Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 55

Unfair


Matapos kumain ay sabay sabay din kaming lumabas duon. Nasa unahan namin sina Cairo at Gertrude. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanyang brasong nakapulupot sa bewang nito. Kung makahawak siya ay parang may aagaw kay Gertrude sa kanya. Nang hindi ko na kinaya ay nagiwas na lang ako ng tingin.

Pagod na din akong punahin ang lahat ng ginagawa niya para dito at sabihing dati ako iyon. Nakakapagod magsisi, masakit.

Pagkalabas ng restaurant ay hinarap nila kami. Nagtaas siya ng kilay sa akin ng mahuli niyang nakatingin nanaman ako sa kamay niyang nasa bewang nito. Ano ba Tathi!? Masyado kang halata, mag move on na tayo! Mag mo-move on na ako.

"Hihiwalay na kami. Dadaan pa kami ng coffee shop" seryosong sabi ni Cairo. Nanatili ang tingin ko sa sahig. Hanggang sa mapaangat ako ng tingin ng maramdaman kong pinadausdos ni Eroz ang kamay niya at pinagsiklop ang aming mga daliri.

"Mauuna na kami ni Tathi, kung ganuon" si Eroz.

Napatingin ako sa kanilang dalawa para sana magpaalam. Nabigla pa ako ng makita kong pareho silang nakatingin sa magkahawak naming kamay ni Eroz.

"Mauuna na kami...Gertrude" paalam ko dito.

Tipid siyang ngumiti sa akin ngunit ilang beses pang bumalik ang tingin niya sa kamay namin ni Eroz. "Ayaw niyong magkape?" tanong na yaya niya sa amin. Para bang gusto pa niya kaming sumama sa kanila. At ayoko nuon.

Marahan akong ngumiti. "Hindi na, may meeting pa kasi si Eroz. Kailangan na naming bumalik" sagot ko.

Napanguso si Gertrude kaya naman nalipat ang tingin ko kay Cairo na matalim ang tingin sa akin. Kumunot ang noo ko, ano nanamam kaya ang problema ng isang ito? Wag kang magalala at nagmo-Move on na ako!

Tahimik kaming naglakad ni Eroz pabalik ng companya. Nanatili ang magkahawak naming kamay. Wala ako sa aking sarili para punahin iyon. Hinayaan ko na lang din at baka kung hindi ako nakahawak sa kanya ay kung saan na ako mapunta.

"I'm sorry. Hindi ko alam na nanduon sila" paumanhin ni Eroz sa akin.

Tiningala ko siya at tipid na nginitian. "Ayos lang...ok lang" sagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung sagot ko ba talaga iyon para sa kanya o pilit kong pinapaintindi sa sarili kong ayos lang, na ok lang ang lahat ng ito.

Huminto ng lakad si Eroz at hinarap ako. Pumungay ang aking mga mata ng maramdaman ko ang marahan niyang paghaplos sa aking pisngi.

"Baby, you don't deserve this" marahang sabi niya sa akin. Parang may kung anong bumara sa aking lalamunan. Uminit din ang gilid ng aking mga mata dahil sa narinig.

Bumba ang tingin ko sa kanyang dibdib ng hindi ko kinaya ang intensidad ng kanyang tingin sa akin. Punong puno iyon ng emosyon, natatakot akong, kung tumagal pa ang tingin ko sa kanya ay malunod ako sa lalim ng kanyang tingin.

"I deserve this. I just need to accept the consequence" mapait na ngiting sabi ko sa kanya.

Tumikhim si Eroz. Hanggang sa ang isa niyang kamay ay lumipat sa aking lukuran at hinila ako palapit sa kanya.

"Tathi, give me a chance. Let me love you...tatanggapin ko ang lahat. Kung may kulang, pupunan ko. Kung may ayaw ka, babaguhin ko" seryosong sabi niya sa akin.

Tuluyang nanlabo ang aking paningin dahil sa luha. Hindi ko pa kaya, ayoko pang magdesisyon ngayon dahil malungkot ako. Gusto kong pagisipan itong mabuti, hindi ako manggagamit ng ibang tao para lang mawala ang sakit at lungkot na nararamdaman ko.

"Eroz..." paos na tawag ko sa kanya kasabay ng pagpatak ng aking luha.

Bayolente siyang napalunok at tipid na ngumiti. "I know. I'm sorry, I'll wait" malambing na sabi niya sa akin bago niya pinahiran ang luha sa aking pisngi. Matapos iyon ay mas lalo niya akong inilapit sa kanya.

Napapikit na lamang ako ng maramdaman ko ang paghalik niya sa aking noo.

"Anong nangyayari dito!?"

Mabilis akong napahiwalay kay Eroz dahil sa gulat. Napaawang ang bibig ko ng makita ko kung sino ang nasa gilid namin.

"Akala ko ba, magkakape pa kayo?" tanong ni Eroz sa mga ito.

Umigting ang panga ni Cairo. Pabalik balik ang matalim niyang tingin sa akin at kay Eroz.

"Nagbago ang isip namin" sagot ni Gertrude. Tumango si Eroz sa kanila at muling hinawakan ang kamay ko paalis duon.

Hindi ko alam kung bakit ang bigat ng dibdib ko pagkatapos ng pangyayaring iyon. Para bang gusto kong puntahan si Cairo at magpaliwanag sa kanya pero para saan pa? Nagmo-move on na nga ako.

"Ano, natatae ka ba? O may bulate ka sa pwet? Kanina ka pa ah. Hilong hilo na ako sayo" suway sa akin ni Charlie ng kanina pa ako pabalik balik ng lakad sa kanyang harapan.

Hindi ko masabi sa kanya ang gusto kong gawin. Siguradong papagalitan nanaman niya ako. Nang hindi na ako makapagpigil ay kaagad akong nagpaalam sa kanya.

"Tathriana! Shuta, gagala ka? Sama ako!" pahabol na sigaw nito pero hindi ko na pinakinggan.

Diretso ang lakad ko patungo sa building nila Cairo. Hindi ko din alam kung ano ang gagawin ko duon pero hindi ko din naman mapigilan ang aking sarili, maging ang mga paa ko ay hindi ko na controlado.

"Yes, may appointment?" tanong ng babaeng mukhang secretary niya. Maganda ito, bakit hinahayaan ni Gertrude na ganito ang secretary niya? Kung sa akin ay hindi pwede ito.

Ang kaninang tapang ko ay biglang nawala. Marahan akong napailing, oo nga pala't nasa ibang lugar kami. Ibang mundo, hindi kagaya nung nasa mansion kami ni Governor na lalapit lang ako sa kanya kung gusto ko siyang kausapin.

"Andyan ba si Cairo?" wala sa sariling tanong ko. Nakita ko kung paano kumunot ang kanyang noo.

"Si Sir Cairo?" paguulit niya.

Napaawang ang bibig ko. Duon ko lang narealize ang pagiging walang galang ko kanina. "Oo, si...Sir Cairo"

Sinimangutan niya ako. "Nasa loob siya, kasama si Ma'm Gertrude. Bawal silang istorbohin" masungit na sabi niya sa akin.

"Bakit, anong ginagawa?" diretsahang tanong ko na ikinagulat ko di. Shuta ka, Tathi!

Tumaas ang isang sulok ng labi nito. "Pinaguusapan ang tungkol sa kasal nila" nakangising sagot niya sa akin na para bang alam niyang masaskatan ako duon. At tama nga siya.

Napahawak ako sa kanyang table bilang suporta. May pakiramdam na ako na mangyayari ito, pero hindi ko alam na mas masakit pala pag may nagkumpirma na.

"Anong meron dito?"

Napaayos ng tayo ang secretary nito. Mabilis akong napalingon at nagulat ng makita ko si Madam Pia Herrer. Mabilis akong yumuko para magbigay galang.

"Magandang araw po" bati ko sa kanya. Napansin kong nanatili ang titig niya sa akin.

"Naaalala kita. Ikaw yung intern ni Marcus na kaibigan ng apo kong si Eroz" masungit na sabi niya habang pinapasadahan ng tingin ang aking kabuuan.

Nanlamig ako dahil duon pero nagawa ko pa ding tumango. "Ako nga po" magalang na sagot.

Nagtaas siya ng kilay kaya naman mas lalo siyang sumungit. Ngunit ngumiti din kalaunan. "Wala akong problema sa pagiging magkaibigan niyo ng apo ko. Pero sana ay hanggang duon na lang iyon..." bumaba ang tingin niya sa suot kong ID. "...Miss Torres" nakangising sabi niya na halata namang nanunuya.

Marahan akong tumango. Alam ko na ang ibig niyang sabihin. Wala din naman akong plano, wala na akong plano.

Tsaka lang ako nagkaroon ng lakas na maglakad paalis duon ng talikuran na ako ni Madam Pia Herrer. Para may kung anong dumagan sa aking dibdib. Ano nga bang ginagawa ko dito? Hindi ako nababagay dito.

Paulit ulit at madiin kong pinindot ang elevator para magbukas. Kulang na lang ay sipain ko makaalis lang duon. Napasinghot ako ng tumulo ang sipon.

"Miss, ayos ka lang?" tanong ng lalaking kasama ko sa elevator.

Tumango ako. Wag niya na akong kausapin at wala ako sa mood. Baka masungitan ko lang siya. Tumunog ang elevator sa sumunod na palapag. Nag angat ako ng tingin at bahagya pang nagulat ng makita kong si Kenzo Herrer ang papasok.

Nagtagal ang kanyang tingin sa akin. Pagkatapos ay sa lalaking kasama ko. Nakita ko pa ang white ko na nakasukbit sa kanyang braso. Tahimik siyang pumasok at dumiretso sa may likuran. Mas lalo tuloy akong napayuko.

"Ito ang panyo" alok sa akin nung lalaking nauna kong nakasama. Base sa suot niyang ID ay mukhang empleyado siya dito.

Tipid akong ngumiti at tinanggap ang panyong inalok niya. Hindi naman pwedeng gamitin kong pangpunas ng sipon at luha ang suot kong damit. Hindi na ako bata para sa ganuon.

"Salamat"

Ngumiti siya sa akin. Bahagya pang kumunot ang noo ko ng lumapit pa ito sa akin na para bang akala niya ay close na kami. Bahagya akong lumayo ng makita kong nakatingin siya sa suot kong ID.

"Intern ka pala sa law firm. Duon din ang punta ko, ihahatid na kita" pagprepresinta niya na ikinalaglag ng panga ko. Eh kung ipakain ko kaya sa kanya itong panyo niya. Feeling close ang shuta!

Napalingon kaming dalawa ng tumikhim si Kenzo Herrer na nasa likuran namin. Napalingon tuloy ako sa kanya at nakita kong nagtaas siya ng kilay sa akin. Hindi nagtagal ay nagiwas siya ng tingin at kinuha ang cellphone sa bulsa.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Hanggang sa itapat niya ang cellphone sa kanyang tenga. Napanguso ito ng nagiwas ng tingin, ramdam ata niyang pinapanuod ko siya.

"May irereport lang ako..." nakangising bungad niya sa kausap sa kabilang linya.

Mabilis akong nagiwas ng tingin. Baka mamaya ay isipin niyang chismosa ako, eh slight lang naman. Nanatili ang titig ko sa elevator button. Ang tagal naman nito, ang kupad parang yung may ari!

"It's about your baby, you idiot" rinig kong sabi pa niya sa kausap at napahalakhak.

Hinatid nga ako nung lalaking nagpakilalang si Eric. Nagpasalamat na din ako sa kanya sa panyong pinahiram niya sa akin. Naabutan pa nga namin si Charlie sa harapan ng law firm. Nakapamewang at nakasimangot.

"Aba Tathriana. Sakay kami ng barkong lumubog tapos papalitan mo ng bangka?" akusa niya sa akin na ikinakunot ng aking noo.

Anong lubog? Anong Barko? At may bangka pa ngayon? Tingnan mo nga itong sirena na ito, kung ano ano na ang pinagsasabi.

Kagaya ng dati, pag walang meeting si Eroz ay sinusundo niya ako at kumakain kami sa labas bago niya ako ihatid sa condo.

"Alam na ito ni Tito Marcus. Gusto mo bang ako na ang kumausap sa Kuya mo?" tanong niya sa akin.

Napanguso ako. "Hindi na ako bata. Hindi na kailangang magpaalam kay Kuya" natatawang sabi ko sa kanya.

Napangiti din siya ng marealize niyang itinuturing pa din niya akong bata. "Hindi ka na pala bata" nakangising sabi niya na mabilis kong tinanguan.

Matapos sumimsim ng wine ay napatitig siya sa akin. "I like your long hair, mas bagay sayo" puna niya sa buhok kong hindi ko na napagupitan pa.

Tipid akong ngumiti at hinawakan iyon. Hindi na ulit ako nangahas na pagupitan iyon sa dating haba. Wala naman na ang mga taong gusto akong makitang maging kamukha ni Snow white. Wala na si Papa at wala na din nuon si Senyorito baby. Kaya naman hinayaan kong humaba ang aking buhok.

Matapos punahin ang aking buhok ay bumaba naman ang tingin niya sa aking palapulsuhan.

"Suot mo pa din" puna niya sa cartier bracelet na suot ko pa din hanggang ngayon.

Bumaba ang tingin ko duon. Iningatan ko iyon. Ilang beses kong binalak na tanggalin pero hindi ko magawa. Kasi alam kong sa nagdaang walong taon, sa kanya pa din ako. Nakakulong pa din ako sa kanya.

"Hindi ko matanggal" sabi ko.

Nagtaas siya ng kilay. "You need the screw. Ask him about it, wala ng reason para suotin mo pa iyan" seryoso at diretsahang sabi ni Eroz.

Nasaktan ako sa kanyang sinabi. Masakit iyon kahit totoo. Wala naman na talaga akong rason pa para isuot iyon. Siguro isa rin iyon sa dahilan kung bakit hindi pa ako makamove on.

I'll ask him about the screw. Hindi ko ito sisirain para matanggal. Gusto kong matanggal ito ng maayos. Inilalagay ko ang sarili ko sa bracelet. Gusto kong makalaya ng maayos, mahal ko si Cairo at hindi ako nagsis duon. Ayokong ang huling alaalang matira tungkol sa kanya ay ang pagkasira ko.

Minahal ko siya at mananatili iyong ganuon. Na darating ang araw ay maalala kong minahal ko siya. Walang sakit at galit na maiiwan. Tangging masayang alaala.

Napuno ng sermon ang tenga ko ng gabing iyon. Pinagtulungan nanaman ako ng dalawa. Panay nanaman ang banggit nila ng lubog at barko.

"Ayoko ng mapalapit ka sa mga Herrer na iyan. Kung masasaktan ka lang din, wag na, Tathi" pangaral ni Kuya Cayden sa akin. Sa kanyang likuran ay si Charlie na panay ang tango. Naalala ko tuloy sa kanya yung nakadisplay na asong tango ng tango sa harapan ng sasakyan.

"Pero, naka Oo na ako kay Xalaine Herrer. Last na ito Kuya" giit ko. Ayoko din namang biguin si Eroz. Nandiyan siya sa mga importanteng okasyon sa buhay ko tapos ganito lang ay hindi ko pa siya mapagbigyan.

Wala ng nagawa pa si Kuya kundi ang hayaan ako. Si Charlie ang kasama ko habang nagaayos ako ng gamit. Tatlong araw bago ang kasal ay uuwi kami sa bulacan.

"Wag kang maglalasing duon ng wala ako!" paalala niya sa akin.

Inirapan ko siya. Hindi naman talaga ako umiinom. Yung isang beses lang talaga na iyon...and speaking of that!

"Charlie, kilala mo ba kung sino yung nakahalikan ko?" tanong ko sa kanya.

Napaubo ito ng masamid sa iniinom niyang wine. "Shuta!" asik niya.

Nakapamewang akong lumapit sa kanya. May nararamdaman akong hindi maganda dito.

"Sino? Wag kang magsisinungaling sa akin!" banta ko sa kanya kaya naman napakamot na lang siya sa kanyang batok.

Padapa akong tumalon sa kama ng sabihin niya na sa akin kung sino. Mabilis kong ibinaon ang mukha ko sa unan dahil sa kahihiyan. Bakit siya pa?

Gusto kong maiyak sa galit. "Bakit hindi mo ako pinigilan?" naiiyak na tanong ko.

Napanguso ito. "Eh kasi nageenjoy ka eh. Tsaka naAmaze ako, ang galing mong humalik!" puri pa niya na mas lalo kong ikinainis.

"May nagvideo? May nakakita!" asik ko sa kanya kaya naman nanlaki ang kanyang mga mata.

"Talaga? Papasa nga!"

"Charlie!" galit na asik ko sa kanya at tsaka siya kaagad na binato ng unan. Siraulo!

Napapasabunot ba lamang ako sa aking sarili sa tuwing naaalala ko ang tungkol sa video at sa halik. Hindi ko maimagine ang sarili ko, paano ko nagawa iyon? Bakit ko ginawa iyon?

"Tamang tama. Pwede kang magexternship habang nasa Bulacan. Dalawang CEO ang kasama mo, hindi pwedeng walang bussiness habang nasa bakasyon ang mga iyon" si Attorney Marcus. Kumunot ang aking noo. Anong dalawang CEO? Si Eroz lang naman ang kasama ko.

Bago pa man ako makapagtanong ay nagkagulo na ilan sa mga empleyado. "Sayang si Eric, crush ko pa naman iyon" si Ma'm Mia. Isa sa mga nagtratrain sa amin.

"Oh bakit? Anong nangyari?" tanong ni Attorney. Ah! Nasa dugo pala talaga nila ang pagiging chismoso. Now I know.

"Tinanggal sa trabaho. Biglaan lang, hindi namin alam kung bakit" sagot nito.

Kumunot ang noo ni Attorney. "Hindi naman sila agad agad na nagtatanggal ah. Baka may ginawa?"

Nagiwas ako ng tingin. Sinong Eric? Yung kahapon sa elevator!? Nang mapatingin ako kay Charlie ay nagtaas ito ng kilay.

"Hindi kasi tumabi yung bangka, nabangga tuloy ng barko" makahulugang sabi niya sa akin. Mas lalong nalaglag ang panga ko. Shuta! Hindi ko nagustuhan ang naisip ko. Siya ang may gawa nito? Ang barko nila ni Kuya Cayden?

Nang hapong iyon ay sinundo ako ni Eroz sa aming condo para makabyhae na kami palabalik ng Sta. maria. Nakapagpaalam na din ako kina Mama at Daddy. Maging si Kuya Jasper ay alam na ding uuwi ako sa Bulacan.

"Sa bahay ako magstay" sabi ko kay Eroz habang nasa north luzon expressway na kami.

"Sa amin na lang. Nanduon din naman ang ibang bisita. Hindi ako mapapanatag, ikaw lang magisa sa inyo" pagtanggi niya kaya naman natahimik ako.

Mamaya ko na lang siya kukulitin na sa bahay ako matutulog at magstay. Hindi muna ngayon ay nagmamaneho pa siya. Baka madisgrasya pa kami.

Dahil weekdays at hindi gaanong madami ang umiiwi sa Bulacan galing manila ay isang oras at kalahati lang ang naging byahe namin.

"Na miss ko dito" sabi ko kay Eroz kaya naman napangiti din siya.

Sa mansyon nila kami dumiretso. Hindi kagaya dati ay madaming sasakyan na ang nakaparada sa kanilang malaking garahe.

Hinawakan ni Eroz ang kamay ko ng mapansin siguro niyang medyo kinabahan ako. "Close friends pa lang ni Xalaine at Rafael ang nandito. Wala pa din ang mga pinsan namin" sabi niya sa akin kaya naman nakahinga ako ng maluwag kahit papaano.

Buti naman at mukhang wala pa sina Piero at Tadeo na mga chismoso. Bumaba kami sa kanyang hummer ng maiparada niya na ito ng maayos sa garahe. Hindi pa kami nagtatagal ay may dumating ng kulay itim na range rover.

Sa tabi ng hummer ni Eroz ito pumwesto. Nagulat ako ng makita ko kung sino ang bumaba mula duon. Asaan na ang kulay itim niyang jeep wrangler?

"Tathi!" nakagiting tawag ni Gertrude sa akin pagkababa niya duon. Ofcourse, magkasama silang bumyahe. Sila na kasi ata ang isusunod na ikakasal. At wag na wag nila akong bibigyan ng invitation dahil busy ako!

"Halika, pasok na tayo sa loob" yaya niya sa akin. Mukhang close talaga siya sa mga Herrer.

Pagkapasok sa bahay bakasyunan nila Eroz na kasing laki ng mansyon nila Governor ay sinalubong kaagad siya ni Rafael Silvestre.

"Kuya..." tawag niya dito at humalik pa sa pisngi ng Fiance ni Xalaine. Duon lang ako nalinawan. Magpinsan pala silang dalawa.

Mas lalong naging masaya si Xalaine sa aming pagdating. Bukod sa mga naging kaibigan niya dito sa Bulacan ay kami lang ni Gertrude ang galing Manila.

"Darating din ang mga malayong kamag anak ni Rafael mamaya para sa dinner" sabi niya sa amin. Tumulong kami sa paghahanda para sa gaganaping dinner. Kahit pa madami naman silang kasambahay ay nagenjoy naman kami ni Gertrude.

"Magpahinga na muna tayo. Hindi ka ba napagod sa byahe?" tanong ni Cairo dito sa kalagitnaan ng aming pagaayos.

"Ayoko, hindi pa ako pagod. Ikaw na lang" pagtataboy niya kay Cairo.

Nagangat tuloy ako ng tingin dito. Napairap siya ng makitang nakatingin ako sa kanya. "Ano bang vitamins mo nung bata, masyado kang...masigla" masungit na sabi niya dito ba ikinatawa ni Gertrude.

"Matanda ka na kasi, masigla ako dahil bata pa ako. Ganuon iyon" pagdadahilan niya na ikinatawa ko duon.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Anong nakakatawa?" masungit na tanong niya sa akin kaya naman marahan akong umiling at kaagad na nagiwas ng tingin. Ang sungit! Matanda na kasi.

Lumayo na lang ako sa kanilang dalawa at sumama kay Eroz. Imbes na magpahinga si Tandang Cairo ay nakabusangot na lamang itong nakaupo sa may gilid. Kung minsan ay naabutan ko siyang nakatingin sa amin ni Eroz. Pag naabutan ay nagiiwas siya kaagad ng tingin.

Nang matapos ay naligo at nagbihis na din kami para sa magaganap na dinner. Isa sa mga guest room ang pinagamit sa akin ni Eroz. Si Gertrude kaya? Iisang kwarto lang sila ni Cairo?

"Andito na ang mga Coronel" anunsyo ng isa sa mga kasambahay na ikinagulat ko.

Ang mga Coronel ay malayong kamaganak ng mga Silvestre. Halos manigas ako sa aking kinatatayuan ng makita ko ang pag pasok nina Lumi at Luigi Coronel. Ang mga dati kong amo.

Napatitig ako kay Senyorito Luigi. Gusto kong tumakbo paaalis duon pero huli na dahil nakita na din niya ako.

Nagulat siya nung una pero kaagad ding ngumiti. Mas lalo akong nanlamig ng nakangiti siyang lumapit sa akin. Nagulat ako ng halikan niya ako sa pisngi.

"Hindi ka na nagparamdam after that night" sabi niya, mas lalo akong namanhid.

Bago pa man ako makasagot ay muli ng ngumiti ito sa taong nasa aking likuran. "Cai, long time no see" bati niya dito.

Shuta! Gusto ko na lang magpakain sa lupa.

"Tathi! Long time no see, By the way the video was hot! Iba ka talaga" Si Lumi. Shuta! Ito nanaman siya.

Tumikhim ang lalaki sa aking likuran. Teka, bakit siya ang nasa likuran ko? Asaan si Eroz?

Napangisi si Lumi. "Yung video nila ni Kuya sa bar...kissing. I have copy, tingnan mo..."

"Excuse, rest room lang ako" paalam ko sa kanila at halos patakbong lumayo duon. Wala na akong mukhang ihaharap. Shuta! Bakit naman dito pa kami nagkita ni Senyorito Luigi? At bakit sa dinami rami ng tao duon sa bar ay siya pa ang nakahalikan ko?

Imbes na sa restroom ay sa may likod bahay ako napadpad. Kagat kagat ko ang aking hinlalaki dahil sa kaba. Shuta talaga. Humanda ka talaga sa akin Charlie!

"Magusap tayo!" matigas na sambit ni Cairo. Nagulat ako ng higitin nito ang braso ko at idiin ako sa pader.

Galit siya. Matalim ang tingin sa akin. "Anong ginawa mo?" matigas na tanong niya sa akin.

Hindi ako nakaimik. Nanatili akong tahimik habang nilalabanan ang matalim niyang tingin.

"Ganti mo ba iyon sa akin? Huh!" tumaas  na ang kanyang boses.

Sumama ang tingin ko sa kanya. Hinampas ko ang kayang dibdib. "Wala kang pakialam. Hindi ako sayo!" paalala ko aa kanya kaya naman mas lalong umigting ang kanyang panga.

Napasinghap ako ng ilapit niya ang mukha niya sa akin. Halos maduling na ako.

"Sa oras na mukuha kita ulit. Paparusahan kita" madiing banta niya sa akin.

Nanginig ang labi ko. "Akala ko ba hindi mo ako hahabulin!?" bato ko sa kanya.

Napaiktad ako at napapikit ng hampasin niya ang pader sa aking likuran. Sa aking muling pagdilat ay muli kong sinalubong ang matalim niyang titig.

"I won't chase, cause I won't let you run. I won't beg, cause you'll beg for me. Ikaw naman ngayon ang mababaliw sa akin" madiing sabi niya na nagpainit ng gilid ng aking mga mata.

"Baby, you're so unfair. Hindi pwede ako lang ang baliw sayo..."







(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro