Chapter 26
Criminals
Halos lumuwa ang aking mga mata, nanigas na ako sa aking kinatatayuan habang ang mga tao sa aking harapan ngayon ay natataranta at umiiyak. Nahirapan akong lumunok ng marinig ko na ang pagiyak ni Charlie sa aking tabi. Kahit ganuon ay para pa din akong nawawala sa aking sarili. Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa lahat ng nangyayari ngayon.
"Tathriana!" sigaw na tawag ni Kuya Jasper sa akin ng huminto ang aming lumang pick up sa aking harapan.
May dalawang tricycle ding dumating. Mukhang itinawag nito ng ni Tita Chona ang nanay ni Charlie, kasama ng iba pang mukhang sasama sa amin patungo sa sta. clara. Mabilis silang gumalaw pasakay ng tricycle. Kaagad iyong napuno kaya naman mabilis ding umalis.
Naging ako sa wisyo ng haklitin ni Kuya Jasper ang aking braso. Halos kaladkarin niya ako papasok sa likuran ng pick up. Mabilis na nalipat ang tingin ko kay Mama na namumulat at umiiyak ngayon sa may front seat. Busy siya at nakatutok sa kanyang cellphone. Panay ang tawag kung kanino. Kasabay ng pagandar ng pick up at paglabas nito sa patag na daan ay ang tunog ng ambulansya at pulis patrol ang sumalubong sa amin.
"Mama...ano pong ginawa nila Papa?" naiiyak na tanong ko sa kanya. Ngayon lang nagsink in sa akin ang lahat. Halos manlamig ang buong katawan ko dahil sa takot at kabang nararamdaman. Hindi ako makapaniwala.
Hindi niya ako sinagot. Nakita ko ang pagsulyap sa akin ni Kuya Jasper mula sa rear view mirror. Kita ko din ang pagaalala sa kanyang mukha pero ang kailangan ko ngayon ay isang klarong sagot. Bakit ito nangyari? Paano nagawa iyon nila Papa? Sino sino sila?
Umiyak ako habang nasa byahe kami papuntang sta. clara. Nanginginig ang aking mga kamay, sinubukan kong dungawin ang cellphone ko para tingnan kung may mensahe galing kay Senyorito baby pero wala. Duon muling nagsink in sa akin na hindi siya makakapagtext sa akin dahil nabaril nga. Kamusta na siya? Saan siya may tama? Ang Papa niya?
Nagulat ako ng hampasin ni Kuya Jasper ang manibela ng matigi kami sa daan. "Sobrang traffic na!" anya.
Dumungaw ako sa harapan. Sa ayos pa lang ng mga sasakyan ay sigurado ng ilang oras pa ang itatagal ng pagkakahinto namin. Natarantang tinanggal ni Mama ang suot na seatbelt. "Lumabas ba tayo!" sigaw niya sa amin at hindi ba kami hinintay pa ni Kuya Jasper.
Mabilis na pinatay ni Kuya Jasper ang makina ng sasakyan kaya naman naghanda na din akong bumaba. Halos lahat ng tao ay nagsilabasan na din sa mga sasakyan nila para makiusyoso. Tinakbo namin ni Kuya Jasper ang papunta sa pinangyarihan ng barilan.
Malayo pa lang ay natanaw na namin ang ilang ambulansya, pulis patrol at mga media. Anduon na din sina Charlie, mas mabilis silang nakalusot sa traffic dahil nakatricycle sila. Hingal na hingal ako ng tumigil kami sa may kulay dilaw na taling nakaharang. Walang pwedeng pumasok.
Hindi ko na narinig ang pakiusap nina Mama at tita Chona sa pulis na nagbabantay, iginala ko ang paningin ko sa buong lugar. Mabilis na tumakbo ang mga medic sa gitna ng malawak na lupain. Duon ko lang napansin ang ilang naglalakihang truck na pang construction.
"Naitakbo na sa BMMG yung mag ama. Pero siguradong ibyabyahe kaagad iyon sa manila" rinig kong paguusap ng ilang babaeng nakikiusyoso sa tabi namin.
"Yung anak daw ang target eh, kaso humarang yung tatay. Ang daming tama! Hindi lang isang beses..." kinikilabutang kwento pa ng isa sa kanila sabay hawak sa braso niya.
"May tama din yung anak! Pero nagawa pa niyang buhatin yung tatay niya para maitakbo kaagad sa hospital!"
Halos uminit ang gilid ng aking mga mata. Naumagine ko iyon, si Senyorito baby may tama ng baril, habang buong lakas na binuhat ang kanyang duguang ama para humingi ng tulong. Para akong malalagutan ng hininga, siguradong masyadong masakit ang tagpong iyon.
"Lagot ang mga suspect na iyan. Malaking pamilya ang binangga nila" sabi pa ng isa. Parang may kung anong mabigat na dumagan sa aking dibdib. Sa isang iglap, kalaban na kaagad namin ang pamilya nina Senyorito baby.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanila. Hindi ko kinaya ang mga naririnig ko, sobrang bigat ng dibdib ko hanggang sa nakita ko ang pagpapasok kina Papa, tito Edu at ilan pa nilang kasamahan sa may pulis patrol.
"Papa!" sigaw na tawag ko sa kanya at tuluyan ng naiyak. Dahil sa aking pagsigaw ay mas lalong naging desperado sina Mama at tita Chona na makapasok sa loob.
Mas lalo akong naiyak ng makita kong duguan ang kanilang mga mukha. Siguradong binugbog sila ng mga tao ng mahuli siya. "Papa!" umiiyak na sigaw ko ulit. Sandali niya lamang kaming tiningnan hanggang sa magpaubaya na siyang pumasok sa pulis patrol.
"Tita, sa presinto na lang tayo dumiretso" yaya sa amin ni Kuya Jasper. Kaagad na napatango tango ang mga kasama namin maging si Mama kaya naman wala na akong nagawa ng hilahin na ako ni Kuya Jasper pabalik kung saan namin iniwan ang sasakyan kanina. Alam siguro niyang wala nanaman ako sa aking sarili at kung hindi niya ako hihilahin ay paniguradong maiiwan ako duon.
Iyak ng iyak si Tita Chona, ganuon din si Charlie pero wala na din akong lakas na kausapin pa siya. Abala din siya sa pagaalo sa mama niya. Hindi ko naman magawa iyon kay Mama dahil hindi ko rin kaya.
"Bakit naman binugbog..." umiiyak na sabi ni Tita Chona. Maging ang iba nilang kasama na mukhang kamag anak ni tito Edu ay naiyak na din.
Patuloy ang pagagos ng luha sa aking mga mata. Wala pa din kaming imikan kahit nasa byhae na kami patungo sa panakamalapit na presinto kung saan siguradong dadalhin sina Papa.
Pagkadating duon ay kaagad sumalubong sa amin ang mga media. Pinagkaguluhan nila ang police patrol na sinakyan nina Papa kanina. Hindi kaagad kami nakalapit dahil sa dami ng taong nakikiusyoso, halos magtulakan na nga duon makalapit lang sa kanila.
"Hindi muna dapat!" frustrated na sabi ni Kuya Jasper at bayolenteng napakamot sa kanyang ulo.
Sinundan ko ang tinitingnan niya at duon ko nakitang nagsasalita na ang umiiyak na si aling chona sa tapat ng mga camera. Mabilis siyang pinalibutan ng mga ito.
"Chona!" tawag ni Mama sa kanya pero hindi na niya ito napansin pa ng mas lalo siyang naging emosyonal sa harap ng mga ito.
Napadaing ako ng kaagad na nagkaroon ng tulakan. Nang lingonin ko iyon ay kaagad akong nagulat ng may tatlong tao na ang nakapalibot sa akin. Isa sa kanila ay may hawak na camera at ang dalawa naman ay halos ingugngod na sa mukha ko ang mga hawak nilang cellphone.
"Anak ka ng isa sa mga suspect? Anong masasabi mo?"
"Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit nila nagawa ito?"
"Totoo bang..."
Hindi ko na nasundan pa ang ilan nilang sinabi ng mabilis kong tinakpan ang aking mga tenga. "Wala po akong alam...ayoko po!" umiiyak na sigaw ko sa kanila ay pilit kumakawala sa kanila. Mas lalong bumuhos ang luha ko dahil sa takot.
Kaagad akong nagangat ng tingin ng may yumakap sa akin para ilayo ako sa mga reporter. "Ano ba kayo! Bata pa ito!" galit na sigaw ni Kuya Jasper sa kanila at kaagad akong inilayo duon.
Dinala niya ako papasok sa may presinto. Nakita kong nanduon na din si Mama na naghihintay sa amin. Mabilis niya akong sinalubong ng yakap, mukhang nakita niya ang nangyari sa akin duon.
"Ayos ka lang ba?" nagaalalang tanong niya sa akin. Nagawa pa niyang iexamine ang buong katawan ko. Kahit takot na takot ay nagawa ko pa ding tumango sa kanya para lang hindi na makadagdag sa iisipin niya.
Nagpunta kami sa loob ng presinto. Habang papalapit duon ay mas lalo kong narinig ang iyakan nila Tita Chona at Charlie sa loob. Nakatayo sila sa tapat ng isang rehas kung saan nakatayo sa loob ang bugbog sarado ding si Tito Edu. Siya pa lang ang nakikita ko ay parang nanghihina na ako. Paano pa kaya kung si Papa na ang kaharap ko?
"Diyos ko! Theodore!" sigaw ni Mama at kaagad na napahagulgol. Nasinghap ako ng makita ko si Papa. Malayo ko siyang nakita kanina kaya naman ngayong mas malapit ay kitang kita ko ang pamamaga ng kanyang mukha, ilang sugat na dumudugo pa. Ang isa niyang mata ay halos papikit na dahil sa pagkakabugbog.
Napatakip ako sa aking bibig dahil sa pagiyak habang pinapanuod ko si Mama na pilit na niyayakap si Papa kahit may rehas na nakaharang sa kanilang dalawa. Iyak lang sila ng iyak hanggang sa mapatingin si Papa sa akin. Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak din sa rehas. Ng bumitaw si Mama sa kanya ay ako naman ang hinarap niya. Tipid niya akong nginitian kahit naiiyak na din siya, kahit putok ang gilid ng kanyang labi.
"Papa bakit po?" umiiyak na tanong ko sa kanya. Malambing niyang hinawakan ang ulo ko.
Pilit siyang lumapit sa akin para halikan ako sa noo. Pagkatapos ay marahan niyang hinaplos ang aking pisngi.
"Makakapagaral ka na anak. Pwede ka ng tumuloy sa pag aabogado pagkatapos ng kolehiyo" sabi niya sa akin at pumiyok pa. Mas lalo akong naiyak dahil duon, ang isiping ginawa ito ni Papa para magkapera at ipangtustos sa aking pagaaral ay masyadong nakakapanghina.
Marahan akong umiling. Halos hindi ko na siya makita dahil sa mga luha sa aking mga mata. "Papa, hindi niyo po kailangang gawin iyon. Kahit hindi na po ako maging abogado...ok lang po!" umiiyak na sabi ko sa kanya.
Tipid niya lamang akong nginitian. Wala na, tapos na. Nagawa niya na iyon para sa akin at pakiradam ko, ako ang may kasalanan kung bakit siya nandito ngayon.
Ikinulong niya ang magkabilang pisngi ko gamit ang magaspang at mainit niyang mga kamay. Walang ginawa si Papa kundi ang magtrabaho para sa amin.
"Gusto kong maging abogado ka. Kung may roon mang magpapanalo sa kaso ko, gusto ko ikaw" lumuluhang sabi niya sa akin kaya naman mariin na lamang akong napapikit.
Pinalabas kami nina Charlie sa may waiting area. Tanging si Mama at Tita Chona lang ang naiwan kasama ang isang abogado na galing sa gobyerno. Kahit papaano ay huminahon na sila pero hindi pa din nawawala ang tensyon. Inabutan na din kami ng dilim, ni walang kain, kung hindi pa bumili ng mineral water si Kuya Jasper ay hindi pa kami makakainom.
"Nagugutom ka na?" tanong niya sa akin ng lapitan niya ako. Nilingon ko siya at mabilis na inilingan. Kahit gutom ako ay wala naman akong ganang kumain.
Tipid lamang siyang tumango at napabuntong hininga. Muling bumagsak ang tingin ko sa sahig, si Charlie naman ay tulala lang sa aking tabi. Ni hindi nga kami nag kikibuang dalawa.
Inabot kami duon sa paglalim ng gabi. Napatayo kaming lahat ng lumabas si Mama at Tita Chona, nauna na ding lumabas ang abogado na kausap nila kanina. Mabilis akong tumayo at sinalubong si Mama, napabuntong hininga na lamang siya at tumingin sa akin.
"Umuwi na tayo" anunsyo niya sa amin ni Kuya Jasper.
"Iiwan po natin si Papa dito?" gulat na tanong ko.
Hindi ako nasagot ni Mama, kaya naman hinawakan ni kuya Jasper ang balikat ko. "Sa ngayon, Tathi. Wag kang magalala...makakalabas din si Tito" sabi niya sa akin kaya naman kaagad na bumagsak ang aking magkabilang balikat at sumunod sa kanila palabas ng presinto.
Bago ako makasakay sa aming pick up ay tinawag na ako ni Charlie. Mabilis siyang tumakbo palapit sa akin at niyakap ako. Dahil sa ginawa niyang iyon ay muli kaming nagiyakan na dalawa. Wala kahit anong salita, umiyak lang kami na magkayakap.
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog ng gabing iyon. Siguro ay dahil sa pagod at bigat ng nararamdaman ko.
Maga ang mga mata ko kinauamagahan pagkagising ko. Hindi ko na nagawang magayos, mabilis akong bumaba, mas lalong bumigat ang dibdib ko ng makita kong tahimik ang dinning namin. Ni walang pagkain na nakahain duon, wala si Mama at Papa na nagbabalot ng chicharon sa may sala. Muling tumulo ang mga luha ko ng muli kong maalala na nakakulong si Papa, sa isang iglap ay nagbago ang lahat sa amin.
Mabilis kong pinahiran ang luha sa aking mga mata ng bumukas ang pintuan at iniluwa nuon si Kuya Jasper, may dala dala siyang pandesal. Nagulat pa siya nung una ng makita niya ako. "Si Mama po?" tanong ko sa kanya.
Dumiretso siya sa may dinning table at inilapag duon ang pagkaing binili niya. "Maaga silang umalis ni Aling Chona papuntang presinto" sagot niya sa akin kaya naman napatango na lamang ako.
"Kumain na muna tayo" yaya niya sa akin kaya namam tahimik akong umupo sa may dinning at kumain kasama si Kuya Jasper. Gutom ako dahil hindi din naman kami nakakain kagabi pagkauwi namin galing sa presinto.
"Kilala mo yung Cairo, hindi ba?" tanong niya sa akin sa kalagitnaan ng aming pagkain.
Tipid akong tumango sa kanya. Napatikhim siya. "Iyon yung sinasabi ni Lumi na kahalikan mo?" tanong pa niya sa akin.
Napanguso ako, hindi ko tuloy alam kung sasagutin ko siya. Pero sa huli at tumango na lamang ako, alam kong mapagkakatiwalaan si Kuya Jasper, nuon pa lang na nahuli niya akong pumuslit palabas ng bahay para makipagkita kay Senyorito baby ay hindi na siya nagsalita at wala siyang pinagsabihan.
"Nakausap mo na ba siya?" tanong niya sa akin.
Bumagsak ang tingin ko sa may lamesa. "Hindi pa po" magalang na sagot ko sa kanya.
"Ang balita, ibinyahe sila kaninang madaling araw pabalik sa manila. Masyadong kritekal yung lagay nung Alec Herrer, hindi kuntento yung pamilya sa mga hospital dito, mas gusto nila sa Manila" kwento niya pa sa akin kaya naman napakagat labi ako para pigilan ang kung ano mang emosyon na nararamdaman ko.
Naging laman ng balita, diyaryo at radio ang nangyari sa may Sta. clara. Naging malaking balita iyon lalo na't hindi basta basta ang pamilya ng mga Herrer. Dahil sa mga balitang iyon, mas naging malinaw sa akin kung gaano kalayo ang agwat ng estado naming dalawa, hindi lang sa edad kundi sa buhay. Duon lang isinampal sa akin ng katotohanan na mahirap siyang abutin.
Napanganga ako sa tv ng lumabas duon ang ilan sa mga kamaganak nina Senyorito. Sila ang nagbigay ng statement, sila din ang nagaasikaso sa pulisya para sa kaso.
Axus Hector Herrer and Clark Jameson Jimenez
Iyon ang pangalan ng dalawang lalaking nagsasalita sa tv, nasa harapan sila ng presinto. Duon pa lang ay kita ko na kung saan nanggaling ang kagwapuhan ni senyorito baby. Nasa pamilya talaga nila yung kakaibang aura. Titingnan mo pa lang sila ay manliliit ka na.
Mabilis na lumipas ang araw. Patuloy pa din ang paggulong ng kaso. Hindi pa nahahatulan sina Papa dahil inilalaban pa namin ito at ng ibang taga sta. clara. Kahit ganuon ay suspect pa din silang apat.
"Bukas na ang unang arae ng pasukan hindi ba?" tanong ni Mama sa akin ng umuwi siya bago magtanghalian.
Tumango ako. Galing nanaman sila sa presinto, ang dami nilang nilalakad ni Tita Chona para sa kaso. "Umalis kayo ni Charlie mamaya para mamili ng kulang niyong gamit" sabi niya sa akin. Gusto ko sanang tumanggi. Hindi ko alam kung makakaya ko pang magaral na parang isang normal na estudyante gayong malaki ang problema ng aming pamilya.
"Parang ayoko na po munang mag aral..." halos pabulong na lang na sabi ko sa kanya. Tumigas ang mukha ni Mama, tumalim ang tingin niya sa akin.
Mas lalo akong napayuko, kahit hindi ko na iyon salubingin ay ramdam na ramdam ko naman ang talim nuon. "Wag mong sayangin ang lahat ng ginawa ng Papa mo. Magaral kang mabuti, Tathriana!" pagagalit na sabi niya sa akin kaya naman kusang tumulo ang mga luha sa aking mga mata.
"Sigurado kaming hindi ang Papa mo at mga kaibigan niya ang may plano nito, napagutusan lang sila...at dahil gusto nilang kumita ng pera ay ginawa nila iyon" seryosong sabi ni Mama sa akin kaya naman nagangat ako ng tingin sa kanya, napaawang ang labi ko.
"Kung ganuon sino po?" tanong ko sa kanya.
Nagiwas siya ng tingin sa akin. "Hindi oa alam Tathi. Iniimbistigahan pa" sagot niya sa akin kaya naman kumunot ang noo ko.
"Bakit hindi po sabihin nina Papa?" tanong ko. Nasa kanila ang sagot, kung tunay ngang napagutusan lang sila, sigurado namang kilala nila iyon
Impossibleng hindi.
Napabuntong hininga si Mama. "Ayaw nilang magsalita. Malaking pera ang ibinayad sa kanila. At ang lahat ng iyon ay para sa negosyo natin, sa pagaaral mo...sa pangarap mong maging abogado" sagot ni Mama sa akin na mas lalong nagpalaglag sa aking panga.
Marami pa sana akong gustong itanong at sabihin kay Mama ngunit alam kong pagod na siya. Hindi lamang pisikal kundi pati na din emotional. Silang dalawa ni Tita Chona ang pinakapagod sa lahat ng nangyayaring ito.
Kahit pa wala akong gana ay nagawa ko pa ding sumama kay Charlie sa pamimili ng mga kulang naming gamit para sa unang araw ng klase bukas. May iba na kaming gamit, ngunit may ibang requirements din kaming kulang.
"Magdasal na lang tayo na mahatulan sila ng not guilty" pagchecheer up sa akin ni Charlie.
Tipid ko siyang nginitian at tinanguan. Matapos kasi ang ilang ng mahuli sina Papa ay may ilang lumabas na witness, iba ang description ng mga ito sa nakita nila ngunit sigurado din naman kaming may tunay ngang balak sina Papa. Ang tinitingnang anggulo ngayon ay possibleng bukod kina Papa ay may iba pang grupo na nanduon sa lugar na iyon at may balak din sa mga Herrer.
Dalawa lang kami ni Charlie na nagpunta sa walter mart. Duon lang kasi may pinakamalapit na national bookstore sa amin kaya naman sinadya talaga namin iyon. Bahagya kaming nagkahiwalay ni Charlie sa loob kaya naman naiwan ako sa may stall kung saan nakalagay ang iba't ibang klase at kulay ng mga ballpen.
Napatigil ako sa pagtry ng ballpen ng kaagad kong maramdaman ang pagvibrate ng aking cellphone. Mabilis ko iyong kinuha sa pagaakalang si Mama o si Kuya Jasper iyon. Halos manginig ang kamay ko ng makita ko kung sino ang nagmessage sa akin.
Senyorito baby:
How are you? Can we meet tomorrow, after your class?
Halos mahigit ko ang aking hininga. Sigurado ba siya? Para saan? Bakit siya makikipagkita sa akin gayong isa ang papa ko sa bumaril sa kanila ng Daddy niya. Sisingilin ba niya ako? Papagalitan, o kaya naman ay sasaktan para makapaghiganti sa Papa ko? Pero nakakulong na sila ngayon, para saan pa?
Nawala ang atensyon ko sa cellphone ko ng marinig ko ang mataas na boses ni Charlie sa likod ng mga book shelfs. Nang mapagtanto kong nakikipagaway siya ay kaagad akong tumakbo patungo sa kinaroroonan niya.
"Charlie" nagaalalang tawag ko sa kanya. Nagulat ako ng makita kong ang grupo nila Maricris ang kaharap niya ngayon. Nagtaas sila ng kilay sa akin at napangisi.
"Andito pala ang magbestfriend na anak ng mga kriminal" panunuya nila sa amin. Naikuyom ko ang aking kamao.
"Hindi kriminal ang mga Papa namin!" asik ko sa kanya kaya naman nagtawanan silang tatlo. Ramdam ko din ang galit ni Charlie dahil kita ko iyon sa pagtaas baba ng kanyang dibdib.
"Oh talaga? Eh bakit nakakulong sila ngayon?" pangaasar nila sa amin kaya naman kaagad ko na sana siyang susugurin ng mula sa kanilang likuran ang lumabas ang mommy ni Maricris.
Nanlaki ang mga mata nito ng makita niya kami ni Charlie. Mabilis niyang hinarap ang kanyang anak. "Hindi ba sinabi ko sayong wag na kayong lalapit sa mga iyan" madiing paalala ng mommy niya sa kanya. Ang kaninang galit ay biglang napalitan ng sakit hanggang sa nakaramdam na ako ng hiya.
"Halika na, Tathi" mahinahong sabi ni Charlie sa akin at kaagad akong hinila palayo duon.
Ramdam namin ang impact sa lahat ng nangyari, kahit sa unang araw ng aming klase sa nilalayuan kaming dalawa. Pinagtitinginan at pinagbubulungan, karamihan din kasi sa mga nagaaral dito ay taga sta. maria. At hindi naman ganuon kalaki ang bulacan para hindi kumalat ang balita lalo na at lumabas din iyon sa national television.
"Anak ng mga criminal"
"Nasa dugo nila ang mamamatay tao..."
"Wag kayong lalapit diyan..."
Pinalagpas namin ni Charlie ang lahat ng iyon. Mabuti na lamang at half day lang kami ngayon. Ilang oras na lang ay makakauwi na kami at hindi na namin kailangang tiisin ang pangungutya ng mga tao.
Tahimik akong nakikinig sa orientation ng isa sa mga prof namin ng muli kong naramdaman ang pagvibrate ng aking cellphone.
Senyorito baby:
Can we meet? Sa Robinson's malolos na lang. I'm on my way.
Muli akong napasinghap. Malapit sa BSU ang robinson's malolos. Malapit din kami sa Malolos Capitol.
"Ok ka lang?" tanong ni Charlie sa akin ng mapansin niya ang paninitig ko sa aking cellphone na ngayon ay nakapatay na.
Tinanguan ko lamang siya. Pilit kong inaalis sa aking isipan ang nabasa. Gusyong gusto kong makaligtaan iyon pero hindi ko magawa, halos lumipad ang utak ko patungo sa robinson's malolos. Natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari sa oras na magkita kami. Muling nagvibrate ang cellphone ko.
Senyorito baby:
I want us to talk, i want to see you. Hindi kita sasaktan Tathriana.
Uminit ang magkabilang gilid ng aking mga mata dahil sa nabasa. Una pa lang, pakiramdam ko nababasa niya na ang mga nasa isip ko. Pakiramdam ko, alam niya palagi ang iniisip ko.
Sa huli, nagpaubaya ako sa kung ano talaga ang gusto ko. Gusto ko siyang makita, gusto ko siyang makausap at kamustahin. At higit sa lahat. Miss na miss ko na din siya. Sobra.
Nagpaalam ako kay Charlie na hindi aki makakasabay sa kanya sa paguwi kaya naman nauna na siya, sumakay ako sa tricycle patungo sa robinson's malolos. Halos lumabas ang puso ko dahil sa sobrang kaba at the same time excitement.
Sa huling text niya sa akin ay nanduon na siya bago pa man kami magdismiss. Dumiretso ako sa may Starbucks, halos katabi lamang iyon ng entrance. Nanginginig ang mga tuhod ko habang nakapila sa may guard para maipacheck ang bag, glass wall iyon kaya naman kita ko kaagad ang loob.
Kusang tumulo ang mga luha ko ng magtagpo ang aming mga mata. Mula sa pagkakaupo ay napatayo siya, nang makalagpas sa may guard ay hindi na ako nagdalawang isip pang tumakbo papunta sa kanya. Mabilis ko siyang niyakap, at ganuon din naman siya sa akin.
Hindi na ako nahiya pa sa mga tao. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan kami dahil umiiyak ako.
"Humalik ka po siguro ng ibang babae kaya muntik ka ng mamatay" akusa ko sa kanya.
Napahalakhak siya. Naramdaman ko ang halik niya sa aking ulo. "Nagalala ako sayo..." marahang sabi niya.
Mabilis ko siyang tiningala. Sa lahat ng nangyari? Sa akin pa talaga siya nagalala?
Nang tuluyan ko siyang mapagmasdan ay duon ko lang nakitang may suot pa siyang kulay asul na arm sling. Nahirapan akong makalunok dahil duon.
"Dapat po ay galit ka sa akin, di ba?" tanong ko sa kanya.
Pumungay ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. "Tathriana wala kang kasalanan" marahang sabi niya.
"Pero anak ako ni..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng muli niya akong hinapit at niyakap.
"Wala akong pakialam kung kaninong anak ka" madiing sabi niya.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro