Chapter 46
Sorry
Hindi nawala ang pagkakakunot ng aking noo. Ang weird ng lalaki na ito. Ano nanaman ang sinasabi niyang video ngayon?
"Cairo, don't trigger her again. Sinabihan ka na ng Doctor" madiin pero mahinahong paalala sa kanya ni Eroz.
Humaba at mas lalong tumulis ang aking nguso. Nanatili ang tingin ko kay Cairo kahit pa gusto kong lingonin si Eroz at pagpasalamat na sinusuway niya itong pinsan niya na nangiistorbo sa amin.
Umigting ang kanyang panga, hindi pa din niya pinuputol ang tingin niya sa akin. Ngunit ang kaninang galit at pamumungay ay napalitan ng sakit.
"I'll take the risk" pagsuko niya. Narinig ko ang bayolenteng pagbuntong hininga ni Eroz na nasa aking likuran. Ilang mahihinang mura rin ang hindi nakalagpas sa aking pandinig.
Napakamot na lamang ako sa aking ulo. Nagkakuto pa ata ako dahil sa sobrang stress sa pinsan ni Eroz na ito!
"Sa taas na lang ako kakain" pagsuko ko para matigil na din silang dalawa. Nauna naman talaga si Cairo dito, bukas na lang ako sasabay kumain kay Eroz.
Nagiwas ng tingin si Cairo sa akin. "Aalis na ako. Kumain ka na..." kahit galit ay ramdam ko pa din ang pagaalala duon. Bigla tuloy akong nakaramdam ng guilt.
Tingnan mo nga yan! Tong magpinsan na to, ang lakas makapangunsensya. Sa huli ako ang lumalabas na walang puso at walang awa. Sila nga itong ang gulo gulo. Gusto ko lang namang kumain at magkalovelife.
Hindi na ako nakapagsalita pa ng kaagad siyang tumalikod sa amin at lumabas ng office ni Sir Julio...na kay Eroz naman pala.
Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi ang pagtatampo o galit para kay Eroz ang nararamdaman ko. Ni wala na nga ata akong pakialam kahit nalaman kong nagsinungaling siya sa akin.
Ang traydor kong isip ay sumama ata sa pagwa-walk out ni Cairo. Paano siya? Saan siya kakain? Pwede naman sanang ako na lang ang umalis.
"Sorry"
Marahan kong nilingon si Eroz. Tipid na ngiti ang iginawad ko sa kanya.
"Ayos lang. Karapatan mo namang itago kung sino ka talaga..." pagsuko ko.
Marami naman talagang ganuong case. Yung ibang mayayaman nga, hindi sila nagpapakita sa publiko. Delikado naman talaga, lalo na sa panahon ngayon.
Kita ko ang bahagyang pagkalaglag ng kanyang panga. Parang nagulat, na namangha.
"Hindi ka galit sa akin?" tanong niya.
Napanguso ako bago napangisi. Lumapit na ako sa table dahil gutom na ako. Bahala na si Cairo, malaki na iyon.
"Medyo nagtampo...nagulat. Pero ayos lang, hindi ka naman obligadong ipakilala ang sarili mo sa lahat. It's your choice" sabi ko pa. Akala mo kung sinong expert! Shuta ka, Tathi.
Napahilamos siya sa kanyang mukha at napamura ng english. Hay naku! Bakit hindi ko napansin iyon?
"You make me fall...to hard. Damn it" bulong bulong pa niya na hindi ko naman gaanong na kuha dahil ang atensyon ko ay nasa pagkain na. Isa talaga akong dakilang patay gutom, bow.
Napansin ko din ang ilang araw na pagkakaroon ko ng Anxiety attacks. Kung minsan ay ayos naman ako, tapos bigla bigla na lang bibigat ang aking dibdib at parang akong maiiyak sa sobrang lungkot.
"Mama..." tawag ko sa kanya ng makaramdam nanaman ako.
Sobrang lungkot at bigat sa dibdib. Miss na miss ko na si Papa. Ni hindi na din ako makapagfocus sa aking mga assignments. Karaniwan ko iyong nararamdaman pag nasa bahay ako, pag magisa na lamang ako sa aking kwarto.
"Tathi, andito si Mama" pagaalo niya sa akin.
Mabilis kong ginantihan ang kanyang yakap. Hindi ko na napigilan pang maiyak, hindi madali para sa amin ang pagkawala ni Papa. Kung minsan, para maibsan ang lungkot...iniisip ko na lang na nakakulong lang siya. Na nanduon lang siya at hindi pa siya patay.
"Ipapasyal kita sa linggo" si Kuya Jasper.
Pag nasa school naman ako ay ayos lang. Sabagay, maraming tao at mas nakakalibang duon. Hindi kagaya pag magisa na lamang ako sa aking kwarto, o di kaya naman ay nasa bahay lang ako. Naging busy din kasi sina Mama at Kuya Jasper sa chicharonan namin.
Nagsara ang karamihan sa outlet ng mga Serrano ng mabalitang buong pamilya silang lumipad patungo sa Guam. Dahil dito ay mas dumami ang order namin.
"Hindi ka nanaman nakatulog?" nagaalalang tanong ni Charlie sa akin habang naglalakad kami papasok sa campus.
Mas lalong humigpit ang yakap ko sa aking libro. Mabuti na lang at naisipan kong magsuot ng cardigan. Malamig na ang simoy ng hangin, lalo na sa umaga. Ber months na at ramdam na ramdam ko na ang pasko.
"Nakatulog naman, konti lang" sabi ko at itinaas ko pa ang kamay ko at ipinakita sa kanya kung gaano karami ang konti sa pamamagitan ng aking mga daliri.
Inirapan ako ni Charlie kaya naman natawa ako. Tinabig niya ang kamay ko at kaagad akong hinila papalapit sa nagbebenta ng taho.
"Dalawang ten po"
Hinayaan ko siya. Pero ng makita ko kung gaano kaliit yung ten pesos ay nagprotesta ako.
"Malaki yung akin. Tig 20" sabi ko pa.
Pinandilatan ako ng mata ni Charlie, libre niya kasi. "Ang alam ko puyat ka lang...hindi ka gutom"
Nginisian ko siya. "Gusto ko yung 20" pamimilit ko kaya naman wala na siyang nagawa pa.
Pakiramdam ko, nagtaho na ako nuon at sa tuwing bibili ako ng tig sampu...sa huli ay malaking baso ang hawak ko. Baka may nanlilibre sa akin dati? Sino kaya, impossibleng si Charlie dahil ang ibig sabihin ng libre sa amin ay...magkamatayan na.
"Salamat, ang bait mo ngayon sa akin ah?" malambing na sabi ko sa kanya pero inirapan niya lang ako.
"Wag ka masyadong pakampante at baka magulat ka isang araw jowa ko na isa sa mga Kuya mo" pananakot niya sa akin. At talaga namang nakakatakot iyon.
Napahalakhak ako. "Charlie and his dreams..."
Hinampas niya ang aking braso. "Pasalamat ka nga at ikaw ang natatanging Charlie's angel..." sabi pa niya sa akin kaya naman mas lalo akong natawa.
Naging maayos buong umaga ko, hanggang sa pinuntahan ako ni Cayden at Attorney Santos nung tanghalian.
As usual, hindi nanaman kami makakatanggi dahil kahit hindi ata tanungin ay sasama na si Charlie. Parang hindi na nga ata kailangan ang sagot ko dito.
"Kamusta ka na?" tanong ni Attorney Santos sa akin, matapos kong humalik sa kanyang pisngi.
Hindi ko magawang tumingin ng matagal sa kanya. Pakiramdam ko, sa tuwing tatapunan ko siya ng tingin, sa tuwing kinakausap ko siya at tinatraydor ko si Papa.
Oo nga't siya ang tunag kong ama. Ngunit nangako ako kay Papa na siya lang ang Papa ko.
"Ayos lang po" sagot ko na lamang. Ayoko ng magsabi pa ng kung ano at baka humaba pa ang usapan.
Matatanggap ko din siya, pero hindi pa ngayon. Siguro para nawala na yung sakit na nararamdaman ko dahil sa pagkawala ni Papa. Siguro pag dumating na yung oras na matanggap ko na ng maluwag sa akinh dibdib kung sino talaga ako.
Sa isang mamahaling restaurant nila kami dinala ni Charlie. Kung wala si Charlie ay baka hindi pa ako makakain ng maayos.
"Ito anak. Tikman mo..."
Tahimik na lang din sina Charlie at Cayden sa tuwing inaasikaso niya ako. Gusto kong idistansya ang sarili ko, pero alam kong kahit papaano ay may puwang din siya sa aking puso.
Si Papa Theodore pa din ang Papa ko. Paulit ulit ko iyong sinasabi sa aking sarili. Sa kabila ng lahat ng ginawa niya para sa akin at kay Mama. Wala akong karapatan na kalimutan siya basta basta...hindi niya deserve na palitan ng ganun ganun na lang.
"Sa weekend. Dadalhin ka ni Cayden sa bahay. May swimming pool tayo duon" nakangiting sabi niya sa akin.
Bago pa man ako makasagot ay nauna ng napalakpak si Charlie. "Kasama po ako, Tito?" tanong ni Charlie na mas excited pa sa akin.
Masayang tumango si Attorney Santos sa kanya. Napanguso ako at nagiwas ng tingin, nahuli ko ang titig ni Cayden. Alam niya, sigurado akong pansin niya na hindi ko pa kaya.
Tipid siyang ngumiti sa akin. Kahit halata namang nasasaktan siya para sa kanyang ama...sa aming ama.
"Ang snob mo! Ganda ka girl?"
Ibinaba nila kami sa may kanto papasok sa amin. Malayo ang tingin ko samantalang si Charlie ay kung ano ano na ang naiisip.
"Swimming!" hiyaw pa niya at nagsimula ng mag day dream kung ano ang pwede niyang isuot para daw maakit si Cayden.
"Mahal ko ang Papa Theodore ko" pagbasag ko sa kasiyahan niya.
Dahan dahan siyang kumalma. Naramdaman ko ang kamay niya sa aking likuran.
"Mahal na mahal ka din naman ni Tito Theodore. At sigurado akong susuportahan ka niya sa kung ano man ang maging desisyon mo...number one supporter mo nga iyon di ba?"
Bahagya akong napatawa kasabay ng pagluha. Nagprotesta si Charlie dahil sa aking pagiyak.
"Shuta! Alam mo namang inggitera ako!" asik niya sa akin habang nagpapahid din ng luha.
Saksi din siya kung paano ako supportahan ni Papa sa kagustuhan kong maging abogado. Kahit ilang beses akong sinabihan ni Mama na hindi namin kakayanin, susuwayin siya ni Papa at sasabihing siya na ang bahala.
Gumawa siya ng mali, sa kagustuhang magkaroon ng pera. Nalaman niya sigurong gusto akong makilala ni Attorney Santos. Takot siyang masilaw ako sa kung ano ang pwedeng ibigay sa akin nito. Hindi ko ba naipakita sa kanila ni Mama na silang dalawa lang ang kailangan ko? Silang dalawa lang...sapat na.
Pinilit ko ang aking sarili na maging masigla ng pumasok ako sa trabaho kinabukasan. Kagaya ng dati ay nakauniform pa din ako ng school.
Paglagpas ko pa lang ng guard house ay si Eroz na ang sumalubong sa akin. Lumaki ang ngiti ko ng makita ko nanaman ang kanyang kulay pulang payong na free daw sa duty free. Kitakat ang nakalagay sa gilid nuon.
Nagtaas ako ng kilay ng muli ko nanamang nasaksihan ang kanyang mabatong katawan. Halos kumintab ito dahil sa pawis.
"May ginawa pang sa makita" nakangiting sabi niya sa akin sabay pakita sa kamay niyang may grasa.
Tumango ako at tsaka kami nagpatuloy sa paglalakad papasok sa may unang warehouse. Mabilis kong hinanap ang kanyang putinh tshirt na palagi niyang ginagamit para ipangpunas sa kanyang pawis.
Hindi niya iyon mahawakan dahil sa dumi ng kamay niya. Walang pagdadalawang isip ko iyong kinuha at lumapit sa kanya.
Umiinom siya ng tubig ng lumapit ako. Halos mabilaukan siya ng makuha niya kung ano ang gusto kong gawin.
"Ako na. Kawawa ang maglalaba ng damit mo" nakangiting sabi ko.
Hindi na nakagalaw pa si Eroz ng punasan ko ang pawis sa kanyang noo, sa mukha, pababa sa kanyang leeg.
Nanigas din siya sa aking harapan, maging ang aking kamay ay hindi na nakababa pa sa kanyang dibdib. Uminit ang aking magkabilang pisngi.
"Anong nangyayari dito?" galit na utas ni Cairo. Cairo? Ano nanaman ang ginagawa niya dito?
Halos mapatalon ako palayo kay Eroz. Wala naman akong masamang intensyon pero kung makapagtanong si Cairo ay akala mo gumagawa ako ng kasalanan.
Kung inggit, pikit!
Nagpabalik balik ang matalim na tingin niya sa amin ni Eroz na akala mo ay nahuli niyang nangangaliwa ang asawa niya. Wow naman sa pagbibigay ng example, Tathi! Asawa kaagad!?
Wala sa sarili akong napakagat sa aking pangibabang labi ng marealize ko ang kanyang itsura. Kagaya ni Eroz ay wala din siyang suot na pangitaas na damit, dark pants at brown Danner bull run moc toe boots.
Kagaya din ni Eroz ay may kaunting grasa ang kanyang kamay. Wala akong masabi sa mga katawan nila. Para bang may biglang dalawang model ang bumagsak dito sa rice mill factory. Mas maputi lang si Cairo kesa sa tanned skin na si Eroz.
Lumagpas ang tingin ko kay Eroz papunta sa may hagdanan. Kumunot ang noo ko ng makita kong nakasilip ang mga taga office sa may hagdan. Akala ata nila ay may modelling ramp dito. May magazine shoot ba?
"Kaya na ni Eroz na magpunas ng pawis niya. Hindi mo iyan trabaho" seryosong sabi niya sa akin. Napanguso ako, hayan nanaman siya at akala mo Papa ko kung pagsabihan ako.
"Nagmamagandang loob lang si Tathi" laban ni Eroz na mabilis kong tinanguan. Tama!
Halos tumunog ang leeg ko ng bigla akong huminto sa pagtango ng muli ko nanamang nasalubong ang matalim niyang tingin sa akin.
"Ang ayoko sa lahat yung may naglalandian sa trabaho" galit na utas niya na ikinalaki ng mata ko. Aba't!
Nanatili ang titig niya sa akin. Gustuhin ko man sanang labanan ang matalim na tingin niya ay hindi ko magawa. Pinsan siya ni Eroz kaya naman may ari din siya nitong rice mill. Boss ko din siya.
Bumagsak ang tingin ko sa lupa, nakaramdam ako ng hiya.
"Papasok na ako" paalam ko kay Eroz at wala na sanang balak pang tapunan ng tingin ag bugnuting si Cairo.
Ang bugnuting si Cairo na mukhang kulang sa landi kaya nanggugulo ng lovelife ng iba! Maghanap na lang kaya siya ng ibang crush niya. Panira ng diskarte sa crush ko eh! Epal.
Mabilis ang lakad ko papunta sa office. May pabulong bulong pa ako habang naglalakad, kung may damo lang sa dinaraanan ko ay baka sumipa sipa pa ako dito.
Tutungtong na sana ako sa unang baitang paakyat sa office ng may humila sa aking braso.
"I'm sorry"
Kumunot ang noo ko ng hinarap si Cairo. Hindi ako nagsalita, sinalubong ko ng tingin ang mapupungay niya mga mata.
"Hindi ko sinasadya. Hindi ikaw iyon..." sabi pa niya kaya naman mas lalong tumulis ang nguso ko.
Nakita ko ang bahagyang pagbaba ng tingin niya sa aking labi. Bayolenteng nagtaas baba ang adams apple niya, dinilaan ang pangibabang labi bago muling naibalik ang tingin sa aking mga mata.
Pinalobo ko ang magkabila kong pisngi at nagiwas ng tingin ng makita ko ang pamumula ng kanyang dibdib.
"Pag inggit kasi...pikit" bulong ko pa.
"Ha?" tanong niya sa akin.
Napairap ako. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa akin at kaagad na binawi iyon.
"Pag di ka crush ng crush mo, wag mong pilitin. Si Eroz ang crush ko" laban ko sa kanya. Ayan, at hindi ko nanaman mapigilan ang aking bibig.
Nakokontrol ko na ito eh, pero pag itong si Cairo ang kaharap ko. Ewan ko ba!
"Sino nagsabi sayong crush kita?" tanong niya sa akin kaya naman halos gusto ko na lang magpakain sa lupa. Shuta! Pahiya nanaman ako.
Uminit ang buong mukha ko. Pumula iyon kaya siguro napangisi si Cairo. Muli niyang hinawakan ang kamay ko para hilahin palapit sa kanya.
Naramdaman ko ang hininga niya sa aking tenga, maging sa aking pisngi. "Sa pagkakatanda ko sinabi ko na sayong...Mahal kita" sabi niya na mas lalong nagpainit sa akinh mukha. Sasabog na talaga!
Sinundot ko ang tagiliran niya gamit ang hintuturo ko. Dahil sa ginawa ko ay nanghina ang hawak niya sa akin.
"Wag mo nga akong pagtripan. Si Eroz ang gusto ko, hindi ikaw!" sabi ko pa bago ko siya talikuran.
Halos masira nag hagdan dahil sa inis kong pagakyat. Bago ako tuluyang pumasok sa office ay nilingon ko pa muna ulit siya. Nakatingin din sa akin ang malungkot niyang mga mata habang ang isang kamay niya ay hinahaplos ang tagilirang sinundot mo. Mahaba pa naman ang kuko ko, baka masakit?
"Eh kasi ikaw eh...wala naman akong rabies!" pagmamaktol ko pa sa kanya. Hindi naman ako pusa na kailangan mong pagpainject pag nakalmot. At isang kuko lang naman iyon.
Gulong gulo ang isip ko kung baba ba ako sa warehouse o hindi. Pero dahil trabaho ko iyon, wala akong nagawa kundi ang bumaba.
Hindi kagaya ng ibang araw ay walang malakas na tawanan ang sumalubong sa akin. Malayo pa nga lang ay kita ko na ang tensyon sa ilalim ng truck.
"Andito na si Miss Tathi!" anunsyo ni Junie. Hay naku, Ang sarap sampalin nitong si Junie.
Nasa akin ang tingin ng nina Eroz at Cairo. Dahil sa pagiging uneasy ay ibinaba ko na lamang ang tingin ko sa checklist.
"May fiesta nanaman sa susunod na araw. Ma'm Tathi, sama tayo ulit!" yaya ni Junie sa akin.
Nginitian ko siya at tinanguan. "Sige ba" syempre naman, kainan yun eh!
Pumalakpak si Eroz kaya naman naputol ang nginitian namin ni Junie. "Dalawang sako!" sabi niya kay Mang Dan.
Nagtaas ako ng kilay. Napatingin naman ako kay Cairo na nanatili ang tingin sa akin hanggang sa magulat ako ng irapan niya ako.
Sandaling pinatunog ang leeg bago pumwesto sa nagbubuhat ng mga sako. "Dalawang sako...din!"
Dalawang kilay ko na ang tumaas ngayon. Oo nga't malaki ang katawan niya, pero sa unang tingin ko pa lang sa kanya ay pang opisina siya. Yun bang parang nakaharap sa laptop at mga documento na dadalhan ko ng kape sa umaga.
Napahalukipkip ako at pinanuod ang paglalagay ng dalawang sako ng bigas sa kanyang likuran. Maging ang ibang trabahador ay tumigil sa kanilang ginagawa para lang panuorin siya.
Unang sakto pa lang ay nagflex na ang kanyang mga muscles. Whoo, hinga Tathi.
Nagkibit balikat si Eroz at tsaka hinayaan ang pinsan. Tahimik kong ginawa ang aking trabaho hanggang sa makalahati na nila ang truck. Sumigaw ang isa ng break kaya naman mabilis akong lumapit sa lagayan ng tubig.
Nagsalin ako ng isa para kay Eroz. "Ito..." nakangiting abot ko sa kanya.
"Salamat"
Para akong tangang nakangiti habang pinapanuod siyang inumin iyon. Dahan dahan niya din iyong ininom habang hindi pinuputol ang tingin sa akin.
"Nauuhaw na din ako" Si Cairo.
Nilingon ko siya at pinagtaasan ng kilay. Ano? Share mo lang?
"Ito ang tubig, Boss Cairo" si Junie.
Nagiwas na lang ako ng tingin sa kanila. Muli akong napangiti ng humarap ako kay Eroz. "Gusto mo pa isa?" tanong ko pero umiling na siya.
"Bili tayo ng mirienda" anunsyo niya sa mga ito kaya naman naghiyawan sila. Ang bait talaga.
"Anong gusto mo?" tanong niya sa akin. Napanguso pa ako, aasarin nanaman kami dahil ako nanaman ang tinanong niya.
"Palabok Miss Tathi!" kantyaw ni Junie. Natawa akong lumingon sa kanya pero imbes na si Junie ang makita ko ay so Cairo.
Ang isa niyang kamay ay nasa kanyang bewang. Bayolente niyang inisang tungga ang tubig habang nakatitig sa akin. Pagkatapos ay marahas na nilamutak ang plastick cup at nagiwas ng tingin sa akin.
Umalis si Eroz kasama si Mang Dan para bumili ng aming mirienda. May dadanana din kasi siya sa kanila kaya siya na ang ang presinta.
"Teka at ibabalik ko lang ito" paalam ko kay Junie, tukoy sa hawak kong checklist.
Mabilis ang lakad ko patungo sa office. Bago pa man ako makakaakyat at narinig ko na ang boses ni Cairo sa may office ni Eroz.
"Hindi ako babalik ng spain ngayon. Wag mo na lang ipaalam kay Dad, magagawan ko pa iyon ng paraan..." pamomorblema niya.
Nang sumilip ako ay nakita kong nakapikit siya, pagod na nakasandal sa sofa habang ang isang kamay ay bukas at nakapatong sa backrest ng upuan.
Para siyang isang putaheng nakahain sa hapag at pwede ng kainin. Shuta Tathi! Ang bastos bastos mo!
"Mas importante ito Kenzo. Mas importante ito sa akin" madiing sabi niya sa kausap sa kabilang linya.
Isang buntong hininga pa ang pinakawalan niya. "Wag mo akong igaya sayo. Pag nawala sa akin...hahabulin ko"
Napakapit ako sa pader. Nakaramdam ako ng lungkot para sa kanya. "Nakalimutan ako lang ako. Pero Mahal ako nun!" laban pa din niya sa kausap. Hindi ko mawari kung matatawa siya o maiiyak.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro