Chapter 19
First time
Ilang minuto pa silang naglaba ng titigan hanggang sa naputop na lamang iyon ng nagsipasukan na sa kubo ang mga bisita ni Senyorito Luigi. Kaagad silang lumapit sa may lamesa para tingnan ang mga pagkaing ipinadala ni Manang bobby.
"Aaron" tawag nung girlfriend niya sa kanya. Mabilis itong yumakap sa kanyang braso. Duon lamang din nawala ang atensyon niya sa amin ni Senyorito baby. Nakaawang ang bibig ko ng sundan ko ng tingin si Aaron, mabilis siyang tumiklop. Hindi na siya nakipaglaban pa kay Senyorito baby.
Bumaling ako dito at nakita kong sa akin naman ngayon nakatuon ang matalim niyang tingin. Parang ako naman ngayon ang aawayin niya eh wala naman akong ginagawa.
"Bakit po?" tanong ko sa kanya. Ang sama ng tingin eh.
"Hindi ka talaga pwedeng iwanan, ano?" galit na tanong niya sa akin.
"Nagaayos lang naman ako dito, tapos bigla siyang lumapit" paliwanag ko sa kanya pero inirapan niya lamang ako. Mas lalo tuloy humaba ang nguso ko. Muli kong pinasadahan ng tingin ang buong lamesa, una nilang kinakain yung mga finger foods. Mabenta sa kanila yung nachos ba ginawa ni Manang bobby, kaya pala iyon ang nakalagay sa pinakamalaking tupper ware.
"Bukas tayo mangangabayo" sabi ni Senyorito Luigi sa mga kaibigan niya kaya naman muli silang naghiyawan.
Sa Sitio gipit naman ang hacienda nila, malawak iyon. May mga taniman ng iba't ibang klase ng prutas at gulay, may farm din duon kung saan may iba't ibang klase ng hayop na inaalagaan kagaya ng baka, baboy, mga manok at kambing.
"Walang yelo?" reklamo ng isang babae. Kaagad nila akong nilingon, gulat pa ako nung una hanggang sa marealize ko na ako pala dapat ang magprovide nuon.
Kaagad akong nagpalinga linga para hanapin ang cooler na pinadala ni Manang bobby. Napasapo ako sa aking noo ng maalalang hindi nga pala iyon nababa mula sa likod ng sasakyan ni Senyorito baby.
"Kukuhanin ko lang po" paalam ko sa kanila. Kaagad umirap sa akin ang mga babae, buti na lang at napigilan ko ang aking sarili iirapan ko din kasi sana sila pabalik.
Kaagad tumayo si Senyorito Luigi. "Samahan na kita, Tathi. Mabigat iyon" pagprepresinta niya.
Tumango ako. Pero nakakailang hakbang pa lang siya palapit sa akin ng mawala siya sa aking paningin ng humarang ang malaking katawan ni Senyorito baby.
"Ako na Luigi" seryosong sabi niya. Umusod ako para makita si senyorito Luigi. Kita ko ang pagkagulat niya, nakuha naman ang atensyon ko ng umiiling na si Aaron. Nakangisi siya na para bang may naiisip siyang nakakatawa.
"Ilang taon na nga itong si Tathi?" tanong niya. Hindi ko alam kung para kanino, ang lahat ay natigilan dahil duon.
"16" tipid na sagot ni Senyorito Luigi.
Muli siyang napatawa kaya naman mas lalong nabaling sa kanya ang atensyon ng lahat. Ano kayang problema niya? Parang baliw!
"May problema, Aaron?" medyo iritadong tanong ni Senyorito Luigi sa kanya. Parang nadismaya ang lahat ng umiling siya. Wala naman pala, may pangisi ngisi pa.
Pumihit na ako para pumunta kung saan nakapark ang mga sasakyan. Nang isang beses kong nilingon si Senyorito baby ay kaagad kong nakita ang pagiging seryoso niya. Galit pa din siya pero nagawa pa din niyang maglakad kasunod sa akin.
"Sa akin po ba kayo galit? Kasi kung kay Aaron, wala na siya dito" sabi ko. Nasa harapan na kami ng sasakyan niya. Huminto ako sandali pero nagawa niya akong lagpasan para dumiresto sa likuran kung nasaan ang cooler.
Napanguso ako at kaagad na sumunod sa kanya. "Basta wala akong ginagawa" laban ko. Basta!
Nilingon niya ako, tumaas ang isang sulok ng labi niya. Hanggang sa bumaba ang tingin niya sa nakangusong labi ko. "Ano't namumula nanaman yang labi mo?" galit na tanong niya sa akin. Nagulat ako, kaagad ko iyong pinunasan gamit ang likod ng palad ko.
Nagtiim bagang si Senyorito baby. "Ang bata bata mo pa..."
Mabilis kong pinutol ang sasabihin niya. Itinaas ko ang dalawang daliri ko. "Hala. Dalawang taon na lang po 18 na ako...matanda na" laban ko sa kanya pero hindi pa din natanggal ang pagkakatiim bagang niya.
"Napakatigas ng ulo mo" madiing sabi niya sa akin. Napanguso ako.
Hinawakan ko ang ulo ko. "Wala naman pong malambot na ulo" laban ko sa kanya kaya naman mariin siyang napapikit. Mukhang inis nanaman.
"What should I do to you?" problemadong tanong niya. Hindi ko alam kung para sa akin o para sa sarili niya.
Nagkibit balikat na lang din ako. Hindi ko din alam eh. Lumapit ako para sana kuhanin ang cooler pero kaagad akong napaiktad ng ikulong niya ako duon, napaharap ako sa kanya, ang kanyang magkabilang kamay ay nakatukod sa may sasakyan.
Halos mamanhid ang buong katawan ko dahil sa lapit ng mukha niya sa aking mukha, muntik na akong maduling. "Kailangan sayo palagi, may bantay. Sandali lang akong malingat, kung sino sino nang lumapit sayo" seryosong sabi niya.
Napanguso ako at bahagyang nagiwas ng tingin. "Basta po wala akong ginagawa" laban ko. Basta wala akong kasalanan, sila ang lumalapit sa akin, wala naman akong ginawang masama.
Halos maramdaman ko na ang hininga niya sa aking pisngi. Shuta. Aatakihin na talaga ako sa puso neto.
"Ang bata bata mo pa, ang dami mo ng lalaki" seryosong sabi niya. Nanlaki ang aking mga mata, napangisi siya dahil sa naging reaksyon ko.
"Wala naman po!" laban ko. Halos magtama ang ilong daming dalawa dahil sa lapit ng mukha niya sa akin. Hindi ko nga alam kung duling na ba ako o normal pa ang mga mata ko.
Bumaba ang tingin niya sa aking labi. Tumayo ang balahibo ko sa batok pababa sa may braso. "What's the flavor of your liptint, huh?" tanong niya sa akin. Napaawang ang labi ko, shuta ito na ba? Ito na ba? Ang first kiss ko!?
Bahagya kong dinilaan ang labi ko para malaman ko. Napakagat labi si Senyorito baby ng makita niya ang ginawa ko. "Uhm..." paguumpisa ko. Hindi ko malasahan shuta! Kinakabahan ako.
Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Let me help" sabi niya at dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Papikit na sana ako eh.
"Cai!?" sigaw na tawag ni Adelide.
Mabilis akong napadilat. Umayos na ng tayo si Senyorito baby. Gulantang pa din ako ay nabato sa kinalalagyan ko. Nanatili akong nakahilig sa likod ng kanyang sasakyan, tiningnan ko si Senyorito baby pero busy ba siya sa pagbababa ng cooler. Ni hindi ako tinapunan ng tingin.
Wala sa sarili akong napapadyak. "Ang epal naman!" reklamo ko. Napangisi lamang siya kahit hindi ako tinitingnan.
Nakabusangot ako ng dumating ang ngiting ngiting si Adelide. Bumagsak na lang ang tingin ko sa sahig.
"Tathi. Hinahanap ka ni luigi" sabi niya sa akin. Kaagad akong nagtaas ng tingin kay Senyorito baby, seryoso lang siyang nakatingin sa akin.
"Sige na. Mauna ka na..." pagtutulak sa akin ni Adelide. Ayokong umalis! Ayokong iwanan silang dalawa, baka mamaya siya ang halikan ni Senyorito baby.
"Senyorito tara na po..." yaya ko sa kanya. Hindi ko talaga siya iiwang magisa kasama si adelide.
Muling tumaas ang isang sulok ng labi niya, pilit na itinatago ang pagngiti. "Kami ng bahala ni Cai dito" sabi ni Adelide, medyo inis na.
Nanatili ang tingin ko kay Senyorito baby. Tulungan mo naman ako baby! Wag ka namang pumayag.
Bumagsak ang magkabilang balikat ko ng mukhang wala siyang gagawin. Bigong bigo akong naglakad pabalik sa may fishpond. Malayo pa lang ay rinig ko na ang tawanan at hiyawan sa may kubo.
"Tathi. Yung refills?" salubong na tanong ni Senyorito Luigi sa akin. Kaagad kong ginawa ang trabaho ko. Hindi ko na lamang nilingon si Senyorito baby ng bumalik na siya kasama pa din si Adelide.
Umalis silang lahat sa kubo ng mabusog na sila. Naligpit ko na ang iba kaya naman nakatunganga na lang ako sa loob ng kubo. Muli silang sumakay sa balsa at nagawa pang manghuli ng tilapia. Hindi naman nila iyon kakainin, trip lang nilang manghuli.
Napabuntong hininga ako at tsaka tamad na kumuha ng mojos at kinain iyon. Kumain lang ako ng kumain hanggang sa nakita ko ang paglapit ni Adelide sa akin. Nakangiti siya pero alam kong fake iyon.
"Nakita mo na yung butterfly garden?" tanong niya sa akin.
Kaagad akong napailing. "Punta ka, ang ganda duon" panghihikayat niya sa akin.
Gusto ko sana pero hindi ko pwedeng iwanan ang mga pagkain dito. Ako din ang taga bantay ng mga gamit nila. Mukhang mamahalin ang mga gamit nila kaya naman kailangang bantayan.
"Pero po..."
"Ako na ang bahala dito. Ako na ang magpapaliwanag kay Luigi" sabi pa niya sa akin. Halos itulak niya ako paalis duon. Kumunot ang noo ko, ano kayang problema nito?
Nilingon ko si Senyorito baby. Nasa malayong bahagi siya, may kausap sa cellphone.
Dahil sa pagkairita kay Adelide ay umalis na lang ako. Nakita ko na yung butterfly garden pagkapasok ng sasakyan kaya naman alam ko na kung saan ako pupunta. Mabilis kong nilabas ang cellphone ko para makapagpicture picture.
"Wow" sambit ko pagkapasok ko duon. Kaagad kong itinaas ang kamay ko at umikot ikot sa gitna, kaagad na nabulabog ang mga butterfly kaya naman mas lalo akong napangiti.
Puro picture ang ginawa ko. Selfie at kung minsan ay nagseset ako ng timer. Kinuha ko ang cellphone ko matapos kong ihilig iyon sa may paso. Titingnan ko kung maganda ang kuha.
Senyorito baby:
Asaan ka?
Ako:
Hulaan mo.
Napabungisngis ako ng isend ko iyon. Bahala siya, hindi niya ako ikiniss kaya naman hindi ko sasabihin sa kanya kung nasaan ako.
Senyorito baby:
Humanda ka sa akin pag nakita kita!
Humaba ang nguso ako ng mabasa iyon. Magtitipa pa sana ako ng isasagot ng kaagad akong mapaiktad ng marinig ko ang pagtikhim niya mula sa aking likuran.
Mabigat na kaagad ang tingin niya sa akin.
"Ano pong ginagawa niyo dito?" tanong ko.
"Hinahanap kita. Bigla kang nawala" seryosong sagot niya sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mata hanggang sa nagiwas na lamang ako ng tingin. Medyo kinilig ako duon dahil hinanap niya ako ng nawala ako.
"Namasyal lang po ako"
Nagtiim bagang siya. "Sana sinabi mo sa akin" laban niya.
"Ayaw ko po kayong kasama, gusto kong mapagisa" pagiinarte ko. Sinimangutan niya ako.
"At bakit?" galit na tanong niya. Ito naman! Galit kaagad, ang sungit!
"Ayaw ko po kayong isama, hindi niyo po ako kiniss!" laban ko. Halos gusto kong sampalin ang sarili ko ng hindi ko napigilan ang paglabas nuon sa bibig ko.
Naglakad siya palapit sa akin. Muli akong napading ng pitikin niya ang noo ko. "Stop being too aggressive" sita niya sa akin. Hindi ko inintindi dahil nakahawak pa din ako sa noo kong pinitik niya.
Tumingala siya ng makita niya ang paglipad ng mga paruparu. "Picturan ko po kayo, Senyorito" pagprepresinta ko. Kinuha ako ang cellphone ko sa bulsa ko para sana picturan siya pero iniwas niya iyon sa kanya.
"Stop that. Ayoko"
Napanguso ako. "Sayang po. Gagawin pa naman kitang wallpaper ko" pagbibida ko sa kanya. Tiningnan niya lamang ako.
"Hindi talaga matikom yang bibig mo. Sasabihin mo talaga ang lahat ng nasa isip mo" puna niya sa akin.
Nagngiting aso ako. "Kaya nga po wala akong alam na secrets. Hindi nagsasabi si Charlie sa akin kasi alam niyang hindi ko kayang tumahimik. Ako nga po ang dahilan kung bakit nalaman ng pamilya niyang bakla siya" kwento ko pa sa kanya. Napangisi siya.
"Delikado iyan" sita niya sa akin.
Nginitian ko lamang siya. Wala na akong magagawa, palaging kumakati ang labi ko. Hindi ko na mapigilan.
Natapos ang buong araw na iyon. Nasa likod pa din ako ng sasakyan ni Senyorito baby. Ang ingay ingay ni Adelide, kanina naman hindi siya ganuon. Bigla siyang naging madaldal. Halos bumagsak ang talukap ng mata ko habang nasa byahe pauwi. Pagod ang buong katawan ko, nakakapagod!
"Tathi, may dumating na sulat para sayo" salubong ni Mama sa akin pagkauwi ko sa bahay.
Kaagad kong kinuha ang puting sobre sa may lamesa. Kumunot ang noo ko.
"Bakit po ako papadalhan ng sulat ng meralco?" nagtatakang tanong ko kay Mama.
Kita kong halos batuhin niya ako ng chicharon na hawak niya. "Ewan ko sayo, Tathriana!" galit na asik niya sa akin kaya naman napanguso ako.
Kinuha ko yung pangalawang sobre galing sa school ko nung highschool. Ilang papers iyon na nirequest ko para sa pagpasok ko sa college. Kasama na din duon ang form 137 ko at certificate ng good moral.
"Akala ko pa naman, love letter" bulong bulong ko.
"Magtigil ka diyan!" sita ni Mama sa akin. Narinig pa niya iyon?
Umakyat ako sa aking kwarto. Duon ko lang narealize na mukhang magkagalit sina Mama at Papa. Hindi kasi sila nagpapansinan. Ano nanaman kaya ang problema? Ayoko namang magtanong, siguradong papagalitan ako ni Mama.
Isa pang hindi maalis sa isip ko ay si Senyorito baby at si Adelide. Nasa iisang bahay lang pala sila ngayon. Hindi ako mapakali, baka si Adelide ang halikan niya! Hindi pwede!
Ako:
Senyorito?
Hindi ako nakuntento. Nagtext pa ulit ako.
Ako:
Baby?
Senyorito baby:
Shut up! Tathriana.
Napangisi ako. Ang bilis magreply pagtinawag kong baby.
Ako:
Nasaan ka po ngayon?
Senyorito baby:
Inside my room
Ako:
Good!
Senyorito baby:
Anong good? Anong kailangan mo?
Tumalon ako sa kama. Magtitipa pa ulit sana ako ng reply ng kaagad na tumunog ang cellphone ko. Napatili ako ng makita kong siya ang tumatawag sa akin.
Senyorito baby Calling...
"Hello po" nakangiting salubong ko.
Rinig ko ang pagtikhim niya sa kabilang linya. "Anong kailangan mo?" seryosong tanong niya sa akin.
Napailing iling ako kahit hindi naman niya iyon nakikita "Tinatanong ko lang po kung nasaan kayo. Baka po kasi kasama mo si Adelide" sabi ko.
Rinig ko ang pagngisi niya sa kabilang linya. "Ano naman kung kasama ko siya?"
Sumama ang tingin ko sa kisame. "Ayoko po. Baka siya ang ikiss mo!" pagamin ko.
"Uh huh...you don't have a say about that" sabi niya, halatang nangaasar.
"Bahala ka po. Sabi niyo kanina sa inyo ako..." giit ko.
Uminit ang pisngi ko ng marinig ko ang paghalakhak niya sa kabilang linya. "Damn girl"
Maaga akong gumising kinaumagahan. Nagulat ako ng kaagad na sumalubong si Papa sa akin, may dalang back pack.
"Saan ka po pupunta? Papa" tanong ko. Nakita ko din ang pagdadabog ni Mama sa may kusina.
"May trabaho lang, anak" sabi niya sa akin at nagawa pa akong halikan sa ulo.
"Hindi mo kami iniisip, theodoro!" galit na sabi ni Mama. Nagulat ako.
"Para sa inyo itong gagawin ko. Para kay Tathi. Gusto kong maging abogado siya dahil iyon ang gusto niya" laban ni Papa. Uminit ang magkabilang dulo ng mata ko.
"Kung hindi kaya bakit ipipilit!?" sigaw pabalik ni Mama. Nabato ako sa aking kinatatayuan.
"Wag kang sumigaw. Nasa harapan natin ang anak mo" galit na suway ni Papa kay Mama.
Sa huli hindi na ako nakakain pa ng almusal. Magtutungo sina papa sa malolos. Hindi din malinaw sa akin kung anong klaseng trabaho ang papasukin nila duon.
"Tamlay mo ah" puna ni Manong guard sa akin.
"Gutom po ako" pagamin ko kaya naman tinawanan niya ako. Nakakainis, anong nakakatawa duon?
Dumiretso ako sa may kitchen. Tahimik ang buong bahay. Mukhang tulog pa ang mga bisita. "Manang bobby..." tawag ko sa kanya. Kinalabit ko siya, pinagalitan pa ako ng magulat siya dahil sa ginawa ko.
"Kakain po ako ha. Kasi hindi ako nakapagalmusal sa bahay. Nagaway sina mama at papa..." kwento ko. Wala lang share ko lang.
Saktong pagkasabi ko nuon ay pumasok si Senyorito baby. Napanguso ako, ang gwapo naman. Okay na, busog na ako. Char.
"Kumain ka diyan" sabi ni Manang sa akin at kaagad lumabas ng kitchen.
"Magandang umaga po" bati ko sa kanya sabay lapit sa ref at binuksan iyon. Naghanap ako ng makakain, ano ba ang mga ito. Hindi ko naman alam ang mga ito. Napatingala ako sa taas ng ref, nanduon ang mga load af malalaking palaman. Hindi ko naman abot.
Kinuhit ko ang likod ni Senyorito baby. Nakatalikod siya sa akin at nakaharap sa coffee maker. Kaagad niya akong nilingon. Itinaas ko ang kamay ko at itinuro ang taas ng ref.
"Pwede pong paabot ng tinapay?" pakisuyo ko. Sinimangutan niya ako.
"You'll eat with me, sa dinning" seryosong sabi niya sa akin. Hindi na ako nakapagprotesta pa ng siya na mismo ang humila sa akin patungo sa dinning. Nahiya pa ako nung una pero sa huli ay hindi na ako nanlaban pa dahil siya pa mismo ang naglagay ng pagkain sa pinggan ko.
"Nahihiya po ako" sumbong ko kahit kaming dalawa lang naman ang nasa may dinning.
"Kain na" tipid na utos niya lang kaya naman tumango na ako. Tahimik akong kumain sa tabi ni Senyorito baby. Mas madaming pagkain dito kaya naman mas masarap.
"Good morning Cai" bati ni Adelide. Napawi ang ngiti niya ng makita niya ako sa may dinning. Nakanganga pa ako dahil naputol ang dapat sanang pagsubo ko.
Walang imik siyang umupo sa katapat na upuan ni Senyorito baby. Nahiya na tuloy akong kumain. "Kain ng kain" sabi ni Senyorito baby sa akin.
Halos mahirapan akong ngumuya. Ang sama na kasi ng tingin ni Adelide sa akin, parang nandidiri dahil nandito ako sa mag dinning.
"Marunong kang mangabayo?" tanong ni Adelide sa kanya. Nanatili ang mata ko sa pagkain.
Ramdam ko ang pagtango ni Senyorito baby. "Ako hindi" sabi ni Adelide. Walang may pake! Walang nagtanong. Ako nga din hindi marunong eh.
"Marunong si Luigi. Magpaturo ka" seryosong sabi ni Senyorito.
Hindi na nakaimik pa si Adelide. Mas lalong natahimik ang dinning. "May gusto ka pa?" tanong ni Senyorito baby sa akin. Umiling ako.
"Tathi, di ba dapat sa kitchen ka kumakain?" tanong ni Adelide.
"She's eating with me" matigas na sabi ni Senyorito baby. Napatameme ulit si Adelide. Napanguso ako, ibinaba ko ang hawak kong kubyertos. Mas lalo akong nagdesisyong umalis ng marinig ko ang boses ng mga bisita, pababa na sila mula sa hagdan.
"Lipat na po ako sa kitchen" paalam ko sabay buhat ng plato ko. Nagulat ako ng tumayo din si Senyorito baby.
"If you want to eat there, then we'll eat there" matigas na sabi niya. Siya pa mismo ang nagbuhat ng pinggan ko. Nakita ko ang paglaglag ng pangga ni Adelide.
"Excuse po" paalam ko sa kanya sabay takbo patungo sa kitchen kung nasaan na si Senyorito baby.
Alas diyes ng tumulak kami patungo sa sitio gipit kung nasaan ang malaking hacienda nina Senyorito Luigi. Kaagad na pumili ng kanya kanyang kabayo ang mga kaibigan niya. Nanunuod lamang ako.
"Cai, turuan mo si Adelide" kantyaw ng mga kasama nito. Nagiwas na lamang ako ng tingin, nakita ko si Aaron at ang girlfriend niya. Iisang kabayo lang ang sinasakyan nila.
Kung tuturuan ni Senyorito baby si Adelide, magiging ganuon sila kadikit. Nakakainggit! Isa isang lumayo ang mga kaibigan nila, nagtatawanan sila ng nagsimulang tumakbo ang mga sinasakyan nilang kabayo.
"Luigi. May pwede bang magturo kay Adelide?" tanong niya kay Senyorito Luigi.
"Ikaw?" nakangising tanong niya. Umiling si Senyorito baby.
"Si Tathriana ang tuturuan ko" seryosong sabi niya. Nagulat ako, kumuha siya ng isang kabayo mula sa kwadra. Nang meron na ay lumapit siya sa akin.
"Ok lang po ako" sabi ko.
Nakita kong nakabusangot na sumakay si Adelide sa isang kabayo. May tauhang nakahawal sa lubid nito. Umalis na din sina senyorito luigi, kasama ang girlfriend niya.
Hinawakan ako ni Senyorito baby. Napahiyaw akong hawakan niya ang magkabilang bewang ko at inangat ako sa lupa. Halos yumakap ako sa kabayo dahil sa takot. Tinawanan niya ako.
"Move a bit" sita niya sa akin kaya naman umayos ba ako ng pagkakaupo kahit kinakabahan.
Halos mapasinghap ako ng walang kahirap hirap siyang sumampa. Ramdam na ramdam ko siya sa aking likuran. Ang hita namin ang sobrang magkadikit na.
"First time?" tanong niya. Halos makilii ako dahil ang bibig niya ay nasa tenga ko na.
Napahawak ako sa binti niya ng nagsimula ng maglakad ang kabayo. Napatawa siya. Ang dalawang kamay niya ay nakahawak sa lubid. Nakakulong ako sa pagitan nuon.
"Wag po tayong mabilis ha" paalala ko sa kanya. Kinakabahan pa din.
"I can't promise.." humahalakhak na sabi niya hanggang sa halos malaglag ang puso ko ng pahatawin niya ng takbo ang kabayo.
"Senyorito baby!" sigaw na tawag ko sa kanya. Pumikit ako ng mariin habang tumatakbo ang kabayo, ramdam ko din ang pagtama ng dibdib niya sa likuran ko.
Tawa siya ng tawa dahil sa pagsigaw ko. Dahan dahang humina ang pagtakbo ng marating kami sa gitna ng lupain.
"Senyorito, baba na lang po ako" reklamo ko sa kanya.
Nagulat ako ng ang isamg kamay niya ay lumipat sa bewang ko. Niyakap ng braso niya ang bewang ko.
"I'm not yet done with you" pangaasar niya kaya naman napanguso ako.
Pinilit kong lingunin siya. Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Baka po mahulog ako dito, tapos mabagok ako at mamatay" reklamo ko sa kanya.
Nginisian niya ako. Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa bewang ko. Bumaba ang tingin ko sa braso niya. Biglang nanliit ang bewang ko dahil duon.
"Ganito po ba dapat talaga?" tanong ko. Tumawa siya at nagkibit balikat.
"Bakit? Ayaw mo?" mapanghamong tanong niya sa akin.
Napanguso ako. "Gusto naman. Pero mas gusto ko po ang kiss" laban ko. Muli siyang napatawa. Nilingon ko siya, ang gwapo kahit tumatawa.
Haggang sa tumigil siya. Nagtaas siya ng kilay sa akin at dahan dahan inilapit ang mukha niya sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng maramdaman ko ang labi niya sa gilid ng labi ko.
"Ayan na, nang magtigil ka" sabi niya sa akin. Ilang minuto akong nawala sa sarili hanggang sa nakabawi ako.
"Senyorito, isa pa po. Gilid naman iyon eh" reklamo ko. Hindi na siya sumagot, muli akong napasigaw ng patakbuhin niya ng mabilis ang kabayo.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro