Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 47

Realize








Ramdam kong mas nangingibabaw ang sakit sa boses ni Cairo. Kahit hindi ko siya tingnan ay alam kong pilit lang niyang pinapasigla ito.


Napatulala ako sa sahig ng may maramdaman akong kung ano. Kawawa naman siya, hindi ko din alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito? Ngayon ko lang naman siya nakita, ni hindi ko nga siya naaalala.


"May kailangan ka?" biglang sulpot niya na ikinagulat ko. "Wala dito yung crush mo" tiim bagang na sabi pa niya sa akin.


Napakurap kurap muna ako bago ako nakabawi. Umayos ako ng tayo at tsaka nagiwas ng tingin. Grabe naman yung dibdib nito.


"A-alam ko! Aakyat ako sa office" nautal pang sagot ko sa kanya.


Kita ko ang paglingon niya sa hagdan sa aming tabi. Iminwestra iyon ng kanyang kamay sa akin. "Bakit hindi ka pa umakyat? Hihintayin kiya dito"


Nilingon ko siya, pero pinagsisihan ko din kaagad dahil ang tingin niya sa akin ay hindi ko kinakayaya. Bayolente akong napalunok ng bumaba ang tingin ko sa kayang hubad na katawan. Magkakasala pa ata ako dahil sa magpinsan na ito.


"Baby, you want me naked?" tanong niya sa akin. Puno ng amusement ang kanyang boses. Nanlaki ang aking mga mata, at ang kapal din naman talaga ng isang ito!


"Hindi noh! Ayoko ng ganyan...pag niyakap mo ako, ano..." sa pagkataranta at sa kagustuhang depensahan ang sarili ko ay hindi ko na mahagalip ang mga words.


Tumaas ang kanyang kilay. "Pag niyakap kita, mapipipi ka? Sa tingin mo yun lang ang gagawin ko sayo sa oras na maalala mo na ulit ako?" panghahamon niya sa akin.


Uminit ang aking magkabilang pisngi. Tinampal ko ang braso niya. Ang init! Shuta.


Bumaba ang tingin niya sa brasonh timpal ko. Halos mahigit ko ang aking hininga ng mapakagat labi pa.

"Touch me more" hamon niya sa akin maya naman halos lumuwa na ang aking mga mata. Ang bastos bastos ng lalaking ito!


Sa takot ay mabilis kong itinago ang magkabilang kamay ko sa aking likuran. "Ayoko na" madiing sabi ko. Sinubukan kong magiwas ng tingin sa kanya pero ang traydor kong mga mata ay parang magnet na bumabalik sa kanyang hubad na katawan.


"Then, Can I hug my baby?" malambing na tanong niya sa akin. Kumunot ang noo ko bago lumipat ang tingin ko sa kanyang mukha.


Napaawang ang labi ko ng makita ko kung paano siya tumitig sa akin, para bang sa oras na kumurap siya ay mawawala ako. Kinilabutan ako ng maalala ko ang maging panaginip ko nung hinimatay ako dahil sa kanya.


Itinuro ko ang aking sarili. "A-ako?" shuta Tathi! Assuming ka!

Bahagyang tumaas ang isang sulok ng kanyang labi na pilit niyang pinipigilan. "Akala ko ba, ayaw mong baby kita?" tanong niya sa akin.


Pinandilatan ko siya ng mata. "Ayaw ko nga. Sige na nga, aalis na ako" inis na sabi ko at sinubukan siyang iwanan duon.


Naunang baitang pa lang ako ng hagdan ng maramdaman ko na ang paghawak niya sa aking siko. Nang lingunin ko siya ay mas lalo kong nakita ang sakit sa kanyang mga mata.


"Babalik ako palagi para sayo. Ikaw, kailan ka babalik sa akin?"  malungkot na tanong niya.


May kung anong bumara sa aking lalamunan. Sumakit iyon dahil sa pagpipigil ko ng iyak. Bakit ako naiiyak? Bakit ako nasasaktan?


"Hin...hindi naman ako umalis"


Mas lalong gumuhit ang sakit sa kanya. "Pero bakit parang ang layo layo mo? Bakit pakiramdam ko, iniwan mo ako?" may hinanakit na tanong niya sa akin.


Bayolente akong napalunok ng bigla na lang bumigat ang aking dibdib. Hindi na ako malagalaw dahil sa pamamanhid ng aking buong katawan. May hindi kilala ngunit pamilyar na pakiramdam akong nararamdaman ngayon.


"Hindi kita naaalala" paalala ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa amin bago ako maaksidente, pero pakiramdam ko...ang sakit sakit.


Marahan siyang tumango. "Magpapakilala ulit ako, kung ganun" pagsuko niya.



Napaawang ang bibig ko. Nakita ko kung paano magtaas baba ang adams apple nila para sa bayolenteng pag lunok. Isang dila sa kanyang pangibabang labi at mas lalo iyong pumula.


"Baliw ka sa akin nuon. Pero hindi mo alam na mas baliw ako sayong bata ka" madiin ngunit nakangising sabi niya sa akin.


Imbes na kiligin ay sakit ang nangingibabaw sa aking dibdib. Gusto ko na lang siyang tumigil dahil habang mas lalong bumibigat ang aking dibdin ay parang ang hirap hirap ng huminga.


"Sinaktan mo ako?" diretsahang tanong ko sa kanya. Iyon lang ang nakikita kong dahilan kung bakit mukha siyang guilty ngayon.


Nakita ko ang pagawang ng bibig niya. Nagulat dahil sa aking bulgar na tanong sa kanya. Mariin siyang napapikit bago siya muling tumitig sa akin.


"Sinaktan mo siguro ako, kaya kita nakalimutan" akusa ko pa sa kanya. Wala akong naaalala tungkol sa kanya pero ang namumuong galit sa aking dibdib ay hindi ko mapigilan.


"I'm sorry. Mali ang akala mo, hindi ko magagawa iyon sayo" paliwanag niya sa akin sa isang kasalanan na hindi ko din naman naaalala. Walang nagbabalik sa akin ngayon kundi ang galit at sakit.


Humaba ang nguso ko. Marahas kong pinunasan ang luhang tumulo sa aking mga mata. "Tama na. Ayoko ng pagusapan ito dahil ang bigat bigat sa dibdib!" sumbong ko sa kanya. Sobra pa ata sa sako ng bigas ang bigat na nararamdaman ko ngayon.


Gumuhit ang pagaalala sa kanyang mukha. "Anong pwede kong gawin?" tanong niya.


Muling tumulo ang luha sa aking mga mata. "Umalis ka na" pagtulak ko sa kanya. Mas lalo lang bumigat ang dibdib ko dahil sa aking sinabi. Buong akala ko ay kakalma na ako sa oras na masabi ko iyon sa kanya pero mas lalo lang naging grabe ang bigat nito.


Nag igting ang kanyang panga. "Hindi kita iiwan dito na ganyan ka. Hindi ako aalis" madiing laban niya sa akin.


Sinubukan niya akong hawakan ngunit mabilis kong timpal ang kanyang kamay. Sa aking bawat pagpikit ay para akong napupunta sa isang madilim at maingay na lugar. Dahan dahang nagfla-flashback sa akin ang imahe ng dalawang taong naghahalikan sa aking harapan.


Marahas akong umiling para mawala iyon sa aking isip. Tinalikuran ko si Cairo at tumakbo paakyat sa may office.


Malalim ang aking iniisip habang naglalakad ako pauwi sa amin. Nagulat ako ng may dalawang hindi kilalang lalaki ang nasa harap ng bahay namin, para bang nagbabantay.


Palapit na ako ng makita ko ang paglabas ni Kuya Jasper. Inabutan niya ng mirienda ang mga ito.


"Oh nandito ka na pala..." puna niya sa akin bago siya bumaling sa mga lalaki. "Siya yung anak ni Attorney" pagpapakilala niya sa akin sa mga ito.


Hindi ako sanay na ipakilala ako sa ganuong paraan. Anak ako ni Theodore Torres.


"Pumasok ka na at mag mirienda" yaya ni Kuya sa akin. Hindi na niya hinintay pang gumalaw ako dahil siya na mismo ang humila sa akin papasok sa aming bahay.


Naputol ang masinsinang paguusap nina Mama at Attorney dahil sa aming pagpasok. Napatikhim si Mama, si Attorney naman ay mas lalong lumambot ang mukha.


"Sige at ikaw ang magtanong kay Tathriana" usig ni Mama sa kanya.


Lumipat ang tingin ko dito. Kita ko ang takot sa kanyang mukha. "Tathi, anak. Gusto ko sanang baguhin ang apelyido mo"


Nagulat ako dahil duon. Hindi ko pa nga siya totally na natatanggap ngunit anh pagpapalit kaagad ng apelyido?


Marahas akong napailing. "Hindi po ako magpapalit ng apelyido. Torres po ang gusto ko" laban ko sa kanila.


Napatayo si Mama at kaagad akong dinaluhan. Panay ang sisi niya dito na baka kung ano ang mangyari sa akin kaya naman sa huli ay hindi na sila nagpumilit pa.


"Naiintindihan kita" si Kuya Jasper ng sundan niya ako sa aking kwarto.


Nanatili lang ako tulala sa harap ng binta. Bakit sunod sunod ang lahat ng ito? Sana ay nakalimutan ko na lang ang lahat.


"Torres ako" sabi ko kay Kuya Jasper. Lumapit siya sa akin, naramdaman ko ang hawak niya sa aking balikat.


"Oo naman" pagsangayon niya sa akin. Mabilis ko siyang niyakap dahil duon. Mabuti na lang ay may kagaya niya na naiintindihan ako.


"Torres, Tathriana M."


"Present, Ma'm"


Napatulala ako pagkatapos akong tawagin ng aming professor para sa attendance. Nanahimik si Charlie tungkol sa usaping ito dahil naiintindihan niya ang aking nararamdaman tungkol dito.


"Mabait si Attorney. Pero syempre, team Tito Theodore ako" pagpapagaan niya ng aking loob. Tipid ko na lamang siyang nginitian. Kaunti lang ang makakaintindi dahil hindi naman nila alam kung ano ang aking nararamdaman.


Matapos ang klase namin sa araw na iyon ay dumiretso na ako sa may rice mill. Hindi katulad ng dati ay parang hindi na ako sabik na pumasok dito.


"Magandang hapon po" bati ko sa guard na binati din naman ako pabalik.


Tahimik ang buong planta. Wala din si Junie na sumalubong sa akin para magpayong. Hindi naman niya gawain iyon pero nakakapagtaka lang.


Nasagot ang lahat ng katanungan ko ng makita ko silang lahat sa loob ng warehouse. Nakapalibot sila sa kung sino at panay pa ang tawanan nila.


"Andito na si Miss Tathi" anunsyo nanaman ni Junie na nangingibabaw sa lahat. Mariin akong napapikit bago ko siya pinanlakihan ng mata. Can I just walk here in peace?

Napatingin silang lahat sa akin. Ngunit ang aking mga mata ay nasa apat na taong nasa gitna. Si Cairo at si Eroz sa magkabilang gilid. May isang makisig ding lalaki at sa tabi niya ay ang morenang babae.


Hindi ko maalis ang tingin ko sa babaeng nasa tabi ni Eroz ngayon. Mahaba at itim ang kanyang buhok. Matangkad at balingkinitan ang katawan. Hindi ko din maiwasang purihin ang kanyang dibdib, maganda din ang hubog ng kanyang buong katawan. Ang liit ng bewang at matambok ang pwet!


Sa aking tansya ay hindi nalalayo ang edad niya kay Eroz at Cairo. Napabuntong hininga ako at nagiwas ng tingin sa kanila.


"Kumain ka na?" tanong ni Cairo sa akin.


Hindi pa ako nakakasagot ng lumapit na din si Eroz sa amin. "Tathi, kumain ka na?"


"Hindi pa!" mabilis at walang pagdadalawang isip kong sagot sa kanya.


Ngumiti ako sa kanya, ngunit nakita ko ang pagtingin niya kay Cairo. Wala akong nagawa kundi ang sulyapan din ito. Nang mahusto ay nagiwas na lang din siya ng tingin sa akin at tumalikod.


"Ipakikilala kita sa Tito Darren ko" sabi ni Eroz sa akin at hinawakan ang kamay ko para hilahin. Sa hindi ko malamang dahilan ay nanatili ang tingin ko kay Cairo na naglalakad na ngayon palayo sa amin.


Bumalik lang ako sa wisyo ng mapansin ko na ang may edad na lalaki sa aming harapan ngayon. Nakatingin siya sa akin na para bang namamangha siya.


"Tathi, Hija. Nagkita ulit tayo!" masayang bati niya sa akin. Hindi na ako nakapalag pa ng yakapin niya ako.


"Ang huling kita natin ay umiiyak ka pa habang hinahanap si Cairo. Mabuti naman ngayon ay maayos na kayo..."



"Tito Darren..." tawag ni Eroz sa kanya.


Kumunot ang noo ng tinawag niya Tito Darren. Nagpabalik balik ang tingin nito sa amin ni Eroz hanggang sa itikom niya ang kanyang bibig dahil sa kung anong isinenyas ni Eroz sa kanya.


"Sana mapagusapan, Hija" sabi pa niya sa akin bago siya bumati sa ibang mga trabahador.


Ilang sandaling natahimik ang paligid. Umiiyak akong nagtungo sa kanila para hanapin si Cairo? Kung ganuon, madami siyang kasalanan? Ano ano iyon?


"Eroz"


Napabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang malambing na tawag ng babae sa kay Eroz. Napanguso ako at muli siyang pinasadahan ng tingin.


"Alice, si Tathi. Tathi si Alice, magtratrabaho na din siya sa office kasama niyo" pakilala nito sa akin.


Tinanggap ko ang kanyang kamay ng ilahad niya iyon sa akin. Imbes na sumama kay Eroz ay kina Junie na lang ako sumama. Busy si Eroz maging ang mga taga office dahil sa bago. Kay Junie ko din nalaman na pamangkin iyon ng asawa ni Tito Darren, kaya naman pala.


"Ay naku, masama ito" Si Junie habang kumakain kami. May dalang pagkain si Tito Darren para sa lahat madami iyon kaya naman parang may okasyon ngayon, kahit dapat ay normal na araw lang.


"Huh? Bakit?" tanong ko sa kanya pero nginisian niya ako.


"Lagot si Boss Eroz, nagseselos si Miss Tathi" pangaasar niya sa akin kaya naman nanlaki ang aking mga mata. Halos hampasin ko siya sa braso para lang tumigil siya.


Tawa ito ng tawa. Itong Junie na to!

Sandaling bumaba ang tingin ko sa aking pagkain bago ulit nagangkat ng tingin kay Eroz at sa kay Alice. Kanina pa niya ito tinutour sa buong planta. At bakit ako walang ganyan nung first day ko?


Napanguso ako at mas lalong tumalim ang tingin sa kanila. Panay ang ngitian nila na para bang matagal na silang magkakilala, kada ngiti nung Alice ay bumabalandra ang kanyang maputing ngipin. Para bang toothpaste endorser siya.


"Teka. Kukuha pa ako, may gusto ka pa Miss Tathi?" tanong ni Junie sa akin. Nangsabihin kong wala ay mabilis siyang umalis para kumuha ng pagkain.


Nakita ko ang pagsulyap ni Eroz sa akin habang kausap si Alice. Nagiwas na lang ako ng tingin. Kung hindi ko lang siya gusto, maiisip kong bagay sila.


"Kain ng kain" Si Cairo.


Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Umupo siya sa aking tabi na para bang hindi siya nagwalk out sa akin kanina.


"Akala ko galit ka" puna ko.


Napangisi siya. Kagaya ng ibang trabahador ay puno din ang kanyang pinggan. Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Eroz. Kumain na kaya siya?


"Kailan ako nagalit sayo?" tanong niya sa akin habang nakataas ang isang kilay.


Nagkibit balikat ako. "Palagi ka namang galit. Kahit wala akong ginagawa sayo" laban ko sa kanya. Abnormal din talaga ang isang ito.


"Kailangan mukhang galit palagi. Para hindi masyadong halatang gustong gusto kita" sabi niya sa akin na sandali pang ikinalaki ng aking mga mata.


"Pag gusto mo dapat maging mabait ka!" asik ko sa kanya. Tingnan mo, mabait akl kay Eroz, at sayo hindi!


Napangisi siya. Muling sumunod ang tingin ko kina Eroz at Alice na papasok na ngayon sa may warehouse. Napakagat pa ako sa aking pangibabang labi ng makita ko ang kamay niya sa likod nito.


"Wag ng magselos" puna ni Cairo sa akin.


Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi naman" laban ko.


Dahan dahan akong napailag ng humilig siya sa akin. Halos maramdaman ko na ang hininga niya sa aking pisngi.


"Para ka sa akin" bulong niya.


Pinandilatan ko siya ng mata. "Matanda ka na!" laban ko na lang para itago ang kung anong nararamdaman ko.


Ngumisi siya. "Last time I check, walang kaso iyon sayo..." laban niya sa akin.

Inirapan ko siya at nagiwas ng tingin. Muling bumigat ang dibdib ko dahil hindi mawala sa aking isip ang magkasamang imahe nina Eroz at Alice. Bakit pakiramdam ko ay mas grabe pa sa paguusap ang nagawa nila?


Masyado akong nagooverthink. Paano kaya kung sila yung naiimagine ko na dalawang taong naghahalikan sa madilim at maingay na lugar?


"Paano pag naghalikan sila?" malungkot na tanong ko kay Cairo. Bahala na kung hindi kami bati. Hindi ko na mapigilan ang aking bibig, kung si Junie din naman ang kasama ko ngayon ay baka iyon din ang maitanong ko.


"Bakit mo iniisip iyan?" seryosong tanong niya sa akin.


Uminit ang magkabilang gilid ng mata ko. Naiimagine ko pa lang parang ang sakit sakit na.


"Eh kasi bagay sila. At siguradong maghahalikan sila" sumbong ko sa kanya.


Napangiti si Cairo. Marahan niyang pinunasan ang luha sa aking mga mata gamit ang kanyang hinlalaki.


"Hayaan mo silang maghalikan. Baka nga sila talaga" sabi pa niya sa akin kaya naman mas lalong tumalim ang tingin ko sa kanya. Kalaban nga pala ang isang ito kaya pabor ito sa kanya.


"Crush ko si Eroz..." sabi ko sa kanya sabay halukipkip.


Ang kanina niyang kamay na nagpupunas sa aking luha ay bumaba na sa aking bewang. Ramdam ko ang paghila niya sa akin para mas lalong palapitin sa kanya.


"What can I do, to have your full attention again?" malambing na tanong niya sa akin.


Nagtaas ako ng kilay sa kanya. "Sinasabi mo bang ikaw lang ang pinapansin ko nuon?" tanong ko kaya naman napangisi siya.


"Hindi. Ako ang nagpapapansin sayo nuon" sabi pa niya sa akin na mukha namang kabaliktaran.


Inirapan ko ulit siya hanggang sa muli niyang ilapit ang mukha niya sa akin. "Isasama kita bukas sa bahay ni Governor"


Nanlaki ang aking mga mata. "At bakit, close ba kayo?" asik ko sa kanya. Ngumisi siya, nakita ko din kung paano bumaba ang tingin niya sa aking labi.


"Dati akong hardinero duon" sagot niya sa akin.


Hindi ako naniwala. Sus!


"Ang ganda nga ng sasakyan mo tapos hardinero ka duon? Wag mo nga akong lokohin"

Natawa siya hanggang sa nagulat ako ng maramdaman ko ang marahan niyang halik sa aking pisngi.


"Baby, come back. I miss you so much"


Nang lingonin ko siya ay halos mahigit ko ang aking hininga. Halos maduling ako dahil sa lapit ng aming mukha. Hindi dapat ako ganito sa kanya dahil hindi ko pa naman siya naaalala, pero bakit pakiramdam ko ayos lang? Bakit pakiramdam ko pwede.


Sakay ng kulay pulang sasakyan sina Tito Darren at Alice. Isang kulay pulang Montero. Napatitig ako sa sasakyan ba iyon, dati ay pangarap kong magkaroon din kami ng sasakyan, pero kalaunan ay nakuntento na ako sa aming lumang pick up.


"Pasencya ka na. Hindi tayo sabay na kumain kanina" si Eroz. Nilapitan niya ako kaagad pagkaalis ng mga bisita.


Tipid akong ngumiti sa kanya. "Ayos lang" sagot ko. Hindi ko pwedeng ipakita na nagseselos ako kanina.


"Pamangkin iyon ni Tita Luna, asawa ni Tito Darren" pakilala pa niya sa akin kahit napakilala naman na sa akin ni Junie.


Nagpatuloy ako sa paglakad papasok sa may warehouse, nanatili namang nakasunod si Eroz sa akin.


"Ang ganda niya...bagay kayo" Opps! Shuta.


"Ibig kong sabihin...maganda siya, tapos ikaw ano" Shit. Wala na akong maisip na palusot.


Napangisi si Eroz. Lumapit siya sa akin at bago pa man ako makahakbang patalikod ay nahuli niya na ang aking siko.


"Maganda ka din, so bagay ka din sa akin?" nakangising tanong niya sa akin.


Bayolente akong napalunok at nagiwas ng tingin. "Ano, depende..." nahihiyang sagot ko, hindi pa ata sigurado.


Ang kaninang ngisi niya ay nauwi sa pagnguso. "Tatanungin ulit kita pag sigurado ka na"


Napaawang ang bibig ko. "Sigurado akong crush kita" laban ko sa kanya.


Malungkot siyang ngumiti. "Siguraduhin mo muna..." pinal na sabi niya kaya naman napakurap kurap ako.


Sigurado naman ako. Lahat ng pamilyar na  nararamdaman ko ay para sa kanya. Hindi ba? Yung mga pangyayari na parang nangyari na dati.


"Nakaalis na sina Alice?" rinig kong tanong ni Cairo sa isa sa mga trabahador.


Sumama ang tingin ko sa kanya. Nang makakuha ng sagot ay naglakad siya papalapit sa amin.


"Nasa phone si Tito Axus" tamad na sabi niya kay Eroz. Hindi ko inalis ang masama kong titig sa kanya.


"Nakapagdesisyon ka na?" tanong ni Eros dito. Tumikhim si Cairo. Isang iling ang kanyang ginawang sagot. Problemadong napapalam si Eroz sa amin para pumunta sa kanyang office.


"Oh bakit ka galit?" kunot noong tanong niya sa akin.


"Umalis na si Alice. Hindi ba't hinahanap mo!" asik ko sa kanya. Kita ko ang gulat sa kanyang mukha.


"Nagtanong lang ako"


Humaba ang nguso ako. May kung anong inis at selos? Selos!? Akong nararamdaman.


"Nagseselos ka ba?"

"Hindi! Bagay kayo!" asik ko sa kanya. Nagtaas siya ng kilay sa akin.


"Sa tingin mo?" nakangising tanong niya.


Naikuyom ko ang aking kamao. "Oo! Kaya sige ligawan mo. Sige, sige!" pagtutulak ko pa sa kanya. Sige! Para akin si Eroz. Sige! Galingan mo!


"Oh kalma. Halatang nagseselos ka" pangaasar niya sa akin.


Nabitin sa ere ang sasabihin ko ng mas lalo siyang lumapit sa akin. Bumaba ang tingin niya sa aking dibdib kaya naman naginit ang aking magkabilang pisngi.


"Kailan ako pwedeng tumulong sa pagpapalaki ng dib..."


Mabilis ko siyang hinampas. Napahalakhak siya, ang batos talaga!


"Big boobs is not my thing. Yours is cute. I like that" halos himatayin ako sa mga pinagsasabi ng bastos na ito!


And with that. I realize that it's not always about the feelings. It's the person.














(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro