanuyang sabi ni Aaron sa kanya.
Nagtaas ng kilay si Senyorito baby. Parang hindi ma lang siya naapektuhan sa sinabi nito. " I'm possessive, Hell yeah..." madiing sabi niya sabay baling sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Bumaba ang tingin niya sa katawan ko pabalik sa mukha.
"Pag sa akin, akin lang. Ayokong nakikipagtext sa ibang lalaki. Pinaparusahan ko pag ganon" diretso ang tingin niya sa akin habang sinasabi iyon. Shuta! Halos makalimutan ko ng huminga.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro