Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

Challenge









Hindi ako halos makakain ng maayos dahil sa presencya ni Senyorito baby. Kahit may kalayuan siya sa amin ay hindi ko pa din maiwasang hindi mailang.



"Bigla kang tumahimik, Tathi. May problema?" nagaalalang tanong ni Jan sa akin. Para pa akong tangang napaawang ang bibig dahil sa biglaang tanong niya sa akin. Hindi kaagad ako nakabawi.



"Ha eh...wala naman" ngising asong sagot ko sa kanya at napakamot pa sa aking batok. Matamis niya akong nginitian bago siya muling naglahad ng bagong luto ba meat sa aking pinggan.



Imbes na kainin iyon ay napainom ako ng iced tea. "Kung hahayaan mo akong alagaan ka, papatabain kita Tathi" biglaang sabi niya. Sa gulat ko ay nasamid ako, hindi ko na tuloy naagapan ng natapunan ng iced tea ang damit ko.



Napatayo si Jan, may hawak siyang tissue at kaagad na dumalo sa akin. Medyo uminit ang pisngi ko ng makita kong panay pa din ang pahid niya ng tisseu sa may bandang hita ko.



"Uhm, Jan. Ok na" pagpigil ko sa kanya. Nakailang pasada pa siya bago siya ngumiti sa akin at bumalik sa kanyang inuupuan.



Kumunot ang noo ko sabay iwas ng tingin. Grabe din ang pagtatambol ng puso ko. Shuta! Bahagya akong napaubo ng makita ko ang pagilaw ng aking cellphone tanda na may pumasok na mensahe galing sa kung sino. Halos manginig ang kamay ko habang binubuksan ang aking cellphone.



Senyorito baby:

I saw that.


Halos maramdam mo ang lamig ng kanyang mensahe, napangiwi ako dahil duon. Bakit ko ba nararamdaman ito? Napaawang ang bibig ko ng makarecieve ulit ako ng isa pa. Aba, hindi makapaghintay ng reply ah.



Senyorito baby:

That's too much for first date.



"Tathi..." tawag ni Jan sa akin kaya naman mabilis kong binitawan ang cellphone mo. Napakagat ako sa aking pangibabang labi, hindi na muna ako magrereply at baka mabaliw pa ako dito.



"Pasok kako tayo sa walter pagkatapos. Ok lang ba sayo?" tanong niya ulit sa tanong na hindi ko ata napansin kanina dahil busy ako sa pagiisip ng kung ano.



Napatango ako. Pambawi na din sa pagiging lutang ko sa kanya simula kanina. Simula ng makita kong nandito si Senyorito baby ay hindi na ako nakapagconcentrate sa date ko, kung date man itong matatawag.



Hindi ko alam kung lalabas ako o hindi ng makapagbayad na si Jan. Hinawakan niya ako sa may siko ng tumayo ko. Hindi ko tuloy napigilang sumulyao kay Senyorito baby. Halos mapanganga ako ng bumaba ang tingin ko sa grill. Nagmukhang uling halos lahat ng meat na nakasalang, tamad siyang nakahilig sa upuan, nakahalukipkip ay nakatingin sa akin.



Shuta! Hindi ba siya marunong magluto o talagang ayaw niya lang ideyang ito?



Panay ang kwento ni Jan sa akin kung paano siya nagenjoy na kumain dahil daw kasama ako. Pang ilang beses na daw niya iyon pero ngayon lang siya nagenjoy. Hindi ko naman mapagkakailang nagenjoy din ako, ang kaso medyo kabado. Nilakad namin ang layo ng waltermart at ng kinainan namin. Hindi din tuloy mawala sa isip ko kung nasaan na si Senyorito baby ngayon. Uuwi na kaya siya?



"May titingna lang ako" sabi ni Jan sa akin pagkapasok namin sa department store. Nakangiti ko siyang tinangaun. Sandali siyang nahiwalay sa akin kaya naman nagkaroon din ako ng sariling lakad at paglilibot.



Minsan lang talaga ako makapunta dito. Masyadong busy na ang buha dito dahil nandito ang centro. Halos lahat ng byahe pamaynila ay nasa labas ng waltermart sta. clara. Isang sakay mo lang sa bus ay paniguradong ang baba mo ay manila na. Natigilan ako ng makita ko ang isang estante kung nasaan ang mga kwitas, bracelet, hikaw, relo at may magagandag clip din.



Hindi naman ako mahilig sa mga ganuon perp nakuha pa din nila ang aking pansin. May nakita akong gold na clip, may kulag pula iyong bulaklak sa itaas. Tingnan ko pa lang ay alam kong mabigat iyon, mukhang mamahalin.



"Gusto mo yan? Tathi?" pagsulpot na tanong ni Jan sa akin. Nagulat ako pero kaagad ding nakabawi, nginitian ko siya at inilingan.



"Bagay sayo yung mga ganyan. Pag nagkapera ako, reregaluhan kita" sabi niya na ikinalaki ng aking mata.



"Naku, hindi na kailangan. Hindi ko naman gusto" nahihiyang sabi ko sabay tingin sa nakasimangot na saleslady sa amin.



Napatawa din si Jan ng makita iyon. Mabilis niya akong hinila palabas ng department store. "Ang sungit naman ni ate" natatawang sabi niya na ikinatawan ko din. May Japan homes sa tapat ng department store, may iba't iba ding store.



"Tara tingin tayo duon" sabi ni Jan sabay hila sa akin pagtungo sa miniso. Halos mapanganga ako, ang cute kasi ng mga stufd toys. Yung tatlong bear kaagad ang nakita ko. Nakita ko na sila sa cartoon network.



Kinuha ko yung kulay puti, mabilis kong niyakap dahil ang lambot nuon. Ngumiti si Jan sa akin. Mabilis ko ding ibinalik, baka kasi akalain niya gusto ko iyon. Naglibot libot pa kami hanggang sa muli niya akong hinila patungo sa world of fun. Sandali siyang nagpaalam sa akin na bibilo ng token para makapaglaro kami.



"Anong gusto mo diyan?" tanong niya sa akin habang nakatingin ako sa mga stuff toys. Tinuro ko sa kanya yung kulay puting kuneho.



Tawa kami ng tawa sa tuwing nabibitawan ng pansipit ang stuff toy. "Hala, ok lang Jan. Wag na" natatawang suway ko sa kanya. Ilang beses na siyang sumubok pero ayaw pa din talaga. Balak pa niyang bumili ulit ng token pero pinigilan ko na siya.



"Wala akong nabili para sayo" sabi niya habang palabas kami ng waltermart. Medyo dumilim na din.



"Hindi naman iyon kailangan. Masaya naman..."



Nginitian niya ulit ko. Nahihiyang napakamot nanaman siya sa kanyang batok. "Sana pwede kita ulit yayain" sabi niya kaya naman napakagat ako sa aking pangibabang labi.



"Pwede naman kaso..." nahihiyang sabi ko. Hindi ko alam kung paano ko itutuloy ang litanya ko. Mabait naman si Jan, nagenjoy ako pero ayoko siyang paasahin. Kaibigan lang ang kaya ko.



"Ok lang Tathi. Hindi din naman agad" agap niya kaya naman kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. Sumakay kami ng tricycle pabalik sa amin. Panay pa din ang kwento niya, sumasagot naman ako kung minsan. May mga alam din naman ako sa mga iyon.



Kaagad akong nakareceive ng text mula may Charlie. Nakikichismiss na kaagad ang shuta ni hindi pa ako nakakapasok sa aking kwarto.



Ako:

Nasa bahay na ako.


Charlie:

Ano, naka first kiss ka na?



Napairap ako sa kawalan. Siraulo talaga ang isang ito. Kung hindi ko lamang ito kaibigan iisipin kong ibinebenta niya talaga ako.



Ako:

Walang ganuon, Charlie. Matulog ka na!


Matapos kong isend iyon sa kanya ay pumasok na ako sa banyo para maligo. Tumapat ako sa electric fan para patuyuin ang buhok ko bago ako tuluyang humiga sa aking kama. Kahit anong gawin kong pagikot ay hindi pa din ako makatulog. Kaya naman ng buksan ko ang facebook ko ay kaagad akong nagpost ng senti post.



Ako: Can't sleep :'(


Walang ilang segundo ay nakatanggap nanaman ako ng mga Haha na react. Napanguso ako ng nangunguna nanaman si Charlie sa mga comment. Shuta! Sabi jo matulog na to ah!


Charlie Dafun:

Date pa more!



Gustong gusto ko siyang pekstusan ngayon. Maisip ko pa lang ang ngisi niya ay nangangati na ang kamay kong saktan siya. May ilang kaklase pa kaming nagcomment na hindi ko na lang pinansin. Nakakainit at ginawa pang chat box nung iba yung post ko eh hindi naman iyon related sa post ko. Shuta!



Jan Domingo:

Ako din, Tathi.



Mabilis isinara ang facebook account ko. Napabuntong hininga ako hanggang sa muli kong maramdaman ang pagvibrate ng aking cellphone.



Senyorito baby:

Can't sleep. Thinking about the date huh?


Gulat ako ng mabasa ko ang text niya. Sa facebook ako nagpost pero nakita niya iyon? Paano? Hindi naman kami friends ah.



Imbes na magreply ay kaagad ko siyang hinanap sa facebook. Iadd ko na lang siya para pwede video call minsan. Hehe.



"Cairo Herrer..." sambit ko habang tinitipa ang pangalan niya sa search box.



Mabilis akong napadapa ng makita ko ang account niya. Masyadong misteryoso lalo na't hindi pa kami friends. Ang profile picture niya ay mukhang kuha sa ibang bansa. Nakaupo siya sa isang mukhang mamahaling cafe, may hawak na inumin at nakatingin sa kung saan. Parang model!



Magscroll pa ako. Hanggang sa makita ko ang isang picture na mukhang silang magkakapatid. Napaawang ang bibig ko ng makitang magkakamukha sila. Shit, quadruplets! ang gwagwapo! Mukhang kuha iyon nung pasko, halos lahat kas sila ay nakared. Napatitig ako sa magandang babaeng nasa gitna nilang apat. Ang ganda ng suot nitong dress na kulay pula din. Nang pindutin ko ang mga nakatagged ay isa isang lumabas ang pangalan ng mga ito.



"Tadeo Herrer, Piero Herrer, Kenzo Herrer...Sachi Herrer" basa ko sa mga pangalan nila.


Napanguso ako. "Nakakainggit naman si Sachi" wala sa sariling sambit ko.


Bukod sa mayaman sila ay mayroon pa siyang gwapong mga kuya. Imbes na magstalk pa ulit ay pinindot ko na lamang ang add friend na button. Napahikab ako at hindi na hinintay pa ang pah approved ni Senyorito baby. Sana iapproved!



"Dalaga na ang dugyot na si Tathriana" pangaasar sa akin ni Kuya Jasper kinaumagahan pagkababa ko para kumain ng ulmusal. Sinimangutan ko siya, mabilis akong tumusok ng hotdog at kinagatan iyon.


Tinuro niya ako. "Oh, wala ka ng hotdog. Tig isa isa lang" pangaasar niya sa akin kaya naman napanguso ako. Matapos kong kumagat ng isa ay naghintay na ako kina Mama at Papa. Baka mattempt akong ubusin at wala na akong ulamin.


"Hinihintay namin ang paguwi ni Governor. Hindi kami papayag" sabi ni Papa sa gitna ng aming pagkain.


Tahimik lamang akong nakikinig hanggang sa tawagin niya ako. "May balita ba kung kailan ang uwi ni Governor? Tathi" tanong ni Papa sa akin. Nagkibit balikat lamang ako sabay simsim sa baso ko na may lamang gatas.


Napatikhim si Mama, halatang galit. "Tigilan niyo na kasi ang lupa na iyan. Wala na kayong magagawa" suway nito kay Papa. Napatingin ako kay Kuya Jasper pero tahimik lamang din itonh kumakain na para bang wala rin siyang pakialam sa pinaguusapan.



"Hindi din payag sina pareng Edu maging sina david" sabi ni Papa. Kaagad akong napatingin sa kanya ng marinig ko ang pangalan ni Tito David ang papa ni Charlie.


"Magmamatigas kami kung kinakailangan. Hindi kami papayag, dahas kung dahas..." sabi niya kaya naman kaagad siyang nakatanggap ng hampas mula kay Mama.



"Subukan mo. Hindi mo alam kung paano magisip yang kasamahan mo. Ewan ko sa inyo..." galit na sabi nito kaya naman natahimik na din si Papa. Tahimik akong kumain hanggang sa nagpaalam na ako sa kanila na aalis na ako.


"Sabihan mo kaagad ako pag nandyan si Governor o may balita sa paguwi niya" paalala niya sa akin ng humalik ako sa kanya para magpaalam.


Panay ang hikab ko habang naglalakad patungo sa mansyon. Late na ako natulog kagabi.



"Ay oo nga pala!" hiyaw ko sabay labas ng cellphone ko. Hindi ko pa pala nacheck kung naaaccept na ni Senyorito baby ang friend request ko.



Bumagsak ang magkabilang balikat ko ng makitang hindi pa din kami friends. Habang nagscroll ay nakatanggap ako ng chat mula kay Charlie. Isa iyong link para sa online registration sa BSU. Magonline register muna kami bago kami pumunta duon ng actual.


"Good morning manong guard" bati ko sa kanya kaya naman tinanguan niya lamang ako dahil nagbabasa siya ng diyaryo.



"Oh Tathi. Kalat na kalat sa buong bayan na nakipagdate ka ah" pangaasar sa akin ni Manang bobby kaya naman ramdam na ramdam ko ang paginit ng aking magkabilang pisngi.


"Hindi naman po, Manang" suway ko sa kanya per inirapan niya lamang ako. Napanguso na lamang ako at tsaka dumiretso sa may kitchen.


"Senyorito!" tawag ko sa kanya ng makita ko siyang papasok din sa kitchen, bago paligo siya at hawak hawak niya ang nakatupi pa niyang laptop.



Nagtaas lang siya ng kilay sa akin. "Good morning po" pahabol na bati ko pa pero hindi naman niya ako pinansin.


Imbes na umupo sa may kitchen counter ay lumapit ako sa kanya. Humilig din ako malapit sa may coffee maker kung nasaan siya. Tahimik din siyang nakatingin sa kanyang cellphone.


"Hindi niyo po iaaccept ang friend request ko?" matapang na tanong ko. Sigurado namang nakita niya na iyon pero hindi niya pinansin.


Umiling siya. Hindi pa din inaalis ang tingin sa kanyang cellphone. "Bakit po? Ayaw niyo talaga akong maging friend. Mahilig pa naman akong makipagvideo call..." pangaasar ko sa kanya kahit hindi naman. Nangaasar lang. Haha


Mabilis niyang pinatay ang cellphone niya at pinasok iyon sa kanyang bulsa. Hindi niya tinanggal ang kamay niya duon pagkatapos. Hinarapan niya ako, seryoso pa din ang mukha. Parang tamad na tamad


"I don't want to be friends with you" masungit na sabi niya kaya naman mabilid na humaba ang nguso ako. Tumango tango na lamang ako, hindi ako mamimilit sa ngayon. Bukas na lang ulit, hehe.


Pumasok si Manang bobby sa may kitchen maya naman lumapit ako sa kanya. "Manang paconnect po ako sa wifi ha. Magsasagot ako ng online registration form" paalam ko sa kanya.



Tumango siya sa akin. "Hindi mo ba kasabay si Charlie?"


Napailing ako. "Paniguradong sa computer shop po iyon magoonline. Maraming lalaki duon eh" nakangising sabi ko kaya naman natawa din siya.



"Parang hindi ka na nasanay sa kaibigan mo" sabi niya.



"Pero po, kung mahirapan ako sa phone. Baka mag computer shop na lang ako mamaya paguwi ko" sabi ko sa kanya, baka singilin pa ako ng wifi kahit alam kong unlimited naman iyon.



Nauna akong lumabas sa may garden. Mag register muna ako sa slot bago magumpisa ng trabaho. Umupo ako sa may duyan, panay ang kalikot ko sa aking cellphone, medyo mahirap. Dapat talaga ay sa computer o kaya naman ay sa laptop.


"Tathriana" tawag ni senyorito baby sa akin. Kaagad akong tumayo at patakbong lumapit sa kanya.


"Ano po iyon, Senyorito?" nakangiting tanong ko.


Binuksan niya ang kanyang laptop at iniharap iyon sa akin. "Fill up your form" tipid na sabi niya sa akin sabay iwas ng tingin.



Napanguso ako. Syempre ayos iyon pero magpapakipot muna ako.


"Ok lang po. Sa computer shop na lang po mamay..."


"Ngayon na" madiing sambit niya na mukhang ano mang oras ay magagalit na. Nagawa ko pang ngumiti ng matamis. Kita ko ang pagkunot ng noo niya dahil sa aking ginawa.


"Ikaw pa ba Senyorito baby? Malakas ka sa akin eh" magiliw na sabi ko sabay upo sa katapat niyang upuan.


"Ano?" seryosong tanong niya. Dinilaan ko ang pangibaba kong labi. Shuta. Nanunuyo nanaman ang bibig ko maging ang lalamunan.


"Ang lakas ng wifi..." palusot ko.



Nagtaas siya ng kilay sabay baling sa cellphone niya. "I heard the word baby..." sambit niya kaya naman halos malagutan ako ng hininga.


Hindi na ulit ako nagsalita pa. Hindi naman ako nahirapan dahil tinulungan niya ako. Nagsasagot ako ng form ng may kaagad na nagpop out na message box sa gilid nuon. Napaawang ang labi ko ng mabasa ko ang pangalan.


Kenzo Herrer:

Damn you.



Kumunot ang noo ko. Napatingin ako kay Senyorito baby at nakita kong busy siya sa pagtitipa sa kanyang cellphone. Muling may nagpop out na message box.


Cairo Herrer:

I can't help it.


Nanlaki ang aking mga mata ng marealize ko kung anong nangyayari. Ibig sabihin nakabukas din ang messenger niya dito sa laptop niya kaya naman kung anong ginagawa niya sa phone ay makikita ko dito. Halos magtatambol ng malakas ang dibdib ko.


Kenzo Herrer:

Gusto mong makulong?


Nanlaki ang aking mga mata. Hindi ko pa din talaga alam kung anong gagawin ko. Kahot anong sara ko ng chat box ay nagpapakita pa din ito sa tuwing sumasagot siya o yung Kenzo.



Cairo Herrer:

I'm buying my time.


Napakagat labi ako. Shuta Tathi. Mali ito, hindi mo dapat ito nababasa! Pero chismiss ito!



Kenzo Herrer:

You should be. Bata pa iyan, for pete's sake minor pa iyan!


Cairo Herrer:

Yeah


Halos mahigit ko ang hininga ko ng muling nagpop up ang pangalan ni Senyorito baby.


Cairo Herrer:

But I like her, so much.
I'm dead, smitten



Hindi ko na napigilang mapasinghap. Dahil sa aking ginawa ay nagangat ng tingin si Senyorito baby sa akin. Ramdam na ramdam ko ang init sa aking pisngi.


"What's the problem?" seryosong tanong niya.



Hindi ko siya nasagot kaagad ng muling may lumitaw na message box.



Kenzo Herrer:

What's her name again? Crystal?


Biglang bumagsak ang balikat ko. Ang matayog kong lipad ay biglang sumadsad sa lupa.



"May problema, Tathriana?" seryosong tanong ni Senyorito baby sa akin. Gusto kong maiyak sa di ko malamang dahilan. Shuta!


"Hindi ko po alam kung saan ako pinanganak eh" pagkukunwari kong problema sa pagsasagot ng form.


Tumaas ang isang sulok ng labi niya. "Lagay mo na lang. Sta. Maria bulacan" turo niya sa akin kaya naman malungkot akong tumango. Dahan dahan ang pagtitipa ko ng muling may nagpop up na message box. Ayoko na, ang sakit.


Cairo Herrer:

Idiot!. It's Tathriana!


Halos manlaki ang aking mga mata. "YES!" sigaw ko na may kasama pang pagtayo at paglalahad ng dalawang kamay.



Gulat na gulat si Senyorito baby dahil sa ginawa ko pero wala na akong pakialam. Kung hindi ko napigilan ang sarili ko ay baka sumayaw pa ako sa gitna ng garden.


Hindi matanggal ang ngiti sa aking labi kahit pa natapos na akong magsagot ng form. Panay din ang lingon ko kay Senyorito baby na mukhang iritado sa tuwing sumusulyap ako sa kanya.


"Siraulo" nakakunot noo sambit niya at napailing iling.


Muntik ko ng yakapin ang lahat ng dwende ni snow white dahil sa sobrang saya. Hindi ko ipapaalam sa kanya ang mga nabasa ko. Grabe! Para akong lumilipad sa ere. Ang saya saya!


"Senyorito Cairo, si Engr. Crystal po" anunsyo ng isang kasambahay. Nagkatinginan kami ni Senyorito baby. Imbes na mabadtrip ay nginitian ko pa siya. Kita ko ang gulat sa kanyang mukha dahil sa aking ginawa.


Kahit masaya ay napawi pa din ang ngiti ko ng makita ko na ng tuluyan si engr. Ok umiral nanaman ang pagiging insecure ko. Muli nanaman akong nagiwas ng tingin. Kahit ilang message ang mabasa ko hindi pa din mababago nuon na wala pa din akong maibubuga kumpara kay Engr. At sa mga babaeng taga maynila na makakasalumuha ni Senyorito baby. Isa lang akong batang taga probinsya.


"Tathi!" tawag ni Manang bobby sa akin.


Walang pagdadalawang isip kong binitawan ang ginagawa ko at tumakbo papasok sa bahay. Ramdam ko ang pagsunog ng tingin ni Senyorito baby sa akin. Ok lang baby, hindi ako galit sayo.


"Maghanda ka. Aalis ata si Senyorito, pupuntang sta. Clara para tingnan ang lupa" sabi nito sa akin.


"Sasama pa po ba ako? Eh kasama naman po si Engr" sabi ko. Medyo nailang dahil baka mahalata ni Manang bobby ang pagkabitter ko.



Halos mapaiktad ako ng subukan niyang kurutin ako sa tagiliran. "Tinatamad ka nanaman, pare pareho tayong mapapagalitan ni Governor" suway niya sa akin kaya naman natahimik na lamang ako.



May pinagusapan pa sila senyorito baby ag engr. Sa may garden kaya naman tahimik na lamang akong naghintay sa may sala.



Jan:

Hi Tathi. Nakatulog ka ng maayos?


Tamad akong nagtipa nh reply kay Jan.


Ako:

Ayos naman.



Shuta. Anong sagot iyon? Hindi ko na nahintay pa ang reply niya ng makita ko na ang paglabas nila Senyorito baby at Engr. Mula sa may garden. Nagiwas kaagad ako ng tingin, nanatili akong nakabuntot sa kanilang dalawa.


Napanguso ako dahil alam kong sa likod ako uupo at hindi sa front seat. "Thank you..." malambing na sabi ni Engr. Ng pagbuksan siya ng pintuan ni Senyorito baby.


Dumiretso na lamang ako sa backseat para sana pagbuksan ang sarili ko pero naunahan na ako ni Senyorito. Siya na mismo ang nagbukas ng back seat para sa akin. At halos manigas pa ako ng maramdam ko ang kamay niya sa aking ulo para hindi ako mauntog.


"Behave..." sabi niya ba ikinagulat ako.


Sinundan ko siya ng tingin ng umikot siya para makapunta sa driver seat. Oh ha, wala kang ganuon engr. Ok lang daw mauntog ka.


Habang nasa byahe ay panay ang sulyap sa akin ni Senyorito baby mula sa rear view mirror. Hinayaan ko na lamang siya.


Jan:

Manunuod ka ba ng game namin mamaya?"


Ako:

Hindi ko sure, depende.


Ramdam kaya ni Jan yung walang kabuhay buhay kong text? Nakakapagtrip pa at nagmukhang anak nila akong dalawa dahil nasa likod ako. Nagmagtraffic papasok sa may sta. maria ay nagvibrate ang cellphone ko.


Senyorito baby:

Para sayo yung paper bag. Sa tabi mo


Kumunot ang noo ko, kaagad kong nilingon ang dalawang malaking paper bag. Kulay puti iyon at may nakalagay na miniso sa labas.


Ako:

Itong dalawa po?


Senyorito baby:

Yes


Hindi na ulit ako nakapagtext lalo na't nagsimula na din siyang may drive. Nagumpisa na ding magtanong si Engr. Crystal sa kanya pero hindi ko na pinansin.



Halos manlaki ang mga mata ko ng makita ko ang laman ng paper bag. Iyon yung tatlong bear na stuff toys sa miniso na nalita namin ni Jan.



Sina icebear, panda, grizz.


Muli akong bumaling kay senyorito baby na diretso ang tingin sa kalsada. Hindi na muna ako umimik hanggang sa makarating kami sa pupuntahan namin. Pagkababa ay naunang naglakad si Engr.


"Salamat po. Paano niyo po nalaman?" tanong ko sa kanya.


Nagtaas siya ng kilay. "Hina ng date mo. Give me a challenge next time" sabi niya bago niya ako iwang nakanganga duon.
























(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro