Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 40

Shower









Tahimik akong habang nasa byahe kami papunta sa hospital. Sobrang bigat ng aking dibdib kaya naman tahimik ko lang dinf pinupunasan ang luhang paminsan minsang kumakawala sa aking mga mata.



Nagpapasalamat ako at hindi umiimik si Eroz. Pakiramdam ko kasi ay sa oras na kausapin niya ako ay hindi ko siya papansinin. Wala akong lakas at planong makipagusap ngayon dahil parang gusto ko na lang tumalon palabas kahit mas mabilis naman akong makakarating duon dahil may sasakyan.


"Di...dito na lang" nautal pang sabi ko sa kanya pagkakita ko sa Sta. Maria General hospital sa tabi ng munisipyo.


Mabilis na ipinarada ni Eroz ang kanyang sasakyan sa may parking space. Kumunot ang noo ko, pwede naman niyang pababain na lang ako at umalis na kaagad.


"Salamat sa paghatid" natatarantang sabi ko at halos masira ko pa ata ang seatbelt ng sasakyan niya ng halos hilahin ko iyon dahil hindi siya naalis sa una konh subok.


Napasinghap si Eroz habang nakatingin sa akin. Patuloy ang paghila ko sa seatbelt habang unti unting napupuno ng luha ang aking mga mata. Hanggang sa maging ako ay nagulat na lamang din ng marinig ang aking sariling paghikbi.


"Shh...Calm down, Tathi. Your Dad's gonna be ok" marahang pagalo niya sa akin.


Nanginig na ang kamay ko kaya naman tinigilan ko na ang pagsubok sa seatbelt. Hinayaan ko na si Eroz na magtanggal nuon at nakakainis lang dahil sa unang hawak niya lang ay naalis na kaagad iyon.


Tumango na lamang ako sa kanya at tsaka mabilis na lumabas ng kanyang sasakyan. Halos takbuhin ko anh layo ng parking lot at ng emergency room.


"Mama" tawag ko sa kanya.


Naabutan ko siyang tahimik na nakaupo. Nakayuko, may hawak na rosary at nagdarasal. Nang makita niya ako ay mabilis siyang tumayo at sinalubong ako ng yakap.


Hindi ko alam kung bakit ako naiyak sa kanya. Marahan niyang hinimas ang aking likod para patahanin ako, pero hindi ako kumalma. Mas lalong humigpit ang yakap ko kay Mama at mas umiyak pa.


"Ayos lang ang Papa mo. Magiging ayos lang siya" patuloy na pagalo pa niya sa akin.


Kumalma din ako kalaunan. Si Kuya Jasper ang panay labas masok sa hospital sa tuwing may kailangang bilhin sa labas. Hindi kami bumibili ng gamot sa hospital pharmacy nila dahil mas makakamura kami kung sa mga botika sa labas kami bibili.


"Kain muna kayo Tita, Tathi oh" sabi ni Kuya Jasper ng iabot niya sa amin ni Mama ang siopao at mineral water.


Tinanggap ko iyon kahit wala akong ganang kumain. Nalipasan na din ako ng gutom at hindi ko din naman kayang kumain. Nasa emergency room pa din kasi si Papa at hindi pa naglalabas ng resulta ang mga Doctor.


Inaasahan nanaming magiging matagal ito. Public hospital ito kaya naman hindi kaagad agad na magiging priority kami, unless naghihinalo na ang patiente.


"Magiging ok lang si Tito. Wag ka ng umiyak" pagaalo sa akin ni Kuya Jasper ng hinila niya ako para yakapin.


Tumango ako sa kanya. Inilagay niya ang ulo ko sa kanyang balikat, kahit papaano ay nakapagpahinga nama ako dahil duon. Dahil sa pagod ay hindi ko na namalayang nakaidlip ako.


Nagising na lamang ako ng marinig kong kausap na ni Mama ang Doctor at nagpasya na itong ilipat si Papa sa isang pribadong kwarto. Dalawang pulis din ang nasa gilid nila para magbantay. Sa sobrang emosyonal ko kanina ay ngayon ko lamang sila napansin.


Umayos ako ng upo. Kumunot ang noo ko ng makita ko ang ilang plastick ng pagkain mula sa chinese fastfood chain sa labas ng hospital. Hindi ko alam kung sino ang bumili nuon gayong kanina pa ako nakahilig kay Kuya Jasper.


Imbes na magtanong ay tumayo na lamang ako kasunod kina Mama at sa Doctor. Tulog si Papa habang inililipat siya sa pribadong kwarto, may ilamg aparato din ang nakakabit sa kanya.


"Ah, baka criminal. May kasamang pulis" rinig kong bulungan ng ilang nagbabantay na nakakita sa amin. Natahimik sila ng makitang nakatingin ako sa kanila.


Imbes na maguilty sa sinabi ay napailing iling na lamang ang mga ito. Yun din ang rason kung bakit kahit hindi namin kaya ang pribadong kwarto ay napilitan si Mama na iyon ang kuhanin. Hindi kami pwedeng makihalo sa ward lalo na't may dala kaming mga pulis at sa condition din ni Papa.


Mas lalong lumala ang Pneumonia niya sa loob ng kulungan. Malamig at halos karton na lang ata ang hinihigaan nila duon kaya naman mas natrigger.



"Tulog ka na, Tathi. Anong oras ang pasok mo bukas?" tanong ni Kuya Jasper sa akin.


Bukod sa isang sofa at dalawang monoblock chair ay may sariling banyo ang kwarto kaya naman pwedeng dito na ako manggaling bago pumasok bukas. Nasakto ding wash day namin kaya simpleng tshirt at pantalon lang ay pwede na.


"8 pa po"


Napatango siya at siya pa mismo ang umayos ng sofa para makahiga ako. Hindi na ako nagdalawang isip pang tanggapin iyon dahil pagod na din naman talaga ako. Nanatiling nakaupo sa tabi mg hospital bed si Mama at nakatitig kay Papa.


Maaga kaming nagising ni Kuya Jasper kinabukasan. Bumili kami ng kape sa labas at tinapay. Duon na din ako naligo sa hospital habang si Mama naman ang natutulog ngayon sa may sofa.


"Kanino galing ang mga ito, Kuya?" tanong ko sa plastick ng fastfood na nakita ko kagabi.


Nagkibit balikat siya habang kagat kagat ang isang pandesal. Sandali siyang nagtipa sa kanyang cellphone bago niya tinanggal ang pagkakakagat sa pandesal at sinagot ako.


"Lalaki, Kaibigan mo daw. Tinanong nga ako kung papasok ka ngayon. Ihahatid ka ata..." sabi niya sa akin kaya naman kumunot ang noo ko. Kaibigang lalaki? Si Charlie? Si Cayden...o baka si Eroz!?


Mabilis kong kinuha ang cellphone ko. Ngayon ko lamang ito hinawakan simula kahapon pagkadating ko dito sa hospital.


Napuno ng text mula kay Charlie, kay Cayden at mga messages at missed video call mula kay Cairo. Nireplyan ko sila isa isa, masyado pang maaga ngayon at pakiramdam ko ay tulog pa o kagigising lang nina Cayden at Charlie.


Nagulat ako ng matapos kong magsend ng message kay Cairo ay tumawag kaagad siya. Nagpaalam ako kay kuya Japser na lalabas na muna para sagutin iyon.


"Where are you?" paos na tanong ni Cairo sa akin ng makita niya sigurong nasa ibang lugar ako.


Mukhang kagigising lang din niya at magulo pa ang may kahabaan niya ng buhok. Wala din siyang suot na pangitaas, kung hindi ako nagkakamali ay hapon na sa kanila ngayon.


"Nasa hospital. May sakit ang Papa ko" sumbong ko sa kanya.


Pumungay ang mga mata ni Cairo habang nakatingin sa akin. "Baby, everything's gonna be ok...I wish I was there" pagod na sabi niya sa akin. Ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses.


Tipid ko siyang nginitian. Sana nga...pero hindi ko sasabihin iyon. Kahit ang totoo, gusto kong kasama ko siya dito. Pakiramdam ko kasi sa tuwing nasa tabi ko siya magiging maayos ang lahat.



"Ayos lang. Magiging ok lang si Papa" sabi ko pa sa kanya.


Pinalakas ni Cairo ang loob ko sa paguusap naming iyon. Maya't maya din ang chat niya sa akin kaya naman medyo nahuli ako sa pagaayos para makapasok.


"Sabay ba kayo ni Charlie?"


Umiling ako. Hindi ko na siya pinapunta pa dito dahil magiging hassle para sa kanya. Sinabi kong sa school na lang kami magkita.


Nagpaalam ako kina Mama at Kuya Jasper na aalis na muna. Humalik din ako kay Papa. Alam kong kaya niya yan, magiging maayos din siya at lalakas ulit.


Napayuko ako ng makita ang dalawang pulis sa labas ng kwarto ni Papa. Takot ako sa pulis nun dahil sa mga baril na nakasabit sa kanilang bewang pero ngayon, kailangan ko ng tanggapin.


Napayakap ako sa aking sarili paglabas ko ng hospital. Simpleng itim na tshirt, maong pants at white converse ang suot ko. Naglalakad ako sa may parking lot papunta sa kabilang entrance ng hospital kung saan may mga dumadaang jeep patungo sa Bocaue.



"Eroz, anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko sa kanya.


Napasuklay siya sa basa pa niyang buhok. Mukhang kakaligo lamang din. "Ihahatid na kita"


Nanlaki ang aking mga mata. "Hindi na kailangan. Pwede namang mag jeep ako" laban ko sa kanya.


Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng makita kong pumungay ang kanyang mga mata. "Kahit hatid lang. Kung ayaw mo akong kausao hindi ako magsasalita" mas malumanay na sabi niya sa akin kaya naman medyo nakaramdam ako ng awa sa kanya.


Napanguso ako. "Hindi naman sa ganuon. Pero ayaw lang kitang abalahin" sabi ko sabay iwas ng tingin.



"Hindi ko naman nakakaabala. Sige na, sakay ka na" sabi pa niya sa akin at umikot pa siya para lang pagbuksan ako ng pintuan ng Hummer.



Tahimik akong sumakay. Tama na din siguro ito para makapagusap kami. Hinintay ko siyang makapasok sa loob hanggang sa paandarin niya na ang sasakyan at umalis na kami duon sa hospital.



"Uhm...Eroz" tawag ko sa kanya.


Sandali siyang sumulyap sa akin at mabilis ding ibinalik ang tingin sa kalsada na para bang ingat na ingat siya sa pagmamaneho. Hindi ko alam pero mayroon siyang aura na parang balasubas kung magdrive. Pakiramdam ko ay kung hindi niya ako kasama at nasa highway siya ay kanina pa niya tinapakan ng madiin ang gas.


"Pasencya ka na. Medyo naguluhan ako nitong mga nakaraang linggo dahil sa pagamin mo sa akin...first time ko kasi" pagamin ko.


Naisip kong, mawawala lang ang pagiisip ko ng kung ano kung masasabi ko ito sa kanya.


"Hindi ko kasi naranasang may ano...uhm, magkagusto sa akin kaya siguro medyo na shock ako at kung ano ano na ang naisip" segunda ko pa. Nagigting ang kanyang panga at mas humigpit ang hawak sa manibela.



"Basted ulit ako?" nakangising tanong niya kahit halata namang walang humor duon.


Napanguso ako. "I want to be good and loyal. Hindi dahil iyon ang pangako ko, kundi dahil iyon ang gusto kong gawin. Mahal ko si Cairo...at galit ako sa sarili ko dahil nagduda ako duon" pagamin ko sa kanya.


Kumunot ang noo ko ng marinig ko ang mahina niyang pagtawa. "I'm sorry for confusing you then?" tanong niya sa akin na para bang may laman.


"Hindi naman sa...magkamukha kasi kayo. At miss na miss ko na siya, nakikita ko siya sayo kaya..." magulong sabi ko sa kanya.


Marahan siyang tumango. "So what do you want me to do?" tanong niya sa akin kaya naman napalunok ako, sandali akong bumaling sa kalsada at nakitang malapit na kaming lumabas ng Bocaue.


"Gusto kitang maging kaibigan lang...pero kung ayaw mo, ayos lang din" diretsahang sabi ko sa kanya.


"I'll take that" agap niya na medyo ikinagulat ko pa.



Hindi ako nakasagot kaagad kaya naman napasulyap siya. "I won't go beyond friends. If that what it means para hindi ko ako layuan, I'll take that" paninigurado niya kaya naman napatango ako.


Hindi na ako umimik pa pagkatapos nuon. Nagsalita lang ako ng nagtalo kami ni Eroz ng maginsist siyang dumaan kami sa drive thru.



Nakahinga ako ng maluwag ng kahit papaano ay nawala na si Eroz sa aking sistema. Baka nga, kailangan ko lang sabihin sa kanya ang kung ano talaga ang nararamdaman ko. Hindi siya maalis sa isip ko ng mga nakaraang araw dahil dito. Kailangan ko lang linawin sa kanya kung ano lang ang kaya kong ibigay.


Kagaya nuon ng pagsabi ko kay Cayden na kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Kaya naman pagkatapos nuon, hindi na nagkaroon pa ng kahit anong malisya ang mga ginagawa niya para sa akin.


Nung nasa hospital ako kagabi, marami akong narealize. Duon pa lang sa iyak ng ilang pamilya na naghihintay din sa labas ng emergency room, marami ka ng marerealize. Maiksi ang buhay para maguluhan ka pa. Sa totoo lang tayo lang din naman ang nagbibigay ng confusion sa ating sarili, sa pagiging overthinker? O dahil sa kakulangan ko ng karanasan sa pagibig? Hindi ko alam.


Pero ngayon, alam ko kung ano na talaga ang gusto ko. Ang maghintay kay Cairo. I'll focus on him, hindi dahil iyon ang kailangan kundi dahil iyon ang gusto ko.


"Ok naman na si Tito. Dadalaw kami ni Mama sa linggo" sabi ni Charlie sa akin ng salubungin niya ako ng yakap.


Hindi na din ako nagulat pa ng humahangos na lumapit si Cayden sa amin. Sa itsura pa lang niya ay alam kong may alam na siya.


"Kamusta ka na? Ok ka lang ba?" tuloy tuloy na tanong niya sa akin na kaagad ko namang tinanguan.


Hindi niya din ako halos nilubayan ng araw na iyon. Naging okupado din ang bawat breaktime ko dahil sa pagchchat ni Cairo.


Ako:

Naglulunch na po.


Cairo:

Good. I'll sleep after this. May tinatapos lang na module.


Ako:

Ok sige. Sleep well, Good night


Medyo nailang ako dahil tanghaling tapat sa amin pero nag goGood night ako sa kanya. Ang layo talaga namin sa isa't isa para kaming nasa magkabilang mundo.


Cairo:

I miss you...I'll be home again soon.


Napanguso ako habang nagtitipa ng reply para sa kanya.


Ako:

I miss you too. Hihintayin kita.



Mabilis kong ibinaba ang cellphone ko. Baka maiyak pa ako sa kanya at kung ano ano pa ang masabi ko. Sobrang miss ko na kaagad siya kahit ilang araw pa lang ang nakalipas ng nagkita kami.


Napasingahap ang katabi kong si Charlie ng lumapit si Cayden sa aming lamesa may dalang tray ng kanyang pagkain. Sa kanyang likuran ay nakasunod ang kanyang mga kaibigan.


Nginitian ako ng mga ito kaya naman nginitian ko din sila pabalik. Sa harap ko umupo si Cayden at nagulat ako ng maglagay pa siya ng ibang pagkain na para daw sa akin.


Bago ko pa man iyon matanggihan ay narinig ko na ang tawanan mula sa grupo nina Maricris na mukhang napadaan lang naman sa lamesa namin at sinadyang huminto para kutyain ako.


"Mukhang mamamatay na ang criminal niyang Tatay" bulungan nila sabay tawa. Hindi kaagad ako nakapagreact dahil sa narinig. Sobrang bigat ng dibdib ko na gusto kong sigawan sila pero hindi ko magawa.


Namuo ang luha sa aking mga mata, naramdaman ko ang kamay ni Charlie sa aking likuran.


"Kuhanin niyo ang pangalan ng mga iyon. At nang mabitin ko patiwarik" utos ni Cayden sa kanyang mga kaibigan. Napanguso ako at natawa na lamang din.


Hindi na ako magpapaapekto sa mga ganuong tao. Walang bisa ang mga pangiinsulto nila sa akin. Kailangan kong maging matapang ngayon katulad ni Mama para sa aming pamilya.



Ang sabi ng Doctor ay umaayos na kahit papaano ang kundisyon ni Papa kaya naman nakakahinga na ako ng maluwag ng mga sumunod pang araw. Minuminuto kung magchat si Cairo sa akin, pero ngayon ay nasabi niyang magiging busy siya dahil may presentation siya para sa kanyang thesis.


"Miss Tathi. Bukas ha, piyesta sa amin!" yaya ni Junie sa akin pagkababa ko mula sa office para sa checklist.


Tumango ako sa kanya at ngumiti. Nginitian ko din ang katabi niyang si Eroz. Nagtaas ito ng kilay sa akin.


"Kung makangiti naman ito, kakandidato ka ba?" pangaasar niya sa akin. Napanguso ako. Duh! Friendly lang talaga ako noh!


"Bawal bang ngitian ang mga kaibigan ko?" laban ko sa kanya kaya naman napamura siya at napatawa.


"Oo nga pala" pagsuko niya at napailinh ulit.


Basta ay para sa akin, mas gumaan na ang trabaho ko kahit nasa paligid si Eroz. Inamin ko sa kanyang nakikita ko si Cairo sa kanya, ang hindi ko pagamin sa kanya ang dahilan kung bakit ako naguluhan nitong mga nakaraang araw. At dahil nasabi ko na sa kanya ay ayos na ako.



"Sama tayo Tathi. Pwede namang eat and run" natatawang sabi ni Ate Iya sa akin ng sabay sabay kaming bumaba mula sa office para umuwi.


Tumango ako sa kanila para sumangayon sa pakikipiyesta bukas sa bayan nila Junie. Malapit lang naman daw iyon dito kaya naman ayos lang.


"May Videoke kami, Miss Tathi. Kumanta ka ha!" sabi pa niya sa akin.


Tumalim ang tingin ko sa kanya. Ang sarap ding sampalin minsan ng bibig nitong si Junie eh. Kung hindi lang ako makikikain sa kanila bukas. Hay naku!


Inirapan ko sila at nahuli ko ang nakangising si Eroz na kanina pa ata pinapanuod ang reaksyon ko. Sa inis ko ay inirapan ko din siya kaya naman mas lalo siyang natawa.


Sa hospital ako dumiretso ay halos tumalon ako sa hospital bed ng makita kong nakaupo si Papa at sinusubuan ni Mama ng prutas. Tuwang tuwa si Papa sa mga kwento ko sa kanga tungkol sa mga nangyayari sa school.


Gustuhin ko mang duon ulit matulog ay hindi na sila pumayag pa ni Mama. Pinauwi nila ako dahil maaga pa ang klase ko bukas. Kaming dalawa lang ni Kuya Jasper ang nasa bahay ngayon kaya naman mabilis akong dumiretso sa aking kwarto para tingnan kung online si Cairo.


Hindi na ako nakapagbihis pa lalo na ng pagbukas ng aking laptop ay nakita ko kaagad ang green button sa tabi ng kanyang pangalan.


Ngiting ngiti ako habang hinihintay siyang sagutin iyon. Napawi lamang ng ibang lalaki ang sumalubong sa akin, kumaway siya.


"Hi. Wala si Cairo dito, lumabas siya kasama ang girlfriend niya" sabi nito sa akin. Napanganga ako, marahil isa ito sa mga kaibigan niyang pinoy duon.


May tumawag sa kanya mula sa kabilang linya kaya naman mabilis din siyang nagpaalam sa akin at pinatay ang video.


Tulala ako buong gabi. Girlfriend? May girlfriend siya duon? Akala ko ba...


Cairo:

Sorry hindi ko nasagot ang tawag mo kanina. Lumabas kami kasama ang mga friends ko.


Paulit ulit ko iyong binasan. Friends niya? Eh bakit ang sabi nung lalaki girlfriend niya ang kasama niya?


"Earth to Tathriana!" pagkuha ni Charlie ng pansin ko ng kanina pa ata ako tulala.


Inirapan ko ba lamang siya at pumangalumbaba sa aking arm rest. "Makikipiyesta kami mamaya" kwento ko na lamang sa kanya para naman kahit papaano ay mawala din sa isip ko ang kagabi ko pang iniisip.


Normal naman ang palitan namin ng chat, at wala din naman akong lakas ng loob na itanong sa kanya iyon.


"Dadalaw kami sa presinto mamaya eh. Magbalot ka ha!" sabi pa niya kaya naman pinanlakihan ko siya ng mata.


"Ayoko nga!" laban ko sa kanya kaya naman napatawa siya. Siraulo!


Bago pa man kami lumabas ng classroom para sa aming hulinh klase ay nagkagulo na sa labas. Nagulat kami ng makita ang halos mangiyak ngiyak na sina Maricris kasama ang mga kagrupo niya.


"Sorry Tathi" sabay sabay na sabi nila at kaagad ding tumakbo paalayo duon na para bang hiyang hiya sila.



Nalaman kong sina Cayden ang may pakana nuon matapos nilang magpakita sa amin.


"Oh. Ang umaway kay Tathi. Ibibitin ko patiwarik! Sige subukan niyo ako..." pananakot niya sa mga kaklase ko. Napapalakpak ang shutang si Charlie samantalang ako naman ay hiyang hiya. Marami nanamang admirer si Cayden ang magagalit sa akin, panigurado!



Sa may rice plantation ako dumiretso. Duon kasi kami manggagaling para sabay sabay na pumunta kina Junie. Sakto ang pagdating ko dahil nakabihis na din ang iba.


Naabutan ko pa si Eroz na nakikipagtawanan sa ibang trabahador. Tumigil lamang siya ng nakita na niya ang pagdating ko.


"Asaan na ang payong ko?" sigaw niya. Napairap ako at natawa na lamang ang iba.


Mas lalo akong natawa ng hindi makita ang kulay pula niyang kitkat na payong kaya naman wala siyang nagawa kundi bitbitin ang kulay pink na payong ni Ate Iya.


Pabiro ko siyang sinuntok sa tiyan kaya naman napatawa siya. "Hay naku. Hindi na kailangan ito!" suway ko sa kanya.


Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Ganito ako sa friends ko" laban niya kaya naman inismiran ko siya. Edi wow!



Halos taga office ang sumakay sa Hummer na dala ni Eroz. Sobrang bait naman talaga ni Sir Julio at pinapahiram ito sa kanya. Ako ang sa passenger seat dahil ayaw nilang magkahiwahiwalay sa likuran.



Dahil hapon pa lang ay hindi gaanong madami ang tao sa bahay nina Junie. Anya ang dagsa ng bisita ay karaniwan sa hapunan dahil sa trabaho.


"Uy may lechon!" pangaasar ng ibang mga kasamahan niya sa kanya. Napakamot na lamang si Junie sa kanyang batok at iginaya kami papasok sa kanilang may kalumaang bahay.


Isa isa niya kaming binigyan ng rattan na plato na may paper plate at nakabalot sa plastick. Nakapila kami patungo sa buffet table sa aking likuran ay ang maingay na si Eroz.



"Lechon...Lechon..." rant pa niya na para bang hayok na hayok siya.


Nang lingonin ko siya ay naabutan ko siyang nakikipagtawanan sa iba pa naming mga kasama. Pinagtaasan niya ako ng kilay ng makita niyang nakatingin ako sa kanya.


Nang kami na ang nasa harapan ng lechon ay siya na mismo ang kumuha at inilagay sa aking plato.


"Oh tama na" suway ko sa kanya.


"Akin pag hindi ko naubos" nakangising sabi niya pa.


"Takaw" pangaasar ko sa kanya.


"Aba mahal to, minsan lang ako makakain ng lechon" pagdadahilan niya. Nagkibit balikat na lamang ako, sabagay para sa aming mahihirap ay hindi ito pangkaraniwang pagkain.


Nang matapos kami ay umupo na din kami sa mga lamesa. Tumabi pa din sa akin si Eroz na bantay sarado sa hindi ko mauubos na Lechon.


Napailing na lamang ako ng makita kong halos mamuwalan na siya sa pagkain. Ngayon lang ba ito nakapunta sa piyesta.


"Salamat nga pala kay Boss Eroz sa pag sponsor ng lechon!" anunsyo ni Junie kaya naman nalaglag ang panga ko.


Nanahimik na lamang ako. Panay ang asaran nila, nakakatuwa lang dahil makukulit pala sila sa labas ng trabaho duon kasi sa rice mill ay trabaho kung trabaho.


Tumayo si Eroz kasama ang iba para daw sa round two. Napailing na lamang ako at napatawa. Napatayo ako ng makita kong online si Cairo. Nagtaka ako dahil hindi naman siya nagoonline ng ganitong oras.


Hindi na ako nagdalawang isip pa at tumawag na ako sa kanya. Halos mabitawan ko ang cellphone ko ng makita kong babae naman ngayon ang sumagot. Si Nicole ito, yung kaibigan niyang parang model.


Kumaway at ngumiti siya sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita kong nakasuot lamang siya ng isang silk na robe at medyo magulo pa ang kanyang buhok na mukhang kababangon lang sa kama.


"Hi. Nasa shower pa si Cai..."


Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya at kaagad iyong pinatay. Uminit ang magkabilang gilid ng aking mga mata. Hanggang sa muli kong narinig ang tawanan nina Eroz ba palabalik na sa aming lamesa.


"Oh anong problema?" nagaalalang tanong niya sa akin.


Nanlalabo ang aking mga mata ng nilingon ko siya. "May babaeng sumagot" sumbong ko.


Nagigting ang bagang niya. "Bakit nasa kwarto siya ni Cairo? Bakit ganuon ang suot niya?" umiiyak na tanong ko kay Eroz. Napatakip na ako sa aking magkabilang palad at narinig ko na lamang ang malulutong niyang mura.















(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro