Crush
Paulit ulit na tumakbo sa aking isipan ang natanggap kong mensahe kay Cairo. Dumating iyon nung gabi, mismong araw ng hindi niya pagsipot sa akin. Selos na selos? Saan? At kung ganuon nga, bakit umalis siya kaagad kinaumagahan at hindi man lang nagawang makipagusap o magpaalam man lang sa akin. Ang labo, kahit anong pilit kong intindihin at bigyan ng eksplanasyon ay hindi ko magawa.
"Ang lalim nanaman ng iniisip mo. Balak mo bang maging diver?" tanong ni Charlie sa akin habang kumakain siya ng footlong sa aking harapan. Nasa assembly hall kaming lahat ng freshmen para sa opisyal na pagbubukas ng mga clubs. Nauna ang sa sports at ngayon naman ang sa pang academic.
Kumunot ang noo ko sa kanya. Ano nanaman ang pinagsasabi ng isang ito? "Bakit diver?" naguguluhang tanong ko. Ang dami ko na ngang iniisip ay kung ano ano pang ang sinasabi niya sa akin.
Inirapan niya ako. "Ang lalim nga ng iniisip mo eh...anong ba yan at sisid na sisid ka?" medyo iritadong paliwanag niya pa dahil hindi ko nakuha ang joke ata niya. Joke ba yun? Shuta!
Napabuntong hininga ako. Nagtaas pa siya ng kilay sa akin bago siya muling sumubo sa kangang footlong. Nagiwas ako ng tingin sa kanya. "Iniisip ko lang si Cairo..." pagamin ko.
Hindi ko talaga kayang isecreto kahit kanino ang nasa isip ko. Masyado ata talaga akong madaldal. Isang tanong mo lang sa akin ay walang pagaatubili akong sasagot sayo. Sasabihin ko sayo kung anong nasa isip ko. Ganyan ako kaloyal. Kaya naman most loyal ako nung elementary.
Kaya nga mas lalong nagalit sa akin nuon ang mga kaklase ko dahil sa tuwing may nagyayari sa room namin ay ako kaagad ang tinatanong ng mga teacher namin at walang pagaatubili akong sumasagot ng katotohanan.
Mas lalong naging mapait ang mukha ni Charlie na para bang ang footlong na kinakain niya ay naging ampalaya. "Hayaan mo na iyon. Ganuon talaga...sa buhay ng tao may makikilala kang tatlong tao..." paguumpisa niya.
Itinaas pa niya ang tatlong daliri niya sa aking harapan. "Una, yung mga crush crush na yan...magfafade din naman kalaunan. Normal iyon" paliwanag pa niya.
"Pangalawa...yun yung medyo matindi. Yung akala mo siya na, yung nakikita mo na yung future kasama siya. Hanggang sa gigising ka sa isang araw na mawawala siya kasi nga...ikaw ay para duon sa pangatlong tao"
Kumunot ang noo ko. "Paano yung pangalawa? Experience ganuon?" tanong ko. Medyo hindi ko pa nagustuhan.
Nagkibit balikat siya. "Depende sayo. It's either you take him as a experience or a lesson...ikaw ba?" balik na tanong niya sa akin kaya medyo nagulat pa ako.
"Huh? Hindi ko pa nga alam kung nakita ko na eh..." laban ko pa kaya naman mas lalo siyang napairap.
"Si Jan yung una, si Cairo yung pangalawa. Wag na tayong maglokohan!" asik niya sa akin kaya naman napanguso ako.
Napabuntong hininga siya bago niya nilumukot ang paper plate na pinaglalagyan ng kanyang footlong kanina. "Brace your self for the third person. Malaki ang chance na siya na" sabi niya pa sa akin. Nakaramdam ako ng excitement at kaba.
"May chance din na hindi siya?" nagtatakang tanong ko.
Napakamot siya sa kanyang ulo. "Basta tatlong tao. Ikaw na ang bahalang mamili sa huli" iritadong sabi pa niya sa akin kaya naman medyo nalaglag pa ang panga ko.
Seryoso akong nakikinig sa advice niya tapos ngayon hindi niya ako mabigyan ng concrete na sagot. "Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo?" tanong ko. Baka mamaya ay paniwalaan ko pa siya. Uto uto pa naman ako.
Nag ngiting aso siya. "Sinearch ko lang naman iyon sa google eh...sabi ko, how to find your true love" medyo kinikilig na sabi pa niya sa akin kaya naman halos mapakurap kurap ako.
Napanguso siya. "Tapos ayon nga, tatlong tao with different kind of love nga daw"
Napairap na lamang ako. Hay naku! Hindi na nga ako makikinig kay Charlie. Kung ano ano pa namang love experiment ginagawa nito. Baka mabiktima pa ako.
"Iiwasan ko na nga lang" bulong bulong ko pa pero napapalakpak pa ang shuta.
"Uyy. Hindi mo maiiwasan iyon" pangaasar niya sa akin kaya naman inirapan ko siya. Basta! Iiwasan ko at tsaka hindi pa naman ako handa. Hindi ko alam kung magiging handa pa ako.
Kahit gaano ko kagustong hindi isipin. Pinanghahawakan ko pa din ang pangalawang taong tinutukoy ni Charlie. Kung siya nga talaga iyon. Sana hindi siya, kasi gusto kong siya yung pangatlo...kahit impossible.
Ipinagsawalang bahala ko na lamang ang mga pinagusapan namin ni Charlie kanina. Lalo't naging busy din naman kami sa paghahanap ng club na pwedeng salihan. Mas maganda daw kung may masalihan kaming club, dagdag iyon sa grades at extracurricular activities.
"Dito tayo sa theater club. Pareho naman tayong maarte..." sabi ni Charlie kaya naman gusto ko siyang batukan.
"Hoy. Hindi ako maarte ha" laban ko sa kanya at kalaunan ay nagtawanan na lamang kami.
Sa huli sa literature club kami sumali. Bukod sa mas malapit iyon sa course namin ay mas malapit din iyon sa akin. Mahilig akong gumawa nuon ng poems o kaya naman ay magcompose ng sarili kong kanta. Sa pamamagitan nuon pwede kaming masali sa university tribune.
Palabas na kami ng assembly hall ng makasalubong namin ang groupo ni Cayden. Tipid akong ngumiti sa kanya dahil nakangiti naman na siya simula pa lang ng magtagpo ang aming mga mata.
"Nakasali na kayo? Saa kayo?" tanong niya sa amin. Bago pa ako makasagot ay nakasagot na si Charlie. Tumango na lamang ako.
Tipid na tumango si Cayden sa amin bago niya muling ipinako ang tingin niya sa akin. "See there, then" seryosong sabi niya na ikinalaki pa ng aking mga mata. Tumaas ang isang sulok nh kanyang labi, I sense amusement in his almost a sudden grin.
"Kung hindi lang kita kilala, iisipin kong sinusundan mo ako" nakangising sabi niya. Mas lalong nanlaki ang aking mga mata at halos malaglag nanaman ang panga. Kung hindi lang nakakabit ang panga ko, baka matagal na akong walang panga!
"Hin...hindi ah!" laban ko sa kanya. Shuta! Medyo nautal pa.
Mas lalong lumaki ang ngisi niya. "I know, I am more capable of doing that..." sabi pa niya na hindi ko naman kaagad na gets.
Naramdam ko ang bahagyang pagsiko ni Charlie sa akin. Hindi ko pa siya nalilingon ng may lumapit nanaman sa amin. "Hoy Cayden, bantaya sarado ah..." pangaasar sa kanya ng kaibigan.
Nanatili ang tingin ko sa kanilang dalawa. "I am the legma student government president...I am responsible for the fres..."
Hindi na natapos ni Cayden ang sasabihin niya ng pabiro siyang sinuntok ng kaibigan. "Isang freshman lang naman ang inaalala mo. Paano naman ang iba?"
Nakita ko ang pagtaas ng isang sulok ng labi nito. Sandali siyang sumulyap sa akin. "Ikaw na ang bahala sa ibang freshman. I like this one particular freshman, i want this to be my resposibility" diretsahang sabi niya sa mga ito. Naghari ang pangaasar at ilang mura ng mga ito sa kanya. Kung hindi lang ako hinila ni Charlie paalis duon ay baka naging maugat na akong puno duon sa harapan nila.
"Shuta! Anong klaseng kadugyutan ang meron ka at gandang ganda sila sayo?" pangaasar niya sa akin. Napanguso ako.
"Una si Cairo, sumunod si Cayden...wow Tathriana. Gusto ko na lang din maging dugyot!" paghyhysterical niya kaya naman natawa na lamang ako.
Kung ano anong pinuna niya sa akin. Bukod kasi sa nawala na ang mga bungang araw sa balat ko ay natututo naman na akong magayos kahit papaano. Lalo na't college na kami.
"Kaya ka lang namang binansagang dugyot nuon kasi, hindi ka marunong magsuklay, ang dumi dumi ng uniform mo. At ang dungis mo palagi, parang palagi kang naglalaro sa putikan" pangaasar pa niya. Natawa na lamang ako, totoo naman. Masyado akong active at kung ano anong nilalaro ko.
"Pero overall. Maganda ka..." pinal na sabi niya sa akin kaya naman mas lalong lumaki ang ngiti ko. Inirapan niya lamang ako at hindi na pinansin.
Halos palagi ko ng nakikita si Cayden ng mga sumunod na araw. Hindi ko naman iyon binigyan ng ibang kahulugan dahil bukod sa busy ang college namin ngayon ay iisang building lang din naman kami kahit na senior pa siya.
"Hi Tathi" bati sa akin ng ibang mga seniors na lalaki na kaibigan din ata ni Cayden. Ngumingiti din naman ako sa kanila pabalik, pero hindi ko maiwasang marinig ang mga sumunod nilang sinasabi.
"Kay Santos na iyan" suway nila sa isa't isa. Kumukunot na lamang ang noo ko. Kay Cayden? Kay Cayden ako? I'm not owned by anyone.
Pakiramdam ko tuloy may mga seniors na babaeng galit sa akin. Sa tuwing may nakakasalubong kasi ako ay ang sama ng mga tingin nila sa akin. Hindi ko alam kung OA lang ako o baka naman may galit talaga sila sa akin.
First meeting para sa literature club ay sabay kaming pumasok ni Charlie sa assigned room. Medyo nahiya pa kaming dalawa dahil marami na din ang tao duon. Kaagad kong nakita si Cayden na nakaupo sa may teachers table, nakahalukipkip at mukha nanaman masungit at unapproachable.
Nang mamataan niya ako ay biglang lumambot ang kanyang mukha. Kita ko ang bulungan ng mga kaibigan niya lalaki. "Hi..." nahihiyang sabi ko. Sa unahan kaming upuan dumiretso ni Charlie dahil mukhang takot ang iba na umupo duon dahil sa itsura niya kanina.
Ngumiti siya sa akin. May hawak siyang Univerisity tribune. News paper iyon ng university at dahil kasali kami dito ay pwede din kaming maging writer duon, siguro pag nasa higher year na kami. Sa ngayon, tutulong lang kami sa mga research.
"Ito yung mga university newspaper ng mga nagdaang school year. You can review these para may idea kayo" sabi niya pa sa akin sabay bigay nuon sa amin ni Charlie.
Tahimik kaming nagbuklat ni Charlie ng mga iyon. Ginawa namin iyon kasama pa ng ibang bagong member habang hinihintay ang mga seniors at juniors. Mas lalo ko tuloy naramdaman ang pagkailang ng maramdaman ko ang paninitig niya sa akin at ang paminsan minsang paglapit sa aking gawi.
Panay ngisi naman ang natatanggap ko kay Charlie dahil duon. Iniirapan ko na lamang siya. "Wag ka nga..." suway ko sa kanya.
Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Siya na kaya ang 3rd person?" pangaasar niya sa akin. Mariin akong napapikit, bago ko siya muling hinarap.
"Tigilan mo ako at hindi ako naniniwala diyan" suway ko sa kanya pero hindi siya tumigil.
"Humingi tayo ng signs. Kung sino ang pangatlong pagibig mo..." kinikilig na sabi pa niya sa akin. Bigo akong umiling sa kanya pero nagpatuloy pa din ang shuta!
"Ayaw ko Charlie...ayaw ko" pagod na suway ko sa kanya. Nang maramdam niya ang pagdisgusto ko ay natahimik na din siya.
"Kalimutan mo na si Cairo. Nasa Spain na iyon. Baka nga pagbalik nuon may girlfriend na siya o kasal na..." sabi pa niya sa akin kaya naman mas lalong bumigat ang dibdib ko.
"Summer after highschool...when we first met" paguumpisa niya ng kanta ni Katy perry na the one that got away. Hindi ko siya pinansin kahit pa kumanta siya ng kumanta duon. Nanatili ang titig ko sa tribune kahit pa wala naman akong maintindihan duon.
"In another life..." shuta! Ano bang pwedeng ipasak dito sa bunganga ng isang ito at nangmatigil!?
Wala tuloy ako sa mood pagkapasok ko sa may rice mill. Bagsak ang aking balikat, tipid akong ngumiti ng batiin ako ng guard. Dirediretso ang pasok ko, hindi na ako nagabalang magbukas mg payong kahit pa tirik ang araw dahil magaalauna pa lang. Tipid pa din ang bawat lakad ko na para bang naglalakad lang ako sa kung saan at namamasyal.
Maya maya ay nagangat ako ng tingin ng mapansin ko ang pagtakbo ng kung sino patungo sa akin. Si Eroz, walang suot na pangitaas, naka faded jeans at brown boots ang lumapit sa akin. May dala din siyang pulang payong na may kitkat na logo sa gilid.
"Nagpapaitim ka ba?" nakangising tanong niya sa akin. Nang makalapit na siya sa akin ay sinabayan niya na ang lakad ko. Dahil sa dalang payong ay hindi ko na maramdam ang sakit ng araw sa aking balat.
Nagiwas kaagad ako ng tingin sa kanya. Hindi ko kayang tingnan siya ng matagal. Naaalala ko ang pangalan niya kay Cayden, nakikita ko ang mukha at kilos niya kay Eroz. Bakit ganito? Kunh iniwan niya nga ako, sana ay sinama niya na lahat ng alaala at mga bagay na nagpapalala sa akin sa kanya. Mas lalo niya lang akong pinapahirapan.
Sana makalimutan ko na siya. The heaven will surely rejoice when that time comes.
"May problema ka?" tanong niya sa akin. Umiling ako.
"May sakit ka?" panguusisa pa niya. Nagtiim bagang ako. Ang kulit naman!
Akmang magsasalita pa siya ng mabilis ko siyang hinarap. "Hindi mo ba nakikitang nageemote ako? Panira ka ah!" asik ko sa kanya. Kita ko ang pinaghalong amusement at gulat sa kanyang mukha.
Hanggang sa unti unting tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. "Oh. Sorry, sana sinabi mo para nagpaulan ako..." pangaasar niya sa akin.
Imbes na matawa ay mas lalo akong nainis sa kanya. Unti unting uminit ang gilid ng aking mga mata, sumakit din ang aking lalamunan dahil sa nagbabadyang pagiyak. Mas lalo akong nasasaktan ngayob dahil sa pagkakatitig ko sa kanyang mukha. Nasa harapan ko ngayon ang ibang version ng mukha ni Cairo. Yung masiyahing version ng mukha niya. At mas lalong nakakainis iyon, isipin ko pa lang na masaya siya kung nasaan man siya ngayon habang ako dito ay halos mamatay sa sobrang lungkot ay nakakainis.
"Hindi ka nakakatuwa...kuya!" madiin at medyo tumaas na sabi ko sa kanya. Bayolente kong pinahiran ang tumakas na luha sa aking kanang mata.
Nakita ko ang pagkagulat niya. "Hey...I'm sorry" paos na sabi niya pero hindi ko na siya pinansin. Mahigpit kong niyakap ang ilang librong hawak ko at kaagad na tumakbo patungo sa office.
Nakakainis dahil normal ang lahat para iba. Normal ang bawag tawa nila, norma na nalulungkot sila paminsan minsan. Pero wala ng naging normal pa sa akin. Dahil sa likod ng mga iyon, iisa lang ang nararamdaman ko. Pagkatapos ng bawat araw, kahit gaano pa ito kasaya ay hindi pa din mawawala ang katotohanang iniwan ako.
Iniwan ako. Matapos akong gamitin laban sa sarili kong pamilya. Iniwan niya ako matapos niya akong paasahin na pwede kami.
Sinubukan kong ayusin ang sarili ko bago ako tuluyang pumasok sa office. Ginantihan ko ang bawat ngiti at bati nila sa akin. Kailangan kong maging ok, kahit ang totoo ay hindi.
Nasa kulungan si Papa, galit si Mama sa akin. At...iniwan ako. Nang walang kahit anong salita. Matapos niya akong pilitin namangako sa kanyang makikipagkita ako ay siya itong hindi sumipot sa akin.
"Pwede mo ng icheck ang truck, Tathi" sabi ni Ate Iya sa akin matapos niyang ibaba ang tawag. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Dala dala ang checklist ay lumabas ako ng opisina. Nakauniform pa din ako. Pinusod ko ang buhok kong medyo lagpas na sa balikat ngayon, pag nagkaroon ng time ay magpapagupit ulit ako.
Yakap yakap ko ang checklist ng nagtungo sa may ware house. Sa harapan nuon ay ang dalawang naglalakihang truck na may lamang daan daang sako ng bigas sa likuran. Halos manlambot ang tuhod ko ng makita ko ang diretsong tingin ni Eroz sa akin ngayon na para bang kanina pa niya hinihintay ang pagdating ko. Nagiwas na lamang ako ng tingin.
"Hi, Tathi" bati sa akin ni Junie. Isa sa mga batang trabahador. Legal age naman na siya pero isa siya sa pinakabata.
Tipid ko siyang nginitian. "Hi. Junie"
Kalat na ang mga trabahador. Nagpapahinga na matapos ang pagaakayat nila ng mga sako galing warehouse patungo sa truck. "Ilan ang huling bilang?" tanong ko sa kanya.
Bago pa makasagot si Junie ay may tumikhim na sa likuran namin. Hindi ko na kailangan pang lingonin dahil kilala ko na kung sino. Muli sana akong mag aangat ng tingin kay Junie pero napanganga ako ng kakamot kamot siya sa kangang ulo ng umalis sa aking harapan.
"200 sacks. Para sa marilao" matigas na sagot ni Eroz sa akin. Napanguso ako sabay sulat nuon sa aking checklist.
"Expected time of arrival?" tanong ko pa bilang kasama iyon sa mga information para sa costumers namin.
Nagangat ako ng tingin sa kanya ng medyo tumagal ang sagot niya. Uminit ang pisngi ko ng makitang nakatitig siya sa akin, bahagyang nakakagat sa kanyang pangibabang labi.
"Kuya!" asik ko sa kanya. Kulang na lang pumitik ako sa harapan niya.
Nagtiim bagang siya. "Stop that" matigas na ingles na sabi niya sa akin.
"Huh?"
Nagiwas siya ng tingin sa akin. "2 hrs. From now. Sa highway ang daan kaya malayo ang iikutan" sagot niya sa akin. Nagbilang patuloy ako sa kamay ko kung anong oras iyon. Inis!
Busy ako sa pagsusulat ng maramdaman ko nanaman ang paglapit niya sa akin. "Hey...ok ka na?" tanong niya sa akin. Halos magtaasan ang balahibo sa braso ko dahil sa lambing nuon.
Inirapan ko siya para itago ang tunay na kalungkutan. I heard him groaned dahil sa ginawa ko. "I'm sorry ok. For being so insensitive..." sabi pa niya sa akin. Nagiwas ako ng tingin at mas lalong humaba ang nguso ko.
"Ayaw kitang kausap" diretsahang sabi ko. Baka mamaya ay may itanong pa siya sa akin at hindi ko nanaman mabigilan ang bibig ko.
"And why is that?" nagtatakang tanong niya. Ramda ko ang frustration sa kanyang boses.
"Kasi hindi tayo close" asik ko sa kanya.
Napabuntong hininga siya. "So paano tayo magiging close?" pagsuko niya. Nanlaki ang aking mga bata ng nilingon ko siya.
"Ayaw kitang maging close" laban ko pa sa kanya. Nagtaas siya ng kilay sa akin.
"I want to be close to you..."
Halos lumuwa ang mata ko. "Pwede ba kuya..."
"Wag mo akong tawaging kuya. Hindi kita kapatid" nagtangis ang bagang niya.
Ako naman ang nagtaas ngayon ng kilay sa kanya. "Edi ano? Manong? Tito?" tanong ko. Mas lalong dumilim ang kanyang aura. Gusto ko na lang itikom ang bibig ko sa takot.
"Eroz...call me by my name" matigas na sabi niya sa akin.
Natahimik ako. "Edi, Eroz...happy?" mapanuyang sabi ko. Hindi pa din nawawala ang inis sa kanyang mukha.
Imbes na makipagtitigan sa kanya at muli kong itinuon ang atensyon ko sa hawak kong checklist. "Dalian mo diyan at magmimirienda tayo pagkatapos" pinal na sabi niya ay akmang tatalikuran ako.
"Anong...anong...ayoko nga!" pagtanggi ko sa kanya. Nilingon niya ako at muling nagtaas ng kilay.
"Close kami ni sir Julio. Gusto mong ipasesante kita?" pananakot niya sa akin.
Halos magpapadyak ako sa kinatatayuan ko. "Ang epal mo Eroz! Eroz epal!" paulit ulit kong maktol sa kanya pero nginsian niya lamang ako.
Nang maipasa ko na iyon kay Ate Iya ay hindi ako nakatakas. Siya mismo ang nagpapunta sa akin sa office ni Sir Julio. Napabuntong hininga ako. Pagkatapos ng isang katok ay binuksan ko ang pintuan ng office niya. Napasimangot ako ng makita ko si Eroz. Kakababa niya lamang ng bago niyang suot na puting tshirt. Buti na lang at nalate ako ng kaunti dahil baka naabutan ko pa siyang wala nanamang suot na pangitaas.
"Pwede ba dito mag mirienda? Baka magalit si Sir Julio sayo..." sabi ko. At Oo sayo lang! Ikaw naman ang may pakana nito. Isasama mo pa ako sa kalokohan mo.
"Akong bahala" sabi niya pa niya kaya naman nagkibit balikat na lamang ako at lumapit sa kanya.
"Hindi ko alam kung anong gusto mo kaya nagorder ako ng spaghetti at valenciana" sabi niya. Kaagad akong natakam sa mga pagkaing nasa styro.
Tumango na lamang ako. "Huy" puna ko sa kanya ng makita kong hinila pa niya ang swivel chair para duon ako paupuin.
Napangisi siya ng makita ang takot ko. "Basta...sayo lahat ang sisi ha. Wala akong kinalaman dito" pagmamalinis ko. Nataas siya ng kilay sa akin.
Hindi na siya nagsalita at iginaya ako papaupo sa swivel chair. Sa unang pagupo ay natuwa pa ako. Parang gusto ko pa munang maglaro duon.
Humila siya ng isang upuan at tsaka naupo sa aking tabi. "Bakit mo ako nilibre?" tanong ko sa kanya.
"Kasi mukhang hindi ka kumakain. Kawawa naman..." pangaasar niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Naguiguilty ka lang kasi, ininis mo ako kanina" laban ko sa kanya kaya naman muli siyang ngumisi.
Natahimik ako ng makita ko kung paano niya ayusin ang pagkain sa aking harapan. Tinampal ko ang kamay niya. "Ako na nga..." pagprepresinta ko. Kita ko ang pagkamangha niya sabay lip bite pa. Shuta!
"Ang sungit mong bata. Ganyan ka ba sa lahat?" natatawang tanong niya sa akin. Napatigil ako. Hindi ako ganito, naging ganito lang siguro pagkatapos ng nangyari.
"Sayo lang ako ganito. Kasi nakakainis ka" pagamin ko. Hindi man lang ako nag alinlangang sabihin iyon sa kanya.
Napahalakhak siya. "Mas gusto ko iyon..."
Kumunot ang noo ko. "Anong gusto mo? Na masungit ako sayo?" nagtatakang tanong ko. Abnormal pa ata.
Binasa niya ng dila ang kanyang pangibabang labi. "Uhm...pareho pala kayo ng crush ko. Inis iyon sa akin eh" nakangising kwento niya. Inismiran ko siya.
"Yan. Buti nga sayo..." pangaasar ko sabay baling sa pagkain sa harapan ko.
Hindi nakaligtas sa akin ang pagsulyap sulyap niya. "Ang sungit talaga..." bulong bulong niya.
Gusto ko siyang suntikin sa braso. Ang kaso ay halos mapanganga ako ng makita ko ng malapitan ang matipuno niyang braso. Halos maglaway pa ako, shuta!
"Sana hindi ka pansinin ng crush mo" pagmamaldita ko. Makabawi man lang dahil hindi ko siya masuntok.
Ngumisi siya. "Pinapansin na ako" laban niya nakangisi pa din. Napairap ako sa kawalan.
"Hay naku. Siguro ay binwiset mo" paratang ko sa kanya.
Nilingon niya ako kaya naman halos umurong ang dila ko. "Bakit? Nabwibwiset ka ba?" tanong niya. Nakataas pa ang kilay.
Pinagtaasan ko din siya ng kilay. "Sayo? Oo!" diretsahang sagot ko.
Ayan nanaman ang pagkamangha niya. Parang mangingiti nanaman siya na ewan. Sa huli ay tumango tango siya.
"Kung ganuon ay nabwibwiset nga ang crush ko sa akin. At wala akong pake" sabi niya sabay tawa. Nagtiim bagang ako, bwiset ang sama neto!
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro