Chapter 43
Crush
Halos malunod ako dahil sa pahingang natatamasan ng aking buong katawan. Para bang gusto ko na lamang masanay dito. Dito na lang kaya ako? Wag na kaya akong bumalik?
Anong bang babalikan ko duon? Nawawala ang lakas ko sa tuwing iisipin kong marami akong kailangang harapin sa oras na gumising ako. Mga kasinungalingan na ayokong paniwalaan. Pinagkaisahan ako, niloko ako.
Kasabay ng naramdamamg galit, unti unti ko ding naramdaman ang pakiramdam sa aking buong katawan. Malamig, nasaan ba ako? Ang amoy ng paligid ay pamilyar sa akin. Hospital! Nasa hospital ako.
"Hindi naman po, Tita..."
Ang maarteng boses ng aking kaibigan na si Charlie ang una kong narinig ng para bang unti unting bumalik ang aking pandinig.
Naunang nagfunction ang aking isip, hanggang sa mahusto ito at bumalik ang aking pakiramdam, sumunod ang aking pandinig. Hanggang sa naramdaman ko ang hapdi sa aking labi, at tsaka ko unti unting naimulat ang aking mga mata.
Nasilaw ako sa liwanag. Gustuhin ko man sanang pumikit muli ay hindi ko na nagawa pa. Mabilis na napalitan ng nagaalalang mukha ni Charlie ang tinitingnan kong kisame.
"Gising na si Tathi!" hiyaw niya na tila mo'y nanalo sa lotto.
Kumunot ang noo ko ng mas lalo niyang inalapit ang mukha niya sa akin. Para bang gusto niyang siguraduhing gising na ako at hindi lang siya namamalikmata. Shuta! Pigil na pigil ko ang aking hininga dahil sa oras na huminga ako ay magkakapalitan na kami.
"Oh em...to the G!" hiyaw niya ulit at napapalakpak pa.
Mabilis din siyang nawala sa aking tabi. Ang kanyang boses ay natabunan ng mga nagaalalang tanong nina Mama, Kuya Jasper, si Cayden at sa malayong likod ay si Attorney.
"Tathi anak!" umiyak na tawag ni Mama sa akin at mabilis akong niyakap.
"Nawala na ang Papa mo. Bati ba naman ikaw!? Gusto mo bang mabaliw si Mama?" emosyonal niyang tanong sa akin.
Dahan dahan kong itinaas ang kamay ko para magantihan ang yakap niya. Hindi ko nagawa ang gusto kong pagyakap dahil mahina pa ang aking katawan. Pilit ko ding sinubukang ngumiti pero nasaktan lang ako dahil sa mga sugat dito. Dala siguro ng ilang araw na pagtulog at lamig ng paligid.
"Sorry po Mama. Hindi ko po kayo iiwan" paninigurado ko sa kanya. Hindi ko na napigilan pa at napaiyak na din ako.
Ano ka ba Tathi! Sarili mo lang ang iniisip mo! Ayaw mo ng bumalik? Paano si Mama? Hahayaan mo siyang magisa dito, sasama ka kay Papa at hahayaang magisa si Mama? Hindi ka man lang naawa sa kanya!
Panay ang kastigo ko sa aking isipan. Maling mali ako ng isipin kong sana ay natuluyan na lamang ako. Hindi ko inisip yung mga taong masasaktan pag nawala ako, ang tanging inisip ko lang ay ang sakit na nararamdaman ko. Ang selfish ko.
Halos walang imikan. Nakatingin lamang sila sa akin, nakatayo sa gilid ng aking kama na tila mo'y isang utos ko lang ay maguunahan pa sila sa pagsunod dito.
"Tatawag po ako ng Doctor, Tita" sabi ni Cayden kay Mama.
Ngayon lamang nila iyon naisip dahil halos ayaw niya ding umalis sa aking tabi. Tinulungan ako ni Kuya Jasper na umayos ng upo. Ramdam ko na ang pananakit ng aking likuran mula sa mahabang pagtulog.
"Gising na ang Snow white namin" nakangising bulong niya sa akin bago ako hinagkan at hinalikan sa ulo.
Napanguso ako at napangiti din. Nang tuluyan na akong makaayos nh pagkakaupo pasandal sa hospital bed ay nakita ko na ang kabuuan ng buong kwarto.
Hindi kagaya ng private room nuon ni Papa. Mukhang mas mahal ito. May dalawang bahabang sofa na naka-L shape, pwede pa atang maging kama. May four seater dinning table, may maliit na ref at may pintuan para sa banyo.
Hinawakan ko ang kamay ni Kuya Jasper na nanatiling nakatayo sa aking gilid. Marahan niyang sinusuklay ang aking buhok.
"Kuya, wala na tayong pera. Paano natin mababayaran ito?" nagaalalang tanong ko.
Ayokong mamorblema pa si Mama. Ayoko ding humantong pa kami sa pangungutang at tsaka kami nalulubog duon. Nandito ako para suportahan si Mama, ang maging malakas para sa kanya.
Tipid na ngumiti si Kuya Jasper sa akin. Bago pa siya makasagot at nalipat ang tingin ko kay Charlie na tumayo sa kanyang tabi. Halata ang kuryosidad sa kanyang mukha habang kumakain ng mansanas.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Kuya Jasper, pero mas lalo siyang napangisi at tsaka bumaling kay Charlie na panay pa din ang kain. Shuta! Kainan talaga ang tingin niya sa lahat ng lugar na pinupuntahan niya.
"Ibebenta natin si Charlie, para may pambayad tayo dito" biro niya.
Natawa ako dahil dito lalo na't halos maghysterikal si Charlie kahit alam niyang biro lang iyon. Ramdam kong gusto lang nilang pagaanin ang loob ko.
"Wag mo ng isipin. Kami na ang bahala, basta ay magpagaling ka" si Kuya Jasper.
Tumango na lamang ako. Matapos akong tingnan ng Doctor ay nakatulog muli ako. Nagising na lamang ako bandang hapon, tulog si Mama sa may sofa. Wala sina Cayden at Attorney.
Narinig ko ang tunog ng isang pamilyar na laro sa cellphone. Nakita kong nakaharap si Charlie sa isang magarang laptop.
"Ang ingay" nakangising biro ko sa kanya. Nagulat pa ang shuta at napahawak sa kanyang dibdib.
Nang umayos ako ng upo ay duon ko lang din napansin na may tao sa loob ng banyo. Baka si Kuya Jasper. Lumapit si Charlie sa akin at pinabayaan ang ginagawa.
"Sa pelikula ko lang ito napapanuod eh. Sabihin mo nga Tathi, balak mo bang magartista?" problemadong tanong niya sa akin. Napanguso ako at napairap sa kanya.
Nakiya ko ang ilang take out box ng spaghetti mula sa jollibee. Bigla akong nakaramda ng gutom.
"Kakain ako..." turo ko duon.
Mabilis na kinalas ni Charlie ang pagkakapamewanh niya na para bang isang nanay na chismosa sa umaga. Napangiti ako sa aking inisip.
"Kumain ka ng madami. Wala na akong makikilala pang kasing dugyot mo kaya naman wag kang mamamatay!" galit na pangaral pa niya sa akin. Tinalo pa si Mama!
Humila siya ng upuan para maupo sa gilid ng aking kama. Pinanuod niya ako habang kumakain ako at inasikaso.
"Naalala mo ba talaga ako?" tanong niya sa akin habang pinagmamasdan niya ang puting benda na nakaikot sa aking ulo.
Mabilis akong tumango sa kanya. Napanguso ang shuta na para bang mas gusto niyang hindi.
"Sayang..." panghihinayang niya.
Napangisi ako sabay subo ng spaghetting ipinaikot ikot ko sa tinidor. Parang may special sa spaghetti na ito? O talagang ganito na ang pakiramdam sa tuwing kumakain ako nito.
"Kung hindi mo ako naaalala. Magpapakilala sana ulit ako like...Tathi ako ito, si Charlie at babae ako!" kwento niya sa akin kaya naman mas napatawa ako.
Nang makumportable ay nagawa ko pang magindian sit na para bang wala akong sakit. Panay ang kwento ni Charlie kung ano daw sana ang gagawin niya kung sakaling hindi ko na siya maalala.
"Tapos sasabihin ko, pinagaawayan ako nina Cayden at Kuya Jasper..." pag daDaydream pa ng shuta kaya naman imbes na matawa ay awang awa ako sa kanya.
Presenting...ang mga pangarap ng babaeng puso ni Charlie.
Nagikot ulit ako ng spaghetti sa tinidor at tsaka isinalok ang aking kabilang kamay para hindi mahulog. Inilapit ko iyon sa putak ng putak na si Charlie. Nagulat pa siya nung una pero tinanggap din niya.
"Ano ba yan, Tathi. Nagsasalita ako eh...Shuta! May laway mo na ito ah!" asik niya sa akin.
Napahagikhik ako dahil sa pandidiri niya. Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Mas masarap nga at may laway ko!" laban ko sa kanya.
"Kung wala ka lang sakit, jojombagin kita eh!" banta niya sa akin kaya naman mas lalong gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sayang hatid ng aking kaibigan.
Ramdam na ramdam ko ang pagaasikaso ni Mama sa akin. Panay din ang balik ni Cayden, kita ko ang kagustuhan niyang lapitan ako at kausapin. Ngunit, mas pinili na lamang muna niyang bantayan ako at tingnan sa malayong sofa.
"Tita, yun nga po...sabi kasi sa mga research ko, possibleng may makalimutan si Tathi. Halimbawa, kung sino ang iniisip niya bago siya naaksidente" kwento pa din ni Charlie.
Ang kahibangan niya tungkol sa pagkawal ng memorya ay hindi niya binitawan. Nagawa pa niyang ikwento iyon kay Mama kaya naman natatawa at napapailing na lamang ito.
"So Tita, sa madaling sabi...hindi tayo iniisip ni Tathi. Ganyan kasama ang anak niyo, Tita"
Mabilis ko siyang inabot at hinampas sa braso. Shuta talaga, ginawa pa akong masama sa paningin ng Mama ko.
Naging matiwasay ang mga unang araw pagkagising ko. Nagpapasalamat naman ako dahil pinili nilang wag na munang banggitin ang problema na tinakbuhan ko dahilan kung bakit ako naaksidente.
Hindi pa sapat ang lakas ko para harapin iyon sa ngayon. Hindi ko iyon tatakbuhan, pero hindi ko din haharapin sa ngayon. I need time.
"May gusto siyang kainin, Tita?" rinig kong tanong ni Cayden kay Mama. Hindi ko alam kung bakit parang takot siyang tanungin ako ng direkta kaya kay Mama siya nagtatanong.
Nung una hinahayaan ko, sa tingin ko kasi ay mas magiging maayos ang relasyon nila pag ganyan.
"Wala Cay. Ok na siya" sagot ni Mama dito.
Napakamot si Cayden sa kanyang batok habang pinaglalaruan ang susi sa kanyang kamay. Sandali siyang sumulyap sa akin.
"Eh kayo po, Tita? Para po madala ko pagbalik ko dito"
"Wala Hijo. Sige na, magingat ka sa pagmamaneho" kahit medyo malamig pa din ang pakikitungo ni Mama dito ay ramdam ko pa din ang pagaalala.
Tumango si Cayden at tangkang aalis na ng pigilan ko siya.
"Kuya..." tawag ko.
Halos lumuwa ang mga mata nila dahil sa aking sinabi. Ang tahimik na nakaupong si Kuya Jasper ay matalim na tumgin sa akin.
"Ako lang ang Kuya ni Tathi" pagpaparinig ni Kuya Jasper dito.
Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng makita ko ang pag bagsak ng balikat ni Cayden. Para bang nagkaroon siya ng pagasa kanina at bigla ding nawala.
"Kuya Cayden..." pagulit ko.
Gulat siyang napatingin sa akin. Tipid ko siyang nginitian. "Gusto ko ng chocolate cake..." sabi ko na lamang. Pero ang totoo, gusto kong ipakita sa kanya, sa kanila. Na sinusubukan kong tanggapin ang lahat.
Halos inilang hakbang niya ang pagitan naming dalawa. Walang pagdadalawang isip niya akong niyakap. Ramdam ko duon ang pananabik, ilang araw niya ding pinigilan ang sarili na wag akong lapitan at kausapin dahil sa takot na magalit ako sa kanya.
"Ilan ang gusto mo kung ganuon? Ano pa, kahit ano!" sunod sunod na tanong niya sa akin na ikinatawa ko.
Marahan akong umiling. "Yun lang"
Natahimik ang aking kwarto dahil sa pagalis ni Cayden. Nagpaalam ding lalabas muna si Kuya Jasper, si Charlie ay wala din ay nasa school pa.
Umupo si Mama sa aking hospital bed. Nginitian ko siya ng marahan niya akong pinagmasdan. Tila ba, ayaw niyang ialis ang tingin niya sa akin dahil sa takot na baka sa oras na kumurap siya ay mawawala ako sa kanya.
Napapikit ako ng haplusin niya ang aking pisngi. "Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa amin ng Papa mo. Nagbago ang lahat sa amin ng dumating ka, Tathi" kwento ni Mama sa akin na halos maiyak.
Bumagsak ang tingin ko sa kama. Handa na ba akong pakinggan?
"Paano nangyari Mama?" halos pabulong ko ng tanong sa kanya.
Napabuntong hininga siya at napatitig sa kung saan. Tila sinasariwa ang nakaraan.
"Nagtrabaho ako bilang kasambahay nuon sa mga Santos, hanggang sa may nangyari sa amin ni Richard habang kasal siya sa asawa niya...hindi maganda ang pagsasama nila nuon kaya naman..." halos hindi na madugtungan ni Mama ang sasabihin niya.
"Naalagaan ko din nuon ang batang si Cayden. Halos araw araw kasing nagaaway ang mga magulang. Hindi na magkasundo si Richard at ang asawa niya. Nang malaman kong buntis ako sayo, umalis ako duon..." sandali siyang huminto para punasan ang tumulong luha.
"Umuwi ako sa Sta. maria para maghanap ng trabaho. Naghanda akong buhayin kang magisa. Hanggang sa nalaman ni Theodoro ang kalagayan ko...magkababata kami at nuon pa lang, may gusto na siya sa akin" natawa pang sabi kwento ni Mama. Napangiti din ako, mukhang childhood crush pa ata ni Papa si Mama.
"Hindi niya ako tinigilan hangga't hindi ko siya sinagot. Buo ang loob niyang panagutan ang pagbubuntis ko kahit hindi sa kanya...Mamahalin niya daw ang pinagbubuntis ko kagaya ng pagmamahal niya sa akin, ituturing niyang sa kanya. At napatunayan niya nga iyon..." humikbing sabi pa ni Mama.
Sumangayon ako sa kanya ay napaiyak na din. Mahal na mahal ako ni Papa, alam ko iyon. Hindi man ganuon karangya ang buhay namin, hindi naman siya nagkulang sa pagmamahal sa akin. Sobra sobra pa nga.
"Nagsikap siya. Lalo ng malaman niyang mayaman ang tunay mong Ama. Gusto niyang pantayan si Richard. Para daw sa oras na malaman mo ang totoo...hindi mo siya sisihin na inako ka ng isang hamak lang na katulad niya"
Napahikbi ako. "Mama, hindi na po iyon kailangan. Mahal ko po kayo ni Papa" sabi ko sa kanya kaya naman napatango si Mama.
"Alam ko anak. Pero masyado ka lang mahal ng Papa mo. Kaya naman sa sobrang kagustuhan niyang maibigay sayo ang lahat ay nakagawa siya ng masama"
Sa huli, niyakap ko na lamang ng mahigpit si Mama. Niyakap niya din ako pabalik, habang pareho kaming nangungulila kay Papa. Mahal na mahal namin siya at hindi siya basta basta mapapalitan.
"Gusto ko din naman po siyang makilala. Pero wag sana niyang hilingin na agad agad ko siyang matatanggap. Kailangan ko pa po ng oras. Nagluluksa pa din po ako sa pagkawala ni Papa" paliwanag ko kay Papa.
Siguradong makakarating iyon kay Attorney Santos.
"Takot din siyang kausapin ka. Maghihintay daw siya hanggang sa maging handa ka"
Dalawang linggo akong walang malay sa hospital. Nang mabigyan na ako ng clearance ng Doctor ay lumabas na din kami ng hospital.
"Si Attorney" si Kuya Jasper. Nang itanong ko sa kanya kung saan kami kumuha ng pangbayad sa hospital.
Hindi na lamang ako nagsalita pa. Busy si Mama para sa mga papel na inaayos para sa aming paglabas. Tahimik kong pinanuod ang pageempake ni Kuya.
"Nga pala. Nagkausap na ba kayo ni Eroz?" tanong niya sa akin na ikinagulat ko.
"Si Eroz, nandito?" bigla akong nakaramdam ng excitement. Ilang araw din akong nagisip kung dumalaw man lang ba siya sa akin. Kahit isang beses.
"Araw araw iyong nandito. Pero pumapasok lang sa tuwing tulog ka" kwento niya kaya naman napanguso ako. Bakit naman kaya?
Nagtaas ng kilay si Kuya Jasper sa akin ng makita niya ang pagnguso ko. "Daming manliligaw. Mapapaaway pa ata ako nito, ilang taon ka pa lang!" akusa niya kaya naman napangisi ako.
"Wala naman..." laban ko sa kanya.
Ilang araw akong nagpahinga sa bahay. Hanggang sa pwede na ulit akong pumasok sa school at bumalik sa dati.
Ilang bati ang natanggap ko mula sa aking mga kaklase. Mukhang kumalat ang balita tungkol sa nangyari sa akin, at hindi lamang iyon. Maging ang balitang magkapatid kami ni Cayden sa ama ay alam na din ng ilan. Hindi lang nagsasalita dahil sa takot nila kay Cayden.
"Yan kain ng kain. Para naman hindi ka na magmukhang bangkay na Snow white" pangaasar ni Charlie sa akin.
Hindi pa kami nagsisimulang kumain ng lunch ay kaagad ng nakalapit si Cayden sa amin. Hindi pa din ako nasasanay na tawagin siyang Kuya, pero sinusubukan ko.
"Para sayo ito, Tathi" sabi niya sabay abot ng maliit na paper bag.
Nanlaki ang aking mga mata, moment ko na sana para mahinang tumili pero nakuha nanaman ni Charlie ang spotlight at nauna pa sa akin ang shuta!
"Ang mahal niyan" kinikilig na sabi niya.
Binigyan niya ako ng bagong cellphone. Hindi lamang iyon basta bago dahil iyon ang pinakaLatest na Iphone. Gusto ko sanang tanggihan pero dahil sa bunganga ni Charlie ay hinayaan ko na lamang para lang matigil siya.
"Hindi na magagamit ang luma mong cellphone, importante iyan. Andyan na din ang number ko" paliwanag ni Cayden. Tumango na lamang ako, ang luma kong cellphone ay nakatago pa din.
Kahit basag na ang screen at halos hindi na magamit dahil sa aksidenteng nangyari sa akin ay hindi ko iyon basta basta itatapon. Regalo iyon ni Mama at Papa sa akin nung graduation. Importante iyon sa akin.
Hindi din nila ako napigilan pa ng gustihin kong ipagpatuloy ang pagtratrabaho ko sa rice mill. Inis na inis akong magtext kay Charlie, hindi kasi ako sanay sa ganitong cellphone. Mas gusto ko ang android, mas kabisado kong gamitin.
Ako:
Mauuna na ako. Baka malate sa trabaho.
Nang masigurado ko ng naisend ko na iyon ay bumyahe na ako pabalik sa sta. maria. Hindi kami nagkasabay ni Charlie dahil magkaiba kami ng grupo sa isang minor subject.
Napabuntong hininga ako pagkababa ko ng Jeep sa tapat ng Rice mill factory. Hindi ko alam kung bakit, pero nung isang araw pa ako excited na pumasok dito.
"Tathi! naMiss ka namin!" bati pa sa akin ni Manong guard.
Halos lahat sila ay binati ako sa gate pa lang. Pero nawala ang ngiti sa aking labi ng makita kong si Junie ang tumakbo na may dalang payong para salubungin ako.
"Nasaan si Eroz?" tanong ko sa kanya.
"Nasa office. Kumakain" sagot niya sa akin kaya naman napatango na lamang ako.
Nagpasalamat ako kay Junie ng maihatid na niya ako sa pangatlong warehouse kung saan ang daan patungo sa office. Bago ako umakyat sa hagdan ay sumilip pa muna ako sa office ni Sir Julio. Pero imbes ba siya ang makita ay ang seryosong si Eroz ang nanduon.
Nakakunot ang kanyang noo habang nakaharap sa laptop. Aba't palaptop laptop pa ang isang ito ah!
Imbes na dumiretso sa office ay kumatok ako at walang sabi sabing ipinasok ang aking ulo.
"Hi!" masiglang bati ko sa kanya. Hindi nagbago ang kanyang ekspresyon. Nanatili iyong matigas.
"Hindi mo ako sinundo" pangaasar ko sa kanya. Naglakad ako palapit sa lamesa ni Sir Julio na halos angkinin na ni Eroz. Itong trabahador na to! Ang sosyal.
"May ginagawa ako" tipid na sabi niya sabay iwas ng tingin.
Napanguso ako. "Sabi ni Junie kumakain ka. Tapos naglalaptop ka lang naman pala...ano nilalaro mo? Plants vs. Zombie?" nakangising tanong ko pa.
May ganuong laro kasi si Charlie sa laptop niya. Kita ko ang pagigting ng kanyang panga.
"Nanunuod ako ng porn. Kaya lumabas ka na dito" pagtataboy niya sa akin kaya naman nanlaki ang aking mga mata.
"Napakabastos mo! Masama iyan Eroz!" suway ko sa kanya pero hindi ko mapigilang mapatawa.
Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. "Napakaingay mo. Nagco-Concentrate ako dito eh...labas na" pagtataboy pa niya.
Napairap ako. "Ang bastos mo. Isusumbong kita kay Sir Julio!" banta ko pa.
Nang mahusto ay inirapan ko na lamang siya. Aakyat na muna ako sa office para mag time in. Pero bago ko pa man magawang humakbang palabas ay muli na akong bumalik sa kanyang harapan.
Inilabas ko ang bago kong cellphone. "Bago ang cellphone ko, gusto mong kuhanin ang number ko?" nakangiting tanong ko sa kanya.
Kumunot ang kanyang noo. "Aba, bago yun ah. Nagpapamigay ka na ng number...sino sino ang meron kung ganuon?" masungit na tanong niya sa akin.
Inirapan ko siya. "Ikaw pa nga lang ang tinatanong ko. Ano? Hihingin mo ba?"
Napatikhim siya bago umiling. "Ayoko" masungit na sabi niya sa akin.
Ang arte! Shuta! "Edi, pwede ko bang mahingi ang number mo, Eroz?" sige at ako na ang magaAdjust!
Naningkit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. "Eh kasi bago ito, wala akong katext. Pag may katext ako, mapagaaralan at masasanay akong gamitin ito" paliwanag ko sa kanya kaya naman umirap siya.
Akala ko hindi na siya sasagot. Halos mapatalon ako sa tuwa ng ilahad niya ang kanyang kamay sa akin. Yes!
Ngiting ngiti ako habang pinapanuod siyang magtipa ng number sa aking cellphone. Malaki naman iyon, pero ng hawakan ni Eroz ay parang lumiit. Nangyari na ba ito dati? Parang pamilyar kasi ang pakiramdam eh...
Ngiting ngiti ako habang nasa office na.
Ako:
Nasa office na ako.
Eroz:
I know. Hagdan lang ang pagitan natin.
Natawa ako habang binabasa ang reply niya. Ano ba yan!
Katext ko si Eroz hanggang sa makauwi ako sa bahay. Wala namang sense ka text! Nagtitiis na lang akong magreply.
"Ako na ang magtytype" pagprepresinta ni Charlie.
Nasa kwarto ko kami at gagawa ng project. Busy ako sa pagkalikot sa aking bagong cellphone kaya naman hinayaan ko na siya.
Medyo nainis pa ako ng tumama ang kulay gold na bracelet sa may lamesa. Paano ba tanggalin ito? Nung isang araw ay sinubukan ko pero hindi ko matanggal.
"Shuta!" asik ni Charlie. Hinayaan ko siya.
"Bakit ba ako ang kinukulit nito. Baka mafall ako ha..." pagiinarte niya. Natawa ako at sandaling nilubayan ang cellphone para tingnan ang pinoproblema niya.
"Ano ba yon?"
Ipinakita niya sa akin ang kanyang cellphone. Nakabukas iyon sa isang chat conversation.
"Si Cairo mo. Nababaliw na ata kakaisip sayo" sabi niya sa akin. Kumunot ang aking noo.
"Cairo? Sinong Cairo?" tanong ko sa kanya na ikinalaglag ng panga niya.
"Shuta, nagbibiro ka ba?"
Napatawa ako. "Ano?"
Halos lumuwa ang kanyang mga mata. Mas lalo akong natawa, ang panget ni Charlie sa anggulong iyan.
"Sino yun? Bago mo nanamang crush?" pangaasar ko sa kanya.
Hindi siya nakasagot. Hanggang sa napatalon ako ng makareceive ng text mula kay Eroz.
"Nag reply na yung crush ko!" kinikilig na sabi ko sa kanya. Hindi siya nakitawa sa akin. Ano bang problema nito?
Sino ba yung Cairo? Sino ba yon?
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro