Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 41

Video










Nanatili akong nakasubsob sa aking magkabilang palad para itago ang aking pagiyak. Takot ako na makita at mapansin ng lahat ang aking pagiging emosyonal. Mas lalo akong naiyak at parang may kung anong humaplos sa akong puso ng maramdaman ko ang init ng palad ni Eroz ng hawakan niya ang aking likod.


"Shhh...iiyak mo lang" marahang sabi niya sa akin.


Kung ibang tao lang siguro ang aking kasama o kaya naman ay si Charlie, papakalmahin ako nito at sasabihing tumahan na. Pero si Eroz, ayos lang sa kanya na umiyak ako.


Narinig ko na ang pangalan ko sa ilang trabahador na mukhang napansin na anh pagiyak ko. Mabilis kong pinahid ang luha sa aking mga mata at tumayo.


"Bibili ako ng sisiw!" nakangising sabi ko sa kanila kahit namamaga ang aking mga mata at paniguradong pulang pula na ako dahil sa pagiyak.

Muli kong narinig ang malutong na mura ni Eroz sa aking gilid. Wala sa sarili at sabay sabay na tumango ang mga taga office bago sila sabay sabay ding tumingin kay Eroz.


Bago pa may magsalita muli ay mabilis na akong lumabas sa bahay nila Junie para kunwaring hanapin ang mga nagbebenta ng sisiw na may iba't ibang kulay.


Uso iyon dito sa sta. maria sa tuwing may piyesta. Madami ang naglalakong may dalang maliit na kariton na may lamang iba't ibang kulay ng sisiw. May mga palaro din at ilang laruan ang itinitinda.


Nanatili akong nakayuko dahil madami din ang mga bisita sa kabilang bahay. Halos lahat ng bahay ay puno ng tao at lahat ay nagkakainan. Sa dulo ng mga nakahilerang bahay ay huminto ako sa tapat ng malawak na palayan.


Muli akong napaiyak at napahikbi. Halos manghina ang tuhod ko dahil sa sobrang pagiyak. Ayoko mang isipin ay paulit ulit na pumapasok sa aking isip anh itsura ni Nicole. Ang magulo niyang buhok, ang suot niyang halos pahubad na.


"Tathi..." nagaalalang tawag ni Eroz sa akin. Naramdaman ko kaagad ang kanyang presencya sa aking gilid. Nagdulot iyon ng init kaya naman nagkaroon ako ng lakas na kalasin ang pagkakayakap ko sa aking sarili. His warmth is enough.


"Sabi niya be good and loyal" naiiyak pa ding sumbong ko kay Eroz na para bang pakiramdam ko ay kung magsusumbong ako sa kanya ay makakarating ito kay Cairo.


Nakanguso kong tiningnan ni Eroz. Unang minuto pa lang ay hindi ko na kinaya maya naman muli akong nagiwas ng tingin. Si Cairo lang ang nakikita ko sa kanya, ayoko na lang makita pa.


"Nagsisinungaling ba siya sa akin?" tanong ko sa kawalan.


Wala akong nakuhang sagot kundi ang pagtama ng malamig na simoy ng hangin sa aking mukha. Tanda iyon na patapos na ang araw at ang lahat ay kakainin na ng dilim.


"Hindi ko alam. Sana ay kaya kitang sagutin" malumanay na sabi ni Eroz sa akin.


Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking siko. Hinarap ko siya at mas lalong naiyak, ang malamang walang kahit na isang makakasagot sa akin ay mas lalong nakakapanghina. Walang ibang pwedeng makasagot sa akin kundi si Cairo mismo.


Isang hikbi ulit ang kumawala sa akin, mabilis akong hinila ni Eroz para mayakap. Sandali akong nabato dahil sa kanyang ginawa ngunit wala akong balak na itulak siya palayo. I need it, kahit pakiramdam ko ay hindi tama. I need this.


"Ayoko siyang kausapin, natatakot akong magtanong...anong gagawin ko?"


Naramdaman ko ang pagtaas ng isang kamay ni Eroz, nagpunga ito sa likod ng aking ulo at marahang hinaplos ang aking buhok.


"Kung talagang mahal mo siya, Kausapin mo. Wag mo na ulit akong tatanungin tungkol sa gagawin mo dahil baka hindi na maging pabor sayo ang susunod kong isasagot" mariing paliwanag niya sa akin kaya naman napaawang ang aking bibig.


Napakagat ako sa aking pangibabang labi para matigil na ang possibleng karagtagang pagtatanong ko pa sa kanya. Tama siya, problema namin ito ni Cairo kaya naman kaming dalawa ang dapat magusap.


Sandali kong ginantihan ang yakap ni Eroz, ramdam ko ang pagkagulat niya dahil dito.



"Salamat" paos pang sabi ko sa kanya.


Pilit kong pinakalma ang sarili ko bago kami nagpasyang bumalik sa bahay nila Junie. Walang nagtanong sa akin, tipid lamang akong nginitian ng iba. May ibang gustong magtanong ngunit ng malipat ang tingin nila kay Eroz ay marahang napatango na lamang. Hindi ko alam kung para saan iyon pero hinayaan ko na lamang.



Kumalma man ako ay hindi pa din nawawala ang bigat sa aking dibdib. Ilang beses akong humugot ng malalim na paghinga dahil kahit ang pahinga ko ay hindi na ata normal dahil sa kung anong parang nakadagan sa aking dibdib.


"Ito, uminom ka muna" abot ni Eroz sa akin ng isang basong tubig. Sumimsim ako ng kaunti duon. Hindi nawala ang tingin niya sa akin na para bang alerto siya kung ano ang hilingin ko.


Tipid ko siyang nginitian. Bumaba ang tingin ko sa kanyang plato at nakitang hindi na niya nagalaw ang pagkain niya. Second batch pa naman niya iyon, sulit na sulit ang lechon!


"Kumain ka na, ayos lang ako"


Napanguso siya bago nagigting ang kanyang panga.


Si Eroz ang naghatid sa amin pagkatapos nuon. Tuwang tuwa ang mga taga office ng magpresinta siyang ihatid kami sa tapat mismo ng aming mga bahay. Sa front seat pa din ako nakaupo, at ako ang napili niyang huling ihatid.


"Ok ka na ba?" marahang tanong niya. Nahatid na namin ang lahat at tinatahak na namin ngayon ang daan pauwi sa amin.


Marahan akong umiling. Hindi ako ok, pero kumalma na ako. "Tatawag siya mamaya at itatanong ko"


Tumikhim siya kaya naman napatingin ako sa kanya. Diretso ang tingin niya sa kalsada. Duon ko lang muli napansin ang kanyang position. Para bang ipinanganak talaga siya para humawak ng manibela. Parang eksperto sa mga sasakyan? Hindi ko alam, meron bang ganuon?


Hindi na lamang ako nagsalita pa. Mabilis akong bumaba sa kanyang sasakyan matapos kong magpasalamat sa kanya. Ilang sandali pang nanatili ang kanyang sasakyan sa tapat ng aming bahay kaya naman hindi ako nakapasok kaagad.


Bumaba ang salamin sa may passenger seat kaya naman mabilis ko siyang dinungaw. "Pumasok ka na, aalis ako pagnasa loob ka na" si Eroz.


Napatango ako at muling kumaway sa kanya bago ako pumasok sa aming bahay. True to his words, ilang minuto pagkalock ko ng aming front door ay narinig ko na din ang pagalis ng kanyang sasakyan.


Tulog na tulog si Kuya Japser sa may sofa. Pagod din ito dahil siya halos ang nagpapabalik balik dito sa bahay at sa hospital. Hinayaan ko na lang siyang umidlip muna kaya naman hindi ko na siya ginising pa. Dumiretso ako sa aking kwarto.


Saktong pagkaonline ko ay tumawag kaagad si Cairo. Pagod akong umupo sa tapat ng laptop, parang natrauma na ako sa tuwing sasagot ng tawag. Baka mamaya ay ibang tao nanaman ang bumungad sa akin, or worst baka si Nicole nanaman at ngayon ay wala na siyang damit.


Ang seryosong mukha ni Cairo ang bumungad sa akin, nakahinga ako ng maluwag kahit papaano. Nakapangalumbaba siya habang may binabasang isang makapal na libro.


Nang mapansin niyang nasagot ko na ang tawag ay mabilis niyang itinabi ang hawal at ngumiti sa akin.


"How was your day?" malambing na tanong niya sa akin.


Kumunot ang aking noo. Bakit kung makapagtanong siya ay parang wala kaming problema. Bakit parang ako lang namomorblema ngayon. Iba ang inaasahan ko pagnagkausap kami.


Hindi ako nagsalita kaya naman unti unting nawala ang ngiti sa kanyang labi. Imbes na siya ang tingnan ay ang kung ano ang nasa likod niya ang pinagtuunan ko ng pansin. I'm seeking for any signs of Nicole in the back pero wala naman akong makita at impossibleng may makita.


"What are you looking at?" nagtatakang tanong niya sa akin. Napalingon na din siya sa kanyang likuran. Kung normal na araw lang ito ay lolokohin ko sana siyang may nakita akong nakatayo sa kanyang likod. Pero wala ako sa mood. Hindi kami bati.


"May kasama ka ba diyan?" tanong ko sa kanya. Gusto kong magtunog normal pero hindi maiwasang maramdaman ang pait sa aking boses. Maging ako nga ay napangiwi pa dahil duon. Should I act like this?



This is my first time to deal with boys. Wala akong karanasan sa lahat kaya naman ang lahat ng ito ay foreign for me. Even the feelings, alam iyon ni Cairo kaya naman pinagkatiwalaan ko siyang hindi niya ako sasaktan ng ganito...pero nasasaktan na ako ngayon.


Mas lalong kumunot ang kanyang noo. "Wala akong kasama dito, Tathi. Bakit? Anong problema?" tanong niya sa akin, kalaunan ay lumambing din ang kanyang boses.


Napabuntong hininga ako at napatitig sa screen ng laptop. "Kasama mo ba si Nicole kanina diyan? Diyan ba siya natutulog? Girlfriend mo ba siya?" sunod sunod na tanong ko sa kanya hanggang sa pumiyok ako.


Hindi siya kaagad nakasagot sa gulat. Muli akong naiyak habang pinapakinggan ang ilang mga mura niya at pagaalala.


"Baby...no. Hindi siya dito nakatira, saan mo nakuha iyan?" nagaalalang tanong niya sa akin.

Ang kamay niya ay nakahawak sa kanyang laptop na para bang gusto niya akong mahawakan mula roon pero alam naming pareho na impossible iyon.


"Baby anong iniisip mo. Tell me, I want to know" tanong na pagsusumamo niya sa akin.


Napanguso ako. "Siya ang sumagot sa tawag ko kanina, magulo ang buhok niya at roba lang ang suot. Anong ginawa niyo? Gusto mong mamatay?" nagpaulan  ulit ako ng mga tanong bago naiyak.


Malinaw sa aming dalawa na hindi pwedeng humalik sa iba. Mamamatay ang humalik, nagpapakamatay ba siya?


"What!?" gulat na tanong niya sa akin. Kumunot ang noo ko at tumalim ang tingin ko sa kanya. Ano? Impossibleng hindi niya alam na sinagot ni Nicole ang tawag ko kanina. Ano yon, multo!?


Kitang kita ko ang pagod at pagaalala sa kanyang mukha. Aba! Gusto kong ingudngod ang mukha ko sa screen para makita niya ang pamamaga ng aking mga mata.


"Naging mabait ako dito. Ikaw hindi! Wag ka ng umuwi at hindi na kita yayakapin ulit!" asik ko sa kanya.


Pumungay ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. "Damn, I want to kiss you now" mariing sabi niya sa kabilang linya.


"Ayoko...hindi ako papahalik!" laban ko sa kanya.


Mas lalong pumungay ang kanyang mga mata. "Baby, Nicole is just a friend. Marami akong kaibigan na pumupunta dito" paliwanag niya sa akin.


"Na nakaroba lang?" asik ko.


Napabuntong hininga siya. "Marami sila dito kanina at nagswimming"


Kumunot ang noo ko. "At nakakapasok siya sa kwarto mo. Habang naliligo ka?" laban ko sa kanya.

Napakagat siya sa pangibabang labi. "Trust me, ok...trust me" mariing pakiusap niya sa akin.


Wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang kanyang paliwanag sa akin. Hindi ko tuloy mawari kung talagang mahal ko lang si Cairo, kaya ko siya papatawarin kaaga, O dahil masyado pa akong bata at uto uto?


Kung ano ano ang sinabi niya sa akin para mapanatag ako. Dahil duon ay nakatulog ako ng gabing iyon at maganda ang gising kinabukasan para pumasok sa skwela.


"Wala ka man lang balot na lechon. O kaya naman ay dessert!" asik sa akin ni Charlie pagkababa namin ng terminal at naglalakad na kami ngayon papunta sa school.


Tulog na tulog ito sa byahe kanina. Nagpuyat daw kasi siya kagabi dahil may pinanuod nanaman na movie.


Unang klase pa lang ay energize na daw ang mga kaklase namin ng makitang si Cayden ang pumasok para magbigay ng seatwork sa amin. Absent nanaman ang professor namin at siya nanaman daw ang naatasan para bantayan kami.


"Hanggang alas otso lang ito"


Panay ang reklamo ng mga kaklase namin para sa isang oras na pagsasagot. Imbes ba makireklamo ay nagsagot na lamang kami ni Charlie. Hindi nagtagal ay muli ko nanamang naramdaman ang presencya ni Cayden sa aking tabi. Sandali ko siyang tiningala at matamis na nginitian.


Napanguso ako ng umigting lang ang panga nito. "Wag mo akong ngitian ng ganyan, gayong alam kong umiyak ka kagabi" galit na sabi niya sa akin. Sapat lang ang lakas nuon para sa aming dalawa.


"Hala, paano mo?" hindi ko na naituloy ang tanong ko sa kanya. Gulong gulo tuloy ako habang nagsasagot ko.


Panay ang lakad ni Cayden sa buong room para maiwasan ang copyahan. Nang matapos kami ay kaagad din niya kaming dinismissed.


"Tathi, arrange this papers" utos niya sa akin kaya naman napanguso ako. Balak pa naman sana naming kumain ng silog ni Charlie sa labas ng school.


Nagtaas ng kilay si Cayden sa akin ng hindi kaagad ako lumapit sa kanya. Nagkatinginan kami sandali ni Charlie pero nagkibit balikat na lamang siya.


"Addict talaga tong mga to sayo. Ano ka? Rugby?" pangaasar pa niya sa akin.


"Dito ka na lang kumain, bili mo ako" paglalambing ko sa kanya kaya naman napairap na lang siya at tumango. Inabot ko ang pera kong pambili, magkakapatayan muna kami ni Charlie bago makakuha ng libre sa isa't isa.


Lumapit ako sa teachers table kung saan nakaprenteng nakaupo si Cayden. Nang mapansin niya na ang paglapit ko ay ibinaba niya na ang hawak na phone.



"Arrange mo ito, alphabetical" sabi pa niya at inusog ang mga papel. Napatango na lamang ako, ramdam ko ang paninitig niya sa akin.


"Kung nandito lang yung nagpaiyak sayo, bubogbugin ko eh" seryosong sabi niya sa akin kaya naman napaawang ang labi ko.


"Huh?"


Inirapan niya ako at marahan din namang umiling bago umigting ang kanyang panga. Hindi na ulit siya nagsalita pa, mulo siyang nagconcentrate sa kanyang kachat. Panay naman ang tingin ko sa kanya dahil halos madurog ang phone niya dahil sa diin ng pagkakatype niya. Galit ata?


Naramdaman ko din ang pagvibrate ng phone ko para sa message ni Cairo. Kakauwi niya lang ngayon galing sa university. Hapon sa kanila ngayon samantalang dito ay kakatirik lang ng araw.


Ako:

Nasa school na. Kakatapos lang ng seatwork namin


Cairo:

Nag breakfast ka na? I'll just take a shower.


Ako:

Kakain pa lang. Sige, take your time



Nakita ko sa google iyon. Ang sabi, sa isang matured relationship. Kailangan mong bigyan ng oras ang partner mo. Wag masyadong demanding sa oras niya dahil may sariling oras kayo pareho at hindi lang sa aming dalawa umiikot ang mundo. Kailangan kong maintindihan na busy siya duon at busy din naman ako dito. Wag demanding! Number 1 rule to have a mature relationship care of my research.


"Aba't puta. May shower pa" inis na bulong ni Cayden at padabog na binitawan ang kanyang cellphone. Napatingin ako sa kanya at ganuon din siya sa akin.


"Sa oras na paiyakin ka ulit. Wag mo ng kakausapin" galit na sabi niya.


"Sino? May kaaway ka ba?" naguguluhang tanong ko sa kanya.


Napahilamos na lamang siya sa kanyang mukha at hindi na nagsalita. Hindi kami iniwan ni Cayden habang naghihintay ng oras para sa aming susunod na klase. Panay naman ang chat ni Cairo sa akin pagkatapos niyang maligo.


Cairo:

Lalabas kami sandali


Ako:

Huh? Gabi na diyan di ba? Hindi ka pa matutulog?


Cairo:

Late dinner? Birthday ng isa sa mga kaibigan namin.


Ako:

Ok. Ingat


Alanganin ko iyong isinend sa kanya. Akala ko naman nag shower siya dahil matutulog na. Ayun naman pala aalis pa.



Mas naging busy kaming pareho ng mga sumunod pang araw. Parating na ang midterms namin at si Cairo naman ay busy sa kanyang Thesis. Bihira na lang kaming mag video chat at panay message na lang muna.


"Papa, kamusta na po ang pakiramdam niyo?" tanong ko sa kanya. Pagkatapos ng aking klase ay sa hospital ako dumidiretso para magbantay sa kanya.


Nangiti si Papa dahil duon. "Pangilang beses mo ng tanong iyan"


Napanguso ako sa kanya. "Syempre po, nagaalala ako. Iba yung kanina, iba yung ngayon" pangangatwiran ko.


Ang kaninang ngiti ni Papa ay unti unting nawala dahil sa kanyang pagkakaubo. Mas lalong lumalala ang ubo niya habang lumilipas ang araw.


Mabilis ko siyang inabutan ng tubig. Tulog si Mama sa may sofa dahil sa puyat sa pagbabantay kay Papa kaya naman sa tuwing nandito ako ay nakakapagpahinga siya.


"Ano pong sabi ng Doctor? Bakit hindi naman effective yung gamot" nakangusong sabi ko.


Marahan ko pang hinaplos ang kanyang likuran para lamang pakalmahin siya. Nang umayos ay hinila ako ni Papa palapit sa kanya, mabilis akong yumakap sa kanya gaya ng gusto niyang mangyari.


"Patawarin mo si Papa at nahihirapan ka ngayon dahil sa kasalanan ko" sabi niya sa akin kaya naman napanguso ako at mas lalong hinigpitan ang yakap sa kanya.


"Papa, pinatawad na po kita" sabi ko pa sa kanya. Kahit hindi naman talaga ako nagalit sa kanya, nung una Oo. Hindi ko kasi alam kung bakit nila nagawa iyon. Pero Papa ko siya kaya naman kailangan ko siyang tanggapin.


"Ayoko lang mawala ka sa amin ng Mama mo. Kaya naman ginawa ko iyon para magkapera, para mapatunayan na kaya kong tustusan ang lahat ng pangangailangan mo" paliwanag niya sa akin.


"Papa..."


"Mahal na mahal kita, Tathriana" madamdaming sabi niya sa akin. Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo.


Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya. "Mahal na mahal din po kita, Papa. Ikaw ang pinaka dabest na Papa!" paglalambing ko sa kanya kaya naman kahit naiiyak ay natawa siya.


"Ako lang ang Papa mo ha. Kahit anong mangyari"


Natawa ako at tsaka sandaling kumalaw ng yakap para harapin siya. "Ikaw lang po!" paninigurado ko sa kanya.


Hindi ko alam kung bakit mas lalong naiyak si Papa, hinalikan niya ako sa pisngi at nagtagal siya duon.


"Papa...ok lang po ba?" tanong ko sa kanya.


Tumango tango siya habang umiiyak. "Oo naman anak. Ayos na ayos ako, basta makita kong maayos ka. Pasencya na at hindi kita napalaki na marangya ang buhay kahit iyon naman talaga ang para sa iyo" sabi pa niya na ikinakunot ng aking noo.


Nakita niya ang pagtataka ko kaya naman napatawa siya ulit. Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi. "Ikaw ang prinsesa namin ng Mama mo...si Snow white hindi ba?" natatawang tanong niya sa akin kaya naman napangisi ako.


"Ang haba na ng buhok ni snow white ah" puna niya sa buhok kong medyo humaba na sa normal na haba nito nuon.


"Magpapagupit po ako bukas papa, tapos didiretso ako dito at ipapakita ko sa inyo" excited na sabi ko pa sa kanya.


Napatango siya at hinalikan ako sa noo. Inspirasyon ko iyon ng sumunod na araw. Kung pwede nga lang umabsent sa rice mill ay ginawa ko na para makapagpagupit  kaagad at maipakita kay Papa.



"Dalian natin, dalian natin!" yaya ko kina Junie at Eroz.


Nakangisi si Junie sa akin at sumaludo pa. "Sure, Boss Tathi!" pangaasar niya sa akin kaya naman inirapan ko siya.


"Anong minamadali mo?" pangeepal ni Eroz.


"Magpapagupit ako eh" laban ko sa kanya.


Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Ano magmomove on ka na ba?" natatawang tanong niya sa akin.


Pinanlakihan ko siya ng mata. "Gusto ng Papa ko na kamukha ko si Snow white!" asik ko kaya nagtawanan silang dalawa ni Junie.


"Sasamahan kita" pagprepresinta pa niya sa akin.


Wala na akong nagawa kaya naman iyon na ang nangyari. Panay ang pagpapacute ng mga bading sa parlor na pinuntahan ko. Tahimik lang si Eroz na nakaupo at nakatingin sa akin sa may salamin.


Nakikitawa naman ako sa tuwing inaasar siya ng mga ito. Sa kalagitnaan ng paggugupit sa akin ay nakiya ko ang pagkunot ng noo niya habang nakatingin sa kanyang phone.


Nanatili ang tingin ko sa kanya hanggang sa napatingin siya sa akin. Sinubukan ko siyang ngitian ngunit nanatili ang dilim ng kanyang ekspresyon. Hinayaan ko na lang.


Kinuha ko ang phone ko at nagpicture para ibalita kay Cairo na nagpagupit ako. Napose pa ako ng ilang beses bago isinend sa kanya.


"Ako na..." sabi ni Eroz at kaagad na nagabot ng bayad. May tip pa siyang ibinigay sa nag gupit sa akin.


Magrereklamo na sana ako ng kaagad na tumunog ang phone ko para sa isang notification. Buong akala ko ay chat mula kay Cairo kaya nadismaya ako nung una.


Pagkaopen ko ng facebook ay halos mawalan ako ng dugo sa buong katawan kl ng mapanuod ko ang video.


Video iyon sa isang madilim at maingay na lugar. Ngunit hindi iyon ang tinitigan ko, si Cairo habang hawak ang bewang ni Nicole. Naghahalikan sila habang halos nakalambitin ang magkabilang kamay ni Nicole sa leeg nito.


Nanginig ang kamay ko lalo na ng makita ko kung gaano kaintense ang halikan. Yung dila! Yung dila niyang ilang beses na pumasok sa labi nito. Nanikip ang dibdib ko.


"Ano yan?" galit na tanong ni Eroz sa akin at mabilis na hinablot ang phone ko. Napamura siya ng makita ang pinapanuod ko.


Natulala ako. Gusto maiyak pero hindi ko nagawa. Para akong nakalutang sa ere ng ilang minuto bago muling tumunog ang cellphone ko para sa isang tawag. Dahil sa pagkawala sa sarili ay si Eroz na ang sumagot duon.


Hinawakan niya ang siko ko. "Tathi, tumawag ang kuya Jasper mo" pagkuha niya sa atensyon ko. Wala sa sarili akong napatingin sa kanya.


Kita ko ang sakit sa kanyang mukha. "Ang Papa mo daw..." at duon lang ako tuluyang naiyak matapos ang ilang minutong pamamanhid.















(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro