Chapter 22
Google
Hindi ko magawang tanggalin ang pagkakahawak ko sa heart pendant ng kwintas na ibinigay sa akin ni Senyorito baby. Kahit masaya ako dahil sa sinabi niya sa akin ay hindi ko pa din maiwasang hindi malungkot. Maraming pwedeng mangyari sa oras na umalis siya, wala naman kaming relasyon kagaya ng sa tito Darren at Afrit niya, pero nagawa pa din nitong magloko hanggang sa nauwi sila sa hiwalayan.
Sa tuwing naiisip ko iyon, hindi ko mapigilang hindi masaktan para kay Ate Afrit. Hindi ko man siya lubusang kilala o nakita ma lang, alam kong masakit iyon para sa kanya. Iniisip ko pa nga lang ay parang ako na ang malalagutan ng hininga dahil sa paninikip ng aking dibdib.
Mula sa pagkakasalampak sa kama ay dumapa ako. Mabilis akong nagtipa sa aking cellphone. Dito ako diniretso ni Senyorito baby pagkagaling namin sa may san jose.
Ako:
Sobrang nagustuhan ko po talaga ang kwintas. Thank you po.
Matapos kong isend iyon ay tumayo pa ako sa harapan ng tukador ko ay pinagmasdan ang aking repleskyon sa may salamin. Napaingiti ako, ang ganda nuon. Mukhang mamahalin kaya naman medyo nakakatakot isuot sa lugar na maraming tao. Pakiramdam ko, makikipagpatayan talaga ako sa oras na may umagaw sa akin nito.
Napatalon ako pabalik sa kama ng makita ko ang pagilaw ng aking cellphone dahil sa pumasok na message. Mula iyon kay Senyorito baby kaya naman niyakap ko ang mga stuffed toys na binili niya para sa akin bago ko binuksan ang message niya para sa akin.
Senyorito baby:
You are always welcome, Tathriana.
Napanguso ako pagkatapos mabasa iyon.
Magtitipa na sana ako ng reply ng kaagad kong marinig ang pagtawag sa akin ni Mama mula sa baba, mukhang handa na ang aming hapunan.
Ako:
Kakain na po kami. Kain ka na din po.
Matapos kong isend iyon ay mabilis akong bumaba sa may dinning. Ayaw pa naman ni Mama na pinaghihintay ang pagkain, sa isang beses niyang pagtawag ay dapat bumaba ka na. Dahil kung hindi, malilintikan ka kumg umabot pa iyon ng pangalawang tawag.
"Upo na" sabi niya sa akin. Kaagad akong tumango at pinasadahan ng tingin ang pagkain sa aming lamesa. Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya naman mabilis akong sumandok ng kanin. Napatigil ako ng dumating si Kuya Jasper, mapangasar kaagad ang itinapon niyang tingin sa akin. Kaasar talaga to!
"Uy, mamaya na lalabas ang result ng mga qualifiers" pangaasar niya sa akin. Mas lalo akong nagulat, nawala iyon sa aking isipan. Alas syete lalabas sa online page ng BSU ang result sa mga nakapasa sa exam. Shuta, bakit nawala iyon sa aking isipan?
Ang kaninang gutom ko ay nauwi sa pagkawala ng aking gana. Bigla akong kinain ng kaba. Grabe ang pagtatambol ng dibdib ko. Pasado alasais pa lang at alas syete ang labas ng result. Ilang minuto pa akong papatayin ng kaba bago ko malaman ang kahihinatnan ng buhay ko.
"Hoy!" natatawang sita sa akin ni Kuya Jasper ng makita niyang nawala ako sa mood. Maging si Mama ay nilingon din ako. Napanguso ako sa kanilang dalawa, natatakot talaga ako, sobra ang kaba ko.
"Paano po pag hindi ako nakapasa?" tanong ko kay Mama. Bago pa niya ako masagot ay umepal nanaman si Kuya Jasper.
"sa talino mong yan? Ikaw pa din ang valedictorian para sa amin!" pagpapalakas niya ng loob ko. Hindi ko tuloy alam kung talaga bang pinapalakas niya ang loob ko o bumabawi lang siya dahil siya ang dahilan kung bakit parang mawawala ako sa katinuan ngayon.
"Kumain ka na, Tathriana. Hihintayin natin mamaya ang paglabas ng result" suway ni Mama sa akin kaya naman nagpatuloy ako sa pagkain kahit sobrang kabado ako.
Matapos ang hapunan ay umakyat na muna ako sa aking kwarto. Kinuha ko ang cellphone ko para dalhin sa may sala. Duon na lamang ako maghihintay kasama sina Mama. Hindi ko kayang maghintay at tingnan iyon na magisa. Habang pababa ng hagdan ay nabasa ko ang reply ni Senyorito baby sa akin. Kanina pa iyon ilang minuto bago ako bumaba.
Senyorito baby:
Tapos na. Eat a lot.
Naabutan ko si Kuya Jasper sa may sofa. Busy din siya sa kanyang cellphone. Ibinagsak ko ang katawan ko paupo duon kaya naman medyo lumundo. Inis siyang tumingin sa akin pero tinawanan ko lamang siya. Hanggang sa bumaba ang tingin niya sa leeg ko. Naningkit ang kanyang mga mata, alam ko na kaagad kung ano ang tinitingnan niya.
"Aba aba..."
Kaagad kong tinakpan iyon ng aking kamay. "Bigay ito sa akin ng kaibigan ko" laban ko. Nagtaas siya ng kilay sa akin.
"Defensive much! Sumbong kita kay tita. May boyfriend ka na ano?" pangaasar niya sa akin. Kaagad nanlaki ang aking mga mata. Mabilis akong napailing.
"Wala!" laban ko kaya naman mas lalo siyang napangisi.
"Ang bata bata mo pa. Humanda ka sa akin pag umuwi ka ditong umiiyak dahil diyan sa kabiliwan mo. Kakaltukan talaga kita" pagbabanta niya sa akin kaya naman sinimangutan ko siya.
Buti na lamang at kahit nakakainis si Kuya Jasper ay hindi naman niya ako inilalaglag kina Mama. Buti pa siya, marunong magtago ng secret ako kasi hindi. Pero natatakot din akong sa oras na mapansin ito ni Mama at itanong niya sa aking kung kanino galing ito ay paniguradong hindi ako magdadalawang isip na sabihin ang totoo.
"Lumabas na!" sigaw ni Kuya Jasper na para bang mas excited pa siya sa akin. Mula sa kusina ay lumabas si Mama sa may sala para puntahan kami. Mas lalong nanuyo ang lalamunan ko. Si Kuya jasper na ang bahalang tumingin duon.
Dumungaw ako sa cellphone niya. Kita ko ang mahabang listahan ng mga pangalan pagkapindot niya sa isang link. Alphabetical order iyon kaya naman medyo matagal.
"Dafun, Charlie. Pasado si Charlie!" anunsyo niya. Lumundag ang puso ko para sa aking kaibigan. Pero mas lalong dumoble ang kaba ko dahil duon. Napakagat labi na lamang ako habang nakacross finger.
Nanlaki ang aking mga mata ng napatayo si Kuya Jasper. Kaagad niyang tinapik anb aking balikat. "Torres, Tathriana. Pasado ka!" sabi niya sa akin kaya naman kaagad akong napatayo ay napatalon.
"Yehey!" sigaw ko. Dahil sa sobrang saya ay napayakap pa ako kay Mama. Niyakap niya ako pabalik.
"Alam ko namang kaya mo..." sabi niya sa akin kaya naman matamis ko siyang nginitian.
"Ibabalita ko po kay Papa!" excited ba sabi ko sabay kuha sa aking cellphone. Hindi pa ako nakakapagtipa ng kaagad akong pigilan ni Mama.
"Mas mabuting sabihin mo iyan sa kanya pag kauwi niya dito" suwestyon niya sa akin kaya naman napatango ako.
Tumakbo ako paakyat sa aking kwarto. Napuno ng pagbagi ang newsfeed ko sa facebook. May ilan din akong kakilalang nakapasa mula naman sa ibang course. Nakita ko din ang post ni Charlie. Iniscreenshot niya ang pangalan naming dalawa at tinag pa niya ako.
Ilan sa mga bumati sa comment section si Jan at ilan sa mga kaibigan niyang basketball player. Masaya daw siya at magiging magschoolmate na kami. Panay naman ang pagthank you ko sa mga bumabati.
Senyorito baby:
Congrats, Tathriana.
Nanlaki ang aking mga mata dahil duon. Sa lahat ng bumati ay ang pagbati niya ang pinakaspecial.
Ako:
Thank you po, Senyorito baby!
Ngiting ngiti ako ng isend ko iyon. Ni wala ako sa aking sarili dahil sa sayang nararamdaman ko. Huli na ng marealize ko ang sinend ko. Shuta! Hindi ko na iyon mababawiz siguradong nabasa niya na iyon.
Senyorito baby:
Senyorito baby, Huh?
Napasapo ako sa aking noo. Wala na, wala na talaga akong maitatagong secret. Hay naku, Tathriana!
Ngiting ngiti tuloy akong pumasok sa mansyon kinaumagahan. Maging sina manang bobby ay bumati din sa akin. Mukhang nakita din nila iyon sa facebook post.
"Dugyot lang itong si Tathi. Pero matalino ito" pagbibida sa akin ni Manang bobby sa ibang mga kasambahay. Napanguso ako, nilait ba naman muna ako bago pinuri.
"Naku, magiging schoolmate mo pala ang mga pinsan ko, Tathi. Gwapo ang mga iyon ipapakilala kita" sabi ni ate alice, isa sa mga kasambahay.
Napatango ako. "Sige!" excited na sabi ko. Halos malaglag ang panga ko ng makita ko si Senyorito baby sa may pintuan. Mukhang kanina pa siya duon. Shit, narinig ba niya iyon. Kaya ba matalim ang tingin niya sa akin ngayon? Kaagad na naglagasan ang mga kasambahay kasama si Manang bobby. Sa isang iglap ay kami na lamang ni Senyorito baby ang naiwan. Nagulat ako at nagpalinga linga para makahanap ng pupuntahan.
"Anong sige, tathriana?" seryosong tanong niya sa akin. Naglakad siya patungo sa harap nh coffee maker.
"Wala po akong sinasabi" pagsisinungaling ko. Nagtaas siya ng kilay sa akin.
"Nakarinig ka lang ng gwapo. Tss" iritadong sabi niya sa akin at mabilis na nagiwas ng tingin. Uminit ang magkabilang pisngi ko.
"Char ko lang po iyan. Wag po kayong magalala..." nakangiting sabi ko sa kanya. Nagawa ko pa siyang lapitan habang inaayos ang coffee maker.
"Aalis tayo mamayang hapon" sabi niya. Tumango lamang ako, baka isa nanaman iyon sa trabaho niya.
Sinulyapan niya ako kaya naman nagangat ako ng tingin sa kanya. "Pag nakapasa, kailangang mapula ang labi?" tanong niya sa akin. Napahawak ako sa aking labi, kaunting lipgloss lang naman ang nilagay ko duon.
"Kaunting lip gloss lang po ito" laban ko sa kanya pero inirapan niya lamang ako. Nang nagumpisang umandar ang coffee maker ay napahalukipkip siya habang naghihintay duon. Bumaba tuloy ang tingin ko sa muscle niya sa braso, grabe ang sexh tingnan ng braso niya. Brasong kayang kaya akong ipaglaban.
"What are you looking at?" seryosong tanong niya sa akin. Pangbasag sa aking pagpapantasya.
Ngumuso ako at nangangat ng tingin sa kanya. Sumalubong ang malalalim niyang mga mata sa akin. Nangngiting aso ako.
"Ang macho niyo po" pagamin ko. Tumaas ang isang sulok ng labi niya. Makati pa din ang bunganga ko, gusto pa ding magsalita.
"Iniisip ko lang pag niyakap niyo ako. Siguradong mapipipi ako" kwento ko pa. Naiimagine ko na ang sarili kong niyayakap niya, nakakulong sa kanyang matipunong mga braso. Mahigpit na yayakapin hanggang sa maubusan ako ng hininga. Shuta.
Napangisi siya. "Oh, are you telling me that you want me to hug you?" mapanghamong tanong niya sa akin. Naramdaman ko ang paginit ng aking magkabilang pisngi. Bayolente akong napalunok.
"Hindi naman po sa ganun. Pero kung yayakapin niyo po ako. Ok lang po sa akin" nakangiting sabi ko sa kanya. Napadaing ako ng muli niyang pitikin ang aking noo.
"Kung ano anong naiisip mo, Tathriana" suway niya sa akin at napailing iling pa.
Kaagad nanlaki ang aking mga mata. "Hala, hindi po ako nagiisip ng bastos ha!" laban ko sa kanya. Kita ko ang pagigting ng panga niya. Oh uh, galit nanaman siya?
"Lumayo ka muna sa akin, pwede? Move..." pagtataboy niya sa akin. Kumunot ang noo ko ng makita ko ang pamumula ng kanyang tenga.
"Hala po, yung tenga niyo" puna ko sabay turo pa sa namumula niyang tenga. Mariin siyang napapikit bago ako muling hinarap.
"Layo, Tathriana" utos niya sa akin. Mas lalo akong napanguso, kita ko ang bayolenteng pagtaas baba ng adams apple niya.
Kumunot ang noo ko. Naniningkit ang mga mata ko ng tiningnan ko siya. "Hala, kayo po ata ang nagiisip ng bastos, Senyorito eh" pangaasar ko sa kanya. Tumikhim siya, galit na. Bago pa man siya tuluyang mainis sa akin ay mabilis na akong lumabas sa may garden.
Bastos pala si Senyorito baby eh. Idadamay pa niya ako. Yakap lang naman ang sabi ko, ano pa ba ang pwedeng maisip tungkol duon? Ewan ko, hindi ko alam sa kanya.
Dinala ko ang ibang mga paso malapit sa may duyan. Gusti kong magtrabaho habang nakaupo duon, mas nakakalibang iyon. Habang nagbubungkal ng lupa sa isang malaking paso ay ginagalaw galaw ko ang duyan na kinauupuan ko. Pakanta kanta pa ako nung una hanggang sa mag angat ako ng tingin sa kalalabas lang na si Senyorito baby. Hawak niya ang kanyang laptop. Matalim ang tingin niya sa akin habang umaayos siya ng upo, napanguso na lamang ako. Sungit naman!
Papasok na sana ako sa loob dahil sa pagtawag sa akin ni manang bobby ng kaagad na humarang si Senyorito baby sa akin. "Sa labas tayo kakain ng lunch" tipid na sabi niya sa akin at inunahan pa ako papasok sa bahay.
Sandali akong napatigil, pinanuod ko ang paglakad niya palayo sa akin papasok sa bahay. Napakagat labi ako, ang sakit palanag makita na naglalakad siya palayo sa akin. At mas masakit isipin na darating ang araw na papasok ako sa mansyon na ito na wala na siya. Hindi ko inakala na sa sandaling panahon ay magiging ganito kalalim ang nararamdaman ko para sa kanya.
Sabi nga ni Kuya Jasper, masyado pang bata ang puso ko. Medyo agressibo pa ako dahil wala pa naman akong pinagdaanang matinding pagibig kagaya ng sa isa. Pero iba ang pakiramdam ko dito. Hindi naman lahat ay matutunan mo sa experience. Hindi mo kailangan ng experience para masabi mong nagmamahal ka. Kusa mo iyong mararamdaman. Hindi porket first time ay hindi na totoo.
Dumiretso pa din ako sa may kitchen. Mukhang umakyat si Senyorito baby sa itaas para magbihis o ano. Nakita ko ang fried chicken na ulam nila manang bobby. Imbes na kumuha ay hinayaan ko na lamang sa kanila iyon.
"Iyon nga ang pinunta niya sa San jose kahapon. Humingi ng tulong sa tito niya" rinig kong paguusap ng mga ito. Nanatili akong tahimik na nakahilig sa may kitchen counter habang nauusap sila. Hindi ko alam, paborito ata talaga ako ng chimis.
"Alam na ata kasi ng mga tao na pamilya nila ang bibili ng lupa. Galit na galit ang mga umuupa sa may sta. clara" segunda pa ni Ate alice.
Bayolente akong napalunok. Ito nanaman ba yung tungkol sa lupa? Hanggang kailan ba nila ito paguusapan? Hindi ko naman masisisi ang mga taga sta. clara. Hindi pa nga ata ipinapanganak si Manang bobby ay nanduon na ang iba sa kanila.
Natahimik lamang sila ng biglang sumulpot si Senyorito baby sa may kitchen
Napaayos kaagad ako ng tayo ng makita ko siya. Isang simpleng asul na v neck shit at pantalon ang suot niya. Bumaba ang tingin ko sa aking suot, ok naman ang suot kong itim na short chiffon sleveless jumpsuit.
"Let's go, Tathriana" yaya niya sa akin kaya naman tumango ako at patakbong sumunod sa kanya pabalas. Kumaway pa ako kila manang bobby para magpaalam. Ngiting ngiti ako palabas ng front door, naabutan ko si Senyorito baby na nakatayo na sa gilid ng kanyang sasakyan. Tumikhim siya at binuksan ang pintuan para sa akin.
Naramdaman ko ulit ang kamay niya sa ulo ko para hindi ako mauntog. Nginitian ko siya pagkapasok ko pero tiningnan niya lamang ako. Umayos ako ng upo at nagkabit ng seatbelt.
"Saan po tayo pupunta?" tanong ko sa kanya pagkapasok niya sa driver seat. Hindi kaagad siya nakasagot, pinanuod ko muna kung paano niya inilabas ang kanyang sasakyan sa mansyon. Kumaway pa si Manong guard sa amin kaya naman kumaway din ako pabalik kahit hindi ako sigurado kung nakita pa niya iyon o hindi.
"Kakain sa labas, dahil nakapasa ka" seryosong sagot niya sa akin. Kaagad nanlaki ang aking mga mata.
"Date po ba ito?" excited ba tanong ko. Hindi ko maalis ang malaking ngiti sa aking labi.
Sinulayapan niya ako, nakataas ang isang kilay. Hindi niya kinumpirma. "Ah basta! Date ito!" pagkumpirma ko para sa aking sarili. Narinig ko ang pagngisi ni Senyorito baby. Pero masyado akong masaya para intindihin pa iyon. Marahan kong sinuklay ang maiksi kong buhok gamit ang aking mga daliri.
"Eh saan po ba tayo pupunta?" panguusisa ko pa.
"Ipagluluto mo ako" tipid na sabi niya kaya naman napaawang ang labi ko.
Mas lalo akong naexcite ng makita kong sa may samgyup kami kakain. Duon din ang friendly date namin ni Jan, duon ko din nakita nuon si Senyorito baby na halos gawing uling ang mga niluluto niya.
"Ayaw niyo po dito di ba? Kasi boring?" tanong ko sa kanya habang iginagaya na kami ng isang babaeng waiter para sa magiging upuan namin.
Nagkibit balikat si Senyorito baby. "Let's see. Kasama kita ngayon, baka hindi na boring?" hindi din siguradong sagot niya sa akin kaya naman napangisi ako.
Nagulat ako ng imbes na magkaharap kami ay umupo siya sa aking tabi. Nasa pinakadulo ang upuan namin. Pangapatan iyon. Si Senyorito ang kumausap duon sa babae, tahimik lamang akong nakikinig. Nang umalis ito ay humilig siya sa akin.
"You'll cook for me" deklara niya kaya naman uminit ang pisngi ko. Tinanguan ko lamang siya.
Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng sundan ko kung nasaan ang kanyang braso. Nakapatong iyon sa likod ng aking upuan. Bakit kaya hindi na lang siya umakbay sa akin? Ok lang naman.
Nang muli kong ibalik ang tingin ko sa kanya ay nakita kong mukhang kanina pa niya ako pinapanuod, nagtaas siya ng kilay sa akin. "What?" masungit na tanong niya sa akin.
Umiling lamang ako. Wala kaming imikan hanggang sa dumating ang mga pagkain. Sinimulan kong pagluto ng mga meat, tahimik na nanunuod si Senyorito baby sa akin. "Dapat po hindi masyadong sunog. NakakaCancer po kasi..." nakangiwing sabi ko sa kanya ng maalala ko kung gaano nasunog ang sa kanya nuon.
"Tsaka po dapat, hindi tinatamad magluto" segunda ko pa. Tamad niya akong tiningnan.
"You are with that boy. Sa tingin mo gaganahan ako?" masungit na sabi niya sa akin kaya naman natahimik ako.
Kinuha niya ang chopstick at kumain ng mga side dish. Hinayaan ko siya hanggang sa magulat ako ng itapat niya sa akin iyon na may lamang maliit na patatas. Kagaya ng isinubo sa akin ni Jan nuon.
"Come on, mine is better" sabi niya sa akin kaya naman kaagad ko iyong sinubo. Anong mine is better eh parehas lang naman iyon?
Sa kalagitnaan ng aming pagkain ay siya naman ang nagpresintang magluto. Tahimik ko din siyang pinanuod, hindi ko alam kung bakit ang mas lalo siyang gumwapo habang ginagawa iyon.
"May pupuntahan pa po ba tayo after?" tanong ko sa kanya habang kumakain ako.
"Ikaw, may gusto ka bang puntahan?" balik na tanong niya sa akin. Napailing lang ako. Wala naman akong ibang maisip, bigla na lang kasi siyang nagyaya na aalis.
Tipid siyang tumango. "Gusto mong manuod ng sine?" tanong niya sa akin kaya naman kaagad nanlaki ang aking mga mata.
"Sabi ko na eh! Date ito!" nakangising sabi ko. Pinitik niya lamang ang noo ko, imbes na masaktan ay mas lalo lang akong natawa.
Matapos kumain ay dumiretso kami sa waltermart. Iyon lang ang may pinakamalapit na sinehan sa amin. Ang ibang mall ay nasa marilao na at sa malolos. Pagkapark ng sasakyan ay kaagad bumaba si Senyorito baby, nakita ko kaagad ang hawal niyang itim na jacket. Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Nginitian ko siya, hindi naman siya ngumiti pabalik, tiningnan niya lamang ako.
Maglalakad na sana ako palayo ng magulat ako dahil hinawakan niya ako sa may siko. Nilingon ko siya hanggang sa dumausdos ang kamay niya sa kamay ko. Hinawakan niya ako duon, magkaholding hands na kami ngayon. Tiningala ko siya pero hindi niya ako nilingon, diretso ang tingin niya sa daan. Sus! Nahihiya ba siya? Ako nga hindi nahihiya eh.
Hindi na lamang ako nagsalita. Inenjoy ko na lamang ang magkahawak naming mga kamay. Ako ang pinapili niya ng papanuorin namin. Wala naman akong ibang nagustuhan, syempre yung love stroy na lang. Bumili din ng pop corn at inumin si Senyorito baby. Ganito ba talaga siya makipagdate? Or dahil nandito lamang siya sa bulacan kaya ganuon?
"Ganito po ba talaga kayo makipagdate?" tanong ko sa kanya habang nakapila kami papasok sa sinehan.
"I don't do dates" tipid na sagot niya sa akin. Napanganga ako.
"Ibig sabihin. Hindi pa po kayo nakikipagdate? As in?" hindi makapaniwalang tanong ko. Nagkibit balikat siya.
"I just google this" tamad na sabi niya sa akin kaya naman napatawa ako. Hindi ko lubos akalain na magsesearch siya sa google kung paano makipagdate.
"Nasabi din po ba ni Google kung anong gagawin pag nasa loob na ng sinehan?" pangaasar ko sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin kaya naman napanguso ako. Hindi matanggal ang ngiti sa aking labi. Dream come true ito!
Ginawa naming kumportable ang mga sarili namin ng makita na namin ang assigned seat namin. Kaagad kong naramdaman ang lamig dahil sa lakas ng aircon. Nakasleeveless pa naman ako ngayon.
"Here, wear this" sabi ni Senyorito at isinuot sa akin ang dala niyang itim na jacket.
"Sabi po ba ni Google ito?" tanong ko. Umigting ang panga niya.
"Shut up, Tathriana" suway niya sa akin.
Nakakakilig ang movie nung umpisa hanggang sa hindi ko na mapigilang mapaiyak ng mamatay na ang bidang lalaki. Napatakip ako sa aking labi. Ayoko talaga ng mga ganitong movie, ayoko ng malungkot na ending. Bakit ba naman kasi ito ang pinili ko? Sana yung cartoons na lang!
Panay ang lingon sa akin ni Senyorito baby. Hindi ko siya pinansin, masyado akong emosyonal ngayon. Kaya naman kahit nakalabas na kami ay tahimik pa din ako. Ramdam ko ang marahan niyang pagpisil sa aking kamay. Magkaholding hands nanaman kami.
"Ok ka lang?" tanong niya.
Tumango ako. "Nakakalungkot po kasi yung nangyari. Hindi sila nagkatuluyan" kwento ko pa kahit napanuod naman niya iyon dahil magkasama naman kami sa loob.
"Kwento lang iyon, Tathriana" sabi niya sa akin. Nagumpisa kaming maglakad palabas.
"Pero nangyayari din po iyon sa totoonv buhay. Yung iba nga po, umalis lang pagbalik nila may iba na yung boyfriend nila eh" kwento ko sa kanya. Hindi ko sinasabing si Tito Darren ito ha.
Nakakunot ang kanyang noo ng sulyapan niya ako. "Yan ang napapala mo, kakapanuod mo ng pelikula" suwah niya sa akin.
"Ganuon din po yung nababasa ko sa libro. Mayroon talagang hindi nagkakatuluyan...kahit gaano nila kagusto ang isa't isa" laban ko pa din sa kanya. Tumahimik na lamang si Senyorito baby.
Hanggang sa loob ng saskayan ay ganuon pa din. Nanatili kami duon, hindi pa din niya pinapaandar iyon.
"You don't enjoy this, because of the movie?" tanong niya sa akin. Kaagad akong umiling.
"Nag enjoy po ako. Pero nakakalungkot lang po talaga..." sabi ko pa.
"Bakit ka nalulungkot? Hindi naman ikaw ang bida duon" nakangising sabi niya sa akin. Pilit pinapagaan ang sitwasyon.
"Eh kasi po, aalis ka din. At hindi po ako sigurado kung babalik ka pa" diretsahang sabi ko sa kanya. Kita ko ang bahagya niyang pagkagulat niya.
Ilang sandali kaming nagkatitigan hanggang sa bumaba ang tingin niya sa aking labi. Nagigiting ang kanyang panga, nakita ko din kung paano gumalaw ang kanyang adam's apple.
"Hindi ito sinabi ni Google...but I want to kiss you" marahang sabi niya. Nabigla ako, uminit ang aking magkabilang pisngi.
Hindi na ako nakagalaw pa ng dahan dahan siyang lumapit sa akin at hinalikan ako. Para akong lumulutang sa ere. Napakalambot ng labi ni Senyorito baby. Kusang pumikit ang aking mga mata, marahan ang kanyang paggalaw. Parang nakakaantok na ewan. Hindi ko madescribe, first kiss ko ito!
Sumalubong sa akin ang mapupungay niyang mga mata.
"I'm your first kiss" deklara niya. Nakagat ko ang aking pangibabang labi. Marahan akong tumango. Gusto ko na sanang manahimik pero hindi ko mapigilang magsalita.
"Senyorito, akala ko po ba halik lang? Bakit po may kasamang dila?" inosenteng tanong ko. Mariin siyang napapikit at napamura.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro