Chapter 16
Spain is waving
Panay ang picture ko sa may site. Napapanguso na lamang ako sa tuwing napapatingin ako kay Senyorito baby at sa katabi niyang si Engr. Ok, bagay sila kung hindi ko lang crush si Senyorito baby ay baka president pa ako ng fans club nila. Pero hindi, ayoko!
Gustong gusto ko ng umuwi dala dala ang mga stuff toys na ibinigay niya sa akin. Sobrang lambot nuon at ang sarap yakapin. Kahit natutuwa ako ay hindi ko pa din maiwasang makaramdam ng hiya. Bakit kailangan niyang bigyan ako nuon? Kahit pa naman kong crush niya din ako, hindi naman ako humihingi ng materyal na bagay. Kiss nga lang ok na.
Gusto ko nanamang saktan ang sarili ko dahil sa inisiip. Nakangiti akong napailing dahil sa naglalarong ideya sa isip ko. Hindi ko na talaga mahintay na lumaki ako. Sana lumai na kaagad ako. Pagpasok ko ng college? Ibig sabihin ba nuon ay malaki na ako?
Napatigil ako sa pagpipicture ng makatanggap ako ng message mula kay Charlie.
Charlie:
Hindi pa ako nakapagfill ng form. Walang tao sa computer shop kanina eh.
Ako:
Hindi bukas ang computer shop?
Charlie:
Bukas, pero walang tao kaya ayoko. Mamayang hapon pa madaming boys duon.
Halos mapasapo ako sa aking noo. Apakalandi talaga nitong kaibigan ko. Nagmamadali at gigil tuloy akong nagtipa ng reply sa kanya. Bwiset.
Ako:
Ang landi mo! Bahaa ka diyan, pagnaubusan ka ng slot!
Napairap ako sa kawalan matapos kong isend ang reply ko. Napabuntong hininga ako at napahalukipkip. Tumingin ako sa malayo hanggang sa dumapo ang tingin ko kay Senyorito baby. Nakatingin din ito sa akin, nakapamewang at halatang hindi nakikinig sa usapan nina Engr. At yung caretaker ng lupa.
Muling nagvibrate ang cellphone ko para sa message mula kay Charlie.
Charlie:
May bago akong crush!
Napanguso ako. Naiimagine ko tuloy ang itsura ni Charlie habang tinatype ito. Paniguradong kinikilig pa ang shuta. Napaiktad ako ng muli may pumasok na message.
Senyorito baby:
Who are you texting?
Imbes ba sumagot ay napatingin ako sa kanya. Hindi kagaya kanina ay nakatalikod na ito sa akin. Katabi si Engr. At ang care taker. Pare pareho silang nakaharap sa malawak na lupain. Paturo turo sa kung saan.
"Naku, baka manuno kayo..." bulong ko. Panay kasi sila turo eh.
Bumaba ang tingin ko sa aking cellphone para magtipa ng reply. Hindi ko alam kung bakit nagtetext pa kaming dalawa gayong magkasama naman kami dito. Pero ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon, mas kinikilig ako dito.
Senyorito baby:
Wag ka pong turo ng turo. Baka manuno ka. Kagatin niyo po ang daliri niyo.
Seryoso ako ng isend ko iyon. Ganuon naman talaga dito. Kagat labi akong nagangat ng tingin sa kanya. Pinanuod ko kung paano niya binasa ang text ko. Nakita ko kung paano kumunot ang noo niya at kaagad na ngumisi.
May kung anong maliliit na bagay ang gumalaw sa loob ng tiyan ko ng lingonin niya ako. Nagtaas lang siya ng kilay sa akin bago nagtipa sa kanyang cellphone.
Senyorito baby:
Kaninong dailiri ang kakagatin ko? Tathriana.
Nabato ako sa aking kinatatayuan. Hindi ba malinaw ang sinabi ko? Ramdam ko ang pagakyat ng dugo sa buong mukha ko ang init init.
Ako:
Yung daliri niyo po.
Senyorito baby:
You gave me, so many damn pictures in mind. Shut up.
Napanguso ako at hindi na nagreply pa. Concern lang naman ako sa kanya pero sinabihan pa niya akong shut up. Bahala nga siya diyan.
"Bata!" tawag ni Engr. Sa akin. Naikuyom ko ang aking kamao.
"Ano po? Tanda..." bulong bulong ko sa inis. Mabilis akong lumapit sa kanya. Abala si Senyorito baby at ang care taker ng lupa sa malayong bahagi. Siya lang itong naglakad palapit sa akin.
"Can you buy us some water?" maarteng sabi biya sabay paypay ng sa kanyang sarili. Napanguso ako, gustuhin ko mang tumanggi ay hindi pwede. Ito ang trabaho ko.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Mukhang nairita dahil sa hindi ko kaagad pagsunod sa kanya.
"Oh. My bad, wala ka nga palang pambili" mapanuyang sabi niya sa akin bago siya dumukot ng pera sa kanyang bulsa. Tahimik lamang akong naghintay sa kanya. Pagkaabot niya ng pera sa akin ay kaagad akong tumango.
Sandali ko pang sinulyapan ang busy na si Senyorito baby. Hindi na ako magpapaalam, sandali lang naman ito babalik din ako kaagad. Halos takbuhin ko ang ang malawak na lupain pabalik sa main road kung saan nakahilera ang mga tindahan. Iba't ibang tindahan ang nanduon, ilang bus galing manila din ang nasa harapan ng mga iyon na nagbababa ng pasahero.
"Dalawang mineral water po" sabi ko sa tindera na hindi kaagad narinig dahil sa pagchichismiss.
Imbes ba ulitin ang sinabi ko ay nanatili akong nakikinig sa kanilang harapab. Chissmiss ito, magiging proud si Charlie sa akin.
"Hindi pwede, dito lang ako kumukuha ng panggastos araw araw" reklamo niya sa katabing tindera.
Napanguso ako. Paano kaya makakatinda si Ate kung puro chismiss?
"Mayaman daw kasi ang nakabili. Wala tayong laban, nangungupahan lang din tayo dito" sagot ng kasama niya.
"Kahit na. Ang tagal tagal na natin dito. Halos dito na nga nagkaisip ang halos lahat ng tindera dito tapos papaalisin lang tayo basta basta dahil sa dayo?" giit ng isa. Ramdam ko ang galit at inis sa kanyang boses.
Nanliit ang mga mata ko ng humilig ang kausap niya na para bang importante at sikreto ang sasabihin niya. Hays sayang, hindi ko maririnig.
"May plano ang mga taga sta. maria..." bulong niya matapos kumunot ang noo niya na bumaling sa akin.
"Hoy ineng. Nakikinig ka ba?" galit na tanong niya sa akin. Napaawang kaagad ang bibig ko dahil sa pagkahuli nito sa akin. Mabilis akong umiling.
"Dalawang mineral water po..." sabi ko. Inirapan pa nila akong dalawa. Medyo nahiya dahil sa bulungan nila.
Balak ko na sanang umalis ng masuklian na niya ako ng parepareho kaming magulat dahil sa isang malakas na tunog. Naghiyawan ang mga tao. Nanlaki ang aking mga mata.
"Hoy, Ambulansya, tumawa kayo ng ambulansya!" sigaw ng mga tindera.
Hindi kaagad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko lalo na't nanghina ang mga tuhod ko dahil sa takot. Lalo na at nagkagulo ang mga tao. Nabigla ako, hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon lalo na't masyadong peaceful sa sta. maria, tahimik at walang ganito.
"Batang babae ata, biglang tumawid eh" sabi nung tricycle driver na lumapit sa amin para bumili ng sigarilyo. Mas lalo akong nanghina, sa tv ko lang ito napapanuod, ngayon lang ako nakasaksi ng aksidente.
Isang batang babae ang nasagasaan ng isang suv. Hindi kita dahil sa pagkukumpulan ng mga tao pero rinig na rinig ko ang sigawan nila. Hindi ko kaya, parang nanlalambot ang buong katawan mo. Ang isipin pa lang iyon sa isip ko ay hindi ko na magawa. Pakiramdam ko ako yung nasagasaan.
"Tathriana!"
Nanlaki ang aking mga mata. Sa gitna ng ingay dahil sa mga tao ay nangingibabaw pa din ang galit at matigas na boses ni senyorito baby. Napaawang ang labi ko ng makita ko ang galit sa kanyang mukha, humahangos siyang nakipagsiksikan sa mga tao duon sa pinangyarihan ng aksidente.
"Tathriana! Asaan si Tathriana!?" galit na sigaw niya. Duon ko lang nakitang nakasunod sa kanya si Engr. Parang maiiyak na ewan.
Mas lalo akong nanghina ng marinig ko ang malakas na tunog ng ambulansya. Mas lalong nakakapanghina iyon, ayoko ng ganuong tunog. Nilakasan ko pa din ang loob ko, naglakad ako papalapit sa nagkakagulong mga tao.
"I'm sorry..." rinig kong umiiyak na sambit ni Engr. Habang papalapit ako.
"Senyorito" tawag ko sa kanya ng makalapit ako. Kita ko pa din ang pagaalala at galit sa kanyang sistema. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ko.
Muli siyang napamura ng malakas bago niya ako hinila papalapit sa kanya. Gulat na gulat ako dahil sa biglaan niyang pagyakap. Halos mahirapan ako sa paghinga dahil sa ginawa niya. Hinayaan ko na lang at hindi na umimik pa.
"Saan ka nanggaling?" galit na tanong niya sa akin ng humiwalay siya sa akin. Sayang, gusto ko pa ng mahabang yakap. Tsk.
"Bumili lang po ako ng tubig. Bakit po kayo galit?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Ramdam ko pa din ang galit niya sa bawat bayolente niyang paghugot ng hininga.
Mariin siyang napapikit bago niya hinawakan ang aking kamay. "Umalis ka duon. Hindi ka man lang nagpaalam!" pagalit na sabi niya sa akin kaya naman napanguso ako. Kanina parang nagaalala siya sa akin, ngayon naman galit na.
"Bibili lang naman po. Tsaka busy kayo..."
"Kahit busy ako, Tathriana!" giit niya. Medyo tumaas pa ang boses.
Bayolente akong napalunok. Muli akong nanghina ng marinig ang mga sigaw ng tao. Lumakas din ang iyakan ng mukhang dumating ang magulang nung nasagasaan. Ramdam ko ang panlalamig ng aking buong katawan.
"Fuck. Namumutal ka" galit na sabi niya bago niya ako muling hinila para yakapin. Halos ibaon niya ang ulo ko sa dibdib niya. Ang bango bango.
Bago pa muling mahawi ang mga tao ay umalis na kami duon. Imbes na sa back seat at sa front seat na niya ako pinaupo. Tahimik si Engr. Crystal sa back seat. Hindi ko siya magawang tingnan, natayakot din ako. Mukhang nagalit sa kanya si Senyorito baby.
"I'm sorry po talaga, Sir" pagbasag nito sa katahimikan. Nasa loob na kami ng sasakyan pero hindi pa din kami hakos umuusad dahil sa traffic. Nanatili si Senyorito baby na nakatitig sa may kalsada, nakakunot ang noo at tahimik.
"Bata, Sorry..." pagbaling nito sa akin.
Lilingonin ko na sana siya ng muling magsalita si Senyorito baby. "She has a name" matigas na sabi niya.
"Ok lang po, Engr. Wala naman pong nangyari sa akin" sabi ko sa kanya. Wala naman talaga, hindi naman ako napano. Ok lang din namang pinabili niya ako ng tubig. Ang mali lang ay hindi ako nakapagpaalam kay Senyorito baby na aalis ako.
Bumaba si Engr. Sa intersection bago pumasok ng sta. maria mas lalong nakakabingi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Galit ka po sa akin?" tanong ko ng hindi ko na mapigilan ang kumakating bunganga ko.
Tumikhim siya. Mas lalong tumalim ang tingin niya sa kalsada.
"Sorry po" sabi ko na lang sabay iwas ng tingin. Sorry kasi? Mukhang nagalala siya sa akin. Gusto ko sanang kiligin pero nakakapanghina pa din yung nangyari. Hindi nga namin alam kung anong lagay nung nasagasaan.
"Don't do that again" seryosong sabo niya sa akin. Kaya naman mabilis akong tumango.
"Busy ka po kasi..."
"I will never be busy, when it comes to you. Sana nag sabi ka..." pangaral pa din niya sa akin.
Tumago ulit ako at hindi na muli pang umimik. Baka mas lalo pa siyang magalit kung magsalita ulit ako. Muli siyang nagpakawala ng malalim na paghinga bago lumiko ang kanyang sasakyan papasok sa lugar namin.
"Dito na lang po ako sa may kanto. Magkikita po kami ni Charlie" paalam ko sa kanya.
"Saan ka pa pupunta?" seryosong tanong niya sa akin. Mukhang galit pa din.
"Uhm. Sa computer shop po, sasamahan ko lang si Charlie" paalam ko sa kanya. Hindi ko na nagawa pang magsinungaling dahil wala din naman akong maisip na ibang idadahilan sa kanya.
Nagtiim bagang siya. "Tapos ka ng magfill up ah" puna niya kaya naman napanguso ako.
"Si Charlie po hindi pa eh..." sagot ko sa kanya. Tumango siya.
"Kailangan may sarili kang laptop. Last mo ng punta ito sa computer shop" sabi niya sa akin kaya naman tumango ako kahit alam kong hindi iyon magkakatotoo. Siguradong mas kakailanganin namin ang computer shop pag dating ng college. Wala kaming pambili ng laptop.
Bumaba ako sa may kanto kung saan malapit ang computer shop. Bitbit ko na ang dalawang malaking paper bag na may lamang tatlong stuffed toys. Nasa labas na ako ng sasakyan pero hindi pa din umalis si Senyorito baby.
"Babye po. Thank you po dito" sabi ko sabay taas ng paper bag. Nanatili siyang seryoso. Napawi tuloy ang ngiti ko at napanguso na lamang.
Mariin siyang pumikit at napatingala. Nakita ko tuloy lalo ang adams apple niya. Ang sexy!
Dumiretso ako ng conputer shop kung nasaan si Charlie. Nasa labas pa siya kaya naman kita ko ang panlalaki ng mga mata niya ng makita ko, hindi ako kundi ang mga dala ko.
"Wow! Ninakaw mo yan?" namamanghang tanong niya sa akin kaya naman sinimangutan ko siya. Siraulo.
"Ninakaw ko? Nakapaper bag?" asik ko sa kanya kaya naman napangisi siya ag nagkibit balikat.
Panay ang pagusisa nito sa laman ng paper bag ko. Hinayaan ko na lamang siya. "Bakit ka binigyan nito?" tanong ni Charlie sa akin. Hindi ko din siya masagot. Ayoko namang ikwento sa kanya yung nabasa ko sa message mula kay Senyorito baby at sa kapatid niya. It's a secret.
Mabilis na kumalat ang tungkol sa aksidente. Maging sa computer shop ay iyon ang usapan. " Wala, patay" rinig kong sabi nila kaya naman mariin akong napapikit.
Busy si Charlie sa pagfill up ng form. Nanatili akong nakaupo sa kanyang tabi kahit pa dumarami na ang mga kalalakihan dito sa computer shop para maglaro ng online games.
"Next week tayo pupunta duon" anunsyo niya ng lumabas ang kaparehong date at details kagaya sa akin ng masubmit niya ang form. Tumango na lamang ako.
Nagawa pa naming kumain ng fishball bago umuwi. Panay pa din ang tanong niya sa akin at konlusyon kung bakit ako binigyan ni Senyorito baby ng ganito.
"Impossibleng crush ka nuon. Dugyot ka eh" sabi niya kaya naman napanguso na lamang ako at hindi na lumaban.
"Baka naaawa lang. Sadyang mabait. O baby sister ang tingin sayo" pahabol pa niya.
Muli ko tuloy naalala yung kapatid niyang babae. Mulhang close silang lahat duon at maalaga. Possible din ang sinabing iyon ni Charlie pero nabasa ko kasi ang message nila nung kapatid niyang si Kenzo.
Wala sina Mama at Papa paguwi ko sa bahay. Hindi tuloy ako nahirapang ipasok ang mga dala ko. Walang pumigil sa akin. Dumiretso ako ng kwarto, maingat kong inayos ang tatlong bear sa aking kama. Napangiti ako. Pagod din akong umupo sa paanan. Magpapahinga lang ako sandali at maliligo na.
Senyorito baby:
Nakauwi ka na?
Ako:
Opo. Nasa bahay na po.
Senyorito baby:
Good.
Mabilis kong binitawan ang cellphone ko para pumasok sa banyo at maligo. Matapos kong patuyuin iyon ay nakatulog ako.
Madilim na sa labas pagkagising ko. Nang tumingin ako sa orasan ay magaalasiete na. Nakaramdam ako ng gutom kaya naman bumaba ako para makakain. Maingay sa labas ng bahay, mukhang nagiinuman sina Papa at ang mga kaibigan niya.
"Kumain ka na tathi" salubong sa akin ni Mama kaya naman kaagad akong nagtungo sa may lamesa. Tahimik akong kumain magisa, napapatulala pa ako kung minsan sa tuwing lumilipad ang utak ko.
"Tita, si tito lasing na..." rinig kong sabi bi Kuya Jasper kay Mama.
"Kanina ko pa nga yan sinusuway" galit na sabi ni Mama.
Nanatili ang tingin ko sa kanila. Nakita ko ang panliliit ng mata ni Kuya Jasper sa akin. "Kung ano ano na pong sinasabi eh, baka mag makarinig. Totohanin" pagaalala pa nito kaya naman hindi ko naiwasang hindi tumingin sa labas.
"Hanggang salita lang ang mga iyan. Wag kang magalala" laban ni Mama.
Natigil ako ng lumapit si Kuya Jasper sa akin. "Kanino galing yung mga dala mo kanina?" seryosong tanong niya sa akin. Hindi ako nagulat sa takot, nagulat ako dahil nakita pala niya iyon. Hindi ko naman siya napansin kanina.
"Sa kaibigan ko po..." sabi ko pero nagtaas siya ng kilay. Medyo kinabahan ako.
"Kaibigan mo na pala ngayon yung bisita ni Governor" mapanuyang sabi niya. Buong akala ko ay hindi niya ulit ako papakialaman kagay nung una.
"Kaibigan ko nga po..." laban ko pa. Tumikhim siya.
"Kung ganuon wag mong sabihin kay Tito. Galit sa kanya ang lahat..." sabi nito na ikinakunot ng noo ko.
"Bakit po?" nagtatakang tanong ko.
"Pamilya nila ang bibili ng commercial space duon sa sta. clara ang daming tao duon, sa tingin mo ganuon kadali?" kwento niya sa akin. Biglang lumamig ang sikmura ko. Isipin ko pa lang na madaming galit sa kanya ay hindi ko na kaya. Ayokong may galit sa kanya. Mabait si Senyorito baby.
"Bakit hindi sila duon magalit sa may ari?" tanong na laban ko.
Napangisi si Kuya Jasper na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Matapos kong kumain ay muli akong bumalik sa aking kwarto. Hindi kaagad ako humiga dahil kakakain lang. Nagscroll ako sa facebook. Kita ko pa ang ilang post ni Charlie patungkol sa form at sa entrance exam namin na mangyayari next week.
Cairo Herrer accept your friend request
Halos mapatalon ako mg makita ko ang notification sa facebook ko. Kaagad akong nagtungo sa profile picture niya. Mas maraming lumabas na picture ngayon. Kita ko din ang mga friends niya at kung saan siya nagaral. Panay ang scrol ko, ingat na ingat ako dahil baka malike ko ang matagal ng picture. Hanggang sa muling bumalik ang pagscroll ko sa umpisa. May bagong tagged photo para sa kanya.
Kumunot ang noo ko ng makitang dalawang application form iyon. Galing sa isang babaeng nagngangalang Nicole Ong Vaño. Kaagad bumagsak ang balikat ko. Dalawang form iyon mula sa isang university sa spain. Para iyon sa masteral.
Nicole Ong Vaño:
Spain is waving. Masterals to go. I miss you Cai!
Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng inggit. Lalo na ng makita ko ang profile nung babae. Maganda, matangkad at parang model. Halata ding galing sa mayamang pamilya. Ibig sabihin, magkasama sila ni Senyorito baby sa spain at pareho silang magmamasteral.
Senyorito baby:
How are you feeling?
Bayolente akong napalunok ng makita ang text niya. Bigla akong nawalan ng lakas. Hayaan ka nanaman Tathi.
Ako:
Ayos lang po.
Senyorito baby:
Maagang matulog, Tathriana. See you tomorrow.
Tahimik akong tumitig sa may kisame ng aking kwarto. Sana tumanda na ako kaagad. Ayoko ng maging bata.
Malungkot pa din ako kinaumagahan pagdating ko sa mansyon. Kahit dito ay usap usapan pa din ang nangyaring aksidente kahapon. Kunh bida bida lang ako, gusto ko sanang sumingit sa usapan nila at sabihin nanduon ako. Pero hindi ko ginawa, nanatili akong tahimik.
"Oh Tathi. Paki hatid ito kay Senyorito" utos ni Manang bobby sa akin. Tumango ako at kaagad na kinuha ang kape para ihatid kay Senyorito baby na ngayon ay nasa may garden. Abala siya sa pagbabasa ng ilang documento, mabilis niya iyong binaba ng mapansin ang pagdating ko. Muli ko nanaman naramdaman ang pagwawala nang kung anong nasa tiyan ki dahil sa pagtitig niya.
"Good morning po" bati ko sa kanya.
"Morning" bati niya pabalik. Halos maghurumentado nanaman ang puso ko dahil sa kanya.
Pagkalapag ko ng kape ay kaagad siyang nagtanong sa akin. Hindi tuloy ako nakaalis kaagad.
"Ok ka na ba?" nagaalalang tanong niya.
Tumango ako. "Ok na po" sagot ko sa kanya kaya naman napatango siya. Kinuha niya ang kape at sumimsim duon. Pwedeng pwede na sana akong umalis pero hindi ko nanaman ginawa dahil ang bibig ko ay nangangati nanaman.
"Hanggang kailan po kayo dito?" tanong ko.
Napatawa siya. "Pinapaalis mo na ba ako?" tanong niya sa akin. Napanguso ako, syempre hindi. Ayoko na ngang umalis siya dito.
"Eh kasi po di ba, magaaral kayo sa spain?" tanong ko. Biglang naging seryoso ang kanyang mukha.
"Next month pa iyon" seryosong sagot niya sa akin pero sakit pa din talaga. Ang bigat sa dibdib ang isiping aalis siya dahil hindi naman talaga siya taga rito.
Tumikhim siya kaya naman nagangat ako ng tingin sa kanya. Kita ko ang pamumungay nuon. "Bakit? Tathi" tanong niya. Halos nakakapanindig balahibo.
Napailing ako. Ayokong magsalita, baka maiyak ako.
"Don't worry. I'll come back here..." paninigurado niya sa akin. Hindi ako nakaimik. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya at ganuon din siya sa akin.
"Tathi!" epal na sigaw ni Manang bobby mula sa loob.
Napanguso ako. Tumango ako kay Senyorito baby para magpaalam na babalik na sa loob. Ilang hakbang palayo pa lang ang nagagawa ko ng marinig ko nanaman siyang magsalita.
"I'll always comeback here, for you"
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro