Chapter 3
Graduation gift
Nasaktan ako sa sinabi ni Senyorito baby. Hindi daw siya pumapatol sa bata? Ako ba ang batang tinutukoy niya? Kung ganuon wala talaga akong pagasa sa kanya?
"Naku Tathi! Bata pa tayo, puppy love lang yan" sita ni Charlie sa akin linggo ng hapon. Wala akong trabaho sa mansion kaya naman sumama ako sa kanyang magikot sa bayan. Malapit na ang fiesta ng sta. maria kaya naman unti unti ng nagtatayo ng tiangge sa tapat ng munisipyo.
Napanguso ako. "Sabagay..." malungkot na pagsangayon ko. Tama nga siguro si Charlie, bata pa ako. Hindi pa talaga ito ang masasabi kong crush na crush, baka slight crush lang ito.
"Tara, duon tayo sa mga make up!" hila niya sa akin. Halos mapamura ako dahil sa klase ng pagkakahila, halos mabali ang braso ko. Jusko!
Tsaka niya lamang ako binitawan ng nanduon na kami sa harapan ng mga paninda. "Bili tayo. Bili ka din ng lipstick!" yaya niya sa akin.
Bumaba ang tingin ko sa mga nakahilerang make up sa may bangketa. Mura ang mga iyon, hindi ko tuloy alam kung safe na gamitin.
"Ano naman ang bibilhin mo?" panguusisa ko sa kanya. Alam ng tatay niya na bakla siya, pero ang isiping uuwi siya sa kanila ng nakamake up ay hindi ko maisip.
"Pwedeng lipgloss lang, para medyo kissable lips pag nanunuod ako ng basketball" nakangising sagot niya sa akin, tinaasan pa ako nito ng kilay.
Bumaling din ako sa mga paninda. Kinuha ko ang lipgloss na sinasabi ni Charlie. Bukod sa lipgloss, may binili pa siyang blush on kaya naman napailing na lamang ako. Tuwang tuwa pa siya habang iniikot ikot sa kanyang kamay ang plastick.
"Bagay iyan sayo, para naman magkakulay yang mukha mo paminsan minsan. Wag ka ng magblush on, shuta ka! Namumula ka pag naarawan. Sana all!" asik niya sa akin na may kasama pang panggigigil.
Natawa na lamang ako. Bago tuluyang umuwi ay kumain pa kami ng fishball. Hindi ko naman ganuon kapaborito ang fishball pero ginaganahan talaga akong kumain nuon sa tuwing direkta kang tutusok duon sa lutuan. Nakakaexcite, parang lutulutuan.
Maaga na akong gumising ng sumunod na araw dahil lunes. Babalik nanaman ako sa mansyon para magayos sa may garden. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa maliit na salamin, inilabas ko ang lipgloss ba binili ko sa tiangge kahapon.
Ilang beses ko lamang iyong pinadaan sa akong labi, kaagad ba kumulay. Mas lalo iyong tumingkad at nahalata dahil na din siguro sa aking kaputian. Sabi ng iba ang panget daw ng pagkaputi ko dahil maputla, parang bangkay daw at walang dugo. Hindi ko na lamang pinansin, nung minsang sinumbong ko iyon kay Mama, ang sabi niya inggit lang daw ang mga iyon sa akin.
"Aba aba! May palistick si Tathi ah!" puna kaagad ni Kuya Jasper sa akin pagkababa ko.
Sinamaan ko siya ng tingin. Lumingon din tuloy sina Mama at Papa sa akin. Nakaramdam ako ng hiya.
"Ganyan talaga Jasper, dalaga na itong pinsan mo eh" suway ni Papa sa kanya. Unti unting nawala ang aking hiya at kaagad na lumapit sa nakangiting si Papa para humalik sa kanyang pisngi.
"Naku Tathi, hanggang lipstick ka lang muna. Ayokong makita na kung ano ano yang nilalagay mong kolorete sa mukha mo" puna naman ni Mama sa akin. Napanguso tuloy ako, masyado kasing conservative si Mama. Ayaw niya sa mga babaeng may kung ano anong nilalagay sa mukha.
"Pag nakita mo yang pisnge mong namumula dahil sa blush on, sasampalin na lang kita" dugtong pa niya na mas lalong ikinatawa ni Kuya Jasper.
Sa inis ay itinaas ko ang kamao ko sa kanya. Sarap yayain ng suntukan, shuta.
"Hindi po ako magblublush on, Mama" paninigurado ko sa kanya at kaagad ba humalik sa kanyang pisngi.
Bago umalis sa bahay ay nagbaon pa ako ng chicharon. Kahit ata araw araw akong kumain nuon hindi ako magsasawa. Sabi nga nila, love your own. Kaya minamahal at tinatangkilik ko ang producto namin. Iyon nga lang, palagi akong pinapagalitan ni Mama dahil malulugi daw kami sa kakakain ko.
"Aba, dalaga na si Tathi!"
"Oh, himala!"
Panay ang pagpunang naririnig ko sa mga kapitbahay namin at ilang mga kakilala habang naglalakad ako. Hindi ko alam minsan kung puri ba talaga ang mga iyon o mas lalo lamang nila akong inaasar.
Ganuon din ang natanggap ko kay Manong guard pagmapasok ko sa mansyon. Masarap din pala sa pakiramdam pag may lipgloss sa labi, malambot at madulas. Panay tuloy ang paggalaw ko duon para mas lalong kumalat sa aking labi.
"Magandang umaga po, Manang Bobby!" nakangiting bati ko.
Nagtaas siya ng kilay sa akin. Akala ko ay pupunahin niya ang labi ko. Bumaba ang tingin niya sa dala kong chicharon. "Aba't ka man lang dala para sa amin?" sita niya sa akin kaya naman napatawa ako.
"Bukas po dadalhan ko kayo nung may backfat. Basta sa susunod bibili na po kayo sa akin ha"
Dumiretso na ako sa garden pagkatapos nuon. Napanguso ako ng makita kong bakante ang lamesa na palaging inuupuan ni Senyorito baby. Sayang naman, aalokin ko pa naman siya ng chicharon at sasabihing umorder din sa akin sa susunod.
Napailing iling ako sa aking naisip. Shuta ka Tathi! Buti kung magawa mo iyon! Tuluyan na sana akong lalabas patungo sa garden ng kaagad akong mapahinto sa aking kinatatayuan.
Bayolente akong napalunok, ramdam ko din ang pagtulo ng malalaking butil ng pawis sa aking noo. Sa aking harapan ngayon ay ang walang pangitaas na si Senyorito baby, mabilis ang andar ng sinasakyang threadmill kaya naman maging ang kanyang magkabilang braso ay panay din ang galaw.
May nakasuksok na kung ano sa kanyang magkabilang tenga. Diretso ang tingin habang patuloy sa ginagawa. Tanging itim na shorts na panggym ang suot niya, nakarubber shoes din siya. Wala sa sarili akong napahawak sa aking dibdib, ang ganda ng katawan! Kayang kaya akong ipaglaban!
Napangiti ako sa aking naisip. Grabe din ang muscles niya, parang sa mga magazine ko lang nakikita ang mga ganitong katawan ah! Ang mga lalaki kasi dito sa amin, panay mamalaki ang tiyan dahil sa kakainom.
Nagulat ako ng lingonin niya ako habang patuloy sa pagtakbo. Sa pangalawang beses na lingon niya sa akin ay kumunot na ang noo niya. Bayolente tuloy akong napalunok at tahimik na lumakad patungo sa garden. Pero hindi! Dadaan pa muna ako sa gawi niya bago tuluyang nakalabas.
Bakit ba kasi, paharang harang iyang threadmill sa daraanan. Habang papalapit ako sa kanya, nakita kong may pinindot siyang kung ano duon kaya naman bumagal ang kanyang takbo. Panay ang lingon niya sa akin, nakakunot pa din ang noo.
"Magangda umaga po, Senyorito" magalang na bati ko sa kanya. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang muli niyang pagpindot, ngayon tumigil na sa pagandar ang threadmill.
Nagtaas siya ng kilay sa akin. Nakatutok pa din siya sa aking mukha. Hindi ko tuloy alam kung ano ang problema. Lalagpasan ko na sana siya dahil alam ko namang hindi ito bumabati pabalik.
"Ay shuta!" hiyaw ko sa gulat ng higitin nito ang aking braso.
Halos maubos ang hangin sa aking buong katawan ng makita ko ang paglapit ng kanyang mukha sa akin. Bayolente akong napalunok ng makumpirma ko kung saan siya nakatingin. Mabilis ko tuloy tinakpan ng palad ko ang aking labi.
Dahil sa aking ginawa ay dahan dahan din naman niya akong binitawan. Mabilis akong tumakbo papunta sa pwesto ko pagkatapos nuon. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa mabilis na pagtatambol duon. Hindi ko kinaya! Para akong magkakaheart attack!
Patago akong sumulyap sa kinalalagyan ni Senyorito baby kanina. Napanguso ako ng makitang wala na siya duon. Sayang naman! Gusto ko pang makita ang kanyang hubad na katawan na may pawis pa. Ang sexy talaga!
"Oh, anong tinitingin tingin mo diyan ha?" tanong ko sa maliit na dwendeng nakangiti sa akin. Umupo ako sa nakadiplay na mushroom sa may garden. Magpapahingi muna ako sandali, para na din akong nagexercise kanina dahil sa kabang naramdaman ko.
"Sayang, akala ko ikikiss ako" nakangising sabi ko duon sa dwendeng nakangiti pa din sa akin. Wala sa sarili kong binilang ang dwende ni snow white sa may garden, nakakalat sila at may kanya kanyang posing.
Una kong inayos ang mga bonsai, kinuhanan ko din iyon ng mga naligaw na halaman sa may gilid. Inarrange ko ang mga paso, mula sa panget hanggang sa mga magaganda. Sa dulo ko nilagay ang panget para maunang makita ang magaganda.
"Shuta!" asik ko ng marinig ko ang malakas na pagkulog at pagkidlat.
Hindi ko napansin na unti unti na palang kinain ng dilim ang kaninang mataas na sikat ng araw. Base sa lakas ng hangin at sa dilim ng mga ulap ay nasisigurado kong malakas na ulan ang mangyayari.
Napapikit ako ng unti unti kong maramdaman ang pagbagsak ng ulan. Napatingala pa ako nung una habang dinadama iyon.
"Tathi! Sumilong ka na dito, ikaw talagang bata ka!" sigaw ni Manang bobby mula sa loob ng mansyon.
Kaagad ko siyang tinanguan. Mabilis kong ibinaba ang mga gamit pang garden na hawak ko at tumakbo patungo sa loob. Nakahinga ako ng maluwag, saktong sakto ang aking pagpasok sa loob, mabilis na bumuhos ang malakas ba ulan sa labas.
"Humingi ka ng mainit na tsokolate duon sa may kitchen" utos niya sa akin na ikinalaki ng aking mga mata, Mirienda!
Napawi ang ngiti ko patungo sa may kitchen ng makita kong nanduon sa may dinning nakalapag ang laptop ni Senyorito baby. Kagaya ng dati ay mga mga documento ding nagkalat duon. Nagiwas ako ng tingin sa kanya at itinuon ang aking mga mata sa pintuan ng kitchen.
"Bata, padalhan mo ako ng kape" malamig na sabi niya. Napahinto tuloy ako. Muli ko siyang nilingon ngunit ang kanyang mga mata ay diretso ang tingin sa kanyang laptop.
"Ako po ba ang kausap niyo?" inosenteng tanong ko sa kanya. Last time icheck ayaw niya akong kausapin.
Nakita ko ang kanyang pagtitiim bagang. Matalim na tingin ang iginawad niya sa akin. "May ibang tao pa ba dito? Bukod sayo at sa akin?" iritadong tanong niya sa akin. Wala sa sarili akong napalingon, tama wala ngang tao.
"Damn it" matigas na sambit niya.
"Sige po, kukuha po ako" sabi ko sa kanga at kaagad tinakbo ang kitchen. Saktong nakita ko ang ilang kasambahay.
"Kape daw po si Senyorito Cairo"
Mabilis silang nagtimpla ng kape para dito.
Habang hinihintay iyon ay nabigyan na din ako ng mainit na tsokolate. "Ano po ang timpla ng kape ni Senyorito?" tanong ko sa kasambahay na gumagasa nuon. Gusto kong malaman para sa susunod baka pwedeng ano na ang gumawa nuon para sa kanya.
Sabi nga nila. A way to a man's heart is through his stomach.
"Pure black, no cream, no sugar" sagot nito sa akin kaya naman napangiwi ako.
"Anong lasa nun? Ang pait naman. Kaya siguro masungit siya noh?" sabi ko pa dito kaya naman napangiti siya.
Sumimsim ulit ako sa aking mainit na tsokolate bago ko hinatid ang kape ni Senyorito Cairo. Buong akala ko, hindi na ako papayagan na maghatid ng kape sa kanya dahil sa nangyari nung nakaraang araw.
Matalim ang tingin niya sa kanyang laptop ng pumasok ako sa dinning. Nanginig kaunti ang kamay ko ng lumipat ang tingin niya sa akin. Nakakatakot pero nakakainlove! Shuta. Bahagyang tumaas ang gilid ng kanyang labi ng makita ang panginginig ng aking kamay.
Nagngiting aso ako sa kanya para itago ang aking kaba. Nakahinga lamang ako ng maluwag ng maingat kong nalapag ang tasa ng kape sa lamesa.
"Uhm...no cream, no sugar po" medyo nauutal ko pang sabi sa kanya.
Nakita ko ang titig niya sa akin. Muling tumaas ang kilay niya ng bumaba ang tingin niya sa labi ko. "Maganda po ba ang lipstick ko?" nakangiting tanong ko sa kanya. Pansin ko kasi kanina pa niya iyon tinitingnan.
Nagiwas siya ng tingin, bago nagtiim bagang. "What lipstick? I don't see any" masungit na saad niya bago siya sumimsim sa kanyang kape.
Napanguso ako para itago ang ngiti. Muli siyang sumulyap sa akin kaya naman naabutan niya akong ganuon. Kumunot ang noo niya.
"Anong nginunguso nguso mo diyan?" galit na tanong niya sa akin. Mabilis kong itinikom ang aking labi.
"Gusto niyo po ng asukal? Wala po kasing lasa iyan" puna ko sa kanyang kape.
"Shut up and leave" matigas na sabi niya.
Napakamot tuloy ako sa aking ulo. Muli kong naalala ang naiwan kong mainit na tsokolate, baka lumalig na iyon pag hindi ko pa binalikan. Tuluyan na sana akong aalis ng maabutan ako ni Manang bobby.
"Oh Tathi, mga pinaglumaan ito ni Senyorita Lumi, baka may kasya sa iyo o may gusto ka" sabi niya sa akin sabay pakita ng dalawang itim na plastick bag.
Tumango na lamang ako sa kanya. Ilang hakbang lang ang layo namin kay Senyorito baby, sumulyap ako sa kanya pero hindi nawala ang tingin niya sa kanyang laptop. Kawawang laptop, wala namang kasalanan pero ang sama ng tingin sa kanya.
"Mayroon nga palang, itim na sapatos dito. Pwede mo itong masuot sa graduation mo"
Kaagad na napaawang ang aking labi. Tamang tama, pinoproblema ko pa naman iyon. Wala kasi akong isusuot dahil nasagasaan ang itim kong sapatos.
"Tamang tama po. Wala na po akong black shoes kasi nasagasaan" kwento ko kay Manang bobby. Nagulat siya.
"Sino naman ang walanghiyang nakasagasa sa sapatos mo?" medyo galit pang tanong ni Manang bobby. Gusto kong matawa dahil sa naging reaction niya.
Napasulyap tuloy ako kay Senyorito baby. Mas lalong kumunot ang kanyang noo. "Isang hindi kilalang sasakyan ang nakasagasa, Manang bobby. Ni hindi nga po huminto eh...kung magpatakbo kasi mabilis" kwento ko pa kaya naman mas lalong nagalit si Manang bobby.
"Aba'y gago!" asik niya kaya naman napatawa na ako. Hindi ko na napigilan, paano kaya pag nalaman ni Manang na si Senyorito ang tinutukoy ko.
Palihim akong sumulyap sa kanya. Ngayon ay nagtiim bagang na siya. Shuta!
"Pero ayos lang po Manang, mukha naman pong gwapo yung driver" sabi ko at muling sumulyap kay Senyorito baby. Nanlaki ang aking mata, naginit ang aking magkabilang pisngi ng makita kong nakatingin na ito sa akin ngayon.
"Aba't ano naman ngayon kung gwapo. Aba'y gago pa din siya, sino ba siya para magpatakbo ng mabilis dito" laban pa din ni Manang ba mukhang masyadong naapektuhan sa aking kwento.
Nakangisi akong bumaling kay Senyorito Cairo. Galit na galit na ito ngayon.
Naging mabilis ang paglipas ng araw. Naging abala ang lahat para sa aming graduation. Maagang nagtungi si Charlie sa aming bahay para tulungan akong magayos.
"Wag masyadong mapula ang pisngi, Charlie. Ayoko ng ganuon" paalala sa kanya ni Mama.
"Noted tita!" nakangiting sabi niya dito.
Siya ang nagpresinta na magayos sa akin para sa graduation. Bukod kasi sa wala naman talaga kaming panggastos para sa pagpapaayos ay wala naman din akong balak sana. "Kulot natin ang buhok mo, parang snow white na snow white ka na talaga" excited na sabi niya sa akin. Napanguso na lamang ako, hahayaan ko na lamang siya sa kung ano ang gagawin niya, wala din naman akong alam sa ganuon.
Nakabihis na si Charlie. Sabay siya sa amin na pupunta sa school ay duon na lang kikitain ang kanyang pamilya. "Anduon daw ang crush ko ah, siya ang papalit kay Governor dahil wala" kwento niya sa akin habang naglalagay ng kung ano sa mukha ko.
Crush mo lang? Crush ko din kaya! Senyorito baby ko kaya yon!
Gusto ko sanang sabihin sa kanya, ang kaso baka topakin at hindi pa maituloy ang pagmamake up sa akin.
"Kasama din ata ang ex friend mong si Lumi. Haisst ang epal talaga nuon" frustrated na sabi pa niya na kaagad kong
Tinanguan. Napatawa siya at kaagad akong binatukan. Sinamaan ko siya ng tingin pero kaagad ko ding binawi.
Matapos akong ayusan ni Charlie, bumaba na din kami kaagad para hindi malate sa ceremony. Ngiting ngiti si Papa at Mama habang pababa ako. Panay ang puri nila sa akin.
"Ang ganda talaga ng anak mo tita, kung lalaki lang ako liligawan mo to eh. Pero buti na lang hindi, kasi dugyot" pangaasar pa niya sa akin. Natawa ako at kaagad siyang hinampas sa braso.
Sakay ng aming lumang pic up ay tumulak na kami patungo sa school. Panay pa din ang pangaasar sa akin ni Kuya Jasper, pinagtulungan nila ako ni Charlie. Bumaba kami sa harap ng school at nakitang madami na ding tao. Kahit masaya ay mabigat pa din ang aking dibdib. Mas espesyal sana ang araw na ito kung ano ang tatawagin bilang valedictorian.
Bumili si Papa ng bulaklak na ilalagay sa aking toga. Nang tuluyang makita ang iba pa naming mga kaklase ay nagsimula na din ang panlalait ni Charlie.
"Shuta, pakapalan ng blush on ah!" bulong bulo niya habang minamata ang mga ito. Siniko ko na lamang siya para tumigil na siya. Nakapila na kami ngayon para sa paglalakad sa harapan. Hindi na namin kasama ang mga magulang namin, nakaupo na sila ngayon sa nakahandang mga silya. Masyado kaming madami para gawin pa iyon.
Napahinto ang lahat ng dumating ang kulay itim na trailbalizer. Napasinghap ang mga kaklase kong babae ng lumabas si Senyorito baby. Jusko! Napakagwapo! Puting long sleeve ba tinupi hanggang siko, at itim na slacks lamang ang suot niya pero sobrang lakas ng dating. Ayos na ayos din ang kanyang buhok.
"Shet, ang sarap!" daing ni Charlie sa aking gilid. Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi niya ako pinansin lalo na ng mas lalong nakaroon ng bulungan ng lumabas din si Lumi mula duon. Napanguso ako ng makita kong nagalok pa siya ng kamay para tulungan itong makababa.
Mabilis silang sinalubong ng head teacher para igaya paakyat sa stage kung nasaan ang mahabang table. Nanduon na din sa harapan ang prinsipal at ilang importanteng panauhin.
Hindi nawala ang tingin ko sa kanya. Kung pagtatabihin sila ni Lumi, hindi mapagkakailang bagay na bagay sila. Kumirot tuloy ang aking dibdib dahil sa naisip.
Isa isa kaming tinawag at naglakad sa gitna. Kabadong kabado ako, maglalakad lang naman at uupo. Hindi ko alam kung bakit. Nakita kong seryosong nanunuod si Senyorito baby sa mga naglalakad na estudyante. Ni hindi nga nito nakuhang ngumiti, hindi kagaya ng katabi niyang si Lumi na panay ang kausap sa mga nanduon sa stage. Ano? Nangangampanya?
"Torres, Tathriana M."
Mas lalo akong kinabahan habang naglalakad sa gitna papalapit sa stage. Kita ko ang pagtingin nito sa akin, ni ang lumunok ay hindi ko magawa dahil sa klase ng tingin niya sa akin. Nang tuluyang makalapit, nakita ko ang bahagyang pagtaas ng gilid ng kanyang labi. Shuta!
Kahit nagsimula na ang program. Pansin jo pa din ang paminsan minsang pagsulyap ni senyorito baby sa akin. Ano kaya ang iniisip niya?
"Our class Valedictorian. Gonzales, Maricris..."
Hindi ko na nasabayan ang anunsyo ng emcee. Ni hindi ko na din narinig pa ang palakpakan ng mga tao. Bumagsak ang mga mata ko sa aking hita. Parang sasabog ang dibdib ko habang nagsasalita si Maricris sa harapan. Sayang, pinaghandaan ko pa man din sana ang speech.
Marahan kong pinunasan ang luha sa aking pisngi sa takot na may makapansin sa aking pagiyak. Masasabihan nanaman akong bitter. Umangat ang tingin ko sa stage, imbes na sa nagsasalitang si Maricris ako mapatingin ay lumipad ang tingin ko kay Senyorito, titig na titig siya sa akin habang nakakunot ang kanyang noo.
Nakita niya kaya akong umiiyak?
Pinilit kong maging masaya para sa natitirang parte ng ceremony. Nagkaiyakan pa ang ilan naming mga kaklase dahil sa pagtatapos namin. Pinagkaguluhan ang stage pagkatapos. Panay ang papicture ng mga babae kay Senyorito baby, kay Lumi naman ang mga kaklase naming lalaki.
Gusto ko din sanang magpapicture pero wala akong lakas na tumayo sa aking kinauupuan. "Hoy shuta, wag ka ng malungkot. Para sa amin, ikaw pa din ang Valedictorian!"
Mabilis akong yumakap kay Charlie. "Salamat"
Unti unti ding nawala ang mga tao. Kanya kanyang labas sa paaralan ang lahat. "Tathi!" sigaw na tawag ni Manang bobby sa akin.
Mabilis akong tumakbo patungo sa kanya. Binati niya ako ng congratulations. Nagulat ako ng makita kong may hawak siyang box.
"Para sa iyo ito" nakangiting sabi niya sa akin. Nanlaki ang aking mga mata ng buksan ko ang box. Isa iyong dollshoes, sa pangalan na nakalagay sa box at sa paper bag nuon ay nasisigurado kong mahal iyon.
"Kanino po ito galing?" tanong ko.
Sasagot na sana siya ng kaagad kaming nagulat ng bumusina ang trailblaizer na sinasakyan nina senyorito baby. Mukhang susunduin na. Sandaling nagpaalam si Manang bobby sa akin kaya naman tinanguan ko siya. Hindi maalis ang tingin ko sa dollshoes.
"Congrats"
Napasinghap ako ng lingonin ko si Senyorito baby. Tamad na tamad siyang nakatingin sa akin. Nahuli ko pa ang pagbaba ng tingin niya sa box ng sapatos na hawak ko.
"Salamat po" nakangiting sabi ko dahil sa kanyang pagbati.
Tamad lang din siyang tumango sa akin habang nasa malayo nakatingin. Hahakbang na sana siya para umalis ng pigilan ko siya. "Pwede po bang makahingi ng graduation gift?" wala ng hiya hiyang tanong ko.
"Damn it, isn't that shoes enough?" iritadong sabi niya na hindi ko naman naintindihan.
"What now?" galit na tanong niya sa akin.
"Pwede pong magpapicture?" nakangiting tanong ko sa kanya. Napabuntong hininga siya.
"Fine" pinal na sabi niya kaya naman kaagad na lumawak ang aking ngiti. Lalapit na sana ako sa kanya ng balingan niya ako. Punong puno ng pagtataka ang kanyang mukha.
"Where the fuck is your phone?" iritadong tanong niya.
Napaawang ang labi ko. Oo nga pala! Shuta. Nahihiya akong napakamot sa aking batok.
"Wala po akong cellphone eh. Pwedeng sa cellphone niyo na lang?" kinakabahang sabi ko sa kanya. Nalaglag ang kanyang panga.
Nagawa ko pa din siyang ngitian kahit ganuon. "This is bullshit" matigas na sambit niya bago niya padabog na kinuha ang cellphone sa bulsa.
Nanlaki ang aking mga mata. "Yehey!"
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro