Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30

Trabahador











Sinasabayan ng aking mga luha ang malakas na buhos ng ulan. Wala akong pakialam, wala na akong pakialam kahit pa halos pinagtitinginan na ako ng mga dumadaang tao. Mahigpit akong napayakap sa aking backpack. Maging ito ay basang basa na din. Gusto kong tumakbo paalis, pero wala akong lakas. Kahit ilang oras pa! Kahit ilang oras pa ay maghihintay pa din ako. Darating siya, sigurado akong darating siya.



Napahinto ako ng may makita akong pares ng panlalaking sapatos sa aking harapan. Huminto din ang pagtulo ng ulan sa aking pwesto, mukhang may dala itong payong. Dahan dahan akong nagangat ng tingin. Hindi ko pa siya nakita ng maayos nung una dahil bukod sa luha ay dahil basang basa na din ang mukha ko dahil sa tubig ulan.



"Anong ginagawa mo?" matigas na tanong niya sa akin. Mas lalo akong nanghina dahil sa bigat ng kanyang mga tingin.


"Anong ginagawa mo dito?" balik na tanong ko sa kanya. Ni hindi ko na naisip pang sagutin ang nauna niyang tanong sa akin.



Nagtiim bagang siya. "Pauwi na ako, at nakita kita dito. Anong ginagawa mo?" seryosong sagot niya sa akin at muling inulit ang tanong sa akin.


Napakagat labi ako, para pigilan ang muling pagiyak. Ano nga bang ginagawa ko dito? Naghihintay...hinihintay ko si Senyorito baby. Mabilis akong nagiwas ng tingin sa kanya.



"May hinihintay ako" matabang kong sagot sa kanya. Hindi ko nga alam kung tama bang sagutin ko pa ang tanong niya. Ano naman sa kanya kung nandito ako?


"Iuuwi na kita sa inyo" sabi niya sa akin kaya naman marahas akong umiling.



"May hinihinta ako" madiing sabi ko at pumiyok pa.


"Tathriana!" tumaas ang boses niya. Muling bumuhos ang luha sa aking mga mata. Dahan dahan siyang lumuhod sa aking harapan para maglevel ang aming paningin.


"Iuuwi na kita. Magkakasakit ka niyan" mas naging malumanay ang kanyang boses ngayon. Ramdam na ramdam ko ang pagaalala duon kaya naman mas lalo akong nahabag.


Napanguso ako. "Anong ginagawa mo dito, Cayden?" tanong ko sa kanya. Binaliwala ang lahat ng sinabi niya kanina.


Tumikhim siya. "Pauwi na ako at nakita kita. Hindi pwedeng hindi kita pansinin. Tingnan mo nga yang itsura mo" may bahid ng galit na sabi niya sa akin.


Napahikbi ako. "Paano yung hinihintay ko?" parang batang tanong ko sa kanya. Wala na akong lakas.


Muling tumigas ang kanyang mukha. "Hayaan mo na iyon. Kung talagang may balak siyang siputin ka, dapat ay kanina pa iyon nandito" pangaral niya sa akin. Mariin akong napapikit para ipaalala iyon sa aking sarili. Kailangan kong maabsorb, hindi pwedeng ganito.


Marahan akong tumango kay Cayden. Tumayo siya kaya naman tumayo na din ako, pero dahil sa panghihina ay na out of balance ako, kaya naman hindi sinasadyang napahawak ako sa kanyang dibdib. Mabilis namang pumulupot ang isa niyang braso sa aking bewang.


"Sorry..." nahihiyang sabi ko at nagiwas ng tingin.


"Ok lang, Tathi"


Hindi maiwasang magkadikit ang aming mga katawan para lang pagkasyahin kaming dalawa sa payong patungo sa kanyang sasakyan. Sa gilid ay nakita ko ang nakaparadang kulay itim na ford ranger. Pinagbuksan niya ako ng pintuan, napahinto ako.


"Mababasa ang upuan..." nahihiyang sabi ko sa kanya. Nagigting ang panga niya.


"I don't mind" matigas na ingles na sabi niya pa kaya naman wala na akong nagawa ng hawakan pa niya ang ulo ko para hindi ako mauntog sa pagsakay. Muling kumirot ang dibdib ko, ganito din si Cairo sa akin. Bakit kailangang, maalala ko siya kay Cayden? Bakit pakiramdam ko ay pinaglalaruan ako ng tadhana?



Tahimik kami sa byahe, lalo na ng makapasok na kami sa expressway patungo sa bocaue. "Kahit sa bocaue exit mo na lang ako ibaba. MagjeJeep na lang ako pauwi sa amin" sabi ko sa kanya. Nanatili ang tingin niya sa kalsada, seryoso ang kanyang mukha. Duon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na mapagmasdan siya.



Clean cut ang gupit ng kanyang buhok. May kakapalan ang kilay, mahaba ang pilil mata at matangos ang ilong. Masyado ding expressive ang mga mata niya, makikita mo kaagad duon kung ano ang nararamdaman niya. At ngayon, kita kong medyo galit siya. Natural ding nakanguso ang kanyang labi, kahit nakapirmi lamang ito. Napakurap kurap ako ng bumaba sa adams apple niya ang tingin ko. Nabalik lang ako sa wisyo ng makita ko ang pagtaas baba nuon.


"Sa inyo na. Ituro mo na lang sa akin ang daan" seryosong sabi niya. Nakaramdam tuloy ako ng hiya, napansin kaya niya ang paninitig na ginagawa ko kanina? Nakakahiya naman.


Hindi na ako nanlaban pa. Itinuro ko sa kanya ang daan patungo sa amin. Duon ko lang nalaman na taga San gabriel si Cayden kaya naman hindi naman masyadong magiging hassel sa kanya ito.



"Maraming salamat" sabi ko. Medyo napaos na din ang boses ko dahil sa pagiyak. Napasinghot ako, mukhang magkakasakit pa ata ako.


Muli kong naramdaman ang bigat ng tingin niya sa akin. At halos manigas ako sa kinauupuan ko ng lumapat ang likod ng palad niya sa aking noo, patungo sa leeg. "Uminom ka kaagad ng gamot" maawatoridad na sabi niya sa akin kaya naman wala sa sarili akong napatango sa kanya.



"Hindi ko alam kung paano makaabayad sayo..." nahihiyang sabi ko.


Napangisi siya. "Hindi naman lahat ng bagay may kapalit, Tathi" sagot niya sa akin. Muling uminit ang pisngi ko. Nga naman Tathi!


Nagangat ulit ako ng tingin ng marinig ko ang mahinang pagngisi niya. "I'll be glad if you'll save my number" sabi niya sabay iwas ng tingin.


Sandaling napaawang ang labi ko. Dahan dahan akong tumango. "Si...sige" medyo nauutal ko pang sabi sa kanya. Matamis siyang ngumiti sa akin ng sumulyap siya.



Pagkababa ko sa kanyang sasakyan ay hinintay ko pa munang makaalis siya bago ako humarap sa tahimik naming bahay. Napabuntong hininga ako, dahan dahan ang nagawa kong pagpasok. Si Kuya Jasper kaagad ang naabutan ko. Pagod siyang nakaupo sa may sala. Nagulat pa siya nung una ng makita ang itsura ko.



"Anong nangyari sayo?" pagalit na tanong niya sa akin pero nagawa pa din niyang ipaghila ako ng tuwalya at ibinalot iyon sa akin.


"Si Mama?" pumiyok na tanong ko.



Napabuntong hininga siya. "Nasa kwarto na. Hinimatay iyon kanina sa korte. Guilty ang hatol sa Papa mo..." sabi niya sa akin kaya naman mariin akong napapikit at napatango.


Napadilat ako ng maramdaman ko ang paglapit ni Kuya Jasper sa akin. Kita ko ang pagpungay ng kanyang mga mata. "Alam mo ba kung bakit nadiin lalo ang Papa mo?" tanong niya sa akin. Ramdam kong medyo nagaalinlangan pa siyang sabihin iyon.



Kumunot ang aking noo. "Ba...bakit?" naguguluhang tanong ko sa kanya.


Nakita ko ang bayolenteng pagtaas baba ng kanyang adams apple. "Bukod sa interes niya sa lupa ay nakita nilang may isa pang dahilan para gawin ni Tito iyon. Idiniin ng kabilang kampo na may intensyon talaga siyang saktan o patayin si Cairo Herrer dahil sa personal pang dahilan..." habang sinasabi iyon ni Kuya Jasper ay naninikip ang dibdib ko.



"May relasyon kayo ni Cairo at hindi pabor ang Papa ko duon, ginamit nilang dahilan iyon. May mga litrato na magkasama kayong dalawa. Malakas na ibidensya na iyon na makakapagdiin sa Papa mo, Tathi" sabi niya sa akin kaya naman muling namuo ang luha sa aking mga mata.


Marahan akong umiling. "Labas kami ni Cairo dito. Bakit kami nasali?" mapait na tanong ko sa kanya.


Nagigting ang kanyang panga. "Bakit hindi mo itanong sa kanya? Anduon siya kanina...hindi niya kinumpirma at hindi din niya itinanggi" sabi pa niya sa akin kaya naman mas lalong bumigat ang dibdib ko.



Tama ba ang hinala ko? Na ginamit niya lang talaga ako para mas lalong madiin si Papa sa kaso? May duda ako at hinayaan ko siya. Pero masakit pa din pala pag nakumpirma mo na. Sobrang sakit, parang unti unting nadudurog ang puso ko. Ang hirap huminga.



"Kasalanan ko" deklara ko. I take all the blame. Dahil sa akin kaya nangyayari ito sa aming pamilya. Kung hindi sana ako naging vocal kina Mama at Papa na gusto kong maging abogado ay hindi maaakit si Papa na gumawa ng masama para lamang sa pera. Kung hindi sana ako naging vocal sa nararamdaman ko kay Cairo ay hindi sana ako masasaktan ng ganito. Kasalanan ito ng makati kong bunganga, na walang hinto sa pagsasalita.



"Wag mong sisihin ang sarili mo, Tathi" suway sa akin ni Kuya Jasper pero hindi ko siya pinansin. Alam ko, kasalanan ko. At hindi na ako magtataka kung pati si Mama ay sisihin ako.



Nakatulog ako ng gabing iyon dahil sa bigat ng pakiramdam ko. Mabuti na lamang at ala una ang klase namin sa araw na ito. Bumaba ako sa may dinning, malinis ang aming lamesa. Hindi kagaya dati na ganitong oras ay sumisigaw na si Mama para makapagalmusal na kami. Nagulat ako ng makita ko siya sa may sala. Nakaupo at nakaharap sa may bintana, malayo ang kanyang tingin.



Dahan dahan ko siyang nilapitan. Muling uminit ang magkabilang dulo ng aking mga mata. "Mama..." tawag ko sa kanya.


Nilingon niya ako. Ang kaninang walang ekspresyon niyang mukha ay pinagharian ng galit. Nalaglag ang panga ko ng malakas na sampal ang ibinigay niya sa akin. Kusang tumulo ang aking mga luha.


Isang sampal pa ulit ang natanggap ko mula sa kanya kaya naman napahagulgol na ako. "Mama...sorry po" umiiyak na sabi ko sa kanya.


Habol habol niya ang kanyang hininga. Galit na galit. "Dahil sayo!" sigaw niya sa pagmumukha ko, nakaduro pa siya sa akin.


"Sorry po...sorry po. Mama" pauklit ulit na sabi ko sa kanya pero hindi niya iyon tinanggap.



"Mapapalaya ba ng sorry mo ang Papa mo!?" galit na tanong niya sa akin. Hindi ako nakasagot, alam kong walang mararating ang sorry ko. Wala na akong magagawa, sa ngayon.


"Mama..." tawag ko ulit sa kanya. Please, ayokong magkagalit kami. Kailangan ko siya, wala si Papa dito. Kaming tatlo na lang nila kuya Jasper. Ayokong magkaaway pa kami. Hindi na iyon kaya ng dibdib ko.



Sinubukan ko siyang hawakan pero tinabig niya lamang ang kamay ko. Ramdam kong may sasabihin pa sana siya sa akin, pero marahas na lamang siyang umiling. Pagkatapos ay muling bumuhos ang kanyang luha at tsaka nagmamadaling umakyat sa kanilang kwarto.



Nanghihina akong napaupo sa aming sofa. Hanggang sa nagsink in sa akin ang lahat. Oo nga't inaasahan ko ng gagamitin niya talaga ako laban kay Papa. Pero wala bang halaga sa kanya ang lahat ng namagitan sa aming dalawa? Siya na mismo ang nagsabi sa akin na labas kaming dalawa dito. Kahit pa sinabi kong hahayaan ko siya ay umasa pa din akong hindi niya iyon gagawin.



Maaga akong nagbihis, alas onse pa ang usapan namin ni Charlie para magkita sa terminal. Dalawang oras ang inilalaan namin sa byahe para hindi kami mahuli sa klase. Lalo na't hindi din naman kontrolado ang biglaang traffic.


"Kumain ka na ba?" tanong ng kararating lang na si Kuya Jasper. Siya ang namamahal ng chicharon bussiness namin ngayon.


Tumango lang ako kahit hindi pa. Hanggang sa napadpad ang tingin ko sa dala dala niyang mga chicharon. "Bakit po..." hindi ko na naituloy pa ang tanong ko kung bakit dala niya pabalik ang dapat sanang mga idedeliver niya.


Napapunas siya ng bimpo sa kanyang pawisang noo. "Ayaw na tayong tanggapin ng ibang tindahan. Dahil sa nangyari" problemadong sabi niya sa akin kaya naman mariin din akong napapikit.


Kahit pa nadagdagan ulit ang problema ko ay itinuloy ko pa din ang aking pinlano. Bumyahe ako patungo sa patag. Nasira ang phone ko dahil sa pagkakabasa, sa ngayon ay nakalubog pa ito sa bigasan namin. Isa lang ang pwede kong mapagtanungan, inipon ko ang lahat ng lakas ko.


Tulala ako habang sakay ng tricycle patungo sa patag. Hindi ko din alam kung anong ginagawa ko dito. Pero kailangan ko ng sagot, kailangan kong maliwanagan. Dumaan kami sa malaki at engradeng gate ng Villa De Montero, isa sa mayamang pamilya dito sa bulacan. Kabilang din sa pamilyang iyon ang mga Silvestre. Malapad ang kanilang lupain kaya naman halos nagtagal ang pagbaybay namin duon.


Matapos ang kabuuan ng Villa de montero ay isang malaking bahay nanaman ang nakita ko. Mukhang ginawa iyong bahay bakasyunan, malaki at maaliwaslas tingnan, halos glass wall din ang pader ng bahay. Napahawak ako sa tricycle ng sandali kaming huminto ng may makita akong kulay Grey na Hummer sa tapat ng malaking gate nuon.


Hinihintay nitong magbukas ang gate kaya naman napahinti din kaming nasa likuran niya. Nakita ko ang initials na EAH sa likuran ng magarang sasakyan. Nang tuluyang makapasok ay nagtuloy na din ang aming byahe.


"Bayad po" abot ko sa driver ng bayad. Napabuga ako ng malalim na paghinga ng tanawin ko ang bahay ng kanyang tito Darren. Tahimik pa ang buong lugar dahil maaga pa, masarap din ang simoy ng hangin dahil napapalibutan ito ng naglalakihang puno at mga halaman.



Ilang hakbang pa ang layo ko ay natanaw ko na kaagad ang tito niya na nagkakape sa kanilang bakuran. Napatayo din siya ng makita ako. Napayuko ako, shit! Ano bang ginagawa ko dito?


"Oh Tathi..." tawag sa akin ni Tito Darren.


"Gusto ko lang po sanang...malaman ang totoo" alanganing sabi ko. Hindi ko din alam kung tamang si Tito Darren ang tinatanong ko tungkol dito. Pero siya lang ang kilala kong malapit kay Cairo. Bahagyang tumaas ang kilay niya bago napabuntong hininga.



"Sige, Tathi. Ano iyon?" tanong niya sa akin.


Kinurot kurot ko ang kamay ko dahil sa kaba. "Ginamit po ba ako ni Cairo para mas lalong madiin ang Papa ko sa kaso?" matapang na tanong ko. Nakakatawang isipin na sa kalaban ko ito itinatanong, pero gusto kong malaman ang totoo.


Napasinghap siya. "Iyon ang gusto ng abogado. Pero hindi pumayag ang pamangkin ko. Kung ano man ang namamagitan sa inyong dalawa...totoo iyon" sabi niya sa akin. Muling nagbadya ang luha sa aking mga mata.


"Pero bakit po...bakit po hindi siya nagpakita sa akin?" naiyak ng tanong ko.


Hindi ko napigilan ang emosyon ko. "Sabi niya labas kami dito. Pero bakit parang galit siya sa akin? Pero bakit parang...ayaw na niya akong makita" umiiyak na sumbong ko sa tito niya. Napasinghap ito.



"Sandali" sabi niya sa akin at duon ko nakitang kinuha niya ang cellphone niya sa kanyang bulsa. May tinawagan siya.


"Elaine..." tawag niya sa kabilang linya.


Tahimik lamang ako sa gilid. Hanggang sa narinig ko na ang mga sumunod niyang sinabi. "Kailan umalis? Kaninang madaling araw...bakit?" bigo ding tanong ni Tito Darren sa kabilang linya. Hanggang sa napatango tango na lamang siya. Pumungay ang mga mata niya ng lingonin niya ako. Mukhang alam ko na.


"Umalis na siya kaninang madaling araw, patungo sa spain" deklara niya sa akin. Nabato ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, hanggang sa wala na akong nagawa kundi ang maiyak na lang sa harapan ng kanyang tito.


"Ok lang po...ok lang po" umiiyak na sabi ko sa kanya.


Sinubukan akong aluin nito. "Sana maging masaya na siya. ok lang ako, pakisabi na lang pong ok lang...kung ginamit niya ako laban sa Papa ko. Naiintindihan ko po..." umiiyak na sabi ko. Halos hindi na malinaw ang mga salita ko dahil sa pagiyak.


Sinubukan pa akong pigilan ni Tito Darren sa pagalis pero hindi na ako nagpapigil pa. Tumakbo ako ng mabilis, kahit pa halos madapa ako, tumakbo lang ako ng tumakbo. Ganuon na lang iyon? Ni hindi man lang siya nagpaalam sa akin. Kahit isang text? Kahit isang message?


Tulala ako pagkadating sa school. Alalang alala sa akin si Charlie. Pero hindi kagaya ko ay mas malakas na siya ngayon. Mas matapang na siya ngayon, kahit pa bumaba na ang hatol.


"Mas lalo kong pagiigihin ang pagaaral ko. Ako mismo ang maglalabas kina Papa sa kulungan" desididong sabi niya sa akin. Iyon ang pinanghawakan niya, gusto ko ding panghawakan iyon pero masyadong madami ang iniisip ko ngayon. Hindi ko na alam kung anong uunahin ko.



"Confirmed, kriminal nga"



"Guilty daw ang hatol"



"Anak ng mga kriminal"



Madami nanaman kaming narinig ni Charlie. Pero wala kaming pinansin ni isa. Halos sumakit ang ulo ko dahil sa pagiyak. Hindi na ako nahiya pang itago ang mukha ko sa lahat. Kahit pa halos mapatingin ang lahat sa akin dahil sa namumugto kong mga mata, kung minsan pa nga ay bigla bigla na lang tutulo ang aking mga luha.



"Uminom ka ng maraming tubig. Para marami ka pang maiyak" sabi ni Charlie sa akin sabay abot ng mineral water. Napanguso ako. Mas lalo akong naiyak ng yakapin niya ako.


"Kaya natin ito, Dugs..." pagpapatahan niya sa akin. Kumunot ang noo ko.



"Anong Dugs?" medyo paos na tanong ko sa kanya.


Kahit may lungkot sa kanyang mga mata ay nagawa pa din niyang ngumiti sa akin para lang pagaanin ang loob ko. "Edi dugyot. Ano ka ba...nakapagayos ka lang ng konti pero ikaw pa din si Tathi na dugyot. Ang makapal na mukhang si Tathi" pangaasar niya sa akin. Halos matawa kaming pareho ng muntik ng tumulo ang sipon ko dahil sa pagtawa.


"Dugyot talaga" asar pa niya sa akin.



Nainspire ako kay Charlie. Hindi din biro ang ipinapakita nitang positivity ngayon at determinasyon. Kahit papaano ay nakakayanan ko ng salubungin ang mga sumunod na araw. Ang sabi niya sa akin, ang kailangan lang naming gawin ngayon ay ang tanggapin. Tanggapin ang lahat ng ito at gamitin lahat ng sakit at problema para maging inspiration namin para maabot ang aming mga pangarap.



Hindi ko inakala na ganito din palang magisip si Charlie. Buong akala ko ay puro lang siya crush at pagkain. Kaya naman mas lalo akong nagpapasalamat dahil kaibigan ko siya. Kung wala siya ay baka nabaliw na ako


"Sa computer shop na lang..." yaya ko sa kanya isang araw. Nagtatalo kaming dalawa kung saan namin gagawin ang assignment namin.


Napanguso siya. "Eh may laptop ka naman ah. Bakit magcomputer shop pa?" laban niya. Hindi kaagad ako nakaimik. Halos itapon ko na nga lahat ng gamit na ibinigay ni Cairo sa akin. Pero sa huli, hindi ko nakaya kaya naman itinago ko na lamang.


"Sus! Wag mo na lang isipin kung kanino galing. Wag ka na lang magpaapekto" sabi pa niya kaya naman wala na akong nagawa.


Kung minsa ay kasama namin sila Jan, kung minsan naman ay kaming dalawa lang talaga. Madalas din naming nakikita sila Mariciris pero mabuti na lang at irap lang ang natatanggap namin sa grupo nila. Ayaw na naming makipagtalo, pagod na kami sa ganuon. Gusto na lang namin ng tahimik na buhay.


"Secretary sa rice mill?" tanong ni Charlie sa akin ng maging busy kami sa paghahanap ng trabaho. Nagkasundo kaming wag gamitin ang perang galing sa naging kasalanan ng aming mga ama.


Napasubo ako sa spaghetti ko habang nakatingin sa cellphone niya. Nasa bulacan page kami, gusto namin ng part time job pero mas maganda kung sa bulacan lang. Para hindi kami mahirapan.



Tumango tango ako. "Pwede, subukan ko" pagsangayon ko sa kanya. Gusto sana naming pareho ang papasukan namin pero hindi pwede iyon. Nakahanap din siya ng part time job, office work sa isang motor company naman ang nakuha niya. Around sta. Maria lang ang mga iyon kaya naman pinatos na namin.



Sabado ng hapon ng sadyain ko ang rice mill sa may Caypombo. Malapit iyon sa patag kung nasaan sina tito Darren. Boundary ng Caypombo at Patag ang kinalalagyan ng rice mill. Malaking factory iyon, kulay green ang bubong.



"Mag aapply po sana ako" sabi ko sa guard. Nakalagay naman kasi duon sa site na tumatanggap din sila ng mga working student. Matapos akong bigyan ng visitors pass ng guard ay nakapasok na ako. Tatlong malalaking truck ang una kong nakita, ilang lalaki din ang napatingin sa amin kaya naman nagiwas ako ng tingin.


Malawak ang lugar, kaya namab medyo nakalimutan ko yung instruction ng guard kung saan ang daan patungo sa main office. Naging mabilis ang lakad ko, lalo na at narinig ko ang mga asaran ng mga trabahador. Hanggang sa halos matumba ako ng bumangga ako sa isa sa kanila. Tingnan mo nga naman.


"Ay, Sorry po" sabi ko sabay yuko.


Una kong nakita ang suot niyang kulay brown ba caterpillar boots. Maong pants at shuta! Walang suot na pangitaas. Bumulaga sa akin ang kanyang 6 freaking abs. Na mas hot pa ata sa hot pandesal na tinitinda sa kanto namin. Napangisi siya kaya naman nagangat ako ng tingin.


Pero napawi ang lahat ng puri ko sa kanya ng makita ko ang mukha niya. Bakit ba palagi na lang akong nakakakita ng kamukha niya? Una si Cayden, ngayon naman ang trabahador na ito!



Inirapan ko siya. Nakakainis eh. Basta! Bigla na lang akong nainis. Kita ko ang pagtaas ng isang sulok ng kanyang labi. "Wow, sorry na may kasamang irap?" nakagising tanong niya sa akin. Uminit ang pagkabilang pisngi ko.



"Uhmm. Saan ang office?" tanong ko. Wala na akong galang sa pagtatanong, kinabahan ako bigla eh.


Nagtaas siya ng kilay. "Samahan na kita" pangaasar niya sa akin. Sinamaan ko siya lalo ng tingin.


Natawa siya at itinaas ang dalawang kamag niya para sumuko. "Sungit mo naman bata..." sabi niya at bahagyang humalakhak. Gusto ko siyang hampasin ng hawak kong folder. Anong bata!?


Bago pa ako mainis ay nilagpasan ko na siya. Pero hindi pa tapos ang loko. "By the way...I'm Eroz Axus..."


"Hindi ko tinatanong kuya!" asik ko sa kanya. Mas lalo siyang napatawa. Siraulo!





















(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro