Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 36

Delivery








Halos manikip ang dibdib ko habang pinipilit na pigilan ang bawat paghikbi. Ngunit hindi ako nagtagumpay, kusa iyong lumabas at ayaw ng magpaawat.


"Sabi mo...labas tayo dito" umiiyak na sabi ko.


Rinig ko ang mga mabibigat niyang pagbuntong hininga mula sa kabilang linya. Napakagat labi ako ng maalala ko kung ano yung mga sinabi ko kanina, nakaramdam ako ng pagsisisi hindi ko naman gustong sabihin iyon pero masyado akong nadala ng galit ko.


"Labas tayo dito..." paninigurado niya sa akin.


"Pero iniwan mo ako! Hinintay kita!" akusa ko sa kanya. Halos sigawan ko ang cellphone ng maalala ko kung paano ako naghintay sa kanya ng gabing iyon. Malakas ang ulan, malamig ang ihip ng hangin ngunit desidido akong hintayin siya kahit ang totoo ay nawalan na ako ng pagasa.


"I'm sorry...baby. I'm so sorry" malambing at paulit ulit niyang sinabi.



Humigpit ang hawak ko sa aking cellphone. Gusto ko ulit siyang sumbatan. Bakit ngayon lang? Bakit ngayon lang siya tumawag sa akin?


"Hinintay kita" madiing sabi ko.


"I know" malungkot na sabi niya sa akin. Naikuyom ko ang aking kamao.


Hindi pa ako nakakapagsalita ay nauna na siya. "Nagpunta ako, at may kayakap kang iba..." laban niya sa akin kaya naman napaawang ang labi ko.


Halos manlaki ang aking mga mata ng maalala ko ang tagpong iyon namin ni Cayden. Sa kung paano niya ako dinamayan nuon at nagawa pang pasakayin sa sasakyan niya kahit basang basa ako ng ulan.


Napakagat ako sa aking pangibabang labi. "Kaibigan ko lang si Cayden..." mahinang sabi ko.


Gusto kong sampalin ang sarili ko. Gusto kong ipapalalang galit ako sa kanya, pero heto ako ngayon at nagpapaliwanag na para bang natatakot pa ako sa kanya. Hindi pwedeng dahil lamang sa narinig ko ang boses niya ay titiklop na ako. Hindi pwedeng maging mahina, Tathriana!


Napabuntong hininga siya. "Uh huh. I know"


Hindi na ako nakapagsalita pa. Naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, kapwa pinapakinggan ang aming mga paghinga.


"I miss you..." malambing na basag niya sa katahimikan.



Hindi ako nakasagot, unti unti kong naramdaman ang panlalambot ng aking mga tuhod. Wala sa sarili akong napahawak sa may pader para sumuporta.


"Baby, I miss you so much" paguulit niya, mas malambing at mas damang dama ko.


Mariin akong napapikit. Kung kanina ay ang kamay ko lang ang nakahawak sa pader, ngayon ay isinandal ko na ang aking buong katawan. Wala na, sobra na akong nanghihina. Alam niya kung ano ang epekto nuon sa akin. Alam na alam niyang tinatraydor ako ng sarili ko sa tuwing tinatawag niya akong baby.


Dahan dahan kong pinakawalan ang pagkakakagat sa aking pangibabang labi.


"I miss you too...pero galit pa din ako!" laban ko.


I heard his slight chuckle, may mahinanh mura pa ngang kasama. "Gagawin ko ang lahat para...bati na tayo ulit"


Napanguso ako, kahit hindi ko kita ay ramdam ko ang pagngiti niya habang sinasabi niya iyon na para bang dalawang bata lang kaming nagaaway.


"Uuwi ka na?" tanong ko at may bahid ng panghahamon.


Kahit ang pagtikhim niya ay rinig ko din. Oh masyado lang talaga akong attentive sa kanya na kahit nuon pa man ay nakikita ko ang pinakamaliliit na bagay tungkol sa kanya.


Napabuntong hininga ako. Alam ko namang impossibleng umuwi siya, nagaaral din siya duon at hindi pwedeng basta basta na lang siya umuwi dito.



"Sayang...bati sana tayo kaagad kung uuwi ka na" pagamin ko. Ramdam ko ang paginit ng magkabilang pisngi ko dahil sa aking sinabi. Alam kong hindi ko dapat sinabi iyon pero hindi ko na talaga napigilan ang bibig ko.



"Uuwi kaagad ako after some of my modules...If that's what you want" seryosong sabi niya sa akin sa kabilang linya.


Naguilty ako. Marahan akong umiling kahit pa hindi naman niya iyon nakikita. "Ok lang. Pwede namang magkagalit na lang muna tayo...nakakainis ka pa din" sabi ko sa kanya pero mas mahinahon na.


Nagawa niyang tumuwa mula sa kabilang linya pero ramdam ko pa din ang pinaghalong lungkot at pagod duon. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng awa sa kanya, hindi dapat dahil galit naman ako sa kanya pero ang isiping magisa lamang siya duon at wala siya dito sa pilipinas ay para nga naman talagang nakakalungkot.



Siguro ay dahil hindi ko pa naranasang lumabas ng bansa. Nuon kasi ay nalulungkot ako sa tuwing may kaklase akong umiiyak sa room namin dahil umalis ang isa sa mga magulang nila para magabroad. Pakiramdam ko, mas nakakalungkot iyon para sa mga umalis kesa sa mga naiwan. Kasi aalis silang magisa, samantalang ang mga naiwan dito ay magkakasama pa din.



"May trabaho pa ako..." pagbasak ko sa katahimikan.


"Tatawag ulit ako. Sagutin mo ha..." paglalambing niya.


Napairap ako sa kawalan. "Pagiisipan ko ha. Depende sa mood ko, wag kang choosy kasi magkagalit pa din tayo!" paalala ko sa kanya.


"I so damn miss you, Tathriana"



Ilang minuto akong nakatulala habang nakaupo sa aking lamesa. Hindi ko inakala na sa isang tawag niya lang sa akin ay ayos na ang lahat. Ang galit, tampo at inis na dala dala ko ng ilang linggo ay parang biglang naglaho na parang bula. Marupok ka Tathi!


May pasabi sabi ka pa diyan na kakalimutan mo siya! Marupok ka!


"Ok ka lang? Tathi" tanong ni Ate Iya sa akin. Bahagya pa akong napatalon sa aking  kinauupuan dahil sa gulat.


Napahawak ako sa aking dibdib. "Ayos lang po..." nahihiyang sabi ko. Ano kayang itsura ko kanina at nakatulala pa ako. Nakakahiya ka talaga Tathi! Shuta!


Ibinigay niya sa akin ang bagong checklist. Sandali kong ipinusod ang maiksi kong buhok. Medyo lagpas na iyon sa aking balikat kaya naman pwede ng iponytail. Ilang beses kong pinlano na magpagupit ngunit nawawala naman sa isip ko tuwing linggo dahil sa pagtulong ko sa chicharonan namin.


Ngiting ngiti ako pagkababa ko sa may warehouse. Ilang trabahador kasi ang bumati sa akin, isama mo pang medyo gumaan ang dibdib ko dahil sa pagtawag ni Cairo.


Ganuon siguro talaga pag special sayo yung tao. Kaunting sorry lang, kaunting lambing lang...parang bulang maglalaho ang lahat ng galit mo sa kanya.


"Ayan na pala si Miss Tathi" pangaasar na bungad sa akin ni Junie.


Nginitian ko ba lamang din siya. Hanggang sa lumipat ang tingin ko kay Eroz. Nakahilig siya sa ilang magkakapatong na sako ng bigas. Nakahalukipkip at mariing nakatingin sa akin. Nginitian ko siya pero hindi niya iyon ginantihan kagaya ng dati. Nanatili siyang seryoso.


Hindi ko tuloy alam kung tamang lumapit ako sa kanya. "Uhm. Ilan?" tanong ko sa kanya tungkol sa sakong idedeliver ngayon.


Nanatili ang tingin niya sa aking mukha. "Umiyak ka ba?" mariing tanong niya.


Wala sa sarili tuloy akong napahawak sa aking mga mata at pisngi. Masyado bang halata?


"Hindi naman..." pagsisinungaling ko sa kanya bago ko muling ibinagsak sa hawak na check list ang aking mga mata.


"Umiyak ka tapos nakangiti ka ngayon...bati na kayo ng boyfriend mo?" seryosong tanong pa din niya na ikinagulat ko.



"Paano mong...wala akong boyfriend ha!" sabi ko sa kanya kahit sobrang init ng magkabilang pisngi ko.


Isipin ko pa lang na magiging boyfriend ko si Cairo ay baka ngayon ay nakalutang na ako sa ere.


Nagulat ako ng irapan ako ni Eroz. Marahas siyang umayos ng tayo kaya naman isang beses akong napaatras dahil kung hindi ko gagawin iyon ay magtatama ang aming mga katawan.


"Magumpisa na tayo" matigas na anunsyo niya sa lahat na para bang siya ang boss dito.


Napanguso ako. Sinundot ko siya ng hawak kong ballpen kaya naman nagulat siya pero kalaunan ay sinimagutan ulit ako. "Wag kang masyadong bossy. Baka mamaya ay mapaginitan ka dito...mas masungit ka pa kay sir Julio ah" suway ko sa kanya.


Napatingala ako sa kanya ng humakbang siya palapit sa akin. Nakapamewang siya habang nakadungaw sa akin. Ang sungit nito ngayon ah! Ano kayang problema?



"Bakit hindi ka na pumunta duon ay magsulat ka na?" masungit na sabi niya sa akin. Imbes na matakot sa kanya ay sinimangutan ko din siya.


Dalawang beses kong sinundot ng ballpen ang tiyan niya. "Sungit neto, boss ka ba? Boss ka ba ha?" pangaasar ko sa kanya. Mas lalong nagigting ang panga niya kaya naman inirapan ko siya at tinalikuran.


Lumapit ako sa grupo nila Junie at hinayaan na ang nagaalburotong si Eroz. Aba! Kung may kaaway siya kanina sa cellphone niya ay dapat hindi niya dinadala iyon sa trabaho. Baka gusto niyang isumbong ko siya kay Sir Julio!



"Naku, Junie...isa isa lang" pagaalala ko ng makita kong gusto niyang magpalagay ng dalawang sako ng bigas sa kanyang likuran paakyat sa truck.


Nginitian niya lamang ako at mukhang nagpapalakas pa. Hay naku Junie!


Napailing na lamang ako at tsaka nagtantos sa may checklist ko. Nagangat ako ng tingin ng may pamilyar na amoy akong naamoy. Si Eroz iyon, nakasimagot pa din. Wala na siyang suot na pangitaas.


Wala siyang imik ng lagyan siya ng isang sako ng bigas sa kanyang likuran. "Dalawang sako...mang Fidel" mayabang na sabi niya dito sabay tingin sa akin. Aba! Jumi-Junie ah!


Muling bumagsak ang tingin ko sa hawak kong checklist. Bahala nga siya diyan, mas kaya naman niya iyon kesa sa manipis na katawan ni Junie.


Tumikhim siya at ramdam ko pa din ang tingin niya sa akin. Hindi ako nag angat ng tingin. Ano pa bang hinihintay ng isang ito?


"Pwede ba ito? Dalawa?" matigas na tanong niya sa akin. Nakanguso akong tumingin sa dalawang sako ng bigas na nasa kanyang likuran na ngayon.


"Ikaw bahala..." tamad na sabi ko. "Kaya mo ba tatlo?" panghahamon ko sa kanya. Tumaas ang isang sulok ng labi ko ng makita kong mas lalong nagdilim ang tingin niya sa akin.


Napatawa ako. Susundutin ko sana ulit siya ng ballpen ng kaagad siyang umilag sa akin. "Arte!" pangaasar ko sa kanya pero muli siyang umirap sa akin bago siya dumiretso sa truck para idiskarga ang sako.



Matapos ang pagdiskarga ay nakumpleto ko na din ang checklist. Aalis na sana ako para bumalik sa office ng kaagad akong niyaya ng isa sa mga trabahador ng mirienda. Inilapag nila sa isang maliit na lamesa ang dalawang supot ng tinapay. Pande coco at spanish bread iyon.



"Salamat po..." nakangiting sabi ko at nakikain sa kanila. Nagkatawanan ng magkaroon ng biruan. Nakitawa din ako sa kanila dahil una pa lang ay mababait na talaga sila sa akin.


"Piyesta sa amin sa susunod na linggo. Imbitado kayong lahat...pati ang office. Sama ka din Tathi" yaya ng isa sa kanila sa akin. Ngumiti ako at kaagad na tumango. Syempre naman! Kainan iyon eh.


Nakangiti kong nilingon si Eroz. Tahimik lang siya sa isang gilid at nakatutok sa kanyang cellphone na para bang galit nanaman siya duon.



Hindi ko na lamang siya kinulit pa. Tahimik akong umuwi ng araw na iyon. Baka may pinagdadaanan lang kaya naman hindi na ako nangulit pa sa kanya, baka mamaya ay masuntok pa ako nuon sa sobrang inis sa akin kahit pa alam kong hindi naman niya kayang manakit ng babae.



"Kamusta?" salubong ni Mama sa akin pagkauwi ko sa amin. Kumunot pa ang noo ko ng makita kong sandali niyang pinasadahan ang labas.



"Bakit po? Mama" tanong ko sa kanya.

Inilingan niya lamang ako at kaagad na isinarado ang pintuan. Sandaki akong napatitig sa pintuan naming hindi naman sinasara nuon hangga't hindi pa kami matutulog.



Imbes na magtanong ay nagkibit balikat na lamang ako at hindi na nagtanong pa. Baka nagiingat lang si Mama ngayon, syempre nga naman si Kuya Jasper lang ang lalaki dito sa amin.



Matapos ang hapunan ay dumiretso na ako sa aking kwarto. Gumawa ng ilang assignment sa harap ng laptop. Hanggang sa makareveice ako ng video call mula kay Cairo. Hindi kaagad ako nakagalaw, nanginig pa ang kamay ko ng pindutin ko ang accept button.


Halos mapasinghap ako ng makita ko siya sa screen. Halatang puyat siya pero ang gwapo pa din. Nakangiti siya sa akin pero nagiwas ako ng tingin. "Ang dilim sa kwarto mo. Nagaaral ka ba?" tanong niya sa akin.


Nanatili ang tingin ko sa textbook na sinasagutan ko. Tumango ako sa kanya at bahagyang sumulyap. Hayan nanaman at parang hindi ko nanaman kayang pagmasdan siya. Kahit pa sa screen lang ay pakiramdam ko ay matutunaw na ako dahil sa titig niya sa akin.


"Ang haba na ng buhok mo" puna niya. Napanguso ako at muling nagsulat.


"Buti sinagot mo. Hindi ka na galit?" pangaasar niya sa akin kaya naman kaagad ko siyang sinimangutan.


Pumalungbaba siya habang nakatitig sa screen. Halos pumungay din ang kanyang mga mata. "Galit pa din. Anong akala mo!" inis na sabi ko sabay iwas ulit ng tingin.


Mahina siyang tumawa. Sandali siyang natahimik na para bang sapat na sa kanya na pinapanuod niya ako sa aking ginagawa. Nang matapos kong masagutan ang sampung question sa aking text book ay isinara ko na iyon at tsaka umayos ng upo para maharap siya.



Pinagmasdan ko ang kanyang background. Mukhang kwarto niya iyon duon. Maaga na sa kanila.



"Sino ang kasama mo diyan?" tanong ko.


Nagtaas siya ng kilay kasabay ng pagtaas ng isang sulok ng kanyang labi. "Ako lang. May bahay kami dito sa Spain. Dito kami palagi pag nagbabaksyon" mahabang paliwanag niya. Sus! Ang daming sinabi.


Pumalungbaba din ako ng makaramdam na ako ng antok. "Eh saan nakatira si Nicole?" tanong ko tungkol sa kaibigan niyang kasama duon.


Sandali niyang pinasadahan ng kamay ang kanyang buhok para suklayin iyon. "May sariling bahay din sila"


Napatango tango ako. "May kaibigan ka ba sa trabaho mo?" seryosong tanong niya sa akin kaya ako naman ngayon ang nagtaas ng kilay sa kanya.


"Lahat naman duon ay kaibigan ko" sabi ko sabay hikab.


"I mean, pinakaclose?" seryoso pa ding tanong niya. Napanguso ako at sandaling napaisip.


"Laging nakakausap?" pahabol na tanong pa niya sa akin.


Itinaas ko ang tatlo kong daliri at ipinakita iyon sa screen. "Si Ate Iya, si Junie at...si Eroz" sabi ko sa kanya.


Umigting ang kanyang panga. "Kamukha mo nga si Eroz eh...kapatid mo ba iyon?" pangaasar ko sa kanya.



Mas lalo lang dumilim ang kanyang aura. "Hindi" matigas na sabi niya.


Tumango na lamang ako at nakipagtalo pa. Nakatulugan kong ang paguusap namin. Isang chat ang sumalubong sa akin pag gising ko kinaumagahan. Medyo naninibago pa din ako sa paguusap naming dalawa pero mas magaan na ang loob ko ngayon kesa naman hindi ko siya nakakausap.



"Eh bakit daw hindi siya nagpaalam sayo?" tanong ni Charlie sa akin ng ikwento ko sa kanya.


Nagkibit balikat ako sabay simsim sa aking buko juice. "Ayoko munang magtanong. Kahapon lang kami ulit nakipagusap. Siguro pag nagtagal tagal na...baka pwede ng magtanong" sabi ko kay Charlie.


Napanguso lamang siya at hinayaan na lamang ako. Panay ang meeting namin sa tuwing nay vacant kami. Desidido talaga ang mga kaklase namin at mukhang hindi papatalo sa ibang section.


"Ok ka lang sa Free hug? Tathi" tanong sa akin ng isa sa mga naging leader.


Napatingin ako kay Charlie pero pinandilatan niya lamang ako ng mata na para bang sinasabi niyang umoo na ako. Isang traydor talaga ang shutang ito!



"Pwede naman..." nahihiyang sabi ko kaya naman naghiyawan ang mga loko loko naming kaklase na lalaki.



Nang humupa ang hiyawan ay napasigaw pa ang isa. "Lagot kay Santos ang yayakap kay Tathi!" pangaasar ng mga ito kaya naman uminit ang pisngi ko sa hiya.


"Kayo ba ni Santos?" segunda pa ng isa sa kanila.



Halos batukan ko si Charlie ng makita kong  panay ang tango niya sa mga kaklase ko. Para tuloy siyang aso na display sa harapan ng sasakyan.


"Hindi. Hindi! Magkaibigan lang kami...pwede ako, sige" pagsuko ko na lamang para patunayan na hindi naman ako pagmamayari ni Cayden at talagang magkaibigan lang kami.



Akala ko tapos na ang problema ko sa room. Pero mas lalong nadagdagan iyon ng muli kaming magkaroon ng meeting sa literature club.



"Anong title ng kakantahin mo?" panguusisa sa akin.


Halos mamutla ako ng maalala ko nanaman iyong pagkakanulo sa akin ni Charlie.


"Don't cha wish ur girlfriend was hot like me..." nakangising kanta ni Charlie. Pabiro ko siyang sinabunutan dahil bukod sa hindi naman iyon ang title nuon ay hinding hindi ko iyon kakantahin.


"Hindi ako marunong kumanta...promise!" pagamin ko.


Akala ko makakalusot na. Pero mas lalo akong nilubog ng shutang si Charlie. "Weh...weh..." pangaasar niya.


Maging si Cayden ay napatawa dahil sa pagkakanulo sa akin ng bestfriend ko. Napabuntong hininga na lamang ako at nawalan na ng pagasa.


"Ok lang iyan. Tathi. Experience iyon" sabi niya sa akin na mabilis namang sinangayunan ng iba pero hindi ko pa din matanggap.


Hindi pa siya nakuntento. Nilapitan pa niya ako at hinawakan sa ulo. Napatingala ako sa kanya. "Tutulungan kita, wag kang magalala" paninigurado niya sa akin.


Nakatambay kami sa isang student cottage ng makareceive ako ng chat mula kay Cairo.


Cairo Herrer:

I have something for you.


Ako:

Ano?


Nakita ko ang tatlong dot, tanda na nagtytype pa siya. Pero bago pa man siya nakasagot ay nabingi na ako dahil sa hiyaw ni Charlie. Nanlaki ang aking mga mata ng makitang may lalaking delivery man ang nakatayo sa aming harapan. May hawak itong malaking boquet ng red rose.


"Kayo po ba si Ma'm Tathriana Torres?" tanong nito.


Imbes na makasagot ay nauna ng nagsalita si Charlie na mukhang mas excited pa sa akin. "Siya nga! Siya nga...at ako ang bestfriend niya, Charlie Dafun nga pala...keye..." maarteng sabi niya na akala mo ay naipit ang dila.


Inabot ko ang tagiliran niya para kurutin siya pero hindi siya nagpatinag. Mukhang type ng shuta ang delivery man.


Agawa atensyon tuloy kami dahil sa laki nuon. Halos itago ko ang mukha ko sa likod nuon dahil sa mga matang nakatingin sa amin. Pero ang kasama ko ay proud na proud pa.


Cairo Herrer:

You like it?

Ako:

Hay naku! Ang laki nito ha. Paano ako uuwi sa amin. Nakajeep lang ako!



Halos sabunutan ako ni Charlie ng makita niya ang sinabi ko kay Cairo. Ako na nga daw ang binigyan ay ako pa ang galit.


"Ayaw ko nuon? Parang may patay mamaya sa loob ng Jeep. Duon ka umupo sa pinakadulo..." pangaasar pa niya sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.


Nakita ko muli ang tatlong dot tanda na nagtitipa din siya ng reply. Matagal iyon at ilang beses ding nawala. Mukhang nahirapang magreply.


Nagulat ako ng mabilis na inagaw ni Charlie ang cellphone ko. "Hawakan mo ng maayos at ngumiti ka" sabi niya sa akin at tsaka itinapat sa akin ang camera ng cellphone ko para picturan ako.


Dahil sa nararamdamang hiya ay para akong natataeng natatawa duon sa picture. Wala na akong nagawa ng isend niya iyon kay Cairo. Kung ano ano pang ang itinuro sa akin ng shuta!


"Paguwi mo. Higa ka sa kama katabi ng bulaklak, tapos sabihin mo...I wanna lay you down in the bed of roses" sabi niya pa sabay hagalpak ng tawa.


Malakas ko siyang hinampas sa braso. "Siraulo ka!"


Cairo Herrer:

I'll send someone...ipapahatid kita sa inyo


Mas lalong natuwa si Charlie dahil sa sinabing iyon ni Cairo. Sandali pa kaming nagtalo hanggang sa magulat kaming dalawa ng nakita naming papalapit na si Cayden sa amin.


Masama kaagad ang tingin niya sa bulaklak ko. Nagawa pa akong sikuhin ni Charlie kahit pareho naman kaming nakatingin dito.


"Lagot ka" pananakot niya sa akin.


Napaawang ang bibig ko. "Hala. Bakit naman ako lagot?" nagtatakang tanong ko.


Nahigit ko ang hininga ko ng tuluyan na siyang makalapit sa amin. Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Sino ang bubogbugin ko?" tanong niya.



"Huh?"


Napahagikhik si Charlie. "Naku Cayden. Taga spain iyon...imported ang beauty kasi nitong kaibigan ko. Yung beauty na imported pero expired na!" sabi pa niya sabay tawa sa sarili niyang sinabi.


Kailangan ko na atang masanay na habang buhay akong ipapahiya ni Charlie kahot gaano pa namin kamahal ang isa't isa.


Nagigting ang kanyang panga. "Ihahatid ko na kayo...hindi mo iyan masasakay sa jeep" sabi niya na ikinagulat ko.


Eh paano yung sinasabi ni Cairo?


Ako:

Wag na. Sasabay na lang kami sa kaibigan.


Mabilis siyang nagreply na ikinagulat ko.


Cairo Herrer:

Kaibigan huh? Drop the name.


Kumunot ang noo ko. Padabog akong nagtipa ng reply.


Ako:

Hindi mo kilala ito. Bahala ka diyan!


Tinago ko na kaagad ang cellphone ko at sumama kami kay Cayden. Nahihiya ako pero alam kong walang magagawa ang pagtanggi ko dahil wala naman akong laban sa pagigibg desidido ni Charlie na makasakay sa sasakyan ni Cayden.


Bago pa kami makaalis ay may tunawag na sa kanya. Hindi ko naman iyon nasundan dahil panay ang suway ko kay Charlie sa backseat na halos humiga na.


"Nag mirienda na ba kayo?" tanong niya sa amin.


"Hindi pa!"



Napasapo na lamang ako sa aking noo ng walang pagdadalawang iisip na isinigaw iyon ni Charlie.


Mas lalo akong nahiya ng malaman kong makakasama namin sa mirienda si Attorney Richard.


"Iba pa ito sa lunch na una nating napagusapan ha" nakangiting sabi niya sa akin na marahan kong tinanguan.


Sa isang mamahaling restaurant kami dinala ni Cayden, pagdating namin ay nandito na ang abogado.


Humilig si Charlie sa akin para bumulong
"Sama ulit ako ha..." sabi niya kaya naman kaagad ko siyang siniko.


Nakangiti lamang si Attorney habang pinapanuod kami. Tahimik si Cayden sa kanyang tabi.


"May nanliligaw na pala sa iyo. Dalaga ka na talaga" puna pa niya sa akin. Nakangiti siya ng sabihin iyon pero ramdam ko ang lungkot.


Napasimsim si Cayden sa kayang juice bago siya nagsalita. "Wala. Hindi pa iyan pwede" matigas na sabi niya dito.


Mas lalong napangisi si Attorney. "Hindi maiiwasan. Magandang bata si Tathi" sabi niya dito kaya naman uminit ang pisngi ko.



"Opo. Pero dugyot" pangeepal ni Charlie. Natawa si Attorney dahil duon.


Natigil lamang kami sa paguusap ng dumating na ang mga pagkain. Excited na kumuha si Charlie ng mga pagkain. Natatawa na lang talaga ako sa kanya. Hanggang sa magulat ako ng naglahad ng kamay si Attorney sa akin para kuhanin ang plato ko at mukhang lalagyan pa ng pagkain.


"Akin na ang plato mo anak..." tawag niya sa akin. Napaawang ang bibig ko, lalo na ng galit siyang sinuway ni Cayden.


"Dad!" madiing suway niya kay Attorney.






















(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro