Chapter 50
Don't cry for me
Matapang kong sinalubong ang matalim na tingin ni Ma'm Maria sa akin. Gusto ko mang magiwas ng tingin dahil sa takot ay hindi ko na magawa. Ramdam ko din ang panginginig ng aking mga kamay. Ilang beses na akong nainsulto ng mga tao, sa salita man o sa tingin.
Pero iba ngayon. Mommy siya ni Cairo. Ang isiping hindi ako gusto ng Mommy niya ay malaking bagay.
"Tita..." tawag ni Eroz sa kanya ng mapansin niya ang aking takot. Naramdaman ko pa ang kamay niyang humawak sa akin.
Nakita ko kung paano sumunod ang mata ni Ma'm Maria duon sa pagkakahawak sa akin ni Eroz. Sandali siyang nagtaas ng kilay bago nagiwas ng tingin.
"We need to talk, Eroz" matigas na sabi niya dito.
"Sige po, Tita" hahakbang na sana ito palapit sa tiyahin ng muli niyang kaming sinamaan ng tingin.
"Si Miss Torres" pinal na sabi niya sa amin bago pa niya kami tinalikuran at dumiretso sa office ni Eroz.
Bayolente akong napalunok at napayuko. Uminit ang magkabilang gilid ng aking mga mata. Takot ako sa kanya, pero mas takot ako sa pwede niyang ipagawa sa akin.
"Sasamahan kita" si Eroz.
Napasinghap ako, natawa ng may tumulong luha sa aking mga mata. Bago ko pa man mapunasan iyon ay nauna na siya. Napatitig ako kay Eroz dahil sa kanyang ginawa.
Nakikita ko si Cairo sa kanya, malaki ang pagkakahawig nilang dalawa. Sa itsura, sa kilos, sa tindig. Kung tunay ngang nakalimot ako, baka totoong magustuhan ko si Eroz. Pero hindi, hindi ako pinagbigyan ng pagmamahal ko kay Cairo. Hindi niya ako pinagbigyan na makalimutan ito.
Tahimik akong pumasok sa office ni Eroz. Duon ay naabutan kong nakaupo na si Ma'm Maria sa sofa, inaasikaso na din siya ni Alice at naglapag ng isang basong tubig sa kanyang harapan.
"Thank you" tipid na ngiting sabi niya dito bago nagpaalam si Alice at lumabas. Mas lalo akong kinabahan ng maiwan na kaming dalawa.
"Take a sit" seryosong sabi niya sa akin at itinuro ang sofa sa kanyang harapan.
Nataranta ako, dahil duon ay halos tumama na ang tuhod ko sa center table. Nagulat pa siya ng mapadaing ako at bahagyang gumalaw ang lamesa dahil sa pagtama ng aking tuhod. Napakagat ako sa aking pangibabang labi dahil sa sakit nuon, napahawak na lang ako sa aking tuhod.
"Ikaw si Tathi?" tanong niya sa akin bago siya sumimsim ng tubig.
Marahan akong tumango. "Tathriana...Torres po" pagpapakilala ko, nahirapan akong sabihin ang aking apleyido pero hindi ko kayang itakwil si Papa. Mahal ko siya.
Sandaling natahimik ito bago ko narinig ang pagbuntong hininga niya. "My son...Cairo" paguumpisa niya.
Tumigil siya sandali at tumikhim, dahil duon ay nagangat ako ng tingin sa kanya. Para bang iyon ang gusto niyang mangyari, ang tumingin ako sa kanya habang nagsasalita siya.
"Sa kanilang magkakapatid, siya lang ang sumunod sa yapak ng Daddy niya. Bata pa lang, he wants to make his Daddy proud. He never failed in that, Until..." muli siyang napatigil at napatitig sa akin.
Nanlabo ang aking mga mata. Si Ma'm Maria pa lang yung nakakagawa nito sa akin. Na sa mga tingin pa niya, parang sinampal na ako ng katotohanan. Na ang pangarapin si Cairo ay parang umaabot ng bituin sa langit. You will enjoy it, you will see it. But you can never have it.
"Ilang taon ka na nga ulit, Hija?" pagiiba niya ng usapan.
"16 po. Pero malapit na mag 17!" biglang bawi ko.
Bahagyang tumaas ang kilay niya at nagiwas ng tingin. "Too young, you're still a minor"
Nanginig ang aking mga daliri. Itinaas ko ang kamay ko at ipinakita ang dalawang daliri ko sa kanya. "2 years na lang po, 18 na ako" laban ko pa sa kanya. Napanguso siya dahil sa aking ginawa.
"23 pa lang si Cairo. Kung itutuloy niya ang pagalis, mas mahihigitan pa niya ang Daddy niya. He was born to rule the family bussiness..."
"Mahal ko po siya" matapang na sabi ko, pinutol ang kanyang sinabi.
Tumigas ang ekspresyon ng mukha nito. Imbes na mas lalong matakot ay pinandigan ko ang aking sinabi.
"Bata ka pa. Magbabago pa iyan" akusa niya sa akin. Iiling na sana ako ng mapaiktad ako ng hampasin niya ang lamesa. May natapon pang tubig dahil duon.
"I want the best for my son!" tumaas ang kanyang boses. "I love them, I love Cairo, and as his mother. Ginagawa ko ito dahil ito ang makakabuti sa kanya" pumiyok na sabi nito.
Pareho na kaming emosyonal ngayon. "Hindi ganito si Cairo, ngayon niya lang kami sinuway. He is always there for our family. Hanggang sa mas pinili niyang manatili dito, para sayo? Sa anak ng taong muntik ng pumatay sa kanila?" nabato ako sa aking kinauupuan ng makita ko ang kanyang pagiyak. A mother longing for her son.
"Muntik na silang mawala sa akin!"
Tumulo ang aking masasaganang luha dahil sa aking nakikita. Alam ko kung paano ang sakit na muntik ng mawalan. Alam ko iyon dahil ako mismo, nawalan.
"Patay na po ang Papa ko" pumiyok na sabi ko sa kanya. Walang tigil ang aking mga luha.
Gusto ko sanang hilingin na sana ay mapatawad na nila ito pero alam kong kalabisan iyon.
"Even so..." sabi niya at nagiwas ng tingin sa akin.
Bumagsak ang tingin ko sa aking mga hita. Ilang patak ng luha ang nakita ko duon.
"Bata ka pa, Tathi. May makikita ka pang iba. Let my son go, he needs to go..." pakiusap ni Ma'm Maria sa akin.
Nalaglag ang panga ko. Hindi ko kinukulong si Cairo dito, siya mismo ang pumili na manatili dito.
"You need to push him away. You need to help him decide. Please, Tathi" pakiusap pa niya sa akin na mas lalong nagpalaglag sa aking panga.
"Masasaktan po siya" paalala ko sa kanya. Mariin siyang napapikit at marahang tumango. Ayos lang sa kanya?
"Masasktan din po ako" pumiyok na sumbong ko sa kanya. Alam kong wala siyang pakialam sa nararamdaman ko, pero gusto ko lang malaman niyang mas masakit na saktan ko si Senyorito baby.
Marahan niyang pinunasan ang luha sa kanyang mga mata. "Bata pa kayo. Kung kayo talaga ang para sa isa't isa..."
"Ipapakasal niyo po siya sa mayamang babae. Ayaw niyo po sa akin, kaya kahit kami ang para sa isa't isa, baka hindi na" umiiyak na sabi ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang aking bibig na sabihin iyon.
"Ayaw niyo po sa akin para kay Cairo. Alam ko po..." dugtong ko pa. Basang basa na ang aking pisngi dahil sa pagiyak.
"I won't do that. Hayaan mong ang panahon ang magdikta niyan, hindi ko gagawin iyan sa anak ko" laban niya sa akin.
Hindi na ako nakasagot pa. "Kung mahal mo talaga ang anak ko, papakawalan mo siya. He'll be great, makikita mo Tathi, magiging worth it ang lahat ng sakit pag dating ng araw" paliwanag niya pa sa akin.
Napahawak ako sa aking dibdib, sobrang bigat at sakit. Parang hindi ako makahinga. Hindi ako naniniwala. Hindi ako naniniwala na worth ang sakit. Bakit pa kailangang masaktan kung pwede namang hindi?
"Hindi kita matatanggap sa ngayon...para sa anak ko"
Itinakip ako ang aking palad sa aking bibig ng sunod sunod na lumabas ang mga hikbing hindi ko na napigilan.
"I'm too young when I got married. Trust me, this is worth it. My son needs to go, at ikaw ang makakagawa nuon, Tathi..." sabi pa niya sa akin.
Dumiin ang hawak ko sa aking magkabilang tuhod. Isipin ko pa lang na itulak palayo si Cairo sa akin at masakit na, paano ang communication? Magch-chat pa din ba kami? Araw araw pa din ba niya akong tatawagan. Uuwi ba siya sa mga special na okasyon?
"Paano po?" umiiyak na tanong ko sa kanya. Dahil hindi ko alam kung sa paanong paraan ko siya sasaktan para umalis siya.
Pumungay ang mata ni Ma'm Maria ng muling kaming magkatinginan. "Salamat, Tathi" sabi niya sa akin na para bang sigurado na siyang gagawin ko ang kanyang utos.
Ilang beses akong bayolenteng napalunok. "Paano po kung hindi ko magawa?" natatakot na tanong ko sa kanya.
Tipid siyang ngumiti sa akin. "Galit ako sa pamilya niyo...pero kinausap kita ng mahinahon. Hindi kita pinagbuhatan ng kamay. That's what you call respect. At bilang ina ni Cairo, I demand the same thing" diretsahang sabi niya sa akin.
"You are not welcome in our family. Pero pag dating ng araw, I'll give it a try. Patunayan mo sa akin kung ganuon" hamon niya sa akin.
Nanginig ang labi ko. "Hindi ko po ito gagawin para matanggap sa pamilya niyo. Para po ito kay Cairo" laban ko sa kanya.
"Then do it!" marahas na utos niya sa akin. Mukhang naubos na ang pasencya.
Iniwan niya akong umiiyak duon. Napasubsob na lang ako sa aking magkabilang palad. Hindi nga niya ako sinaktan pero ang bigat aa dibdib ng mga sinabi niya sa akin. Alam kong mahirap sa kanya na kausapin ako ng mahinahon. Nagawa pa niyang makiusap sa akin, para dito.
Nagawa niyang makiusap sa akin kahit parte ako ng pamilya na umagrabyado sa kanila. Anak ako ng taong bumaril sa asawa at anak niya. Muntik na siyang mamatayan ng asawa. Naiintindihan ko.
"Naiintindihan ko po..." umiiyak na sabi ko sa kawalan.
Mas lalong bumuhos ang luha ko ng maramdaman ko ang presencya ni Eroz. Wala siyang sinabi, kaagad lang siyang tumabi sa akin at niyakap ako.
Parang walang nangyari ng mga sumunod na araw. Nagawa ko pang makipagtawanan kay Charlie sa school, nakakain pa ako ng maaayos at nakipagsabayan pa sa pagkain ni Charlie.
"May problema ba, Tathi?" tanong ni Cayden sa akin.
Napatigil ako sa pagtawa dahil sa kanyang tanong. "Oo naman! Masaya ako" nakangiting sabi ko sa kanya. Nagigting ang kanyang panga na para bang alam niyang may mali. Oo nga pala't magaabogado ito.
"Masaya ako. Kanina pa nga ako tunatawa" sabi ko sa kanya para ijustify ang peke kong saya.
Parang may kung anong bumara sa aking lalamunan dahil sa titig ni Cayden sa akin. Dahil lang duon ay parang pinapaamin niya na ako. Mas lalo akong natawa kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.
"Oh tears of joy?" nakangising asar ni Charlie sa akin. Mabilis akong tumango.
"Cr break!" sabi ko at kaagad na tumakbo palayo sa kanilang dalawa.
Maging sa aming bahay ay hindi ko ipinakita kina Mama ang tunay kong nararamdaman. Pag dating sa kwarto, pag ako na lang magisa ay tsaka lang bubuhos ang aking mga luha.
"Anak ayos ka lang ba? Kinausap ako ng Kuya Cayden mo" si Mama.
Imbes na sagutin ay nilapitan ko siya at niyakap. Nagulat pa siya nung una pero kaagad ding gumanti sa akin.
"Torres ako, Mama. Ako si Tathriana Torres" sabi ko sa kanya na tinanguan niya. Hindi ko kailangang baguhin ang apleyido ko para lang matanggap ng iba.
Hindi ko gagawin ito dahil gusto kong matanggap ako ng mga Herrer. Gagawin ko ito dahil tama si Ma'm Maria. Cairo needa to go, he was born for this. Bago pa man niya ako makilala, he was already promised to their family bussiness.
"Miss Tathi!" tawag ni Junie sa akin. Tipid ko siyang nginitian.
"Mamaya, fiesta sa dulong bayan. Kainan!" excited na sabi niya sa akin.
"Yehey" sabi ko sabay palakpak. Imbes na makitawa ay natigilan pa si Junie. Kumunot ang kanyang noo.
"Eh bakit ka umiiyak?" tanong niya sa amin. Napahagikhik ako ng mas lalong tumulo ang aking mga luha.
"Tears of joy!" deklara ko.
Napangisi siya. "Lechon!" sabi pa niya.
Imbes na makitawa pa ay binilisan ko na ang lakad patungo sa office. Ang traydor kong mga luha ay kaagad na tumulo ng matanaw ko siya sa malayo.
Diretso ang tingin ko sa may hagdan patungo sa office pero nanatili si Cairo na nakatayo duon at naghihintay sa aking pagdating.
"Kain tayo ng lunch" yaya niya sa akin, sinubukan niya akong hawakan ng mabilis akong umiwas sa kanya.
"Tapos na ako" sabi ko sabay iwas ng tingin sa akin.
"Hindi pa ako kumakain, tara" yaya pa din niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Imbes na matakot sa aking matalim na tingin ay kumunot lang ang kanyang noo.
Napasinghap na ako ng hawakan niya na ang pisngi ko. Muling tumulo ang traydor kong mga luha.
"Bakit ka umiiyak?" matigas na tanong niya sa akin. Na para bang kasalanan sa kanya na makitang umiiyak ako.
Pinalo ko siya sa dibdib. Hirap na hirap na ako. Paulit ulit ko siyang hinampas, hinayaan niya ako hanggang sa nang mapagod ako ay kaagad niya akong hinila para yakapin.
"Sino ang nagpaiyak sayo?"
Halos malukot ang likod ng suot niyang tshirt dahil sa pagkakapit ko. "Ikaw! Dahil ayaw mong umalis, ayokong nandito ka. Gusto na kitang umalis!" asik ko sa kanya. Habang sinasabi ko iyon ay mas lalong humihigpit ang kapit ko sa kanya.
"Hindi mo gusto, alam ko" laban niya sa akin kaya naman mas lalong nanginig ang labi ko dahil sa pagiyak.
"Hindi ko alam ang gusto ko!"
Tumaas ang gilid ng kanyang labi. "Basta ang alam ko, gusto mo ako" pagyayabang niya.
Hinampas ko siya sa likod kaya naman napadaing siya. "Ang kapal ng mukha mo!" hiyaw ko at mas lalong nainis ng tumawa siya.
Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. "Hindi kita iiwan hangga't hindi mo ako naaalala" pinal na sabi pa niya.
Mabilis akong kumalas ng yakap ng bumukas ang pintuan ng office ni Eroz. Lumabas ang nakangiting si Alice kaya naman napaayos ako ng tayo. Nanatili naman ang titig ni Cairo sa akin.
"Cairo, sabay na tayong kumain" yaya niya dito. Halos hindi ako tinapunan ng tingin nito. Si Cairo lang ang nakikita niya.
"Si Tathi ang kasabay ko" laban niya dito.
Matahas akong umiling. "Hindi ako kakain, kayo na lang" sabi ko at kaagad silang tinalikuran.
"Tathriana!" tawag niya sa akin na hindi ko na pinansin pa.
Ginawa ko ang trabaho ko sa office hanggang sa oras na para bumaba ako. Nanatili akong kalmado, nagiisip kung paano ko siya tuluyang mapapaalis.
"Guard ka na ba ng hagdan dito?" tanong ko kay Cairo ng maabutan ko siya sa may baba ng hagdan. Kagaya kanina.
Nanatili ang titig niya sa akin. "Hinihintay kita" sagot niya.
Napanguso na lang ako at nagiwas ng tingin. Hinawakan niya ako sa siko ay pinilit na iharap sa kanya. Tinabig ko ang kamay niya.
"Wag mo nga akong hawakan. Sinisira mo ang diskarte ko sa crush ko" laban ko sa kanya. Magsisinungaling ka nanaman, Tathi.
Imbes na bitawan ay mas lalo niya lang akong hinila palapit sa kanya. "Dumidiskarte din ako sa crush ko" laban niya sa akin. Nakipaglaban ako ng tingin sa kanya hanggang sa halos maduling ako ng halikan niya ang tungki ng aking ilong.
"My baby is upset?" tanong niya. Kumunot ang noo ko, mabilis ko siyang inilingan.
"Uhm...My baby wants me to leave?" hamon niya sa akin.
Marahan akong tumango at nagiwas ng tingin pero nagulat ako ng ngumisi siya. "So you are, my baby" nakangising sabi niya sa akin.
Hinampas ko siya sa braso at kaagad na iniwan duon. Kung pwede lang na hampasin siya at suntukin para masaktan at umalis ay ginawa ko na. Paanong sakit ba? Gaanong sakit?
Tahimik ako sa buong trabaho. Panay ang tingin ni Eroz sa akin, imbes na suklian ang tingin niya ay nagiiwas na lang ako ng tingin.
"Sabihin mo sa kanya" utos niya sa akin. Nagulat ako ng hindi na niya napigilang lapitan ako.
"Hindi pwede"
Umigting ang kanyang panga. "Bakit? Ipaalam mo" pagtulak pa niya sa akin. Mariin akong umiling, buo na din ang desisyon ko.
"Papaalisin ko siya" matapang na sabi ko kay Eroz at nagiwas ng tingin dahil ayokong makita niya ang pagtutubig ng aking mga mata.
"Masasaktan ka"
Mapait akong ngumiti dahil sa sinabi niya. "Kailangan..." tipid na sagot ko.
Iniwasan si Cairo sa mga oras na iyon. Mabuti naman at nakisama si Eroz at mukhang alam na niya ang plano ko.
"Ito ang tubig" Wala sa sarili kong abot sa kanya. Nagulat ako ng walang Alice na nakipagsabayan sa akin. Nang hanapin ko siya ay napatigil ako ng makita ko ito sa harap si Cairo. Nakangiti habang nagaabot ng isang basong tubig.
Nilingon ako nito bago niya tinanggihan ang alok na tubig ni Alice. "Hindi ako nauuhaw" sabi niya dito.
"Kahit kaunti?" nakangising tanong nito. Ang kulit!
Marahang umuling si Cairo. Pero masyadong mapilit si Alice kaya naman ng inilapit pa niya ito ay natapos na iyon sa suot na pantalon ni Cairo. Tumulong pa siya sa pagpunas dito kaya naman nagiwas na lang ako ng tingin.
"Samahan mo na si Boss Cairo na magpalit" asar ng ibang trabahador sa kanila. Mas lalo akong napatitig sa hawak kong checklist. Hanggang maghiyawan sila ng nakasunod si Alice dito ng umalis.
"Ayos ka lang?" nagaalalang tanong ni Eroz. Tipid ko siyang tinanguan.
"Pustahan, magtatagal iyon!" rinig ko pang sabi ng ilang trabahador na kaagad sinuway ni Eroz.
"Si Boss Cairo na ata ang type ni Alice. Alam kaso niyang kay Tathi na si Boss Eroz eh" natatawang sabi pa ni Junie ng lumapit siya sa amin. Isa pa tong Junie na to!
Naikuyom ko ang aking kamao. Anong type si Cairo? Akin lang si Senyorito baby! Hanggang nandito siya sa lupain ng sta. maria akin lang siya!
Nagulat si Junie ng padabog kong inabot sa kanya ang checklist at nagmartsa patungo sa office ni Eroz. Padabog kong binuksan ang pinto, napaiktad pa ang nakaupong si Alice sa may sofa.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Alice sa akin. Hindi ko siya pinansin hanggang sa lumabas si Cairo sa may banyo, bago na ang suot niyang pantalon at may suot na ding tshirt.
"Iwan mo na muna kami, Alice" utos ni Cairo sa kanya.
Nagulat si Alice dahil duon. "Pero kay Eroz siya diba?"
Umigting ang panga ni Cairo dahil dito. "Akin siya. Hindi siya kay Eroz o kahit na kanino. Sa akin lang" diretsahang sabi nito. Laglag ang panga ni Alice ng umalis duon.
Nang tuluyan kaming maiwan na dalawa ay mas lalong bumuhos ang aking mga luha. Mabilis niyang kinain ang pagitan naming dalawa.
"Kung mambababae ka wag mong ipakita sa akin! Wag mong ipaaalam sa akin, wag mong ivideo!" umiiyak na sigaw ko sa kanya. Nagulat pa siya nung una pero kaagad din namang nakabawi.
"Hindi ako nambababae" laban niya pero umiling ako.
"Napanuod ko yung video! Hinalikan mo si Nicole. Nagpromise tayo, mamamatay ang humalik sa iba, bakit buhay ka pa!?" galit na tanong ko sa kanya.
Pumungay ang kanyang mga mata. Hinawakan niya ako sa aking pagkabilang braso. "Dahil hindi ako humalik ng iba"
Marahan niyang pinunasan ang aking mga luha. "Tathi, I was loyal to you all that time. Walang iba, ikaw lang" paninigurado niya sa akin.
Ikinulong niya ang magkabilang pisngi ko gamit ang kanyang mga palad. "Ikaw lang ang sa akin. Kahit nagkaroon ka ng iba dito...at pinsan ko pa" nasasaktang sabi niya.
Gusto ko sanang dumipensa na wala din akong naging iba dito. Pero ito na lang ang nakikita kong solusyon.
"Kamukha mo siya. At nandito siya..."
"Baby, andito na din ako" giit niya.
Halos dumugo ang pangibabang labi ko dahil sa pagkakakagat ko dito. "Ayoko ng umaalis, I want someone who stays" paos na sabi ko.
Narinig ko ang paggaralgal ng kanyang boses. "I can stay. I can stay as long as you want me to" laban niya sa akin.
Nang tinagalain ko siya ay nakita kong mapula na ang kanyang mga mata. "Naalala na kita..." pumiyok na sabi ko. Hindi niya alam kung mangingiti siya o ano.
"Naalala na kita Cairo, pero yung nararamdaman ko..."
Napasinghap siya. "No baby...No" pakiusap niya sa akin.
Sunod sunod na tumulo ang aking mga luha. "Umalis ka na. Hindi na ikaw ang mahal ko" diretsahang sabi ko. Kumirot ang aking dibdib.
"Baby..." malambing na tawag niya sa aki . Tumulo ang luha sa kanyang mga mata.
Marahan akong umiling. "I can stay, Tathi. I will stay. I'll spend my whole life with you. Baby, please..." pakiusap niya sa akin.
Napahawak ako sa kanyang damit. Sobrang higpit ng yakap ko duon habang umiiyak. "I fall out of love" pagamin ko.
Mas lalo siyang napasinghap. Nanginginig ang kanyang kamay ng muli niyang pinunasan ang luha sa aking mga mata.
"Don't cry for me, then" utos niya.
Nanginig ang kamay kong nakahawak sa kanya, ang aking mga labi. "I'm not the one for you..."
Napamura siya. "Hindi ako papayag na hindi tayo sa huli" laban niya.
Hinampas ko siya sa dibdib. "Hindi na ikaw ang gusto ko. Hindi din ako papayag na ikaw sa huli!" matapang na laban ko sa kanya. Patuloy ang buhos ng aking mga luha.
Nanlabo ang aking mga mata ng makita ko ang pagiyak niya. Bigong bigo. "Sa una ka lang..." sabi ko pa. Mas masakit, mas mapapapayag ko siyang umalis.
Umigting ang kanyang panga. "You'll regret this!" banta niya sa akin. I know.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro