Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35

I miss you









Hindi kaagad ako nakagalaw dahil sa pagyakap niya sa akin. Lalo na't ramdam ko ang panginginig ng kanyang balikat dahil sa pagiyak.


"Richard!" galit na utas ni Mama. Wala na akong nagawa ng pwersahan nilang inilayo sa akin ang abogadong bigla bigla na lamang yumakap sa akin.


Kaagad akong tumingin sa kanya, at duon ko nakumpirmang umiiyak nga siya kanina habang yakap ako. Naputol lang ang tingin ko sa kanya ng maramdaman ko ang paghawak ni Kuya Jasper sa aking siko. Nilingon ko siya, kita ko din ang galit niya. Punong puno ng tanong ang aking mga mata pero hindi niya ito pinansin.


"Umalis ka na. Umalis ka na dito" galit na pagtataboy ni Mama sa kanya. Nagulat ako, hindi pa din makagalaw sa aking kinatatayuan. Wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Ang alam ko lang ay hindi ko kilala ang lalaking nasa harapan ko ngayon.


"Lourdes...nakikiusap ako" rinig kong pagmamakaawa nung lalaki. Nanatiling matigas si Mama hanggang sa hindi ko na alam ang mga sumunod pang nangyari dahil hinila na ako ni Kuya Jasper paakyat sa aking kwarto.


Wala sa sarili akong napaupo sa aking kama. Nanatiling nakatayo si Kuya, nagawa pa nitong sumilip sa may binta. Dumapo din ang mga mata ko duon para sana sumilip din pero muli akong napaayos ng upo ng harapin niya ako. Nakapamewang ito, nagtiim bagang at napatitig ng masama sa kung saan.


"Sino iyon, kuya?" tanong ko sa kanya.

Mariin siyang napapikit at napabuntong hininga. "Wala, Tathi. Wag mo ng itanong" seryosong sagot niya sa akin. Napanguso ako at napayakap sa aking backpack.

Bumagsak ang aking tingin sa sahig. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa din ang init ng yakap ng lalaking iyon. Kung ibang tao lang iyon ay paniguradong baka nakaramdam ako ng pambabatos, dahil bigla na lamang niya akong niyakap eh hindi naman kami close. Pero ngayon, wala akong ibang maramdaman kundi seguridad.



"Hindi ba siya abogado ni Papa? Bago?" panguusisa ko pa.



Napailing si Kuya Jasper. Pagod niya akong nilapitan. Hinawakan niya ako sa ulo. "Andaming tanong, nakakainis" pangaasar niya sa akin. Nakangisi siya pero ramdam ko ang pagod at pamomorblema.


Nginitian ko siya, sinadya kong ipakita ang kumpletong ngipin ko sa ngiting ginawad. Mas lalo siyang napangisi. "Hayaan mo na iyon. Hayaan mo na si Tita...alam niya ang ginagawa niya" paalala pa niya sa akin kaya naman napatango na lamang ako.


Iniwan ako ni Kuya Jasper para makagawa ng assignment. Labag sa loob kong binuhay ang laptop, may kailagan akong iprint kaya naman kailangan kong gamitin iyon. Nasa kalagitnaan ako ng pagtytype ng kumatok at pumasok si Mama sa aking kwarto.


"Mama..." tawag ko sa kaya. Napatayo pa ako para lamang salubungin siya.


Bumalik ako sa pagkakaupo sa may maliit kong study table ng pagod siyang umupo sa paanan ng aking kama. "Kaaway natin iyon? Mama" tanong ko sa kanya. Wala naman akong ibang maisip na dahilan kung bakit ganuon ang trato niya dito.


Marahan siyang umiling sa akin kaya naman napaawang ang aking bibig. "Eh bakit niyo po, inaaway?" tanong ko sa kanya. Tipid siyang ngumiti sa akin.


Naglahad siya ng kamay sa akin. Wala sa sarili akong lumapit sa kanya ay umupo sa kanyang tabi. Uminit ang gilid ng aking mga mata ng niyakap niya ako. Ito ang unang beses na niyakap niya ako pagkatapos ng mga nangyari. Alam ko kasing galit siya sa akin dahil sa pagkakakulong ni Papa. Hindi naman ako nagdamdam, sinisisi ko din naman ang aking sarili. Naiintindihan ko si Mama.


"Sorry anak...sa ipinaramdam ko sayo nitong mga nagdaang buwan at linggo" malungkot na sabi niya sa akin.


Marahan akong umiling, hinigpitan ko din ang yakap ko sa kanya. Miss na miss ko si Mama. "Naiintindihan ko po...ayos lang po" paninigurado ko sa kanya.



Matapos ang tagpo na iyon ay parang biglang nagbago si Mama. Bumalik na siya sa dati, kaya naman nung kinaumagahan ding iyon ay nagulat pa ako ng makitang may nakahaing almusal sa may lamesa. Sabay sabay din kaminh kumain, ako si Mama at si Kuya Jasper.


"Umuwi kaagad. Wala ng ibang pupuntahan. Wag kang lalayo kay Charlie" paulit ulit na paalala sa akin ni Mama bago ako umalis papasok.


Sinigurado ko sa kanyang susundin ko ang lahat ng bilin niya sa akin. Kahit pansin ko ang pagaalinlangan niya ay nagawa pa din niyang kumaway sa akin. May pakiramdam nga akong ayaw niya na akong palabasin sa bahay. Pero ipinagsawalang bahala ko na lamang.



"Sa harap tayo!" yaya ni Charlie sa akin ng magkita kami sa terminal ng jeep patungong malolos. Tumango ako at sumunod sa kanya sa upuan sa harapan. Una niya akong pinapasok kaya naman napapagitnaan niya ako at ng driver.


"Isinali ko ako sa pagtytype kagabi?" tanong niya sa akin kaya naman itinaas ko ang flashdrive at ipinakita sa kanya.


"Iprint na lang natin bago pumasok sa school" nakangiting sabi ko sa kanya.


Kumunot ang kanyang noo. Ramdam ko ang paninibago niya sa akin kaya naman wala na akong nagawa kundi ang ikwento sa kanya ang mga nangyari kagabi.


"Ang weird nga eh..." sabi ko pa sa kanya
Halos hindi na kami magkarinigan dahil sa lakas ng hangin ng pumasok na ang sinasakyan naming jeep sa expressway.


Wala tuloy nagawa si Charlie kundi ang humilig sa akin para ilapit ang labi niya sa aking tenga. "Shuta ka. Pati sa matanda mabenta ka" akusa niya sa akin kaya naman kaagad ko siyang hinampas sa braso.


Kaya naman buong byahe niya akong inasar tungkol duon. Kundi ko lang kaibigan ang isang ito ay hindi ko siya iprprint ng assignment namin. Nakipila kami sa maliit na printing shop sa gilid ng main entrance, maaga pa lang pero marami na ding estudyante ang nagpaprint duon. Panay tuloy ang reklamo ni Charlie dahil sa init.


"Bumili ka na nga ng printer" sabi niya sa akin kaya naman napatawa ako.


"Ano? Magtatayo na lang tayo ng computer shop?" pangaasar ko sa kanya pero inirapan niya lamang ako sabay maarteng nagpaypay.


Naghihintay kami sa pila ng matanaw ko si Cayden, diretso na kaagad ang tingin niya sa akin kaya naman kahit medyo gulantang pa ay nag ngiting aso na lamang ako.

Napasinghap ang katabi kong si Charlie sa hindi ko malamang dahilan, pero sigurado akong dahil sa presencya iyon ni Cayden. Mas lalo siyang nagmukhang matipuno dahil sa suot na white collar tshirt at maong pants, nakarunning shoes din siya kaya naman ang lakas talaga ng dating. Kahit nga ang ibang nakapila ay napapalingon sa kanya.


"Wala kayong printer sa bahay?" tanong niya sa akin na medyo galit pa. Napanguso ako, bakit parang isang kasalanan na wala kaming printer sa bahay?


Umiling ako. "Kayo meron?" balik na tanong ko. Nagtaas siya ng kilay sa akin, para bang hindi siya makapaniwala sa itinanong ko sa kanya.


"Meron. Dapat meron ka din" matigas na sabi niya.


"Uhm...ok lang naman kahit wala nuon. Pwede naman dito" sabi ko pa sabay turo sa printing shop.


Nagigting ang kanyang panga na para bang ayaw niyang tanggapin ang sagot ko sa kanya. "Duon na kayo sa computer shop magpaprint. Malalate kayo..." sabi pa niya sabay tingin sa suot na mamahaling wrist watch.


Itinuro niya sa amin ang mamahaling computer shop sa may harapan ng school. Ayaw namin duon dahil mahal ang print. Dito sa suki namin ay piso print lang. "Wag na dun, mahal dun" suway ko sa kanya. Nakuha pa namin ang atensyon ng ilang nakapila dahil sa pilitang naganap.


"Ako ang magbabayad" matigas at pinal na sabi niya.



Dahil duon ay tinulungan pa siya ni Charlie na hilahin ako patungo duon. Tuwang tuwa si Charlie, bukod kasi sa nakaaircon na kami sa loob nuon ay wala pang pila kaya naman matatapos kami kaagad. Nilingon ko si Cayden na seryosong nakikipausap duon sa bantay ng computer shop.


"Ito lang ba lahat?" tanong niya sa akin kaya naman tumango ako.



Habang naghihintay na matapos ang pagprint ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit siya ganito sa akin. Masyado siyang mabait...para saan kaya?


"Uhm..."


Dahil sa pagsubok kong magsalita ay napatingin siya sa akin. Pinanlakihan ko ng mata ang pagflex ng muscles niya sa braso ng humalukipkip siya, halos magalit din ang mga ugat duon.


"May itatanong ako sayo" medyo nahihiya pang sabi ko sa kanya. Pinagtaasan niya ako ng kilay, naghihintay siya ng susunod kong sasabihin pero hinawakan ko ang manggas ng suot niya na medyo hapit pa sa kanyang braso.



Wala siyang nagawa kundi ang humilig para makabulong ako sa kanya. Masyado siyang matangkad para sa akin, kaya naman todo effort talaga siya para lang makabulong ako.


Napasulyap pa ako sandali kay Charlie. Busy ito sa paglalilibot sa computer shop, namalagi pa nga ang shuta sa tapar ng aircon.


Hindi kaagad ako nakapagsalita ng gumuhit ang mabangong amoy ni Cayden sa aking ilong. Halatang mamahalin ang kanyang pabango. "Uhm...may gusto ka ba sa akin? Kasi, kung meron wag na" diretsahang sabi ko. Ayoko lang naman na isipin niyang ok lang sa akin itong ginagawa niya. Tapos baka mamaya ay may gusto pala talaga siya sa akin at akusahan pa niya akong paasa.


Nagulat ako ng marinig ko ang paghalakhak niya. Hinarapan niya ako at pinagtaasan ng kilay. "Bakit? May boyfriend ka na ba? Bubogbugin ko" pangaasar niya sa akin kaya naman napanguso ako.


Hindi naman sa nagmamaganda ako, pero hindi lang talaga ako sanay na may lalaking ganito ang tungo sa akin.


Nagulat pa ako ng hawakan niya ang ulo ko, He tapped it just like how Kuya Jasper tapped it everytime na kinakausap niya ako na para bang batang paslit pa ako. "Wag ka ng magisip ng kung ano. Just let me do this..." paalala niya sa akin. Napatango na lang ako dahil medyo nahiya pa ako. Shuta ka Tathi! Masyado kang feeling!



Tahimik kami sa unang subject. Hindi na ako nagawang asarin ni Charlie dahil sa nangyari kanina dahil na din ilang minuto lang pagpasok namin sa classroom ay pagpasok din ng aming professor at quiz kaagad ang ibinungad niya sa amin.



"Umagang umaga tuloy ay nakapagmura ako" reklamo ni Charlie matapos makapagunat unat.


Nginisian ko siya, umingay din ang mga kaklase namin dahil sa mga reklamo tungkol sa professor namin. Maaga din naman siya nagdismiss dahil pagkatapos ng quiz namin ay umalis na din siya. Imbes na lumabas ay nanatili kaming lahat sa loob para sa susunod na klase, dito rin ang room kaya naman hindi na kailangan pang lumabas at magtungo sa kung saang building.



Natahimik ang lahat ng pumasok si Cayden kasama ang ilang miyembro ng student government ng college namin. After ng aming midterm exam ay magkakaroon kami ng Legma week. Sila ang magoorganize nuon kaya naman nagtutungo sila sa bawat room para magassign ng mga booth.



Halos marinig na namin ang kanya kanyang paghinga dahil sa katahimikan. Hindi din naman mapagkakailang ang mga kasama niya ngayon ay kagaya din niya, mga basketball player din ang mga iyon kaya naman heto't para kaming nakatingin sa mga modelong kulang na lang ay hubaran ng mga kaklase ko. Alam kong ganuon ang isip nila dahil kitang kita ko iyon kay Charlie na titig na titig sa harapan habang kinakagat kagat ang pwetan ng ballpen niya.


Nanlaki ang aking mga mata. Mabilis ko siyang hinampas sa braso, nagulat din siya pero wala akong pakialam. "Aking ballpen yan ah" reklamo ko. Halos manlumo ako ng makita kong ngat ngat na ang pwetan nuon.


Nag ngiting aso si Charlie na may kasama pang peace sign kaya naman napairap ako. "Palitan mo yan. Ayaw ko na iyan" reklmo ko sa kanya.


Mas lalong tumahik ang lahat ng magsimulang magsalita ang kasama ni Cayden. Nanatili lamang siyang nakahilig sa teachers table. Nakahalukipkip habang may hawak na papel. Mukha nanaman siyang nag phophoto shoot duon. Walang kaeeffort effort, perfect every angle.



"Drinks na lang sa mga batang ito" seryosong sabi niya sa kaibigan ng nagtanong ito sa aking klase kung may gusto kaming partikular na booth.



May narinig kaming pagalam sa ilang babaeng kaklase dahil sa pagtawag niya sa amin ng bata. "Kissing booth sa amin" kantyaw ng mga kaklase kong lalaki na sadya naman talagang mga loko loko.


Tumawa ang mga kasama ni Cayden pero siya ay seryoso pa din. "At sino ang representative niyo?" seryosong tanong niya sa amin. Napanguso ako, hindi man lang magawang makipagbiruan. Minsan ay pilyo siya minsan naman parang may dalaw.


"Pwede naman by batch. Pwedeng mamili ng limang babae at limamg lalaki para may papalit" suwestyon ng pinakamatalino sa classroom namin.



Nasabi naming siya ang pinakamatalino dahil nung minsang may quiz kami ay nakipagtalo pa siya sa prof namin maitama lang ang isang niyang mali. Halos lahat kami ay napanganga na lamang, isa na nga lang ang mali niya ay parang mamamatay pa siya. Samantalang ang iba ay makaabot lang sa passing rate ay ayos na.



Nagtaas ng kilay si Cayden, sinuyod niya ang buong classroom namin. "Sino sino ang mga iyon kung ganuon?" panghahamon niya.


Isa isang tumayo ang mga pinili ng mga kaklase ko, willing ang iba at ang iba naman ay medyo naging sapilitan pa.


"Si Torres sana...kung pwede" nahiya pang sabi nito kay Cayden na para bang humihingi pa siya ng permiso. Nanlaki ang aking mga mata, ako? Sa kissing booth? Shuta?


Napaayos ng tayo si Cayden. Kita ko ang pangaasar ng mga kasama niya sa kanya. Hindi naman niya ito pinansin. Nanatili ang walang kaemoemosyon niyang pagmumukha. Umunit ang magkabilang pisngi ko dahil duon. Natahimik ang lahat.



"Hindi pwede si Tathriana" matigas na sabi niya. Muling nagkaroon ng bulong bulungan dahil duon. Mas lalo akong napayuko dahil sa kahihiyan. Imbes na damayan ako ay nag ngiting aso pa ang katabi kong si Charlie.



"Bakit naman?" tanong ng isa sa mga kaklase namin. Halata namang alam ng lahat kung bakit, kalat sa building namin na malapit si Cayden sa akin.


Tumalim ang tingin ni Cayden sa likuran kung saan nanggaling ang tanong. "Bata pa si Tathi. Hindi pwede" sagot niya sa mga ito.


Muling nagprotesta ang mga kaklase ko. "Eh sabi mo bata din naman kami. Eh bakit kami pwede?" maarteng tanong ng isa naming kaklaseng babae.



"Wala akong pake sa inyo" diretsahang sabi ni Cayden. Imbes na magalit o magtampo ang mga kaklase ko ay mas lalong lumakas ang tawanan. Mga siraulo!



Halos sumabog ang mukha ko dahil sa init na nararamdaman. Hindi magamayaw ang tawa at asaran sa loob ng classroom namin. Maging ang mga kaibigan niya ay nakikisali pa. Shuta!


"Shuta. Itutumba na talaga kita" pangaasar ni Charlie sa akin sabay halakhak.


Sa huli, sila Cayden pa din ang nasunod. Ibang ibang klase ng palamig ang magiging booth namin. Hindi naman din lahat mapupunta duon dahil ang iba ay kasali sa ibang club at mas marami silang gagawin.


"Free hugs na lang sa mga bibili" suwestyon pa ng ilang kaklase namin na masyadong competitive. Sumangayon naman ang lahat bago sila nag plano ng meeting.


Wala tuloy akong mukhang maiharap sa mga kaklase ko. Ilang irap sa mga babae at pangaasar naman sa mga lalaki ang natanggap ko dahil duon. Dumiretso ang lahat sa kanya kanyang club. May meeting kami para sa literature club kaya naman duon kami dumiretso ni Charlie. Nagdalawang isip pa nga ako dahil alam kong nanduon din si Cayden.


"Magkakaroon tayo ng booth. May Poem contest din at Essay..." paliwanag ng isa sa mga babaeng officer. Tahimik si Cayden sa harapan kaya naman nagpasalamat ako dahil duon. Ayoko namang buong araw akong asarin sa kanya lalo na't hindi naman niya sinabi sa aking may gusto nga siya sa akin.



"May open mic din tayo. Sino mga singers diyan?" nakangising tanong nito sa amin. Naglingunan lahat para maghintay ng possibleng magtaas ng kamay.


"Sayang...sa banyo lang ako singer" biro ng ilan kaya naman nagkatawanan pa.


Habang nagkakatuwaan ay napansin ko ang ilang beses na pagsulyap ni Cayden sa akin na para bang binabantayan niya kung nakikitawa din ako. Iniwasan ko na lamang iyon ay nagfocus sa pakikinig. 


"Kahit mga tatlo. May representative man lang tayo..." pamimilit nito sa amin ng wala ni isang nagtaas ng kamay. Halos lahat ay nahihiya pa.


Dahil wala talagang gustong sumali ay nanakot na sila na isa isa kaming kakanta sa harapan kaya naman natrigger ang lahat at nagkaroon na ng trayduran at itinuro na ang mga tahimik na kaibigan. And speaking of traydor! Nangunguna diyan si Charlie.


"Si Tathi. Sumasali ito sa singing contest nung bata kami eh...may dance steps pa nga" pagbibida niya. Nanlaki ang mga mata ko ng kaagad akong inilista sa board.


Mas lalo akong nakaramdam ng hiya ng nakangising sumulyap sa akin si Cayden. Shuta! Gusto ko na lang talagang magpakain sa lupa.



"Siraulo ka! Tula ang sinalihan ko nuon at hindu yun dancesl step. Shuta!" nanggagalaiting sabi ko kay Charlie pero tawa lang siya ng tawa.


Hindi tuloy nawala ang kaba sa dibdib ko ng mga sumunod pang araw. Imbes ba maexcite sa legma week ay mas lalo lang akong kinakabahan. Siguradong puro kahihiyan ang matatanggap ko duon. Shuta talaga si Charlie ang sarap tirisin!



Naghiwalay kami ng sumunod na araw pagkatapos ng klase. Sa ibang branch siya pinapapunta ngayon kaya naman hindi kami magsasabay pabalik sa sta. maria para pumasok sa part time job namin. Sa may parking space ako dumaan para short cut patungo sa terminal ng jeep. Maaga pa naman kaya hindi ko kailangang nagmadali.



Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko si Cayden. Seryosong nakikipagusap sa isang pamilyar na lalaki. Nanlaki ang aking mga mata ng mamukhaan ko siya. Siya yung abogado sa bahay namin. Wala sa sarili akong lumapit sa kanilang dalawa, nagulat sila dahil duon.



"Tathi. Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Cayden sa akin. Kahit alam kong medyo galit nanaman siya ay nagawa ko pa ding siyang ngitian, maging ang matandang abogado.


"Gusto ko lang po sanang humingi ng tawad sa nangyari sa bahay. Magkagalit po ba kayo ng Mama ko?" tanong ko dito. Kagaya nung una ay napansin ko ang pagiging emosyonal niya.



Mariing napapikit si Cayden. Halatang problemado. "Hindi...Hija" sagot ng abogado.


Mas lalong lumaki ang ngiti ko sa kanya. "Mabuti naman po. Pwede niyo po bang tulungan ang Papa kong makalaya?"


Napansin ko ang pagbagsak ng kanyang magkabilang balikat. "Papa mo..." he echoed.


Marahan akong tumango. Tipid siyang ngumiti sa akin. Yayayain pa sana nila akong maglunch ngayon pero sinabi kong may lakad pa ako.


"Next time...kung ganuon?"


Pumayag ako sa sinasabi niyang next time. Hindi ko alam kung bakit galit si Mama sa kanya gayong mukha naman siyang mabait. At kilala pa ni Cayden! Siguro ay tinutulungan siya nito, mentor para sa law school niya. Sabagay ay hindi naman nakakagulat na marami siyang kilalang abogado, kagaya nga ng sabi niya. Galing siyang Ateneo.



"Magandang hapon po" bati ko sa guard. Binati din niya ako pabalik. Nakangiti akong naglakad papasok sa ware house. Nasa kalagitnaan na ako ng mapansin kong wala si Eroz para salubungin ako ng payong. Hindi niya trabaho iyon pero nasanay lang siguro ako.



Nang hindi siya nagpakita ay tinakbo ko na ang patungo sa warehouse. Ilang trabahador din ang bumati sa akin. Bitbit ko ang styro na may lamang pagkain, pwede namang kumain sa office. Balak ko sanang duon kumain ng mapahinto ako sa pagakyat ng makita ko si Eroz. Nakatalikod siya sa aking gawi habang may kausap sa cellphone.



Imbes tuloy na tumuloy paakyat at dahan dahan ko siyang nilapitan. Balak ko sanang gulatin siya pagkababa ng tawag niya. Habang lumalapit ako sa kanya ay mas lalo ko lang naririnig ang paguusap ng mga ito.



"She doesn't deserve this!" galit na utos ni Eroz. Napaiktad pa ako.



"Ayoko na..." pagod na sabi niya sa kausap.


Napanguso ako. Hindi ata magandang timing ito kaya naman napagpasyahan kong umalis na lang.



"Nung iniwan mo...iniwan mo din lahat ng karapatan. She's doing fine" kalmadong sabi niya na ngayon pero ramdam pa din ang inis at galit.


Narinig ko ang sarcastic niyang tawa. "Oh fuck. Don't tell me what to do..."



"You try then. Fucking try it..." gigil na sabi niya dito bago padabog na binaba ang tawag.


Halos sipain niya ang kung anong maabot ng paa niya. Mas lalo akong kinabahan, wala pa ako sa kalahati para makalabas sa warehouse. Nanlaki ang aking mga mata ng mapatingin siya sa akin.



Ang kaninang galit niya ay unti unting nawala. Lumambot na din sa wakas ang kanyang ekspresyon. Dahan dahan siyang lumapit sa akin. Nagaalala.


"Kumain ka na?" tanong niya sa akin.


Wala sa plano kong kumain kasama siya, pero sa huli ay sabay kaming kumain sa office ni Sir Julio. Hindi ko din alam kung bakiy pwedeng pwede kami duon. Hindi na lamang ako nagtanong pa. Natatakot akong mainis si Eroz. Mukhang nakakatakot pa naman siyang magalit, base kanina.


"Warehouse lang ako" matamlay na paalam niya sa akin ng ihatid niya ako sa may office. Ngumiti ako sa kanya at tumango.


Hinintay ko muna siyang umalis bago ako tuluyang pumasok, pero bago ko pa man magawa iyon ay tumunog na ang aking cellphone. Kumunot ang noo ko ng makitang hindi pangkaraniwang number ang lumabas. Mukhang international call ito.


Walang pagaalinlangan ko iyong sinagot dahil baka importante.


"Hello..."


Tahimik ang kabilang linya. Pero alam kong nakikinig ang kung sino man ang nanduon. Rinig na rinig ko ang mga buntong hininga. Para akong binuhusan ng malamig na tubig kasabay ng paginit ng gilid ng aking mga mata.


"Hello..." mas madiing sambit ko kahit halos maiyak na ako.


Halos manlambot ang tuhod ko sa kanyang tugon sa akin.




"Baby..."


Napatakip ako sa aking bibig dahil sa nagbabadyang paghikbi. Si Cairo ito...sigurado ako.



"Baby, I miss you so much" paos na sabi niya.


Mabilis na tumulo ang aking mga luha. Marahas akong umiling kahit hindi naman niya iyon nakikita.


"Iniwan mo ako. Iniwan mo ako!" umiiyak na sabi ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang paghikbi.


"I'm sorry..."


Naikuyom ko ang aking kamao. "Ayaw ko na sayo! Wag ka ng babalik dito! Makakalimutan din kita!"



















(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro