Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24

Aalis na












Halos malasing ako sa mga halik ni Senyorito baby. Hindi ko pa naman nararanasang malasing, pero pakiramdam ko ay ganito iyon. Mas lalong naginit ang mukha ko ng maramdaman ko ang makailang beses na pagpasok ng dila niya sa aking bibig. May pagkakataon ding dumadampi iyon sa aking pang ibabang labi kaya naman halos makiliti ako. Gusto kong magreklamo pero pinigilan ko ang aking sarili. Baka tumigil siya, hindi pwede.

"Ugh..." wala sa sariling daing ko ng maubusan ako ng hangin.

"Damn" madiing sambit ni Senyorito baby at tsaka mabilis na itinigil ang halik. Nabitin tuloy ang nakaawang kong labi. Pinilit kong idinilat ang pumungay kong mga mata. Kita ko ang pagtitiim bagang niya.

Napakamot ako sa aking ulo. "Muntik na akong hindi makahinga" nakangiwing sabi ko sa kanya. Tumalim ang tingin niya sa akin bago bumaba ang tingin niya sa aking labi. Halos mamanhid ako ng haplusin ng hinlalaki niya iyon.

"You can't do that with other man...or boy your age" seryosong sabi niya. Mabilis akong tumango na parang masunuring tuta.

Ang magkabilang kamay ko ay nakapatong sa kanyang dibdib dahil na din sa pagkakahilig ko sa kanya. Mas mabigat siya sa akin kaya naman mas nakadirekta ang lahat ng bigat sa duyan ay nasa gawi niya.

Napabuntong hininga siya kaya naman muli akong tumitig sa kanya. Naramdaman ko ang mas lalong paghigpit ng yakap ng braso niya sa aking bewang para mas lalo akong mailapit sa kanya.

"I know your too young for that. But I did that on purpose. Kung sakaling subukan mong humalik ng iba..."

Kaagad kong pinutol ang sasabihin niya. "Hindi po ako makikipaghalikan sa iba. Promise!" paninigurado ko pa sa kanya, itinaas ko pa ang kanang kamay ko na para bang nanunumpa.

Tumaas ang isang kilay niya. Sandali din siyang sumulyap duon sa nakataas kong kamay. "Maraming pwedeng mangyari sa College, Tathriana. I know that..." paliwanag niya. Napanguso na lang ako.

"Kung sakaling may halikan kang iba, you will always remember your first, you'll always remember me. Tingnan natin kung hindi ka tumigil" madiin at may pagbabantang sabi pa niya sa akin. Pinalobo ko ang aking magkabilang pisngi.

Medyo kumunot ang noo ko ng may maisip ako. Nang ibalik ko ang tingin ko sa kanya ay nakita kong nanatili ang titig niya sa akin. "Parang ang daya..." sabi ko. Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi.

"Bakit ako lang? Dapat ikaw din po, bawal ka din makipagkiss sa iba!" laban ko sa kanya. I saw amusement in his face. I think, it's good sign? Itutuloy ko ba ito?

"Bawal po dapat. Mas malaki nga po ang chance niyo na makipaghalikan sa ibang babae kesa sa akin na makipaghalikan sa ibang lalaki" tuloy tuloy na sabi ko sa kanya. Naakagat siya sa kanyang pangibabang labi habang nakikinig sa akin. Ilang beses bumaba ang tingin niya sa labi ko habang nagsasalita ako, pagkatapos ay lulunurin naman niya ako sa lalim ng titig niya sa akin. Grabe talaga ang epekto niya sa akin.

Sumimangot siya. Ang suplado!

"Let's see then" panghahamon niya sa akin.

Itinaas ko ang pinky finger ko. Itinapat ko iyon sa kanya. "Promise po muna tayo" yaya ko sa kanya. Napangisi siya, napailing iling pero dahan dahan niyang ding itinaas ang hinliliit niya para makapagpinky promise kami.

"Mamatay na mag break ng promise" pananakot ko sa kanya. Napahalakhak siya.

"Really? Tathriana" natatawang tanong niya sa akin.

Napanguso ako. "Uy, takot mamatay! Manghahalik kasi ng iba" pangaasar ko sa kanya kaya naman mas lalo siyang napatawa.

"You're really are something baby..." halakhak niya. Napaawang nanaman ang bibig ko dahil sa pagtawag niya sa akin ng baby. Hay naku naman, bakit ba ako nanghihina pag ganuon?

Pinanuod ko siya, hanggang sa huminahon siya. Napabuntong hininga siya. "Ang hirap iwanan ng bulacan" sabi niya sa akin. Nakaramdam din ako ng lungkot.

Hindi ako nakaimik. Muling bumalik sa akin ang katotohanan na malungkot ako ngayon dahil bukas ay aalis na siya. "Maganda po kasi dito at tahimik" pagsangayon ko sa kanya.

Hinawakan niya ang baba ko ay itinaas ang ulo ko para magkatapat ang mukha naming dalawa. "It's not just about the place. It's you..." marahang sabi niya sa akin. Muling nangilid ang luha ko.

"Hindi naman po ako ang bulacan..." naiiyak na sabi ko sa kanya. Napangisi siya.

"Nandito ka. Kaya palaging magiging special ang bulacan para sa akin" sabi niya sa akin kaya naman bahagya akong napatango.

Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa muli niya akong nilingon. "You'll be here tomorrow morning, right?" marahang tanong niya sa akin.

Nagulat ako. "Mageenrol kami bukas" malungkot na sabi ko. Nakakainis, gusto ko din na nandito ako bukas para naman kahit masakit ay makita ko siyang umalis. Kahit masakit.

"Sasamahan kitang mag enrol kung ganun" pagprepresinta niya. Kaagad na nanlaki ang aking mga mata.

"Talaga po?" excited na tanong ko kaya naman napatango siya. Napapalakpak ako.

Nagtaas siya ng kilay. "Para alam ko din kung saan ka susugurin pag may nabalitaan ako" pangaasar niya sa akin kaya naman napatawa na lamang ako.

Gustuhin man naming magstay duon ng mas matagal ay hindi pwede. Mag party sa loob at para iyon sa kanya. Hindi siya pwedeng mawala duon.

"Let's go" yaya niya sa akin kaya naman napatango ako. Una siyang tumayo mula sa duyan kaya naman tinulungan niya pa akong tumayo mula roon. Napatawa kaming dalawa ng walang kahirap hirap niya akong naingat duon.

"Gusto ko sa susunod na kita natin, malaman ka na" pangaasar niya sa akin pero imbes na matawa ay mas lalo lang akong nalungkot na para bang ramdam kong masyadong matagal ang susunod naming pagkikita.

Humiwalay ako sa kanya pagkadating sa may front door. Lalo na ng sinalubong siya ng mga taong mukhang kanina pa naghahanap sa kanya. Hinayaan ko na lamang at tsaka ako dumiretso sa may kitchen. Kagat kagat ko pa ang labi ko, ramdam ko pa din ang halik ni Senyorito baby duon.

Napawi ang ngiti ko ng makita ko ang nakabusangot at ang matalim na tingin ni Senyorita Lumi sa akin. Napanguso ako, gusto ko sanang pumihit pabalik na lang sa may sala pero hindi ko na magawa dahil nakita na niya ako.

"May kailangan po kayo?" magalang na tanong ko sa kanya. Baka may iuutos lang.

Hindi siya kaagad sumagot sa akin pero kita ko ang galit at pagkainis niya bakit kaya?

"Senyorita?" pagtawag ko sa kanya.

Nagulat ako ng haklitin niya ang braso ko at padarag akong hinila patungo sa may kusina. "Senyorita, aray ko po..." daing ko sa kanya pero hindi siya natinag.

Buong akala ko ay titigil na kami sa loob nv kusina pero nagkamali ako, idiniretso niya ako sa mag garden. At halos mapahiyaw ako ng padarag niya akong binitawan sa may lupa.

"Anong sa tingin mo ang ginagawa mo?" galit na tanong niya sa akin. Kaagad ko siyang tiningala. Nanatili ang mga kamay kong nakatukod sa lupa.

"Po? Saan po?" nagtatakang tanong ko. Mas lalo siyang nainis.

Yumuko siya at mas lalo akong napadaing ng hilahin niya ang buhok ko. Parang hihiwalay ang anit ko dahil sa lakas nuon. Napaiyak na lamang ako.

"Nilalandi mo si Cairo! Ang bata bata mo pa!" asik niya sa akin. Hindi ko na siya tiningna dahil sa pagiyak ko. Nanatili akong nakaupo sa may lupa habang siya naman ay galit na nakatayo sa aking harapan.

"Wala po akong ginagawa" laban ko sa kanya. Panay ang pahid ko sa aking mga luha.

Muli akong napadaing ng ibato niya sa akin ang cellphone niya. Tumama iyon sa itaas ng aking dibdib. "Alam mo ba kung gaano kalaking iskandalo ito!?" sigaw niya sa akin kaya naman halos manlaki ang aking mga mata ng mapanuod ko ang pagplay ng video.

Kami iyon ni Senyorito baby, kanina sa may duyan. Hindi ako nakapagsalita.

"Sisirain mo ang pangalan ni Cairo. Pag ito lumabas, ikaw ang magiging biktima dito siya ang lalabas na masama. Kahit ang totoo ay ikaw ang lumandi sa kanya!" sigaw at akusa niya sa akin. Marahas akong umiling.

"Hindi naman po!" umiiyak na sabi ko sa kanya.

Nagtuloy tuloy ang pagiyak ko dahil sa mga sinabi sa akin ni Senyorita Lumi. "Umuwi ka na. Makakarating ito kay Governor" pagbabanta niya sa akin.

Kaagad akong nagangat ng tingin sa kanya. "Pero po...paano si Senyorito?" tanong ko. Siya na mismo ang nagsabi na malaking eskandalo ito.

Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Sana naisip mo yan! Bago ka nakipaghalikan kay Cairo!" sigaw niya sa akin. Nanggagalaiti. Nang hindi na niya nakayanan ang inis ay kaagad lumipad ang kamay niya sa aking pisngi.

"Lumayas ka dito!" sigaw niya sa akin.

Hindi pa siya nakuntento. Hinaklit pa niya ang braso ko para patayuin ako at itulak. Inipon ko ang lahat ng lakas ko para tumayo ng maayos at tumakbo patungo sa front gate. Mabilis ang takbo ko, lalo na't marami ding tao sa may front garden nila. Napahinto na lamang ako ng may humarang sa aking harapan.

"Tathi? Anong nangyari sayo?" nagtatakang tano ni Senyorito Luigi sa akin. Napailing ako.

"Uuwi na po ako" sumbong ko sa kanya. Lalagpasan ko na sana siya ng kaagad niya akong pinigilan.

"Ihahatid kita sa inyo" matigas na sabi niya. Hindi na ako nakaalma pa ng hilahin niya ako palabas ng gate kung nasaan ang nakaparada niyang itim na SUV.

Iyak ako ng iyak ng pinasakay niya ako sa front seat. Nang makapasok siya ay kaagad niyang hinawakan ang aking braso. "Bakit? Anong problema?" tanong niya sa akin.

Muli akong marahas na umiling habang umiiyak. "Wala po. Gusto ko lang po umuwi" sagot ko sa kanya.

Tumango siya at nagsimulang magmaneho. Tahimik lamang siya kaya naman pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil ayokong umuwi sa amin na ganito ako, siguradong magtataka si Mama at hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya.

Ang bilis ng mga pangyayari. Parang kanina lang ay masaya ako dahil kasama ko si Senyorito baby. Ngayon, heto ako at umiiyak.

Huminto ang sasakyan ni Senyorito Luigi sa may kanto malapit sa bahay namin. "Calm down, ayusin mo muna ang sarili mo bago umuwi" marahang sabi niya sa akin.

Sandali kaming natahimik. Hanggang sa napatikhim siya kaya naman napatingin ako sa kanya. "May sinabi sa akin si Aaron. Ayoko sanang maniwala"

Bayolente akong napalunok. Mas lalong dumoble ang bigat ng aking nararamdaman. Ang halik at saya ay mabilis na pinalitan ng takot at problema.

"Tathi, bata ka pa. Sagutin mo ako, may relasyon ba kayo ni Cairo?" seryosong tanong niya sa akin.

Nagulat ako. Nanigas sa aking kinauupuan. Relasyon? Wala kaming ganuon, ang alam ko lang ay gusto namin ang isa't isa.

Marahan akong umiling. "Wala po"

Nanatili ang titig niya sa akin. "Sana nga wala. Malaking eskandalo ito, para sayo at sa kanya. Menor de edad ka..." pangaral niya sa akin.

Napatango tango ako. "Mabuti na lang at aalis na siya bukas. Hindi magiging problema. Pwedeng masira ang pangalan niya sa oras na may makaalam nito"

Kaagad akong napatingin sa kanya. "Ayoko pong masira ang pangalan niya" sabi ko sa kanya.

Napatango si Senyorito Luigi. "Kung ganuon, wag kang makikipagkita sa kanya bukas" sabi niya sa akin kaya naman halos malagutan ako ng hininga dahil sa hiling niya sa akin.

"Tathi. Para ito sa iyo, at sa kanya. Wag na nating hayaang kumalat ito" sabi ni Senyorito Luigi sa akin.

Wala akong imik na lumabas ng kanyang sasakyan. Hindi ko alam na ganuon kabilis babawiin sa akin ang lahat ng sayang nararamdaman ko kanina. Tumakbo ako paakyat sa aking kwarto. Nasa kusina si Mama kaya naman hindi niya napansin ang paguwi ko. Muling bumuhos ang luha sa aking mga mata.

Aalis siya bukas ng hindi ko nakikita? Gusto ko pa siyang makita, pero paano? Napaayos ako ng upo ng naramdaman ko ang pagvibrate ng aking cellphone.

Senyorito baby:

Where are you? Kanina pa kita hinahanap.

Senyorito baby:

Tathriana. Nasaan ka?

Senyorito baby:

Nagaalala ako. Nasaan ka?

Muling uminit ang dulo ng aking mga mata ng mabasa ko ang sunod sunod niyang mga text sa akin. Hindi ko magawang magreply. Natatakot akong sabihin sa kanya ang totoo. Paano ko sasabihin sa kanya na nakuhanan kami ng video ni Senyorita Lumi na naghahalikan?

Hindi na siya nakatiis pa. Nakita ko kaagad ang pangalan niya sa screen ng aking cellphone. Tumatawag, tinitigan ko lamang iyon. Wala akong lakas ng loob na sagutin siya, malalaman niyang umiiyak ako dahil sa aking boses.

Ako:

Sumakit po ang tiyan ko. Kaya umuwi ako

Nagulat ako ng mabilis na dumating ang kanyang reply.

Senyorito baby:

Dapat sinabi mo sa akin. Naglakad ka?

Ako:

Hinatid po ako ni Senyorito Luigi.

Napakagat ako ng aking pangibabang labi. Idinukdok ko ang mukha ko sa aking unan.  Hanggang sa muling nagvibrate ang aking cellphone.

Senyorito baby:

At bakit sa kanya ka nagpahatid? Bakit hindi sa akin? Humanda ka sa akin bukas!

Muli akong naiyak ng maalala kong hindi ko siya pwedeng makita bukas. Hindi na pwede.

Maga ang mata ko paggising ko kinaumagahan. Maagang dumating si Charlie para sunduin ako. Imbes na kasama ko sana si Senyorito baby ngayon ay magcocommute kami.

"Movie marathon kagabi? Maga mata natin ah" puna niya sa akin. Napanguso ako at tumango na lamang.

Sumama siya sa aming kumain ng umagahan. Wala akong imik. Silang tatlo lang nila Mama at Kuya Jasper ang naguusap. Pag tinatanong nila ako ay tumatango o umiiling lang ako.

Senyorito baby:

Morning. Where should I get you? Sa kanto malapit sa inyo?

Halos hindi ko malunok ang kinakain ko dahil duon. Gustong gusto ko siyang makita ngayon dahil mamaya lamang ay aalis na siya. Sobrang bigat sa dibdib nuon na hindi ko man lang siya makikita, hindi man lang ako makakapagpaalam ng maayos.

Ako:

Wag na po Senyorito. Nakaalis na kami ni Charlie.

Muling akong napabuntong hininga ng isend ko ang kasinungalingang iyon. Para din ito sa amin, kailangan ko itong tiisin para hindi masira ang pangalan niya. Ako ang unang naging agresibo sa aming dalawa kaya naman pakiramdam ko ako ang may kasalanan.

Senyorito baby:

Why? I want to spend a few hours with you before I go. Can I see you after?

Ako:

Wag na po!

Halos manginig ang kamay ko. "Tathi. Ok ka lang?" tanong ni Mama sa akin. Mariin akong napapikit at tumango.

Napatawa si Charlie. "Naku Tita! Excited lang yan. Ganyan din ako kanina...pero ngayon ok na" sabi niya kay Mama.

Senyorito baby:

May problema ba? Bakit ka biglang umuwi kagabi? Pupuntahan kita!

Mabilis akong nag tipa ng irereply. Hindi na dapat! Siguradong binabantayan siya ni Senyorito Luigi o Senyorita Lumi.

Ako:

Wag na po! Ayoko po kayong makitang umalis. Umalis na lang po kayo.

Kumirot ang dibdib ko dahil sa aking sinend. Hindi iyon ang gusto ko, pero iyon ang kailagan.

Senyorito baby:

Gusto ulit kitang makita. Bago ako umalis, please.

Ako:

Ayaw ko po. Iiyak lang ako. Wag na po.

Halos ibuhos ko ang pagmamakaawa ko sa kanya sa mga text ko. Sana naman ay wag na niya akong pilitin, konting pilit pa niya ay baka sumigi ako at tuluyang puntahan siya.

Senyorito baby:

I'll gonna miss you. Ngayon pa lang, I miss you.

Tulala ako habang nasa byahe kami ni Charlie patungo sa malolos. Panay naman ang tanong niya sa akin kung anong problema ko pero panay lang din ang pagiling ko sa kanya.

"Naku, dahil iyan sa aalis na si Senyorito ano?" tanong niya sa akin ng hindi na siya makapagpigil. Hindi ko siya sinagot pero nanatili ang titig niya sa akin.

Inabala ko ang sarili ko sa pageenrol pagkadating namin sa Bulsu. Medyo mahaba ang pila at medyo madaming proseso. Kahit papaano ay mas naging advantage iyon sa akin. Parang mas gusto ko na lang mabalik sa wisyo ko at matapos ang pagproprosess. Tapos sa oras na titingnan ko na ang orasan ay mapapasabi na lang ako. Ay, nakaalis na siya.

"Doubel check mo. Baka mamaya ay hindi tayo magkapareho" naprapraning na sabi ni Charlie. Pareho kami ng block section pero takot na takot pa din ito na baka mamaya may isa o dalawang subject kaming hindi magkaklase. Grabe, may trust issue pa itong kaibigan ko?

Nakanguso ako habang pinapanuod siyang mabusising chinicheck ang registration card namin. Hanggang sa mawala ang tingin ko kay Charlie. Ilang grupo ng kalalakihan ang nadaan sa amin, halos lahat sila ay nakatingin sa amin. Ngumiti ang isa kaya naman mabilis kong ibinalik ang tingin ko kay Charlie.

"Ok. Clear" sabi niya. Kaya naman tumaas ang isang sulok ng labi ko. Ipinasok ko sa dala kong maliit na bag ang registration card ko.

Panay ang pagexplore namin ni Charlie sa buong campus. Pumayag ako ng yayain niya akong isa isang hanapin ang mga magiging room namin base na din sa nakalagay sa registration card namin. Hinayaan ko siya, nagkunwari akong gusto ko iyon kahit ang totoo ay para akong isang kandilang unti unting nauupos. Ilang oras ba lang, pilit ko pa ding kinukumbinsi ang sarili kong ok lang iyon. Ok lang na hindi ko siya makita. Mas mabuti iyon.

"Uwi na tayo. Gutom na ako" yaya ni Charlie sa akin sabay hawak sa kanyang tiyan. Tumango ako at tsaka naglakad na din palabas ng campus. Kaunting lakad lang ay nanduon na ang terminal ng mga jeep pabalik sa sta. maria. Hinintay pa namin iyong mapuno bago kami nagsimulang bumyahe.

Wala pang ilang minuto ay nakita ko ng halos karamihan sa pasahero ay nakapikit at mukhang patulog na. Nang lingonin ko si Charlie ay ganuon na din siya. Muli akong tumanaw sa may pintuan ng jeep, gustong gusto talaga naming umupo sa may dulo ng jeep.

Nang makarating kami sa nlex ay duon ko lang naisipang tingnan ang cellphone ko. Pasado alas dose na. Nanginginig ang kamay ko ng pindutin ko ang message ni Senyorito.

Senyorito baby:

Baby. Paalis na ako, ayaw mo talagang magkita tayo?

Ramdam na ramdam ko ang lungkot duon. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at napasinghap na ako. Hinawakan kong mabuti ang cellphone ko dahil sa panginginig ng aking mga kamay. Nagtipa kaagad ako ng reply sa kanya.

Ako:

Nakalabas na po kayo ng sta. maria?

Mabilis siyang nagreply.

Senyorito baby:

Damn baby. Nasa sta. clara pa. Traffic pa-PTT.

Kaagad akong nagkaroon ng pagasa. Alam ko kung nasaan na siya. Papasok ba siya sa intersection papuntang Bocaue. Galing duon ay bubungad na sa kanya ang nlex, diretso pabalik sa manila. And that's it. I'll loose him, just like that. Hindi ko kaya.

Ako:

Magkita po tayo.

Senyorito baby:

Sure baby. I'll wait.

Tuloy tuloy ang pag tulo ng luha ko. Bahala na, wala akong ibang gustong mangyari ngayon kundi ang makita siya. Makita siya bago umalis.

"Shuta. Anong nangyari? Nahablot cellphone mo?" tanong ni Charlie sa akin ng paggising niya ay nakita niyang umiiyak ako.

Marahan akong umiling. Maging ang ibang pasahero ay napatingin na din sa amin. Wala akong pakialam, halos gusto kong tumalon sa jeep ng makalagpas na kami sa bocaue.

"Charlie. Bababa ako sa PTT crossing ha" paalam ko sa kanya. Tumango na lamang siya, hindi na nagtanong pa. Halatang gulantang pa din dahil sa aking pagiyak.

May ilang bumaba din duon kaya naman sumabay na ako. Natanaw ko ang mga nakahilerang kainan sa tapat ng gasolinahang pinagbabaan sa amin. May shakey's, figaro, hap chan at ilan pang fastfood chain. Sa parking lot ng Hap chan ay nakita ko ang kulay itim na jeep wrangler ni Senyorito baby. Patawid pa lang ako sa apat na lane ng highway ay umiiyak na ako. Halos takbuhin ko ang distansya naming dalawa ng makita ko ang paglabas niya sa kanyang sasakyan.

"Damn. Tathriana" singhal niya. Nang tumalon ako payakap sa kanya habang umiiyak.

Mahigpit ko siyang niyakap. Ganuon din ginawa niya sa akin. "Anong iniisip mo at ayaw kong makipagkita sa akin. Huh?" frustrated na tanong niya sa akin.

Nang kumalas ako ng yakap sa kanya ay kaagad niyang tinaniman ng halik ang labi ko. "Damn, baby. Ang hirap mong iwanan" problemadong sabi.

Tuloy tuloy ang pagtulo ng aking luha. Panay naman ang pahid niya dito. "Sorry po" umiiyak na sabi ko. Pakiramdam ko, pagsisisihan ko kung hindi ako nakipagkita sa kanya ngayon.

Muli niya akong niyakap ng mahigpit habang tinatahan. "Let's go. We'll eat our lunch together" sabi niya tsaka niya ako hinila papasok sa may Hap Chan.

Siya ang umorder para sa aming dalawa. Ng umalis ang waiter ay muli niya akong hinarap. Nagawa pa niyang suklayin nag buhok ko.

"Bakit ayaw mo akong makita?" tanonf niya sa akin. Napakagat ako sa aking pangibabang labi.

"Ayoko pong makitang umalis ka" pagsisinungaling ko. Though partly ganuon din.

Nagigting ang panga niya. Hinila niya ako palapit sa kanya, hinalikan niya ako sa ulo. "We need this, konting tiis Tathi. Pag pwede na...hindi na ulit mangyayari ito. Kailangan mong magaral, makagraduate ng college. Di ba gusto mong maging abogado?" tanong niya sa akin. Panay lang ang tango ko.


"I'll wait for you. Susuportahan kita, kung iyan ang gusto mo. That's why we need to wait" pangaral niya sa akin.

Matapos naming kumain ay lumabas na din kami. Masyado na siyang late para sa byahe niya pabalik ng manila. Bayolente akong napalunok ng parang may kung anong bumara sa aking lalamunan.

"Ayokong makita mo akong umaalis. Ihahatid na muna kita" seryosong sabi niya sa akin. Umiling ako, tinuro ko ang mga bus ng ES transport sa harapan namin. Kung sasakay ako duon ay pwede akong makababa sa kanto mismo namin.

Nagpumilit si Senyorito baby. Pero maiigi din akong tumanggi. Mas lalo lang siyang malalate pag inihatid pa niya ako.



Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko habang patawid kami sa kabilang lane kung nasaan nakahilera ang mga bus.



"Ingat ka po sa byahe" medyo garalgal na sabi ko. Mabilis niya akong hinarap. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.



"We'll text everyday, I'll call you. Bago ako pumunta ng spain. Pupuntahan kita" paninigurado niya sa akin.



Tango lang ako ng tango kahit patuloy ang luha ko. Mulo niya akong siniil ng halik. Nang bumitaw siya ay kaagad ko siyang niyakap.



Bago pa ako tuluyang hindi makabitiw sa kanya ay pinakawalan ko na. Hinatid niya ako sa may pintuan ng bus. Bago umakyat ay muli niya akong pinaharap sa kanya.



"Trust me, Baby. Hindi ako papayag na hindi tayo sa huli. Hindi ako papayag" madiing paninigurado niya sa akin. Mas lalong bumuhos ang luha ko.


















(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro