Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

Cayden








Hindi naalis ang pagaalala ni Kuya Jasper para sa akin. Kahit ilang beses kong sabihin sa kaya na ayos lang ako. Kaya ko ito, hindi ito ang panahon para maging pabigat ako sa aking pamilya. Hindi ito ang panahon para maging mahina ako. Kung totoo mang may balak si Cairo na gamitin o kumuha ng impormasyon laban kay Papa dahil sa akin ay wala na akong magagawa. Karapatan niyang magalit sa akin, sa aming pamilya. Hindi ko siya masisisi.

"Grabe ito, sobrang mahal!" puna ni Charlie sa laptop na binigay ni Cairo para sa akin. Sinasanay ko na din ang sarili kong wag na siyang tawaging senyorito baby dahil iyon naman ang gusto niya.

Nanatili akong nakaupo sa aking kama. Busy naman si Charlie sa pagkalikot sa laptop. Nalungkot ito nung una dahil hindi na kami makakapunta pa ng computer shop, pero kagaya nga ng sinabi ni Cairo ay mas convinient iyon para sa amin. Hindi na kami mahihirapan pang pumunta duon para sa mga assignments namin.

"Mahal na mahal ka talaga nun..." puna ni Charlie. Napanguso ako at tsaka ako bumaling sa kanya.

"Sa tingin mo?" mahinang tanong ko. Kahit ilang beses kong kumbinsihin ang sarili ko na hindi na dapat ako magpatalo sa aking emosyon para sa kanya ay hindi ko magawa. Sa kabila ng lahat ng pagdududa at takot ay nandito pa din si Tathi na gustong gusto si Senyorito baby.

Nagtaas ng kilay sa akin ni Charlie. Pagkatapos ay napanguso din. "Feeling ko...pero sana hindi na lang nangyari ito. Naging complicated kasi" pamomorblema niya kaya naman bahagya akong napatango. Tama naman siya, naging complicated nga. Kahit naman nung una complicated na dahil sa edad at estado ng aming buhay. Pero mas iba ngayon, mas matindi ngayon.

"Akala ko ba ay pupunta iyon ng spain?" panguusisa ni Charlie sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako. Dati ay nalulungkot ako dahil sa pagalis niya. Pero ngayon, pakiramdam ko mas mabuting umalis na lang siya. Sa tuwing nagkikita kasi kami, pakiramdam ko magkakasakitan lang kami. Pakiramdam ko ginagamit lang namin ang isa't isa para sa kaso. Kahit sabihin niyang labas kami duon ay hindi iyon nagsisink in sa akin. Lagi kaming parte ng problema, dahil hindi lang ito tungkol sa aming dalawa. Kasama dito ang aming mga pamilya.

"Aalis din. Pero may inaasikaso pa siya. Nasa hospital pa din ang Daddy niya" sagot ko kay Charlie. Tumango na lamang ito at tsaka muling ipinagpatuloy ang pageexplore sa laptop.

Naging abala si Cairo sa companya nila. Maging ako din naman ay naging busy sa school kaya naman naging pabor din sa akin na hindi na muna kami magkita ngayon. Patuloy pa din ang pag gulong ng kaso, busy din siya duon kaya naman hinahayaan ko na lamang. Hindi ako sinasama ni Mama sa tuwing may hearing, kadalasan ay silang dalawa ni Tita Chona ang kasama ng abogado at ilang kamaganak.

"Buti nakaabot tayo..." hinihingal na sabi ni Charlie sa akin. Pagod din kaming umupo sa may bakanteng student lounge. Nakabahol kami sa pag shishift ng course, ilang araw na lang ay deadline na kaya naman mabuting nakaorient kami ng maayos.

Imbes na philosophy ay nagshift kami sa legal management. Mas maganda daw iyong gawing pre law course, malay ba namin? Nagsearch lang naman kami sa google kung ano ang pwedeng itake ay prelaw.

"Halos major subjects lang naman ang nabago, same pa din sa mga minor" sabi ko sa kanya habang nakatingin sa bago naming registration form. Sumangayon lang si Charlie habang pagod pa ding umiinom sa kanyang bottled water.

"So meaning..." hindi niya naituloy ang sasabihin niya. Kumunot ang noo ko, sinundan ko ang kanyang tingin. Alam ko na kaagad pag natitigilan siya. Siguradong may nakita nanaman itong tipo niya. Ganyan naman siya palagi. Shuta.

Hindi ako nagkamali ng makita ko ang tinigingnan niya. Grupo ng mga lalaking naka varsity shirt. Ang ilan sa kanila ay nakajersey pa. Marami sila sa malayong student lounge kagaya ng sa amin. Nagtatawanan ang mga ito, ilan sa kanila ay may hawak pang bolang kundi dinidribble ay pinapaikot sa kanilang hintuturo.

Maya maya ay mas lalong namilipit si Charlie sa aking tabi ng may dumating na tatlong seniors. Hindi na kailangang ipoint out iyon dahil halata naman. Hindi kagaya ng naunang grupo ay nakajersey na sila na pang legal management. Kulay maroon at puti iyon. May nakalagay na Legma sa harapan at apelyido at number naman sa likuran.

Napanguso ako at napairap. Kinalabit ko si Charlie. "Nagugutom na ako, kain tayo..." yaya ko sa kanya. Gusto ko ding huminto na siya sa kakatitig sa mga iyon at baka mapagtripan pa kami.

Hindi nga ako nagkakamali dahil nakita ko ang isang beses na pagsulyap nung lalaki sa may gitna. Matangkad siya, 6 footer siguro. Maputi at malaki din ang pangangatawan. Tigasin baga.

Ang isang sulyap niya ay nasundan pa ng ilang beses. Nakapamewang siya nung una hanggang sa humalukipkip siya, mas lalo tuloy nadepina ang muscle sa braso niya.

"Bahala ka nga diyan, Charlie. Kakain ako..." paalam ko sa kanya at mabilis na tumayo duon para iwanan siya. Aba! Ang shuta hindi man lang natinag.

Dumiretso ako sa may cafeteria. Ilang mata ang kaagad na tumingin sa akin. Hinayaan ko na lamang. Kahit papaano ay humupa na din ang issue, pero siguradong mabubuhay nanaman iyon sa oras na bumaba na ang hatol. Sa ngayon, naging maayos kahit papaano ang trato sa amin ng ibang estudyante. Ang iba naman ay sadyang wala lang pakialam.

Bumili ako ng juice at biscuit. Umupo ako sa pinakadulong lamesa ay hinihintay ang pagdating ni Charlie. Siguradong susunod din iyon pagnatauahan. Inilabas ko ang cellphone ko at kaagad kong nabasa ang message mula kay Cairo.

Senyorito baby:

Lunch later. Nasa capitol lang ako.

Hindi na ako nagabala pang magtipa ng reply sa kanya. Saktong hindi nabago ang schedule ko para sa araw na ito. Pagkatapos ng klase namin ng 11:30 ay alas tres na ang sunod hanggang alasingko.

Nagangat ako ng tingin sa may bukana ng cafeteria. Umaasang naalala na ako ng aking kaibigan ay sundan na ako. Pero imbes na si Charlie ang makita ko ay nagulat ako ng makita ko yung isa sa mga seniors kanina. Sandali siyang napatayo sa may bukana, inilibot ang mga mata sa kabuuan ng cafeteria. Napatalon ako sa kinauupuan ko ng magtama ang mga mata naming dalawa, kaagad na natuon ang tingin niya sa akin. Mabilis akong nagiwas ng tingin.

Kinuha ko muli ang cellphone ko para magtipa ng message kay Charlie. Asaan na ba ang isang iyon!?

Ako:

Nasaan ka na? Nasa Cafeteria ako!

Halos tadtarin ko siya ng message lumipad lang siya papunta dito. Nagdilim ang gilid ng aking mga mata ng mapansin ko ang isang malaking bulto. Halos sumakit ang leeg ko ng tingalain ko ito.

"Hi. Are you a freshmen?" matigas na ingles na tanong niya sa akin.

Marahan akong tumango. Humalukipkip siya at nagtaas ng kilay sa akin. Bumaba ang tingin niya sa aking dibdib. Aba't! Bastos pa ata!

"Legma ka. May orientation para sa inyo sa may auditorium" seryosong sabi niya sa akin. Napanganga ako, duon ko lang naisip na baka nakita niya ang ID lace na suot ko, wala pang ID. Pero nakalagay pa din duon ang ID ko na pang philosophy, ilang araw pa bago namin makuha ang bagong ID namin, nauna lang ang lace na ibinigay sa amin kanina ng magshift kami.

"Kakashift lang namin kanina nung kaibigan ko" marahang sagot ko. Muling tumaas ang kilay niya. Kumunot ang noo ko, may naalala ako sa tuwing ginagawa niya iyon. Ayoko!

"Pwede pa kayong humabol" sabi pa niya kaya naman napanguso ako. Sino ba ito at nakikialam?

"Okie. Salamat" tipid na sabi ko na lamang sa kanya, buong akala ko ay aalis na siya pero hindi pa din. Nanatili siyang nakahalukipkip at nakadungaw sa akin. Muli ko siyang tiningala.

"A...ano?" kinakabahang tanong ko sa kanya. Ano bang kailangan nito at ayaw pang umalis?

Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. Nagtiim bagang ako, isa pa iyan. Si Senyorito baby lang dapat!

"I'm Cayden. Cayden Santos. Student goverment president for legma" pakilala niya. Napanganga ako, ang kamay niya ay nasa ere na. Hinihintay ang aking pagtanggap.

"Cay!" fuck!

Lalo akong nanigas ng tinawag siya ng isa sa mga kaibigan niya. Tinawag siya ng mga ito kung paano tawagin si Senyorito baby ng mga malalapit sa kanyan. Cai...Cairo, shuta!

Sandali niyang nilingon ang kaibigang tumuwag pero muli niyang ibinalik ang tingin sa akin. "And you are?" tanong niya.

Bayolente akong napalunok. "Tathriana...Tathi na lang" wala sa sarili kong sagot. Wala sa sarili ko ding tinaggap ang kamay niya. Lumabas ang dimples niya ng ngumisi siya.

"Nice to meet you then, Tathi. See you around" sabi niya pa bago siya nagpaalam sa akin. Mariin akong napapikit, mababaliw ako dito. Shuta!

Sa classroom na kami nagkita ni Charlie para sa aming susunod na klase. Halos mapuno ang tenga niya dahil sa reklamo ko. Wala naman siyang pakialam, anya ay inspired siya. Hay naku!

"Mag library ako. O kaya baka manuod ako sa court" paalam niya sa akin. Ngumuso na lamang ako, alam ko na ang hanap niya.

Nagsuot ako ng itim na jacket dahil sa pagambon. Hindi naman mahirap dahil nakasuot lang ako ng university shirt, maong pants at white converse. Mabilis akong bumyahe patungo sa malolos capitol. Nanduon pa daw si Senyorito baby. May inaasikaso pa kaya naman duon kami magkikita bago kami pupunta sa robinsons para maglunch.

Sa tapat mismo ng capitol ako binaba ng tricycle. Kaagad bumungad sa akin ang malaking building ng malolos capitol. May flag sa gitna, ilang flag din sa magkabilang gilid. Hindi ko na inalintana ang init. Naglakad ako sa gitna para makalapit duon. May dalawang malaking canyo sa magkabilang gilid na nakadisplay.

Nilibang ko ang sarili ko sa paglalakad sa gitna kahit pa tirik ang araw, umaambon pero tirik ang araw, malakas din ang hangin. May kinakasal kayang tikbalang? Sabi daw kasi may kinakasal na tikbalang pagganuon.

Dumiretso ako sa may parking space sa likod ng malaking building. Duon madalas nakapark ang sasakyan ni Cairo kaya naman hindi na ako nahihirapang maghanao. Hindi kagaya ng mga nauna ay hindi na ako nagtext sa kanya na papunta na ako. Bibiglain ko na lang siya ngayon.

Sa malayo ay nakita ko kaagad ang itim niyang jeep wrangler. Nakahilig siya dito, nakatalikod sa aking gawi. Napansin kong may kausap siya sa kanyang cellphone kaya naman binagalan ko na lang ang lakad. Sayang at gugulatin ko pa naman sana, baka mamaya ay mabitawan niya lang ang cellphone niya at mahulog. Wala pa naman akong pangbayad duon kung sakali.


Habang papalapit ay mas lalo kong naririnig ang pagiging seryoso ng kanyang boses sa kausap sa kabilang linya.

"Yes, Nikki. Tutuloy ako ng spain. May inaasikaso lang..." rinig kong sabi niya. Napatigil ako sa aking kinatatayuan. Bigla akong kinabahan, hindi ko alam kung para saan ang kaba na iyon pero natatakot ako. Natatakot ako sa kung ano ang pwede kong  marinig. Natatakot ako na baka masaktan ako. Gusto ko na lang lumayo muna para wala akong marinig, pero wala na akong lakas na maglakad palayo duon, tulyan na akong nabato.

"Ofcourse, I'll be there with you soon..."


Bayolente akong napalunok. Nakaramdam ako ng pambabara ng lalamunan ng maramdaman ko kung gaano kalambing ang pagkakasabi niya nuon. Nikki? Siya ba yung Nicole Ong Vaño na nakita ko nuon sa isang facebook post? Yung babaeng maganda na parang model na makakasama niyang magaral sa spain.

Hindi ko na narinig ang iba pa nilang pinagusapan. Masyado na akong nalunod ng aking isipan. Pagkababa niya ng cellphone ay pumigit siya paharap sa akin. Nagulat siya ng makita ako duon, hindi ko alam kung anong irereact ko kaya naman nagngiting aso ako at tsaka ko itinaas ang kamay ko para tipid na kumaway sa kanya.

"Hi" alanganing sabi ko. Shuta, bahala na.

Tumaas ang isang kilay niya kasabay ng pagtaas ng isang sulok ng kanyang labi. Napanguso tuloy ako. Lumapit siya sa akin at agad akong hinalikan sa ulo.

"I miss you..." marahang sabi niya. Nanatili ang halik niya sa aking ulo. Naramdaman ko ang paginit ng aking pisngi.

"Uhm...tatlong araw lang naman tayong hindi nagkita" sabi ko sa kanya. Itinaas ko pa sa harapan niya ang tatlong daliri ko.

Napangisi siya ng tingnan niya ang kamay kong nakataas ang tatlong daliri. Hinawakan niya iyon at tsaka niya pinagsiklop ang mga daliri namin. "I miss you, still" laban niya kaya naman napakagat ako sa aking pangibabang labi. Bahala na talaga.

Mariin niya akong pinagmasdan, nagawa pa niyang ayusin ang itim kong jacket. "Assan yung jacket na binigay ko sayo? O want to see you wear my things" sabi niya kaya naman napakurap kurap ako. May kalakihan ang jacket na iyon sa akin.


Nagtaas siya ng kilay sa akin ng hindi kaagad ako nakasagot. "Uhmmm" hindi ko alam kung anong sasabihin. Mas lalong tumaas ang isang sulok ng kanyang labi, halatang nagpipigil ng ngisi.

Halos mamanhid ang buong katawan ko ng hawakan niya ang aking baba. Naglebel ang mukha naming dalawa. "Too cute..." nakangising sabi niya bago niya hinalikan ang tungki ng ilong ko. Napapikit ako dahil duon.

Imbes na sa robinsons malolos kami kumain ay sa Bisteo Maloleño kami kumain ng lunch ni Cairo. Ilang beses akong nagkamali kanina ng tawagin ko siyang senyorito. Mabuti na lang at hindi ko naiidiretsong senyorito baby.

"Hindi niyo po binabantayan ang Daddt niyo? Palagi ka po kaso dito eh" puna ko sa kanya habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain.

Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Bakit, ayaw mo ako dito?" tanong niya sa akin. Napanguso ako, syempre gusto!

"Naisip ko lang po" sabi ko at tsaka nagiwas ng tingin.

Ramdam ko pa din ang tingin niya sa akin. "Ayokong lumayo ang loob mo sa akin dahil lang sa nangyari" marahang sabi niya sa akin. Napaawang ang labi ko, Lang?


"Mangyayari naman po talaga iyon kalaunan. Magkalaban po ta..." hindi ko na naituloy ang sasabibin ko ng iharang niya ang hintuturo niya sa labi ko para patahimikin ako.

Kumunot ang kanyang noo. "Anong magkalaban? Sino ang magkalaban?" seryosong tanong niya sa akin.

"Tayo po" diretsahang sagot ko.


Nanatili ang tingin niya sa akin. Halos hindi ko kinaya ang bigat at lalim nuon. "Bakit, Tathriana. Kalaban ba ang tingin mo sa akin?" mapanghamong tanong niya.

Uminit ang gilid ng aking mga mata. Gusto ko siyang sagutin ng Oo! At kung ano man ang kailangan niya sa akin ngayon ay handa akong sabihin sa kanya. Para matigil na.

"Hey..." malambing na tawag niya sa akin. Hinarapan niya ako sa kanya. Ang diretsong tingin niya sa aking mga mata ay unti unting bumaba sa aking mga labi.

"Tathi hindi ako ganito kung magalit. Pag galit ako, galit ako. I'll ask you again...mukha ba akong galit sayo?" mapanghamong tanong niya sa akin. Halos maging paglunok ay hindi ko na magawa dahil sa pagkabalisa.

Napadila ako sa aking pangibabang labi dahil sa panunuy nuon. Kita ko kung paano sumunod ang tingin niya duon, muli ng uminit ang aking magkabilang pisngi.

"Hindi ko naman po..." hindi ko nanaman maituloy ang sasabihin ko ng dahan dahang lumapit ang mukha niya sa akin.


"Kung galit ako sayo, hindi kita hahalikan. But damn, baby. I can kiss you all day" frustrated na sabi niya sa akin. Isang dampi ng kanyang mainit at malambot na labi ay para nanaman akong tinangay ng hangin sa kung saan. Nalasing nanaman ako, nawala nanaman ang lahat ng takot at pagdududa.


Matapos kumain ay nagpresinta si Cairo na  ihatid ako pabalik sa university. Tumanggi pa ako nung una pero masyado siyang mapilit. Pinapasok ng guard ang sasakyan niya, nagiwan lamang siya ng ID tsaka siya binigyan ng visitors pass. May isang oras pa bago ang susunod na klase ko. Gusto niyang makasama ako at ilibot ko siya sa univeristy.

"Duon ang building namin" turo ko sa kanya sa may kalayuang building namin.


Hinila ko siya papunta sa covered court kung nasaan si Charlie na mukhang kanina pa nalulunod sa panunuod sa mga varsity player. "Uh huh. Mahilig ka talagang manuod ng mga ganito ha" puna niya sa akin. Nilingon ko siya at nginisian.

"Andito si Charlie" sabi ko sa kanya pero nagtiim bagang lamang siya.

Maraming tao sa court, marami ding nanunuod kaya naman medyo maingay. Nahirapan akong hanapin si Charlie, nanatili ang hawak ko sa kamay ni Cairo para hindi siya malayo sa akin. Hindi ko pa nakikita si Charlie ng may humarang na sa aking dinaraanan.

"Freshmen, hindi ka nagpakita sa orientation" matigas na sabi ng isang lalaki. Nagulat ako dahil duon, nakapamewang na siya sa aking harapan ngayon. Nagpalit na din siya ng damit at ngayon ay nakaputing tshirt na, may nakaprint na Legma sa harapan nito.


"Eh kasi..." sasagot na sana ako ng maramdaman ko ang marahang pagpisil ni Cairo sa akimg kamay. Nanlaki ang aking mga mata, muntik ko ng makalimutang kasama ko siya.

Nilingon ko siya, matalim ang tingin niya sa lalaki sa aking harapan ngayon. "Tathi..." tawag nung lalaki sa akin kaya naman muling lumipat ang tingin ko sa kanya. Duon ko lang napansin ang paglipat lipat ng tingin niya sa akin at tsaka kay Cairo.

"Boyfriend mo?" tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit nahimigan ko ang disappointment sa kanyang boses. Napanganga ako. Hanggang sa hapitin ni Cairo ang aking bewang papalapit sa kanya.

"Oh eh ano ngayon?" masungit na tanong niya dito.

Bumaba ang seryosong tingin nung lalaki kanina sa akin. Tinitigan niya ako, kaya naman nakita ko ang pagalam ni Cairo. Bago pa man siya makapagreact ay may tumawag na ulit sa kanya.

"Cay, tara na bro!" yaya sa kanya ng isa pang varsity player. Napailing na lamang siya bago kami tinalikuran.

Narinig ko ang pagtikhim ni Cairo kaya naman kaagad ko siyang nilingon. Kita ko ang iritasyon sa kanyang mukha. Napanguso tuloy ako.

"Tara na po. Hanapin na natin si Charlie" yaya ko sa kanya. Nagpatinaog naman siya sa akin hanggang sa makita ko si Charlie. Nagulat pa ito nung una ng makita niya ang kasama ko.

"Try out din ngayon para sa volleyball players" anunsyo niya sa akin kaya naman tumango ako, tumabi ako sa kanya at si Cairo naman ay tumabi sa akin. Nakabusangot pa din ang kanyang mukha. Tinitigan ko siya.

"Galit ka po?" tanong ko kahit obvious naman.


Nanatili ang matalim niyang tingin sa court. Nagtiim bagang siya. "Hindi" madiing sagot niya sa akin pero napanguso ako.

"Galit ka eh..." pamimilit ko. Totoo namang galit siya, pero bakit?


Nakaramdam ako ng kaba ng ilipat niya ang tingin niya sa akin. "Ilang linggo ka palang dito. May kaibigan ka na kaagad ah...ang galing mo naman" sarcastic na sabi niya sa akin kaya naman napanguso ako.

"Kanina ko lang iyon nakilala" laban ko kaya naman mas lalong nagtiim ang bagang niya.

"Tsaka hindi ko iyon kaibigan" laban ko pa. Napanguso ako, lukot na lukot ang kanyang mukha ngayon.


Pinindot ko ang matigas niyang braso. Hindi niya iyon pinansin nung una. Kaya naman tinuloy tuloy ko, nagulat ako ng hilahin niya ang kamay ko kaya naman halos sumubsob ako sa kanyang dibdib. Napaubo si Charlie sa aking tabi.


"Mukhang mamomorblema talaga ako sayo" giit niya.

"Hindi ko iyon crush. Hindi ko magiging crush!" paninigurado ko sa kanya pero hindi siya nakuntento. Napabuntong hininga pa siya.

Nanatili ang titig niya sa akin. "Aalis ako para magaral sa spain..." paguumpisa niya.

Tumango ako. "At kasama mo si Nikki" diretsahang sabi ko. Hindi ko na napigilan, kita ko ang gulat niya. Mukhang narealize niyang narinig ko siyang may kausap kanina.


"She's just a friend" sabi niya sa akin.

Muli akong tumango. "At magkakaroon din ako ng mga kaibigan dito. Hindi iyon maiiwasan" laban ko pa. Tumango siya at mariing napapikit.

"Yes, because you are too friendly" akusa niya. Napanguso ako.

Nagangat ako ng tingin sa kanya. "Makakalimutan mo din ako" paninigurado ko sa kanya. Bahayang kumunot ang noo niya.

"Kung may makakalimot man sa ating dalawa, sinisigurado kong hindi ako iyon" laban niya sa akin.


Nagtiim bagang siya. "Mas malaki ang tyansa na makakalimutan mo ako, kesa makakalimutan kita. Tandaan mo yan. At iyon ang kinakatakot ko, na baka dumating ang araw na hindi na ako parte ng kwento mo" seryosong sabi niya sa akin.



































(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro