Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 59

Case





Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya ng magsimula na siyang gumalaw ng marahan. Ramdam na ramdam ko ang kanyang laki, sa bawat madiing pagpasok ay halos nauusod ako maakyat, ang bawat paglabas naman ay parang isang napakalaking kawalan.

Hindi ko alam kung maiiyak ako, pinaghalo iyong sarap at sakit. Dahil pakiramdam ko ay naiingayan na siya sa akin ay napakagat na lamang ako sa aking pangibabang labi. Sobrang init ng aking mukha, pababa sa leeg at sa dibdib.

Nanatili kasi ang kanyang titig sa akin habang gumagalaw siya sa aking itaas. Napapangiwi na lang ako minsan sa tuwing idinidiin niya ang kanya sa akin.

"Ugh, baby" daing niya.

Nakita ko kung paano napaawang ang kanyang bibig. Dahan dahan siyang napatingala na para bang naghahabol ng hangin. Nahihirapan? May pinipigilan.

Lumipat ang hawak ko sa kanyang dibdib, mas malaki pa ata iyon kesa sa akin. Napatingin siya sa ginawa ko. Gusto kong dumaing, kahit marahan ay ramdam ko pa din ang hapdi, pero ayokong mahirapan siya.

"Kaya ko na ang mabilis" sabi ko. Ramdam na ramdam ko ang mas lalong paginit ng aking mukha.

Ang kaninang tingin ni Cairo sa akin ay napalitan ng mas matalim na tingin sa akin. Kinagat niya ang kanyang pangibabang labi. Nakita ko kung paano niya inayos ang pagkakatukod ng kanyang braso.

Nang mahusto ay muli siyang umayos ng dagan sa akin. Napaawang ang labi ko ng maramdaman ko ang paghawak niya sa aking isang hita. Buong akala ko ay hahaplusin niya lang, pero napasinghap ako ng itaas niya iyon at ikinawit sa kanyang braso.

"Oh! Cairo!" daing ko ng mas lalo siyang nakadiin sa akin dahil sa posisyong ginawa.

"Tathriana. I longed for this" nahihirapang bulong niya sa akin.

Hindi na ako nakapagsalita pa ng sinimulan niya ang mas marahas, madiin at mabilis na paggalaw sa aking itaas. Halos mahulog ang ulo ko sa papag na hinihigaan ko dahil sa mararahas niyang paggalaw.

"Aw! Cai..." naiiyak na tawag ko sa kanya.

Halos malagutan ako ng hininga. Tuluyang nawala ang kanina niyang pagiingat. Naputol ang litid ng kanyang pasensya. Namuo ang pawis sa aking noo, ni hindi ko na maitikom ang aking nakaawang na bibig.

Mas lalo kong naramdaman ang init sa paligid ng marinig ko ang kanyang mga pagungol at pagdaing. Ilang beses niya ding tinawag ang aking pangalan. Hanggang sa mapaliyad ako ng may naramdaman akong kung anong parang sumabog sa aking loob.

Halos maiyak ako, gusto kong magsumbong sa kanya. Iyon ang unang beses na naramdaman ko iyon. Parang kinuha ang lahat ng lakas ko, dahilan para ang kamay kong nakahawak sa kanyang dibdib ay dahan dahang bumaba.

"Baby, we're not done yet" sabi niya sa akin.

Pumungay ang aking mga mata. Muli akong napadaing ng umayos siya ng pwesto sa aking itaas ay mas lalong pinagigihan ang paggalaw. Para bang may humahabol sa kanya. Para bang gigil na gigil siya.

"Cai!" daing na tawag ko ng may kung ano nanamang unti unting namuo sa aking bandang puson.

Nang maranig at mukhang naramdaman niya iyon ay mas lalo siyang dumiin sa akin. Dinaganan niya ako at niyakap. Para akong mapipipi sa laki niya at ng kanyang braso. Nakita ko kung paano namula ang kanyang mukha maging ang dibdib.

"Ugh! Fuck!" matigas na sambit niya.

Isang mahabang ungol ang nagawa naming pareho hanggang sa pareho naming narating ang sukdulan. Hinang hina ako, ramdam ko ang panginginig ng aking katawan. Naramdaman ko iyon sa pangalawang pagkakataon.

"I love you" hinihingal na bulong niya sa akin bago niya ako halikan sa noo.

Hindi siya kaagad umalis sa aking ibabaw. Nanatili siya sa aking loob. Ramdam ko ang init ng likidong nanggagaling sa kanya, pinupuno ako.

Nang mahusto ay dahan dahan niyang pinaghiwalay ang sa amin. Sandali siyang lumuhod sa aking gitna. Halos takpan ko ang mukha ko dahil nakabukaka pa din ako sa kanyang harapan at hubad.

Bumaba ang tingin ko sa kanyang dibdib, sa abs pababa sa kanyang pagkalalaki. Tutok na tutok pa din iyon sa aking na para bang handang handa pa din.

Napangiwi ako ng marahan niyang isinirado ang aking mga hita. Nakita niya iyon kaya naman umigting ang kanyang panga. Hinila niya ang puting longsleeve na hinubad at ipinangtankip iyon sa hubad naming mga katawan.

Tumabi siya pahiga sa akin at pinaunan niya ako sa kanyang braso. Tumagilid ako at humarap sa kanya. Ang kaya lang takpan ng long sleeve niya ay ang pangibaba namin.

"Kaya ko pala" nakangising sabi ko.

Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. Mas lalo niya akong hinila paalapit sa kanya ay hinalikan ako sa noo.

"I want to marry you as soon as possible" marahang sabi niya sa akin.

Mas lalo akong nagsumiksik sa kanya. Ang aking magkabilang dibdib ay halos mapipi na sa kanyang tagiliran.

"Bakit mo ako gusto pakasalan?" tanong ko. Wala lang may maitanong lang.

Ang aking isang kamay ay namamahinga sa kanyang hubad na dibdib, ramdam ko pa din ang init duon.

"Dahil mahal kita..." sagot niya sa akin.

Napanguso ako. Duon naman nagsisimula ang lahat, pero bakit may ikinakasal na nauuwi sa hiwalayan? Eh mahal din naman nila ang isa't isa nung una.

"Paano pag hindi mo na ako mahal?" tanong ko.

Narinig ko ang kanyang pag ngisi. "Hindi iyan mangyayari" paninigurado niya sa akin.

Napanguso ako. "Eh paano nga lang!" laban ko. Ang kulit eh.

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Pinipipi nanaman niya ako, ang laki kasi ng muscle eh. Wala kang consideration Senyorito baby!

"Edi iisipin ko ulit kung bakit kita minahal. Tsaka kita mamahalin ulit" paliwanag niya kaya naman niyakap ko na lamang siya.

Sa sobrang laki ng katawan niya para sa akin ay hindi man lang iyon umabot sa kanyang tagiliran. Naramdaman ko pa anv nipples niya sa kamay ko kaya naman iyon ang pinagdiskitahan ko.

"Gusto mong palakihin natin ang boobies mo?" tanong ko sa kanya na ikinatawa niya.

Umayos ako ng pagkakadapa. Una kong ipinatong ang baba ko sa kanyang dibdib. Nanatili ang tingin niya sa akin.

Inilagay ko ang isa kong kamay sa itaas ng kanyang dibdib at marahang pinisil iyon. Mas lalo siyang napahalakhak.

"Tathriana! Damn" natatawang suway niya sa akin.

Napanguso ako. Hindi pa ako nahusto na maging ang kabila ay hinawakan ko din. Mas matalino ako sa kanya, alam kong dapat ay balance. Kung hahawakan ko ang isa ay dapat hawakan ko din ang kabila. Kung hindi ay hindi magiging pantay ang paglaki.

Nang mahusto na ako ay sandali kong hinalikan ang dibdib niya at muling ipinatong ang aking baba. Nanatili siyang nakatitig sa akin, pinapanuod ang mga kalokohan ko.

"Uhm. Mga ilang hawak, bago lumaki ang akin kagaya ng kay Manang bobby?" seryosong tanong ko sa kanya na mas lalo niyang ikinapula dahil sa pagtawa.

Sumama ang tingin ko sa kanya. "Kung gusto mo ng instant, hindi lang dibdib ang lalaki. Pati ang tiyan mo, ano?" hamon niya sa akin.

Sa inis ko ay kinurot ko ang nipples niya. "Hmp. Bahala ka, hindi ko kukurutin yung kabila. Isa lang ang mamamaga" pananakot ko sa kanya.

Sa sobrang bilis ng pangyayari ay bigla niyang napalit ang pwesto naming dalawa. Ako naman ngayon ang nakahiga at siya naman ang nakadapa. Nagtaas siya ng kilay. Hanggang sa ipinatong niya ang kanyang baba sa gitna mismo ng aking dibdib.

"Pag naging mabait ka, ilang araw lang ay malaki na ito" pangaasar niya sa akin.

Nanlaki ang aking mga mata bilang pagprotesta. "Sobrang bait ko!" laban ko sa kanya. Ngumisi siya at hinalikan ako sa labi.

"Hindi ako naniniwala. Mas matigas pa sa bato ang ulo mo" sita niya sa akin.

"Eh wala namang malambot na ulo!" laban ko.

Napahiyaw ako ng kilitiin niya ako sa tagiliran. Mas lalo akong hiningal ng mahusto na siya. Ni hindi na ako nahihiya pang masyadong exposed ang dibdib ko sa kanyang harapan.

"Sana ay lalaki ang una natin. Baka mamuti ang buhok ko pag nagkataon" nakangising sabi niya.

Itinaas ko ang kamay ko para ayusin ang ilang tikas ng buhok na dumikit sa kanyang noo dahil sa pawis.

"Edi, dapat babae. Para kami ang magkukulay ng buhok mo" pangaasar ko.

Mariin siyang napapikit at napamura. "Kung magiging kasing kulit at kamukha mo, hindi hindi makakalabas ng bahay iyon" sabi niya sa akin kaya naman napatawa ako.

"Kawawa naman! Dapat masaya ang childhood niya. Hindi kagaya ng Daddy niya na malungkot dahil hindi alam ang champorado" pangaasar ko.

Kita ko ang pagtaas ng gilid ng kanyang labi. "So, sa Mommy na lang niya na sa sobrang saya ng childhood ay naging dugyot na?" balik napangaasar niya sa akin. Imbes na mainis ay mas natawa pa ako.

Pagod at antok na antok na ako ng bumalik kami ni Cairo sa mansyon. Gustuhin man naming sa kubo na matulog at magpalipas ng gabi ay hindi na namin ginawa. Madilim, nakakatakot. Baka mamaya ay may multo pa duon.

Papasok pa lang sa villa de montero ay rinig na namin ang tawanan ng kanyang mga kapatid. Mukhang maagang natapos ang party at nabitin ang mga ito sa inuman.

"Saan kayo nanggaling?" tanong ni Xalaine.

Nagulat ako ng makita ko silang dalawa ni Rafael na nakikisaya sa mga pinsan nila. Hindi ba't dapat ay naghohoneymoon na sila?

"Don't ask, Xalaine. It's a tradition" nakangising sabat ni Piero kaya naman kaagad ba uminit ang aking magkabilang pisngi.

"Shut up, Piero" galit na suway ni Cairo sa kapatid.

Natawa na lamang ito at nakipag apir kay Tadeo. Mas nauna akong naglakad kay Cairo papalapit sa kanila. Mas lalong natawa ang dalawang magkapatid ng marinig ang malulutong ba mura ni Cairo sa aking likuran dahil sa pagiwan ko sa kanila.

Isang matamis na ngiti ang ibinigay sa akin ni Gertrude. Kita ko sa kanyang mata ang nilalabanang antok pero nagawa pa din niyang makisaya.

Iginala ko ang tingin ko sa buong veranda at nakitang wala si Eroz. Bakit hindi siya sumama dito? Natulog ng maaga?

"Nagpunta siya sa rice mill, nakipaginuman sa mga trabahador" sabi  ni Gertrude sa akin na hindi ko pa nakuha nung una.

"Si Eroz" pahabol niya kaya naman kaagad akong napatango.

Hindi na ako nagtanong pa kung bakit alam niya o paano niya nalaman na siya ang hinahanap ko. Nang mas lumalim ang gabi ay nagpasya na ang mga ito na magpapahinga na. Maging sina Piero at Tadeo kasi ay bukas din ang balik sa Manila kasama ang mga pamilya nila.

"Oh saan ka pupunta? Awat na" sita ni Tadeo ng makita niyang nakasunod si Cairo sa akin papunta sa aking kwarto.

Isang mura ang pinakawalan ni Cairo sa kanya kaya naman natatawa na lamang siyang umiling at napakamot sa batok. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na naki sabay pa si Piero. Mukhang nagmamadaling pumunta sa kanyang asawa. Takot ba yun?

"Do you want me to sleep with you?" marahang tanong nito ng harapin ko siya ng nasa tapat na kami ng aking tinutuluyang kwarto.

Napanguso ako. "Pero masakit pa" nahihiyang sabi ko.

Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. Marahan niyang inilagay ang ilang tikwas ng buhok ko sa likod ng aking tenga.

"Matutulog lang. Ano bang nasa isip mo?" sabi niya sa akin kaya naman uminit ang magkabila kong pisngi at nakaramdam ng hiya. Shuta, Tathriana!

"Ayoko. Gusto kong matulog magisa. Good night" diretsahang sabi ko at akmang tatalikuran siya para takasan ang pagkahiya ng marahan niya akong hinila at pinaharap sa kanya.

"Good night. Sleep well baby, I'll surely dream of you tonight" malambing na sabi niya sa akin bago ako hinalikan sa ulo.

Napanguso ako at tumingkayad para humalik sa kanyang pisngi. Pagkatapos nuon ay mabilis akong tumalikod at pumasok sa aking kwarto.

Hindi kaagad ako dinalaw ng antok ng makapagayos ako at bihis. Nakatulala ako sa kisame, hindi pa din mawala sa isip ko ang nangyari sa amin ni Cairo. Pero dahil sa pagod at parang binugbog na katawan ay hindi ko na namalayang unti unti na akong kinain ng antok.

Mataas na ang sikat ng araw pag gising ko. Napahawak ako sa aking hita. Medyo masakit iyon. Napadaing pa ako ng subukan kong gumalaw. Kinundisyon ko na muna ang sarili ko bago ako tumayo, tiniis ko ang sakit sa bawat paggalaw.

"Good morning. Susunduin pa lang sana kita" nakangiting salubong ni Cairo sa akin sa may hallway paglabas ko ng kwarto. Kagaya ko ay bagong paligo na din ito.

Humalik siya sa aking labi bago niya ako hinila patungo sa may dinning. "After breakfast ay aalis na sila" sabi niya sa akin na ikinatango ko.

Puno ang mahabang dinning table. Lahat sila ay bumati sa amin. Maging ang mga asawa nina Tadeo at Piero ay ngumiti sa akin. Sinadya naming hindi magtabi mg upuan ni Cairo. I still want to respect Eroz feeling. Pwede namang hindi muna kami magtabi ngayon habang nagaalmusal.

Napuno ng kwento tungkol sa magiging honeymoon trip nina Xalaine at Rafael sa maldives. Mamayang hapon ang alis nila kaya naman kaming dalawa lang talaga ni Cairo ang maiiwan dito sa Bulacan para sa isang bussiness para sa companya nila.

"Si Eroz na ang magsasabay kay Gertrude pabalik ng Manila" sabi ni Xalaine.

Halos masamid si Gertie dahil sa narinig. Hindi naman natinag ang tahimik na si Eroz at nanatili ang kanyang tingin sa pagkain.

"Eroz, ipagkakatiwala ko ang pinsan ko sayo" natatawang sabi ni Rafael.

Tamad na nagangat ng tingin si Eroz. Nakita ko kung paano sumama ang tingin niya kay Gertie na mabilis na nagiwas ng tingin sa kanya. Ano kayang nangyayari sa kanila?

Pagkatapos ng breakfast ay isa isa na silang nagpaalam. Hindi ko pa gaanong kilala ang asawa nina Tadeo at Piero kaya naman ngumiti lang din ako sa kanila bago sila sumakay sa kanilang kanya kanyang sasakyan.

Naiwan sina Gertrude at Eroz. Nang bumaling ako dito ay nakita kong nakatitig na siya sa akin. "Can we talk?" tanong ni Eroz.

Marahan akong tumango. Narinig ko ang pagtikhim ni Cairo. "Alone" pahabol niya.

Kahit nag protesta si Cairo ay pinagbigyan ko pa din si Eroz. Maguusap lang naman kami, at naging kaibigan ko din siya. Hindi ko na lang tiningnan ang reaction ni Gertrude. Alam ko at nahahalata kong may pagtingin siya dito.

Malayo sa kinatatayuan namin kanina ay hinarap niya na ako. "Please be safe and happy...as long as masaya ka. Worth it ang lahat para sa akin" marahang sabi niya sa akin habang nakatitig sa aking mga mata.

Tipid akong ngumiti sa kanya. "Masaya ako kay Cairo. Please have a peace of mind, salamat sa lahat Eroz. I still want to be your friend, but I know that's too much to ask" emosyonal na sabi ko.

Napasinghap siya at marahang tumango. "Best wishes then? Masaya ako para sayo Tathriana. Hindi lahat ng tao, naranasang mahalin ng mahal nila" sabi pa niya sa akin bago siya yumakap.

Ginantihan ko ang yakap na iyon. "Good bye" marahang sabi niya. Isang mahigpit lang yakap at kaagad siyang bumitaw sa akin.

Walang lingon lingon siyang naglakad palayo sa akin. "Tara na" yaya niya kay Gertrude. Maging si Cairo ay nilagpasan niya lang. Ni hindi nga niya nagawang pagbuksan ng pinto si Gertrude, si Cairo pa ang patakbong lumapit para buksan ang pinto para dito.

Naiintindihan ko. Nasaktan si Eroz. Masakit ang masaktan. Masakit ang hindi mapili. Pero mas masakit kung pipilitin.

Hapon ding iyon ay nagumpisa ang site visit namin ni Cairo. Hindi pa din ako sanay sa bago niyang sasakyan. Hinahanap hanap ko pa din ang kanyang jeep wrangler.

"Wala na ang jeep wrangler mo?" tanong ko habang nasa byahe kami patungo sa norzagary.

"Nasa manila. Mas gusto mo iyon?" tanong niya sa akin.

Ngumiti lang ako. Kahit iyon ang nakasagasa sa aking school shoes nuon ay maraming ala ala duon.

Malapit na kami sa lupang titingnan namin ng kaagad kong maalala ang lupa sa my sta. clara.

"Kung ganuon, sino ang nakabili ng lupa sa may sta. clara kung hindi kayo?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

Nang makita ko iyon ay may commercial building na at mulha mini city in which may mga restaurant at mga botique.

Nagkibit balikat ito. "Binitawan namin after the incident" sagot niya sa akin.

Dahil nabanggit nanaman ang mangyaring aksidente ay tinikom ko na lang ang aking bibig. Ayokong sirain ang mood naming pareho.

"Gusto ko lang sana sabihin sayong, we'll re-open the case. Tutulungan ako ni Kuya at Daddy"

Napatingin siya sa akin. Nakahinga ako ng maluwag ng tumango siya. "I'll support you" sabi niya na ikinangiti ko.

Wala akong ibang kailangan ngayon kundi ang suporta. Hindi ko gagawin ito para matanggap ako ng kung sino. Hindi para magiba ang tingin ng mga tao sa amin. Gagawin ko ito para sa Papa ko. Para kay Papa na walang ibang ginawa kundi ang alagaan at mahalin ako kahit hindi naman niya ako tunay na anak.

Naging abala kami sa pagpunta kung saan saang potential site. Hanggang sa magulat na lang kami isang araw ng makita namin si Senyorito Luigi, sa vacation house pa din kami nina Eroz tumutuloy.

"May kailangan ka?" salubong ni Cairo dito.

Kahit halatang hindi maganda ang pagwelcome ni Cairo sa kanya ay nagawa pa ding ngumiti ni Senyorito Luigi dito.

"Iimbitahan ko sana si Tathi sa mansyon. Miss na din kasi siya nila manang bobby" sabi nito.

Umigting ang panga ni Cairo. May pupuntahan sana kaming meeting ngayon, hindi naman ako kailangan duon pero isasama pa din niya ako.

"Pwede ka ba?" tanong nito sa akin.

Bago pa man makasagot si Cairo ay ako na ang sumagot para sa sarili ko. Ito na din ang pagkakataon kong magawa ang surprise ko sa kanya.

"Sige, sasama ako" nakangiting sabi ko kay Senyorito Luigi.

Sumama ang tingin ni Cairo sa akin. "Tathriana" tawag niya sa akin.

Napanguso ako, may surprise nga ako! Wag ka nga!

Sa huli ay sumama ako kay Senyorito Luigi kahit halatang galit si Cairo.

"Buti at sumama ka sa akin" nakangiting sabi nito ng nakasakay na kami sa kanyang itim na SUV.

Ngumiti lang ako pabalik. "Pwede bang dumaan muna tayo sa salon? Magpapagupit sana ako" sabi ko sa kanya na ikinagulat niya.

Tumaas ang kanyang kila at napangisi. "Mag momove on ka?"

Marahan akong umiling. "Gusto ko lang ibalik yung dati kong buhok" sagot ko na ikinatango niya.

Sinamahan niya ako sa sikat na salon dito sa sta. maria. Binati siya ng mga nanduon ng makilalang anak siya ng dating governor.

"Ay Ma'm sayang, ang haba na nito" puna ng gugupit sa akin.

"Ayos lang. Mas gusto ko ang maiksi" nakangiting sabi ko.

Mas lalo siyang nanghinayang ng ituro ko sa kanya kung gaano kaiksi ang gusto ko. Gusto ko ba ulit magmukhang si Snow white. Handa na ulit akong maging kamukha ni snow white para kay Senyorito Baby.

"Bagay sa iyo ang buhok na yan" puri ni Senyorito Luigi ng makabalik na kami sa kanyang sasakyan at didiretso na sa mansyon.

Maayos ang mga pinagusapan namin. Hanggang sa magulat ako ng mapunta iyon sa nangyaring aksidente nuon.

"Nagabogado ka ba para duon?" tanong niya.

Napailing ako. "Bata pa lang ako ay gusto ko na talagang maging abogado" sagot ko na ikitango niya.

Sandaling naghari ang katahimikan hanggang sa magsalita siya ulit.

"Hindi mo naman siguro ipapareopen ang kaso pag naging abogada ka na" natatawang tanong niya sa akin pero iba ang dating sa akin.

Ngumiti na lamang ako sa kanya. Bakit pakiramdam ko may mali?








(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro