Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Senyorito baby





Buong gabi akong umiyak. Hindi iyon sapat, sa apat na taong pinagbutihan ko sa highschool. Alam kong hindi pa ito ang katapusan, may kolehiyo pa at mas mahirap ang magiging pagaaral duon. Ngunit hindi ko din naman kayang bitawan kaagad iyon. Titulo nga lang naman ang pagiging Valedictorian, pero importante iyon para sa akin.

"Kahapon snow white ka ah, ngayon bruha na?" pangaasar ni Kuya Jasper sa akin pagkababa ko ng hagdan.

"Jasper, tama na iyan" seryosong suway ni Mama sa kanya. Muling uminit ang gilid ng aking mga mata ng mapagtanto kong hindi talaga sila gagawa ng aksyon. Ni hindi sila susugod sa school namin para ipaglaban iyon. Ilang araw na lamang at graduation na.

"Papa..." tawag ko sa kanya. Mas maiintindihan niya ako, hindi kagaya ni Mama na magpapaubaya na lamang.

Ang dahilan niya? Naguumpisa kami sa negosyo kaya naman hindi maganda kung magkakaroon kami ng kaway lalo na't may pwesto sa munisipyo ang tatay ni Maricris, hindi man ganuon kataas ay iba pa din ang nagagawa pag may kapit.

Kita ko sa mga mata ni Papa ang kagustuhang tulungan ako. "Anak, wala namang kaso iyon sa amin. Ang makagraduate ka nga lang ay isang napakalaking achivement na" pagpapaintindi niya sa akin.

Napanguso ako. Handa na sanang umiyak ng magsalita si Mama. "Tathi, tama na iyan. Bumawi ka sa college. Kahit naman magvaledictorian ka, hindi ka pa din makakapagaral sa UP anak..." paliwanag niya sa akin kaya naman muling bumigat ang aking dibdib.

Hindi na ako nakapagpaalam sa kanila ng mabilis akong tumakbo palabas ng bahay. Tuloy tuloy ang pagtulo ng aking luha. Dahil sa mga nangyayari, mas lalo ko lang gustong maging abogado. Gusto kong magaral ng pagaabogasya. Ngunit kagaya ng sabi ni Mama, hindi namin kakayanin. Kahit maging scholar pa ako.

Mabilis kong pinawi ang mga luha ng matamaan ko sina Maricris kasama ang kanyang mga kaibigan. Malayo pa lang ako ay alam kong ako na ang pinaguusapan nila. Panay ang bulungan at tawanan ng mga ito habang sumusulyap sa akin.

Naikuyom ko ang aking kamao. Lalagpasan ko na sana sila at hindi na papansinin, ngunit sila pa mismo ang humarang sa aking daan.

"Kawawa ka naman Tathi. Sorry ha, ako ang Valedictorian" nakangising saad ni Maricris sa akin. Nakahalukipkip siya habang nakataas pa ang isang kilay.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Edi Congratulations sayo! Sana ay mabuhay ka ng matagal!" asik ko sa pagmumukha niya. Kita ko ang gulat niya pero hindi ko iyon pinansin. Tangka kong tatalikuran na siya ng mabilis akong mapatingala ng hablutin niya ang aking buhok.

"Go Maricris! Go Maricris!"

Napuno ng sigawan ang kalsada. Tawa ng tawa ang mga kaibigan nito ng makita nilang halos hindi ako makalaban. Ang mga nagbabasketball sa di kalayuan ay kaagad na natigil dahil sa kumusyon.

Masyado siyang malakas, at di hamak na mas malaki ang katawan niya sa akin kaya naman ganun ganun na lang niya ako halos ihagis padapa sa lupa.

"Hoy. Tama na iyan, tama na iyan" suway sa amin ng mga kalalakihang palagi kong nakikitang nagbabasketball sa court.

Halos mamula ang mukha ko dahil sa galit. Hindi ko na nagawang ayusin pa ang aking sarili. Nanatili akong nakatayo duon habang masamang nakatingin kay Maricris. Mas inuna pa nito ang pagaayos ng sarili, madaling madali na para bang ayaw niyang makita siya ng mga kalalakihan na ganuon ang ayos. Shuta! ang arte!

"Bakit ka naman ganyan Tathi. Bakit hindi ka na lang maging masaya para sa akin..." halos manlaki ang aking mga mata dahil sa kanyang ginawa. Nagpapaawa na siya ngayon. At siya pa talaga ang may ganang magpaawa effect!?

"Kasalanan ko ba? Na sa tingin ng mga teacher natin ako ang karapatdapat na Valedictorian?" patuloy na pagpapaawa niya.

Bayolente akong napalunok, lalo ng makita ko ang mga bulungan kung saan.

"ay, bitter lang pala"

"Naku, basagulera pala kaya hindi naging Valedictorian eh"

Pumasok at lumabas lamang iyon sa aking magkabilang tenga. Hindi naman nila ako kilala, hindi nila alam ang sinasabi nila. Imbes na magtagal duon ay tinalikuran no silang lahat.

Lahat silang nangapi sa akin! Darating ang araw na babalik ako sa bayan na ito at lahat sila ay titingala sa akin. Ako ang magbibigay ng karangalan sa bayan ng sta. maria. Kukuhanin ko ang top 1 sa bar exam pag magaabogado na ako. Lahat sila! Makikita nila. Mga shuta!

Kahit gaano ko subukang maging matapang ay hindi ko pa din napigilang mapaiyak. Panay ang tulo ng luha ko habang naglalakad ako patungo sa mansyon.

"Oh anong nangyari sayo?" gulat na gulat si Manong guard ng makita ako.

Hindi ko siya sinagot. "Ayos lang po ako" tamad na sagot ko sa kanya bago niya ako pinagbuksan ng gate sa mansion.

Papasok pa lang ako sa front door ng humarang na si Manang bobby sa akin. Nakahalukipkip ito at nakataas pa ng kilay. Unti unting nanlambot ang kanyang mukha ng makita ang tunay kong kalagayan.

"Anong nangyari sayo?"

Alam kong nagaalala siya, ngunit nagawa pa niya akong kaladkarin patungo sa may kusina para daw gamutin. Hindi ko alam kung dala ba yun ng pagkataranta niya? O baka naman talagang inis siya sa akin?

Pinaupo niya ako sa may kitchen counter. Muli niya akong tinanong kung anong nangyari sa akin at kung ayos lang ba ako. Dahil sa mga ganuong klaseng tanong ay mas naging emosyonal ako.

"Eh ganuon talaga..." sagot niya sa akin ng maikwento ko na sa kanya ang lahat.

Hindi ko tinanggap. Mas lalo akong sumibi dahil sa pagiyak. "Pinaghirapan ko po iyon, sinabi na po ng adviser namin na ako ang Valedictorian. Third quarter pa lang po..." umiiyak pa ding kwento ko sa kanya.

"Ako nga din po dapat ang magbibigay ng bulaklak kay Governor nung ceremony. Pero pinalitan nila ako, mas maganda daw kasi Maricris" sumbong ko pa din kay Manang bobby. Hindi ko alam kung may pake ba siya o nagkukunwari lang na nakikinig sa akin. Siya na din ang nagpresinta na linisin ang sugat ko. May ilang galos ako sa braso dahil sa nangyari kanina.

Napatigil ako ng marinig ang tawa niya. "Bakit po? Ano pong nakakatawa?"

Sumulyap sulyap pa siya sa akin. "Eh kasi naman! Hindi ka marunong magayos, ayan tuloy napapalitan ka" nakangisi pang sabi niya sa akin.

Napanguso ako. Kailangan ba maganda din para maging valedictorian?

"Maganda ka naman kasi sana Tathriana. Masyado ka lang talagang dugyot na bata ka, tingnan mo nga yang balat mo. Ano ba yang galis?" turo niya sa braso ko. Napaawang ang bibig ko.

"Bungang araw po ito" laban ko, inismiran niya lamang ako. Ayaw tanggapin ang paliwanag ko.

"Maglotion ka! Hayaan mo at bebentahan kita ng magandang lotion. Tapos mag vitamins ka! May dugo ka pa ba? Ang putla mo!" puna niya da akin kaya naman natahimik na lamang ako.

"Aray ko po" daing ko ng nagumpisa na siyang pagpahid ng alcohol sa aking mga galos.

"Hay naku, tiisin mo. Ang lakas ng loob mong makipagbasag ulo" inis na suway niya sa akin.

Napatigil si Manang Bobby ng biglang may pumasok sa may kitchen. Napaaray ako ng medyo dumiin ang hawak niyang bulak sa aking sugat. Mukhang nagulat dahil sa pagdating ng kung sino.

"Magandang umaga po, Senyorito Cairo" bati niya na ikinagulat ko din.

Para din akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa lamig din ng taong nasa harapan ko ngayon. Nagtaas siya ng kilay sa akin ng matamaan niya akong nakatingin sa kanya.

"Magandang umaga po, senyorito cairo" bati ko din sa kanya.

"Oh shut up" halos pabulong lamang iyon pero rinig na rinig ko. Tagos iyon hanggang sa ikaibuturan ko.

Para akong biglang nanlamig. Wala naman akong ginawang masama sa kanya. Bakit kaya siya galit sa akin? Naiinis? Saan, sa fishball? Dahil sa pagkain ko ng fishball?

"Manang Bobby, pahingi po ako ng kape. Pahatid na lang po sa garden" seryosong sabi niya dito. Kahit pa may paggalang siya sa paraan ng pakikipagusap niya dito ay siguradong manginginig ka sa lamig at kaseryosohan ng boses niya.

Umalis siya ng kitchen na hindi man lang nagtapon ng tingin sa akin. Natural Tathi! Nandidiri nga iyon sayo!

Pinanuod ko si Manang Bobby na gumawa ng kape para kay Senyorito Baby. Ayoko na siyang icrush, perp baby ko pa din siya. Nagtatampo pa din ako! Hmp!

"Oh Tathi, ikaw na ang magdala nito kay Senyorito. Ayusin mo! Nang matuwa naman iyon sayo" pangaral pa ni Manang bobby sa akin. Napanguso na lamang ako at napatango tango.

Ayos lang dahil kailangan ko na din namang ipagpatuloy ang ginagawa ko sa may garden. Nanduon nanaman siya sa garden? Akala ko ayaw niya akong makita? Bakit nasa garden pa din siya?

Naku Tathi, wag kang assumera! Baka maipatapon ka palabas ng mansion.

Wala si Senyorito Baby pagkalabas ko ng garden. Namataan ko siya sa may banda ng tinatrabaho kong mga halaman. Naiwan sa lamesa ang ilang mga documento, may laptop ay ilan pang mga gamit. Hindi ko pa muna inilapag ang tasa sa may lamesa. Puno kaso iyon ng kanyang mga documento, ayokong galawin dahil baka pagalitan niya ako.

Nakatalikod siya ngayon sa aking gawi habang may kausap pa din sa kanyang cellphone. Nanatili akong nakatayo sa gilid ng lamesa. Ang ganda ng kanyang laptop! Halatang mamahalin. Sinulyapan ko ang screen nuon. Napangiwi ako ng hindi ko maintindihan ang mga nakalagay, basta may nakita kong graph ng kung ano.

Muli akong sumulyap sa kanya. Muli akong napaayos ng tayo ng tuluyan na siyang humarap sa aking gawi. Ngayon, nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Panay pa din ang pagkausap niya sa kung sino man ang nasa kabilang linya. Hindi ko alam kung para kanino ang pagkakakunot ng noo niya. Para ba sa akin? O para sa kausap niya? Kanino siya naiinis?

Muli akong umayos ng tayo. Inayos ko din ang pagkakahawak ko sa isang tasa ng kape na nakapatong sa isang maliit na platito. Ang liit naman ng tasa na ito, hindi ba siya mabibitin sa kape niya?

Maayos na sana ang lahat ng aagad na may lumapit na bubuyog sa akin. Hindi ako gumalaw sa pagaakalang hindi siya tutuloy ng lapit sa akin, pero nagkamali ako. Ako ang kalapitan niya. Kaagad akong napaaatras. Hanggang sa maout of balance ako ay sumumsob sa may lamesa.

"What the fuck!" asik ni Senyorito Cairo. Halos lumuwa ang aking mata ng makita ang basang mga documento dahil sa pagtapon ng kape.

Mula sa pagkakadapa sa lamesa ay inangtan niya ako sa pamamagitan ng mahigpit niyang pagkakahawak sa aking braso. "What the fuck, are you? Anong ginawa mo!?" galit na galit siya. Hindi ko lamang iyon naramdaman sa kanyang boses, naramdaman ko din iyon sa mahigpit niyang pagkakahawak sa aking braso.

Napangiwi ako. "Sorry po...kasi po"

Hindi niya ako hinayaang makapagsalita. Bagkus ay nagawa pa niya akong yugyogin sa pamamagitan lamang ng pagkakahawak niya sa aking isang braso.

"You Damn, kid! You are really getting on my nerves!" patuloy na asik niya.

Mas lalo akong napangiwi. Pakiramdam ko kayang kaya niyang baliin ang kamay ko dahil sa kanyang pagkakahawak sa akin.

"Nasasaktan na po ako..." daing ko sa kanya. Bumaba ang matalim niyang tingin sa aking brasong mahigpit niyang hawak.

Dahan dahan iyong lumuwag. Narinig ko din ang pagkakagulo ng ilang mga kasambahay kasama si Mamang Bobby para naluhan si Senyorito. Muli ko siyang tiningala, nanatili ang matatalim niyang titig sa akin. Dahil sa talim at lamig nuon ay parang lumalamig din ang paligid sa akin.

"Jusko! Tathi anong nagawa mo?" paghyhysterical ni Manang bobby.

Napanguso ako. Tsaka lamang ako nakahinga ng maluwag kahit papaano ng bitawan niya na ako. "Bakit ang batang ito ang nagdala ng kape ko?" galit na tanong nito sa mga kasambahay.

Mas lalo akong yumuko dahil sa kahihiyan. Dahil sa kapalpakan ko ay nadamay pa tuloy sila. Malapit pa din ako kay Senyorito Cairo, kitang ko pa din ang pagtass baba ng kanyang dibdib dahil sa kanyang galit.

"Ako po ang nagpresinta na magdala" mahinang sabi ko. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Manang Bobby. Hindi inaasahan na aakuin ko ang lahat.

Mas lalo akong natakot dahil sa muling pagharap niya sa akin. "Sorry po. Ano po ba ang pwede kong gawin? Para po..."

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin. Naramdaman ko ang kanyang pagtulak sa aking bandang balikat. "Stay away from me. Do you here me?" madiin at galit na sabi niya sa akin. Uminit ang gilid ng aking mga mata.

Marahang tango lamang ang iginawad ko sa kanya.

"Leave me alone...all of you. Damn it" galit na sabi pa din nito. Kanya kanya silang takbo pabalik sa bahay.

Tahimik akong pumunta sa mga halaman para sa hindi ko pa natatapos na trabaho. Pagkatapos nuon ay hindi na ulit ako sumubok na lingonin siya. Nagfocus ako sa ginagawa ko kahit pa ramdam ko siya sa malayong likod ko.

Kung nakakapaso siguro ang matalim na tingin ay paniguradong kanina pa sunog ang aking likuran. Sa oras ng mirienda ay hindi ako tinawag ni Manang Bobby. Hindi ko na lamang pinansin, marahil ay parusa iyon dahil sa kapalpakan ko nanamang ginawa.

"Senyorito..." natatakot na tawag ni Manang Bobby dito. Sumulyap ako sa gawi nila at duon ko nakitang naghatid siya ng mirienda para dito. Matalim pa din ang tingin ni Senyorito Cairo sa kanyang laptop.

Panay ang salita ni Manang Bobby. Marahil ay nagpapaliwanag. Napanguso ako ng makitang parang hindi man lang siya naging interisado sa mga sinasabi nito. Napaiktad pa ako ng makita ko ang kanyang biglaang paglingon sa akin. Shuta!

"Ayos na" rinig kong mahinahong sabi niya dito. Sa haba ng speech ni manang iyon lang ang kanyang isinagot. Napailing na lamang ako. Ang bad mo baby! Dapat kang parusahan!

Muli ko sanang susulyapan si Manang bobby. Wala talagang mirienda manang bobby? Napanguso ako, pero kaagad ding nagiwas ng tingin ng makita ko ang matalim na tingin sa akin ni Senyorito.

"Tathi!" sigaw ni manang mula sa loob.

Halos manlaki ang aking mga mata. Sigurado akong mirienda iyon! Mabilis kong binitawan ang mga hawak ko. Pinagpag ko pa ang magkabilang kamay para alisin ang ilang lupa. Nagawa kong tumakbo papasok sa mansion ng hindi nililingon si senyorito Cairo. Ramdam ko pa din naman ang tingin niya sa akin, matalim.

"Oh, kumuha ka na ng mirienda. Naku ikaw talagang bata ka, aatakihin ako sa puso sayo eh" suway niya sa akin. Hindi ko siya pinansin. Gumawa sila ng spanish bread, mas malaki iyon kesa sa mga nakikiga sa bakery. At siguradong mas masarap din!

Kumuha ako ng dalawa at inilagay sa aking platito, binigyan din ako ni manang bobby ng juice. Pagkalabas ko sa may garden ay kaagad kong nakita si Lumi na nakaupo kasama si senyorito Cairo. Oh saan nanggaling ito?

Nagkwekwentuhan silang dalawa, natigil lamang ng makita niya ako. Nakita ko ang pagtaas ng gilid ng kanyang labi.

"Halika dito, Tathi!" tawag niya sa akin na mas kasama pang pagkaway. Napaawang ang bibig ko, halos hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Sinumbong ba ako ni senyorito? Isusumbong ba ako kay Governor? Papaalisin ako dito?

"Tathi! Binge ka ba?" nainis ng tawag ni Lumi sa akin dahil sa pagkabato ko.

Wala na akong nagawa kundi ang maglakad papalapit sa kanila. Shuta! Pakiramdam mo ay mapapagalitan nanaman ako. Sabi ng hindi na ako lalapit eh!

"Bakit po Senyorita?" magalang na tanong ko sa kanya. Narinig ko ang kanyang pagngisi kaya naman tiningala ko siya.

"Call me Lumi na lang, ano ka ba?" ngiting aso pa siya. Sus! Kung hindi ko lang alam, pinapansin niya lang ako para ipakita kay Senyorito Baby na mabait siya. That she has a heart for the needy. Shuta!

Hindi pa siya nakuntento. Pinaupo pa niya ako kasama nila. Kita ko ang pagbaba ng tingin niya sa aking platito na may lamang tinapay. Parang nandiri pa siya, ano kayang problema nito sa spanish bread ko?

"You can eat with us..." malambing na sabi pa niya sa akin. Halos magsitayuan ang balahibo sa aking buong katawan.

"Diba Cai?" baling niya dito na mas malambing pa. Nanlaki ang aking mga mata. Cai? Cai!?

Hindi ako nageffort na lingonin siya. Kahit ramdam ko mula sa gilid ng aking mga mata na nakatingin siya sa akin.

"Yeah" tamad at malamig na sagot niya dito.

Nagpatuloy sila sa kanilang paguusap. Shuta, sana ay hinayaan na lang niya akong kumain duon sa tabi ng mga dwende ko! Hindi tuloy ako makakain ng maayos.

"Anyway. Nabalitaan ko yung nangyari..." baling ni Lumi sa akin. Napatigil ako sa pagkagat sa tinapay ko. Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanya at kay Senyorito.

"Hindi ko po talaga sinasadya..." laban ko.

Ngumisi si Lumi, mas lalo namang bumigat ang tingin ng isa sa akin. "Sorry to hear that, Tathi. Hayaan mo...ang mahalaga makagraduate" sabi niya. Sandaling nanlaki ang aking mga mata. Buong akala ko ay dahil iyon sa nangyari sa mga documento ni Senyorito.

Mas bumagsak ang balikat ko. "Ayos lang po" labas sa ilong na sabi ko.

"Invited si Cai sa graduation niyo. Hindi kasi makakauwi si Dad sa araw na iyon." kwento pa niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit niya iyon sinasabi sa akin. Alam ko namang ayaw niya sa akin. Si Sera nga nuon na mayaman din kagaya niya, inaway niya! Porket anak siya ni Governor!

Buong akala ko ay tapos na. Hindi pa din pala. "Nakipagbasag ulo nga daw iyan kanina. Inaway yung Valedictorian nila" natatawang kwento ni Lumi dito. Napaawang ang bibig ko, napatingin ako kay Senyorito at nakita ang pagtaas ng kilay niya. Blanko din ang kanyang ekspresyon pero ramdam ko ang bigat ng tingin niya sa akin.

Bayolente akong napalunok ng makita ang pagbaba ng tingin niya sa aking braso, na may mga galos. Napakagat ako sa aking labi, ang higpit din ng hawak niya kanina dito. Hanggang ngayon tuloy ramdam ko pa ang kanyang kamay.

"Sila naman ang nauna" sagot ko na nagpatigil kay Lumi. Tumaas naman ang isang sulok ng labi ni Senyorito na para bang hindi niya nagustuhan ang aking isinagot.

"Pero, nangaway ka pa din Tathi. Masama iyon ang bata bata mo pa" laban ni Lumi sa akin.

"15 na ako" giit ko. Mas lalo siyang napatawa at napailing iling.

Naginit ang pisngi ko ng tumingin ako kay Senyorito. Bumaba ang tingin niya sa hawak na tasa ng kape. Mas lalong humaba ang nguso ko dahil sa pagtawa ni Lumi.

"Senyorita Lumi. May tawag ho kayo galing Manila" tawag sa kanya ng isa sa mga kasambahay.

Nanlaki ang aking mga mata ng makita ang biglaan niyang pagalis para pumasok sa loob ng mansyon. Hindi ko alam ang gagawin ko, tatayo na ba ako o aalis?

"What did you do this time, kid?" mapanuyang tanong ni Senyorito sa akin. Napaawang ang aking labi.

"Sila po ang unang nangaway sa akin" laban ko.

Napangiwi siya, mas lalong nairita. "You know what, kung hindi para sayo ang pagiging Valedictorian hindi iyon para sayo! Hindi mo kailangang mangaway just to prove a point!" asik niya sa akin. Parang bigla siyang naging guidance councilor.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi. Hindi ko napigilang maging emosyonal. "Alam ko naman pong walang maniniwala sa akin, bukod sa panget ako...hindi kami mayaman kagaya ninyo at nila maricris" paliwanag ko sa kanya. Kita ko ang pagawang ng kanyang bibig.

Muling bumaba ang tingin niya sa aking buong katawan. "Panget ka naman talaga, anong problema mo duon?"

Nagulat ako. Sa kanya pa talaga manggagaling? Sa crush ko pa talaga manggagaling?

"Bata pa naman po ako. Paglumaki na ako, sabi ni Charlie gaganda na ako" mahinang sabi ko sa kanya. Nagtiim bagang siya at nagiwas ng tingin, pinanuod ko kung paano siya sumimsim sa kanyang kape.

"May girlfriend ka na po?" biglaang tanong ko kaya naman halos masamid siya. Dumilim ang tingin niya ng bumaling sa akin.

"Kasi po ano eh...crush ka ng mga kaibigan ko. Pinapatanong po nila" palusot ko. Ramdam na ramdam ko ang matinding pagtatambol sa aking dibdib.

"The hell you care" inis na sabi niya.

Muli kong pinasadahan ang kanyang mukha. Shuta! Ang gwapo talaga. Napakagat tuloy ako sa spanish bread ko. Muli siyang napabaling sa akin, bumaba ang tingin sa aking labi at sa kagat kagat kong spanish bread.

Nagtaas baba ang kanyang adams apple. "Pwede ba bata, lumayas ka sa harapan ko" pagtataboy niya sa akin.

Napanguso ako. "Pasencya ka na po ulit, Senyorito Baby..."

"What did you say?" asik niya na ikinagulat ko din. Fuck Tathi! Bunganga mo!

"Po? Wala po..." pagmamaang maangan ko na lang ulit.

Mas lalong naglapat ang kanyang mga labi. "Ayoko ng may nagkakacrush sa akin. Lalo na at ganyan ang itsura..." sabi niya habang minamata ako.

"At mas lalong hindi ako pumapatol sa bata...disgusting" nandidiring sabi pa niya.









(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro