Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 52

Gertrude




Umuwi kami ng Bulacan ng sumunod na araw pagkatapos ng graduation namin ni Charlie sa law school. Ilang araw kaming mananatili dito bago kami bumalik ng Manila para simulan ang internship namin sa Jimenez law firm.

Mahirap makakuha ng slot duon. Bukod sa madami ang may gusto na magintern duon ay kaunti lang ang slot na binibigay nila. Sinubukan pa kaming tulungan ni Eroz dahil pamilya din nila ang nagmamayari nuon, ngunit nagmatigas kami ni Charlie na gusto naming paghirapan ang slot namin. Dumaan kami sa tamang proseso at parehong nakuha.

"Congrats!"

Panay ang bati sa amin ng mga kapitbahay. Ang iba pa nga ay tuwang tuwa habang ikinikwento sa amin ni Charlie kung paano nila kami nasubaybayan sa paglaki at ngayon ay magaabogado na.

"Ang ganda ganda mo na ngayon, Tathriana" sabi ng isa sa kanila. Napadpad pa kami ni Charlie sa lamesa kung nasaan ang kilalang mga chismosa sa aming lugar.

Tipid akong ngumiti sa kanila. Nakakahiya naman. Hindi ako sanay!

"Iba talaga ang nagagawa ng pera" sabat ng isa sa kanila sabay tawa. Nalaglag ang panga ko dahil duon.

Hinampas siya ng isa sa kanyang mga kasama. "Ano ka ba, maganda naman talaga itong si Tathi. Medyo dugyot nga lang dati, hindi marunong magsuklay at madumi" nakangising sabi pa ng isa.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis. Napanguso na lang ako at nang ngiting aso na nagpaalam sa kanila para batiin ang iba pa naming bisita.

"Wag mo ng pansinin at inggit lang ang mga iyon. Pustahan tayo may dala pa iyong mga plastick!" Sabi ni Charlie na ikinangisi ko.

Pareho na lang kaming natawa ng maalala naming gawain din namin iyon dati. Na sa tuwing may pupuntahan kaming handaan ay mayroon kaming dalang supot para may maiuwi kami.

Matapos ang ilang araw na bakasyon sa probinsya ay naghanda na ulit kami para bumalik sa Manila. Hindi ko maiwasang mapatulala sa malawak na palayan sa tabi ng aming bahay. Hindi ko kailanman naisip na mararating ko kung nasaan man ako ngayon. Parang isang panaginip ang lahat.

"Saan dadalhin iyan, Kuya?" tanong ko kay Kuya Jasper ng makita ko siyang naglalabas ng ilang plastick ng chicharon. Siya na ang pinaghandle ni Mama ng chicharon bussiness namin, at sa nagdaang taon ay mas lalo itong nakilala.

"Kila Manang Bobby, sa mansion ni Gov" sagot niya sa akin kaya naman kaagad akong nagpresintang ako na lang ang magdadala duon.

Bitbit ang mga idedeliver na chicharon ay nilakad ko ang patungo sa mansion. Kagaya ng dati, kung paano ako araw araw na naglalakad tuwing umaga para pumasok duon para maging hardinera.

"Magandang umaga po" bati ko kay Manong guard.

Kaagad lumaki ang kanyang ngiti ng mamukhaan niya ako. "Ikaw pala iyan, Tathriana. Ibang iba ka na ah, para kang artista!" nakangiting puri nito sa akin.

"Hindi naman po!" nahihiyang sabi ko sa kanya pero hindi siya nagpapigil. Medyo nagtagal ako kay Manong guard dahil sa mga kwento niya sa akin, natawa pa siya ng makita ang hawak kong chicharon.

Papalapit pa lang ako sa may front door ng marinig ko na ang sigaw ni Manang Bobby sa aking pangalan.

"Tathriana!" sigaw niya sabay salubong ng yakap sa akin. Mabilis kong ginantihan ang yakap ni Manang, ngayon alam ko na kung ano ang bra size niya. Goals talaga itong si Manang eh!

"Proud na proud kami sayo! Biruin mo, ang dumi mo lang dati tapos ngayon..." namamanghang sabi niya sabay pasada ng tingin sa aking kabuuan.

Napanguso ako. "Manang talaga, grabe kung makadumi" pagmamaktol ko.

Pabiro niya akong hinampas sa braso at kaagad ba inakay papasok sa mansion. Naramdaman ko ang panlalamig ng muli akong makatungtong duon, marami na ang nagbago sa loob ng ilang taon. Kahit nga ang mga puting buhok ni Manang Bobby ay hindi na kayang takpan ng pangtina.

"Anong gusto mo? Kape, juice?" pagaasikaso niya sa akin kaya naman mas lalo akong nahiya. Hindi ako sanay na inaasikaso ako ng ibang tao. Mas sanay akong, ako ang inuutusan.

Pagkadating sa dinning ay kaagad na lumipad ang aking mga mata patungo sa may garden, nanduon pa din ang lamesa, kung saan palaging nakaupo si Senyorito baby nuon.

"Coffee, Attorney?" nakangising tanong ulit ni Manang. Ngumiti ako at tumango bilang sagot sa kanya.

Muling bumalik ang tingin ko sa may garden. Sa malayong bahagi ay nakita kong wala na ang rattan na duyan. May kung anong gumuhit na sakit sa aking dibdib.

"Manang, asaan na po ang duyan?" tanong ko sa kanya. Naabutan ko siyang nagsasalin na ng kape sa may tasa.

"Itinapon na at matagal na iyong nasira" sagot niya sa akin kaya naman mas lalo akong nalungkot. Hindi ko alam kung bakit. Pero pakiramdam ko ay isang malaking parte ng childhood memories ko ang nawala.

"Pati nga iyang lamesa ay itatapon na. Papalitan, luma na kasi" sabi pa ni Manang kaya naman mas lalong nalaglag ang aking panga.

Wala ako sa aking sarili ng iabot niya sa akin ang isang tasa ng kape. Sandali siyang nagpaalam ng tumunog ang telephone sa may sala. Imbes na manatili duon ay lumabas ako sa may garden dala ang tasa ng kape.

Para akong lumulutang sa ere ng nagbalik sa akin ang lahat ng alaala, maging ang pakiramdam na maglakad duon na may hawak ng isang tasang kape palapit sa naghihintay na si Senyorito baby ay bumalik din sa akin. Masakit, nakakamiss. Nakakamiss siya.

Mapait akong ngumiti ng napatitig ako sa upuan kung saan siya laging nakapwesto. Tama si Manang, masyado na itong luma. Kita na ang kalawang at huling huli na ito sa mga bagong disenyo ngayon.

Umupo ako duon at tinanaw ang buong garden. Dito kami nagsimula, dito nangyari ang lahat. Kusang tumulo ang luha ko ng makita ko kung paani niya ako nakikita sa mga araw na iyon. Habang abala ako sa pagaayos ng halaman at siya ay tahimik na nakaupo dito at abala sa kanyang trabaho.

Hindi ko alam na kailangang abutin ng walong taon, para mapatunayan kong handa akong pakawalan siya para sa ikabubuti niya. Is this all, really worth it?

"Paano kung may iba na?" malungkot na tanong ko sa kawalan.

Sunod sunod na tumulo ang aking mga luha. Natawa na lang ako ng tumulo din ang sipon ko. Nakakapanira talaga ng pagdradrama ang pagiging dugyot ko. Nakakainis!

"Kailangan mong tanggapin, kung mayroon ng iba. Ang mahalaga, masaya siya. Diba, Tathi? Basta masaya si Senyorito Baby" pagpapaintindi ko sa aking sarili.

Matapos ang ilan pang catch up kay Manang Bobby at sa ibang kasambahay duon ay nagpaalam na din ako.

"Sa susunod na uwi mo ba'y may tarpuline ka na diyan sa may arko?" nakangising tanong niya sa akin.

Napanguso ako. "Susubukan ko po"

Inirapan niya ako "Pa-humble pa itong dugyot ba ito. Porket, nagkalaman na ang dibdib mo!" pangaasar niya sa akin na ikinalaki ng aking mga mata.

Wala sa sarili akong napahawak sa aking magkabilang dibdib. "Talaga po, Manang? Mayroon na?" excited na tanong ko.

Napatawa ito. Itinaas niya ang kamay niya sa aking harapan para ipakita kung gaano iyon karami. "Kaunti lang, kailangan mo pa ding magpatulong sa boyfriend mo" pangaasar niya.

Humaba ang nguso ko. Asang asa na ako eh. "Wala po akong boyfriend"

Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Sa ganda mong iyan?" pangaasar pa niya.

Sinimangutan ko si Manang. "Sige na nga po at libre na iyang chicharon" pagsuko ko kaya naman napapalakpak siya.

"Ipagdarasal kong magkaboyfriend ka na" nakangising sabi pa niya kaya naman napailing na lang ako. Si Manang talaga!

Hapon ng araw na iyon, lumuwas na kami ni Charlie pabalik ng manila. Sa penthouse pa din kami ni Kuya Cayden nagstay dahil hindi na rin siya palaging nanduon dahil sa trabaho.

"Miss ko na kaagad ang Bulacan" nakangusong sabi niya sa akin.

"Tara gym?" nakangising yaya ko sa kanya. Kaagad na sumigla ang kanyang mukha. Sinasabi ko na nga ba!

Matapos ang ilang araw ay sumunod na din sina Mama at Kuya Jasper pabalik sa Manila. Nagkaroon na din kasi kami ng ilang outlet ng chicharonan dito.

"Tomorrow is your big day" nakangiting sabi ni Eroz sa akin bago niya itinaas ang wineglass for a toast. Magkasabay kaming sumimsim bago ako muling ngumiti sa kanya.

"Kinakabahan nga ako eh"

Nabigla ako ng hawakan niya ang kamay kong nakapatong sa itaas ng lamesa. Bumaba ang tingin ko duon ngunit hindi ko magawang bawiin iyon sa kanya. Pakiramdam ko, maooffen ko siya or worst masaktan ko siya pag ginawa ko iyon.

"Kaya mo iyan" pagpapalakas niya sa aking loob.

Dahan dahang nawala ang pagaalinlangan ko sa paghawak niya sa aking kamay. Sa mga nagdaang taon na kasama ko si Eroz at sa tuwing nasa tabi ko siya sa mga importanteng okasyon ay naging magaan na ang loob ko sa kanya. Na para bang alam ko sa sarili ko na kailangang nanduon siya. Sanay na ako na nanduon siya.

"Susunduin kita bukas. Magcelebrate ulit tayo" sabi pa niya na kaagad kong tinanguan.

Matapos naming magdinner ay inihatid niya na ako sa penthouse. Hindi na kami nagpagabi pa lalo at first day namin bukas sa law firm. Papasok kami ng tower ng makasabay namin si Kuya Cayden. Busangot na kaagad ang mukha niya ng makita ang aking kasama.

"Bakit lumabas ka pa? May pasok na bukas ah" sita niya sa akin na tila mo'y ako pa din ang menor de edad na si Tathi.

Napanguso ako at tsaka siya inirapan. "Kuya, nagdinner lang kami ni Eroz"

Nanatili siyang nakasimangot kaya naman lumapit na ako sa kanya at kumapit sa kanyang braso. Napakamot na lang si Eroz sa kanyang batok ng magpaalam ito sa akin.

"See you tomorrow" nakangiting paalam niya sa akin. Hindi siya napigilan ng matalim na tingin ni Kuya at nakalapit pa siya sa akin para humalik sa pisngi.

Dahil sa nangyari ay mas lalong sumimangot ito. "Ano't nagpapahalik ka? Kayo na ba?" masungit na tanong niya. Napatawa ako ng makita ko ang repleksyon niya sa pintuan ng elevator. Ang sungit!

"Hindi po. Kuya Attorney" pangaasar ko sa kanya.

Napatingin din ako sa repleksyon ko at nakitang mahaba na ulit ang aking buhok. Hindi na ako si snow white.

"Wag mo akong biguin. Tathriana, hindi ako papayag na matalo ni Jasper" sabi nita na ikinakunot ng aking noo. Matalo saan?

Pati tuloy si Charlie ay inaway ni Kuya pagkapasok namin sa may penthouse. Naabutan namin itong nakahiga sa sofa at pangiti ngiti pa habang abala sa kanyang cellphone.

"She needs freedom. At sumama naman siya with her own will. Ayos lang yan, Kuya" pangangatwiran ni Charlie sa Kuya ko ba kaagad kong tinanguan. Dumiretso ako sa may kitchen para uminom ng malamig na tubig. Silang dalawa ay nanatili sa may sala.

"Bahala kayong dalawa" pagsuko ni Kuya at nauna ng umakyat sa kanyang kwarto.

Muntik na akong mabilaukan ng nakasimangot na lumapit si Charlie sa akin sa may kitchen.

"Ikaw ang may kasalanan nito, Shuta ka" akusa niya sa akin na nginisian ko lang.

"Kaibigan ko si Eroz"

Pagod siyang umupo sa aking harapan. "Sinabi niyang gusto ka niyang ligawan. Yang mga paglabas niyong yan, parte yan ng panliligae niya. As long as sumasama ka, ibig sabihin pumapayag ka!" pangaral niya sa akin.

Naibaba ko ang hawak kong baso sa may kitchen counter. "Alam niyang si Cairo ang gusto ko..." pagdadahilan ko.

Pinanlakihan ako ng mata ni Charlie. "Sabihin mo sa kanya. Baka umaasa si Eroz. Wag kang magmaganda at malaking gulo yan" sita pa niya sa akin bago niya ako iniwang magisa duon.

Hindi ako halos nakatulog ng maayos ng gabing iyon. Kahit gusto kong maghanda para sa unang araw ay hindi ko nagawa. Ilang linggo na din ang lumipas simula ng nalaman kong bumalik na siya, pero hindi man lang nagtagpo ang mga landas namin.

"Hindi ka na talaga nagpakita" sabi ko sa kanya sa kawalan. Totoo siya sa mga sinabi niya nuon, na hinding hindi ko na siya makikita at hindi din niya ako hahabulin.

Medyo masakit tuloy ang ulo ko kinabukasan dahil sa kakulangan sa tulog. "Ang sarap ng tulog ko!" pangiinggit ni Charlie. Malaki ang ngiti niya habang halos yakapin na niya ang kanyang cellphone. May love life ang isang ito! Madaya!

Inirapan ko siya habang nagsasalin ng kape mula sa may coffee maker. Nagtoast na din ako ng bread. Maagang umalis si Kuya Cayden para sa isang kaso.

"Pangarap ko lang ito dati" sabi ni Charlie habang nakatingala. Napanguso ako, ako din.

"Ipakilala mo na ako sa boyfriend mo, kung ganuon" pangaasar ko sa kanya.

Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Kilala mo to, shuta!" nakangising sabi niya na ikinalaki ng aking mga mata.

"Sino!?" pasigaw na tanong ko.

Humagalpak ito ng tawa dahil sa aking naging reaksyon. "Wag kang OA! Hindi ang Kuya Jasper mo!" asik niya sa akin. Nakahinga ako ng maluwag at napahawak sa aking dibdib.

"Shuta ka! Sasampalin kita diyan eh" sita niya sa akin ng makita niya kung gaano ako nakampante na hindi sila ni Kuya.

"Kung ganuon sino?" pangaasar ko na lang para hindi na siya mabadtrip.

Muling bumalik ang ngiti sa kanyang labi. Inlove nga talaga ang shuta!

"Si Leo!" tumiling sagot niya.

"Si Sir Leo!?" hindi makapaniwalang sambit ko. Tingnan mo nga ang isang ito! Crush niya lang dati, Jowa na niya ngayon!

Panay ang suway ko kay Charlie habang nasa byahe kami. Sa sobrang saya niya ay baka maapektuhan pa ang pagmamaneho niya at maaksidente pa kami.

"Pwede na akong mamatay" nakangising sabi pa niya.

"Ikaw lang. Wag mo akong idamay" asik ko kaya naman inirapan niya ako.

"Wag kang magalala. Hindi ako papayag na mamatay na virgin!" bulgar na sabi niya. Ito na nga ba ang sinasabi ko, naexposed kami masyado sa syudad at sa law school.

"Aray ko!" daing ko ng hampasin niya ako sa braso.

"Wag kang painosente, kung hindi ko lang alam ay nakipaghalikan ka nung nalasing ka sa bar!" asar niya sa akin na ikinalaki ng aking mga mata. Saan niya nakuha iyon?

Mas lalo siyang napangisi. "Lasing na lasing ako nun! Ikaw ang may kasalanan!"

Hindi nawala ang ngisi niya. "Ok lang yun. Hinayaan talaga kita for experience" sabi pa niya na ikinalaglag ng panga ko. Ang probinsyanong si Charlie ay tuluyan na ngang kinain ng syudad. Tsk. Tsk. Makakahanap din ito ng katapat niya.

Isang beses iyon after ng final exam namin bago ang graduation. Nagkayayaan kaming magkakaklase na lumabas ay mag bar. Hindi ako sanay uminom kaya naman ng malasing ako ay hindi ko na alam ang mga nagawa ko. Mabuti na lang at hanggang sa halik pa lang ang inabot ko.

Inayos ko ang aking suot na white blazer, white sleeveless top at cream pencil cut skirt. Pagkababa ko ng sasakyan ay kaagad na kaming dumiretso ni Charlie papasok sa loob ng Jimenez Law Firm.

Ang kabilang building ay sa mga Herrer, isa din duon ang building kung nasaan ang companya ni Eroz.

"Welcome to the Jimenez law firm" nakangiting bati sa amin ni Attorney Marcus Jimenez.

Kakilala siya ni Kuya Cayden kaya naman nahiya pa kami ng siya mismo ang nagtour sa amin sa buong firm. Ipinakilala niya din kami sa mga importanteng taong makakasama namin duon.

"Don't worry. Hini hectic ang sched niyo dito, I know that you need to review for the bar. You can review here also, lalo na at may sarili naman kayong cubicle" sabi pa niya sa amin. Nagkatinginan tuloy kami ni Charlie dahil hindi kami nagkamali sa pagpili dito.

Nasa kalagitnaan ng pagpapaliwanag si Attorney Marcus ng mapahinto kami, maging siya sa pag dating ng nakangiting si Eroz.

"Ano at naligaw ka dito?" nakangising puna sa kanya nito.

"Good morning, Tito" bati niya dito sabay tingin sa akin. Alanganin akong ngumiti sa kanya pabalik dahil sa tingin ni Attorney Marcus sa amin.

"Mukhang araw arae kitang makikita dito, Eroz? Kailangan ko na atang kausapin si Axus"

Pinalobo ko ang magkabila kong pisngi. Bigla tuloy akong nahiya kay Attorney. Baka kung ano ang isipin niya.

"Nakagawa na ako ng schedule para sa mga intern ko ngayon. Mabuti pa at bumalik ka na sa opisina mo. Hindi ko hinahayaang paligawan ang mga intern ko, kahit pamangkin ko pa yan" pangaasar ng kanyang Tito sa kanya. Mas lalong uminit ang magkabilang pisngi ko kaya naman pinandilatan ako ng mata ni Charlie.

Nagkahiwalay kami ni Charlie para sa unang araw ng intern. May hearing si Attorney Marcus, kaya naman para sa una kong Legal externship ay isasama niya ako duon samantalang si Charlie naman ay maguumpisa sa clerkship.

Ipinakilala niya na din sa amin si Attorney Ericka Enriquez. Siya ang magtratrain sa amin at magle-lead ng aming internship.

"Saan kayo nagkakilala ng pamangkin ko?" tanong nito sa akin ng palabas na kami ng firm.

"Sa Bulacan po" sagot ko na ikinatango niya. Bigla siyang naging abala sa kanyang phone.

Napahinto din ako ng lakad kagaya niya ng bigla siyang makatanggap ng tawag. "Si Tita? Sige, pakisabi kay Clark na siya na muna ang magsub sa akin" seryosong sabi niya sa kausap.

Nagulat ako ng pumihit ulit siya papasok. "Change agenda. Sa mga Herrer tayo" sabi niya na ikinagulat ko.

"Kay Eroz po?" tanong ko.

Ngumisi siya sa akin na parang nangaasar pa.

"Sa Herrer real estate. Kay Cairo Herrer" sagot niya. Halos mawalan ako ng hangin sa katawan.

Gustihin ko mang tumakbo palayo sa kanya ay alam kong hindi professional iyon. Kailangan kong maging professional dito.

Mabibigat na hakbang ang nagawa ko habang lumilipat kami sa kabilang building. May extension hall kung saan hindi mo na kinakailangan pang lumabas para makapunta sa kabilanh building.

"May contract signing, kaya part pa din ito ng intern mo" nakangiting sabi ni Attorney sa akin ng pumasok kami sa elevator.

Ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay. Hindi ko alam na ganito kabilis didinggin ang hiling ko na makita siya ulit.

Pagkabukas ng elevator sa tamang palapag ay may sumalubong kaagad kay Attorney. "Nasa loob na po sina Madam Pia Herrer, Sir Alec Herrer at ang magkapatid na sina Sir Tadeo at Piero Herrer..." sabi sa kanya ng babae. Nanatili akong tahimik na nakikinig sa kanila. Kahit papaano ay maayos pa naman ang paghinga ko ng hindi ko narinig ang kanyang pangalan.

"Si Cairo?" tanong ni Attorney. Siya na ang nagvoice out ng kanina ko pang inisiip.

"Nasa isang meeting pa po, matatapos na din po iyon. In a minute, Attorney" sagot nito na tinanguan ni Attorney Marcus.

Nilingon niya ako at iginaya papasok sa loob ng malaking conference room. Halos mapasinghap ako ng makita ko ang dalawang lalaking parehong naka itim na suit. Seryoso silang naguusap na dalawa at magkamukha sila! Kamukha nila si Senyorito baby!

Bayolente akong napalunok ng mapatingin  pa sa akin ang isa. Nakakatakot ang tingin niya. Pero mas napasinghap ako ng makita ko si Sir Alec herrer. Nanginig ang aking tuhod. Hindi ko alam kung maayos pa ba ang lakad ko.

Sandali lang silang napatingin sa akin dahil abala sa paguusap. Sa gitna ay si Madam Pia Herrer, istrikto din ang itsura nito. Nakakatakot.

"Hindi ba sasama sa atin sina Maria at ang mga asawa niyo?" tanong niya kay Sir Alec at sa mga apo.

"Hindi na Abuela. Maiinip lang sila dito" sagot nung isang mas mukhang mabait.

Pinaupo ako ni Attorney Marcus, napaayos ako ng upo ng makita kong madilim ang tingin sa akin ng isa pang kamukha ni Senyorito baby. Kumunot lang ang kanyang noo at nagiwas din ng tingin.

Halos hindi ako makagalaw. Pinapalibutan na ako ng mga Herrer, mukhang hindi nila alam na ako ang anak ng nanakit kay Sir Alec. Para akong bibitayin sa loob ng malaking conference room na ito.

Natahimik ang lahat ng may pumasok na isang babae. Napasinghap ako ng ianunsyo niya ang pagdating ng kanilang CEO.

Wala pang ilang minuto ay kaagad na nanuyo ang aking lalamunan ng makita ko na siya. With his gray suit, properly combed hair. Mas tumangkad at mas nadepina ang ganda ng kangang katawan. Hindi ako nakagalaw sa aking kinauupuan habang nakatitig sa kanya.

Walong taon ko siyang hindi nakita. Para akong aatakihin sa puso habang nakatitig sa kanya. Mas lalo akong nanlamig ng magtama ang aming mga mata. Kita ko ang bahagya niyang pagkagulat. Ngunit, mabilis din siyang nakabawi.

Uminit ang magkabilang gilid ng aking mga mata ng unti unting bumaba ang aking mata sa kanyang brasong nakahawa sa bewang ng isang magandang babae.

Matamis ang ngiti nito. Maganda ang suot at may malaking laso sa kanyang ulo. Para siyang isang manika. At mukhang mas bata pa sa akin.

"Gertude, Hija!" tawag ni Madam Pia dito.

Mabilis siyang lumapit sa matandang Herrer ay humalik dito. Napatayo na din si Attorney Marcus para lapitan ang babaeng mukhang importante sa pamilyang ito.

"Gertrude Montero" tawag ni Attorney sa kanya. Matamis siyang ngumiti dito.

"Tito Marcus"

Kaagad kong naramdaman ang panlalabo ng aking mga mata. Gusto kong tumakbo palabas dito. Hindi ako kabilang dito. Wala akong kakilala dito. Wala akong kilala!

Malungkot akong napatingin kay Senyorito baby. Nabigla pa ako ng makita kong nakatingin din siya sa akin. Ngunit, walang kaemoemosyon ang tinging iyon. Ang tingin na dating punong puno ng adorasyon ay blanko na ngayon.

Mabilis akong yumuko ng maramdaman ko ang pagtulo ng aking luha.

"Should I expect a Montero-Herrer merge soon?" nakangiting tanong ni Madam Pia sa mga ito.

"I don't think so, Abuela" si Piero Herrer. Napaangat ako ng tingin, nagulat ako ng makita kong nakatingin siya sa akin. Ngumisi siya at nagtaas ng kilay.

"I know, Cairo won't fail me" pagbibida niya.

Yes. Madam Herrer, He will not fail you.









(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro