Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 57

Paubaya



Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Eroz habang nakatitig sa akin. Bumigat ang aking dibdib ng makita ko ang tipid niyang pag ngiti.

"Ayos lang, maghihintay na lang ulit ako" marahang sabi niya sa akin.

Uminit ang magkabilang gilid ng aking mga mata. Hindi mahirap mahalin si Eroz, kung tutuusin lang. Kung hindi lang malakas ang kapit ng nararamdaman kk kay Cairo ay baka sa loob ng walong taon na siya ang kasama ko ay nahulog na din ako.

Pero hindi nangyari. Kahit ilang beses kong naisip na napakaswerte ko dahil nasa tabi ko siya. Nandyan siya sa tuwing kailangan ko siya, hindi niya ako kailanman iniwan.

"Eroz..." malungkot na tawag ko sa kanya.

Parang may kung anong bumara sa aking lalamunan ng sinubukan pa din niya akong ngitian. Na para bang gusto niyang sabihin sa akin na ayos lang siya. Kahit alam kong hindi.

"Eroz, I'm sorry" sambit ko.

Marahan siyang umiling. "Please, not now" pakiusap niya.

Mabilis kong naitikom ang bibig ko dahil sa kanyang sinabi. Ayaw niyang sabihin ko  sa kanya ngayon ang desisyon ko. Tama nga naman, may magaganap na malaking party para sa kakambal niya. Hindi tamang bago iyon ay sasaktan ko siya. Kahit ayoko ay paniguradong masasaktan siya.

"We'll talk after the wedding" marahang sabi pa niya sa akin kaya naman tipid akong tumango.

Imbes tuloy na mangabayo ay nagpahanda na lamang si Rafael ng maliit na salo salo sa kanilang mansyon. Kasama pa din namin ang grupo nila Jan.

"Kamusta na sina Tita Lourdes?" tanong ni Jan sa akin habang naglalakad papasok sa Villa de Montero.

Nakadaan na kami sa malaking arco sa labas. Pero may kalayuan pa ang mismong mansyon sa engrandeng gate. Mayaman talaga.

Kakamot kamot pa ito sa kanyang batok habang nakangiti sa akin. Nabigla ako ng muntik na siyang tumama sa akin dahil sa pagtulak sa kanya ng ilang mga kagrupo dahil sa pangaasar.

"Hoy, ano ba kayo!" suway niya sa mga ito.

"Anong ginagawa niyo? Kay Eroz na iyan" si Rafael. Sa kanyang tabi ay si Xalaine na ngiting ngiti sa akin.

Napatingin ako kay Eroz pero nagiwas lang ng tingin ito sa akin. May malakas na inerhiya akong naramdaman sa aking gilid. Hindi na ako nagulat pa ng makita ko ang matalim na tingin ni Cairo sa grupo nila Jan. Para bang isang kalabit na lang sa kanya ay mapapalayas niya na ang mga ito.

"Hala, Tathi. May boyfriend ka na pala? Sorry" Si Jan.

Muling umingay ng asarin nanaman siya ng mga kagrupo. "Iiyak na yan!" tuloy tuloy na asar nila dito na ikinatawa ko na lang din.

Itong mga ito talaga! Mas matatanda naman sa akin pero parang hindi nagbago. Naku! Matutuwa talaga si Charlie pag nakabalik na kami dito.

"Tigilan niyo na nga si Tathriana at baka mapaalis kayo dito ng wala sa oras" natatawang suway ni Rafael sa kanya. Nakangisi siya ng tumingin sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng hiya.

"Bili ka muna sports car!" pangaasar pa ng mga kasama niya habang naglalakad kami palapit sa mansyon.

"Tathi, nakita mo yun? Bahay iyon ng dating manok ng Papa ko, si Chabako" si Gertrude ng magkasabay kami sa paglalakad.

Itinuro niya sa akin ang maliit na bahay bahay sa gilid ng garden. Ang sosyal namang manok nun!

"Matagal ng patay si Chabako pero hindi namin inalis ang bahay niya" kwento pa niya sa akin kaya naman nginitian ko siya. Ang weird din ng mga mayayamang ito.

"Inilibing niyo?" si Cairo. Seryoso ang kanyang boses at ang kanyang mga mata ay nakatuon lang kay Gertrude na para bang ayaw niyang dumaplis kahit kaunti ang tingin sa akin.

Nagkibit balikat si Gertrude at sa huli ay mas naunang tumakbo palapit sa kanilang mansyon dahilan para maiwan kaming dalawa ni Cairo. Pareho kaming nagiwas ng tingin.

Sa back garden nakahanda ang mahabang lamesa na may mga pagkain. May malaking swimming pool din sila. Mas malaki ang mansyon na ito kesa sa bahay bakasyunan nina Eroz.

"Walang sour cream dip?" tanong ni Gertrude sa kanyang Kuya Rafael.

Halos finger food ang pagkaing nakahain. Kung meron mang heavy ay ang mga pasta lamang iyon.

Naging maingay ang pagkain dahil sa kanilang mga kamustahan. Tumabi ako sa tahimik na si Eroz. Napatingin kaagad siya sa aking dalang pinggan.

"Kumain ka ng madami" sabi niya sa akin at siya mismo ang nagpuno ng plato ko. Nginitian ko siya, bilang ganti ay naglagay din ako sa kanyang plato.

Isang malakas at makaagaw pansin na ubo nanaman ang ginawa ni Cairo dahilan kung bakit punahin na siya ni Xalaine.

"Mukhang malala na iyan, Cairo. Ipapakuha na kita ng gamot" sabi niya sa pinsan.

Tumikhim lang ito at mas lalong sumimangot. "Hindi na" masungit na sabi niya.

Nagangat ako ng tingin sa kanya at sa katabi niyang si Gertrude. Parang bata lang itong kumakain ng fries na sinasawsaw sa sour cream dip.

"Sungit mo, ito tikman mo" mahinang sabi niya kay Cairo ay itinapat ang fries sa bibig nito. Bago pa man niya iyon maisubo ay nagiwas na ako ng tingin.

Kinaumagahan ay natuloy anh plano nilang pangangabayo. Medyo nagalangan pa ako dahil sa suot kong floral dress na sumasabay sa malakas na hangin.

"Hindi ka mangangabayo?" tanong ni Eroz.

Nginitian ko siya at inilingan. Hindi din naman ako marunong kung ako lang magisa. Nalipat ang tingin namin sa kalalabas lang na si Gertrude. Mas lalo itong gumanda sa suot niyang white polo shirt na nakatuck in sa isang dark maong pants. May suot din siyang brown boots at ang kanyang buhok ay naka high ponytail na may malaking lasong itim.

Lumipat ang tingin ko kay Eroz. Nahuli ko kung paano siya sumimangot at umirap kay Gertrude. Wala namang ginagawa sa kanya pero ang sungit niya palagi.

"Isasakay kita hanggang sa may field" sabi niya sa akin kaya naman tumango ako.

Una akong binuhat ni Eroz pasakay sa kabayong kulay brown. Nakatagilid lang ako dahil sa suot kong dress. Mariin akong napapikit ng gumalaw ang kabayo dahil sa kanyang pag akyat.

"Don't worry, I won't let you fall" paninigurado niya sa akin.

Nang tingnan ko siya ay nakita ko kung paanong unti unting nawala ang ngiti sa kanyang labi. "I don't think, I can make you fall though" marahang sabi pa niya at ramdam ko ang sakit duon.

Bago pa man ako makapagsalita ay napahiyaw na ako ng kaagad niyang pinatakbo ng mabilis ang kabayo.

Pagkadating sa malawak na bukid ay bumaba na din kami, may nakahanda na duong malaking picnic cloth at may mga basket na din ng pagkain.

"Gertie, si Cairo?" tanong ni Xalaine dito.

Napalingon din ako, oo nga pala't hindi ko siya nakita.

"Umalis siya kanina, hindi ko alam kung saan nagpunta" sagot ni Gertrude dito.

"Magkarera na lang tayo! Ano Eroz?" hamon ni Rafael sa kanya.

Marahang umiling si Eroz dito. "Ano? Sasakyan lang ang kaya mo?" pangaasar pa niya dito.

Sa huli ay nakasundo silang apat. By pair ang laban. "Kayo na ni Gertie ang magkampi" sabi ni Xalaine. Nakita ko kaagad ang pag protesta nito.

Napatingin ako kay Gertrude at nakita ko kung paano siya nagiwas ng tingin kay Eroz ng pumula ang kanyang magkabilang pisngi.

"Bakit hindi na lang tayong dalawa at magkapatid naman tayo? Sila na lang ng pinsan niya" masungit na sabi nito.

"Ang sungit mo naman, kayo na ni Gertie!" pagmamaktol ni Xalaine sa kapatid.

Napanguso si Gertie. "Kaya ko naman kayong labanang tatlo, kahit ako lang magisa" sabi nito.

Mas lalong tunalim ang tingin ni Eroz dito. "Basta ayokong matalo" masungit na sabj ni Eroz.

Nanlaki ang mga mata ni Gertie. "Mabilis ako!" laban niya.

Tumikhim si Eroz. "Siguraduhin mo" masungit na sabi niya dito. Kaagad na tumango si Gertrude kahit pa tinalikuran na siya ni Eroz para harapin ako.

"Magiging ayos ka lang ba dito?" nagaalalang tanong niya sa akin.

Nginitian ko siya at tinanguan. "Ayos lang, ako na din muna ang bahala dito" sabi ko pa sa kanya.

Tumango siya. Hindi na ako nakagalaw pa ng halikan niya ako sa noo. Sandaling naglaban ang titig namin sa isa't isa hanggang sa magulat kami sa pagsigaw ni Xalaine.

"Naku, magingat ka!" sabi niya kay Gertrude ng muntik na itong mahulog ng sumampa sa kabayo.

Alanganin siyang ngumiti. "Ayos lang ako" sabi niya sa mga ito.

"Tss" si Eroz.

Si Rafael ang sumigaw para ideklara ang paguumupisa ng karera. Nakangiti ko silang tinanaw hanggang sa lumiit na ang tingin ko sa mga kabayo. Napabuntong hininga ako at napaayos na lamang sa aking buhok na tinangay ng malakas na hangin.

Uupo na sana ako sa picnic cloth ng mahagip ng mata ko ang burol. Parang may kung anong humila sa akin papalapit duon. Special ang burol na iyon dahil minsan na kaming nagkasama ni Senyorito baby duon. Nag picture pa nga kami gamit ang una kong cellphone.

Medyo nahirapan akong umakyat. Napatawa pa ako ng maalala kong ganito din ako dati. Tamang dungis lang.

"Cairo" gulat na tawag ko sa kanya ng siya ang maabutan ko duon.

Sinimangutan niya lang ako at inirapan. Imbes na mag backout ay lumapit ako sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

Umigting ang kanyang panga. "Bibilhin ko ito" masungit na sabi niya kaya naman napanguso ako.

Kagaya niya ay umupo din ako sa malaking bato hindi kalayuan sa inuupuan niya.

"Bago magyabang ang mga lalaki mo, siguraduhin muna nilang makakatres sila" supladong sabi niya habang nakatingin sa malayo.

Hindi ko napigilang matawa. "Ang yabang mo naman Senyorito Baby, isang beses ka lang nakatres eh" pangaasar ko sa kanya.

Kaagad siyang napabaling sa akin. Napahinto din ako at medyo nagulat. Shuta, Tathi masyado kang nacarried away!

Pinalobo ko ang magkabila konh pisngi at nagiwas ng tingin. Isa iyong paraan para itago ang ngiti ko. Ang yabang kasi eh! Tres daw eh isang beses lang naman! Sus halikan kita diyan eh!

Kahit pa hindi na ako nakatingin sa kanya ay ramdam ko pa din ang tingin niya sa akin. Para libangin ang sarili ay kinuha ko ang cellphone ko at nagpicture. Ipapakita ko na lang ito kay Charlie at iinggitin siya.

Nang mahusto ay tumayo ako. "Papicture nga, post ko sa facebook" nakangiting sabi ko dito. Wala ng hiya hiya at mukhang sanay naman na siya sa akin.

Nagtaas siya ng kilay. Bumaba ang tingin niya sa inaabot kong cellphone. "Bakit? Gagawin mong wallpaper?"

Marahan akong umiling. "Pangiinggit ko lang kay Charlie" sabi ko. Mas lalo akong napangiti ng tamad niyang kinuha ang cellphone ko.

Tumakbo ako magandang pwesto at ngumiti. Panay ang click niya sa camera hanggang sa mapatayo na din. Napanguso ako dahil marami pa sana akong pose na gagawin.

"Magpapa-Picture ka din?" tanong ko sa kanya. Nakita ko kung paano tumaas ang isang sulok ng kanyang labi.

Imbes na lumapit sa akin ay isinandal niya ang kanyang cellphone sa may bata at nagset ng timer.

"Mag picture tayo ng mainggit ko din ang mga manliligaw mo" seryosong sabi niya sa akin na ikinalaglag ng panga ko.

Mabilis siyang pumwesto sa aking likuran at yumakap. Dahil sa pagkabigla ay hindi ako nakabawi kaagad. Napahalakhak siya ng mapansin iyon.

"Paano ko maipapakita ito kung nakanganga ka? Halatang masyado kang patay sa akin, baka sila ang mamatay sa inggit" natatawang asar niya sa akin.

Uminit ang magkabilang gilid ng aking mga mata. Imbes na hayaan siyang bumalik sa kanyang cellphone para iset ulit ang timer ay halos itapon ko ang sarili ko para yumakap sa kanya.

"I'm sorry...I'm so sorry!" umiiyak na sabi ko at napapiyok pa.

Naramdaman ko ang pagkabato niya. Nakatingkayad na ako dahil sa tangkad niya, mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap sa kanyang leeg.

"Hindi ko ginustong umalis ka. I'm sorry senyorito baby!" umiiyak na sabi ko.

Marami akong gustong sabihin sa pagkakataong ito. Mga salitang hindi ko nasabi sa kanya sa nagdaang ilang taon. Mga salitang pinilit kong ibaon sa limot para paniwalain ang aking sarili at siya na din, na tama lang ang ginawa kong pagtulak sa kanya nuon, kahit masakit.

Mas humigpit ang yakap ko sa kanyang leeg ng maramdaman ko ang pagangat ko sa lupa dahil sa pagkakayakap niya sa aking bewang.

"Damn baby, I missed you so much!" madiing sabi niya. Ramdam ko ang pagkapaos ng kanyang boses.

Marahas akong umiling. "Mas namiss kita!" laban ko, hindi ako magpapatalo!

Halos magprotesta ako ng bitawan niya ako at bahagyang ilayo sa kanya. Ganuon na lamang ang gulat ko ng mabilis niyang inangkin ang aking mga labi. Shuta ito na!

Halos mabali ang leeg ko dahil sa tangkad niya. Muntik na akong mawalan ng hangin dahil sa klase ng halik niya sa akin. Ramdam ko ang pagkasabik duon. Para bang hindi kami mahuhusto, sa kabila ng ilang taong hindi kami nagkita.

Panay ang tulo ng aking mga luha habang gumagalaw ang aming mga labi. Sa huli ay mas lalo niyang diniinan iyon hanggang sa pagdikit niya ang aming mga noo, kapwa namin habol ang aming mga hininga. Hindi mawala ang tingin ko sa labi niyang namumula dahil sa halikan namin.

Nasa right age na ako. Hindi na kasalanan kung hihingi pa ako ng isang halik! Gusto ko pa!

"Pero ikakasal ka na" pumiyok na sabi ko.

Umigting ang kanyang panga. "Inalok na ba kita?" seryosong tanong niya.

"Huh?"

Napatawa siya at muli akong hinalikan. "Damn, Tathriana. Mahal na mahal kita" paos na sabi niya sa gitna ng kanyang mga halik.

"Ako din!" laban ko. Napahinto siya dahil duon.

Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Anong ikaw din?" pangaasar niya sa akin.

Napanguso ako. Hindi ko alam kung bakit ngayon pa ako nahiya. Samantalang nuon ay ang kapal kapal ng mukha ko.

"Mahal din kita, Senyorito baby" sabi ko at napanguso pa ng maramdaman ko ang paginit ng aking magkabilang pisngi.

Nakita ko ang pagtaas ng isang sulok ng kanyang labi. "Sa tingin mo, maniniwala ako. Ang dami dami mong lalaki?" akusa niya sa akin.

Nanlaki ang aking mga mata. Bahagya akong humiwalay sa kanya para harapin siya. "Wala akong lalaki! Ang bait bait ko nga" laban ko. Kita ko ang paglalaro ng ngiti sa kanyang labi.

"Gaanong bait? Hindi ako yumayakap ng hindi mabait"

Pinandilatan ko siya ng mata. "Hinalikan mo na nga ako ngayon eh! Ang daming dila nun!" sita ko sa kanya na ikinatawa niya.

Imbes na umalis duon ay mas lalo pa kaming nagtagal. Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Bumalik siya sa pagkakaupo sa malaking bato, nakakandong naman ako sa kanya habang nakayakap siya sa aking bewang.

Ilang beses din niyang inilalapit ang mukha sa akin. Kung hindi sa ulo ay sa pisngi niya ako hahalikan.

"Let's get back together" marahang sabi niya. Halos maubos ang amoy ko kakasinghot niya.

Pinanliitan ko siya ng mata. "Matapos mo akong itanggi!"

Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Galit na galit ako, anong gusto mong gawin ko? Akala ko kayo" masungit na sabi pa niya sa akin.

Napatitig ako sa kanya. Nakipagtitigan din naman siya sa akin. Hindi ko kaya, para akong nanghihina. Masyadong gwapo! Baka bumaba ako sa burol na wala ng suot na panty dahil nalaglag na at liparin na kung saan.

Bumagsak ang aking mata sa aking hita. Ramdam ko pa din ang pagtingin niya sa akin. Hanggang sa napasinghap ako ng isiksik niya sa leeg ko ang kanyang mukha.

Ito namang si Senyorito! Bumebwelo ako ng drama eh! Inis.

"Paano si Eroz, masasaktan siya. Si Gertrude, si Ma'm Maria at si Madam Pia" sabi ko.

Nagangat siya ng tingin sa akin. "Nasaktan din naman tayo. Hindi naman kasalanan kung piliin nating maging masaya ngayon" pangaral niya sa akin. Tumango ako.

Hanggang sa kumunot ang kanyang noo. "At bakit nasali si Mommy at Abuela dito?"

Napaawang ang labi ko. Biglang umurong ang dila ko. Tumikhim siya ng may naisip.

"May kinalaman ba si Mommy sa ginawa mo, 8 years ago?" seryosong tanong niya sa akin.

Napakapit ako sa kanyang suot na damit. "Naiintindihan ko naman, kailangan mo iyon. Gusto lang ni Ma'm Maria kung anong makakabuti para sayo. Kahit ako, I want the best for you" paliwanag ko.

"Baby, you are the best for me. You brings out the best in me" marahang sabi niya sa akin.

Gusto kong maiyak. Kaya naman imbes na umiyak ay nginisian ko na lang siya.

"Kagaya ng tres mo?" natatawang asar ko.

Mariin siyang napapikit. "Shuta, Tathriana, seryoso ako" galit na asik niya sa akin.

Nanlaki ang aking mga mata sa gulat. "Shuta na din ang mura mo? Ang galing!" naamaze na sabi ko. Ilang mura ang pinakawalan niya kaya naman mas lalo akong natawa.

"Kailangan kong masanay" natatawang sabi niya sa akin. Mas lalo ko siyang niyakap.

"Mag practice ka na ding pumirma na Herrer ang apelyido mo. Hindi matatapos ang taon na hindi ka kasal sa akin" diretsahang sabi niya na nagpataas sa mga balahibo ko sa katawan.

Muling umunit ang gilid ng aking mga mata. Shuta, Tathi! Magaartista ka ba at panay ka iyak?

"Pangarap ko lang iyon nung 16 years old ako" emosyonal na sabi ko sa kanya.

Itinaas niya ang kanyang kamay at marahang pinunasan ang luha sa aking mga mata.

"Pangarap ko din iyon nung 23 ako" sambit niya na mas lalo kong ikinaiyak.

Muli akong yumakap sa kanya. "At ngayon matanda ka na" asar ko sa kanya.

Pareho kaming tawa iyak dahil duon. Ilang mahihinang mura din ang pinakawalan niya.

Pinakiusap ko si Cairo na kahit maayos na kaming dalawa ay wag muna kaming magmadali. Bukod sa naging paguusap namin ay marami pa kaming kailangang pagusapan. Hindi din magiging madali ito sa mga tao sa aming paligid.

"Hindi ka nagingat!" galit na suway ko kay Eroz.

Akay akay niya ang kanyang kanang braso. Ang sabi ni Xalaine ay napasama ang hulog nito sa kabayo ng iligtas niya si Gertrude mula sa pagkahulog.

"Magpahinga ka pagkatapos niyan. Uminom na ka din ng pain reliever" sabi ni Xalaine sa kapatid.

Kita ko ang galit sa mukha ni Eroz. Alam kong masakit iyon at nagtitiis lang siya. Nag angat ako ng tingin ng makita ko ang paglapit ni Gertrude. May galos din siya sa braso at namumula iyon.

"I'm sorry, Eroz. Kasalanan ko" ramdam ko ang takot sa kanyang boses.

Tumikhim si Eroz at matalim na tumingin dito. "Palibhasa ay gusto mong nasusunod palagi ang gusto mo! Hindi yan uubra sa akin" galit na sabi niya dito. Nakita ko kung paano manginig ang labi ni Gertrude.

"I'm sorry ulit" pumiyok pang sabi niya. Gusto ko sana siyang lapitan. Pero hindi ako makaalis dahil hawak ko ang cold compress ni Eroz.

"Spoiled brat" mapanuyang sabi ni Eroz na alam kong narinig ni Gertie.

Bago tuluyang makalayo ay sinalubong na siya ni Cairo. Kaagad itong napayakap dito. Napatitig ako sa kanya, ang kanyang mga mata ay nasa akin din. Kita kong gusto niyang sabihin sa akin na wala lang iyon kaya naman tipid ko siyang nginitian. Naiintindihan ko, ako din naman ay nasa tabi ni Eroz ngayon. Kailangan lang naming maghintay. Kaunting tiis na lang.

Inasikaso ko si Eroz hanggang sa lumipat na siya sa kanyang kwarto. Duon na din kami kumain ng dinner.

"Sana gumaling na iyan bago ang kasal ni Xalaine" sabi ko sa kanya habang kumakain kami.

Nagulat ako ng makita kong hindi niya ginagalaw ang pagkain niya. Nanatili lang ang titig niya sa akin.

"Hindi pala sapat ang haba ng panahon. Hindi sapat na ikaw ang palaging nandyan" marahang sabi niya.

Dahan dahan kong naibaba ang hawak kong kubyertos.

"Kahit ako ang palaging nandyan, hindi ako naging sapat...dahil hindi naman ako ang mahal mo" emosyonal na sabi niya.

Sa sobrang saya ko kanina ay ito naman kaagad ang sakit.

"Eroz..."

"Ang swerte ni Cairo. Umalis siya at pagbalik niya, siya pa din" ramdam ko ang sakit sa kanyang boses. Hindi ko na din napigilang hindi maging emosyonal.

Napangisi siya. "Tatanggapin ko" pumiyok na sabi niya.

"Magpapaubaya na ako" deklara niya at mariing napapikit.

Kusang tumulo ang luha sa aking mga mata.

"Tumawag si Tito Marcus. Pagkatapos ng kasal ay maiiwan ka dito kasama si Cairo para sa isang trabaho. Parte pa din daw iyon ng externship mo" sabi niya sa akin.

"Kinaumagahan pagkatapos ng kasal ay babalik na akong manila" sabi pa niya.

Nagangat ako ng tingin ng hawakan niya ang aking mga kamay. Mas lalong bumigat ang dibdib ko ng makita kong lumuluha na din siya.

"Alam ko, na sa oras na iwanan kita kasama siya. Wala na akong babalikan..." pumiyok na sabi niya.

Marahan akong napailing. Pwede pa kaming maging magkaibigan. Nandito pa din ako palagi para sa kanya.

Marahan din siyang umiling sa akin. Na para bang sinabi niyang hindi na pwede ang mga naisip ko.

"Kailangan kong lumayo. Ayokong araw araw kong tatanungin ang sarili ko kung bakit hindi ako naging sapat sayo"












(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro