Chapter 53
Moved on
Halos manigas na ako sa aking kinauupuan habang nakikinig sa kanilang kamustahan. Kung pwede lang maglaho na lang bigla ay ginawa ko na. Namamanhid ang aking buong katawan, isa itong malaking parusa. Ang mapunta sa lugar na ito ay isang pagkakamali.
Nanatili akong nakayuko. Mabilis kong pinunasan ang luha sa aking mga mata. Hibdi pwedeng maging mahina, makikichismis na lang ako, Tama! Matutuwa si Charlie pag nalaman niya ito.
"Makakarating ba ang Daddy mo para sa party sa susunod na araw?" si Sir Alec Herrer. Boses pa lang niya ay kinilabutan na ako. Nagbalik ang lahat ng alaala ng nakaraan sa akin.
"Luluwas po siya, Tito" sagot ni Gertrude dito.
Bayolente akong napalunok. Boses pa lang niya, alam mong lumaki na sa karangyaan. Mahinhin at malambing ang boses. Kung pagmamasdan mo ay talaga namang maganda, she has a soft features with class. Kahit ano ata ang isuot nito ay aangat pa din siya.
Nagangat ako ng tingin ng makita kong umayos ba sila ng upo. Hindi ko naiwasang mapatingin kay Piero Herrer na hanggang ngayon ay nakatitig sa akin. Nang makita niyang napatingin ako sa kanya ay napangisi siya at napailing na umiwas ng tingin.
Lumipat ang tingin ko sa mas mabait na version nila. Si Tadeo Herrer na dating sundalo ay mas palangiti kesa sa mga kapatid nito. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay tipid siyang ngumiti sa akin.
"By the way. I'm with my intern" pakilala sa akin ni Attorney Marcus sa mga ito.
Ayoko mang gawin ay tumayo ako at yumuko sa harapan nila para magbigay galang. Nakita ko ang pagtagal ng tingin ni Sir Alec sa akin, hanggang sa inilipat niya ang tingin kay Cairo. Si Madam Pia Herrer naman ay hindi ako tiningnan, para bang wala siyang pakialam sa akin at hindi ako importante para bigyan niya ng pansin.
Nakangiti itong nakikipagusap kay Gertrude na nakaupo na din ngayon, sa tabi ni Cairo. Bagay sila...
Napaayos ako ng upo at nagiwas ng tingin. Maya maya ay muling pumasok ang babae kanina ay inanunsyo ang pagdating ng inaasahan nilang bisita. Nanlaki ang aking mga mata ng makita kong isa sa mga pumasok si Eroz.
Napahinto siya sandali sa may harapan at iginala ang kanyang mga mata. Nang makita ako ay naging diretso ang lakad niya patungo sa akin.
"I don't invite you here" seryoso at may diing sabi ni Cairo na nagpatigil sa lahat.
Napatingin ang lahat sa kanya. Hanggang sa binasag ng pag ngisi ni Piero Herrer ang katahimikan. "I invite him" sabi niya habang nakataas ang isang kilay.
Umiling si Eroz. "I invite my self" tamad na sagot ni Eroz sa mga ito at umupo sa aking tabi.
"1 point" nakangising sambit ni Piero. Nakita ko pa ang pabirong suntok ni Tadeo sa braso ng kapatid at napangisi na lamang din.
Nawala ang tingin ko sa kanila ng maramdaman ko ang paghilig ni Eroz sa akin. "I'm here" marahang sabi niya sa akin. Gusto kong maiyak sa seguridad ba hatid ng sinabi niyang iyon. Para bang sa lugar na ito na wala akong kilala ay dumating siya para sa akin.
Tipid ko siyang nginitian pero kumunot ang kanyang noo. Halos mamanhid ako ng maramdaman ko ang kamay niya sa aking pisngi. "You cry?" nagaalalang tanong niya.
Napaawang ang bibig ko. Bago pa man ako makasagot ay napatikhim na si Madam Pia Herrer. Napatingin ako sa kanya at nakita kong matalim ang tingin niya sa akin.
"Eroz, Apo..." marahang tawag sa apo.
Napabuntong hininga si Eroz at napatayo para lumapit sa kanyang Lola. Nahagip ng mata ko ang matalim na tingin ni Cairo sa akin. Sandali niyang nilabanan ang aking tingin hanggang sa inirapan niya ako at bumaling sa katabi niyang si Gertrude.
Bumalik si Eroz sa aking tabi ng ianusyo na ang pagsisimula ng presentation. Bahagyang nagdim ang lights, ang tanging nagbibigay ng liwanag sa buong lugar ay ang powerpoint sa harapan.
Sa kalagitnaan ng presentation ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kanilang gawi. Masyado silang malapit sa isa't isa. May pagkakataon pa nga na hihilig siya dito para bumulong.
Kahit sa dilim ay kita ko ang kakaibang tingin niya kay Gertrude. Para bang interisado siya sa lahat ng sabihin nito. Ba parang wala ng ibang tao sa paligid nila pag magkasama silang dalawa.
Pinalobo ko ang magkabila kong pisngi para libangin ang aking sarili. Hindi na ulit ako iiyak.
"Nakakantok" bulong ni Eroz sa akin na ikinagulat ko.
Hinarapan ko siya. Napangisi ito kaya naman ngumiti ako. Gusto ko sanang umoo pero natatakot akong magsalita. "Mas gusto kong magbuhat na lang ng sako" bulong niya ulit sa akin.
Lumapit ako sa kanya para bumulong din. "Basta bawal tatlo" nakangising sabi ko na ikinatawa niya.
Napaiktad kaming dalawa at napaayos ng upo ng sinadyang tumikhim ni Cairo. Halos lahat tuloy ay napatingin sa kanya, maging ang nagprePresent sa harapan ay sandaling napatigil dahil dito.
"Do you have, something to say...Mr. Herrer?" tanong sa kanya.
Umigting ang kanyang panga habang matalim na nakatingin sa presentation. "Nothing" madiing sagot niya.
Naging tahimik na ang lahat hanggang sa matapos ang presentation. Sa huli ay na close ang deal at nagkaroon na ng contract signing. Isinama ako ni Attorney Marcus habang ginagawa iyon ng magkabilang companya.
Si Cairo ang pipirma para sa mga Herrer. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya, bagay talaga siya dito sa opisina. Para bang ipinanganak siya para dito. Para sa lahat ng ito.
Hindi ko din siguro mapapatawad ang sarili ko kung hinayaan ko siyang manatili sa Bulacan nuon para sa akin. Itong lahat ng ito sa isang sampal para sa akin. Na tama ang ginawa ko. Na tama lang na itinulak ko siya palayo kahit mahal na mahal ko siya.
"Hi" huminto ang panlalabo ng aking paningin ng lumapit ang nakangiting si Gertrude sa akin. Mas lalo kong nakita ang ganda niya sa malapitan. Mukhang hindi ito naging dugyot kahit sandali lang ng kanyang kabataan. Ang balat niya ay hindi man kasing puti ng sa akin ay makinis. Parang porcelana.
Ngumiti ako sa kanya at tumango. "I'm Gertrude" pagpapakilala niya at naglahad pa ng kamay.
Nagulat ako dahil duon. Bumaba ang tingin ko sa kanyang kamay na nakalahad sa aking harapan. Halos manginig ang aking kamay ng tanggapin ko iyon. Ang lambot ng kamay niya. "Tathriana..."
Mas lalong tumamis ang kanyang ngiti. "I like your name" malambing na sabi niya sa akin.
Nag ngiting aso na lamang ako. Hanggang sa nakita ko kung paano pumula ang kanyang pisngi ng mapatingin sa aking likuran.
Napasinghap naman ako ng makita ko kung sino iyon. Mukhang tapos na ang contract signing at sina Madam Pia at Alec Herrer na ang kausap ngayon ng mga bisita.
"Let's go" Yaya ni Cairo dito.
Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Ang buong atensyon niya ay na kay Gertrude.
"Saan tayo next?" magiliw na tanong niya dito. Para akong binibitay habang pinapanuod silang dalawa. Kailangan ko ba talagang masaksihan ito? Sa harap ko pa talaga?
"Let's get you some coffee" sagot ni Cairo sa kanya. Bayolente akong napalunok ng makita ko kung paano siya halos patalon na kumapit sa braso nito.
Napangisi si Cairo dahil sa ginawa nito. Napanguso ako ng makita ko kung paao bumagay ang kamay ni Gertrude sa braso nito.
"And cakes..."
Mas lalong napangisi si Senyorito Baby dahil sa paglalambing nito. "Anything you want" malambing na sagot niya dito.
Kulang na lang ay magugat ang mga paa ko sa aking kinatatayuan. Sa sobrang pagkamanhid ko ay hindi ko alam kung nasasaktan na ba ako. Wala na akong maramdaman.
Nagangat ako ng tingin ng may maramdaman akong braso na pumulupot sa aking bewang.
"Ihahatid kita pabalik sa firm" Si Eroz. Kita ko ang pagpungay ng mga mata niya habang nakatingin sa akin. Awa? Naawa siya? Hindi dapat! Ayos lang ako.
"Sabay na ako sa inyo. Gusto kong makilala ang girlfriend mo Eroz" singit ni Piero Herrer na ikinalaki ng aking mga mata.
Gusto ko pa sanang magprotesta pero kaagad na itong bumaling kina Cairo at Gertrude. "Ikaw Cairo? Ayaw mong makilala ang girlfriend ni Eroz?" nakangising tanong niya dito.
Napatingin ako dito. Tamad niya lang tiningnan ang kapatid at sandaling bumaling sa akin. Isang pasada ng tingin sa aking kabuuan bago siya napangisi.
"Flavor of the week?" nakangising tanong niya kay Eroz.
"Whoa, padamihan na lang ng sasakyan" side comment ni Piero. Tumalim ang tingin ni Cairo sa kanya.
"I don't have time for bulls..."
Napahawak ako sa braso ni Eroz ng maramdaman ko ang galit nito. "Anong sabi mo?" madiing tanong niya sa pinsan.
Tamad siyang tiningnan ni Cairo. "Wala akong panahon sa mga walang kwentang bagay" diretsahang paguulit niya. Bago bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa braso ni Eroz. Mas lalong nagigting ang kanyang panga.
"Cairo..." tawag ni Gertrude sa kanya. Kita ko ang takot at pagtataka sa nangyayari.
Mariing napapikit si Cairo at pumungay ang mga mata ng bumaling sa kasama. "I'm sorry about that, tara na" marahang yaya niya dito. Ang kanyang braso ay kaagad na pumulupot sa bewang nito.
Hindi na sila nagpaalam pa sa amin dahil kaagad na nila kaming tinalikuran. Sa huli ay naiwan ako kasama si Eroz at si Piero Herrer na bigla na lang natahimik. Para kanina lang ay wala siyang ginawa kundi ang mangasar.
Hawak ni Eroz ang aking kamay habang naglalakad kami pabalik sa firm. Naiwan si Attorney Marcus kasama sina Madam Pia kaya naman hinayaan niya akonng sumama kay Eroz.
"Guys. He fall out of love. He isn't Kenzo" seryosong basag ni Piero sa aming katahimikan.
Napatingin ako sa kanya. Nagtaas siya ng kilay sa akin. Anong meron kay Kenzo?
"The hell I care?" matigas na sambit ni Eroz.
Bumaba ang tingin ni Piero sa magkahawak naming kamay. Nagtaas siya ng kilay ay ngumisi. "You are a bad...bad cousin" akusa niya kay Eroz na hindi ko naman maintindihan. Naguguluhan na ako.
"Wala na akong pakialam" laban ni Eroz kaya naman napailing na lamang si Piero.
"Pasalamat ka, mas marami kang sasakyan" sabi pa niya bago kami tuluyang iniwanan.
Bago ako tuluyang pinakawalan ni Eroz ay hinarap niya ako. Napatitig ako sa kanya ng ikulong ng mainit niyang palad ang aking magkabilang pisngi.
"You'll always have me, no matter what" paninigurado niya sa akin. Hindi ako nakasagot, halos manuyo ang aking lalamunan.
Nanlabo ang aking paningin at kaagad na napasinghap. "Ang sakit..." sumbong ko kay Eroz. Tumulo ang masasaganang luha na kanina ko pa pinipigilan.
Napamura si Eroz dahil sa aking pagiyak. "How can I take away the pain, Tathi?" marahang tanong niya. "Let me take away the pain" malambing na dugtong pa niya bago ko naramdaman ang paghalik niya sa aking noo.
Wala ako sa aking sarili pagkaalis ni Eroz. Kaagad naman iyonh napansin ni Charlie. Katakot takot na sermon ang inabot ko sa kanya ng sabihin kong hindi ako sasabay sa kanya sa paguwi dahil kakain kami ni Eroz sa labas.
"Sinasabi ko sayo, Tathriana!" nanlilisik ang mga mata nito at nakapamewang pa habang nakatingin sa akin.
"Charlie may iba na siya..." nanghihina kong sabi.
Ang kanina niyang nanlilisik na mata ay halos lumuwa. "Shuta! Itinaya ko ang bataan para duon" pamomorblema niya na ikinakunot ng aking noo.
"Anong bataan?"
Napasapo siya sa kanyang noo. "Naku, kailangan kong isuko kay Kuya Jasper ang bataan ko pa natalo kami" sabi pa niya kaya naman kaagad ko siyang hinampas sa braso.
"Wala ka nuon!" sita ko sa kanya.
Inirapan ako nito. "Wala ba ako nuon? Bakit pakiramdam ko meron?" tanong niya sa akin na ikinatawa ko.
Napanguso ako at kaagad na yumakap kay Charlie. Hindi ko masisisi si Cairo, hindi biro ang walong taon. May karapatan siyang magmahal muli. Pinakawalan ko siya nuon, dapat ay tanggap ko na ito. Dapat ay naihanda ko na ang sarili ko dito.
"Piliin mo ding maging masaya dugs. Ok lang, kahit lumubog ako" paliwanag pa niya.
Kagaya ng dati ay hindi ko pinakita sa lahat ang tunay kong nararamdaman. Nag dinner kami ni Eroz para icelebrate ang first day ko. Nagawa ko pang makitawa sa mga kwentl niya. At nang umuwi at naiwang magisa sa aking kwarto ay tsaka ko iniyak ang lahat.
Hindi man lang nabigyan ng justice ang sakripisyo ko nuon. Sa loob ng halos walong taon na ipinangako ko ang sarili ko sa kanya ay ito ang matatanggap ko. Ang kailanganing tanggapin na may iba na siya. Kung alam ko lang na ganito, sana ay ginamit ko ang walong taon para kalimutan siya.
Inabala ko ang aking sarili sa externship kasama si Attorney Marcus. Ilang hearing ang pinuntahan namin. Mas lalo akong naging interisado sa tuwing ang kaso ay malapit sa naging kaso nuon nila Papa. Nasaksihan ko din kung gaano kagaling na abogado ito.
"You can take your break. Ms. Torres" nakangiting sabi niya sa akin pagkabalik namin sa law firm, matapos ang ilang hearing na pinanggalingan namin.
Imbes na dumiretso sa office ay muli akong lumabas para dumaan sa coffee shop sa labas. Simula ng naglaw school ako ay na addict na ako sa kape. Halos gawin ko na nga iyong tubig.
Pagkapasok pa lang sa coffee shop ay naamoy ko na kaagad ang kape kaya naman mas lalo akong natakam. Hindi naman gaanong mahaba ang pila pero puno ang cafe.
Matatagalan pa ang order ko kaya naman pinaupo na muna ako ng barista para maghintay. Nang lumingon ako para humanap ng mauupuan ay nagulat ako ng makita ko si Cairo duon.
Magisa siya sa pangdalawahang upuan. Abala sa harap ng kanyang laptop. Nagiwas kaagad ako ng tingin duon. May mahahanap pa naman siguro akong ibang upuan. Ngunit wala, kaya naman dahan dahan ang lakad na nagawa ko palapit sa kanya.
"Uhm...Can I seat here?" nautal pang tanong ko.
"I'm with someone" seryosong sabi niya at nagulat pa ng magangat ng tingin.
Umigting ang kanyang panga at nagulat ako ng mabilis niyang isinarado ang laptop. Para may something duon na hindi ko pwedeng makita.
Nagpalinga linga ako. "Wala ka namang kasama" laban ko.
Umigting ang kanyang panga. "I'm waiting for Gertie" galit na sagot niya sa akin.
Napanguso ako. "Can I seat here, habang wala pa siya? Take out naman ang order ko" sabi ko pa.
Tumalim ang tingin niya sa akin pero nagawa ko pa siyang ngitian. Sige lang Tathi, ganyang ganya mo din nakuha ang atensyon nuon. Let's give it a try.
Napaayos siya ng upo at nagiwas ng tingin. "You can seat, but not too long. May nag mamay-ari na ng upuan na iyan" sabi pa niya sa akin kaya naman napatango ako at dahan dahang napaupo duon.
Shuta Tathi! Konting respeto naman sa sarili mo! Ayaw niya! Muntik pa akong mabuwal kahit paupo na, nanghihina ang aking tuhod. Alam kong may laman ang kanyang sinabi.
Umigiting ang kanyang panga ng makaayos na ako ng upo. Sumimsim siya ng kape habang sa labas pa din nakatingin. Hinihintay niya talaga ang pagdating ni Gertie. Ganyan din kaya siya nuon, naghihintay sa pagdating ko sa mansyon?
"Ka...Kamusta ka na?" tanong ko, nanginig pa ang boses ko. Shuta Tathi!
"Fine" tamad na sagot niya na para bang ayaw niya akong kausap.
Tipid akong ngumiti at tumango. "Ako din, Ayos lang" sabi ko na lang. Mukha kasing wala siyang balak na tanungin ako.
"I can see that. Kailan ang kasal niyo ng pinsan ko?" mapanuyang tanong niya na ikinalaglag ng aking panga.
"Hindi kami ni Eroz..." sabi ko sa kanya. Mukhang hindi niya iyon narinig dahil kaagad siyang napatingin sa paparating.
"What took you so long?" tanong niya dito. Napaangat ako ng tingin at nakita si Gertrude.
Nakaramdam ako ng panliliit dahil dito. Ito nanaman. Sinalubong niya ito ng halik sa pisngi. He seems inlove. He is inlove with her.
"Tathriana!" nakangiting bati nito sa akin.
Alanganin akong napangiti sa kanya. Nanghihina akong tumayo. Andito na ang nagmamayari ng upuan kaya naman kailangan ko ng umalis.
"You can sit with us. Hingi tayo ng spare seat" suwestyon niya na kaagad kong inilingan.
Magsasalita pa sana ako ng mabilis na sumabat si Cairo. "I want us to be alone" sabi nito kay Gertrude kaya naman mas lalo akong napasinghap. Nanlambot ang aking tuhod.
Paulit ulit akong tumango. "Tama, aalis na ako" sabi ko sa kanila. Hindi ko na nagawa pang magpaalam ng tawagin na ang aking pangalan.
Walang lingon lingon akong lumabas ng cafe. Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag ng makalayo na duon. That seat is mine...before. That's should be our alone time.
Wala ako sa sarili habang papasok sa law firm. Naging abala sa kabilang building para sa magiging okasyon bukas. Isa iyong meeting para sa lahat ng empleyado at mga investors para sa pagbabalik ni Sir Alec Herrer sa companya.
Ininvite ako ni Eroz duon. Pero nagdadalawang isip ako na pumunta. Kahit alam na iyon ni Attorney Marcus ay pakiramdam ko, hindi ako dapat pumunta duon.
"May problema?" tanong ni Kuya Cayden sa akin kinagabihan. Nang makita ko siya ay kaagad akong yumakap sa kanya.
Marahan akong umiling. "Wala...namiss ko lang ang Bulacan" sabi ko pa.
Ibinaba niya ang hawak na Ipad at hinarap ako. "Sabihin mo sa akin, alam ko" sabi niya pa na ikinakunot ng aking noo.
Napairap siya ng mapansing wala akong balak na magsalita. "Handa akong magpatalo kay Jasper. Kung saan ka sasaya..." makahulugang sabi niya sa akin bago niya ako hinila at niyakap.
Kahit may pagdadalawang isip ay sumama ako kay Eroz kinaumagahan. Sa ilalim ng aking suot na itim na blazer ay isang royal blue fitted dress.
Marami ang tao sa loob at engrande ang buong lugar. May ilang politiko at ilang sikat na artista din akong nakita. Medyo nahiya pa ako dahil kilala si Eroz ng halos lahat dito. Napapahigpit na lamang kapit ko sa braso niya sa takot.
"Are you ok?" nakangiting tanong niya sa akin. Tipid akong ngumiti at tumango.
Bago pa niya ako mapakilala sa parents niya ay nagsimula na ang program kung saan nagsalita sa harapan si Cairo. Hindi ko maiwasang mapanganga habang nakikinig sa kanya. Ito siya, ang lahat ng ito ay para sa kanya.
Minsan naiisip ko, paano kaya kung hindi siya umalis nuon? Paano kung hindi ko siya tinulak palayo?
Matapos niyang magsalita ay sinundan ko ang pinuntahan niya. Sa lamesang iyon ay ang mga kapatid niya at ang mga asawa nito. Ano kayang pakiramdam na umupo kasama sila? Sa iisang lamesa.
Kumunot ang noo ko ng may makita akong pamilyar na mukha. Si Seraphine Serrano ba iyon?
Naputol ang pagtitig ko duon dahil sa pagdating ng ilan pang importanteng bisita. "Ang mga Silvestre at Montero" rinig kong sabi ng ilang bisita.
Napatingin ako duon at nakita si Gertrude. Galing siya sa malaki at malapangyarihang pamilya. Bagay na bagay kay Cairo.
"Ipapakilala kita sa kapatid ko" sabi ni Eroz at hinila ako patungo sa kung saan.
"Xalaine, Si Tathi" tawag niya dito. Napanganga ako sa ganda ng kanyang kapatid.
Ngumiti ito sa akin at bumeso. "I heard alot about you. Bukambibig ka ng kakambal ko" nakangising sabi niya sa akin. Mas lalo akong napanganga dahil duon at napatingin kay Eroz pero ngumisi lang siya.
"And by the way. This is her fiance, Rafael Silvestre..." pakilala nito sa akin sa isang gwapo ding lalaki.
Napapalakpak si Xalaine. "Dalhin mo si Tathi sa Bulacan" sabi nito sa kapatid na ikinakunot ng aking noo.
Ngumisi si Eroz. "Sa Sta. maria sila ikakasal" sagot niya sa akin.
Hindi na ako nakawala kay Xalaine Herrer. Inimbita ako nito na dumalo sa kanilang kasal sa sta. maria kung saan hindi na ako nakatanggi pa.
"May internship ako nun" pamomorblema ko kay Eroz.
Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Ako na ang bahala" paninigurado niya.
Natahimik ako ng sa gitna ng aming paglilibot ay Napadpad kami sa lamesa kung nasaan ang mga kapatid niya. Hindi kagaya kanina ay kulang na sila.
"Kakandidato ba si Kenzo?" natatawang tanong ni Tadeo Herrer. Nakatingin sila sa kung saan ni Piero Herrer.
Ngumisi si Piero. Si Cairo naman ay matalim ang tingin sa akin. "Walong taon niyang hinintay iyan. Hayaan niyo siya" nakangising sabi ni Eroz sa mga ito.
Nagtaas ng kilay si Piero sa akin kaya naman nagiwas ako ng tingin. "Si Cairo lang naman ang hindi marunong maghintay sa amin eh" sabi pa nito.
Nagangat ako ng tingin at nakita ang pag ngisi ni Cairo. Pinaglaruan ang hawak na wine glass.
"I don't chase" madiing sabi niya.
Nanatili ang titig ko sa kanya. Alam ko, sinabi na niya iyon sa akin. "I don't beg" pahabol pa niya.
Ngumisi si Piero. "So you moved on?"
Kumunot ang noo ni Cairo. "From whom?" nakangising tanong niya.
Hindi ko gusto kung saan ito papunta. Gusto ko sanang hilahin si Eroz palayo duon pero hindi ko magawa.
"I thought, May girlfriend ka nuon...saan nga iyon? Bulacan?" si Tadeo Herrer.
Napangisi si Cairo. "You got it all wrong. I don't have any" sagot niya sa mga ito at tumingin sa akin.
Nilabanan ko ang tingin niya. Tama siya, there was never an us.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro