Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29

Hatol









Napatagal ang titig ko kay Cairo. Nanatili din naman ang lalim ng titig niya sa akin na para bang gusto niyang patunayan sa akin sa pamamagitan ng kanyang mga mata ang sinseridad ng kanyang mga sinabi.


Hindi ko napigilang tumaas ang isang sulok ng aking labi dahil sa pagpipigil ng aking ngiti. Kita ko ang dahan dahang pagkunot ng kanyang noo. "Why are you smiling?" seryosong tanong niya sa akin.


Napakagat na ako sa aking pangibabang labi. Konting konti na lang ay lalabas na ang ngipin ko dahil sa pagkakangiti. "Ang drama mo, Senyorito ha..." nakangusong sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pagawang ng bibig niya dahil sa gulat. Hindi niya siguro inaasahan na sasabihin ko iyon sa kanya.

Nagigting ang panga niya ng makabawi at tsaka mabilis na nagiwas ng tingin sa akin. Mas lalo akong napanguso. "Hindi ako magkakacrush sa iba...pustahan pa!" laban ko sa kanya. Tinitigan ko siya pero nanatili na lamang ang tingin niya sa court. Nakakunot pa din ang kanyang noo.


Kinuhit ko ang kanyang braso. Sa simpleng pagkuhit ko duon ay mas lalo ko lang napatunayan na matigas iyon, alagang alaga sa workout. Siguro nagbubuhat ito? Magpabuhat kaya ako? Try lang.


"Uhmm. Galit ka po?" malambing na tanong ko. Baka lang naman madaan sa lambing.


Bahagya siyang umiling, pero nanatili pa din ang tingin niya sa court. Para tuloy siyang may kaaway duon. Napasulyap ako sa katabi kong si Charlie pero kagaya ni Cairo ay nakatutok siya sa may court ang pinagkaiba lang ay naghuhugis puso ang mga mata ni Charlie samantalang si Cairo ay parang ano mang oras ay mas lalabas ng laser sa mga mata at makakapatay ng kung sino mang taong mahagip ng kanyang mga mata.


"Charlie..." tawag ko sa kanya pero tumaas lang ang kilay niya sa akin.


"Charlie kumain ka ba?" tanong ko ulit. Para kasing kanina pa nakapako ang pwet niya dito. Nagaalala din naman ako sa kaibigan ako. Busog ako pero siya?


"Kumain na" tipid na sagot niya sa akin. Diosmio, parang takot na takot kumurap ang shuta habang nakatitig sa mga players. Inirapan ko na lang siya kahit hindi naman niya iyon nakita. Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Cairo at nagulat ako ng makita kong nakatingin na din siya sa akin.


Matamis ko siyang nginitian pero inirapan niya lamang ako. "Ang sungit naman ng baby ko..." pangaasar ko sa kanya. Shuta! Biglang namanhid ang buong katawan ko. Hindi ko napigilan iyon, bigla na lang lumabas sa aking bibig.


Nagtaas siya ng kilay sa akin. Hanggang sa nakita ko ang dahan dahang pagtaas ng isang sulok ng kanyang labi. "Baby huh? Matapos mong hindi ituloy ang panunuyo mo sa akin?" masungit na tanong niya. Kumunot ang noo ko. Ano daw?


Mas lalo siyang napangisi ng manatili ang pagtataka sa aking mukha. "Pakuhit kuhit ka pa diyan..." bulong bulong niya kaya naman muling bumaba ang tingin ko sa matigas at matipuno niyang braso.


Hindi ko alam kung ano ang biglang sumapi sa akin. Basta mabilis kong niyakap ang braso niya at tsaka ko sinandal ang pisngi ko duon habang nakatingin sa kanya. Kita ko ang pagkabigla niya.


"Promise, wala akong magiging ibang crush. Ikaw lang" paninigurado ko sa kanya. Nanatili ang tingin niya sa akin, hanggang sa mapapikit ako ng pitikin niya ang noo ko.


"Siguraduhin mo, Tathriana. Pag ako may nabalitaan, uuwi kaagad ako dito galing Spain at paparusahan kita" pagbabanta niya sa akin. Imbes na matakot ay parang na excite pa ako.


"Anong parusa?" excited pang tanong ko kaya naman mas lalong nalaglag ang panga niya.


"Shut up" matigas na sabi niya sabay irap sa akin.


Imbes na manatili duon kasama si Charlie ay nagpaalam na muna ako ba ihahatid na si Cairo pabalik sa kanyang sasakyan, malapit na din kasi ang susunod naming klase. Magkahawak ang kamay namin habang tinatahak namin ang daan patungo sa parking space. Napapanguso ako sa tuwing nakikita ko ang mga malalagkit na tingin ng ibang estudyante sa kanya. Wala naman siyang pakialam kaya ok lang. Bahala siya diyan.

"Eh paano pag ako naman ang may mabalitaan. Ang daya hindi ako makakapunta sa spain para parusahan ka" laban ko sa kanya. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa, nagkibit balikat na lamang ako.


"Makakapunta ka din duon..." sabi niya sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako, sus! Ni hindi ko nga naranasang magout of town, out of the country pa kaya?


Hinarap niya ako ng nasa tapat na kami ng kanyang sasakyan. Hinapit niya ako sa aking bewang at tsaka niya ako hinalikan sa aking noo. "Be good. Give me peace of mind" paalala niya sa akin.


Napahawak ako sa kanyang dibdib habang ang kanyang labi ay pabalik balik sa paghalik sa aking noo. Nanatili ang isang niyang kamay sa aking likod para mas lalo akong hilahin palapit sa kanya.

"Ingat sa byahe" sabi ko, kaya naman napatango siya.

Napatingala ako sa kanya. Duon ko nakitang nakadungaw na din siya sa akin, nakatingin siya sa aking labi kaya naman muling uminit ang aking pisngi. I want to kiss him, pero nasa school kami at maraming estudyante.


"Uhm..." hindi ko alam kung paano ko itutuloy ang pagpapaalam ko. Dapat ngayon ay kumakaway na ako sa kanya habang siya ay nagdadrive na palabas ng campus. Pero heto kaming dalawa at parang may hinihintay pang mangyari.


"You want to go inside my car?" tanong niya sa akin. Muling naginit ang aking mukha. Bumaba ang tingin ko sa kanyang dibdib at tsaka bahagyang tumango.


Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa may front seat. Nang makapasok na ako ay sinundan ko pa ng tingin ang pagikot niya papuntang driver seat. Pagkapasok na pagkapasok niya ay kaagad niya akong sinunggaban ng halik. Hindi na ako nagreklamo, nagpaubaya ako sa kanya. Lumalim ang halik niya sa akin dahilan kung bakit naramdaman ko pa ang pagbaba nuon sa leeg ko.


Hindi ko siya sinasadyang natulak. Gulat siya dahil sa aking ginawa. Nahihiya akong humawak sa aking leeg, damang dama ko pa ang mainit niyang labi duon. "May kiliti kasi ako dito eh..." nahihiyang sabi ko sabay iwas ng tingin. Shuta.


Napakagat labi siya kaya naman napanguso ako. Inabot niya ang ulo ko at marahang sinuklay ang medyo nagulo ko ng buhok. "I'll text you later. Sige na at may klase ka pa" nakangising sabi niya sa akin. Sinulyapan ko siya, duon ko nakitang medyo nagulo din ang buhok niya.

Itinaas ko ang medyo nanginginig pang kamay ko. Nabato siya sa aking ginawa, nagtaka pa siya nung una pero hinayaan niya na lamang ako ng marahan ko ding sinuklay ang nagulo niyang buhok. Napatitig siya sa akin hanggang sa halos mapahiyaw ako sa gulat ng hilahin niya ang kamay ko patungo sa kanya. Napasubsob ako sa kanyang dibdib, sobrang bango!

"I'm sorry..." paos na sabi niya. Kumunot ang aking noo.


"Ba...bakit?" tanong ko.


Naramdaman ko ang kanyang pagiling. Hanggang sa muli kong naramdaman ang paghalik niya sa aking ulo.


Lutang ako pagkabalik ko sa court para sunduin na si Charlie. Hindi ko alam kung saang parte ako naging lutang. Sa halik? Sa halik nga siguro.

Kahit papaano ay nasasanay na kami ni Charlie sa buhay college. Nung una naeenjoy pa namin yung pagbyahe byahe pero ngayon ay hindi na. Nakakapagod din pala talaga kahit nakaupo ka lang sa jeep.


"Shuta! Kalahati ng pwet ko lang yung nakaupo ah!" reklamo niya pagkababa namin ng jeep. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang pinapakinggan ang mga hinaing niya. Malayo layo pa ang lalakarin namin patungo sa building namin ngayon. Maaga pa naman kaya naman hindi kami gaanong nagmamadali.

Dinungaw ko ang cellphone ko at kaagad na nagtype ng message kay Cairo.


Ako:

Good morning. Nasa school na ako. Ingat ka.

Kung hindi siya nakakapunta ay panay naman ang text namin at kung minsan tawag pa nga. Masyado siyang busy sa companya nila lalo na't ang isa daw niyang kapatid ay nagdoDoctor at hindi ganuon kabihasa sa pasikot sikot sa kanilang companya. Ayos na din iyon, halos araw araw nga siyang nandito. Hindi kaya nagtataka ang pamilya niya?


Pagdating namin sa room ay may kanya kanyang mundo na ang aming mga kaklase. Saglit lang nila kaming tiningnan bago sila ulit bumalik sa mga ginagawa nila. Hindi na din sila masyadong vocal sa pagdisgusto nila sa amin, pero ipinaparamdam naman nila. Lalo na ng nagkaroon kami ng groupings sa isang minor subject, halos maout of place kami ni Charlie.


Pagkaupo na pagkaupo sa aking upuan ay muli kong dinungaw ang aking cellphone. Nakaramdam ako ng lungkot ng makitang wala pang reply si Cairo. Baka busy? Baka tulog pa? Maaga pa kasi, 7:30 ang klase namin at wala pa atang 7 ng magtext ako sa kanya.

Inilabas ko ang notebook ko at ilang ballpen. "Bili ka ng bili ng ballpen, hindi ka naman nagsusulat!" pangaasar ko kay Charlie. Mas gusto kasi nito ang handouts. May handouts din naman ako, pero habang naglelecture ay nagtatake down notes talaga ako. Ang ibang kaklase naman namin ay nasanay sa pagrerecord sa kanilang cellphone.


Natigilan kaming lahat, napasinghap pa nga ang iba ng may pumasok sa aming classroom. Hindi iyon ang aming professor, pero kilalang kilala siya ng lahat. Plantsadong plantsado ang kanyang suot na puting uniform, ang itim niyang slacks ay ganuon din. Mukha siyang bagong paligo kaya naman mukhang ang bango bango din niya, clean cut ang buhok at medyo intimidating. Lalo na at seryoso ang kanyang mukha ngayon, mukhang suplado.

"Aray" daing ko. Naputol tuloy ang pagiisip ko. Sa sobrang kilig ng shutang si Charlie ay nakurot pa ako. Halos maiyak ako sa inis habang hinihimas ang namumula kong braso na kinurot niya.


Parang biglang umamo ang lahat, sobrang tahimik na para bang maririnig na namin ang paghinga ng isa't isa. Napatingin ako sa harapan, nakatayo siya sa may teacher's table. May makapal na papel din nuon na dala dala niya kanina. Sandali niyang pinasadahan ng tingin ang buong classroom hanggang sa huminto ang tingin niya sa akin. Nagulat ako, lalo na ng nagtaas siya ng kilay sa akin. Shuta.


"Because you are all a freshman, some of you kilala na ako. Lalo na kung umattend kayo sa orientation. Pero some of you..." napahinto siya sa pagsasalita at kaagad na tumingin sa akin, muli tuloy akong napanguso. "Some of you, hindi umattend kaya naman hindi pa ako kilala" pagpapakilala niya at napabuntong hininga pa nga. Nakarinig pa ako ng pagsinghap mula sa likuran. Anong problema ng mga iyon?


"I'm Cayden Santos, student council president for Legal management" pagpapakilala niya. Nagkaroon tuloy ng parang bubuyog dahil sa mga kaklase namin. Napatingin ako kay Charlie, shuta! Nakatulala at parang maglalaway pa ata!

"Quite" seryosong suway niya. Maging ako ay parang kinilabutan dahil sa lalim ng boses niya.

Ipinaliwanag niya sa aming hindi makakapasok ngayon ang professor namin para sa principle of economics naming subject. Magsasagot lang daw kami ng limang page na seatwork. Shuta! Nang idistribute ang mga papel ay sabay sabay na halos ngumudngod ang mga kaklase namin para makapagsagot. Napaawang ang bibig ko, amazing...


Kumunot ang noo ko ng mabasa ako ang sumunod na tanong. Hindi ko maintindihan, parang mag kulang sa tanong eh. Oh ako lang? Naghihintay ako na may kaklase akong magtanong pero wala man lang nagtaas ng kamay. Hindi kaya, hindi din nila alam kaya wag na lang sagutan? Ganuon ba?



Nilagpasan ko muna yung tanong na iyon at nag proceed sa sumunod. Ok naman ba sana, panay ang lakad ni Cayden sa may gitna para magbantay, hanggang sa naramdaman ko ang paghinto niya sa aking gilid. Hindi ko sana papansinin nung una haggang sa nagtagal talaga siya duon, at ramdam na ramdam ko pa ang pagkakadungaw niya sa aking papel. Shuta! Wala nga akong masagot eh.



Matapang ko siyang tiningala. Pareho pa kaming nagulat na dalawa ng magtama ang paningin namin. "Bakit?" tanging tanong ko pero gustong gusto ko siyang tanungin kung bakit siya nakatingin sa papel ko. Bakit hindi sa iba ba lang!



Sandali siyang nagtaas ng kilay sa akin. "May tanong ka ba?" tanong niya sa akin. Napanguso ako.


Itinaas ko ang papel ko at ipinakita sa kanya ang tanong na pakiramdam ko ay may kulang. Pagkaturo ko sa number na iyon ay napangisi siya. "Guys. Kulang ang given sa question number 5. Bakit walang nagtatanong?" nakagising anunsyo niya sa lahat. Sabay sabay na napa-ahh ang mga kaklase ko. Napailing na lamang siya Cayden.



"Mabuti ba lang nandito si Miss Tathi" sabi niya sabay tingin sa akin. Napakurap kurap ako. Inis!



Bumalik siya sa may white board at tsaka isinulat ang nawawalang given sa question  na iyon. Muling bumalik ang katahimikan hanggang sa nakahinga ako ng maluwag dahil nanatili na siya sa harapan at hindi na sa aking gilid. 30 minutes bago ang dismissal namin ay nagpasa na din kami. Nagmamadali pa ngang lumabas ang iba.



"Gutom na ako" reklamo ni Charlie. Sa jeep pa lang ay nasabi niya na sa aking hindi siya nakapagalmusal.


Tumango ako. "Kain tayo" sabi ko sa kanya. Nagkakagulo na ang lahat habang nagpapasa ng papel sa may table. Si Charlie ang tumayo at nagpasa ng papel naming dalawa. Hindi ko magawang tumingin sa harapan dahil ramdam ko pa din ang tingin ni Cayden sa akin.



Mabilis na naubos ang mga estudyante. May ilang tumambay pa sa tapat ng teacher's table at duon naginarte. "Miss Torres..." tawag ni Cayden na ikinagulat ako. Hindi kaagad ako nagreact, baka naman may ibang Torres pa dito. Wag assuming, Tathi!



Ilang minuto akong nagpalinga linga hanggang sa tumingin ako kay Cayden na nakatingin na ngayon sa akin, nakataas ang kilay. "Can you arrange this for me, alphabetical" sabi niya sabay turo duon sa mga testpaper namin.



Unti unting nawala ang tao sa loob. "Charlie, hintayin mo ako" bulong ko sa kaibigan kong kanina pa gustong makalabas para makakain. Alam kong titiisin niya ang gutom, halata namang crush niya si Cayden. Moment ito, hindi niya ito palalagpasin. I'm sure!



"Tathi, boys is life but food is lifer..." sabi niya sa akin na nagpalaglag ng panga ko. Shuta! "Hintayin kita sa cafeteria" sabi niya pa at nagmanadaling lumabas ng room. Bumagsak ang magkabilang balikat ko.


"Dito ka Miss Torres. Sit here" seryosong sabi niya sa akin. Siya pa mismo ang naghila ng silya para ilagay sa tapat ng teachers table. Wala akong nagawa kundi ang umupo duon at wala din akong nagaw ang umupo na siya paharap sa akin.


Tahimik siya nung una. Hanggang sa makita kong hawak niya ang nga index card namin. Pinasa namin iyon nung firstday. Nag 1x1 picture pa nga.


"Torres, Tathriana M." pagbasa niya. Nanlaki ang mata ko ng makita kong index card ko na ngayon ang tinitingnan niya. Shuta!


Kumunot ang noo ko. Sandali siyang sumulyap sa akin. "Taga Sta. maria ka pala..." sabi niya hindi ko pinansin. "Number mo to?" tanong pa niya kaya naman mas lalong kumunot ang noo ko. Natural! Alanga namang sayo!



"Syempre" medyo inis pang sagot ko. Kita ko ang pagnguso niya. "Hindi ako naniniwala..." akusa niya sa akin at nakita kong kinuha niya ang mamahalin niyang cellphone sa kanyang bulsa.


Ilang sandali siyang nagtipa duon hanggang sa naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko. Kinuha ko iyon at binasa ang message.


Unknown number:

Can you please save my number? Miss.


Kaagad akong nagangat ng tingin sa kanya at nakitang nakangisi na siya sa akin. "Number mo nga..." pangaasar niya.


Sinamaan ko siya ng tingin. Padabog kong itinago ang cellphone ko at inabala ang sarili sa ginawa para makaalis na din ajo duon. "Seen zoned" nakangising sambit niya. Hindi ko pinansin. Bahala siya diyan!



Nagkita kami ni Cairo sa robinson's malolos ng sumunod na araw. Medyo excited ako na kabado, hindi ko alam kung bakit. Siguro ay namiss ko lang siya.


"Hi!" nakangiting bati ko sa kanya at tsaka ko siya hinalikan sa pisngi. Tipid niya akong nginitian.


Umorder kami ng pagkain. Panay ako kwento tungkol sa school ko pero napansin kong tahimik siya. "Ok ka lang po?" nagaalalang tanong ko sa kanya.


Tipid siyang ngumiti sa akin at tumango. "Pagod lang sa trabaho" sagot niya.



Napanguso tuloy ako. Pakiramdam ko ay mas lalo siyang napapagod dahil pinupuntahan niya ako. "Dapat siguro, wag na muna tayong magkita?" suwestyon ko kahit nakakalungkot ang ideyang iyon.


Hinapit niya ako sa bewang papalapit sa kanya. "You can't make me do that..." nakangising sabi niya sa akin kasabay ng paghalik niya sa aking ulo.


"Eh kasi nakakapagod naman talaga ang byahe" pangangatwiran ko.


"Sulit ang pagod kung ikaw naman ang makikita ko" sabi pa niya kaya naman muling uminit ang pisngi ko.



"Eh may video call naman ah" sabi ko pa. Napatawa siya.



"Stop it Tathriana. Walang makakapigil sa aking pumunta dito" natatawang sabi niya sa akin.


Hinayaan ko siyang yakapin ang bewang ko. Dikit na dikit ang katawan ko sa kanya habang kumakain kami. Ramdam ko din ang paminsan minsang pagtaas baba ng kanyang kamay sa aking bewang.


"I like it. That you always wear me..." paos na sabi niya habang nakatingin sa kwintas na suot kong bigay niya.


Nginitian ko siya. "Palagi ko nga ding yakap yung mga bear eh" kwento ko pa. Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi.


"Para kunwari yakap mo ako?" nakangising tanong niya sa akin. Napangisi din ako.


"Eh, malambot naman ang mga bear. Ikaw matigas ka...yung muscles mo yung dibdib mo" shuta! Tathi preno!



Napahalakhak siya. "Damn it baby. Are you fantasizing me?" tanong niya sa akin kaya naman napaawang ang labi ko.


"Hindi ah!" laban ko pero tinawanan niya lamang aki. Inis!



Dahil maaga pa, niyaya ulit ako ni Cairo na manuod ng sine. Bumili pa kami ng milk tea at pop corn bago pumasok sa loob. "Thanks to google" pangaasar ko sa kanya pagkapasok namin sa sinehan. Maaga pa kaya naman bukas pa ang ilaw at kaunti pa lang ang tao.


Napangisi ako ng bumusangot ang kanyang mukha hanggang sa tumagal ang titig niya sa akin. "I want to date you everyday" seryosong sabi niya sa akin.


Nginitian ko siya. Hinawakan ko ang kanyang pisngi. Sandali siyang napapikit para damhin ang hawak ko. Hanggang sa muli siyang tumitig sa akin. "Tathriana, I want you only for me...kahit anong mangyari" sabi pa niya. Bumigat ang dibdib ko, hindi ko alam kung bakit.



Tipid ko siyang nginitian. "I am"


Kita ko ang pagpungay ng kanyang mga mata. "You'll always have me" sabi pa niya sa akin bago niya ako hinila para halikan sa noo.


Kumunot ang noo ko. "Aalis ka na ba papunta spain?" natatawang tanong ko. Para kasing nagpapalam na siya eh.


Tipid siyang ngumiti at umiling. "Hindi pa" sagot niya sa akin kaya naman nakahinga ako ng maluwag kahit nanatili ang bigat sa aking dibdib.


Pagkatapos manuod ng sine ay napagpasyahan na naming umuwi. Imbes na pumasok sa kanyang sasakyan. Ay walang pagdadalawang isip ko siyang niyakap, sinuklian din naman niya iyon. Nagsumiksik ako sa kanyang dibdib.


"Kailan ulit tayo magkikita?" tanong ko. Alam ko kasing busy siya.


"Thursday?" hindi niya din sure. Pero napahinto ako. Yun ang araw kung kailan ibaba ang hatol.


Sandali niyang tinaniman ng halik ang aking labi. "Kahit anong maging hatol. Magkikita tayo sa thursday" sabi niya sa akin kaya naman tumango ako.


"Sisiputin mo ba ako?" tanong niya. Tumango lamang ako pero hindi siya nakuntento. "Promise me" pamimilit niya. Nginisian ko siya.


"Promise, Senyorito baby!" matapang na sabi ko kaya naman natawa kaming pareho.


Naging busy din kami sa mga reporting sa school ng mga sumunod na araw. Panay pa din ang text at tawag namin ni Cairo. Hanggang sa muling bumigat ang lahat ng dumating ang araw ng thursday.



Halos lahat ay nakatutok sa balita. Masyadong naging malaki ang pangyayaring ito kaya naman laman ng balita ang magiging hatol ngayon. "Umuwi na lang tayo kaagad" sabi ni Charlie sa akin na halatang kabado na din. Kabado din naman ako, pero may tiwala akong lalabas kung ano man ang totoo.


Gustuhin man naming ipagpaliban ang pasok ngayon ay hindi kami hinayaan nina Mama. Ayaw din nilang nanduon kami sa korte. "Nagsisimula na daw..." kinakabahang sabi ni Charlie sa akin. Parang may bumarang kung ano sa aking lalamunan.



Imbes tuloy na umuwi kasama siya ay nagpaiwan ako. Pupunta ako sa capitolyo, nagusap kami ni Senyorito baby na magkikita duon kahit anong mangyari, kahit anong maging hatol. Naghintay ako duon, hihintayin ko siya.


"Darating siya, Tathi" sabi ko sa sarili ko. Nanatili ang titig ko sa matayog na building ng capitolyo. Hanggang sa unti unti akong kinain ng takot, kaba at lungkot. Hanggang sa unti unting kinain ng dilim ang liwanag.


"Promise...nag promise ako!" pagkausap ko sa sarili ko. Gustuhin ko mang umalis ba pero hindi ko magawa. Nangako akong makikipagkita sa kanya. Kahit anong mangyari! Kahit anong maging hatol!



Ilang oras pa ang lumipas, bumuhos ang ulan sa malamig na gabi kasabay ng pagbuhos ng aking luha. Ilang mensahe ang dumating sa akin. Mas lalo akong nawasak. Hindi ko na ininda ang lamig at bagsak ng ulan.



Charlie:

Tapos na...Guilty ang hatol.



Napayakap ako sa sarili ko at napahagulgol. Sobrang bigat ng dibdib ko. Guilty ang hatol, kaya ba wala si Senyorito baby ngayon. Akala ko ba kahit anong maging hatol? Akala ko ba labas kami dito?



















(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro