Chapter 54
Akala
Nanatili ang titig ko sa kanyang nakangising mukha. Kung makapagsalita siya ay parang hindi siya umiyak nung ipinagtulakan ko siya. Kung makatanong siya kung kanino dapat mag move on ay parang hindi siya nangako sa akin na hindi niya ako makakalimutan.
Ako pa nga itong sinabihan niya na mas makakalimot sa aming dalawa. Tapos ngayon ay ganito siya.
"So, what about the gold necklace, the Cartier bracelet and the laptop?" tanong ni Tadeo.
Muling nalipat ang tingin ko kay Cairo, nagtiim bagang ito. Nagtiim bagang din ako. Galit siya? Ako din!
Bago pa man makasagot si Cairo ay naagaw na kaagad ni Piero ang atensyon namin ng masamid siya sa iniinom.
"Don't tell me, Sugar daddy ka 8 years ago?" natatawang tanong niya kay Cairo.
Sinamaan siya ng tingin nito pero mas lalo lang ngumisi si Piero. "Sabi ni Kenzo binili mo daw iyon para sa girlfriend mo" pahabol pa ni Tadeo.
Nanatili ang titig ni Cairo sa inuming hawak. Napanguso ako habang hinihintay ang pagtingin niya sa akin. Sige at tumingin ka! Pagtataasan kita ng kilay.
Humagalpak ng tawa ni Piero Herrer ng hindi na kami nakakuha pa ng sagot mula sa kapatid. "Amputa, sugar daddy!" akusa niya at hindi na isang tanong.
Napaangat ako ng tingin kay Eroz ng marinig ko ang pagtikhim nito. Bayolente akong napalunok ng makita kong matalim ang tingin niya sa kaharap.
"Ayos ka lang?" tanong na bulong ko.
Bago pa siya sumagot at muli ng nagsalita si Piero. "All 1!" nakangising anunsyo niya na akala mo ay nagtatantos ng score sa laro.
"Maiwan na namin kayo" matigas na paalam ni Eroz.
"Stay here for awhile, gusto ko pang makilala ang girlfriend mo, Eroz" si Piero pa din.
Bahagyang tunalim ang tingin ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ang kulit niya. Hindi naman ako girlfriend ni Eroz at magkaibigan lang kami.
"I'm interested too. Ngayon lang nagdala si Eroz ng babae sa party, this must be something...serious" sabi ni Tadeo na ngumisi pa sa dulo at bumaling sa nakasimangot na si Cairo.
Buong akala ko ay tatanggi si Eroz at magpupumilit na umalis na kami duon pero nagkamali ako. Napabuntong hininga siya at tumango.
"You're right. This is something serious, hindi naman ako yung klase ng tao na madaling makalimot" pagpaparinig nito. Gustuhin ko mang lingonin ni Cairo ay hindi ko magawa.
Pinaghila pa niya ako ng upuan para makaupo sa lamesa kung nasaan ang tatlong pinsan. This is torture! Shuta!
"Asaan ang mga asawa niyo?" tanong niya sa mga ito.
"Powder room, for sure" nakangising sagot ni Tadeo.
Nang makaayos ako ng upo ay napabuntong hininga ako. Kalma, Tathi. Wala nga daw kayo! Wag kang paapekto. Walang kayo! Itinanggi ka. Shuta ang sakit lang.
"Tell me pag hindi ka na kumportable, aalis na tayo" bulong ni Eroz sa akin na tipid kong nginitian.
Hindi pa man nagiinit ang pwet ko ay kaagad ng bumato ng tanong si Piero Herrer. Akala ko ay tahimik lang ito, ang daldal din pala.
"So, nakailang boyfriend ka na Miss Tathi? Pangilan itong pinsan ko?" pambungad niya na kaagad ko ding ikinagulat.
Napakagat ako sa aking pangibabang labi. Kusang lumipat ang tingin ko kay Cairo na nakatitig na din sa akin ngayon. Puno ng panunuya ang kanyang mga mata na para bang nanghahamon. Hinahamon niya ako? Hindi ko siya uurungan, pero hindi ko siya gagayahin.
"Isa lang...nung nag 18 ako" medyo nahihiya pang sagot ko.
Tumaas ang isang kilay ni Piero. Mas lalo namang tumalim ang tingin ni Cairo sa akin, mas nadepina din ang pagigting ng panga niya.
"Break na kayo? Bakit?" tanong ni Tadeo na isa din palang chismoso. Ano ba tong mga Herrer na ito!?
Bayolente akong napalunok. Naramdaman ko ang paginit ng gilid ng aking mga mata dahil sa nagbabadyang luha. Ngumiti ako para pigilan ang namumuong emosyon.
Marahan akong umiling. "Hindi kami nagbreak..." medyo paos ko pang sagot. Hindi ko alam kung bakit sinasagot ko ang tanong ng mga ito.
Tumaas ang isang sulok ng labi ni Piero. "So kayo pa?"
Napanguso ako at napangisi. "Hindi pala naging kami...akala ko lang" sagot ko sa kanila.
Hindi ko naiwasan ang lungkot sa aking boses kaya naman bumawi ako sa ngiti. Ngitian ko sila kahit kita ko ang pagkakakunot ng kanilang noo. Nang tumingin ako kay Cairo ay nakita ko kung paano bahagyang umawang ang kanyang bibig na para bang nagulat.
Kita mo yun, Senyorito baby? Hindi kita itinanggi. Hindi ko nakalimutan yung sinabi mong magiging tayo pag nag 18 ako. Kaya nga simula nuon ay inilaan ko ang sarili ko para sayo. Naghintay ako para sayo.
Nagtiim bagang siya ng mapansin niyang tumatagal na ang titigan naming dalawa. Inirapan niya ako at kaagad na nilagok ang alak sa hawak na baso.
"Wala pala iyong kwenta. Mabuti na lang at nandito ang pinsan ko" nakangising turo niya kay Eroz na hanggang ngayon ay blanko pa din ang ekspresyon.
Napatango si Tadeo. "Lipat ako team" sabi niya na ikinakunot ng noo ko.
Napataas ng kamay si Piero Herrer para makipagkamay sa kapatid. Bago pa man magpangabot ang kamay nila ay kaagad na iyong nahawi dahil sa pagtayo ni Cairo.
"Saan ka pupunta?" nakangising tanong ni Piero.
"I'll go find Gertrude. She's looking for me" seryosong sagot niya sa amin.
Nanatili ang tingin ko sa kanya. Tumalim ang tingin niya sa akin bago tuluyang tumalikod. Napabuntong hininga ako, naninikip ang dibdib ko. Ayoko na munang mapalapit sa kanya. Ayoko na muna.
"I'm sorry about that. Hindi naman ganuon si Piero dati, tahimik lang iyon. Baka sinapian" seryosong sabi ni Eroz sa akin.
Napatitig ako sa kanya. Hanggang sa pareho kaming natawa dahil sa sinabi niya. Bago pa man makabalik ang mga asawa nila ay nagpaalam na kami ni Eroz. Gusto ko din sanang masigurado kung si Sera nga ang nakita ko ngunit hindi na nagkaroon ng pagkakataon na makalapit ako sa kanya.
Naging maayos ang internship ko ng mga sumunod na araw dahil nasa Jimenez law firm lang naman kami ni Charlie. May mga araw na maaga kaming pinapauwi at binibigyan ng time na magreview.
"Bitter yun" si Charlie habang nasa gym kami ng tower.
Nanatili ang tingin ko sa labas ng glass wall habang patuloy ang pagtakbo ko sa threadmill. Nakasuot ako ng pink na sports bra, red jacket at gray leggings. Sumusunod din sa bawat galaw ko ang naka high ponytail kong buhok.
"Mag boyfriend ka na kasi. Andami mong manliligaw..." sabi pa niya na may kasamang irap.
Napangisi ako. "Pag abogada na" sabi ko sa kanya kaya naman mas lalong umikot ang eyeballs niya.
"Hangga't wala kang boyfriend. Iisipin ni Senyorito na hindi ka pa din nakakamoved on sa kanya! Ikaw ang talo!" asik niya sa akin. At nakapamewang nanaman siya sa harapan ko na akala mo ay nanay kong sinisermonan ako.
Mapait akong ngumiti sa kanya. "Charlie, matagal na akong talo. Tanggap ko na iyon, simula nang umalis siya dahil tinulak ko" pagpapaintindi ko sa kanya.
Napabuntong hininga siya at maarteng napahilot sa kanyang sintido. "Kung ayaw mo kay Eroz, may gustong makipagmeet sayo!" excited pang sabi niya at kaagad na kinuha ang cellphone para ipakita sa akin.
Bago pa man siya makalapit ay umiwas na ako. Ayoko.
"Shuta. Naging malinis at gumanda ka lang naduwag ka na! Asaan na ang dugyot na si Tathi na makapal ang mukha? Mas gusto ko iyon!" asik pa niya sa akin. Pagod akong ngumiti.
Ang dugyot na si Tathi ay nawala. Kasama ng pagkawala ni Senyorito baby nuon. Hindi ko na makita, hindi ko na ata makikita. Hindi na din kasi babalik si Senyorito baby.
"Si Charlie naman ang isasama ko ngayon para sa externship, ikaw naman ang maiiwan dito a law firm para sa filling" instruction ni Attorney Marcus sa amin.
Seryoso akong nakikinig dito ng kumunot ang noo ko ng makita ko ang pamumula ng labi ni Charlie. Ang shutang ito! Panay pa ang ngisi niya, pabor na pabor sa kanya na makakasama niya si Attorney.
"You can review the employee policies, then mag file ka after. Sabihan mo ako pag may nakita kang mali..." nakanising sabi sa akin ni Ma'm Danica.
Ngumiti ako sa kanya at tumango. Hahanapan ko talaga ng mali ito at kakasuhan ang CEO nila. Kahit anong kaso, shuta! Sana pala ay pinapirma ko siya dati, para naman may habol ako. Paasa!
Nasa kalagitnaan ako ng contract review ng pumasok si Attorney Clark Jimenez. Kasama ng iba ay napatayo din ako para bumati. Bumati siya pabalik sa mga empleyado bago siya lumapit sa akin.
"Isa ka sa mga intern?" tanong niya.
"Yes, Attorney" magalang na sagot ko sa kanya.
Mabilis ang pintig ng puso ko habang nakasakay kami sa elevator. Isinama niya ako sa isang close door meeting para sa isang bagong investor. Magkakaroon ng contract signing at ididiscuss ang magiging laman ng contract.
Sa kaparehong conference room kami pumasok. At kagaya nung una ay kaunti pa lang ang tao sa loob. Gumaan kahit papaano ang loob ko ng wala ni isang Herrer akong nakita. Mabuti naman.
"Miss Torres, arrange ang distribute the contract" utos ni Attorney sa akin. Bago ko inilapag ay nireview ko muna ang mga folder na may lamang kontrata.
Sa kalagitnaan ng aking ginagawa ay napahinto ako ng makita ko kung sino ang pumasok. Kagaya ko ay nagulat din siya sa akin.
"Tathi!?" nakangising tawag niya sa akin.
Bahagyang lumaki ang mata ko sa pagkabigla ng yakapin pa ako nito. "Ang laki laki mo na" sabi pa niya kaya naman alanganin akong ngumiti.
"Aaron...ikaw din. Nice to meet you again" naiilang na bati ko sa kanya. Feeling close ang shuta!
Akmang yayakap siya ulit ng kaagad akong tumalikod para ipagpatuloy ang ginagawa. Alam ko ang mga karapatan ko bilang babae. At hindi ako kumportable sa pagyakap niya sa akin.
"Masyado kang maganda para sa Manila" puri pa niya. Hay naku! Bola!
Panay ang pambobola nito sa akin. Hanggang sa mapatigil kami dahil unti unti unti ng nadadagdagan ang tao sa loob.
"By the way, I saw the video. That was hot..." nakangisi pang sabi niya na ikinakunot ng noo ko. Anong video?
"Huh?" naguguluhang tanong ko. Nanatili ang ngisi ni Aaron sa akin.
"Magaling ka ng humalik, Tathi" sabi niya na ikinalaglag ng aking panga.
Hindi pa man ako nakakabawi ay may tumikhim na sa aming likuran. Mas lalo akong nanlamig ng makita ko kung sino iyon.
"Cairo, We meet again" bati sa kanya ni Aaron. Ang kanyang tingin ay nasa akin, nanatiling matalim.
"Oh. Kayo nga pala" pangaasar nito sa amin.
Nagtiim bagang si Cairo. "Hindi"
Nanlaki ang mata ni Aaron napara bang nasurpresa. "Break na kayo?" namamangha pang tanong niya. Bwiset.
"Hindi naging kami" seryosong sagot pa din ni Cairo kaya naman bumagsak ang tingin ko sa sahig. Oo na, hindi mo na kailangang ulit ulitin pa. Ako lang ang umasa para sa ating dalawa.
"Whoa. Anong nangyari duon sa...Gago! Wala kang hihintayin, akin iyan!" natatawang paalala niya ng nakaraan.
Hindi sumagot si Cairo kaya naman nagiwas ako ng tingin. "So I can date, Tathi?" nakangising tanong niya dito.
Kaagad na bumalik ang tingin ko sa kanya. Hinihintay ko ang kanyang sagot. Sabihin mong hindi. Senyorito baby, wag mo akong ipamigay!
Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. "Hindi pwede" madiing sabi niya dito. Muntik na akong mapangiti, kung hindi lang sana siya nagsalita ulit.
"She's with my cousin" tamad na sagot niya kay Aaron bago ako inirapan at tinalikuran.
May kung anong bumara sa aking lalamunan. Hindi ko na alam kung ano pa ang pwede kong maramdaman bukod sa sakit. Bakit ganyan siya? Bakit niya ako ginaganito? Nasaktan din naman ako.
Hindi niya na ulit ako tinapunan ng tingin simula ng magumpisa ang meeting. Nang magsink in sa akin ang lahat ay hindi na din ako nagtangka pang tumingin, kahit sa gawi niya lang.
"Lunch, after this?" bulong niya Aaron.
Bahagya pa akong humilig palayo dahil sa gulat. Itong lalaking to!
"Hindi pwede" sagot ko.
Kumunot ang noo niya at napanguso pa. "My treat. Come one, text mate tayo dati ah" nakangising sabi niya sa akin kaya naman bahagyang uminit ang pisngi ko ng maalala ko iyon.
Bago pa man ako makasagot ay nagulat na ang lahat ng lumiwanag ang buong paligid. Maging ang nagprepresent sa gitna ay napatigil.
"Bakit, Cairo?" tanong ni Attorney Clark.
Tumikhim ito. Napanguso ako ng makita kong pinaglalaruan niya ang pangibabang labi habang nakatitig sa contract.
"I won't sign the contract" diretsahang sagot niya.
Napaayos ng upo si Aaron at napasinghap naman ang may edad na lalaki sa kanyang tabi.
"But we already agreed with this" problemadong sabi ng katabi ni Aaron.
Mariing napapikit si Cairo, napahilot sa kanyang sentido at marahang umiling. "This is full of shit" matigas na sabi niya na ikinalaglag ng panga ng lahat.
"You can't do this. You can't backout" si Aaron.
Dumilat siya at matalim na tumingin dito. He's too much. He's too cold and dark. Hindi dapat ganito, grabe siya. Walang awa. Walang puso!
"Guess what, I can" nakangisi at mayabang pang sabi niya dito.
Ang kaninang matalim niyang tingin ay nilipat niya sa akin. Nang mahusto ay kaagad siyang tumayo.
"It's done" madiing sabi niya bago tuluyang naglakad palabas.
Nagkagulo sila. Napatitig naman ako sa lamesa. Ang mga katagang iyon ay para bang hindi lang para sa meeting kundi para din sa akin. Na tapos na, tapos na kami at wala na akong dapat pang asahan sa kanya.
"I'm sorry for this. You can take your lunch bago bumalik sa firm" Si Attorney Clark.
Hindi na ako nakapagpaalam pa kay Aaron dahil kagaya ng lahat ng nanduon ay namomorblema din siya. Tahimik akong lumabas ng conference room. Walang katao tao sa hallway, ano ba ito? 13th floor ba ito?
Maging ang pagpasok tuloy magisa sa elevator ay kinatakutan ko pa. Shuta, Tathi!
Tumakas ang luha sa aking mga mata ng tuluyan na akong makapasok. Napasinghap ako ng may pumigil sa tuluyang pagsasara ng pinto. Napaatras ako ng makita ko kung sino ang pumasok.
Bayolente akong napalunok ay napatingin sa magsasara ng pintuan. Ayoko siyang makasama! Ayokong makulong sa elevator na kami lang dalawa.
Tatakbo na sana ako palabas ng kaagad niyang hinigit ang braso ko pabalik. Halos maladaing ako ng maramdaman ng likod ko ang malamig na pader ng elevator.
"Maguusap tayo!" asik niya sa akin.
Kaunting galaw na lang ay magtatama na ang ilong naming dalawa dahil sa sobrang lapit niya.
"Para saan pa?" laban ko sa kanya. Gustuhin ko mang sigawan siya ay nanghihina ako.
Kita ko ang panginginig ng kanyang kamay na nakahawak sa pader, sa gilid ng aking ulo. Kinukulong ako para hindi makawala sa kanya.
Pinakawalan kita nuon! Pinakawalan mo din ako ngayon! Anong ginagawa mo!?
"Sino ba talaga? Ang Pinsan ko, si Aaron? Sino!?" galit na tanong niya sa akin.
Nilabanan ko ang titig niya. "Basta hindi ikaw!" laban ko. Wag niya akong papiliin dahil wala sa mga iyon. At hindi din ako sasagot ng Ikaw! Sinaktan mo ako. Ayoko na sayo!
Mas lalong umigting ang panga niya. "Ito ang natutunan mo sa mga nagdaang taon?"
"Wala kang pakialam. Hindi ako sayo" paalala ko sa kanya. Hindi ko naiwasang hindi pumiyok.
Titig na titig siya sa akin. "Hindi ka sa akin" paguulit niya.
Lumabo ang aking paningin. Kasabay ng aking pagtango ay ang pagtulo ng aking mga luha. Asaan na ang Senyorito baby ko na mapangakin? Asaan na? Nasa Barcelona pa?
Hinawakan ko siya sa dibdib para sana itulak palayo sa akin pero masyado akong mahina. Maging ang tuhod ko ay nanghihina.
"Wag mo ulit akong tingnan na para bang nasaktan ka sa ginawa mo nuon" madiing sabi niya sa akin.
Napahikbi ako. "Nasaktan ako" pagamin ko. Tuloy tuloy na ang pagtulo ng aking luha, wala na akong pakialam.
Napaiktad ako ng hampasin niya ang pader. Tumunog ang elevator, bago pa tuluyang bumukas ang may pinindot na siya para magsara ulit.
"Saang parte? Sa pagsasabi sa akin na ang pinsan ko na ang gusto mo? Alin duon, Tathriana?"
Napatakip ako sa aking bibig dahil sa mga hikbi. Marahan akong umiling, hindi ko alam. Hindi ko alam, basta nasaktan ako ng umalis ka!
"Ginawa mo ito sa atin. Ikaw ang pumili nito" madiing sabi niya na para bang ang lahat ng sisi ay sa akin.
"I'm not sorry" garalgal na sabi ko.
Wala kaming dalawa ngayon sa kinalalagyan namin kung hindi iyon ang naging desisyon ko. Tama lang na iyon ang naging desisyon ko, kahit masakit. Kahit hindi masaya. Ayos lang.
Mas lalo kong naramdaman ang galit niya dahil sa bayolenteng pagtaas baba ng kanyang dibdib.
"Masaya ka na? Masaya ka na kay Eroz?" tanong niya. Hindi ako sumagot.
"Kung alam ko lang na mawawala ka din sa akin...sana hindi na kita sinama sa plano ko" sabi pa niya.
Napasinghot ako dahil sa tumulong sipon. Ang dugyot na si Tathi ay nagpaparamdam nanaman. Bakit, Dahil nandito si Senyorito baby?
"May Gertrude ka na" akusa ko sa kanya. Wag niya na akong sumbatan dahil may bago naman na siya.
Tumalim ang tingin niya sa akin. "This one is mine. I'm sure of that" makahulugang sabi niya sa akin kaya naman marahan akong tumango.
She likes Gertrude because it's a sure win. Na hindi kagaya ko, si Cairo lang ang gusto niya.
"Naiintindihan ko" pagsuko ko.
Kumunot ang kanyang noo. "Wala kang naiintindihan" giit niya at pinakawalan na ako.
May pinindot at kaagad bumukas ang elevator. Tumakbo din ako palabas duon ng tuluyan na siyang makalayo.
"Shuta, mag dry ang skin mo niyan!" suway ni Charlie sa akin kinagabihan ng maabutan niya akong umiiyak.
Nanatili akong nakatalikod sa kanya, nakatalukbong ng kumot. "Walang abogadang iyakin. Makukulong ang kliyente pag mahina ka!" patuloy na pangaral niya sa akin.
Narinig kong bumukas ang pinto. "Anong nangyayari?" si Kuya Cayden.
"Lubog..." malungkot na sabi ni Charlie. Hayan nanaman sila.
"Anong lubog? Sinaktan si Tathi? Anong ginawa?" sunod sunod na tanong ni Kuya.
Walang maisagot si Charlie dahil wala naman akong sinabi sa kanya.
"Walang lubog lubog, mangbubugbog ako" galit na sabi nito at narinig ko ang paglabas niya ng aking kwarto.
Wala silang imik kinaumagahan. Nagawa pang magbiro ni Charlie para pagaanin ang loob ko. Pero tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya.
"Alam na ba ito ni Elaine?" pangaasar ni Attorney Marcus kay Eroz ng umaga pa lang ay nandito na siya sa firm at may dala pang bulaklak.
"Tito..." suway ni Eroz.
Panay ang kantyaw nito sa pamangkin. Lalo na ng malaman niyang susunduin ako nito para sa lunch. Wala si Charlie dahil sa kanyang externship.
"Ok na ba sayo duon?" tanong ni Eroz sa akin habang naglalakad kami patungo sa malapit na korean restaurant.
Nawala ang ngiti ko pagkapasok namin ng makita ko ang kumakaway na si Gertrude. Kasama si Cairo.
"Lipat tayo?" marahang tanong ni Eroz sa akin.
Tatango na sana ako ng kaagad na akong tinawag ni Gertrude. Nakita ko pang pinigilan siya ni Cairo pero hindi siya nagpapigil.
"Mabuti nandito kayo, masayang mag samgyup pag madami" nakangiting sabi niya sa akin. Hindi pa siya nakuntento at hinawakan pa ang aking kamay at hinila patungo sa lamesa nila.
Sa huli ay hindi na kami nakaalis pa ni Eroz. Mas lalong bumusangot yung dalawa ng ipinagtabi sila ni Gertrude. Sa aking harap ay si Cairo at sa kanya naman ay si Eroz. Pakiramdam ko may mali sa pwesto namin, pero hindi na ata napansin pa ng iba ng magumpisa na.
"Tayo na ang magluto, baka kumain tayo ng sunog. Nakakacancer iyon" natatawang sabi niya sa akin habang nagluluto kami ng meat. Tahimik ang dalawang lalaki sa harapan namin.
Nasa kalagitnaan kami ng pagluluto ng magulat ako ng ilapit ni Eroz sa akin ang chopstick na may fishcake. "Tikman mo, masarap" nakangiting sabi niya sa akin kaya naman isinubi ko iyon kahit ramdam kong nasa amin ang tingin ng dalawa.
Ngumiti ako at tumango sa kanya. "Gusto ko ding tikman" nakangiting sabi ni Gertrude kay Eroz. Imbes na subuan ay inilapit lang ni Eroz sa kanya ang lagayan ng fishcake.
Napanguso si Gertrude. Bago pa man siya makahawak ng chopstick ay nagpresinta na si Cairo. "Lumipat ka dito sa tabi ko, so I can feed you" sabi niya dito pero marahas na umiling ito.
"Ayoko. Tataba ako sayo eh...pinapataba mo ako!" natatawang reklamo ni Gertrude sa kanya.
Napanguso na lang ako at nagiwas ng tingin. Ako dati iyon. Tumalim ang tingin ko sa meat. Susunugin ko ito, sama sama kaming kakain ng sunog!
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro