Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 56

Basketball




Halos hagilapin ko ang hangin dahil sa aking mga narinig mula sa kanya. Anong hindi ako baliw sa kanya? Magpapapansin ba ako ng ganuon kung hindi ko siya gusto?

"Hindi yan totoo" akusa ko. Muntik pa akong mautal dahil sa kaba. Hindi yan totoo! Kung nasa tamang edad lang ako ng mga panahong iyon ay baka ako pa ang nanligaw sa kanya.

Tumaas ang kanyang kilay. "Gusto mong patunayan ko sayo?" hamon niya sa akin.

Bayolente akong napalunok, dahan dahang bumaba ang tingin ko sa kanyang labi. Bahagya akong napanguso, naikuyom ko ang aking kamao. Baa hindi ako makapagpigil at ako na mismo ang hahalik dito.

"Pa...paano?" Kinakabahang tanong ko. Shuta nautal pa!

Mas lalong nanghina ang aking tuhod ng makita ko kung paano niya dinilaan ang kanyang pangibabang labi. Shuta, halikan na ba ito?

"Stay put baby, you're trembling" nakangising sabi pa niya ng sinuportahan niya ng hawak ang aking bewang.

Mariin akong napapikit. Tikom na nga ang bibig ko pero nahahalata pa din ako. Nakakahiya ka Tathi! Pero ok lang yan, siya nga umaming baliw sa akin eh.

"Kung hindi mo lang ako pinaalis nuon, 18 years ka lang naging Torres" matigas na sabi niya sa akin.

Kagat ko ang pangibabang labi ko habang nilalaban ang kanyang tingin. Halos dumugo ang labi ko ng makita kong dahan dahang bumaba ang tingin niya sa aking labi, bahagyang bumuka ang kanyang bibig.

"At bakit? Nito lang naman ako nakipaghalikan sa iba. At hindi pa ako patay!" laban ko sa kanya.

Umigting ang kanyang panga dahil sa aking sinabi. Lapat na ang kanyang mga labi ng muli niyang ibalik ang matalim na tingin sa aking mga mata.

"Wag mo ng ipaalala sa akin iyan at nagagalit ako" galit na banta niya sa akin. Sumimangot ako at napanguso.

"Hindi ko ata nalinaw sayo, na sa oras na humalik ka sa iba. Ang hinalikan mo ang mamamatay at hindi ikaw" segunda pa niya na ikinalaki ng aking mata.

"Lasing kami pareho. At walang tayo kaya ayos lang iyon" pagmamatapang ko pa din kahit ang totoo ay nanghihina na ako at gusto ko ng magpaliwanag sa kanya.

Tumikhim siya at mariing napapikit. "Huling beses na iyon. Sinasabi ko sayo" banta pa niya na ikinalaglag ng panga ko. At sino siya para magsabi ng ganyan? Siya nga itong ikakasal na.

"Anong ginagawa mo?" galit na tanong ng kararating lang na si Eroz.

Nabigla na lamang ako ng kaagad na niya akong hinila palayo kay Cairo. Itinago niya ako sa kanyang likuran. Mas lalong tumalim ang tingin ni Cairo sa kanya. Sa porma ng kanyang kamao ay para bang ano mang oras ay susuntukin niya na ang pinsan.

"Pinapagalitan ko lang at hindi ko nagustuhan ang pinaggagawa" masungit na sagot niya sa pinsan na may kasama pang irap.

Mapanuyang ngumisi si Eroz. "At sino ka para pagsabihan si Tathi? She's at age , she can do whatever she want. Let her explore" madiing paliwanag ni Eroz.

Umigting panga ni Cairo. "Explore? Nagawa na namin iyon nuon! Anong explore pa ang pwede niyang gawin kung ganuon?" hamon ni Cairo dito.

Napahawak ako sa braso ni Eroz ng isang beses na humakbang si Cairo palapit sa kanyang pinsan. Hindi sila pwedeng magaway dito. Nagpunta kami dito para sa magiging kasal nila Xalaine at Rafael.

"Tama na nga iyan" suway ko kay Cairo.  "Eroz, tara na...please" pakiusap ko dito.

Nakita ko kung paano lumambot ang kanyang expression. Maging ang kanyang paghinga ay dahan dahan ding kumalma.

"Let's go" yaya ni Eroz sa akin at hinawakan ang aking kamay para sana hilahin na palayo duon.

Sandali akong sumulyap kay Cairo. Ngunit mainit pa din ang kanyang tingin sa akin. "Make me calm too, fuck!" frustrated na singhal niya. Narinig ko pa iyon bago kami tuluyang nakalayo.

Bumalik kami sa loob na parang walang nangyari. Bago pumasok sa dinning ay sinalubong pa kami ni Gertrude.

"Si Cairo?" tanong niya sa akin. Ni hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang aking kasamang si Eroz. Isang beses ko din siyang nahuling sumulyap sa pagkakahawak nito sa akin.

"Kasi kakain na" pahabol pa niya.

Narinig ko ang pagtikhim ni Eroz. "Bakit? Hindi ka ba makakakain ng wala si Cairo?" galit na tanong niya kay Gertrude. Kumunot ang aking noo, magkagalit ba sila?

Kita ko kung paano pumula ang pisngi ni Gertrude, ramdam ko ding hindi siya makatingin ng maayos dito. "Eh kasi..."

"Gertrude, ano pang ginagawa mo dito?" biglang singit ni Cairo mula sa aming likuran.

Mabilis niyang nilapitan ito at hinawakan din sa kamay. "Hinahanap kita, kakain na" sagot ni Gertrude sa kanya.

Hindi ko maiwasang purihin kung gaano sila kabagay na dalawa. Nakikita ko namang maalagaan siya nito, kahit pa mas bata ito sa akin ng ilang taon.

"Gutom ka na? I'm sorry for keeping you  wait. Tara na" marahang yaya ni Cairo dito at sandaling sumulyap sa akin para lang umirap. Mas madami pa siyang nagawang irap kesa sa akin!

Sa huli ay mas nauna pa silang nagtungo sa dinning. Handa na ang mga pagkain, nakaupo na din ang lahat. Kita ko ang tingin ni Senyorito Luigi sa akin, dahan dahang napawi ang ngiti niya ng makita niya kung paano ako asikasuhin ni Eroz.

"Anong balak ni Tito sa lupa sa Sta. Clara?" tanong ni Rafael Silvestre.

"Commercial building" tipid na sagot ni Senyorito Luigi dito. Sandali siyang sumulyap sa akin kaya naman tipid akong ngumiti at kaagad ding nagiwas ng tingin.

Hindi ko man tanda kung paano kami naghalikan nung gabing iyon ay nakakailang pa din. Lalo na at sina Aaron, Lumi at Charlie na mismo ang nagsabing kakaiba iyon. Hot pa nga daw!

"Uy, tama na. Hindi ka naman nakatingin eh" rinig kong suway ni Gertrude kaya naman nag-angat ako ng tingin sa kanila.

Naparami ang kanin sa kanyang plato. Dahil si Cairo na naglalagay ay nasa akin ang tingin, at lumipat iyon kay Senyorito Luigi.

"Kainin mo lahat iyan" masungit na sabi niya kay Gertrude kaya naman napanguso na lamang ito. Maging siya tuloy ay naaabunan ng kasungitan ni Cairo.

Matapos ang dinner ay lumipat kami sa kanilang malaking garden para uminom ng wine.

"Ayoko nitong powdered process orange juice" reklamo ni Gertrude.

Napangiti ako dahil sa pagmamkatol niya. Maktol na nakakatuwa hindi kagaya ng iba na ang sarap kutusan pag nagiinarte.

"Can't you be grateful kung ano ang meron?" seryosong tanong ni Eroz sa kanya na ikinagulat ko.

Kita ko ang panginginig ng kamay ni Gertrude na may hawak ng isang basong orange juice. "But this is not healthy" laban niya dito.

Inirapan lang siya ni Eroz at kumuha ng juice na para sa akin. Maging siya ay hindi ako pinayagan na uminom ng wine. Hindi ko rin naman gusto dahil medyo natrauma ako sa kahit anong klase ng alak, lalo na at nandito si Senyorito Luigi.

"Salamat" sabi ko kay Eroz ng iabot niya sa akin ang baso ng juice.

Napatingin ako kay Gertie pero nagiwas lang siya ng tingin sa amin. "Ikukuha kita sa loob, wag ka ng sumimangot" pagaalo ni Cairo sa kanya. Ramdam kong sincere ang pagaalala niya dito. At kita ko namang inaalagaan niya talaga si Gertrude. Walang magiging problema ang pamilya nila.

Nauna kaming nakabalik sa may long table sa gitna ng garden. Nagtatawanan na sila, maging si Lumi at ang ilang kaibigan ni Xalaine at Rafael. Pagkaupo ko ay kaagad na lumapit si Senyorito Luigi sa akin.

"Long time no see, Tathi" nakangiting bati niya sa akin.

Tumikhim si Eroz mula sa aking tabi. Sandali siyang tinapunan ng tingin ni Senyorito Luigi pero sa huli ay pinagpatuloy ang paglapit sa akin. Nakuha pa nga nitong humila ng upuan para makatabi sa akin.

"Good luck sa bar exam. Sigurado akong makakakuha ka ng place sa top" pagbibida niya. Napanguso ako.

"Kahit makapasa lang" tipid na sabi ko. At kaagad na suminsim sa aking juice.

Nilingon ko si Eroz nakasimagot itong tumingin sa akin at nagtaas pa ng kilay.

"Sakit ka nga talaga sa ulo" bulong niya sa akin. Sinimangutan ko siya, sumimsim siya sa kanyang wine habang hindi pinuputol ang tingin sa akin.

"Tathi" tawag ni Senyorito Luigi sa akin kaya naman kaagad ko siyang nilingon.

Halos sumakit ang leeg ko. Hindi ko alam kung sino ang kakausapin ko. Walang gustong magpatalo, panay ang kausap nila sa aking dalawa.

"May nagalit ba sa video? Pasencya ka na, hindi ko alam na may nagvideo nuon" sabi niya na medyo ikinailang ko. Hindi ako kumportable na pinaguusapan iyon lalo at sa kanya pa manggagaling.

Marahan akong napakamot sa aking batok. "Uhm...Wala naman, pero ayoko na sanang pagusapan" ngiting asong sabi ko sa kanya.

"Sorry, that's too insensitive of me. But it's a relief na malamang wala ka pang boyfriend" nakangiting sabi ni Senyorito Luigi.

Napaligon ako kay Eroz ng sinadya nitong umubo. Nagtiim bagang siya pagkatapos. Hanggang sa muli akong nakarinig ng pagubo. Mas malakas at mas agaw atensyon.

"Hala, Cairo inuubo ka?" si Gertrude.

Napalingon ako sa kanila na parehong kararating lang. Mukhang naghanap talaga sila ng fresh orange juice para dito.

Masama ang tingin niya sa akin, at sa aking mga katabi. Halos mamuti ang mata niya sa pagirap. Sa huli ay hinila na lamang niya si Gertrude paupo sa harapan namin.

Ngumiti ito sa akin at ipinakita ang hawak na fresh orange juice. "Mas healthy ito" sabi pa niya.

"Arte" sambit ni Eroz na ikinalaki ng aking mata.

Nilingon ko si Gertrude pero hindi na ito nakatingin sa amin. Hindi ko tuloy alam kung narinig niya iyon.

"Cai, ano? Gusto mong makita ang video?" natatawang tanong ni Lumi. Inirapan ko siya, buti nalang at hindi niya iyon nakita at baka matrigger ko nanaman ang pagiging maldita niya. Kaya mas gusto ko si Sera nuon kesa sa kanya.

Inisang tungga ni Cairo ang hawak na wine glass. "Hindi na at baka makap..." hindi na namin narinig ang mga sumunod pa niyang sinabi dahil halos pabulong na lang ang lahat ng iyon. Isa lang ang sigurado, galit siya.

Matapos ang kasiyahan sa garden ay nagkaroon pa ng pilitan sa pagitan namin ni Eroz. I insisted na sa bahay na lang namin ako matutulog, pero ayaw niyang pumayag.

"Please? I want to have a peace mind. Hindi ako makakatulog kung mag isa ka lang duon" pagaalala niya.

"Eh bakit, hindi ka na lang din duon matulog sa kanila?" pangaasar ni Rafael.

Bago pa man makasagot si Eroz at narinig na namin ang mura ni Cairo. Nag walk out ito ng walang nakakalaam kung ano ang rason. Sa huli ay hindi na ako nagpumilit pa, tinanggap ko ang isa sa mga guest room  at duon na natulog.

Tanghali na kami nagising kinaumagahan. Matapos kong maligo at magbihis ay bumaba na din ako sa may dinning. Muntik pa nga akong bumalik ng makita kong si Cairo pa lang ang nanduon at nagkakape.

"Ma'm Coffee po?" tanong sa akin ng isa sa mga kasambahay.

Ngumiti ako dito at tumango. Pagkaalis ng kasambahay para kuhanin ang kape ko ay nagpasya akong lumabas na lang muna sa garden, pero bago ko pa man magawa iyon ay nagsalita na si Cairo.

"Sit here" utos niya.

Ang traydor kong mga paa ay naglakad palapit sa mahabang dinning at umupo sa kaharap niyang upuan. Napamura pa ako sa aking isip ng tumunog ang suot kong bracelet ng tumama iyon sa lamesa.

Nakita ko kung paano bumaba ang tingin ni Cairo duon. "Hindi mo tinanggal?" tanong niya.

Bumaba ang tingin ko sa bracelet. Duon ko lang naalala ang pinagusapan namin ni Eroz. Na kailangan kong itanong sa kanya ang screw nuon para naman mahubad ko na.

"Yung screw kasi, nasa iyo ata"

Umigting ang kanyang panga. "Hindi ko na alam kung nasaan" seryosong sabi niya sabay iwas ng tingin sa akin. Napaawang ang aking bibig.

Sandaling kumunot ang kanyang noo at muling napatingin sa akin. "Bakit? Tatanggalin mo?" tanong niya na may kasamang pagbabanta.

Napanguso ako. "Matagal na kasing..."

"So pag matagal na, aalisin mo na?" mapanuyant tanong niya sa akin na para bang may iba pang meaning ang tanong niya.

"Wala na kasing rason para suotin ko pa ito. Wala namang tayo..." mahinahong sabi ko, hindi ko na nafilter at hindi din naman nagpaawat ang bibig ko.

Tumalim ang tingin niya sa kape. "I want to move on..." pahabol ko pa. Kahit hindi kami, I still want to move on.

Umigting ang kanyang panga. "You can't" sambit niya.

"I can...I just need time" mahinahong laban ko.

Naningkit ang kanyang mga mata ng tumingin sa akin. "After what happen last night? Ito ang sasabihin mo?" seryosong tanong niya.

Bago pa man ako makasagot ay may pumasok na sa dinning. Napatayo ako ng makita kong si Eroz iyon. Nanlaki ang aki g mga mata ng makita kong may pasa siya sa gilid ng kanyang labi.

"Anong nangyari diyan?" nagaalalang tanong ko sa kanya.

Imbes na sagutin ako ay napatingin lang siya kay Cairo. Nagtaas ito ng kilay.

"Walang nagpakalma sa akin" sabi niya sa amin bago tumayo at tuluyang lumabas ng dinning.

Ginamot ko ang pasa sa gilid ng labi ni Eroz. Matapos ang breakfast ay nagkayayaan na mangabayo sa Villa de Montero kung nasaan ang mansion nila Gertrude. Talaga naman palang mayaman sila. Kaya pala gustong gusto siya ni Madam Pia para sa kanyang apo.

Naglalakad kami patungo duon ng makasalubong namin ang grupo ng ilang kalalakihan. Nung una ay napatitig pa ako sa isa sa kanila. Hanggang sa nanlaki ang aking mga mata.

"Tathi!" tawag ni Jan sa akin.

Lumapit siya sa akin at kaagad ba yumakap. Ilang mura, pagtikhim at protesta ang narinig ko mula sa aking likuran. Hindi ko alam kung ganino nanggaling ang mga iyon.

"Mas lalo kang gumanda. Iba ka na talaga" puri pa ni Jan sa akin.

Tipid ko siyang nginitian. Nakatanggap pa kami ng pangaasar mula sa kanyang mga kasama. Ilan sa mga kagrupo nito ay kakilala ni Rafael at Xalaine. Kaya naman tuloy, imbes na mangabayo ay nagkayayaan pa ang mga lalaki na mag basketball na muna.

Sayang at wala si Charlie! Pagkatapos ng bar exam ay yayayain ko ulit siya dito. Miss ko na yung dati, na manunuod kami ng basketball at kakain ng fishball sa labas ng court.

"Naku, gagalingan nanaman ni Jan. Andito yung long time crush niya!" pangaasar ng mga kateam mate niya.

"Tss" Si Cairo.

Napatingin ako sa kanya pero umirap lang siya sa akin. Nawala siya sa aking paningin ng lumapit si Eroz.

"Sikat ka pala dito" puna niya.

Marahan akong umiling. "Binubully nga ako ng mga iyan dati" sumbong ko pa sa kanya. Nginisian niya ako hanggang sa maramdaman ko ang kamay niya sa aking bewang.

"Tara, upo na tayo" yaya niya.

Bago pa man kami makalapit sa bleachers ay sumigaw na si Rafael.

"Kulang dalawa! Cairo, Eroz!" tawag niya sa mga ito.

Tinawanan ko si Eroz. "Sumali ka na" pagtutulak ko sa kanya.

"Hindi ako marunong" pagdadahilan niya.

"Kaya mo yan" pagtulak ko.

Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Papakitaan ko yang kababata mo" pagyayabang niya sa huli. Napapalakpak si Xalaine ng nagkanya kanya silang hubad ng pangitaas na damit.

"Xalaine!" suway ni Rafael dito.

Napatawa kami ni Eroz hanggang sa ako naman ang matameme ng siya ang naghubad ng tshirt sa aking harapan.

"Pahawak ng damit" nakangising sabi niya kaya naman napanguso ako.

Tumakbo siya patungo sa gitna ng court. Kaagad naman akong umupo sa may bleacher.

"Cairo, Come on! Tara!" yaya ng mga ito sa kanya. Kulang sila ng isa.

Nakabusangot siyang nakatingin sa lahat hanggang sa tumingin siya sa akin. Tumayo siya at dahan dahan ding naghubad ng suot na tshirt habang hindi pinuputol ang tingin sa akin.

Uminit ang magkabilang pisngi ko dahil sa kangang ginawa kaya naman nagiwas ako ng tingin. Inayos ko ang damit ni Eroz na hawak ko para hindi malukot.

"Shu..." hindi ko na natuloy ang daing ko dahil sa gulat ng may tumamang mabangong tshirt sa aking mukha. Sinadya  iyong ibinato sa akin.

"Ano ba!?" galit na asik ko sa kanya.

Nagtaas siya ng kilay. "Tumama, hindi ko sinasadya" inosenteng sabi niya na akala mo talaga eh makakalusot siya.

Ibabato ko na sana pabalik ang tshirt niya. "Hawakan mo na din muna" sabi niya sabay irap. Hindi na ako nakapagprotesta ng kaagad siyang tumakbo patungo sa court.

Napabuntong hininga na lamang ako. Ang arte!

Tumabi si Gertrude sa akin kasama si Xalaine. Sa aming likuran naman ay ang ilan sa mga kaibigan nito

Nagulat pa ako nung una ng makita kong nakikipagsabayan sina Eroz at Rafael sa mga magagaling na player dito sa amin. Mas lalong naghihiyawan ang lahat sa tuwing si Jan ang nagbabantay kay Eroz.

"Whoa! Eroz!" sigaw naming tatlo ng nakatres ito.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Yabang! Go Rafael!" sigaw ni Xalaine sa kakambal na tinawanan namin.

Sa lahat ng naglalaro ay nangingibabaw ang pagiging busangot ni Cairo. Halata sa kanyang mga galaw na hindi siya naglalaro ng basketball.

"Go Cairo!" sigaw ni Xalaine ng tinangka nitong may lay up. Nanahimik ang lahat ng hindi iyon pumasok.

Ilang bola din ang nasteal sa kanya. May kung minsang napipituhan siya ng travelling. Ang kanyang matipuno at maputing dibdib ay namula at nabasa ng pawis. Pang CEO lang talaga ito.

"Cairo! Pasa mo kay Eroz!" sigaw ng isa sa mga kateam nila ng mapunta sa kanya ang bola.

Sumama ang tingin niya dito. Tamad niyang pinasa kay Eroz ang bola kaya naman kaagad na nakuha ng kalaban. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay nafoul niya si Jan kaya naman magkakaroon ito ng dalawang free throw.

"Whoa! Tathi!" kantyaw kay Jan ng mga kateam niya.

Natatawa itong umiling habang nag dri-dribble. Isang sulyap sa akin at nagshoot. Napatayo ang ilan sa mga babae sa aming likuran para magcheer sa kanya.

Imbes na makisaya ay napatingin ako kau Cairo. Habol pa din nito ang kanyang hininga, nakapamewang at pagod na tumingin sa amin. Kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

Gusto kong sabihin sa kanya na ayos lang iyon. Na kahit hindi siya magaling magbasketball ay proud pa din ako sa kanya. Kung hindi ko lang alam na ikakasal sila ni Gertrude at kung hindi lang masasaktan si Eroz ay baka kumuha pa ako ng megaphone para lang isigaw ang pangalan niya.

Muling nagumpisa ang laban. Muling napatayo ang mga kasama ko ng makapuntos nanaman si Eroz.

"Go Eroz!" nangingibabaw na sigaw ni Gertrude.

Masama siyang tiningnan ni Cairo. "Gertrude!" suway niya dito.

Nakangusong umupo si Gertrude. "Ayoko sayo. Hindi ka naman makashoot!" pangaasar ni Gertrude sa kanya. Alam kong biro lang iyon pero nasaktan ako para kay Cairo.

Marahan siyang napailing at tumakbo na lamang para sabayan ang mga kateam niya.

Sa huling ilang segundo ay nagtie ang score. Ang kaninang laro lang ay mukhang naging seryoso na. Walang may gustong magpatalo. Nangunguna na si Rafael at Eroz. Ganuon din ang grupo nila Jan. Ang wala namang pakialam na si Cairo at tamad na pinaglaruan ang kanyang pangibabang labi habang nakikinig sa mag ito.

"Pag napunta ang bola sa atin, ipasa kay Rafael o kay Eroz. Sa kanila lang" paalala ng tumatayong coach nila.

Tumango ang lahat maging si Cairo. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ang nagangat siya ng kilay. Pumito ag referee kaya naman tumakbo silang lahat pabalik sa court.

Nakatayo na ang lahat dahil sa kaba. Panay ang sigaw ni Xalaine at Gertrude sa pangalan ni Eroz at Rafael. Wala man lang para kay Cairo. Gustuhin ko man ay pinangungunahan naman ako ng kaba.

"Defense!" sigaw ni Xalaine ng nakuha ng grupo nila Jan ang bola.

Lumakas ang hiyawan. Ng isa sa mga kagrupo nila Eroz ang nakaagaw sa bola. Mas lalong kinabahan ang lahat. Tumigil ang aking paghinga ng ipinasa ang bola kay Cairo.

"Ipasa mo kay Eroz!" sigaw ng mga kateam niya. Ang oras at mabilis ng tumatakbo. Kailangan niya ng magdesisyon.

"Cairo ipasa mo!" sigaw ni Xalaine.

Hindi ko alam kung bakit imbes ba sabihin nilang ipasa ay bakit hindi na lang nila icheer si Cairo. Kaya niya yan, masho-shoot niya iyan.

Sa gitna ng pagkataranta ay napatingin siya sa akin. Nginitian ko siya at tinanguan.

"Go Cairo!" sigaw ko na kita kong ikinagulat niya.

"Ishoot mo na!" sigaw ko pa sa kanya habang tumatalon.

Halos mabingi kaming lahat sa katahimikan ng ibato niya ang bola sa ere. Sinundan ko ng tingin ang bola habang nagbubulong ng dasal na pumasok iyon.

Napatalon kaming lahat ng pumasok ang tres ni Senyorito baby! Mas lalo kaming napasigaw, maging siya ay nagulat din dahil sa kanyang nagawa. Napapalakpak ako.

Sa sobrang saya niya ay tumakbo siya palapit sa akin. Pero bago pa man siya makalapit ay naunahan na siya ni Eroz.

"Thank you for cheering" nakangising sabi niya sa akin.

Hindi pa siya nakuntento at nagulat pa ako ng halikan niya ako sa gilid ng aking labi. Hindi ako nakagalaw, kita ko ang pagpungay ng mata ni Eroz na para bang nalungkot din siya sa ginawa niya.

"Tathi, nagseselos ako" sumbong niya sa akin. Nanuyo ang lalamunan ko, ayoko din siyang saktan.

Lumipad ang tingin ko kay Cairo. Sa huli ay pagod siyang naglakad palapit kay Gertrude. Kita ko ang pagaalala sa mukha nito. May binulong siya dito na para bang inaalo niya.

Nakita ko kung paano niya hinaplos ang mukha nito. May gusto ba si Gertrude kay Eroz? Paano si Cairo?

"Tathi, pwede bang ako na lang?" malungkot na tanong ni Eroz sa akin.












(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro