Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 51

Worth it




Nilabanan ko ang titig niya sa akin. Tiningnan ko siya sa parang matatandaan ko ang buong mukha niya. Ang mukhang hindi ko alam kung makikita ko pa pagkatapos nito.

Matalim ang tingin niya sa akin. Namumula ang kanyang mga mata, bada din ang pisngi dahil sa pagtulo ng kanyang mga luha. Hindi ko kailanman naisip na makikita ko siyang umiiyak sa aking harap. Hindi ako natutuwa sa aking nakikita, nasasaktan ako na kailangan pa naming itong gawin.

Paanong naging batayan na kailangang mong saktan ang isang tao para mapatunayan mong mahal mo siya? Hindi ba't pag mahal mo ay hindi mo sasaktan?

"Pagsisisihan mo ito, Tathriana. Sinasabi ko sayo" gigil na banta niya sa akin. Nakita ko kung paano nanginig ang labi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin kahit pa, sobrang bigat ng aking dibdib dahil sa pagpipigil. Gusto kong humagulgol sa kanyang harapan. Gusto kong mag sorry, sabihing hindi iyon ang nararamdaman ko. Na ayoko siyang umalis dahil mahal na mahal ko siya.

Hindi basehan ang edad sa pagmamahal. Alam ko kung ano ang nararamdaman ko.

"Hindi ako magsisisi!" giit ko sa kanya. Umigiting ang kanyang panga, mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin.

Humigpit ang pagkakakapit ko sa kanyang suot na tshirt ng magsimula nanamang uminit ang gilid ng aking mga mata. May kung anong bumara sa aking lalamunan dahil sa nagbabadyang pagiyak.

"Ayoko na. Hindi ba kita gusto! Narinig mo? Narinig mo yun...Senyorito baby!?" pumiyok pang sabi ko. Hindi ko na napigilan pa ang pagbuhos ang aking luha.

Naramdaman ko ang marahas niyang pagangkin sa aking magkabilang bewang. Mas lali niya akong hinapit papalapit sa kanya.

"Hindi na ikaw ang mahal ko, iniwan mo ako at iiwan mo ulit. Lagi mo akong iniiwan" umiiyak na sabi ko sa kanya.

Nabintin sa ere ang susunod ko pa sanang sasabihin ng mabilis niyang inangkin ang aking mga labi. Madiin at marahas ang kanyang halik sa akin. Para bang ang galit niya sa akin ay duon niya pinapadaan.

Sa gitna ng aming halik ay nalasahan ko ang dugo. "Aw!" mahinang daing ko ng humiwalay siya ng halik sa akin.

Pinagdikit niya ang aming mga noo, nakita ko ang pamumula ng kanyang labi dahil sa halik. Itinaas niya ang kanyang kamay at marahang pinunasan ang dugo sa aking labi.

"Mapanakit kang bata ka" matigas na sambit niya. Mas lalo akong napaiyak.

"Sabihin mong nagsisinungaling ka. Kakalimutan ko ang lahat ng sinabi mo kanina..."

Marahan akong umiling. Wag mo na akong pilitin, please. Hirap na hirap na ako. Hindi ko na kaya ang ganito.

"Pag hindi mo binawi. Hinding hindi mo na ako makikita. Hindi kita hahabulin!" giit niya.

Mariin akong napapikit. Ayoko! Ayoko ng ganuon pero anong gagawin ko? Para ito sa kanya.

"Wag na wag ka ng...magpakita sa akin. Ayaw na kitang makita ulit!" garalgal na sabi ko sa kanya.

Mulis siyang napasinghap. "Bakit?" pumiyok na tanong niya sa akin. Ramdam ko ang sakit sa kanyang boses.

Ang Senyorito baby ko, sinasaktan ko. Sinasaktan ko siya.

Isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa akin bago niya ako tuluyang binitawan. Kasabay ng pagbitaw niya ay para akong nawalan ng hangin sa katawan. Nanlamig ang buong paligid, may kung anong nawala sa akin. Ramdam ko ang kanyang pagkawala.

Tama siya. Pagsisisihan kong lahat ito. Ngunit kailangan ko ding maintindihan na parte ito ng pagmamahal ko sa kanya. Na tama ang Mommy niya, hindi ko dapat siya pigilan sa mga bagay na pwede pa niyang marating. We sometimes need to set them free.

"Happy 18th birthday, Tathriana!" nakangising sabi ni Charlie ng iabot niya sa akin ang pulang rose. Isa siya sa 18th roses ko.

Nginisian ko siya ng makita ko ang tingin niya sa aking suot na gown. Imbes na sa akin ang atensyon niya ay duon siya nakatingin.

"Pa-try nito ha" nakangising sabi niya. Pabiro ko siyang hinampas sa braso.

Binigyan ako ng engrandeng debut ni Daddy. Sila ni Kuya Cayden ang nagpumilit na ganito kahit pa mas gusto namin ni Mama ng simpleng handaan lang.

Sa bawat araw na ipinapakita ni Daddy sa akin na gusto niya akong alagaan at kung gaano niya ako kamahal ay natutunan ko na ding tanggapin siya. Mananatiling Papa ko si Papa Theodore, pero alam kong maiintindihan niya kung tatanggapin ko din ang Daddy Richard ko. Pareho ko silang mahal.

Nagsuggest man sila na lumipat na kami nila Mama sa kanilang malaking bahay ay hindi kami pumayag. Mas gusto pa din namin ang bahay namin. Kung saan ako lumaki at nagkaisip, kung saan malapit ako sa mga kaibigan ko.

"Dalaga na ang Tathi namin" nakangising  sabi ni Kuya Jasper sa akin ng siya naman ang punalit kay Charlie para isayaw ako. Napanguso ako ng pinagtaasan niya ako ng kilay. Alam ko na ang susunod nito.

"Pwede ng magboyfriend!" pangaasar niya sa akin na ikinalaki pa ng aking mata. Buong akala ko ay pagbabantaan nanaman niya ako na bawal pa. Pero heto siya't mukhang payag na.

Marahan akong umiling. "Pag abogada na"

Napanguso si Kuya. Marahan niyang hinaplos ang aking ulo. "Pag abogada na" paguulit niya na para bang mas nagustuhan niya ang aking sagot.

Si Kuya Cayden ang susunod sa kanya kaya naman imbes na dalhin papunta duon ay bahagya pa niya akong nilalayo. Napatawa kaming dalawa ng makita ko ang pagsimangot ni Kuya Cayden.

"Ako lang ang Kuya ni Tathi" laban niya dito. Hindi na nakapagpigil pa si Kuya Cayden at nakasimangot na itong lumapit sa amin ni Kuya Jasper para kuhanin ang kamay ko.

"Ako naman. Kanina ka pa, ano ikaw lahat?" iritadong sabi ni Kuya dito.

Inirapan siya ni Kuya Jasper, labag sa loob niyang ibinigay ang kamay ko dito. Inirapan din siya ni Kuya Cayden. Ano ba tong mga lalaking to? Mga uma-Attitude!

"Happy birthday" sabi ni Kuya bago ako hinalikan sa pisngi. Matamis ko siyang nginitian bago kami sumabay ng sayaw sa kanta.

"Ateneo law school na?" tanong niya sa akin. Tumaas ang isang sulok ng aking labi .

Palagi kaming nagtatalo kung saan ako magaaral para sa law school. Gusto ko sana sa UP. Pero sinabi sa akin ni Kuya na mas maganda kung mag Ateneo ako dahil duon sila graduate ni Daddy.

Mas lalo akong napangisi ng makita ko ang  pagaabang niya sa aking sagot. Dahan dahan akong tumango na ikinatuwa niya.

"Ateneo law school" pagsuko ko.

Mabilis na naexcite si Kuya na ibalita kay Daddy ang naging desisyon ko. Napapailing na lang ako dahil imbes na ienjoy namin ang sayaw ay tungkol duon na lang ang napagusapan namin.

"Tama na yan!" si Kuya Jasper mula sa mga lamesa. Natawa ako ng hinanap talaga si ni Kuya Cayden para samaan ng tingin.

"Ang epal..." inis na sabi niya bago niya ako dinala sa susunod na magsasayaw sa akin.

Tipid akong ngumiti ng makita ko kung sino ito. Alam kong kasali siya sa 18th roses ko, pero hindi ko inakala na sa last dance siya inilagay.

"Amoy, airport ka pa ah" pangaasar ni Kuya Cayden sa kanya bago tuluyang ibinigay ang kamay ko dito.

Hindi niya pinansin ang Kuya ko. Nanatili lang ang titig niya sa akin. "Proxy ba ako?" nakangising tanong niya.

Napanguso ako at marahang umiling. "Eroz Axus Herrer, ang nakalagay duon" sabi ko sa kanya kaya naman mas lumaki ang ngisi niya.

Inabot niya sa akin ang bulaklak at tsaka kami bumalik sa gitna para magsayaw. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya. Siya nanaman ang nakikita ko dito.

"Happy birthday" nakangiting bati niya sa akin. Natawa ako ng tumulo ang luha sa aking mga mata.

"Sorry...Sorry" paghingi ko ng paumanhin. Hindi ko din alam kung bakit naiiyak ako ng makita ko si Eroz.

Marahan niyang pinisil ang aking kamay. "You missed him so much?" marahang tanong niya sa akin.

Walang pagdadalawang isip akong tumango. "Sobra" pumiyok na sabi ko. Hindi ko magawang magsinungaling.

Simula nung umalis siya ay hindi ko ba siya nakita ulit. Ni ang mag message at tawag ay nawala na din sa amin. Walang kahit anong communication, bukod sa alam ko ang lahat ng achievements nita abroad. Kung wala sa internet news ay nasa mga magazine iyon. Kumpleto ako ng mga iyon.

"He's doing fine" sabi pa nito na tinanguan ko. Alam ko, ito siguro yung sinasabi ni Ma'm Maria na worth it. Na tama siya, kung hindi ko itinulak si Senyorito baby palayo ay hindi ganito.

Nakita ko ang nagaalalang tingin ni Eroz sa akin kaya naman pinilit kong tunawa sa kanyang harapan. Ayokong magalala siya sa akin. "Amoy airport ka nga. Chocolate naman diyan" biro ko pa sa kanya para pagaanin ang atmosphere sa pagitan namin.

Napangisi siya. "Marami akong uwi para sayo" pagbibida pa niya.

Nanatili si Eroz sa sta. maria para sa pag manage ng rice mill. Hindi nga lang kagaya ng dati ay panay din ang balik niya ng Manila at Spain. Grabe talaga itong mayayaman na ito, ginagawang probinsya ang espanya.

Hindi naging madali ang mga huling taon namin ni Charlie sa college. Pero dahil pareho kaming determina at pareho naming gustong maging abogado ay nakagraduate kami.

"Congrats!" hiyaw niya bago ako niyakap at tsaka kami nagtatatalon na dalawa.

Kumpleto ang aming mga pamilya. Kahit papaano ay civil na sina Mama at Daddy sa isa't isa. Kahit pa pareho ng walang mga asawa ay alam ko kung gaano kamahal ni Mama si Papa, at palagi din naman niyang pinapaalala iyon sa akin.

"Isang campus nanaman tayo!" pangaasar ni Kuya Cayden sa akin na nasa kanyang 3rd year na law school.

Binigyan ni Daddy si Charlie ng scholarship sa Ateneo kaya naman hindi namin kailangang mamorblema, hinding hindi kami maghihiwalay na dalawa.

"Basta, si Jimenez law firm din tayo magintern ha!" Si Charlie. Kumunot ang noo ko, hindi ko alam kung bakit gustong gusto niya duon.

"Tathi! Mangako ka!" asik niya sa akin maya naman mabilis akong tumango. Itinaas ako pa ang kamay ko para ipakita sa kanyang nangangako ako.

Nang magsimula na kami sa law school at pareho kaming na culture shock ni Charlie.  Pareho kaming umiiyak kay Kuya Cayden ng mga unang gabi namin sa kanyang penthouse. May sari sariling kwarto kami duon pero halos magsumiksik kami ni Charlie sa sofa para lang magkatabi.

"Sa una lang yan" nakangising sabi sa amin ni Kuya Cayden.

Mahirap pa lang malayo sa sta. maria. Sobrang lungkot, lalo ba at nalayo ako kina Mama at Kuya Jasper.

"Mamahalin ang inodoro niyo, pero namamahay ang pwet ko. Sa susunod na uwi ko ng bulacan kukuhanin ko ang sa amin at dadalhin dito" Sabi ni Charlie ba ikinatawa ko. Siraulo talaga!

Hanggang ngayon ay nalulula pa din kami ni Charlie sa ganda at laki ng syudad. Sa tower pa lang kung nasaan ang penthouse ni Kuya Cayden ay sumusuka na ng ginto. Ilang linggo lang ay nakapagadopt na din kami ni Charlie.

Halos malula kami sa allowance na ibinibigay ni Daddy sa amin. Kaya nama ng matutong mag shopping ay panay ang mall namin. Natuto na din kaming magpasalon at magpamassage sa tuwing stress kami sa law school.

"Ito ang papalakihin natin. Marami akong nakitang workout for that" Si Charlie sabay turo sa dibdib ko.

Kaagad kong tinapik ang kamay niya ng bumukas ang elevator. Pareho kaming nakapang workout. Bababa kami para magpunta sa gym ng tower. May workout room naman si Kuya sa penthouse niya pero iba ang habol ni Charlie. Boys is lifer nga naman para sa kanya.

"Shuta!" hiyaw ko ng paluin niya ang isang pisngi ng pangupo ko ng mas lalo siyang maexcite ng makitang maraming tao sa gym ngayob at halos lalaki.

"Kalma mo matress mo" asar ko sa kanya.

Inirapan niya. "Sorry ka, wala ako nun kaya hindi ako kakalma" laban niya sa akin. Napailing na lamang ako bg nauna na siyang pumasok duon.

Black sports bra, black legging at black running shoes ang suot ko. Pagpasok ko pa lang sa gym ay nakakita na kaagad ako ng mga pamilyar na mukha. Halos lahat kasi ng nasa tower na ito ay nakikita ko din sa Ateneo.

"Hi. Tathi!" bati sa akin ni Bayron. Isa sa mga kaklase namin ni Charlie sa law school. Nginitian ko siya ay kinawayan, nagiwas kaagad ako ng tingin ng makita kong nakatingin din sa akin ang mga kasama niya.

Duniretso ako sa threadmill. Hindi ko alam kung nasaan si Charlie pero alam kong mahahanap din ako nuon mamaya. Pag nagsawa na siya sa pag boy haunt niya.

"Tangeners, ilang araw lang ako dito. Wala wala pa akong balita kay Seraphine" rinig kong sabi ng lalaki sa katabi kong threadmill.

Hindi ko sinasadyang lingonin siya. Napanguso ako ng makita ko kung gaano siya kamacho, gwapo at lalaking lalaki. Pero, tangeners?

Muntik ba akong madapa sa pagtakbo ng mapatagal ang tingin ko sa kanya at mabilis akong nagiwas ng tingin ng makitang nakatingin na din siya sa akin.

"Tathriana. Andito yung crush kong sinasabi ko sayo" maarteng sabi ni Charlie.

Wala akong nagawa kundi ang pahintuin ang threadmill at lingonin ang nagiinarte kong kaibigan. "Akala ko ba, papalakihin natin ang dibdib ko?" tanong ko sa kanya. Inuna pa kasi ang panlalalaki.

Pareho kaming natigilan ng tumikhim ang lalaki sa aking katabing threadmill. Akala ko ay sasama ang tingin niya sa akin, pero nagulat ako ng kay Charlie siya matalim na tumingin.

"Yun ay kung may pagasa pa yang dibdib mo! Mag boyfriend ka na at ng makita natin" si Charlie na hindi man lang pinansin ang lalaking masatalim ang tingin sa kanya.

"Augustine" tawag ng isang lalaki. Nanlaki ang aking mga mata, pamilyar ang lalaking tumawag sa aming katabi. Isa iying law professor sa Ateneo.

Augustine ang tinawag niya sa lalaking katabi namin. Nagulat ako ng kumapit si Charlie sa akin. "Hihimatayin na ako" maarteng bulong niya sa akin.

"Leo, you stay here?"

"Leo is the name" maarteng sabi ni Charlie tukoy sa professor na hinahaunting  niya sa Ateneo.

Hindi tuloy nanin napansin na halos makinig na kami sa paguusap ng dalawa. Nagibg audience pa kami in an instant. Ok lang, chismis ito! Mahilig kami ni Charlie dito.

"Ilang araw lang ako dito. Babalik ulit ako sa states" sabi nung lalaking tinawag ni sir Leo na Augustine.

Sa huli ay halos mamula kami ni Charlie sa hiya ng pareho silang napatingin sa pakikinig namin. "What are you looking at?" galit na utas nung Augustine. Napanguso ako, ang gwapo sana. Pero hindi naman ako tinatapunan ng tingin, titig siya kay Charlie. Shuta!

Nasa 2nd year kami ng law school ng nagkaroon ng malaking kaso si Daddy. Sa sobrang laki nuon ay kinailangan pa nilang magtungo dito sa manila. Kasama niyang lumuwas sina Mama at Kuya Jasper para pansamantalang tumuloy sa isa pang bahay nila dito sa Manila.

"Mas malapit ka na pala ngayon" Nakangiting sabi ni Eroz.

Niyaya niya akong magdinner matapos ang isa sa mga major exams namin. Mas naging busy na din siya ng tuluyan siyang mag take over sa Automotive company ng kanilang pamilya. Biruin mong ang dating boss kong nagbubuhat ng dalawang sako ng bigas ay CEO na.

"Hiyang ka sa Manila" puna pa niya. Uminit ang magkabilang pisngi ko dahil duon. Maingat akong sumimsim ng wine.

"Hmp. Bola!" asar ko sa kanya. Pareho kaming natawa dahil duon. Hindi ko inakala ang magkikita ulit kami sa isang hotel restaurant kung saan hindi uubra ang nakasanayan kong tshirt at pantalon.

Nasanay na din akong magsuot ng dress at heels. Maging ang bag na gamit ko ay branded dahil sa tuwing lumalabas ng bansa si Daddy ay kung ano ano ang pinapasalubong niya sa akin, maging kay Mama.

"Can I date you again?" tanong ni Eroz sa akin ng ihatid niya ako sa tower ng penthouse ni Kuya after ng dinner.

"Uhm...pag hindi busy?" natatawang sagot ko sa kanya. Alam kong busy din siya sa companya nila. Lalo na't may Herrer pang hindi umuuwi galing sa Spain.

Ngumiti siya sa akin at tumango. Nagulat ako at hindi nakagalaw ng dahan dahan siyang humilig sa akin. Hindi na ako nakapagprotesta pa ng marahan niya akong halikan sa aking pisngi.

"See you around, Tathi" malambing na sabi ni Eroz.

Sa pagtagal namin sa Manila at sa unti unti naming pagkasanay sa buhay syudad ay nagkaroon na din kami ng mga kaibigan ni Charlie. Kahit papaano ay nakakasabay kami sa mga sosyal naming mga kaklase.

"After law school. It's more convinient to take your internship while preparing for the bar exam" si Lorriane. Isa sa mga naging kaibigan namin.

Pareho kaming napatango ni Charlie. Hindi pa din nagbago ang desisyon niya na  sa Jimenez law firm kami magiintern after ng law school graduation.

Bago kami mag 3rd year ay nagkaroon ng malaking celebration ng makapasa si Kuya Cayden sa bar examination. Top notcher! Just like Dad.

"Attorney Cayden David Santos"

Sa isang hotel restaurant ginanap ang celebration kasama ang buong pamilya at ilan niyang malalapit na kaibigan. Saktong nasabay iyon sa invitation ni Eroz sa akin kaya naman imbes na kumain kami sa labas ay isinama ko na lang siya sa celebration ni Kuya.

Ipinakilala ko siya kay Daddy. Hindi naman naging maganda ang timpla ni Mama na marinig na isa itong Herrer.

"Ma, kaibigan ko po si Eroz. Mabait siya" paliwanag ko sa kanya.

"Ok lang yan Tita. Ilang taon na lang abogada na din si Tathi. Ipakulong na lang niya pag may ginawang masama" Si Kuya Jasper, napangisi ako dahil duon kaya naman sinimangutan kaming pareho ni Mama.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng bumulong si Charlie sa akin. "Wala akong masabi sa mga Herrer. Pero wag mo akong palubugin. Team Cairo ako, pag ako hindi lumayag...hindi lang dibdib mo ang lalaki!" banta niya sa akin na ikinalaglag ng panga ako.

Mas lalo pa akong nagulat ng lumapit si Kuya Cayden sa amin, hinawakan nito ang balikat ni Charlie. "Lubog, Charlie!" nakangising sabi niya dito.

"Ang sarap lumayag" parinig naman ni Kuya Jasper.

Ano bang nangyayari sa mga lalaking to?

"Maraming salamat sa invitation" Si Eroz ng ihatid ko siya palabas ng restaurant after ng kainan.

"Wala iyon..."

Imbes na magpaalam na ay nanatili pa siya sa aking harapan. Napansin kong may gusto siyang sabihin pero nahihirapan siya.

"Tathi. Can I date you again?" tanong niya.

Napanguso ako. "Oo naman, libre ko naman sa susunod" sabi ko pa pero marahan siyang umiling.

"I mean. Date you for real. Tathi, Can I court you?" tanong niya sa akin.

Mula sa mariing pagkakapikit ay napadilat ako. Sa isang pikit ay naalala ko ang lahat ng nangyari sa nakaraan. Naramdam ko ang lamig ng buong Venue. Isang patak ng luha ang naramdaman ko sa aking pisngi.

Nakangiti akong tumingala at bumulong sa hangin. "Para ito sayo, Papa" emosyonal na sabi ko.

Matapos ang apat na taon sa college at apat na taon din sa Law school ay bar exam na lang ang kailangan para maging ganap na akong abogado.

Umiiyak si Mama ng yakapin ako pagkatapos ng graduation ceremony. Panay din ang iyak ni Charlie at Tita. Uuwi kaagad sila bukas para bisitahin si Tito sa bulacan bago kami maghanda para sa internship at bar review namin.

"Uuwi din kami sa Bulacan, para bisitahin ang puntod ni Theodore" sabi ni Mama sa mga ito.

Kagaya ng mga nakasanayan nilang celebration na intimate ay sa isang hotel restaurant kami kumain.

"Magpapakain kami sa sta. maria at magpapavideoke, inuman din!" sabi ni Charlie. Bigla din akong naexcite na umuwi duon. Ni hindi ko na namalayan ang panahon. Sa isang kurap, ito na kaagad ako. Malapit na sa aming pangarap.

"Sagot ko na ang alak. Celebration para sa paguwi ng kaibigan ko galing ng Spain" si Kuya Cayden. Nanlaki ang mata ni Charlie at napapalakpak pa.

Tipid akong napangiti at nagiwas ng tingin. Hindi ko maiwasang maging emosyonal.

Senyorito baby, it's all worth it. 









(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro