Chapter 49
Naaalala
Nagiwas ako ng tingin ng makita ko kung paano gumuhit ang sakit sa mukha ni Cairo. Halatang hindi niya gustong biguin ang ama niya ngunit may pumipigil sa kanya.
Bakit hindi na lang siya bumalik ng spain? Wala naman siyang kailangan dito? Anong gagawin niya, magbubuhat ng sako kagaya ni Eroz. Titira dito sa Bulacan para saan?
Napabuntong hininga ako bago bumagsak ang aking mga mata sa lamesa kung saan nakapatong ang aking mga libro. Paano mo nga ba makakalimutan ang taong unang nagpatibok ng puso mo? Paano mo makakalimutan ang taong unang dumurog din dito?
"Hey" marahang tawag ni Cairo sa akin. Dahil sa muling pagihip ng malakas na hangin ay muling nagulo ang aking buhok. Naramdaman ko ang pagtama ng mga daliri niya sa aking pisngi ng subukan niyang ilagay ang ilang tikas ng aking buhok sa likod ng aking tenga.
"Kailan ang balik mo sa Spain?" tanong ko sa kanya.
Hindi nagbago ang kanyang ekspresyon. Malambot pa din iyon habang inaayos ang aking buhok. I saw how gentle he is while doing it to me. Na para bang gustong gusto niya na inaalagaan niya ako. Kitang kita ko iyon sa kanyang mga mata.
"Hindi na muna"
Tumitig ako sa kanya, siya nama ang nagiwas ng tingin sa akin ngayon. Magsasalita pa sana ulit ako ng bigla ng sumulpot si Charlie dala ang aming lunch.
"Mamaya na ang ice cream mo, Tathi. Matutunaw iyon, bago mo pa madilaan mukha ng dila" natatawang tukoy niya sa ice cream jelly na gusto ko.
Tumango na lamang ako kay Charlie. Muli akong bumaling kay Cairo na unang nagbaba ng plato sa aking harapan. Panay ang ngisi nito ng marinig ang reklamo ni Charlie tungkol sa mga babaeng tingin ng tingin sa aming table.
"Tama na iyan. Baka magselos si Tathi" suway ni Cairo sa kanya. Pinandilatan ako ni Charlie.
"Ay, ay...kayo na ba?" tanong niya sa amin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nalaramdam ng inis sa kanya. Ano naman kung hindi? Bawal magselos kung hindi?
Imbes na sumagot ay ngumisi lang si Cairo na mas lalo kong ikinainis. Bahala nga sila ni Charlie!
Tahimik kami sa pagkain. Kita ko pa din ang ilang tawag na mabilis na pinapatay ni Cairo. Hindi tuloy ako makapagconcentrate sa pagkain kakaisip. Tumikhim na siya at tinangkang papatayin na ang cellphone ng may isa tawag pa ulit na pumasok, sandali siyang napatitig duon bago siya napasimsim sa kanyang juice.
"I'll take this" sabi niya at nagpaalam sa amin. Tumayo siya ay lumayo kaya naman pinilit kong makakain ng maayos.
"Kayo na ulit? Naaalala mo na?" si Charlie.
Marahan akong umiling sa kanya. Nalulungkot lang ako para sa Daddy niya. Pakiramdam ko, ako ang may kasalanan kung bakit ayaw niyang bumalik sa Spain at gawin ang mga trabaho niya duon. Kita namang nahirapan din siyang tanggihan iyon.
Ngumisi si Charlie. "Kung makapagselos ka kasi, kala ko naaalala mo na" asar ni Charlie sa akin. Imbes na tumitig sa kanya ay nagiwas na lang ako ng tingin.
"Sabagay. Kung naaalala mo na, siguradong umiiyak ka pa din ngayon at galit ka sa kanya. Di ba nga, yung video" paalala pa niya sa akin. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa pagkain. Ayoko ng pagusapan.
Matapos kumain ay nagpaalam si Cairo na aalis. Naggulat pa kami na may kikitain siyang iba dito sa school bukod sa aming dalawa ni Charlie. Imbes na magtanong ay hinayaan ko na lang.
"Naku, baka babae" pangaasar niya sa akin. Inabot niya sa akin ang icecream jelly na gusto ko bilang dessert namin.
Inirapan ko siya habang binubuksan iyon."Lakompake" tamad na sabi ko pa sa kanya at tsaka kinain ang ice cream ko. Napahalakhak ang shuta dahil sa hindi ko malamang dahilan. Nababaliw na ata!
Panay ang tingin ko sa aking suot na wrist watch. Aba! Ang tagal ah. Maingat din akong nagpalinga linga para hindi malaman ni Charlie ang aking ginagawa. Aasarin nanaman ako nito.
"Oh ayan na pala" anunsyo niya. Kaagad akong lumingon sa direksyong sinabi ni Charlie habang nakasubo pa din ang ice cream sa akin.
Kumunot ang noo ko ng mapatitig ako sa kanya. Kita ko din ang pagkunot ng noo niya at pagtiim bagang ng bumaba ang tingin niya sa aking bibig
"Anong nangyari sayo?" tanong ko at napaayos pa ng upo ng umupo na siya ulit sa aking tabi.
Sinubukan kong hawakan ang kanyang pisngi pero iniwas niya ito sa akin. Ang arte!
"Oh my..." maarteng sambit ni Charlie na sinamaan ko ng tingin. Nagngiting aso siya ay napapeace sign.
"Sino ang sumuntok sayo?" nagaalalang tanong ko. May dugo ang gilid ng kanyang labi, ang kanyang pisngi ay namumula. Mukhang magkakapasa pa ata siya sa cheekbone niya.
"Wala ito" marahang sagot niya sa akin.
Hindi ako nakuntento sa kanyang sagot. Nanatili ang titig ko sa kanya. Nang mapansin niya iyon ay tumingin din siya sa akin.
Hinaplos niya ang aking pisngi. "Ayos lang ako, wag ka ng magalala" malambing na suway niya sa akin.
Hindi mawala ang titig ko sa kanya. Gusto ko talagang malaman kung saan niya iyon nakuha at kung sino ang may gawa sa kanya. Oras na malaman ko ay susuntukin ko din! Naikuyom ko na ang aking kamao, naghari na ang galit at pagkainis sa akin.
"Sino ang may gawa? Susuntukin ko" galit na sabi ko sa kanya kaya naman napangisi siya.
Pumulupot ang braso niya sa aking bewang at mas lalo akong hinila papalapit sa kanya. Imbes na magreklamo ay hinayaan ko na lang dahil sa aking pagiisip.
"I could die, just to prove everyone, How I'm inlove with you, Tathriana" seryosong sabi niya sa akin.
Dahan dahang kumalma ang aking buong sistema. Na para bang ang namuong apoy sa aking dibdib ay unti unting pinatay ng kanyang titig sa akin. He makes me calm.
Kahit anong tanong ko ay hindi na niya ako sinagot pa. Si Charlie lang ang nagsasalita habang nasa byahe kami pablik ng Sta. Maria. Ibababa namin si Charlie sa kanila bago kami didiretso sa mansion nila Governor.
"Tathriana!" sigaw na tawag ni Manang Bobby sa akin pagkababa ko sa sasakyan ni Cairo.
Nakaramdam ako ng excitement at mabilis na napatakbo sa may front door kung nasaan siya.
"Buti nakabisita ka!" sabi nito ng yakapin ko siya at gantihan din naman niya ang yakap ko.
Hindi din iyon nagtagal dahil ang buong atensyon niya ay nalipat sa taong nasa aming likuran. Napanguso ako ng bumitiw siya ng yakap. Sayang malalaman ko na sana kung anong breast size ni Manang. Gagawin ko sanang goal.
"Magandang hapon po, Senyorito" magalang na bati niya dito.
Imbes na tingnan sila ay sa loob ng bahay kaagad ang tingin ko. Marami kayang nagbago dito? Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko ng makaramdam ako ng nostalgia sa lahat ng parte ng bahay.
Sa guard house, sa may parking, sa maindoor. Sa lahat. Mga alaalang sabay sabay na gustong bumalik sa akin na hindi ko kinakaya.
"Pasok po kayo. Nagpahanda si Gov ng mirienda ng malamang dadalaw kayo" si Manang Bobby at tsaka kami hinila papasok sa loob.
Nilingon ko si Cairo at nakita kong pinasadahan din niya ng tingin ang loob ng buong bahay. Nararamdaman din kaya niya yung nararamdaman ko dito sa lugar na ito? Imbes na tanungin siya ay nanahimik na lang ako.
Gusto kong purihin minsan ang sarili ko dahil marunong na akong magpigil ng mga lumalabas sa aking bibig. Minsan.
"Tathi, balita ko ay big time ang totoong tatay mo" si Manang bobby sa kanyang usual na pagiging chismosa.
Tipid akong ngumiti sa kanya. "Mas bigtime ang bobbies niyo, Manang Bobby" nakangising sabi ko na pinagsisihan ko din naman sa huli. Sabi na nga ba't minsan lang ako nakakapagpigil.
Imbes na magalit ay napahalakhak pa si Manang. Nahihiya kong nilingon si Cairo na hindi man nakatingin sa akin at nakangisi naman.
Nanatili ang titig ko sa kanya. Nagtaas siya ng kilay ng binalingan niya ako. Mas lalo siyang napangisi habang nilalagyan ng pagkain ang aking plato.
"Ito si Tathi. Dibdib pa din ba ang iniisip mo hanggang ngayon?" natatawang tanong ni Manang. Halos sumabog sa init ang mukha ko. At dito pa talaga namin ito paguusapan kasama si Cairo.
"Hindi naman po" nahihiyang pigil ko na hindi naman niya pinansin dahil panay pa din ang tawa niya.
"Hindi naman kailangang malaki. Hindi lahat ng lalaki gusto malaki. At lalaki din yan, lalo kung ang maging boyfriend mo...uhm, magaling!" malaswa pang kwento ni Manang kaya naman halos mapatakip na ako sa aking mukha.
Mas lalong lumawak ang ngisi ni Cairo. Nakakainis! "Di ba, Senyorito?" at talagang nagtanong pa.
Tumango ito dahilan kung bakit napapalkpak si Manang na para bang napatunayan niyang tama siya sa sinabi niya kanina.
"Size, doesn't matter to me" sabi niya sabay tingin sa akin at bumaba sa aking dibdib. Pinanlakihan ko siya ng mata. Ang bastos naman talaga!
"Tama. Pag nagkaboyfriend ka, Tathi. Lalaki din yan...patulong ka sa boyfriend mo" asar pa niya sa akin.
"Manang!" suway ko sa kanya pero mas lalo lang siyang natawa.
"Yeah. Ask your boyfriend for help. I'm sure he's willing" panghahamon pa ni Cairo sa akin. Isa pa ito!
Hindi na! Hindi na! Bahala na ang dibdib ko, hindi ko na ulit sila kakausapin at makikiusap na lumaki sila. Kung ayaw nilang lumaki, magkanya kanya na lang kami!
Maraming inihandang pagkain si Manang Bobby para sa amin. Nagulat pa daw siya ng malamang kasama ako ni Cairo. Nagpasalamat naman ako at hindi ba niya tinanong pa ang parteng iyon. Basta ay masama daw siya na nakabalik kaming dalawa.
"Coffee? Senyorito" tanong ni Manang pagkatapos naming kumain ng mirienda.
Tumango si Cairo. "Sa garden na lang po, Manang" sagot niya dito kaya naman nauna na siya duon.
Sinama ako ni Manang sa kitchen para mabati ko ang mga dating kasama. Kung ano ano ang tinanong nila sa akin na nasagot ko din naman kaagad, hirap lang ako sa parte ng totoo kong ama. Hindi ko pa din kayang magkwento kung paanong sa isang iglap ay hindi na ako anak ni Theodore Torres kundi ng isang abogadong si Richard Santos.
"Kaya mo yan, Hija. Alam ko naman kung gaano ka katapang na bata ka" nakangiting sabi ni Manang sa amin.
Ako ang inutusan niyang magdala ng kape kay Cairo sa may garden. Pagkalabas ko duon ay naabutan ko siyang nakatitig sa may garden. Sinundan ko iyon ng tingin at nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang mga duwende ko.
Binilisan ko ang lakad palapit sa kanya. "Ito na po ang kape niyo, Senyorito" pangaasar ko sa kanya. Nagtaas siya ng kilay.
"Kulang"
"Huh. Ang alin?" nagtatakang tanong ko.
"Yung tawag mo sa akin. Kulang..." giit niya bago siya dahan dahang sumimsim sa kape.
Napanguso ako. "Hmp. Arte mo, Senyorito lang!" asik ko sa kanya at mabilis siyang tinalikuran para puntahan ang mga duwende ko.
Pinaghalong saya ay lungkot ang nararamdaman ko sa lugar na iyon. Masaya dahil nakabalik ako, lungkot dahil alaala na lang ang lahat. Masakit din palang isipin ang mga alalala, lalong lalo na kung gustong gusto mo iyon.
Nilingon ko si Cairo na hanggang ngayon ay nakaupo pa din sa may lamesa. Nakatingin siya sa akin, at mukhang kanina pa! Ano ako? Live show?
Nakita ko kung paano siya napabuntong hininga at kinuha ang phone para itapat sa akin.
"Anong ginagawa mo?" sigaw na tanong ko.
Nagkibit balikat lang siya at nakangiting kumuha ng aking litrato. Sinimangutan ko siya kaya naman mas lalo siyang natawa. Bilang ganti ay inilabas ko din ang cellphone ko at itinapat sa kanya para kuhanan din siya ng litrato.
Hindi na siya nakatiis pa at naglakad na palapit sa akin. "Ikakalat ko to sa internet. Ang caption..."
"Anong Caption?" tanong niya, nagtaas ng kilay na para bang nanghahamon pa.
Napanguso ako at sandaling napaisip. Hanggang sa dahan dahan niyang kainin ang space sa pagitan naming dalawa. "Ilagay mo. Senyorito Baby" sabi niya sa akin.
Hindi kaagad ako nakagalaw. Ilang bayolenteng paglunok ang nagawa ko bago ako nakabawi, napansin ko din kung paano manginig ang aking kamay na nakahawak sa aking phone.
"Senyorito Damulag..." pangaasar ko sa kanya.
Napanguso siya. Shuta!
"I like it when my baby calls me baby" nakangising sabi pa niya. Inirapan ko siya hanggang sa mabatakbo ako ng makita ko ang duyan.
Mabilis akong umupo duon, nakita ko ang pagsunod sa akin ni Cairo. Nakangiti siya habang pinapanuod akong nagduduyan duyan duon.
"Baby, patabi" pangaasar niya sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
"Ok lang na baby ako, kasi bata pa ako. Ikaw matanda ka na para tawagin pang baby!" paliwanag ko sa kanya. Ngumisi siya sa akin na mas lalo kong ikinairap. Mas lako kong pinagigi ang pagduyan.
"Uhm, gawin na kitang Mommy" sabi niya sabay halakhak. Sa sobrang galak ay napahawak pa siya sa kanyang tiyan.
Sinubukan kong tumayo sa duyan para mahampas siya ngunit patayo pa lang sana ako ng kaagad na siyang lumapit sa akin, pinagkasya niya kaming dalawa duon. Dahil sa bigat niya ay mas lumundo sa kanyang parte dahilan kung bakit halos sumubsob din ako sa kanya.
"Ang bastos bastos mo" suway ko sa kanya. Mas lalo lang siyang natawa.
"Pag abogada ka na. Taon taong malaki ang tiyan mo" pananakot pa niya sa akin.
Halos maubos ang dugo sa aking mukha dahil sa narinig. Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Ilang taon na ako non? I want a big family with you. Bata ka pa, kayang kaya mo iyon" sabi pa niya sa akin na akala mo'y isang dekada ang agwat naming dalawa.
Pinagtaasan ko siya ng kilay. "At siguradong sigurado ka diyan ha. Hindi naman ikaw ang crush ko!" laban ko sa kanya.
Napabuntong hininga siya at mas lalong hinigpitan ang yakap sa aking bewang. "Hindi ako papayag na hindi tayo. Tandaan mo yan" madiing sabi niya sa akin.
Napanguso na lang ako at hindi na nagsalita. Parang nakakatakot na kung kokontrahin ko pa ang sinabi niya.
"Bakit ayaw mo munang bumalik ng Spain?" tanong ko dahil hindi talaga iyon nawala sa aking isip.
Ipinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat. "Dahil hindi mo pa ako naaalala" sagot niya.
Nilingon ko siya. Kahit pa halos maduling na kaming dalawa dahil sa lapit ng aming mga mukha.
"Paano pag naalala na kita? Aalis ka na ulit?" hamon ko.
Ngumisi siya. "You decide. Kung ayaw mo akong umalis, hindi ako aalis" pagsuko niya.
"Eh paano yung trabaho mo?"
Nagkibit balikat siya. "Dito ako magtratrabaho, anong gusto mong bussiness?" nakangising tanong pa niya sa akin na para bang kahit anong sabihin ko ay gagawin niya.
Mabigat ang aking dibdib ng umuwi ako sa amin ng araw na iyon. Naabutan ko si Mama na tahimik na umiiyak sa may sala habang hawak ang litrato nila ni Papa.
Sibukan niyang alisin ang mga luha ng makita niya ang pagdating ko pero huli na dahil nakita ko na. Kaagad akong lumapit sa kanya at niyakap siya.
Hanggang kailan ako magkukunwari na ayos na ako? Hanggang kailan ko paniniwalain ang sarili ko na hindi na ako nasasaktan, na pagnaaalala namin si Papa ay ang masasayang alaala na lang ang maiisip namin.
"Mahal na mahal ko ang Papa mo. At alam ko ding mahal na mahal niya tayo" umiiyak na sabi ni Mama sa akin. Hindi ko na napigilang mapaiyak, ang mga luha at lungkot na matagal kong iniwasan ay bumuhos sa akin ngayon.
Ilang minuto kaming umiyak ni Mama na magkayakap. Hanggang sa hawakan niya ang aking magkabilang pisngi. "Anak, alam kong malapit ka sa mga Herrer. Pero gusto ko lang ipaalala sa iyo na may kasalanan tayo sa kanila" si Mama.
Napayuko ako ng magpatuloy siya sa pagsasalita. "Lumipas man ang panahon, hindi natin maaalis sa kanila ang galit" dugtong pa ni Mama.
Tumango na lamang ako at hindi na nagsalita. Naiintindihan ko.
Muli akong umiyak ng gabing iyon. Kagaya ng mga gabing lumipas. Tsaka ko lang nailalabas ang totoong lungkot na nararamdaman ko pag magisa na lang ako. Sa mata ng iba, ayos lang ako. Pero hindi nila alam na gabi gabi akong umiiyak dahil sa pagkawala ni Papa, gaano man ako kasaya sa araw na iyon, mabilis na napapalitan ng lungkot.
"Oh, Eroz" gulat na sambit ko ng makita kong siya ang sumundo sa akin sa may gate. Dala ang kanyang kulay pulang kitkat na payong.
"Ayokong mainitan ka" nakangiting sabi niya sa akin kaya naman napangiti na lamang din ako.
Napapalakpak si Junie habang papalapit kami sa warehouse. Ang siraulong ito!
"Boss Eroz talaga ako eh!" kantyaw niya kaya naman pinandilatan ko siya ng mata.
Iginala ko ang paningin ko sa buong paligid at duon ay nakita ko ang malungkot na tingin ni Alice sa amin. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay nagiwas kaagad siya ng tingin.
"Naglunch ka na?" si Eroz. Nginitian ko siya at tinanguan. Naputol ang tinginan namin ng lumapit si Alice, kita ko ang pagkahiya niya.
"May dala akong pagkain, para sayo Eroz..." sabi niya.
"Oh talaga, salamat. Ikaw ang nagluto?" namamanghang tanong ni Eroz dito. Napanguso ako, eat well!
Tumago si Alice at nahihiyang tumingin sa akin. Hinayaan ko na lang sila. Niyaya pa ako ni Eroz na kumain pero tumanggi ako.
"Busog pa ako"
Natigilan si Eroz. Napatingin siya kay Alice at tsaka ngumiti dito. "Mauna ka ng kumain Alice. Mamaya na lang ako, dito muna ako kay Tathi" sabi niya dito kaya naman nakita ko kung paano ito nasaktan.
Napaawang ang labi ko, sinundan ko siya ng tingin ngunit mabilis ang lakad niya pabalik sa office ni Eroz.
"Akin ka buong araw ngayon" nakangising sabi niya na ikinagulat ko. Mabilis kong iginala ang aking paningin para hanapin si Cairo.
"Wala ang pinsan mo?" tanong ko. Nagtaas siya ng kilay.
"Akala ko ba ayaw mo sa kanya?" nakangising tanong niya sa akin. Mabilis akong dumipensa, naputol iyon ng marinig namin ang pagbukas ng gate. Buong akala ko ay si Cairo na pero isang itim na SUV ang pumasok.
"Tita..." sambit ni Eroz.
Napatitig din ako duon. Hanggang sa bumaba ang driver at pinagbuksan ang nasa may backseat. Isang may edad at magandang babae ang bumaba duon.
"Tita Maria" tawag ni Eroz dito.
Nang makita ko ang matalim na tingin ng ginang ay napayuko ako. Hindi ko kinaya ang tingin niya na punong puno ng emosyon.
"Nakila tito Darren po si Cairo" si Eroz. Hindi natinag ito, lunapit siya sa amin ng hindi pinuputol ang tingin sa akin.
Paano mo nga makakalimutan ang taong unang nagpatibok ng puso mo, at ang taong dumurog nito? Ang sagot...hindi. Hindi mo nakakalimutan.
Unang pagkikita namin sa bahay ni Eroz, naalala ko na kaagad siya. Pero mas pinili kong paniwalaain ang sarili ko na hindi. Pinaniwala ko ang sarili ko na si Eroz ang gusto ko at nakalimutan ko si Cairo. Gusto kong takasan ang sakit kaya naman sinubukan kong makalimot.
Nakalimutan ko siya ng ilang araw, ngunit ng makita ko ulit siya. Boses pa lang, boses pa lang bumalik na sa akin ang lahat.
"Hindi si Cairo ang sinadya ko dito. Kundi ang batang ito..." turo niya sa akin. Parang manginginig ang katawan ko sa takot.
"Tita, wala pong kasalanan si Tathi" si Eroz. May kung anong bumara sa aking lalamunan.
"Siya wala. Pero ang kanyang ama, meron" madiing sabi nito.
Mariin akong napapikit. Kahit gaano mo kamahal ang isang tao, mapapatawad mo sila pag nagkasala sila. Pero, may mga taong kahit gaano mo kamahal hindi mo magawang piliin dahil wala kang karapatan na piliin sila.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro