Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

Bad Tathi








Nag drive thru kami ni Senyorito baby. Nag burger king kami dahil sinabi ko sa kanyang gusto kong kumain ng burger. Lumabas pa kami ng bayan para duon. Sa may parking lot kami kumain, nanatili sa loob ng kanyang sasakyan.

"Babalik pa naman po tayo duon di ba? Kasi po laban nila kuya Jasper ngayon" sabi ko sa kanya habang kumakain kami. Tipid niya lamang akong tinanguan kaya naman nginitian ko na lamang siya.

Kain lang ako ng kain. Nakakagutom din pala, hindi kasi ako nakakain ng maayos kaninang almusal at tanghalian dahil sa sobrang kaba. At hindi talaga ako pinakain ni Charlie para daw hindi lumaki ang tiyan ko.

Medyo nailang ako ng makita ko ang panunuod ni Senyorito baby sa akin. Malayong malayo sa kanyang pagkain naparang kalmado lang, ako parang nasa karera.

Tumaas ang isang sulok ng labi niya. Hanggang sa magulat ako ng itaas niya ang kamay niya at ilapit iyon sa gilid ng aking labi. Halos mamanhid ang buong katawan ko ng maramdaman ko ang paglapat ng hinlalaki niya duon.

"Gutom na gutom ka?" nakangising tanong niya sa akin.

Napanguso ako. "Hindi po kasi ako masyadong pinakain ni Charlie. Bawal daw po kasi lalaki ang tiyan ko" sumbong ko sa kanya kaya naman napangisi siya ulit.

"Buti na lang si Charlie ang bestfriend mo" sabi niya kaya naman napaawang ang bibig ko.

"Bakit po?

Nagkibit balikat siya. "Dahil hindi lalaki si Charlie" sabi niya pa naikinatawa ko din.

"Lalaki po si Charlie" laban ko sa kanya. Nagtaas siya ng kilay sa akin.

"Pero hindi ko siya magiging problema" seryosong sabi niya sa akin kaya naman napakunot ang aking noo.

"Naku, problema ko nga po yang si Charlie. Walang inatupag kundi lalaki, palagi pa akong sinasama. Hahanapan daw po niya ako ng lovelife" kwento ko pa sa kanya. Kita ko ang pagtiim bagang niya habang nakikinig siya sa akin.

"Sinasama ka niya saan? Tathriana" seryosong tanong niya sa akin. Parang bigla akong nakaramdam ng takot, masyado siyang seryoso.

Bayolente akong napalunok. "Sinasama po akong maghanap ng lalaki" sagot ko naman sa kanya.

Mas lalong nagdilim ang mata niya. Hindj ko alam kung para saan iyon. Si charlie naman ang pinaguusapn namin. "Mukhang magkakaproblema pala ako..." sabi niya sabay iwas ng tingin. Imbes na magsalita ulit ay napakagat na lamang ako sa aking burger.

Nagawa ko siyang pagmasdan habang kumakain ako. Hindi ko maiwasang purihin ang kanyang kabuuan. Simula sa walang kaeeffort effort na pagkakayos ng kanyang buhok, sa may kahabaan niyang pilik mata, sa nangungusap niyang mga mata. Ang magangos niyang ilong, ang kanyang pouty lips. Ang paggalaw ng panga niya sa tuwing ngumunguya siya, at ang pagtaas baba ng kanyang adams apples sa tuwing lumulunok.

Parang artista sa isang pelikula. Hindi ko inakala na magkakaroon ako ng tyansa na makalapit sa kanya ng ganito kalapit. Maging ang palitan namin ng mga text message ay parang sa panaginip lamang. Simula ng makita ko siya sa event, at naging crush ko siya. Pakiramdam ko ang layo layo ng agwat naming dalawa, hindi lamang sa edad kundi maging sa estado ng aming buhay.

"What are you thinking?" seryosong tanong niya sa akin. Nakatingin na siya sa akin ngayon kaya naman napakurapkurap ako.

"Wala naman po, masaya lang po ako at naging magkaibigan tayo" nakangiting sagot ko sa kanya.

Muling tumaas ang isang kilay niya. Pansin kong palagi siyang ganuon. "Sino nagsabi sayong magkaibigan tayo?" tanong niya sa akin kaya naman napanguso ako. So all this time? Assumera lang akong magkaibigan kami?

Nagtiim bagang siya. Sinubukan niyang kumagat sa burger niya pero sa huli ay parang nawalan siya ng gana at binitiwan iyon. "Ayaw kitang maging kaibigan" seryosong sabi niya sabay iwas ng tingin sa akin.

Muli niyang itinukod ang kanyang siko sa may bintana sa kanyang gawi. Bumaba ang tingin ko sa kanyang labi at nasaksihan ko nanaman kung paano niya paglaruan iyon.

"Sorry po. Akala ko lang po kasi..." malungkot na sabi ko sa kanya.

Tumikhim siya kaya naman muling bumalik ang tingin ko sa kanya. Nanatili ang titig niya sa labas. "Hindi mo pa maiintindihan ngayon, dahil bata ka pa. At ayokong guluhin ang isip mo" seryosong sabi niya sa akin kaya naman kumunot ang noo ko. Halos wala akong maintindihan sa sinasabi ni Senyorito baby.

"Eh paano po pag lumaki na ako? Maiintindihan ko na po?" laban ko sa kanya. Dahan dahan siyang lumingon sa akin.

"I'll wait then" tipid na sabi niya sa akin. Uminit ang pisngi ko.

"Mahihintay niyo po kaya ako? Pag malaki na ako?" nakangising tanong ko sa kanya. Bahala na, better to take the risk.

Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Pwede niyo po ba akong ligawan pag malaki na ako?" nakangiting tanong ko pa sa kanya. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko, ramdam na ramdam ko ang malilikot na paru paru sa loob ng aking tyan.

Ngumiti si Senyorito baby. Itinaas niya ang kamay niya at inilagay iyon sa aking ulo. "Bilisan mong lumaki, kung ganuon" sabi niya sa akin kaya naman nanlaki ang aking mga mata.

Hindi ko napigilang mapapalakpak. Lagi kong tatandaan ito. Hindi tuloy naalis ang ngiti sa labi ko ng ipagpatuloy ko ang aking pagkain ng burger. Kahit pa ilang beses kong nahuhuli si Senyorito baby na tumitingin sa akin ay nginingitian ko na lamang siya.

"Picture po muna tayo, minsan lang ako mukhang malinis eh" sabi ko sa kanya sabay labas ng akin cellphone. Mabuti na lamang at hindi KJ si senyorito dahil nagawa pa niyang lumapit sa akin para makapagselfie kami.

"Yan ang ganda. Ito na ang bago kong wallpaper" pagbibida ko sa kanila. Kita ko ang pagdungaw niya sa aking cellphone.

"Picture din po tayo sa cellphone niyo. Gusto niyo po?" tanong ko sa kanya. Baka naiinggit eh.

Napakagat labi ako ng kuhanin niya ang cellphone niya sa bulsa at iniabot iyon sa akin. Muli akong bahagyang humilig sa kanya para makapagselfie kami. Ramdam ko din siya sa aking likuran. Halos magsitayuan ang balahibo ko sa bayok at braso ng maramdaman ko ang hininga niya sa bandang tenga ko.

Matapos iyon ay ibinalik ko na sa kanya ang cellphone niya. Imbes na itago iyon ay nakita ko pang may kinalikot siya. Naningkit ang aking mga mata habang pinapanuod ko iyon. Pero ng nakita niyang nakatingin ako ay kaagad niyang itinago sa bulsa iyon.

"Bumalik na tayo" sabi niya kaya naman napanguso na lamang ako.

Pagkahinto ng kanyang sasakyan sa court, buong akala ko ay uuwi na siya sa mansyon. Nagulat ako ng makita kong bumaba din siya sa kanyang sasakyan.

"Manunuod din po kayo?" gulat na tanong ko.

Napailing siya. "Magbabantay ako" sagot niya sa akin. Hindi na ako nakapagreact pa dahil kaagad niyang hinawakan ang kamay ko para makatawid na kami.

Malakas na hiyawan ang sumalubong sa amin pagkapasok namin sa court. Second quarter na ng laban. Team iyon nila kuya Jasper at team ng sapang palay.

"Tathi!" tawag ni Charlie sa akin ng makita niya ako sa may bukana ng court. Kanina pa ako nagpapalinga linga para maghanap ng mauupuan, mabuti na lamang at nakita niya ako.

"Senyorito, duon po" sabi ko sa kanya sabay turo sa pwesto ni Charlie. Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin. Bahagya akong napahinto ng magkatulakan.

Napaawang ang bibig ko ng maramdaman ko ang pagpulupot ng matigas niyang braso sa aking bewang.

"Dahan dahan" galit na sabi niya duon sa lalaking bumunggo sa akin.

Nilingon ko siya. Kita ko ang iritasyon niya, matalim din ang tingin niya duon sa lalaki. Hinawakan ko ang braso niyang nakahawak sa bewang ko. Para akong napaso, kaagad din siyang lumingon sa akin ng maramdaman ang paghawak ko.

"Ayos lang po ako" paninigurado ko sa kanya para kumalma na siya. Baka magkasuntukan pa, sayang naman ang gwapong mukha ng baby ko. Sa kaaway niya walang mawawala, sa kanya ibang usapan na.

Nagtiim bagang siya bago siya napabuntong hininga. Akala ko ay bibitawan niya na ako pero hindi pa din pala. Nanatiling nakayakap ang braso niya sa bewang ko hanggang sa makarating kami sa pwesto ni Charlie. Ilang beses na halos sumandal ako sa matigas niyang dibdib.

"Saan ka nanaman nagsususuot! Kanina ka pa hinahanap ni Jan. Nangungulelat sila" reklamo ni Charlie sa akin kaya naman napanguso ako. Napatingin ako sa score board, napangiwi ng makumpirma ko ang sinasabi niya sa akin.

"Jan! Andito na si Tathi!" sigaw ni Charlie. Tumayo pa siya saba turo sa akin. Sa sobrang kahihiyan ay pilit ko siyang hinila paupo pero masyadong malakas ang shuta.

"Siraulo ka talaga..." nahihiyang bulong ko sa kanya. Inirapan niya lamang ako.

Muli siyang napatayo at napasigaw ng makashoot ng tres si Jan. "Ayan na!" sigaw ni Charlie na may kasama pang pagpalakpak.

Hindi ko maiwasang mapasapo sa aking noo. Bayolente akong napalunok ng tangkain kong lingonin ang katabi kong si Senyorito baby. Matalim ang tingin niya sa court. Nakakunot ang noo.

"Ok ka lang po?" pabulong na tanong ko sa kanya. Hindi kasi maririnig kung hindi ako lalapit sa kanya. Masyadong maingay ang paligid.

Galit siyang bumaling sa akin at humilig. "Naiinis ako" sagot niya. Napaawang ang bibig ko.

"Wag na po kayong magalit duon sa kuya. Hindi naman po ako masyadong naipit" pagpapakalma ko sa kanya.

Inirapan niya ako kaya naman muling napaawang ang bibig ko. "Araw araw ka ba dito ha? Araw araw kang manunuod?" tanong niya sa akin. Medyo iritado.


Wala sa sarili akong napailing. "Sa tuwing may laban lang po si Kuya Jasper" sagot ko sa kanya. Bahagya siyang tumango sabay iwas ng tingin. Mukhang nabadtrip si Senyorito baby pagkatapos nuon. Tumahimik na lamang ako, at nakiramdam. Ni hindi ko nga magawang makisaya sa tuwing nakakascore ang team namin.


Sa huli, nanalo ang team namin. Tuwang tuwa tuloy si Charlie kaya naman nagtatatalon siya sa tabi ko. Napatakip na lamang ako sa magkabilang tenga ko. Hinila ako ni Charlie pababa sa court para makisaya. Halos magkanda dapa naman ako dahil sa paglingon ko kay Senyorito baby. Nakasimangot lamang siya habang nakatingin sa akin.


"Ito na ang premyo, Jan" sabi ni Charlie kay jan na ikinagulat ko. Anong premyo?


Nakangiting lumapit ito sa akin. Kakamot kamot pa sa kanyang batok. "Tathi..." nakangiting tawag ni Jan sa akin. Bago pa man ako makasagot sa kanya ay may naramdaman na akong mainit na kamay sa aking likuran. Nang lingonin ko iyon ay si Senyorito baby kaagad ang nakita ko. Matalim ang tingin niya kay Jan.


"Ganito kasi yan, Tathi. Nagkaasaran kasi, na pagnaipanalo ni Jan ang first game. Magdadate kayo!" kinikilig na sabi ni Charlie. Halos nalaglag ang panga ko.


Naghiyawan ang mga kateam mate niya pero ako ay nanatiling laglag ang panga. Mas lalo pa akong nakaramdam ng takot dahil nasa likuran ko si Senyorito baby.


"Pero Charlie..."


Hinawakan niya ang aking braso. "Friendly date lang naman, wag ka ngang maginarte diyan. Nagdadalaga ka na..." suway pa niya sa akin kaya naman napanguso ako.


Gusto ko mang vocal na sabihin sa kanya na ayaw ko ay hindi ko magawa. Ngiting ngiti si Jan habang inaasar siya ng kanyang mga kasama. Hindi ko naman magawang ipahiya siya sa harap ng lahat. Hindi naman ako ganuon.


"Yayayain sana kita sa bukas ng hapon, Tathi" sabi niya sa akin kaya naman halos manuyo ang lalamunan ko. Mariin akong napapikit bago ako dahan dahang tumango sa kanya.


Narinig ko pa ang pagtikhim ni Senyorito baby sa likuran ko bago kinain ng hiyawan ang buong paligid. Nag ngiting aso lamang ako. Shuta! Isa itong trap.


"Uuwi na ako" seryosong sabi ni Senyorito baby. Nanlaki ang mata ko, gustuhin ko pa man sanang lumapit at kausapin siya ay hindi ko na nagawa. Mahigpit ang hawak ni Charlie sa akin, kinikilig pa din at pilit na ibinibenta ako kay Jan.


Halos bumagsak ang balikat ko ng makita ko ang tuluyang paglabas ni Senyorito baby sa court. Kahit nakatalikod siya ay ramdam ko pa din ang galit niya. Galit ba siya dahil makikipagdate ako? Hindi ko naman gusto si Jan eh.


Wala tuloy ako sa mood kahit nung pauwi na kami sakay ng pick up. Sinundo kami ni Papa, panay ang kwento ni Kuya Jasper at Charlie sa kanya ng mga nangyari sa laban at sa akin. Nagdalawang isip pa akong itexg si Senyorito baby, sa huli ay nagawa ko pa din.

Ako:

Nakauwi na po kayo? Pauwi pa lang po kami.


Mabilis akong sumulyap sa may bintana pagkatapos kong isend iyon. "Tito, may date po si Tathi bukas. Yung pinakamagaling na player po ng team" pagbibida ni Charlie kay papa.


Tumawa lamang si Papa. Nagumpisa siyang mangaral sa akin. Napanguso ako, mas gusto ko pa nga sanang tumutol siya. Ayoko naman talagang makipagdate kay Jan.


"Ok lang naman makipagdate, di ba tito? Basta wag lang magpapabuntis si Tathi" sabi ni Charlie sabay tawa silang tatlo. Shuta!

Senyorito baby:

Kanina pa.


Napanguso ako. Ang plain naman ng text niya. Galita kaya siya?


Ako:

Galit ka po?

Senyorito baby:

Bakit nama ako magagalit?

Napasinghap ako. Wag mo sabing assuming nanama ako? Shuta.

Ako:

Kasi po makikipagdate ako?


Senyorito baby:

I don't have a say about that.


Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung anong irereply ko sa kanya. Ano nga ba ang pumasok sa isip ko at inakala kong galit siya dahil makikipagdate ako sa iba. Hay naku Tathi! Yan ang napapala mo sa kakapalan ng mukha mo.


Nagpagulong gulong na ako sa kama ng gabing iyon. Hirap na hirap pa din akong makatulog. Ilang gatas na ang tinungga ko, hindi pa din ako dinadalaw ng antok. Iniisip ko pa din si Senyorito baby, yung biglaang date namin ni Jan at yung sinabi niya sa aking liligawan niya ako pagmalaki na ako. Pero hindi naman siya umoo. Hindi naman siya nagsabing manliligaw talaga siya pagmalaki na ako.

Zombie mode tuloy ako kinaumagahan. Nakangisi si Kuya Jasper sa akin ng makita ko. "Mukhang hindi nakatulog si Tathi ah. Excited sa date nila ni Jan" pangaasar niya sa akin pero inirapan ko lamang siya. Sino namang nagsabing excited ako?


Maging si Mama tuloy pinangaralan ako na para bang magpapakasal na ako. Eh friendly date nga lang daw iyon. Napakamot tuloy ako sa aking ulo.

"Ito na nga pala yung order nila manang bobby mo. Sabihin mo pinasobrahan ko na iyan" sabi ni Mama sa akin habanv inaayos sa plastick yung chicharon naorder nila manang bobby. Tumango tango na lamang ako habang kumakain.

Matapos iyon ay naglakad na ako patungo sa mansyon. Walang pasok ngayon pero kailangan kong magtungo duon para ihatid ang order nilang chicharon. Nakailang hikab ako habang naglalakad, puno ang kamay ko ng plastick. Hindi naman ganuon kahirap, magaan din naman ang chicharon.

"Oh Day off ngayon ah" puna ni manong guard sa akin. Itinaas ko ang mga plastick na hawak ko.


"Magdedeliver lang po"


Pinapasok kaagad ako ni Manong guard. Dumiretso ako sa may kitchen pagkapasok ko sa front door. Sa may second floor kaagad ako tumingin para lang hanapin si Senyorito baby pero masyadong tahimik ang bahay. Nagulat ako ng siya ang makita ko sa kitchen.


"Go...good morning po, Senyorito" bati ko sa kanya. Nautal pa ako dahil sa ayos niya.


Basa siya ng pawis. Tanging itim na gym shorts lamang ang suot niya. Basang basa din ang medyo magulo niyang buhok. Mukhang kagagaling niya lang din sa pagtakbo sa threadmill.


Inirapan niya ako. "Anong ginagawa mo dito? Di ba may date ka?" pagalit na tanong niya sa akin. Napaawang ang bibig ko. Nang makabawi ay kaagad akong sumagot sa kanya.


"Nagdeliver po ako ng chicharon. Tsaka mamayang hapon pa po ang date. Wala naman pong nagdadate ng umaga...hehe" sagot ko. Pilit na pinapagaan ang sitwasyon pero nanatili ang galit niyang ekspresyon.


Tinalikuran niya ako para isalin sa tasa ang kape niyang galing sa coffee maker. Grabe, pati ang likuran niya ay sexy din. Wala na talaga akong masabi!


"At saan naman ang date niyo?" tanong niya sa akin.


Napanguso ako. "Mag samgyup po kami sa may Sta. Clara" sagot ko sa kanya. Kaagad siyang lumingon sa akin.


"Lalabas ka ng bayan? Pinayagan ka?" nanghahamong tanong niya sa akin.


Medyo humigpit ang hawak ko sa chicharon sabay kaming napatingin duon ng marinig ko din ang pagtunog. Mabilis akong bumitaw, mahirap na baka hindi pa mabili nila manang bobby.

"Ok lang naman po kay Papa. Tsaka sabi ni Charlie...ok lang daw po ang makipagdate, basta wag magpapabuntis" inosenteng kwento ko.


Nakita ko kung paano siya nagtiimbagang, bayolente din siyang napalunok. "Dagdag sa problema ko yang kaibigan mo. Tathriana" madiing sabi niya sa akin. Muling kumunot ang aking noo. Hala, bakit pati si Charlie ay naging problema niya. Ibig sabihin, iniisip niya si Charlie? Hay sana all!


Humaba tuloy ang nguso ako. "Pinoproblema niyo po si Charlie, ibig sabihin iniisip niyo siya. Pinoproblema niyo din po ba ako?" tanong ko sa kanya.


Tumalim ang tingin niya sa akin. "Lagi, Tathriana" matigas na sagot niya sa akin. Napasinghap ako at napatakip sa aking bibig.


"Yiee...ibig sabihin iniisip niyo din ako" kinikilig na sabi ko pa sa kanya. Muli siyang umirap sa akin.


Napatigil kami ng may pumasok na isang kasambahay. "Senyorito, Nasa labas po si Engr. Santiago" anunsyo nito kaya naman bumagsak ang balikat ko.


"Epal..." inis na bulong ko. Napalingon ako kay Senyorito baby ng marinig ko ang pagtawa niya. Ngayon ay sumisimsim na siya sa kape niya.


Nanatili ang tingin ko sa kanya. Hanggang sa manlaki ang mga mata ko ng makita kong lalabas siya na ganuon ang ayos.

"Teka po, hindi po ba kayo magdadamit?" tanong ko sa kanya. Ayokong makita siya ni Engr. Santiago na ganuon baka magkacrush pa iyon sa kanya.


Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. "Bakit, ayaw mo akong makita ni Engr. Santiago na nakaganito?" tanong niya sa akin. Walang pakundangan akong tumango.


"Ayoko po..." matapang na sagot ko.


Napangisi siya. "You don't have a say about this, Tathi. Just like, I don't I have say, who you want to date" paliwanag niya sa akin kaya naman napanguso ako.


Umayos siya ng tayo. Humalukipkip siya sa aking harapan. "Umuwi ka na, maghanda ka na sa date mo" mapanuyang sabi niya sa akin.


Bumagsak ang mata ko sa sahig. "Umuwi ka na, bago pa kita..."

Hindi ko na siya pinatapos. Mabilis akong tumakbo palabas ng kusina. Nakasimangot akong lumabas ng mansyon. Ni hindi ko na nga nasuklian ang pagbati sa akin ni Manong guard. Ayoko na nga duon, ayokong makitang magkasama nanaman sila ni Engr. Santiago tapos ganuon pa ang itsura niya. Siguradong magkakacrush si Engr. Sa kanya.


Kung hindi pa pumunta si Charlie sa bahay namin. Hindi pa ako magaayos para sa date namin ni Jan.


"Ay shuta. Wala kang balak?" galit na sita niya sa akin.


Hindi ako simagot. Tamad na tamad lamang akong gumalaw. Hanggang sa sumigaw si Kuya Jasper mula sa baba.


"Andito na si Jan! Tathi!" sigaw niya. Mas nauna pang kinilig si Charlie samantalang ako ay walang kaemoemosyon.


Sa huli, nahpatinaog na lamang ako sa kanya pababa ng hagdanan. Pinilit kong ngumiti ng nasa harapan na kami ni Jan. Hindi ko maiwasang hindi siya purihin, ang gwapo din niya sa suot niyang itim na polo shirt.


"Ok ka na?, Tathi" nakangiting tanong niya sa akin. Nahihiya akong napatango.


Bumyahe kami patungo sa sta. Clara. Panay ang kwento sa akin ni Jan ng kung ano ano. Nanatili ang isip ko sa kung saan. Hanggang sa makapunta na kami sa korean restaurant. Uso ngayon ito, kahit saan ka lumingon ngayon ay may samgyup.


Kahit papaano ay naexcite ako. Sa facebook at tv ko lang ito napapanuod. Ang saya kayang maglutolutuan.


Si Jan ang kumausap sa waiter. Nanatili lamang tahimik na nakamasid sa mga nasa kabilang mesa. Naeexcite na din tuloy akong magluto. Tapos magfeeling korean.


"Ok lang ba sayong dito tayo?" tanong niya sa akin kaya naman napatango ako.


"Matagal ko ng gusyong itry ito" sagot ko sa kanya. Mas lalong lumawak ang kanyang ngiti.


"So, it's your first time. Tapos ako pa ang kasama mo" magiliw na sabi niya sa akin.


Isa isang inilapag sa amin ang mga meat at side dish. Nagkatuwaan pa kami ni Jan kung sino ang magluluto, hinayaan niya ako ng sabihin kong pangarap ko talagang magluto. Tuwang tuwa siya sa sinabi ko.


"Ang saya pala nito noh!" puri ko habang niluluto yung meat. Tumango tango si Jan. Panay ang inom ng ice tea dahil unli din iyon.


"Say ahh...Tathi"

Nagulat ako ng ilapit niya sa akin ang chopstick na may maliit na patatas. Nagngiting aso ako bago ko iyon tinanggap. Mas lalong lumawak ang ngiti niya.


"Masarap?" tanong niya na ikinatango ko.


Kinuha ni Jan sa akin ang tong. Siya naman ang nagluto ng meat ngayon para daw makakain na ako. Medyo hirap ako magchopstick kaya naman napapatawa kaming dalawa. Napatigil lamang ako ng maramdam ko ang pagvibrate ng cellphone ko.


Senyorito baby:

Ito pala ang gusto mo, hindi mo sinabi sa akin.


Nanlaki ang aking mga mata. Bayolente akong napalunok. Paano niya...kaagad akong nagpalinga linga. Halos mapasinghap ako ng makita ko si Senyorito baby sa kabilang dulo. Magisa lamang siya, parang tamad na tamad na nagluluto ng meat.


Ako:

Ano pong ginagawa niyo dito?


Hindi na ulit ako tumingin sa kanya. Baka kasi mahalata ni Jan.


Senyorito baby:

Edi kumakain. Ang boring.


Napanguso ako.

Ako:

Hindi naman po. Masaya nga eh.


Senyorito baby:

Come here then, ako naman ang ipagluto mo.


Shutaness. Kung pwede lang iwanan si Jan. But it's bad! Bad Tathi!


















(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro