Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

Child





Inis na inis si Senyorito baby sa akin nung nagpapicture ako sa kanya. Bukod kasi sa wala naman akong sariling cellphone ay hindi lamang isang take ang nangyari.

"Ang kapal ng mukha mo!" asik ni Charlie sa akin. Inis na inis siya ng ikwento ko sa kanya ang nangyari kanina sa school.

Maingay ang aming bahay. Nagiinuman ang mga kaibigan ni Papa para icelebrate ang aking graduation. May ilang putahe ding iniluto si Mama para sa mga bisita at mga kapitbahay.

"Pumayag naman eh, medyo nainis nga lang" nakangising sabi ko pa kay Charlie. Mas lalong nalukot ang mukha nito. Mas lalong humaba ang kanyang nguso, napatawa tuloy ako habang kumakain kami sa labas ng aming bahay.

"Mukha naman palang mabait eh" sabi pa niya nakaagad kong inilingan. Kung alam lang ni Charlie kung paano ako itrato ni Senyorito baby baka maiyak siya!

"Masungit! Sobrang sungit" sabi ko sa kanya at pilit diniinan para mas lalo siyang maniwala.

"Aray!" asik ko ng makatanggap ako ng batok mula sa kanya. Mabilis ko siyang sinamaan ng tingin.

Inirapan niya ako. "Sinisiraan mo lang si Sir Cairo sa amin, gusto mo siguro ikaw lang ang may crush sa kanya ano? Madamot kang shuta ka!" pangaasar niya sa akin.

Hinampas ko siya sa braso. "Eh totoo namang masungit eh" laban ko sa kanya.

Pinagisa namin ni Charlie ang pakain namin. Nagimbita din kami ng ilang mga kaklase ngunit walang pumunta ni isa. Palibhasa ay may pakain din sila Maricris sa bahay nila, nakacatering daw kaya naman halos lahat ay duon pumunta.

"Tita, pupunta lang po kami kila Maricris. May pagraduation party daw po. Anduon ang lahat ng kaklase namin, kaming dalawa lang ang wala" paalam ni Charlie kay Mama ba ikinagulat ko.

Napatigil tuloy ako sa pagsubo ng aking spaghetti. Wala akong alam na may graduation party pala ang batch namin. Chismosa talaga itong si Charlie, alam na alam talaga ang lahat ng balita dito sa bayan namin.

Tiningnab ako ni Mama, napakurapkurap ako. Wala namang kaso sa akin kung hindi siya papayag. "Oh siya sige, basta't wag kayong magpapagabi masyado" paalala niya sa amin. Nanlaki ang mata ko dahil duon. Hindi ko inaasahan na papayagan niya ako.

Tuwang tuwa si Charlie, napapalakpak pa ito at napasayaw sayaw. Natawa pa tuloy ako maging ang ilang nagiinuman. Nakita ko ang pagiling ng kanyang tatay. Mabuti na lamang talaga suportado siya ng mga ito.

Hinila niya ako paakyat sa aking kwarto. Alasingko pa lang ng hapon kaya naman may oras pa daw kaming makapagayos. Ang ilan naming kaklase ba close kay Maricris ay duon na nagbihis ay nagayos. Hindi ko alam kung anong klaseng party ang meron, basta ay samama lang ako kay Charlie.

"Sure ka bang papapasukin tayo duon?" tanong ko kay Charlie hababg busy siya sa paghahanap ng pwede kong suoting damit sa loob ng aking cabinet.

"Nag chat ang class president natin sa grouo chatz invited daw ang lahat" sagot niya sa akin. Tamad akong napaupo sa aking kama.

"Ayokong sumama..."

Bumaling si Charlie sa akin at tsaka ako sinamaan ng tingin. Napasigaw ako ng ibato niya sa akin ang isang dilaw na dress mula sa aking cabinet. Nagulat pa ako dahil mayroon pala akong dress na ganuon. Simble lamang iyon, pero pwede na daw iyong pang party party sabi ni Charlie.

"Kung hindi ka pupunta, iisipin ng mga kaklase natin na bittet ka pa din kay Maricris, magisip ka nga Tathi. Batukan kita diyan eh" pangaral niya sa akin. Mas lalong bumagsak ang aking balikat.

Tama siya, kung hindi ako pupunta sa party iisipin ng lahat na may galit pa din ano kay Maricris dahil siya ang naging Valedictorian imbes na ako. Pero totoo din naman, may tampo pa din ako at sama ng loob. Hindi ganuon kadaling tanggapin na sa isang iglap lang ay nawala iyon sa akin. Sa tuwing naiisip ko ang titulong iyon ay bumibigat ang aking dibdib. Hindi ko lang naman kasi iyon pinangarap para sa aking sarili, pinangarap ko iyon para kina Mama at Papa. Iyon sana ang regalo ko sa kanila.

Matapos kong magbihis ay muli akong inayusan ni Charlie. Hindi kagaya kanina ay mas simple lang ang ngayon. Konting pulbos, lipgloss ay kaunting ayos ng buhok ay maayos na ako.

"Aba, ang mahal niyang dollshoes mo ah!" puna niya sa dollshoes na regalo sa akin ni Manang Bobby. Hindi ko alam kung kanino talaga ito nanggaling. Iyon kaagad ang itatanong ko sa kanya pagkabalik ko sa mansion.

Bumagay sa suot kong yellow ba dress ang beige color na dollshoes ba may maliit na ribbon sa gitna. Pakiramdam ko ay babaeng babae ako ngayon. Tuwang tuwa si Charlie ng ipakita niya ako kina Mama at Papa.

"Dalagang dalaga na talaga itong anak ko...future abogada ko ito" pagmamalaki ni Papa sa akin sa mga kainuman niya. Napaguso na lamang ako, ni hindi pa nga nila ako pinapayagan na kumuha ng entrance exam sa UP. Gusto ko talagang duon itake ang pre law course ko.

Marami ding bilin si Mama sa amin ni Charlie. Nahihiya tuloy ako dahil panay ang sabi niya sa akin na dalaga na nga daw ako at mas malaking responsibilidad iyon para sa akin. Inihatid kami ni Kuya Jasper sa bahay nila Maricris gamit ang aming lumang pickup. Mas lalong dumoble ang kaba ko ng makita ko ang iba't ibang kulay ng ilaw mula sa loob ng kanilang bakuran.

May kaya sina Maricris, sa pagkakaalam ko nga ay malayong kamaganak nila sila Governor. Kung gaano kalayo ay hindi ko na alam. Basta at may sinabi din ang kanilang pamilya dito sa aming bayan.

"Magtext kayo kung susunduin na kayo" paalala sa amin ni Kuya Jasper. Napatango na lamang kami ni Charlie sa kanya. Matapos kong magpasalamat sa kanya dahil sa paghahatid sa amin ay nagawa pa niya akong asarin, mas lalo tuloy akong nawalan ng kumpyansa sa sarili. Bwiset talaga tong mga ito!

Mabilis akong hinila ni Charlie papasok, pareho kaming namangha dahil sa ganda ng pagkakadecorate ng paligid. Malakas ang music sa naglalakihang speaker na nakapalibot sa garden. May isang mahabang lamesa din para sa catering. Papalapit pa lamang ay nakita ko na ang aming mga kaklase at ilang kabatchmate. Kagaya namin ni Charlie, ayos na ayos din ang mga ito.

Napahinto ako sa paglalakad kaya naman nahila ko din si Charlie pabalik. "Oh bakit nanaman?" tanong niya sa akin. Napangus ako, nahihiya talaga ako. Ayoko talaga sa madaming tao.

Magsasalita pa lang sana ako ng kaagad na tumagos ang kanyang tingin sa aking likuran. Nilingon ko din ang pinasukan naming gate, halos magtatambol ang dibdib ko ng makita ko kung sino ang dumating. Si Senyorito babg iyon kasama nanaman si Lumi. Nakakainis naman!

Sinalubong sila ng mga magulang ni Lumi. Ngayon napatunayan ko ng malayong magkamaganak pala talaga sila nila Governor. Kaya naman pala ganuon kadaling nawala sa akin ang titulo ko.

"Andito pala ang crush natin. Mabuti na lamang at pareho tayong mukhang tao ngayon" nakangising sabi sa akin nito.

Muli kong binalingan si Senyorito baby. Hindi kasing pormal ang suot niya ngayob kesa sa suot niya kanina sa graduation namin pero ang gwapo gwapo pa din niya. Kahit ata basahan ang ipasuot mo dito ay malakas pa din ang dating niya. Mas lalong nahubog ang kanyang magandang katawan dahil sa suot na kulay brown na polo shirt. Nakatuckin iyon sa itim na pantalon. Mas lalo tuloy nakita ang kanyang puti, shuta mas makinis pa ata ito sa akin.

Kahit kapwa na kami busog ni Charlie ay duniretso pa din kami sa buffet table. May chocate fountain duon at madami ang dessert. May unlimited ice cream, pwede ka ding gumawa ng sarili mong halohalo.

"Sabi sayo tama ang punta natin eh" sita pa niya sa akin. Hindi na ako sumagot pa, nakikuha na din ako ng pagkain.

Napahinto kami sa pagkuha ng lapitan kami ni Maricris. Nakaramdam tuloy ako ng hiya lalo na ng maalala kong nagkapisikalan kami bago ang graduation. Buong akala ko ay papalayasin niya ako, nagulat ako ng ngitian niya ako.

"Mabuti nakapunta kayo. Akala ko may galit ka pa din sa akin Tathi" nakangiting sabi niya sa akin. Gusto kong umirap sa kawalan, halatang halata ang pagiging plastick nito. Akala naman niya hindi namin nahahalata iyon.

Nagngiting aso ako sa kanya. Pasalamat siya at madaming pagkain, kung hindi mangaaway ulit ako. "Hindi naman ako galit sayo Maricris, hayaan mo na tapos na iyon" sabi ko din sa kanya in a plastick way. Mukhang nasense niya ang ginagawa ko kaya naman kahit nakangiti ay hindi na niya naiwasan pang umirap sa akin.

"Shuta, akala ko papalayasin tayo. Uubusin ko pa naman itong marshmallow nila" nakangising sabi sa akin ni Charlie. Kaagad ko siyang siniko.

"Shuta ka! May dala ka nanamang supot ano?" asik ko sa kanya. Napatawa kaming dalawa ng hawakan niya ang kanyang bulsa. Siraulo talaga.

Napatigil kami sa paguusap ni Charlie ng marinig ko ang pagtawag ni Lumi sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mata ng makita kong balak niya akong iwanan duon. Shuta, ayaw niya kay Lumi. Ayaw ko din!

"Maghahanap na ako ng upuan natin" nakangising paalam niya sa akin. Nagtiim bagang ako ng makita kong hindi na talaga siya magpapapigil. Iiwan na talaga niya ako.

"Charlie..." tawag ko sa kanya pero hindi na siya nagpapigil pa.

Wala na akong choice. Napabuntong hininga na lamang ako. Kakatapos ko lang tumanggap ng pakikipagplastickan kay Maricris, si Lumi naman ngayon.

Nilingon ko siya at kaagad nginitian. Nagngiting aso siya habang minamata niya ako. Kitang kita ko kung paano nagtaas baba ang kanyang tingin sa akin. Nagtaas siya ng kilay. "Wow, infairness mukha kang tao ngayon ha" pangaasar niya sa akin. Napanguso ako ng maramdaman ko ang paginit ng aking pisngi, lalo na ng makita ko kung paano din ako tingnan ni Senyorito baby. Nagtagal din ang tingin niya sa dollshoes na suot ko.

"Batang bata ka pa nga Tathi..." mapangasar na puna niya sa aking hawak napagkain. Sus! Hindi lang naman bata ang kumakain ng ganito, kahit sino pwedeng kumain ng sweets. Masyadong mapagkunwari itong si Lumi.

Panay ang salita niya. Balak palang magdoctor kaya naman panay ang suggest ng healthy foods kuna. Para namang ikamamatay ko ang pagkain ko ngayon ng desserts. Hinayaan ko siyang magsalita.

Blah...blah...blah...

Kada salita niya ay panay ang subo ko ng marshmallow. Sinadya kong punuin ang bibig ko para sa oras na kailanganin kong sumagot sa kanga ay simpleng tango na lang ang bibigay ko. Talk to my hand Lumi!

"What the fuck..." mahinang sambit ni Senyorito baby. Hindi ko alam kung amusement ba ang nakikita ko sa mukha niya o sadyang iritasyon lang.

Nanguso tuloy ako, bigla akong nakaramdam ng hiya. Punong puno ng marshmallow ang bibig ko kaya naman siguradong nakalobo ang magkabila kong pisngi. Sinubukan kong nguyain ng mabilis, sinubukan kong lunukin ngunit nanlaki ang aking mga mata ng maramdaman ko ang pagbara nuon sa aking lalamunan.

Hindi ako makahinga!

Mabilis kong nilapitan si Lumi. Itinuro ko ang aking bibig. Nanlaki ang kanyang mga mata. "Anong nangyayari?" gulat na gulat na tanong niya.

Napahinto ako maging si Lumi ng kaagad mong maramdaman ang matigas ba braso ni Senyorito baby sa ilalim ng aking dibdib. Namanhid ang aking buong katawan.

Shuta! My virgin boobs!

Halos tumigil ang lahat sa kanilang ginagawa. Nakuha namin ang kanilang mga atensyon. Ramdam na ramdam ko mula sa aking likuran ang matigas na pangangatawan ni Senyorito baby. Pilit niyang ipinapaluwa sa akin ang pagkain sa aking bunganga. Nahihirapan na akong makahinga.

"You idiot!" galit na asik niya sa akin habang patuloy pa din siya sa kanyang ginagawa.

Halos maluha ako ng tuluyan kong mailuwa ang namuong marshmallow sa aking lalamunan. Nakarinig pa ako ng ilang pag-yuck mula sa ilang mga kaklase.

"Ano bang ginagawa mo?" galit na tanong ni senyorito sa akin. Halos mamula ang pisngi ko ng makita kong nakayakap pa din ang matigas niyang braso sa ilalim ng aking virgin boobs.

Mabilis niya ding tinanggal iyon ng makita niyang bumalik na sa ayos ang aking paghinga. Inabutan ako ni Lumi ng isang basong tubig pero may kasama pa iyong matalim na tingin. Hala! Ano kayang problema nito?

"Ayos ka lang, Cai?" malambing at nagaalalang tanong niya kay Senyorito.

Shuta, ako kaya itong muntik mabulunan! Nahihiya akong nilingon si Senyorito baby. Masama at matalim pa din ang tingin niya sa akin.

"Sorry at Salamat Senyo..."

"Shut up" matigas na sabi niya sa akin kaya naman hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko sa kanya.

Mabilis siyang umalis duon. Pinanlisikan pa ako ng mata ni Lumi bago siya sumunod na magwalkout.

"Gaya gayang magwalk out..." nakangusong sabi ko.

Napahawak ako sa aking tenga dahil sa hiyaw ni Charlie. Mabilis niyang hinila ang palapulsuhan ko palayo sa madaming tao. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong bumalik na din ang lahat sa kanya kanya nilang ginagawa.

"Shuta ka, kakagraduate mo pa lang. Nagpabayo ka na!" kinikilig na sabi niya sa akin. Napapadaing ako dahil sa panggigigil niya. May kasama pa kasing mga hampas iyon.

Marahan kong hinaplos ang braso kong pinalo palo niya. "Anong bayo ka diyan?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

Malaki ang ngiti nito habang nakatingala sa langit, nangiimagine pa ata ang loko. "Huy Charlie! Ano bang nangyayari sayo?" suway ko sa kanya. Muli siyang tumuli.

"Grabe, kung babae lang ako. Kakain ko din ang lahat ng marshmallow sa lamesa at magpapabayo din ako kay Senyorito" nakangisng sabi niya sa akin.

"Aray!" daing ko sa kanya ng pagkatapos niya akong samaan ng tingin ay muli niyang hinampas ang aking braso.

"Masarap?" nakangising tanong niya sa akin na may kasama pang pagtaas ng kilay.

"Anong masarap?" inosenteng tanong ko sa kanya.

Halos mapasinghap ako ng gumalaw galaw si Charlie sa aking harapan na para bang nangangabayo. Mabilis ko siyang hinampas sa kanyang braso. "Ang bastos mo!" asik ko sa kanya pero napahalakhak lamang siya.

"Yari ka, magaling mangabayo si Senyorito" pangaasar pa niya sa akin. Napahawak ako sa aking magkabilang pisngi dahil sa paginit nuon. Siraulong charlie!

Imbes na makiparty ay umuwi na lamang kaming dalawa. Hiyang hiya ako sa nangyari, halos lahat ata ng nanduon sa party ay nakita ang nangyari. Pakiramdam ko tuloy wala na akong mukhang ihaharap kay Senyorito sa lunes pagkapasok ko sa mansyon.

"Lalaki na ang boobs mo, nahawakan na eh" pangaasar pa sa akin ni Charlie bago kami maghiwalay nung gabi.

Mabigat ang katawan ko pagsapit ng lunes. Parang ayoko talagang pumasok, pero hindi pwede. Masisira si Mama kay manang bobby kung aabsent ako. Kinapalan ko ang aking mukha, nagpatuloy ako patungo sa mansyon.

"Magandang umaga po, Manong" bati ko sa guard. Hindi ganuon kasigla kagaya ng mga nakaraang araw.

Napatakbo ako sa front door ng makita ko si Manang bobby. Nakapamewang ito habang nakatingin sa kung saan. "Magandang umaga po, Manang Boobies..."

"Ay shuta!" asik ko din sa sarili ko ng hindi ko sinasadyang masabi iyon. Kasalanan ito ni Charlie! Wala tuloy laman ang utak ko kundi puro boobs.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Ikaw na bata ka..." suway niya sa akin at balak pang kurutin ako sa tagiliran.

Hindi ako magtratrabaho sa garden ngayon. Uuwi si Senyorito Luigi galing sa maynila kasama ang ilan niyang mga kaibigan. May papool party kaya naman pala madaming pagkain.

"Wow, French fries" sambit ko at balak ko sanang kumuha ng kaagad na pinalo ni Manang bobby ang aking kamay.

"Manang naman eh...isa lang eh"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Para iyan sa mga bisita" suway niya sa akin at pinanlakihan pa ako ng mata. Napanguso na lamang ako.

Tumulong akong sa kanilang maglabas ng pagkain sa pool. Kahit papaano ay nakakahinga pa ako ng maluwag dahil hindi ko pa nakikita si Senyorito. Hindi na ako nakalabas pa ng dumating ang dalawang hiace van galing sa maynila. Kaagad kong narinig ang ingay mula sa sala. Sinubukan ko pang sumilip pero hindi ko magawa dahil sa aking ginagawang dip ng nachos.

Madaming finger foods. Kanina ko pa nga gustong kumuha pero pinapagalitan ako ni Manang bobby. Hindi na muna niya kami pinalabas at baka kung ano pa daw ang aking magawa duon. Bagot na bagot ako, sana pala ay hindi na lang talaga muna ako pumasok ngayon.

Narinig ako ang paguusap ng ilang nga kasambahay. Panay ang puri sa mga kasama ni Senyorito Luigi. Magaganda daw ang katawan ng mga kasamang babae, hubog na hubog daw ang katawan dahil sa suot ba panligi. Ganuon din ang sa mga lalaki.

Nagpupunas ako ng lamesa ng biglang pumasok si Senyorito Luigi. Matagal ko din itong hindi nakita dahil halos sa maynila na siya mamalagi. Halos kasing edad lamang siya ni Senyorito Cairo.

Nanlaki ang kanyang mga mata. "Tathi! Ikawna ba iyan? Dalaga ka na ah!" puri niya sa akin. Nanlaki pa ang mata ko ng yakapin niya ako. Tuwang tuwa siya sa akin.

"Bago ka umuwi mamaya, magpaalam muna sa akin. Bibigyan kita ng mga chocolates" sabi niya. Parang nagliwanag ang langit dahil sa aking narinig.

Buong akala ko ay aalis na siya duon. Nagulat ako ng yayain pa niya ako sa labas para pakainin ng handa nila. Hinila niya ang aking kamay, napatingin ako kay Manang bobby. Napasapo na lang siya sa kanyang noo. Mukhang kinabahan, natakot siguro na may gawin nanaman akong kung ano.

Hindi ko na napigilan pa si Senyorito Luigi na hilahin ako patungo sa pool area. Sabay na nanlaki ang aking mga mata maging ang aking bibig sa nakita. Tama nga ang mga kasambahay, halos wala ng suot na tela ang mga babae. Ang mga lalaki naman ay walang suot na pangitaas, grabe din ang ganda ng kanilang katawan. Para akong lalagnatin.

"Kain ka lang diyan Tathi" yaya sa akin ni Senyorito ng huminto kami sa tapat ng lamesa kung saan nakalagay ang lahat ng pagkain. Gusto ko sanang tumanggi pero pinangunahan niya na ako.

"Magagalit ako sayo paghindi ka kumain. Sige na at maupo ka diyan"

Siya pa mismo ang naghila ng mauupuan ko sa tabi mismo ng mga pagkain. Hindi na ako nagdalawang isip pa, kumain na din ako dahil kanina ko pa naman talaga gustong kumain ng friesh, nachos at nung sandwich.

Tahimik akong kumakain habang pinapanuod ko silang nagswiswimming. Ganito pala ang mga taga maynila. Nashoshock ako.

Napaubo ako ng makita ko ang paglabas ni Senyorito Cairo. Binati siya ng ilan sa mga kaibigan ni Senyorito Luigi. Mukhang kakilala niya din ang mga ito. Napisa ko ang hawak kong fries ng makita ko ang paglapit ng isang babae sa kanya. Umalog alog pa ang malaking hinaharap nito ng patakbo siyang lumapit sa baby ko!

Nagtawanan sila sandali. Naginit ang mukha ko ng makita ko ang paglingon nito sa akin. Nagtaas pa siya ng kilay habang naglalakad siya palapit sa akin.

"Magandang umaga po Senyorito..." bati ko sa kanya. Inirapan niya lamang ako at tsaka siya tumayo sa tapat ng katabi kong lamesa kung nasaan ang mga pagkain.

Hindi ko magawang ngumuya, grabe talaga ang epekto niya sa akin. Nang maglaon ay nasanay ako, nagpatuloy ako sa pagkain. Nanatili siya sa tapat nuon habang kumakain din. Napatigil kami ng humiyaw ang ilan sa mga lalaki, naghubad ng suot na sando ang isang babae. Nanlaki ang aking mga mata ng makita kong mas malaki ang hinaharap niya kesa duon sa babaeng lumapit sa baby ko kanina.

Napanguso ako. "Sus, mas malaki pa din ang boobies ni Manang bobby" bulong ko. Nagulat ako ng marinig ko ang mahinang pagtawa ni Senyorito baby. Tiningnan ko siya pero hindi naman siya sa akin nakatingin. Hinayaan ko na lamang.

Bumaba ang tingin ko sa aking hinaharap. Wala sa sarili kong hinawakan iyon gamit ang magkabilang kong kamay.

"Lalaki din kayo, wag kayong magalala" pagkausap ko sa kanila.

"Tangina"

Nagulat ako dahil sa malutong na mura ni Senyorito. Mabilis ko siyang nilingon, napaawang ang bibig ko ng makita kong masama ang tingin niya sa akin. Napabalikwas naman ako ng maalala kong nakahawak pa din ako sa aking magkabilang dibdib. Mabilis kong ibinaba ang kamay ko. Grabe ang pagtatambol ng aking dibdib.

"Uhm...bakit po?" nahihiyang tanong ko sa kanya dahil nanatili ang matalim na tingin niya sa akin. Halos sumabog sa init ang pisngi ko ng makita kong bumaba ang tingin niya sa aking dibdib.

Mabilis kong tinakpan iyon ng aking braso. Dahil sa aking ginawa ay nagiwas siya ng tingin. Bayolente akong napalunok, marahil gusto niya ang mga babaeng malalaki ang hinaharap.

Nalungkot ako, hindi ko man lang maabot ang mga katangin na gusto niya sa mga babae. Wala na talagang akong pagasa sa kanya. Muli, wala sa sariling bumaba ang tingin ko sa aking dibdib.

"Wag kayong magalala, pagnahawakan kayo...lalaki din kayo"

Napaiktad ako ng hampasin ni Senyorito ang lamesa.

"Shut your fucking mouth, Child..." frustrated na suway niya. Hala, bakit kaya pinagpapawisan si Senyorito?
























(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro