Chapter 44
Pinsan
Napanguso ako ng nanatili ang tingin ni Charlie sa akin. Bakit ba?
"Tathi, hindi magandang biro. Alam kong galit ka sa kanya pero..."
"Galit kanino?" pagputol ko sa sinasabi niya. Galit ako? Hindi ko ata alam yan.
Muling nalaglag ang panga ni Charlie dahil sa aking tanong. Nginisian ko siya bago ko muling itinuon ang buong atensyon ko sa aking cellphone.
Ako:
May ginagawa pa kaming assignment.
Eroz:
Tungkol saan? Maybe I can help.
Magtitipa na sana ulit ako ng sagot ng kaagad na hinablot ni Charlie ang aking hawak na cellphone. Kaagad ko siyang sinamaan ng tingin. Shuta naman nito!
"Bakit? Akin na nga yan. May katext ako eh" reklamo ko sa kanya. Sinubukan kong bawiin sa kanya ang aking cellphone pero hindi ako nagtagumpay.
Muli niya iyong inilayo sa akin kaya naman muli dinh tumalim ang tingin ko sa kanyan. Hindi siya natinag, diretso ang tingin niya sa akin na para bang isa akong puzzle na kailangan niyang resolbahin.
"Hindi mo talaga naaalala si Senyorito?" pilit niya.
Napabuntong hininga ako. "Paulit ulit ba tayo? Sabi ngang hindi, sino ba yun?" giit ko pa at medyo naiinis na dahil atat na akong magreply kay Eroz.
Kita ko ang nagdaang lungkot sa mukha ni Charlie. Gusto ko sanang manlaban ulit para makuha sa kanya ang cellphone ko pero dahil sa nakita kong lungkot sa kanyang pagmumukha ay parang bigla na lang din akong nalungkot.
"Kailangan itong malaman nila Tita!"
Dahil sa ibinalita ni Charlie ng gabing iyon. Kinabukasan ay dinala ako nila Mama sa hospital. Hindi na ako nagulat ng pagkarating namin duon ay nanduon na sina Cayden at Attorney Santos.
Sinalubong ako ng yakap ni Cayden na malugod ko namang tinanggap. Kita ko ang pagaalinlangan sa mukha ni Attorney, kaya naman ako na mismo ang lumapit sa kanya.
"Magandang araw po" bati ko sa kanya.
Narinig ko ang kanyang pagsinghap. Nagpaubaya na lamang ako ng marahan niya akong hinila para mayakap din.
"Nakausap na po namin ang Doctor, Tita" Si Cayden, habang kausap si Mama.
"Mas maganda sigurong dalhin natin si Tathi sa manila. Sa mas malaking hospital" suwestyon ni Attorney Santos sa amin.
Nanatili ang blankong ekspresyon ni Mama sa kanya. Minsan naguguilty na din ako, wala namang ipinakitang hindi maganda sa amin si Attorney, pero ganito ang natatanggap niya mula sa amin.
"Pagiisipan ko pa. Depende sa sasabihin ng Doctor"
Pumasok kaming lahat sa clinic ng Doctor na tumingin din sa akin nung naconfine ako dito. Hindi ko alam kung para saan pa ito, ayos naman ako. Maayos ang pakiramdam ko at wala namang problema.
Ang pagkalimot ko sa taong nag ngangalang Cairo ay masyadong pinalaki ni Charlie. Ito ngayon at naabala pa ang mga magulang ko dahil dito.
"Ayos ka lang ba?" tanong na bulong ni Cayden sa akin. Naguumpisa na kasing magpaliwanag ang Doctor na nasa harapan namin.
Tipid akong ngumiti sa kanya at tumango. "Ayos lang..." tipid na sagot ko sa kanya.
Napanguso ako ng makita ko ang busangot na tingin ni kuya Jasper sa amin. Hayan nanaman at mukhang nagseselos siya kay Cayden. Pinanlakihan ko siya ng mata, Kuya ko naman silang dalawa kaya dapat ay walang selosan.
"She suffers from selective amnesia" anya ng Doctor.
Kumunot ang aking noo ng magsimula na siyang magpaliwanag sa amin. Anya, may partikular na lugar, pangyayari at tao akong pwedeng makalimutan dahil sa aking kundisyon ngayon.
Imbes na matakot ay hinayaan ko na lamang. Muli kong pinakiramdaman ang aking sarili, ilang ulit ko din itong tinanong. May kulang ba? Parang wala naman.
Mas dumoble ang pagiingat nila sa akin dahil sa nalaman.
"Naalala kita. Naaalala ko ang lahat" pangaasar ko kay Kuya Jasper ng akbayan ako nito isang araw habang nanunuod ako sa pagaayos niya ng mga chicharon na idedeliver.
Tumikhim siya. "Ang swerte ko..." nakangising sabi niya sa akin kaya naman natawa na lang din ako.
Swerte siya dahil daw naaalala ko siya. Malas ang hindi ko naaalala, kung ganuon?
"Naku, baka ang valedictorian brain mo ay naapektuhan din ha" sita sa akin ni Charlie matapos naming magpasa ng test paper.
Nginisian ko siya at tsaka ipinagpatuloy ang pagaayos ng aking mga gamit. Half day lang kami ngayon dahil sa exam. Maaga pa din para umalis kami at dumiretso sa kanya kanya naming trabaho.
"Naka pagreview naman ako kagabi" sabi ko sa kanya pero inirapan niya ako. Nagawa pa niyang humalukipkip na akala mo eh yung terror na teacher sa mga pelikula.
"Buti naman hindi mo sinabing hindi ka nagreview. Tapos pag dating ng result ay halos maperfect mo. Kakaltukan talaga kita!" asik niya sa akin na ikinatawa ko din.
Bago kami umalis ng school ay niyaya pa muna niya ako sa isang bagong bukas na cafe malapit dito. Dito na lang daw muna kami magpalipas ng oras dahil masyado pang maaga kung bya-byahe na kami pabalik ng sta. maria.
"Wala ka talagang nararamdaman na parang kulang? Like, wala kang hinahanap na tao?" tanong niya kaagad sa akin pagkalapag niya ng mga order namin.
Marahan akong umiling. Mabilis kong kinuha ang chocolate frappe na inorder ko at sumimsim duon. Muli akong nainis ng tumama ang suot kong kulay gold na bracelet dito.
"Nakakainis to, ayaw matanggal" sabi ko kay Charlie at itinaas pa ang kamay ko sa kanyang harapan.
Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Hindi mo iyan matatanggal at hindi mo naman naaalala kung nakanino ang screw niyan"
Napabuntong hininga na lamang ako at napatitig sa gold na bracelet. Minsan gusto ko siyang taggalin sa akin. Pero hindi naman ako naghahanap ng paraan para talagang matanggal siya sa akin. Di ba nga, pag gusto, may paraan.
Gusto ko lang yung ideya na tanggalin siya sa akin. Pero wala akong lakas ng loob na ipursige iyon. Naiisip ko lang, pero may parte sa aking ayaw kong gawin.
"Kawawa naman pala si Senyorito. Pero sabagay, nagloko kasi siya..." malungkot na sabi ni Charlie.
Napanguso ako ng makita kong nakatingin pa ito sa malayo. Halatang malalim ang inisiip. Masyadong madrama naman itong kaibigan ko!
"Nagloko naman pala kasi eh" pagsakay ko na lamang para damayan siya kahit wala naman talaga akong naiintindihan sa mga pinagsasabi niya.
Pagod siyang tumingin sa akin. "Kaya siguro kinalimutan siya, kasi masyadong nasaktan yung kaibigan ko"
Nagtaas ako ng kilay sa kanya. Bigla akong nalungkot. "May iba ka pang kaibigan bukod sa akin?" tanong ko.
Halos mamuti ang kanyang mata dahil sa pagkakairap. Natawa na lang tuloy ako.
"Alam mo, nice talking ka. Sige na nga, hayaan mo na iyon kesa naman araw araw kitang makitang umiyak. Mas ok na siguro ito" pagsuko niya na tinanguan ko na lamang. Hindi ko maintindihan pero sige...oo na lang.
Matamis na ngiti ang isinalubong ko kay Manong guard. Hindi ko alam kung bakit ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Para bang ginagawa ko na ito nuon pa man.
Papasok at babati sa guard. Pagkatapos ay babatiin ko naman ang mga nasa loob ng mansyon. Si Manang Bobby?...bigla ko siyang naalala dahil sa aking pagiisip.
"Hi..." nakangising bati ko kay Eroz ng salubungin niya ako ng payong.
Bahagya lang siyang napanguso sa akin. Hindi ko din alam kung ano ang problema ng isang ito pero simula ng maaksidente ako ay parang dinidistansya na niya ang sarili niya sa akin. Hindi ko naman maintindihan kung bakit. May nagawa ba akong masama? May ikinagalit ba siya?
"Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin. Kahit masungit at ramdam pa din ang pagiging maalaga niya.
Tipid lang akong tumango sa kanya. Uminit ang magkabilang pisngi ko ng makita ko kung paano bumaba ang tingin niya sa aking katawan. Hanggang sa bumalik iyon sa aking mukha.
"Parang hindi naman. Parang hindi ka pinapakain" pangaasar niya sa akin kaya naman napabusangot ako.
Napatingin siya sa kanyang suot na wrist watch. Nagtaas ng kilay bago ako muling binalingan. "Samahan mo na muna akong kumain..." yaya niya sa akin.
Bago pa man ako makapagprotesta ay hinila na niya ako patungo sa office ni sir Julio. Napakatalaga neto! Kung makatambay sa office ni Sir ay akala mo sa kanya.
"Hi, Miss Tathi. Kain tayo!" alok ni Junie sa akin.
Nginitian ko lamang sila at tinanguan. Halos ang ibang trabahador ay kumakain pa lamang din. Bago kami pumasok sa office ni Sir Julio ay tumingala ako sa main office at nakitang nakapaskil sa pa labas ng pintuan ang signage na lunch break. Maaga pa nga kasi at ala una pa ang pasok ko. Masyado lang talaga akong excited.
"Buti hindi naiinis si Sir Julio sayo" nakangising sabi ko sa kanya.
Nagtaas siya ng isang kilay. Yabang! "Bakit siya maiinis?"
Pinanlakihan ko siya ng maya. Itinuro niya sa akin ang swivel chair kaya naman kaagad akong napaupo duon. "Syempre. Palagi kang nakatambay dito sa office niya" pagdadahilan ko pa.
Hindi kaagad sumagot si Eroz. Siya na mismo ang nagayos at naghanda ng pagkain sa may malaking office table. Naaliw ako sa pagsayaw sayaw sa swivel chair kaya naman napangisi siya ng makita ang ginagawa ko.
"Alam mo, may mga pangyayaring minsan pakiramdam ko...nangyari na" kwento ko sa kanya.
Itinuon ko ang buong atensyon ko sa pagkain sa aming harapan. Natahimik din siya sandali at humila ng isang upuan patabi sa akin.
"At?"
"Huh?" tanong ko. Anong at?
"At anong nararamdaman mo? Wala kang naaalalang ibang tao?" tanong niya sa akin.
Marahan akong umiling. "Wala. Pakiramdam ko lang nangyari na, pero wala akong naaalalang ibang tao"
Napatango na lamang siya. Sandali siyang sumulyap ulit sa akin kaya naman matamis ko siyang nginitian. Sumubo ako ng spaghetti. Nang malasahan kong masarap iyon ay kaagad akong nagikot ulit sa aking tinidor. Sinahod ko ang kabila kong kamay para hindi iyon mahulog at tsaka itinapat sa bibig ni Eroz.
"What arw you doing?" gulat na tanong niya.
Napanguso ako. Nakaramdan ako ng hiya. "Uhm...eh. Tikman mo, masarap" ngiting asong sabi ko sa kanya para itago ang kahihiyan na nararamdaman.
Nagtaas siya ng kilay sa akin. Mas lalong uminit ang pisngi ko ng dahan dahan niya iyong isubo. Nanatili ang tingin niya sa akin habang ginagawa iyon kaya naman halos manigas ako sa aking kinauupuan.
Nang tuluyang maisubo ay napatango tango siya. Duon lang din ako nakahinga ng maluwag at nanghihinang ibinaba ang hawak na tinidor.
"Hala. Nasubo ko na pala iyan. Pero wag kang magalala, wala naman akong rabies" nagaalalang sabi ko sa kanya.
Napangisi si Eroz dahil sa aking sinabi. "Oh, kaya pala mas masarap" sabi niya na mas lalong nagpahulog sa akin.
Sa mga ginagawa at sinasabi niya ay parang may binubuhay siyang kung anong pakiramdam sa akin. Para bang may matagal na akong nararamdaman para sa kanya na mas lalo niya lang pinalalabas ngayon dahil na din sa mga sinasabi at ginagawa niya.
Siya nga kaya iyon? Para nga kaya talaga sa kanya ang pakiramdam na iyon? Kahit anong pilit kong itanong minsan sa aking sarili ay para bang nahahati pa ang sagot. Kaunti na lang at malalaman ko na din.
Nagtaka siya ng makita niyang napatulala ako sa kanyang harapan. Kaagad akong napakurap kurap at mabilis na nagiwas ng tingin.
"Ito naman..." sabi niya sabay kuha ng isang ulam. Nilagyan niya iyon ng kanin at marahang inilapit sa aking bibig gamit ang kanyang kutsara.
Halos pumutok ang mukha ko dahil sa init. Bayolente akong napalunok bago ko dahan dahang tinanggap ang gusto niyang isubo sa akin.
Matamis siyang ngumiti sa akin matapos iyon. "Ano, masarap?" nakangising tanong niya.
Inirapan ko siya para mas maitago ang kilig na nararamdaman ko. Nagiwas ako ng tingin bago ako marahang tumango.
"So I can kiss you soon?" nakangising tanong niya sa akin. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kanyang itinanong.
"Pero...pero, bakit?" nahihiyang tanong ko. Kahit parang gusto ko naman kasi siya naman ang crush ko. Di ba, siya naman ang crush ko?
Napangisi siya. "It's indirect kiss, though" nakangising sabi pa niya sa akin. Tukoy sa naganap na pagsusubuan namin kanina gamit ang aming kanya kanyang kubyertos.
"Hindi porket...crush kita hahayaan kitang halikan ako" wala sa sariling sabi ko na pinagsisihan ko din naman sa huli. Shuta Tathi! Preno naman girl!
Nilingon ako ni Eroz. "Anong sabi mo?"
Marahas akong umiling. Wala! Wala.
Mas lalo siyang napangisi. Kung tingnan niya ako ay para bang nagbabanta siya. Na alam na niya ang sagot kaya naman kailangan ko ng umamin.
"Crush mo pala ako ha"
Sumama ang tingin ko sa kanya. Gusto talaga ata talaga neto yung itsura ko pag nahihiya ako sa kanyang harapan. Gustong gusto niya iyon para mapagtawanan niya ako. Shuta!
"Ay naku, pinapahiya mo ako. Hindi na lang pala" parang batang laban ko sa kanya kaya naman napahalakhak na siya.
Nanlaki ang mata ko sa gulat ng hilahin niya ang aking palapulsuhan palapit sa kanya. Naramdaman ko kaagad ang hininga niya sa aking pisngi.
Halos maduling ako dahil sa lapit ng mukha niya sa akin. Hahalikan ba diyan ako? Shuta!
"I like you too...though" malamabing na bulong niya sa akin bago niya ako malambing ding hinalikan sa aking pisngi.
Dahil sa ginawa ni Eroz ay para akong nakalutang buong araw. Panay tuloy ang pangaasar sa akin sa may office ng makitang napapatulala ako kung minsan.
"Inlove ang bunso namin ah..." pangaasar ni Ate Iya sa akin. Napanguso ako at napatakip ng palad sa aking magkabilang pisngi.
"Bagay naman sila ni Sir Eroz!" kantyaw pa ng iba kaya naman mas lalo akong nahiya.
Nagpulbos pa muna ako bago ako nagpasya na bumaba sa may warehouse. Kahit ganuon ay kitang kita pa din ang aking pamumula dahil na din sa aking kaputian.
Malakas na tawanan ang sumalubong sa akin. Walang suot na pangitaas ang karamihan sa kanila dahil sa init. Pero mas lalong naginit ang paligid ng makita ko kung paano tumalon pababa si Eroz sa likod ng truck.
Suot ang kupas na pantalon, brown booths at walang suot na pangitaas ay talagang halos hinahawi niya ang mga taong nakapaligid sa kanya. Angat na angat talaga siya sa kanilang lahat.
"Namumula ka" puna niya. Shit! Sinabi pa talaga. Napahawak din tuloy ako sa aking pisngi at duon ay nakumpirma kong totoo dahil sa init nuon.
"Eh mainit kasi eh" pagdadahilan ko na lamang ay sinisi pa ang araw.
Napatango siya pero ang kanyang mga mata ay nanatiling nakatingin sa akin. Hindi ko kinaya iyon kaya naman nagkunwari akong pinagkaabahalahan na lang ang hawak na checklist.
"Junie. Pakilabas yung malaking electric fan at naiinit si Miss Tathi" utos niya kay Junie kaya naman nagulat ako.
Naghihiyawan ang mga trabahador. Nagawa pa ni Junie na lumapit kay Eroz para makipag apir.
"Boss Eroz" nakangising sabi niya dito at tumakbo para kuhanin ang pinapakuha ni Eroz sa kanya.
Nataranta kaagad ako. "Hindi na kailangan! Ano ka ba!" asik ko sa kanya.
Nagtaas siya ng kilay sa akin. Ilang beses na binasa ng kanyang dila ang kanyang pangibabang labi. "Ayokong naiinitan ka, masyado kang mapula..." sabi pa niya kaya naman halos hindi na talaga ako makahinga dahil sa mga sinasabi niya sa akin. Shuta talaga!
Tuwang tuwa maging ang ibang trabahador dahil sa pagpapalabas ng malaking electricfan ni Eroz. Mas naging magaan tuloy ang trabaho nila dahil panay din ang tawanan dahil sa kung ano anong pinagkwekwentuhan.
"Pahinga na muna!" sigaw ni Eroz sa mga ito ng halos makalahati na nila ang likod ng truck. Kanya kanya silang baba at silong sa may warehouse.
Nasa tabi ko ang pitsyel ng may lamang malamig na tubig. Nagsalin ako ng isa ng makita kong naglalakad palapit si Eroz sa akin. Panay ang punas niya sa kanyang pawis gamit ang kanyang hinubad na puting tshirt. Kawawa naman ang maglalaba ng damit nito.
Mula sa aking mukha ay bumaba ang tingin niya sa baso na hawak ko. Medyo nanginig pa iyon dahil sa kaba.
"Inom ka muna"
Napadila siya sa kanyang pangibabang labi bago ko nakita kung paano bayolenteng nagtaas baba ang kanyang adams apple.
"Salamat" sabi niya sabay iwas ng tingin sa akin.
Ganuon na ang nangyari ng mga sumunod na araw sa amin. Halos araw araw na nila kaming asarin dahil halos lahat ng pabor ay ibinibigay ni Eroz sa akin. Tuwang tuwa naman ang mga trabahador dahil naambunan sila ng kung anong maisipan nito.
Lumakas ang ilan ng sumunod na araw. Wala akong trabaho sa araw na iyon kaya naman nanatili lamang ako sa aming bahay. Panay pa din ang text namin ni Eroz.
Ako:
Ang lakas ng ulan. Nakauwi ka na ba?
Eroz:
Hindi pa. May tinatapos pa. You should rest, see you tomorrow.
Hindi na ako nagreply pa sa message niya. Baka kasi nakakaistorbo ako sa kanya gayong kahit malakas ang ulan ay hindi pa din nila hinihinto ang trabaho nila. Baka talagang importante iyon.
Kaya naman ng sumunod na araw ay nagulat ako ng si Junie ang sumundo sa akin sa may gate.
"May sakit ata si Boss...nasa office nagpapahinga" sabi niya sa akin ng mahalata niya ang pagtataka ko.
Tumango ako at tsaka kaagad na dumiretso sa may office ni Sir Julio na talaga namang inangkin na ata ni Eroz.
Naabutan ko siyang nakaupo sa may swivel chair, nakatukod ang isang kamay sa may armrest habang hinihilot ang sintido.
"May sakit ka daw?" pagbasag ko sa katahimikan.
Nagulat siya ay napaayos pa ng upo. Walang pagdadalawang isip akong lumapit sa kanya at sinalat ang kanyang leeg maging ang noo. Mainit nga siya at mukhang mataas ang lagnat.
"Nagpaulan ka kahapon ano?" sita ko sa kaya. He smile weakly, kahit anong gawin niyang pagpapasigla duon ay lumalabas pa din na may sakit siya.
"Uwi ka na kaya at magpahinga" suwestyon ko sa kanya.
Sandaling kumunot ang kanyang noo. Hanggang sa napatango na lamang siya. "Are you going to be fine here, kahit wala ako?" tanong niya na ikinabigla ko.
"Oh...Oo naman!" laban ko.
Nagpatuloy ang trabaho namin kahit umuwi na si Eroz. Kahit anong gawin kong focus ay hindi ko magawa dahil inaalala ko siya. May magbabantay kaya sa kanya duon? May magaalaga?
"Kailangan ko itong mapapirmhan ngayon eh" pamomorblema ni Ate Iya.
"A...ako na lang po" pagprepresinta ko ng nagtuturuan sila kung sino ang maghahatid ng importanteng papel sa bahay nina sir Julio.
Ngumisi siya sa akin at makahulugang tumingin. "Paki kamusta mo na lang din kami kay Boss..." sabi pa niya sa akin kaya naman tiniis ko na lamang ang pangaasar nila.
Sinabay ako ng ilang trabahador at ibinaba sa tapat mismo ng bahay nina Sir Julio. Bukas ang gate kaya naman mabilis akong nilapitan ng guard.
"Kay Sir Julio po" sabi ko sa kanya kaya naman kumunot ang kanyang noo.
"Wala si Julio dito. Si Senyorito Eroz lang at yung kararating niyang pinsan" sabi niya sa akin na ikinakunot ng noo ko.
Ang walang galang naman niya kay Sir Julio. Pero si Eroz ay tinawag pa niyang senyorito!
"Edi kay Eroz na lang po. May iaabot lang ako" sabi ko pa sa kanya. Sandali pa niya akong tiningnan bago niya ako pinapasok sa loob.
Naglakad ako papasok sa malaking bahay. Sa may garahe ay nakita ko ang gray na hummer ni sir Julio at sa tabi nito ay isang kulay itim na jeep wrangler. Halos dumikit ang tingin ko sa hindi pamilyar nasasakyan.
"Magandang hapon po" bati ko sa kasambahay na sumalubong sa akin. Nagtataka ako ng makita ko ang pagaalala sa kanyang mukha.
"Naku, nagaaway yung magpinsan. May sakit pa naman si Senyorito Eroz" natatarantang sabi niya sa akin.
Mas lalo akong napatakbo paakyat ng makarinig kami ng kalabog duon. Wala na akong naisip pa, ang gusto ko lang ay makita si Eroz at tulungan siya.
"Eroz!" tawag ko.
Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya ng makita kong nakahandusay siya sa sahig. Hinang hina dahil sa kanyang sakit at may dugo pa sa gilid ng kanyang labi.
Kaagad siyang yumakap sa akin ng lumuhod ako para pantayan siya. Mainit pa din siya, ramdam na ramdam ko iyon sa pagkakahawak niya sa akin.
"Anong nangyayari?" nagaalalang tanong ko sa kanya. Hindi siya nagsalita kaya naman tiningala ko ang lalaking may kagagawan nito.
Nagulat ako ng makita ko siya. Magkahawig sila ni Eroz. Para bang nakita ko na siya nuon.
"Please tama na. May sakit siya" pakiusap ko dito.
Kitang kita ko ang matalim niyang tingin sa akin. Ang kanyang mga mata ay halos mamula na din dahil sa umapaaw na emosyon.
"Cairo...hindi ka niya naalala" sabi ni Eroz na hindi ko pinansin.
Nanatili ang tingin ko sa lalaking nakatitig din sa akin. Ang gusto ko lang ay wag na niyang saktan si Eroz. Hindi ito makakalaban sa kanya dahil may sakit ito.
"Tathriana" madiing tawag niya sa akin.
Nanatili ang tingin ko sa kanya. Hanggang sa makita ko kung paano pumungay ang kanyang mga mata.
"Baby, come here. You make me fucking jealous" mariing sabi niya sa akin.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro