Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 38

Loyalty









Marahan akong umiling kay Eroz. Nakita ko kung paano pumungay ang kanyang mga mata kasabay ng bayolente niyang pagkakalunok.



Nuon pa man, masyado akong naging curious kung ano ang feeling na may nagkakagusto sayo. Yung may nanliligaw sayo. Grade 6 pa lang ata ako ng una akong makasaksi ng ligawan sa classroom namin. At pagkatapos nuon, mas naengganyo na ako sa mga lovestory.



Wala akong karanasan sa mga ganitong bagay, hanggang sa dumating si Senyorito Baby dito sa bayan ng Sta. Maria. Hindi siya ang una kong naging crush pero siya yung pinakagrabe sa lahat. Kung nakakabukol lang yung lakas ng tama niya sa akin baka nagmukha na akong gold fish sa pamamaga ng noo ko.



"Pasencya ka na Eroz. Pero kasi..."



Halos nakangiwi na ako para lang makapagpaliwanag sa kanya. Ang hitap dahil ito pa ata ang pinaka una kong mababasted. Ang ganda mo naman Tathi!? Shuta ka?



"Kayo ba?" tanong niya sa akin.


Uminit ang mag kabilang pisngi ko dahil sa naging tanong niya sa akin. Err...sana? Imbes na magbiro pa ay umiling na lamang ako.



"Hindi kami. Pero I choose to stay loyal. You know..." pageenglish ko pa kahit ang totoo ay sobrang hindi na ako kumportable pa sa pinaguusapan namin.


Napangisi si Eroz but there is no humor. Mas lalo tuloy bumigat ang dibdib ko para sa kanya. Ano ba yan! Kalat sa buong sta. maria ang pagiging dugyot ko. Hindi ba niya iyon nakikita o nabalitaan man lang? Huli pa ata sa balita ang isang ito.


Sa huli ay napatango tango na lamang siya at napabuntong hininga. Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng makita ko kung paano siya nagiwas ng tingin sa akin.



"I'm sorry..." bulong ko pero sapat na iyon para marinig niya.


"You don't have too. Feelings mo yan, feelings ko din ito..." laban niya sa akin kaya naman mas lalong humaba ang nguso ko.


Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni Eroz sa mga sinabi niyang iyon. Pero ang alam ko lang kailangan kong umiwas na muna.


Yun nga ang ginawa ko ng mga sumunod na pasok ko sa factory. Hindi naman ako nahirapan dahil mukhang alam ni Eroz ang plano ko na maging siya ay umiiwas din sa akin. Mula sa malayo ay napapatingin na lang ako sa kanya, at dahil sa bigat na nararamdaman ko ay napapabuntong hininga na lang sa huli.



"Ang lalim naman nuon, Miss Tathi" nakangising salubong ni Junie sa akin. Napanguso ako, itong Junie na to. Chismoso!



"Nastress ako, nakita nanaman kasi kita eh" pangaasar ko sa kanya. Habang tumatagal ako dito sa rice mill factory ay mas nagiging close ako sa kanilang lahat.


Napakamot si Junie sa kanyang batok at napatawa. Sinundot ko siya ng ballpen para tumigil na pero panay pa din ang pangaasar niya sa akin. Tumayo ako sa may likod ng truck para maumpisahan na ang pagbibilang ng mga sako.


"Ilan na ang nandyan?" tanong ng kalalapit lang na si Eroz. Inassume ko na si Junie na nakasampa na sa taas ng truck ang tinanong niya kaya naman humigpit ang hawak ko sa checklist at tumitig duon kahit wala naman akong dapat titigan.



Kumunot ang noo ko habang nagdodoodle. Ramdam ko pa din siya sa tabi ko at naiistress nanaman ako dahil hindi pa sumasagot si Junie. Tong Junie ba to! Kung kailan kailangan ang pagiging madaldal ay tsaka hindi magsasalita.



Narinig ko ang bayolenteng pagbuntong hininga ni Eroz. Kita ko ang pagkakapamewang niya mula sa anino niya sa may sahig.



"Junie, ilan ang nandyan? Ayaw akong kausapin ni Miss Tathi" seryosong sabi niya. Nanlaki ang aking mga mata at kaagad na nagangat ng tingin sa kanya.


Diretso ang tingin niya kay Junie na nasa taas ng truck. Umigting ang panga niya ng mukhang mapansin niya ang paninitig ko sa kanya.



"Uy. Hindi ah..." laban ko sa kanya. Kahit kalahating totoo iyon, pero para naman ito sa kanya.



Nilingon niya ako at tsaka siya nagtaas ng kilay sa akin. "Ang sungit naman. Basted na nga ako ganyan ka pa sa akin. Wala kang pusong bata ka..." akusa niya sa akin. Kahit seryoso niyang sinabi iyon ay ramdam ko pa din ang pangaasar niya sa akin.


Mas lalo tuloy naginit ang magkabilang pisngi ko. Buong akala ko ay magiging malupit siya sa akin, akala ko nga ay ipapasesante niya ako kay Sir Julio dahil bukod sa close na close silang dalawa ay parang siya ang boss dito.



Hindi ako nakasagot sa kanya, nanatili ang tingin niya sa akin na mukha pa atang nananantya. Naputol ang tinginan namin ng napatawa si Junie. Thank God for Junie! Ito lang ata ang epal na gustong gusto ko.


"Naku, Boss Eroz. Nagtitipid magsalita yan si Miss Tathi. Sabi nung pinsan kong schoolmate niya ay kakanta iyan sa Legma week" nakangising kwento ni Junie.



Nanlaki ang aking mga mata. At saan niya nalaman iyon!? Kung kaya ko lang bumuhat ng isang sako ng bigas ibabato ko na sana iyon kay Junie eh!


"Makapanuod nga" pangaasar pa niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.


"Bawal pumasok ang hindi estudyante"


"Edi sasabihin ko magbabayad ako ng tuition ng kapatid ko" laban niya sa akin. Halos magpapadyak ako duon matigil lang sa pangaasar ito.



"Sige Junie at magbabayad din ako ng tuition ng girlfriend ko" sabat pa ni Eroz.


"May girlfriend ka duon boss?" gulat na tanong ni Junie dito. Ang matalim kong tingin kay Junie kanina ay inilipat ko sa isa pang epal na si Eroz. Bakit ba ako pinapalibutan ng mga epal na to?


Nagkibit balikat si Eroz. Bwiset! "Maghahanap? Para magkaroon" nakangising sabi niya kay Junie bago sila nagtawanang dalawa.


Mas lalo tuloy nadagdagan ang stress ko ng mga sumunod na araw. Halos lamutakin ko ang nakangiting mukha ni Charlie ng magkita kami. Siya talaga ang may pakana nito eh!



"Ang talim ng tingin mo sa akin ah. Kung makatingin ka ay parang ako ang may kasalanan ng stress mo" puna niya. Gustong gusto ko siyang bugahan ng malaki Oo! Ikaw talaga shuta ka!


Imbes na magsalita pa ay napairap na lamang ako. Mas mabuting wag ko na lang ubusin ang energy ko at hindi naman ako nakainom ng Milo kanina para i-beat ang energy gap. Shuta, nagendorse pa!


Swerte kaming nakaupo sa harapan ng jeep. Kagaya ng palagi ay ako nanaman ang pinapagitnaan nila ng driver. Gusto ko din sana duon sa may tabi ng pintuan pero ayaw ni Charlie dahil mageemote pa daw siya habang nasa byahe mamaya. Hinayaan ko na lang dahil mahirap din naman duon at sasabog ang buhok ko pag nagkataon. Hindi pa nakakarating sa school ay mukha na akong bruha.


"Malolos...Capitol. Malolos!" sigaw ng barker ng jeep. Ilan na lang ay mapupuno na at aalis na kami.


"Naalala mo ito?" tanong ni Charlie sa akin ng ilabas niya mula sa kanyang bag ang lumang autograph book. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa pagkamangha.



Elementary kami nuon ng mauso ang autograph book. Sa tuwing may ganuon ang aming mga kaklase ay automatic na iikot iyon sa buong classroom para magpapirma. Duon din nagkakabukingan ng crush kaya naman ang iba ay isinusumpa iyan.


Napahagikhik si Charlie ng una niyang mabasa ang kanyang pangalan. Halos matawa kaming dalawa dahil sa sariling niyang kagagahan sa tuwing nababasa namin ang mga sagot niya duon.


"Uyy si wesley pa pala ang crush ko dito"


Ang sumunod naman page ay para sa akin na. Halos mapanguso ako, medyo nahihiya sa kung ano ang isinagot ko duon. Hindi ko na kasi maalala.



"Motto in life...Time is gold. Shuta! Gasgas na ito ah!" asik niya sabay tawa. Inirapan ko siya, malay ko ba sa motto in life nung bata ako eh ang gusto ko lang naman nuon ay maguwian na para makapaglaro ng chinese garter at piko.



"Friends...Whoa sina Sera at Lumi pa ang nandito eh ginawa ka lang namang utusan ng mga iyon!" asik niya sa akin. Napatitig ako sa pangalan ng mga dati kong kaibigan.


Pareho kasing may kaya sina Sera at Lumi. Nagulat nga ako ng kaibiganin nila ako kaya naman kahit anong iutos nila sa akin ay sinusunod ko.


"Pharma si Sera di ba? Sa manila na ata silang dalawa nagaaral ngayon. Sana all!" sabi pa ni Charlie.


"Mabait naman si Sera sa akin" agap ko sa kanya. Totoo naman, sa pagitan nilang dalawa ni Lumi ay si Lumi ang mas maldita.


Napatango si Charlie. "Oo. Mabait nga...pero yung bibig! Panay mura!" natatawang sabi pa niya kaya naman napangisi din ako. Kamusta na kaya sila?



Panay quiz at seatwork lang ang ginawa namin para sa paghahanda sa legma week. Una kaming tumulong sa lit club para mag gupit ng nga pang design namin sa magiging booth namin.


"Tathi. Magisip ka na ng kakantahin mo ha. Sabihin mo sa akin para maidownload na kita ng minus one" sabi sa akin ni Jessica ang vice president ng aming club. Nag ngiting aso ako sa kanya at tumango kahit labag sa aking loob.


Gusto ko na lang talagang magkasakit sa araw na iyon. Shuta!


Bahagya akong napatigil dahil sa pagpasok  nila Cayden kasama ang kanyang mga kaibigang basketball player din. May buhat buhat silang mga bakal para sa tent namin. Nagsinghapan tuloy ang ibang babaeng member dahil sa pagfleflex ng mga muscles nito.


"Umaga pa lang. Pawis na tayo..." iritadong reklamo ng isa sa mga kaibigan niya.


"Take your shirt off!" pangaasar nina Ate Jessica at mga kaibigan niya sa harapan. Dahil duon ay napahiyaw din ang iba. Nagkatawanan ng asarin ang isa sa mga kaibigan ni Cayden sa isang freshman.


Mula sa malakas na tawanan ay napatigil ako ng maramdaman ko ang paglapit si Cayden sa amin. Sinalubong ko siya ng ngiti. "Nag breakfast na kayo?" tanong niya sa amin. Tatango na sana ako ng umepal nanaman si Charlie.


"Anong sabi mo Tathi? Gutom ka?" pangaasar niya sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.


Napaayos ng tayo si Cayden habang patuloy na nagpupunas ng pawis sa batok gamit ang kanyang puting bimpo. Bakit nakakagwapo yung bimpo ng jeepney driver ngayong nakasabit na sa kanyang balikat?


"Hindi ka nagalmusal? Anong gusto mo...bibili kami sa labas" tanong niya sa akin. Tuwang tuwa ang shutang si Charlie dahil sa narinig.


"Hindi na. Pwede namang mamamaya na" pagpigil ko sa kanya.



Hindi pa nakakasagot si Cayden ng makatanggap na kami ng pangaasar mula sa mga kaibigan niya. "Gutom na din kami, Papa Cayden"


Sinamaan niya ng tingin ang mga kaibigan kaya naman mas lalong humagalpak ng tawa ang mga ito. "Shut up!" asik pa niya dito.


"Hindi kayo si Tathi kaya wala yang pakialam sa inyo!" pangaasar pa ni Jessica sa kanila. Napatawa kami ng umacting na masakit ang puso ng isa sa kanyang mga kaibigan.



"Paranas naman ng alagang Cayden" pagpapatuloy pa nila kaya naman napamura na siya.


Bagsak ang katawan ko pagkauwi ko matapos ang araw na iyon. Mas nakakapagod ngayon kesa sa normal na school days. Pero kung hindi lang talaga ako ipinagkanulo ni Charlie sa pagkanta ay siguradong mageenjoy sana ako.


"Subukan mong magpayakap, Tathriana" banta ni Cairo sa akin ng magkausap kami.


Biglang nawala ang pagod ko ng makita ko ang pangalan niya sa screen. Mabilis ko iyong sinagot, nakadapa ako sa kama habang nasa harapan ko ang laptop. Ganuon din siya, nakahiga sa kanyang kama at nakapatong sa hubad niyang tiyan ang laptop.


Panay ang sipat ako sa kanya mula sa screen. Kumunot ang noo niya ng mapansin niya iyon. "What are you looking at?" tanong niya.



Napanguso ako. "Mas lalong lumaki ang muscles mo. Paano mo na ako mayayakap niyan...baka mamatay na ako" sabi ko sa kanya. Isipin ko pa lang na yakapin niya ako gamit ang mga iyon ay baka mapipi na ako ng sobra.


Tumaas ang isang kilay niya, naglaro ang ngiti sa kanyang mga labi pero hindi din natuloy dahil lumipad ang kamay niya sa kanyang mga labi at pinalaruan nanaman niya ito.


"Naging mabait ka ba diyan para yakapin ko?" tanong niya kaya naman mas lalo akong napanguso. Nakaramdam ako ng kaunting guilt dahil sa kakaibang naramdaman ko nitong mga nakaraang araw.


"Baka nga mahalikan mo pa ako sa sobrang bait ko" laban ko sa kanya. Totoo naman! Iniwasan ko na nga si Eroz at sinabi kong may hinihintay ako at si Senyorito baby iyon.


Naningkit ang kanyang mga mata. "Dapat lang Tathriana. Uuwian talaga kita diyan  at paparusahan sa oras na may malaman ako" pagbabanta niya sa akin.


Kung hindi lang open ang cam ay kanina ko pa gustong gumulong gulong sa kama ko. "Kailan ka ba uuwi?" tanong ko sa kanya. Ayoko sanang magtanong dahil alam ko namang busy siya duon at importante iyon.


"Gusto mo naman akong umuwi?" tanong niya sa akin. Dahan dahan akong tumango.


"Pero ok lang. Kailangan mo iyan para sa companya niyo at para sayo na din" sabi ko pa. Narinig ko ang bayolente niyang pag buntong hininga.



"Magugulat ka nalang, nakauwi na ako" pangaasar niya sa sakin kaya naman tipid ko siyang nginitian. Alam ko namanh impossible iyon lalo na't ang layo layo naming dalawa sa isa't isa.


Nalunkot ako ng sabihin nitong hindi siya makakatawag sa akin sa susunod na araw para sa kanyang thesis presentation. Hinayaan ko na lang dahil ayokong alalahanin pa niya ako kung magiinarte ako. Kailangan ko siyang suportahan dahil ganuon din naman siya sa akin.



Maaga ng sumunod na linggo ay naging busy kami para sa aming class booth. May iba't iba kaming klase ng drinks para ioffer sa mga gustong bumili. "Free hugs! Free hugs!" sigaw ng mga kaklase namin ng magopen na ang booth namin kasabay ng iba pang mga booth.


May dalawang upuan sa gilid kung saan uupo ang una naming pain para sa free hug. Wala duon ang isip ko, mamayang hapon magaganap ang pagbitay sa akin dahil mamaya ang open mic.



Hinila ako ni Charlie palayo duon sa booth. May inilabas siyang babasaging bote ng pabango.



"Dahil kakantahin mo mamaya ang theme song namin ng crush ko, ito at bibigyan kita ng pabor" kinikilig pang sabi niya kaya naman hinayaan ko siyang magspray ng pabango sa aking leeg. Panay pa ang sabi niya sa akin na galing iyong ibang bansa at mamahalin iyon.


Inamoy niya ako pagkatapos. "Ayan at pwede ka ng magpayakap"


Wala sa sarili kong inamoy iyon. Mabango at halata ngang mamahalin, mukhang ito yung mga pabangong kahit gaano katagal ay mabango ka pa din. Hindi kagaya ng mga spray na gamit ko na mabilis na nalalamon sa konting pawis lang.


"Medyo matapang lang para sa akin" puna ko dahil halos mild lang ang gamitin ko.


Napawi ang ngiti ni Charlie kasabay ng pagbaba ng tingin niya sa hawak nitang bote.



"Ba...bakit?"



Napasapo siya sa kanyang noo. "Naku! Maling perfume ang nadala ko. Ito yung ginagamit ni Mama na perfume pang romansa kay Papa eh" sabi niya.



Ramdam ko ang pagkawala ng dugo sa aking mukha. Dahil duon ay kaagad na humagalpak ng tawa si Charlie.


"Nakakainis ka talaga!" hiyaw ko sa kanya at halos bugbugin ko na siya duon. Kung hindi lang dumating si Cayden ay baka ipininom ko na kay Charlie ang perfume na pangromansang sinasabi niya.


"May yumakap na sayo?" tanong kaagad ni Cayden sa akin.


Napanguso ako at mabilis na umaling. "Mabuti kung ganuon, wala pa akong bubogbugin" sabi pa niya na ikinalaglag ng panga ko.


Napabungisngis si Charlie. "Free hug ang offer natin, pag dating sayo Free bugbog. Baka malugi tayo niyan...lagot ka sa mga kaklase natin" pananakot pa ni Charlie sa akin.



Ganuon nga ang nangyari ng ako na ang sumalang para sa free hug. Tahimik na nakatayo si Cayden sa gilid namin. Wala naman siyang ginagawa pero parang takot sa kanya ang mga ito.


"May free hug kay Tathi" sabi nung kaklase kong nagabot ng inumin.



Tumingin sa akin ang lalaking bumili ng buko juice. Nginitian ko siya pero lumagpas ang tingin niya sa nasa likuran ko.



"Ok lang kahit wag na" nahihiyang sabi niya sabay kamot sa batok. Nang bumaling ako kay Cayden ay nalaglag ang panga ko ng maabutan ko siyang pinandidilatan ng mata ang kawawang lalaki.


Mas lalo akong nahiya sa mga kaklase ko ng dumating pa ang mga kaibigan nito. Ang iba naman ay natuwa pa sa presencya ng mga ito. Bumili ang isa sa kanila at inasar si Cayden na yayakapin ako. Kaya naman katakot takot na mura ang inabot ng kanyang kaibigan na tatawa tawa lang na bumalik sa kanilang kinatatayuan.



Pero hindi lahat ay may pakialam sa presencya ni Cayden. Mayroong ibang yumakap sa akin matapos bumili.


"Pakikuha nga ang baseball bat sa sasakyan ko..."


"Parang ang sarap manuntok ngayon, ang tagal ko ng hindi nakakapagboxing"



Pagpaparinig nilang magkakaibigan tsaka sila tumawang tatlo. Nang palitan na ako ng iba pa naming kaklase ay umalis na din sina Cayden. Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag. Panay pa ang paghingi ko ng sorry sa mga kaklase ko. Pag ganito pa din ang gagawin nina Cayden sa susunod na araw ay baka itakwil na ako ng buong section namin.



"Ano bang pabango mo? Baygon?...kung makabakod si Cayden sayo!" pangaasar ni Charlie sa akin. Inirapan ko lang siya dahil ilang oras na lang ay open mic naman ang proproblemahin ko.



Umupo ako sa isa sa mga student cottage para magpahinga. Tumulong si Charlie sa pagbebenta. Binuksan ko ang cellphone ko at duon ko nakitang may ilang message si Cairo sa akin.



Cairo Herrer:

I have something for you.


Ako:

Ano nanaman iyan?


Sinamahan ko iyon ng ilang emoji. Ano nanaman kaya ang pakulo nuon?


Cairo Herrer:

Nasa parking lot na ang package. Pakikuha na daw.


Mabilis akong napatayo. Nagpaalam ako sa president namin at tsaka ko tinakbo ang papunta sa parking lot. Mabuti na lang at naka pang washday kami ngayo. Kaya naman simpleng tshirt, maong pants at white converse ang suot ko.



Ako:

Nasa parking lot na ako.



Hindi na siya sumagot pa. Nagpalinga linga ako para hanapin ang possibleng delivery man pero wala akong nakita. Panay ang lakad ko. Hanggang sa magsend siya sa akin ng picture.


Nanlaki ang aking mga mata ng makita kong picture ko iyon mula sa mismong kinatatayuan ko. Nasa loob ng isang sasakyan ang kumuha ng litrato. Hinanap ko kung nasaan iyon. Hanggang halos mapaiyak ako ng makita ko ang kanyang itim na jeep wrangler.


Bumukas ang pintuan at lumabas siyang mula duon may dalang bulaklak. Ngumiti siya at kumaway sa akin. Hindi na ako nagaksaya pa ng oras at mabilis na tumakbo papunta sa kanya. Sinalubong niya ako kaya naman halos itapon ko ang sarili ko sa kanya para yumakap.



"Nandito ka! Nandito ka..." umiiyak na sabi ko dahil sa sobrang saya.



Ginantihan niya ang yakap ko. Ramdam ko ang ilang beses niyang paghalik sa aking ulo.


"Damn. I missed you so much" bulong niya.


Natawa siya ng humiwalay ako sa kanya ng yakap. Marahan niyang pinunsan ang aking mga luha. Hanggang sa mapapikit ako ng sandali niyang siniil ng halik ang aking labi.


Halos nalukot ang suot niyang itim na vneck tshirt dahil sa pagkakakapit ko.


"Surprise" nakangising sambit niya ng naghiwalay na ang mga labi namin. Napakagat ako sa aking pangibabang labi at muling yumakap sa kanya.




"Asaan na ang package ko?" pangaasar ko sa kanya.


"Ako ang package" natatawang sagot niya sa akin.


Hinila niya ako papunta sa kanyang sasakyan. Ibinigay niya sa aking ang bulaklak na dala niya para sa akin.



"Sana talaga naging mabait ka dito. Wag mo akong susubukan Tathtriana" pagbabanta niya sa akin kaya naman napatawa ako.


"Edi parusahan mo na lang ako. Ok lang naman" inosenteng sabi ko kaya naman narinig ko ang ilang pabulong niyang mura.


Bumaba ang tingin ko sa mga bulaklak, may ilang hikbi pa ding lumabas sa aking bibig. Muli niya akong hinila at isinandal sa gilid ng kanyang sasakyan, sandaling siniil ng halik ang aking labi bago niya pinagdikit ang aming mga noo.


"We'll talk later. Umuwi ako dito para makita kang kumanta" sabi niya na mas lalong ikinainit ng magkabila kong pisngi.


"Ano ka ba. Magkukunwari nga akong may sakit eh"


Nagtaas siya ng kilay sa akin. "I want to hear it...kaya mo yan" pangeenganyo niya sa akin kaya naman muli akong napanguso.


"Baby..." tawag niya sa akin. Nagangat ako ng tingin sa kanya. Mas lalo akong napasandal sa kanyang sasakyan ng muli kong maramdaman ang panlalambot ng aking mga tuhod dahil sa itinawag niya sa akin. Alam na alam niya talaga.



"My baby is gonna sing for me. Hmm?" pangaasar niya sa akin.


Sinamaan ko siya ng tingin kahit halos manlambot na ako. Dahan dahan niyang inalapit ang mukha niya sa akin. Mabilis akong napapikit para hintayin ang halik pero wala akong natanggap. Kaya naman halos itago ko ang mukha ko ng makita kong nakangisi siyang nakatingin sa akin. Nakakainis! Shuta!



Natawa na lamang siya at tsaka ako hinala para yakapin. "Siguraduhin mong ako ang kakantahan mo mamaya at hindi kung sinong lalaki"


Mabilis akong napatango. "Loyal ako sayo!" laban ko. Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.


"Some will take your loyalty as a challenge..." seryosong sabi niya. Hindi ako nakapagsalita.


Napatingala ako sa sumunod niyang sinabi sa akin. "Marupok ka pa namang bata ka..." nakangising sabi niya sa akin.


"Sayo lang naman!" laban ko.


Napatango tango siya. Napasinghap siya at tsaka muling pinagdikit ang aming mga noo.


"Can't wait for you to be 18" malambing na sabi niya sa akin.


Nanatili akong nakatingin sa kanya. "Pag 18 na ako manliligaw ka na?" matapang na tanong ko. Mas lalong lumaki ang ngisi niya.


Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Hindi pa ba panliligaw itong ginagawa ko ngayon?" tanong niya sa akin kaya naman nanlaki ang aking mga mata at nalaglag ang aking panga.


"Nililigawan mo na ako? Bakit hindi ko alam!?" gulat na tanong ko sa kanya. Napamura siya at natawa.


"Tsaka mo na ako sagutin pag 18 ka na at ako pa din ang gusto mo" sabi niya. Napanguso tuloy ako. Bakit hindi pa ngayon!?


"Gusto naman kita ngayon ah? Bakit hindi na lang ngayon?" tanong ko. Napapikit ako ng pitikin niya ang aking noo.


"In your 18 birthday Tathriana" pinal na sabi niya. Nalukot ang aking mukha. Ngayon na lang kasi eh!



"Eh paano pag hindi mo na ako gusto pag 18 na ako?" laban ko sa kanya.



Nagtaas siya ng kilay sa akin. "I already commit myself to you. Hindi dapat yan ang problemahin mo..."


"Your feelings for me. Diyan ka magfocus, magtatagal ako sa spain...baka palitan mo ako ng mas malapit" banta niya sa akin. Mabilis akong umiling.


Hindi na ako nakasagot pa kaya naman pinagsiklop niya ang aming mga kamay. "Come on, let's enjoy the day. Bukas ng gabi ang balik ko sa spain" yaya niya sa akin. Tumango ako at ako pa mismo ang humila sa kanya papunta sa booth namin. Pabibilhin ko siya ng maraming inumin para may free hug siya galing sa akin.



Palabas kami ng parking lot ng unti unting mapawi ang ngiti ko ng makita ko ang pamilyar na kulay gray na hummer ni sir Julio. Bakit nandito iyon? Sino ang may dala...Si Eroz? Patay ka Tathriana!


















(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro