Chapter 31
Message
Nagmartsa ako paalis duon sa lalaking nababaliw na ata. Parang gusto ko tuloy umatras at wag na lang magtrabaho dito. Trabahador nama siya, kaya kung magtratrabaho ako dito, hindi ko naman siguro siya makikita araw araw? Hay! Bahala na.
Hindi naman ako nahirapang hanapin ang main office ng malaking factory na ito. Dalawang malaking ware house ang magkatabi. Sa gilid nuon ay ang two storey office nila. Pagkapasok ko ay kaagad akong sinalubong ng lamig dahil sa aircon. Natigil ang tawanan ng mga nasa loob dahil sa aking pagpasok.
"Magandang umaga po" medyo nahihiya pang bati ko sa kanila. Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko ng ngitian nila ako.
"Pasok ka. Naitawag na ito sa amin ng guard" sabi sa akin ng isang babaeng nasa late 20's na siguro. Ang lamesa niya ang unang makikita pagkapasok mo sa office. Pumasok ako at tsaka marahang tumayo sa kanyang harapan. Tsaka lamang ako umupo ng sabihan niya ako.
"Mag aabogado ka?" nakangiting tanong niya sa akin habang nirereview ang resume na dala dala ko. Magkasama naming ginawa iyon ni Charlie. Kung ano ano pa nga ang kalokohang gustong ilagay ng isang iyon.
Medyo nailang ako ng makita kong ilang beses siyang sumulyap sa akin. "Oh, nag muse ka? 1st runner up ka sa liga nung nakaraang buwan?" nakangiting tanong niya sa akin kaya naman kaagad akong napasapo sa aking noo. Siraulo talaga si Charlie sabing hindi kailangang ilagaya iyon eh.
Naramdaman ko ang paginit ng aking magkabilang pisngi. Hiyang hiya ako! Shuta!
"Pasencya na po diyan. Yung kaibigan ko kasi..." nahihiyang paliwanag ko. Ngumiti lang siya sa akin. "Ok lang..." marahang sagot niya kaya naman napanguso na lamang ako.
Ilang tanong pa ang ginawa sa akin. Bago kami nagkaroon ng problema sa schedule ko. Medyo magkasalungat kasi iyon sa schedule na dapat ay nandito ako sa may planta para magrecord ng deliveries at kung ano ano pa.
"Uhm..." magsasalita na sana ako na ok lang. Baka hindi talaga para sa akin ang trabaho na iyon ng mapahinto ako ng tumunog ang telepono sa kanyang tabi.
Medyo nanlaki pa ang mga mata niya ng mahimigan ang nasa kabilang linya. Inabala ko na lamang ang sarili ko sa ilang documentong hawak ko para kunwari abala din ako at hindi nagmumukhang nakikichismiss ako sa kausap niya.
"Sa schedule po, Sir" sabi nito sa kabilang linya at bahagyang tumingin sa akin. Kita ko ang pagtaas ng isang sulok ng kanyang labi. Bago siya tumango tango habang nakikinig pa din sa kausap.
"Sige po, Sir" sabi pa niya sabay baba sa tawag.
"Tanggap ka na, Tathriana..." deklara niya na ikinagulat ko.
"P...po? Pero paano po yung sched..." naguguluhang tanong ko. Kanina lang ay nagkakaproblema kami sa sched tapos ngayon ok na? Ano. Sila ang nagadjust para sa akin?
May inayos siyang ilang papel bago niya iniharap sa akin. "Ito pirma ka na lang dito. Welcome to the company" nakangiting sabi pa niya sa akin. Dahil sa sinabi niya ay pinuna din ako ng ibang mga taga roon. Malugod nila akong tinanggap.
Mukha akong lutang habang isa isa silang nagpapakilala sa akin. Hindi ko kasi inakala na magiging ganuon kabilis ang pagtanggap sa akin.
"Ikaw pala Tathi ang pinakabata sa amin dito" nakangiting sabi ni Ate Lydia. Isa siya sa pinakamatagal na daw sa companya at isa din sa pinakamatanda. Gusto ko sana siyang tawaging Ma'm bilang paggalang pero sinuway niya ako at mas ok na daw ang Ate.
Apat sila sa loob ng office na iyon. "Ako nga pala si Ate Alyana. Ate Iya na lang" pagpapakilala sa akin ng nagHR daw nila.
Mabilis na gumaan ang loob ko sa kanilang apat. Kahit may kalayuan ang edad ko sa kanila ay hindi naman ako na out of place. Sa susunod na araw ang start ko dito kaya naman sandali akong itinuor ni Ate Iya sa buong opisina bago siya nagpasyang ilabas naman ako sa buong factory.
"Dito yung milling..." sabi niya sabay turo duon sa dulong warehouse. Nakakalula ang laki at mga machine na ginagamit. Medyo nailang pa ako ng makita kong halos lahat ng tao duon ay nasa amin ang tingin. Ayoko ng ganitong klaseng atensyon.
Oo, papansin akong tao pero sa isang tao lang. Kung sino ang matripan ko, sa kanya lang ako magpapapansin.
Ipinakilala niya ako sa lahat duon. Ngumiti ang ilan sa akin, kumaway pa ang iba kaya naman ginantihan ko din sila ng ngiti at bahagyang kumaway. Matapos duon ay lumabas din kami sa warehouse, narinig ko kaagad ang tawanan ng mga trabahador kanina na nadaanan ko. Mas lalo tuloy akong kinabahan.
Dalawang malaking truck na may lamang sako ng bigas ang nakita ko. Nakaupo sa kung saan ang ibang lalaki, mukhang nagpapahinga. Napatayo ang iba ng makita ang paglapit namin ni Ate Iya.
"Oh, Junie. Alam ko yang ngiti na yan" pagbabanta at turo niya sa isang lalakinv hindi naman ata kalayuan ang edad sa akin. Imbes na tumingin sa kanila ay inilibot ko na lamang ulit ang paningin ko sa kabuuan ng warehouse.
Napatigil si Ate Iya sa pakikipagusap sa mga ito ng may tumikhim sa aming likuran. Bahagyang kumunot ang noo ko ng makitang ang mata ng halos ng nanduon ay nakatingin sa aming likuran. Mabilis akong lumingin at kaagad na kumunot ang noo ko ng makita ko nanaman ang lalaking siraulo kanina. Naabutan kong nakalagay ang hintuturo niya sa kanyang labi na para bang pinapatahimik niya ang lahat.
Ngumisi siya sa akin ng makitang nakatingin ako sa kanya. Mabilis ko siyang inirapan. Hindi ko alam kung bakit mainit ang dugo ko sa kanya, o baka dahil may naalala ako sa kanya kaya ayaw ko sa kanya? Hindi ko alam.
"Uhm. Sir..." nabitin ang sasabihin ni Ate Iya ng lingonin niya ang lalaking inirapan mo kanina. Nanatili ang tingin ko sa kung saan.
"Ang bagong secretary..." pagpapakilala niya sa akin duon sa lalaki. Bumagsak ang tingin ko sa sahig ng maramdaman ko siyang papalapit sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto niya pero halos manlambot ang aking mga tuhod.
"Welcome to the family..." nakangising sabi niya sa akin. Nakita ko ang paglalahad niya ng kamay. Mabilis ko siyang tiningala pero pinagtaasan lamang niya ako ng kilay.
Nanatili sa ere ang kanyang kamay habang mas lalong kumukunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Kailangan ba talagang makipagkamayan sa kanya? Sa iba nga hindi na ako nakipagkamay eh!
Ngumuso ako. Halos padaanin ko lang ang kamay ko sa medyo matigas niyang palad, halatang sanay sa trabaho. "Hi" tipid na sabi ko sabay iwas ng tingin.
"Ganuon ka ba makipagkamay?" tanong niya sa akin. Bahagya pang tunagilid ang ulo niya habang nakatingin sa akin.
"Oo..." diretsahang sagot ko. Muli kong nakita ang amusement sa kanyang mukha.
"Ang bitin naman" nakangising sai niya sa akin. Duon lamang niya ibinaba ang kamay niyang kanina pa nasa ere.
Isang irap pa ang ginawa ko sa kanya bago ko muling ibinigay kay Ate Iya ang buong atensyon ko. Nagulat ako ng makitang kong laglag ang panga niya, mukhang nakita niya ang mga ginawa ko sa trabahador nila. I don't want to be rude, pero kasi ang isang ito. Naknakan ng epal.
"Tathriana..." tawag ni Ate Iya sa akin. May gusto siyang sabihin pero hindi niya matuloy.
"It's ok, Iya" matigas na sabi nung epal na trabahador. Wow, may paenglish english pa. Napanguso na lamang ulit ako hanggang sa napahinto ang lahat ng dumating ang kulay Grey na hummer. Nanlaki ang aking mga mata, iyon din ang hummer na nakita kong pumasok sa malaking bahay bakasyunan sa tabi ng malawak na lupain ng Villa de montero. Siguro sila ang may ari ng rice mill na ito.
"Ito na pala si Boss" nakangising deklara nung epal na trabahador. Napaawang ang bibig ng lahat. Lumapit ang feeling close ba trabahador sa kailang boss. Mula sa hummer ay lumabas ang isang lalaking kaedad lang halos nung lalaking Eroz daw ang pangalan.
Gusto kong sampalin ang sarili ko ng madisappoint ako sa nakita. So ito pala ang boss nila. Hindi siya kasiyang tangkad ni Eroz pero matangkad din naman siya kesa sa akin, maganda din ang katawan niya pero hindi kasing ganda at kisig ng kay Eroz. Shuta! Bakit si Eroz!?
Nanatili ang tingin ko sa kanila. Naguusap silang dalawa. Kita ko ang pagkalito sa lalaking tinawag nilang boss. Hanggang sa pilit akong ngumiti ng sumulyap siya sa akin. Ang weird ng mga tao dito.
"Siya po ang boss?" tanong na bulong ko kay Ate Iya. Kahit narinig ko na kay Eroz ag nagtanong pa din ako. Malay ko ba kung nagsisinungaling iyong lalaking iyon.
Mas lalo akong naguluhan ng hindi malaman ni Ate Iya ang gagawin. Gusto niyang tumango na gusto niyang umiling. Nawala ang atensyon ko sa kanya ng mapansin ko ang paglapit nung kararating lamang na lalaki.
"So you must be the new secretary. I'm Julio. Sir Julio na lang" nakangiting pagpapakilala nito sa akin. Naglahad siya ng kamay kaya naman malugod ko iyong tinanggap.
Hindi ko maiwasang mapatingin sa katabi niyang si Eroz. Nagigting ang kanyang panga habang nakatingin sa kamay kong nakahawak kay Sir Julio. Hanggang sa dahan dahang tumaas ang madilim niyang tingin sa akin. Halos malaglag ang panga ko ng makita ko ang pagirap niya sa akin kasabay ng bayolenteng pagtaas baba ng kanyang adams apple. Problema nito?
"Welcome to the company. Tathi" sabi pa ni Sir Julio bago siya nagpaalam sa akin na pupunta na sa kanyang office.
Mukhang namang mababait silang lahat. Pwera lang sa medyo weird talaga ang iba sa kanila. Hinayaan ko na lang dahil baka naninibago lang ako. Kagaya ng nanibago ako sa mga classmates namin sa college nung first day namin ni Charlie.
"Aalis na po ako..." paalam ko kay Ate Iya.
"Wag muna Tathi. Nagpabili si Julio...este sir Julio ng pagkain. Pa-Welcome daw sayo" sabi niya sa akin kaya naman halos malaglag ang panga ko. Is that even necessary!?
"Po? Nakakahiya naman po..." natatarantang sabi ko. Ayoko talaga ng mga ganito. Nahihiya ako.
Napatigil lang ako sa pagkataranta ng mula sa opisina ay lumabas ang suplado na ngayong si Eroz. Nakasuot na siya ng puting tshirt, pinaglalaruan niya sa kanyang mga kamay ang susi ng hummer.
"Aalis ako sandali, para bilhin ang mga bilin ni Sir Julio..." matigas na sabi niya kay Ata Iya.
Parang robot na tumango tango ito. "Ito nga pala si Eroz ang..."
"Driver ni Sir Julio" siya na ang nagtapos sa sasabihin ni ate Iya. Kita ko ang pamumuo ng pawis sa noo nito.
"Ayos ka lang po? Ate Iya?" nagaalalang tanong ko sa kanya. Nagngiting aso siya bago siya tumango.
"Mas sanay lang sa aircon" sabi niya sa akin sabay buntong hininga at pahid sa kanyang pawis. Napatango na lamang ako.
"Kailangan ko ng makakasama, ang kaso busy ang lahat" sabi nung Eroz. Nagpalinga linga si Ate Iya para humanap ng pwedeng sumama sa driver na si Eroz. Ginaya ko siya at nagpalingalinga din ako. Gaya gaya ako eh.
Napanguso ako haggang sa muling napadpad ang tingin ko kay Eroz. Nakahalukipkip na ito ngayon at seryosong nakatingin sa akin. Pinagtaasan ko siya ng kilay. Anong tinitingin tingin mo diyan!?
Muling nagigting ang panga niya kaya naman mas lalong nadepina kung gaano siya kagwapo. Oo shuta! Kahit ilang beses kong iwaksi sa aking isipan ay gwapo naman talaga ang epal na ito.
"Bakit hindi na lang ang supladang batang iyan?" matigas na sabi niya tukoy sa akin. Mas lalong naginit ang pisngi ko. Anong sabi niya!?
Nakita ko din ang gulat sa mukha ni Ate Iya. Bumaling siya sa akin at muling nagngiting aso. "Ok lang ba, Tathi?" tanong niya sa akin.
Syempre hindi! Kung ibang driver lang ay pwedeng pwede. Pero ayoko na lang maginarte, hindi pa nga ako nagsisimula ay baka magkaroon na kaagad ako ng bad records sa kanila. Hilaw akong ngumiti kay Ate Iya.
"Ok...ok lang po" sagot ko kaya naman napatango siya.
Hinayaan na ako ni ate Iya na maiwan sa kay Eroz. Halos magugat ang mga paa ko sa kanina ko pang kinatatayuan. Ni ayoko ngang harapin ang lalaking kasama ko ngayon. Shuta!
"Let's go" matigas na sabi niya. Nang lingonin ko siya ay nakita kong umikot siya patungo sa may front seat, binuksan ang pintuan at tsaka tumingin sa akin.
Nagtaas siya ng kilay sa akin ng mapansin niyang hindi pa din ako gumagalaw. "Bubuhatin pa ba kita?" tanong niya sa akin kaya naman nanlaki ang aking mga mata. Mabilis pa sa alaskwatro ang naging galaw ko. Dahil sa pagkataranta ay muntik na akong mauntog pasakay sa hummer. Mabuti na lamang at ng tumingala ako ay nakita ko ang nakaharang na kamay ni Eroz duon. Kung hindi niya iyon ginawa ay paniguradong magkakabukol ako.
"Uh...salamat" sabi ko at sandali siyang sinulyapan.
Tipid lamang siyang tumango sa akin. Bakit ang bango nito? Kanina lang ay halos maligo siya sa pawis, pero heto't mukhang mas mabango pa siya sa akin.
Sumaludo pa ang guard habang palabas kami ng factory. Hindi ko na lamang pinansin. Inabala ko ang paningin ko sa labas, hanggang sa muli kong maalala ang pakiramdam na nakasakay sa front seat. Nagbalik sa akin ang alaala na nakasakay ako sa sasakyan ni Cairo. Sa kanyang jeep wrangler. Mas kumportable ako duon.
Napabuntong hininga ako para tanggalin ang gumuhit na sakit sa aking dibdib.
"That was deep. May problema?" tanong ni Eroz sa akin. Nilingon ko siya, seryoso siyang nagdridrive at ang kanyang mga mata ay nakatuon sa may kalsada. Kung hindi ko lang alam na driver siya ay aakalain kong sa kanya ang sasakyan na ito. Para bang bagay na bagay siya dito.
"Wala" tipid na sagot ko at nagiwas ng tingin.
"Bakit parang galit ka sa akin?" seryosong tanong niya. Napanguso tuloy ako.
"Paano mo naman nasabi, kanina lang naman tayo nagkita" medyo iritado pang sabi ko sa kanya. Kahit anong tago ko ng pagkairita ay hindi pa din talaga maiwasan.
Napangisi siya, bago niya naihilamos ang kanyang palad sa kanyang mukha. "Ramdam ko lang...at hindi ko alam kung bakit" laban pa niya.
Napahalukipkip ako. "Eh, problema mo na yan. Basta hindi ako galit" parang batang sabi ko at ilang beses pang napairap sa kung saan.
Muli kong narinig ang pagngisi ni Eroz. "Ang bata bata mo pa. Maduduling ka niyan" pangaasar niya sa akin kaya naman naikuyom ko ang aking kamao.
"Lakampake!" asik ko sa kanya. Tathi! Shit ano bang nangyayari sayo?
Mas lalong tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. "Aw. Sorry miss...pakialamero ako" sabi niya sabay halakhak
Hindi ko alam kung paano ko nasurvive ang buong araw na iyon sa may factory. Iniisip ko pa lang na duon nga ako magtratrabaho ay parang gusto ko na lang umatras.
"Ang babait ng mga empleyado duon" kwento ni Charlie sa akin. Kanina pa kami naghihintay sa susunod naming prof pero wala pa din ito. Panay ang doodle ko sa likod ng aking notebook habang nakatitig sa mga bagay na kailagan kong pagipunan.
"Mabait din ang sa akin" sabi ko sa kanya. Kailangan kong matutong magbudget at hatiin ang suswelduhin ko ng maayos. Seryoso ako ng sabihin kong hindi ko gagamitin ang perang galing sa dahas. Ganuon din si Charlie kaya naman napansin ko din ang pagiging seryoso niya na sa buhay ngayon.
Nagtaas ako ng kilay sa kanya ng mahusto na ako at isinara ko na ang notebook ko. "May gwapo ba?" pangaasar ko sa kanya. Bahagya siyang tumago.
"Marami. Pero trabaho ang pinunta ko duon" sagot niya sa akin na ikinagulat ko pa nung una. Hanggang sa lumawak ang ngiti ko sa aking kaibigan. Halos yakapin ko siya sa tuwa.
"I'm so proud of you...nagbabagong buhay ka na talaga" puri ko sa kanya. Nasa ganoon kaming posisyon ng pumasok si Cayden. Nasa akin kaagad nakatutok ang kanyang mga mata kaya naman napaayos ako ng upo.
Napadaing at naghari ang protesta sa buong classroom ng ideklara niyang magsasagot nanaman kami ng seatwork. Mas gusto ata ng mga kaklase kong maglecture na lang. Sabagay, kung maglelecture ay pwedeng pwede ka lang magkunwaring nakikinig.
Pero muling natahimik ang mga kaklase namin ng pumasok ang dalawa pang lalaking mukhang kaibigan ni Cayden. Sa tindig pa lang ng mga ito ay halatang varsity player din kagaya niya.
"Pwede kayong magpunta sa library para dito. Bumalik na lang ako 30 mins. Bago magtime. Hindi ako tatanggap ng late" seryosong sabi niya sa amin.
Pagkatanggap ng papel ay halos maubos kami sa room. Imbes na lumabas ay mas pinili namin ni Charlie na sa room na lang at mag search gamit ang kanyang cellphone.
"Kamusta na nga pala yung cellphone mo?" tanong ni Charlie sa akin.
"Nasa bigasan pa din" sagot ko sa kanya. Nakadungaw ako sa kanyang cellphone para maghintay.
"Naku, baka maging kanin na iyon" pangaasar niya sa akin kaya naman inirapan ko siya. Nasa panghuli ang cellphone sa to buy ko. Ang kaso ay hindi ko iyon basta basta bibitawan. Graduation gift iyon ni Mama at Papa sa akin kaya naman aasa pa din akong magiging maayos iyon.
Tahimik kami ni Charlie. Hanggang sa maramdaman ko ang paglapit ni Cayden sa aming gawi. Napaawang ang labi ko ng ilahad niya sa aking harapan ang kanyang mamahaling cellphone.
"You can use my phone, Tathi" sabi niya. Hindi ko kaagad iyon nagets.
"Sige na. Para hindi ka mahirapang magsagot" pahabol pa niya. Hindi na ako nakatanggi ng umentrada din si Charlie.
"Salamat, Cayden" nahihiya pang sabi ko. Tama siya, mas naging madali para sa amin ni Charlie ang pagsasagot dahil nagtutulungan kami.
Nanatili si Cayden sa teachers table. Ni wala nga siyang pakialam kung nasa akin ang cellphone niya. Nang matapos ay ipinasa ko na ang papel namin ni Charlie, kasama ng kanyang mamahaling cellphone.
"Salamat ulit ha" nakangiting sabi ko. Uminit ang pisngi ko ng nginitian niya din ako pabalik.
"May gagawin ka sa friday? After class?" tanong niya. Halos marinig ko ang pagsinghap ni Charlie mula sa aming kinauupuan kanina. Naramdaman ko din ang tahimik na pangaasar ng kanyang mga kaibigan sa kanya.
"Ah wala naman" alanganing sagot.
"Invite sana kitang manuod ng game namin" sabi niya sa akin. Sandali akong nagisip, may gagawin ba ako? Wala.
"Sige. Manunuod kami ng kaibigan ko" nakangiting sabi ko sa kanya. Nginitian din naman niya ako pabalik kaya naman katakot takot na pangaasar ang inabot ko kay Charlie sa buong araw na iyon.
Pagkatapos ng aming klase sa sumunod ba araw ay maaga kaming umuwi ni Charlie para pumasok sa aming kanyang kanyang trabaho. Hindi ito alam ni Mama, hindi pa din kasi maayos ang trato niya sa akin. Minsan lang niya ako kung pansinin.
"Magandang araw po" bati ko kay Manong guard. Nakasuot pa ako ng uniform. Ok lang naman daw iyon sabi ni Ate Iya kaya naman hindi na ako nagbala pang magpalit ng damit. At kung gagawin ko pa iyon ay malalate lang ako.
Dumiretso ako sa office. Pero bago iyon ay nagulat pa ako ng mahagip ng mata ko si Eroz na preskong nakaupo sa swivel chair ni Sir Julio. Kung makaupo siya duon ay akala mo siya ang boss. Malalim ang iniisip niya habang pinaglalaruan niya ang kanyang pangibabang labi. Ayan nanaman at may naalala ako sa kanya.
Pareho pa kaming nagulat ng magtama ang aming mga paningin. Mabilis siyang napatayo at lumabas sa opisina. Pinasadahan niya ako ng tingin, kaya naman pinagtaasan ko siya ng kilay ng bumalik ang tingin niya sa aking mukha.
"Galing ka pang school?" tanong niya kahit obvious naman.
Tumango lang ako. "Nakakain ka na?" segunda pa niya. Nagulat ako at halos mabato sa aking kinatatayuan.
"Oo. Sa school" sagot ko na lang. Gusto kong iwasang maging masungit sa kanya.
Tumango siya. Tatalikuran ko na sana ulit siya ng muli siyang magsalita. "Yan ba ang uniform niyo?" walang sense na tanong niya ulit. Ayan na at medyo naiirita na ako.
Pinasadahan ko ng tingin ang suot kong puting blouse, may maliit na kulay blie ribbon at blue ding pencil cut skirt. "Oo. Bakit ba?" tanong ko pa. Iritado na talaga.
Inirapan niya din ako. "Panget mo" sabi niya saba sarado ng pintuan ng office ni Sir Julio. Shuta!
"Panget ka din!" nanggigigil na bulong ko.
Magiwasay ang first day ko. Lalo na't pagkatapos nuon ay hindi na ulit nagtagpo ang landas namin ni Eroz. Buong araw din naman akong nakakulong sa office. Tahimik ang buong factory ng umuwi ako.
"Nandito na po ako" sabi ko kay Mama ng maabutan ko siyang nagbabalot ng chicharon sa may sala. Gustuhin ko mang tulungan siya ay hindi ko magawa. May galit pa din siya sa akin.
Kinuha ko muna ang cellphone ko sa bigasan bago ako dumiretso sa aking kwarto. Imbes na maligo at magbihis ay iyon muna ang inatupag ako. Halos halikan ko iyon ng gumana na siya.
Ilang text ang natanggap ko. Ilang tawag din. Ang iba duon ay nung mga nakalipas pang araw. Hanggang sa isang message ang nakita ko. Dumating iyon nung araw na nahatulan sina Papa. Gabi na din iyon nasend. Wala na ako sa capitol ng mga oras na iyon.
Senyorito baby:
Baby. Selos na selos lang ako
Napaawang ang bibig ko. Ano ito? Hindi ko alam kung para saan ito?
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro