Chapter 18
Hands off
Halos sumabog ang mukha ko dahil sa sobrang init. Shuta! Hindi ako nakapagpreno duon. Tuloy tuloy Tathi! Nagmamadali?
Nagtaas ng kilay si Senyorito baby sa akin. Kita ko din ang paglalaro ng ngiti sa kanyang labi.
"Brave" tipid na sabi niya.
Mariin akong napapikit at nagiwas ng tingin. Sinubukan kong umakto ng normal lang Tathi. Maging normal ka.
"Go Jan!" sigaw ko ng makita kong nakashoot siya ng tres. Yan normal yan. Normal nga ba!?
"After you confess? Tatawag ka ng pangalan ng ibang lalaki sa harapan ko? really? Tathriana" galit na sabi niya sa gilid ko.
Abnormal ang plano. Shuta. Mariin akong napapikit. Hindi ko tinanggal ang tingin ko sa court. Kunwari wala akong narinig, kunwari hindi ko narinig. Nagpatuloy lamang ako sa panunuod ng game, kahit ang totoo ay hindi ko na iyon masundan dahil ramdam ko ang titig sa akin ni Senyorito baby.
"Look at me" mabigat na sabi niya. Halos mamanhid ang buong katawan ko. Hindi pa din ako lumingon.
Napuno ng malakas na sigawan ang buong court. Napatayo pa si Charlie ng may isang makatres pagkatapos ay nakapagdefense ng hindi pa umaabot sa half court. Sa isang run ay 5 points kaagad ang nadagdag sa team namin dahil sa isang lay up.
Nagtatambol ang puso ko ng makita ko sa gilid ng aking mga mata ang dahan dahang paghilig ni Senyorito baby sa akin. Hindi ito pumayag na hindi ko siya lingonin. Gumawa talaga siya ng paraan.
"Eye on me. Baby"
Para nanaman akong naubusan ng dugo dahil sa kanyang sinabi. Nakakapanghina talaga, shuta! Bayolente akong napalunok bago ko siya tuluyang hinarap. Kaagad sumalubong sa akin ang kanyang mabibigat na mga tingin.
"Don't say that again, if you don't mean it" mariin ngunit malumanay na sabi niya.
Naramdaman ko ang pagkunot ng aking noo. Hindi ko siya maintindihan. "Hindi po ako nagsisinungaling" giit ko. Tumaas ang isang kilay niya na para bang ipinaparating niya sa aking hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.
"You're just confuse. What should with do about that? Uhm" mapanghamong tanong niya sa akin. Hindi lamang iyon basta mapanghamon, mapangakit din! Shutaness.
Humaba ang nguso ko. "Hindi ka po naniniwala sa akin?" malungkot na tanong ko. Kita ko ang pagbaba ng tingin niya sa aking labing nakanguso ngayon. Bahagyang tumaas ang isang sulok ng kanyang labi.
"I want you to behave. You're giving me a hard time" seryosong sabi niya bago siya umiwas ng tingin sa akin.
Umiwas na din ako ng tingin sa kanya. Siguro nga, masyado pa akong bata para dito. Masyado akong hyper at walang preno kung magsalita. Masyadong bata ang tingin niya sa akin kaya naman hindi niya gustong seryosohin ang mga sinasabi ko. Muli ko siyang sinulyapan, kita ko ang matalim niyang tingin sa court habang nakakunot ang kanyang noo.
Gusto ko sana siyang kalabitin para tangunin ngunit naalala kong gusto nga pala niyang manahimik ako. Mas lalong bumagsak ang magkabilang balikat ko at tsaka ako nagiwas ng tingin. Hay naku, sana kasi matanda na lang ako para walang problema.
Walang imikan, kahit nung maghiwalay kami para umuwi. Nagalit kaya siya sa akin dahil sinabi ko sa kanyang crush ko siya? Ayaw niyang crush ko siya? Akala ko ba crush niya ako? Anong gusto niya, siya lang ang may crush sa akin?
"Bye Tathi!" paalam ni Charlie sa akin ng mauna naming madaanan ang bahay nila. Isang kanto ang pagitan ng mga bahay namin.
Malayo pa lang ay tanaw ko na ang ilang mga bisita. Nagiinuman nanaman sina Papa kaya medyo maingay nanaman.
"Nandito na po ako" sabi ko sa kanya tsaka ako nagmano. Kaagad kong naamoy ang alak sa kanya, medyo mapula na din siya at halatang may tama na.
"Ito ang anak ko. Magaabogada ito" sabi niya sa kanyang mga kainuman kaya naman panay ang puri nila sa akin. Napanguso ako, gusto ko talagang magabogado ngunit alam ko namang hindi namin kakayanin. Gusto ni Papa iyon para sa akin pero si Mama, ayaw niya.
"May abogado na ako, pagnagkataon" sabi ni Papa sa mga kainuman niya bago sila nagtawanan.
Kumunot ang noo ko, ano ba itong si Papa. Kung ano anong sinasabi sa tuwing nalalasing siya. Nagpaalam na ako sa kanyang papasok na ako sa bahay namin, hanggang sa nakita ko ang dalawang barili na nakapatong sa upuan, katabi ni Tito David, ang papa ni Charlie. Nagtagal sandali ang tingin ko duon bago ako tinawag ni Mama.
"Kumain ka na at tulungan mo akong magligpit" utos niya sa akin na kaagad kong tinanguan.
Pagod ako ng umakyat sa aking kwarto. Dito din kasi sa bahay naghapunan ang mga kainuman ni Papa kaya madaming ligpitin at hugasin. Ang dami dami kong iniisip kahit pa nakatitig pa din ako sa may kisame.
Una. Si Papa at ang plano nila sa may lupa, bakit sila may baril? Para saan iyon?. Pangalawa. Si senyorito baby, ayaw niyang magkacrush ako sa kanya pero ok lang na siya may crush sa akin. Base naman duon sa nabasa kong post sa facebook, malako daw ang chance na icrush back ka ng crush mo pag nalaman niyang crush mo siya.
Eh anong problema? Crush naman namin ang isa't isa. Natatakot ba siyang makulong? Kagaya ng sinabi sa kanya nung kapatid niya, dahil minor ako? Bakit naman siya makukulong? Hindi ko naman siya ipakukulong dahil crush ko din naman siya.
Nakatulog ako kahit ang dami dami ng iniisip ko. Paggising ko kinaumagahan ay si Mama lang ang naabutan ko sa may hapagkainan, nagkakape ito habang busy sa paglilista sa kanyang notebook.
"Si Papa po at kuya Jasper?" tanong ko sa kanya.
Kita ko ang pagkalukot ng kanyang mukha. "Tulog pa ang papa mo. Andaming ininom kagabi" medyo galit na sagot pa niya. Mukhang kay Papa galit.
Tahimik akong kumakain nung una habang sumusulyap sa paglilista ni Mama ng kung ano tungkol sa negosyo namin. Hanggang sa muli kong naalala ang barili na nakita ko kagabi.
"Mama, bakit po may baril si Tito David? Si Papa po ba meron din?" tanong ko sa kanya. Medyo nagulat pa siya.
"Wag mo iyong isipin. Kakausapin ko ang mga iyan" seryosong sabi niya sa akin kaya naman tumango na lamang ako.
Tamad akong naglakad patungo sa mansyon. Parang ayoko na nga munang pumasok, parang ayoko pang makita si Senyorito baby, pero syempre joke lang iyon. Pero nakakapagtampo talaga! Ayaw niyang tanggaping crush ko siya. Nakakainis.
"Oh Tathi. Kanina ka pa hinihintay ni Manang bobby" salubong sa akin ng ni Manong guard. Kaagad akong tumango, halos takbuhin ko ang papasok sa loob ng mansyon.
Abala ang lahat ng kasambahay pagkapasok ko sa bahay. Medyo gulat pa ako dahil hindi naman sila karaniwang ganito. Pwera na lamang kung may bisita o may okasyon. Alin kaya sa dalawa?
"Ang guest room. Unahin niyo iyon. Tatlo ang gagamitin" rinig kong sabi ni Manang bobby. Kaagad akong lumapit sa kanya.
"Magandang umaga po, Manang" pagbati ko sa kanya. Pinasadahan niya muna ng tingin ang kabuuan ko bago siya tumango.
"Darating sina Senyorito Luigi ngayon kasama ang mga kaibigan niya" anunsyo niya sa akin.
Dalawang gabi at tatlong araw na mamamalagi sina senyorito luigi dito para sa report na ginawa nila sa eskwela. Tungkol sa farming iyon at sa pamamahal ng lupain nila. Marami naman kasi silang malalawak na lupa, may hacienda, may fishpond at may Farm pa.
Tumulong akong maglinis ng bahay kahit ang totoo wala naman talagang dumi duon. Masyado lang OA si manang bobby at maging ang alikabok ay ayaw niya. Tahimik akong nagpupunas ng mga picture frame na nakalagay sa tukador sa may gilid ng hagdan ng mapansin ko ang pagbaba ni Senyorito baby. Kaagad sumalubong sa akin ang tingin niya. Nagiwas kaagad ako ng tingin.
Okay Tathriana, ayaw niyang mah crush ka sa kanya. Kaya wag mong ipahalata sa kanya na crush mo siya. Iiwasan ko siya! Tama, iyon dapat.
"Coffee, sa garden" seryosong sabi niya. Kumunot ang noo ko, ako ba ang sinabihan niya? Nagpalinga linga ako. Walang ibang tao kundi ako. So ako nga?
Iniwan ko ang mga frame na pinupunasan ko. Pumasok ako sa may kitchen, walang katao tao. Busy ang lahat sa kanya kanya nilang trabaho. Nagpalinga linga ako para maghintay ng ibang kasambahay, hindi ko alam kung paano gamitin ang coffee maker. 3 in 1 at black coffee lang naman ang alam kong timplahin, malay ko ba dito.
"Paano po..." hindi ko na naituloy ang tanong ko sa inakala kong kasambahay ng makita ko kung sino ang pumasok sa may kitchen. Bayolente akong napalunok at kaagad nagiwas ng tingin.
"Eh Senyorito, hindi ko po kasi alam paano to gamitin" turo ko sa coffee maker, hindi ko pa din siya tinitingnan.
Ramdam ko ang paglapit siya sa akin. Umusog ako sandali pero nanduton pa din ako sa may sink. Nanatili ang mata ko sa coffee maker kahit pa siya na mismo ang gumagawa nuon.
"Manuod ka para alam mo" seryosong sabi niya sa akin kaya naman mas lalo akong tumutok duon sa ginawa niya.
"Bakit hindi ka makatingin?" seryosong tanong niya sa akin. Halos manginig ang buong kalamnan ko.
"Nakatingin po ako" laban ko. Nakatingin naman talaga ako sa coffee maker. Duon lang naman dapat.
"Sa akin, Tathriana. Tingnan mo ako" seryosong utos niya sa akin.
Naikuyom ko ang aking kamao. "Ayaw ko po" laban ko. Halos humaba ang nguso ako. Kita ko ang pagtigil niya sa ginawa niya.
"Akala ko ba crush mo ako?" tanong niya. Halatang nangaasar.
Uminit ang pisngi ko. "Oo nga po. Pero ayaw niyo pong maniwala. Bahala po kayo diyan" laban ko pa din sa kanya. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
"So dahil galit ka sa akin, hindi mo ako titingnan?" mapanghamong tanong pa din niya. Hay naku, paano ko paninindigan itong pagtatampo ko kung tanong siya ng tanong sa akin.
"Opo. At ayoko na pong makipagusap. Nagtatampo pa din po ako..." laban ko. Dapat alam niya, dapat alam ng lalaking nagtatampo ka para naman hindi ka magmukhang tanga na nagtatampo tapos ikaw lang din ang nakakalam.
Napahalakhak siya. Hindi ko naiwasang magangat ng tingin. Kita ko ang bahagya niyang pagtingala kaya naman mas naging visible ang adams apple niya.
"Aww. Ang sad naman, hindi ako kakausapin ni Tathriana" pangaasar niya. Muling uminit ang pisngi ko, shuta!
Muli akong natahimik hanggang sa magsalin na siya ng kape sa tasa niya. Kahit pa hindi ko siya tinitingnan ay ramdam ko pa din ang paminsan minsan niyang pagtingin sa akin.
Tanghali ang dating nina Senyorito Luigi kasama ng kanyang mga kaklase. Maraming nilutong pagkain sina Manang bobby. Tumulong ako sa paghihiwa, habang ginagawa ko iyon ay hindi ko napipigilan ang sarili kong sumulyap sa may garden kung nasaan si Senyorito baby. Siraulo din talaga iyon, minsan masungit minsan nangaasar pa. Hay naku, kung hindi ko lang siya crush!
"Tathi, tawag ka ni Senyorito" sabi ng isang kasambahay ng pumasok siya sa kitchen. Sandali akong napatigil sa paghihiwa, gusto ko sanang magprotesta pero nandito si manang bobby. Papagalitan niya ako pagnagreklamo ako.
Nakalobo ang magkabila kong pisngi habang naglalakad ako palabas ng garden. Nakapasok sa bulsa ng apron na suot ko ang magkabila kong kamay.
"Pinapatawag niyo daw po ako?" tanong ko kay Senyorito ng tuluyan na akong makalapit sa kanya. Tumango siya, kita ko ang pagkairita sa kanyang mukha. Oh? Anong nangyari dito?
"Darating si Luigi kasama ang mga kaklase niya. Wag mong ipapamigay ang number mo, sinasabi ko sayo..." pagbabanta niya sa akin. Halos malaglag ang panga ko.
"Hindi naman po"
Nagigting ang panga niya. Matalim niya akong tiningnan. "Pag may crush ka, siya lang dapat ang katext mo" paalala niya sa akim bago siya nagiwas ng tingin. Napanguso ako.
"Hindi ko naman po ipapamigay. Pwera na lang kung nakawin niya ang number ko" nakangising sabi ko sa kanya. May halong pangaasar.
Sinamaan niya ako ng tingin kaya naman mas lalo akong napangisi. "Shut up and leave. Sa kusina ka lang, wag kang lalabas" masungit na sabi niya sa akin.
Muli kong pinalobo ang pisngi ko. Nanatili ang tingin niya sa akin. "Stop that" asik niya.
"Ang alin po?" tanong ko. Masama pa din ang tingin niya sa akin.
Kumunot ang noo ko. Pinalobo ko lang naman ang pisngi ko, pagkatapos ay nilagay ko ang dila ko sa gilid nuon. Ano kayang iniisip nito?
Umingay sa mansyon ng dumating sina senyorito luigi kasama ang mga kaklase niya. Pamilyar ang iba, ang iba naman ay hindi. Kaagad kong nakita si Aaron, pinasadahan ko siya ng tingin hanggang sa nasundan ko ang braso niyang nakapulupot sa bewang ng isang maputi at magandang babae. Hindi ito ganuong katangkaran ngunit maganda at curvy ang katawan. Ang kinis, at mahinhin. Halatang mayaman.
Dalawang lalaki pa ang nanduon bukod kay Aaron at senyorito Luigi. Apat na lalaki sila bale at limang babae. Napabuntong hininga ako at kaagad na tumalikod para bumalik sa loob ng kitchen. Dumiretso kaagad sila sa dinning para kumain. Lumingon lamang ako ng marinig ko na ang boses ni Senyorito baby, ipinakilala siya ni Senyorito Luigi sa mga kasama nito.
"Pupunta sila sa San gabriel mamaya, sa fish pond" sabi ni Manang bobby. Tumango lang ako, wala naman akong pake basta wag lang kasama si Senyorito baby.
"Sasama ka at sasama si Senyorito Cairo" sabi niya sa akin kaya naman kaagad akong nabuhayan ng loob. Syempre, gala nanaman iyon.
Alas tres ng hapon ng maghanda sila para sa pagalis. Isang Hiace van ang sasakyan nila patungo duon. Hindi ko tuloy alam kung saan ako lulugar.
"Tathriana, tara na" yaya ni Senyorito baby sa akin. Siya pa mismo ang sumadya sa akin sa may kitchen. Kaagad akong tumango at sumunod sa kanya. Sa labas ng bahay ay narinig ko kaagad ang tawanan ng mga kaibigan ni senyorito luigi. Handa na ang van ngunit hindi pa sila sumasakay.
"Tathi" tawag ni Senyorito Luigi sa kanya. Kaagad ko siyang nginitian at binati.
"May pasalubong ulit ako sayo" sabi niya sa akin kaya naman muling lumaki ang ngiti ko. Napawi iyon ng lumipat ang tingin ko sa nakasimangot na si Senyorito baby. Ang sama ng tingin sa akin.
"Pasok sa sasakyan ko" matigas na utos niya ng umalis si Senyorito Luigi para asikasuhin ang bisita niya.
Napatango ako. Bago pa man ako makahakbang papunta sa sasakyan niya ay naghiyawan na kaagad ang mga bisita. "Si Adelide kay Cairo sasakay!" kantyaw ng mga kaibigan nito. Napatingin ako sa kanila. Kaagad kong nahuli ang paninitig ni Aaron sa akin.
"Ano ba kayo. Sa van na..." parang nahihiyang laban pa nung tinawag na Adelide.
Pinasadahan ko siya ng tingin. Maganda ito, maputi at parang pang model ang katawan. Mukhang mahinhin din, mayaman siyempre.
"Sige na. Ikaw lang ang walang partner dito. Partner kayo ni Cai" pilit ng isa pa.
Pinasadahan ko ulit sila ng tingin. Tama nga ang kaibigan niya. Pare pareho silang may partner, kahit si Senyorito Luigi ay mayroon din. Itong si Adelide lang ang wala.
Hala! Ako kaya ang partner ni Senyorito! Ang epal nito!
Awtomatikong bumagsak ang mata ko sa lupa. Humaba ang aking nguso at bumagsak ang magkabila kong balikat. Oo na, wala akong laban.
Nagulat ako ng hawakan ni Senyorito baby ang siko ko at hinila ako papalapit sa kanya.
"I have my partner" seryosong sabi niya sa mga ito. Tukoy sa akin, nanlaki ang aking mga mata. Masaya ako per medyo nabigla. Kita ko ang pagkabigo sa mukha nung Adelide, kahit nakangiti siya ay kita ko ang paglungkot nuon.
"Hindi yan Partner, Katulong iyan" natatawang laban ng isang babae. Shuta! Sarap sipain.
Narinig ko pa ang suway ni Senyorito Luigi sa kanila pero hindi nagpatalo ang mga kaibigan nito. Nagawa pa nilang itulak si Adelide kay Senyorito baby kaya naman nawala ako sa hawak niya. Kita ko ang pagsunod ng tingin niya sa akin dahil sa paglayo. Hindi naman masaket!
"Sige na Cai. Isama mo na sayo si Adelide ng makaalis na tayo" pagsuko ni Senyorito Luigi.
Sa huli sa backseat ako naupo kasama ng ilang mga gamit at ilang mga pagkain. Nakasiksik ako sa may pintuan, hindi kaso nagkasya ang iba sa van dahil na din sa rami nila. Tahimik lamang ako sa likod habang nakatanaw sa labas. Mukhang nanaman akong anak dito, shuta!
"You'll take your MBA pala sa spain?" tanong ni Adelide. Maging sa klase ng pagsasalita at halatang may sinabi siya sa buhay.
"Yeah. Next month" sagot ni Senyorito baby.
May kung ano ano pa silang pinagusapan na hindi ko naman maintindihan kaya nanatili akong tahimik. Hanggang sa huminto ang sasakyan dahil sa traffic ng nasa intersection na kami ng Paso papasok sa san gabriel, bayan pa din iyon malapit sa sta. maria
"Tathi, you okay?" biglang basag nito katahimikan. Nagawa pa niya akong lingonin.
Tipid akong tumango. "Ayos lang po" sagot ko. Nilingon din ako ni Adelide, nginitian niya ako kaya naman nginitian ko din siya pabalik.
"May tour guide ka pala dito" puna niya kay Senyorito baby.
Hindi sumagot si Senyorito. "Ang puti mo naman...para kang si Snow white" puri niya sa akin. Muli akong ngumitiz hindi ko naman alam ang isasagot ko sa kanya.
Nang makarating kami sa isa sa mga bahay nila kung saan may malaki silang fishpond ay nagbabaan kaagad ang mga kaibigan ni Senyorito luigi. May butterfly garden din sila dito kaya naman kaagad na naexcite ang mga kaibigan niya.
"Susunod ako" rinig kong sabi ni Senyorito baby. Binuhat ko ang ilang mga gamit nila para dalhin sa may gilid ng fishpond. Ang alam ko ang magiinterview sila ng mga trabahante dito at ang nangangalaga para sa report nila.
"Ako na" seryosong sabi ni Senyorito baby mula sa aking likuran. Mabilis niyang kinuha ang mga gamit na sinubukan kong buhatin.
"Ako na po. Trabaho ko naman po ito" sabi ko pa.
"Hindi kita pinasama dito para gawing katulong. Sinama kita para makapasyal ka" sabi niya sa akin pero hindi ako natinag alam ko kung saan ako lulugar dito.
Malawak ang fishpond nila senyorito luigi. May malaking kubo sa gilid nito at may isang mahabang gril. Iba't ibang isda ang meron duon. Nakita kong nagtatawanan na ang mga babaeng kasama nila ng subukan ng mga lalaking sumakay sa may balsa.
"Mangingisda po sila?" tanong ko. Nagkibit balikat lamang si Senyorito baby sa akin.
Nang maibaba na namin ang mga gamit sa kubo ay lumabas ako para panuorin ang mga lalaking nagtatawanan habang nakatayo sa may balsang gawa sa kawayan. "Ayoko! Baka mahulog ako!" maarteng sigaw ng isa sa mga babae.
Napatawa din ako ng makita kong bahagyang kinain ng tubig ang isang dulo ng balsa. Naghiyawan ang mga babae sa takot na mahulog sa tubig ang mga kaibigan.
"Cai!" tawag ni Senyorito Luigi sa kanya.
Bago umalis ay tiningnan pa muna niya ako. Imbes na tumunganga duon ay nagumpisa na akong magayos ng mga pagkain nila. Isa isa ko iyong inihanda sa may lamesa sa gitna ng kubo. Pinanuod ko si Manang bobby habang inihahanda ang mga iyon kaya naman alam ko na kung ano ang gagawin.
"Hi Tathi" bati sa akin ni Sir Aaron. Nagulat pa ako nung una, nilingon ko kung sino ang kasama niya pero nagiisa lamang siya.
"Hi po" balik na bati ko at muli kong inabala ang sarili ko para magayos ng pagkain. Nagulat ako ng mas lalo siyang lumapit sa akin.
"Mas lalo kang gumanda ngayon" sabi niya. Natigilan ako. May girlfriend siya ah!
"Hindi ka naman nagreply sa mga text ko. Sabi ko itetext kita ah" sita niya sa akin.
Nilingon ko siya. "May girlfriend po kayo..." paalala ko sa kanya. Nginitian niya ako.
"Si Dana. Kahawig mo iyon, naalala kita sa kanya" sabi pa din niya. Halos hindi ko kayanin ang mga sagot niya sa akin. Hindi kagaya nung una niyang pakikipagusap sa akin ay mas parang agresibo siya ngayon. Medyo natakot ako.
Nilingon ko si Senyorito baby. Nakatalikod siya sa aking gawi kausap si Senyorito Luigi at si Adelide.
"Nagbago ka ng number, Tathi?" tanong ni Aaron sa akin.
Bumagsak ang tingin ko sa pagkaing inihahanda ko. Napaiktad ako ng hawakan niya ang braso ko.
"Hand off" matigas na sabi ni Senyorito baby. Kaagad ko siyang nilingon, nakahinga ako ng maluwag. Pero kaagad din natakot ng makita ko ang galit sa kanyang mukha. Matalim ang tingin niya kay Aaron.
Napatawa si Aaron. Nagtaas siya ng dalawang kamay. "Wala akong ginagawa. Kinakamusta ko lang" laban niya dito. Matalim pa din ang tingin ni Senyorito baby sa kanya.
"Leave her alone. Wag mong lalapitan" maawtoridad na sabi ni Senyorito baby dito. Kita ko ang pagtataka sa mukha ni Aaron.
"Kaibigan ko si Tathi. I'll wait for her you know..." nakangising laban pa ni Aaron.
Mas lalong nagdilim ang awra ni Senyorito baby. Naputol na ata ang pasencya.
"Gago! Wala kang hihintayin, akin iyan" madiing sabi niya. Halos umikot ang paningin ko, parang gusto kong himatayin.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro