Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39

Bracelet









Hindi maalis ang titig ko sa Gray na Hummer na nakaparada hindi kalayuan sa  aming gawi. Kung mayroon mang tao sa loob nuon ay paniguradong nakita niya ang lahat ng ginawa namin ni Cairo. Pero sana wala...sana wala na lang.


"Hey" tawag ni Cairo sa akin kasabay ng marahan niyang pagpisil sa aking kamay.



Bago ko pa man siya malingon ay naramdaman ko na ang paggapang ng kamay niya sa aking bewang. Matamis ko siyang nginitian ng bumaling ako sa kanya.


Nagtaas siya ng kilay sa akin. Bumagal ang paghila ko sa kanya papunta sa booth namin dahil sa aking nakita, kung ano ano na tuloy ang naisip ko.


"May problema?" tanong niya sa akin, halos makiliti ang tenga ko ng talagang sinadya niyang ilapit ang bibig niya duon.


Napanguso ako para itago ang pagngiti. Nakakainis naman ito! Tumaas ang kabilang sulok ng kanyang labi dahil sa aking pagpipigil ng ngiti.


"Wag mo kasing ilapit masyado ang bibig mo at nakikiliti ako" reklamo ko sa kanya kaya naman napangisi na siya.


"Hala ka, nangangagat pa naman ako ng tenga...pag nanggigigil ako" pananakot niya sa akin kaya naman nanlaki ang aking mga mata.


"Weh? Pa-try nga!" excited na sabi ko kaya naman napadaing ako ng pitikin niya ang aking noo.



Marahan siyang napailing na para bang ang dami niyang problema at hirap na hirap siya. "Don't ruin my mood. Baka mamaya ay buong araw tayo sa loob ng sasakyan ko" sita niya sa akin kaya naman nagtaas ako ng kilay.


Patuloy ko pa din siyang hinihila papunta sa aming booth. "Anong gagawin natin sa loob ng sasakyan mo kung ganuon?" nakangiting tanong ko sa kanya pero inirapan niya lamang ako. Ang sungit naman! Kanina ok na eh.


"Just talk" tipid na sagot niya sa akin.


Tumango na lamang ako. Ayoko na magsalita...ayoko na magsalita at baka may masabi pa ako. Tathi, magtigil ka...manahimik ka Tathi!


"Ang boring. Pwede make out?" biglaang sabi ko, mariin akong napapikit. Shuta! Ayan na wala na talagang preno ang bibig ko pagdating sa kanya.



Takot na takot akong lingonin siya dahil kahit hindi ko gawin ay nararamdaman ko na ang pagdilim ng kanyang awra mula sa aking likuran. Nagmukha akong spring ng bigla siyang huminto sa paglalakad at nahila niya ako pabalik sa kanya.


Nagkunwari akong napalakas iyon kaya naman libreng tsansing nanaman ng tumama ako sa kanyang mabatong katawan. Napanguso ako ng manliit lalo ang palad ko ng ipatong ko iyon sa kanyang dibdib. Mas malaman pa ata ang dibdib niya kesa sa akin.


Mabilis kong ibinaba ang kamay ko ng tingalain ko siya at nakita kong nakasimangot siyang nakadungaw sa akin.


"Anong sabi mo? Saan mo natutunan iyan? Seryosong tanong niya. Ito nanaman siya at nakakaintimidate nanaman. Mayroon talaga siyang ganitong epekto sa akin, na para bang may oras na hindi ko macross ang line. Lumalabas talaga ang pagiging prim and proper niya, lumalabas ang pagiging maawtoridad niya.


"Huh?" pagkukunwari ko. Kita ko ang pagigting ng panga niya. "Alin? Yung make up?" kunwaring inosenteng tanong ko ulit.


Nagtaas siya ng kilay at napadila sa kanyang pangibabang labi. Dahan dahan ang nag ngiting aso. "Sabi ko make up, ano bang narinig mo? Senyorito..." pangaasar ko siya at sinundot sundot ng aking hintuturo ang kanyang tagiliran.


Halos maglapat ang kanyang mga labi dahil sa aking ginawa. Hanggang a magulat ako ng hulihin niya ang aking kamay.


"Stop doing that" utos niya kaya naman mabilis din akong tumigil.


Nagiwas ako ng tingin sa kanya. Ang sungit naman! Pag si Junie at Eroz ang sinusundot ko ng dulo ng ballpen ay ok lang naman sa kanila. Bakit siya ayaw niya?


Tinalikuran ko siya at nagpatuloy sa pagpunta sa aming booth. Nanatili ang pagkakanguso ko habang iniisip kung bakit nga ayae niya. I need an explanation! I need an acceptable reason.


Halos lumupaypay ang balikat ko dahil duon. Kaya naman nagsitayuan ang balahibo sa katawan ko ng maramdaman ko ang malaki niyang kamay sa aking likuran. Kahit may suot akong tshirt ay ramdam ko pa din ang init nuon.


"Stop doing that. Masyadong malakas ang epekto mo sa akin...baka ikaw ang sundutin ko" sabi niya sabay halakhak.


Kaagad na lumipad ang magkabila kong palad sa aking mga pisngi dahil sa paginit nuon. Shuta!



Gulat na gulat si Charlie ng makita niya ako at ang aking kasama. Muntik ng malaglag ang eyeballs niya sa lupa. Inirapan ko siya kahit gustong gusto kong matawa dahil sa kanyang pagmumukha.


"Senyorito? Andito ba kayo para hulihin kami?" oa na salubong niya sa amin.


Napanguso ako. Marahang umiling si Cairo sa kanya. "Wala ka namang kasalanan, Charlie" sabi niya dito. Kumunot ang noo ko ng makita ko kung paano nagpakagat si Charlie sa kanyang pangibabang labi habang nakatingin dito.


Hinampas ko siya sa braso kaya naman napaayos siya ng tayo. Sinamaan niya ako ng tingin kaya naman kung malaki ang mata niya kanina ay hinigitan ko ang panlalaki ng mata ko sa kanya.


"Tathi. Ikaw na, nakaikot na ulit. Maglulunch lang kami...kayo na muna ni Charlie. Pagkatapos namin ay kayo naman ang maglunch" sabi ng leader namin sa booth kaya naman napatango si Charlie at ako ay nagkunwaring nagulat pa.


Mariin ng nakatingin sa akin si Cairo na para bang gusto talaga niyang malaman kung ano ang magiging reaksyon ko. Syempre nag kunwari akong gulat at ayoko, pero ang totoo ay gusto ko...lalo na't nandito siya. Free hugs!



"Maraming naghahanap sayo kanina. Lalo nung wala na yung bantay mo...ang bango mo daw!" paepal pa ng isa sa mga kaklase ko pero yung mata nila ay na kay Cairo.



Napasapo ako sa aking noo ng maalala ko nanaman ang inispray sa akin ni Charlie kanina. Shuta talaga neto! Tuwang tuwa ang loko.



"Oh, pasalamat ka sa akin. Hinahanap hanap ka na. Kaya pala hinahanap hanap ni Papa si Mama..." kwento pa niya sa akin kaya naman halos takpan ko na ang tenga ko. Kung hindi ko matakpan ang bibig niya ay ako na ang magaadjust!


Pumwesto kami sa booth. Tahimik na sumunod sa amin si Cairo. Si Charlie ang pumesto sa harapan para sa mga bibili.


"Nauuhaw ka?" tanong ko kay Cairo. Nakasimangot siya sa akin. Umiling siya. Aww! Bumili ka na!


Tumango ako para kunwari hindi ako atat na bigyan siya ng free hug. May ilang babaeng bumili kay Charlie. Nagkaasaran pa sila nung yayakap na sila sa kaklase naming lalaki na crush pa ata ng isa sa kanila.


Matapos ang ilang minuto ay nilingon ko ulit si Cairo. Pagala gala ang kanyang mga mata sa iba't ibang booth.



"Nauuhaw ka na di ba?" tanong ko sa kanya. Desperada na. Nagtaas siya ng kilay sa akin at ngumisi. "I mean, nauuhaw ka?" pagaayos ko ng tanong.


Muli siyang umiling. Halos magpapadyak ako, pero natigilan ako ng mula sa dagat ng mga estudyante ay nakita ko si Junie at Eroz. Shuta!


Naestatwa ako sa aking kinatatayuan ngayon at halos hindi na makahinga. Ni hindi ko na nga namalayang may ilang lalaki na ang nakapila sa aming booth.


"Free hug kay Tathi. Mabango iyan..." sabi ng shutang si Charlie.


Lalapit na sana ang mga lalaking iyon sa akin ng mula sa malayo ay sumigaw si Cayden.


"Sige, subukan niyo!" sigaw nito sa kung saan kaya naman kakamot kamot na umatras ang mga ito.


Iginala ko ang aking mga mata at dumapo ang tingin ko kay Cairo na nakangisi ngayon habang umiinom ng buko.


"Oh, bumili ka? Gusto mo ng free hug?" nakangising tanong ko sa kanya. Muli siyang nagtaas ng kilay sa akin. Ang pakipot naman neto!


Bumaba ang tingin niya sa hawak na baso ng buko. "Later, I want more" nakakapanindig balahibong sabi niya. Para bang bigla akong kinabahan...ito na ba? Ito na ba ang hinihingi kong make out? Shuta Tathriana!


Nanliliit ang kanyang mga mata ng tiningnan niya ako. Mas lalo kasing lumaki ang ngiti ko at mas nagmukhang excited pa.



"Sige mamaya. Ikaw ha..." pangaasar ko pa sa kanya.


Wala ni isang nakayakap sa akin sa mga panahong ako ang nakaupo duon sa booth.   Nang matapos maglunch ang mga kaklase namin ay dumiretso na kami ni Charlie sa cafeteria para makapaglunch na din.


"Ako na ang oorder" pagprepresinta ni Charlie. Napatango ako at inilabas ang wallet ko para sana kumuha ng pera pero napatigil na kami ng nagabot na si Cairo sa kanya ng isang libo.


"On me" tipid na sabi niya.


Imbes na makapagprotesta ay mabilis ng humalo si Charlie sa mga estudyante. Masyadong na excite ang shuta sa libre!


Ibinalik ko na lamang ang pera ko sa aking wallet. Ramdam ko ang panunuod ni Cairo sa aking ginagawa. Ang kanyang kamay ay nasa likuran na ng aking upuan kaya naman para siyang nakaakbay sa akin.


"Sapat ba ang allowance mo?" tanong niya kaya naman tumango ako.


Humangin kaya naman medyo nagulo ang buhok ko. Bago ko pa man iyon naayos ay nauna na niyang inilagay ang ilang tikas ng aking buhok sa likod ng aking tenga. Tipid ko siyang nginitian dahil sa kanyang ginawa.


"Wag ka ng magtrabaho" seryosong sabi niya sa akin.


"Pero kailangan namin ni Charlie eh. Ayaw naming gamitin yung pera na galing kina Papa..." medyo nahiya pang sabi ko.


Umusog siya lalo palapit sa akin. Halos hulihin niya ang aking paningin para lang tumitig ako sa kanya.



"Tsaka bakit ka nagtatanong? Gusto mong maging sugar Daddy?" nakangising biro ko sa kanya para sana pawiin ang hiya dahil sa pinaalala ko nanaman ang nangyari.


Napanguso siya. "Nagtratrabaho ako, gagamitin ko ang pera ko kung saan ko gusto" laban niya sa akin.


"Pwede ka na pala magasawa eh!" pangaasar ko sa kanya. Napangisi siya.


"At bakit? Bata pa ako...at bata ka pa" makahulugang sabi niya kaya naman halos sumabog nanaman ang mukha ko dahil sa paginit.


Bumagsak ang tingin ko sa mga kamay naming pinagsiklop niya. "I'm sorry..." pagbasag niya.


Napatingin ako sa kanya. Nakita ko ang pamumungay ng kanyang mga mata.


"Nagkaproblema ang flagship company namin sa spain...and my Lolo died" paliwanag niya na ikinagulat ko.



Kinailangan niyang mabilis na umalis patungo sa spain para imanage ang companya nila duon. Nasa hospital ang Daddy niya at mas lalong nagkagulo duon ng mamatay ang Lolo niya. Walang ibang pwedeng umasikaso at siya lang ang inaasahan.



"Hindi ipinaalam kay Dad. I need to settle everything there. Kailangan kong palitan ang pinsan ko duon..." sabi pa niya na halos hindi niya maituloy.


"Pagkatapos ng hatol, pupuntahan sana kita. But nakita kitang may kayakap so..."


Napakagat ako sa aking pangibabang labi. "Hinintay kasi kita. Akala ko hindi mo talaga ako sisiputin" paliwanag ko.


Mariin siyang napapikit. At tumango tango. "Naiintindihan ko na..." sambit niya na ikinakunot ng aking noo.


"Naging mabilis lang talaga dahil walang ibang pwedeng pumunta duon kundi ako lang" sabi pa niya sa akin kaya naman napatango na lamang ako.


Sapat na sa akin iyon. Hindi na niya na kailagan pang idetalye ang lahat sa akin lalo na't personal at pang pamilyang problema yon. Masyadong malaki ang mundo ni Cairo, masyado ding mabigat ang mga obligasyon na nakaatas sa kanya kaya naman kailangan kong intindihin iyon.


"Akala ko lang kasi talaga hindi mo na ako pinuntahan dahil galit ka sa akin at ginamit mo lang ako laban sa Papa ko" pagamin ko sa kanya.


Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo. "Baby, I won't do that to you..." malambing na sabi niya kaya naman tumango tango ako.


"Magtatagal ako sa Spain, bukod sa MBA ko kailangan kong imanage ang companya duon hanggang sa maging maayos si Dad" paliwanag pa niya sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng awa sa kanya. All this time galit ako sa kanya, siguradong nahihirapan at stress din siya duon.



"Ikaw lang magisa? Kawawa ka naman...walang tumutulong sayo?" pagaalala ko.


Tipid niya akong nginitian. Marahan niyang inayos ang ilang tikas ng aking buhok.



"Sa aming apat ako lang ang sumunod sa yapak ni Dad. Kasama ko naman ang tito Axus ko duon..." kwento pa niya sa akin.



"Eh mga pinsan? Wala kang pinsan na tutulong sayo?" tanong ko pa. Gusto ko lang ding mapanatag ang loob ko na marami siyang kasama duon, malungkot kayang magisa!


Nagigting ang panga niya at marahang umiling. "Umuwi na dito sa pilipinas. At hindi siya nakakatulong" may bahid pa ng galit na sabi niya sa akin kaya naman hindi na ako nagtanong tungkol pa duon.


Kahit papaano ay kaya ko namang magpigil ng tanong kung masyado ng sensitive at personal.


"I don't like your perfume" bulong niya sa akin.


Bigla akong nahiya. "Si Charlie kasi eh..." laban ko.


Bahagya niyang inilapit ang mukha niya para amuyin ako. "This one smells too old for...my baby" bulong pa niya kaya ayan nanaman ang paninindig ng mga balahibo ko.


"Johnson's baby cologne nga lang ang gamit ko eh..." laban ko pa sa kanya. Naramdaman ko ang pagayos niya sa aking buhok. Ang ilang tikas na inilagay niya sa likod ay muli niyang pinakawalan.



"Itago mo yang tenga mo at baka makagat ko" nakangising sabi niya sa akin.


Muntik na akong hindi makahinga. Mabuti na lang at biglang dumating si Charlie! Goodness gracious!



Halos pagpawisan ako ng malamig ng dumating na ang oras ng pagbitay sa akin. Hinila lamang ako ni Charlie patungo sa lit club. Mas excited pa siya sa akin dahil theme song nila ng crush niya ang ipinakanta niya sa akin.


"Charlie. Parang nilalagnat na talaga ako. Promise totoo na to!" sabi ko sa kanya pero wala siyang pakialam.


Kumpleto na sila duon, makapal na din ang tao dahil sa ibang club at hapon na kaya naman halos lahat ay nandito na sa open space.


"You can do it" pagpapalakas ng loob ni Cairo sa akin pero napanguso lang ako sa kanya. Para talagang lalabas ang puso ko sa sobrang kaba.


"Eh paano pag hindi nila nagustuhan ang boses ko? Nahihiya ako" sumbong ko sa kanya.


"You'll gonna sing for me. And I like everything about you...you don't have to worry about that" sabi pa niya sa akin kaya naman napanguso ako. Isang halik sa noo mula sa kanya ay napabuntong hininga ako at tumango.


Kanta lang Tathi. Tapos pwede ka ng magpakain sa lupa after.


Pumwesto si Cairo sa harapan, nakapaikot ang mga tao sa maliit na stage para sa gustong kumata sa open mic. Nauna ng kumanta ang isa sa mga kamember namin at ako na ang susunod.



"Kaya mo yan Tathi" seryosong sabi ni Cayden sa akin. Tipid ko siyang nginitian, napatingin ako kay Cairo baka mamaya ay magalit iyon sa akin pag nakita niyang malapit kami ni Cayden. Siya pa naman yung nakita niyang kayakap ko.


"Aba't umuwi pa talaga dito yang..."


"Ha?" tanong ko sa kanya ng marinig ko siyang bumubulong bulong pa.


Napailing siya pero matalim pa din ang tingin sa kung saan. Hinayaan ko na lamang at naghanda na ng ako na ang susunod. Tuwang tuwa si Charlie dahil paborito niya ang kantang ito. Shuta talaga sana siya ang kumanta!


Imbes na minus one ay may isang kaming member ang tutugtog ng guitara. Nginitian niya ako pero nag ngiting aso lang ako sa kanya dahil sa sobrang kaba.



Umupo ako sa highchair na nakahanda. Si Cayde ay nakatayo sa may gilid kasama ang mga kaibigan niya. Sa bandang harap si si Cairo katabi ang malanding si Charlie. Oh shit.



Nagsimulang magstrum ng guitara. Nanatili ang titig ko kay Cairo, kagaya ng sabi niya siya ang kakantahan ko kaya naman kung mapapahiya ako sa kanya lang iyon. Sa dami ba naman ng kabalastugan kong ipinakita sa kanya ay ngayon pa ba ako mahihiya?


"Kay tagal nang ako'y dumadalangin
Kung kailan ba sa akin ay darating?..." paguumpisa ko. Napalakpak si Charlie na parang kilig na kilig pa ang shuta!


"Isang tulad mo na para sa akin
At sa habangbuhay ay aking iibigin"


Kumalma ako ng makita ko kung paano ngumiti si Cairo habang kumakanta ako. Dahan dahang nawala ang aking kaba.



Nang mamasdan ka ay may ibang nadama

Nabuhay muli ang isang pag-asa
Nasabing ikaw at wala nang iba
Ang hinihintay kong makita

I

kaw ang sagot sa mga dalangin

Dininig ng langit ang aking paglalambing
Kay tagal naghintay at ngayo'y dumating
'Di na hahayaan na ika'y mawala sa akin



Unti unting nawala ang ngiti ko. Ang kaninang tingin ko na para kay Cairo lang ay bumaling sa iba ng hindi ko namamalayan.



Nang mamasdan ka ay may ibang nadama
Nabuhay muli ang isang pag-asa
Nasabing ikaw at wala nang iba
Ang hinihintay kong makita

Ikaw ang sagot sa mga dalangin
Dininig ng langit ang aking paglalambing
Kay tagal naghintay at ngayo'y dumating
'Di na hahayaan na ika'y mawala sa akin



Sa dulo ay namataan ko si Eroz. Seryosong nakatitig sa akin, hindi kagaya ng katabi niyang si Junie na nakangiti. Gusto kong ialis ang tingin ko sa kanya at ibalik iyon kay Cairo pero hindi ko magawa.



Sa'yo ko lang nadama
Ang pag-ibig na kay ganda
Bubusugin ka ng pagmamahal
Ang hanap ko ay ikaw

Ikaw ang sagot sa mga dalangin
Dininig ng langit ang aking paglalambing
Kay tagal naghintay at ngayo'y dumating
'Di ka na mawawala sa akin


May parang kung ano sa kanyang mga mata na hindi ko magawang bawiin ang tingin ko sa kanya. Kaya naman ng nawalan ako ng pagasa ay napapikit na lamang ako.



Sa aking muling pagdilat ay si Cairo ang nakita ko. Muli akong nakahinga ng maluwag. Siya dapat, dito dapat Tathi. Wala dapat iba!


Ngunit ang traydor kong mga mata ay muling lumipad patungo sa likod. Hindi ko alam kung bakit nasaktan ako ng nakita kong malungkot na nakatingin si Eroz sa akin. Hanggang sa tinapik niya ang balikat ni Junie. Bago ko pa man matapos ang kanta ay tumalikod na siya sa akin.


"Whoo! Kaibigan ko yan!" sigaw ni Charlie ng matapos ako.


Wala sa sarili akong lumapit sa kanila. Pinilit kong ngumiti para ipakitang ayos lang ako.


"Ang galing..." nakangiting sabi ni Cairo sa akin kaya naman muli akong ngumiti kahit  pakiramdam ko ay nagmukha na akong ewan duon.


Nagkagulo ulit ang lahat ng may mga nagpresinta ng kumanta sa harapan. Imbes na manuod ay umalis na kami duon.  Muling pinagsiklop ni Cairo ang aming mga kamay. Nakatitig ako duon pero iba ang nasa aking isip. Hindi ko na talaga maintindihan kung ano ang nangyayari sa akin.



"Sa booth na muna ako..." paalam ni Charlie sa amin kaya naman tumango ako.



Dumiretso kami sa parking space kung nasaan ang sasakyan ni Cairo. Hinanap ko kaagad ang gray na Hummer kung saan ko iyon nakita kanina pero wala na duon. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag.



"You did well" puri sa akin ni Cairo kaya naman bumalik ako sa aking wisyo. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan. Kaya nama tahimik akong pumasok sa loob.


Siniil niya ako ng halik pagkapasok niya kaya naman napahawak ako sa kanyang braso.


"I want to date you" sabi pa niya bago kami nagpasyang umalis duon. Bahala na ang mga kagrupo ko, bahala na.


Inubos namin ang oras ni Cairo, nanuod kami ng sine at kumain sa labas. Pilit kong iwinawaksi ang mga bagay na hindi ko naman dapat iniisip.


"Did you enjoy the movie?" tanong niya sa akin pagkalabas namin ng sinehan.


Tumango ako at ngumiti. Napabuntong hininga ako ng makita kong madilim na sa labas at alam ko na ang ibig sabihin nuon. Kailangan na naming maghiwalay ulit. At siya, babalik na ng Spain.



Bago pa man kami pumasok sa sasakyan ay hinila na niya ako para mayakap. Mahigpit na yakap ang ginawad niya sa akin na ginantihan ko din.


Matagal nanaman ulit bago kami magkita. "Be good...hindi ako magdadalawang isip na umuwi dito pag may nabalitaan ako" banta niya sa akin.


"Mabait ako dito. Kaya nga hinalikan mo kaagad ako kanina di ba?" laban ko sa kanya kaya naman napangisi siya.


Hawak niya ang kamay ko buong byhae pauwi sa amin. Bumigat ang dibdib ko ng huminto ang sasakyan niya sa kanto malapit sa aming bahay. Pakiramdam ko, hindi lang ako ang naka miss sa kanya. Maging ang sta. maria ay na miss din siya.


Ako na ang lumapit sa kanya at humalik. Kaagad naman niya iyong ginantihan. Tumakas ang ilang mga luha sa aking mga mata, may halong lungkot at takot duon.


Lungkot dahil aalis nanaman siya at takot dahil sa kakaibang nararamdaman ko.


Malambing niya akong pinatahan hanggang sa may inilabas siyang kulay pulang box. Nabigla ako ng makita ang nakaukit sa labas nuon. Cartier


Isang manipis na gold bracelet ang laman nuon at may maliit pa na parang screw driver. Hindi na ako nakaimik pa ng isuot niya iyon sa akin at nilock gamit ang maliit na screw driver.


Bumagay iyon sa kulay gold ding heart shaped necklace na ibinagay niya sa akin nuon.


"Wala akong ibibigay sayo" malungkot na sabi ko.


Tipid niya akong nginitian. "Be good and loyal..." seryosong sabi niya sa akin kaua naman bayolente akong napalunok.


Paulit ulit ko iyong inisip para hindi ko makalimutan. Be good and loyal...si Cairo lang dapat wala ng iba! Naiintindihan mo ba iyon Tathi?



Ilang palitan ng chat pa ang nagawa namin ni Cairo bago siya tuluyang pumasok ng airport. Sandali pa siyang tumawag sa akin para lang marinig ang boses ko.


"Ang lungkot si Miss Tathi" puna ni Junie sa akin ng pumasok ako sa rice plantation ng hapong ding iyon.


Tipid ko siyang nginitian. "Ang ganda pala ng boses mo. Nanuod kami ni Boss Eroz eh" kwento pa niya sabay tingin kay Eroz ba tahimik na nagbubuhat ng sako.


"Oh talaga? Hindi ko kayo nakita" pagsisinungaling ko.


Dahil sa sinabi ko ay bahagya siyang tumingin sa akin kaya naman nagiwas ako ng tingin sa kanya.


Mas dumoble ang ginawa kong pagiwas sa kanya. Ganuon din naman siya sa akin dahil hindi na siya sumubok pang kausapin ako.


"Mauna na po ako" paalam ko sa office ng maagang matapos ang trabaho ko.


Hinayaan nila akong umuwi ng maaga. Wala naman akong sakit pero panay ang tanong nila sa akin kung bakit ang tamlay ko.


Pababa ako sa hagdan ng tumunog ang cellphone ko. Mabilis kong sinagot iyon ng makitang si Kuya Jasper iyon.


"Kuya?"


"Tathi, nasa hospital kami. Ang Papa mo..."


Halos mabitawan ko ang mga librong hawak ko dahil sa narinig. Nataranta ako at halos maiyak na.


Tinakbo ko ang distansya ng office patungo sa warehouse ng naiiyak. Nakita ko pa si Eroz na napahinto sa pagsakay sa sasakyan ni Sir Julio.


"Anong problema?" tanong niya sa akin.


"Ang Papa ko. Nasa hospital" naiiyak na sagot ko sa kanya. Lalagpasan ko na sana siya ng hinila niya ang kamay ko.


"Ihahatid na kita" pagprepresinta niya sa akin. Tatanggi na sana ako pero masyado na akong nanghihina para gawin pa iyon.
























(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro